Professional Documents
Culture Documents
Kahulugan ng Wika
Binanggit ni Asenjo (2015) sa kaniyang papel na Tungo sa Multilingguwalismo at
Pagkakapantay-pantay: Wika at Kasarian sa Panitikan na ang kaniyang turing sa wika ay
ayon sa pagpapakahulugan ng Aleman na si Karl Marx. Ayon kay Marx, ang wika ay
isang kamalayang praktika. Ipinaliliwanag ng kaisipang ito na ang wika ay isang
elementong nagtutulak sa tao upang lumikha. Sa pamamamagitan ng wika, ang tao ay
nakauugnay sa daigdig.
Ayon naman sa Introduction to Applied Linguistics ni Henry Gleason, ang wika ay
masistemang balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo na ginagamit sa komunikasyon ng mga tao sa isang tiyak na kultura.
Samakatuwid, ang wika ay isang prosesong nagsisimula sa pagbuo ng kaisipang
tinutumbasan ng makabuluhang mga tunog.
Mga Teorya sa Pinagmulan ng Wika
Ang teorya ay sistematikong pagpapaliwanag tungkol sa kung paanong ang dalawa o higit
pang penomenon ay nagkauugnay sa bawat isa.
Ang mga teorya ay haka-haka rin ng mga indibiduwal na nagtangkang magpaliwanag ng
anumang bagay na naitala sa kasaysayan.
Tinatayang may 3,000 taon na ang nakalilipas nang magkaroon ng interes ang tao na pag-
aralan ang pinagmulan ng wika (Pena, 2015).
Nahahati sa dalawang pangkat ang mga teorya ng pinagmulan ng wika ng tao: (1)
ang Teoryang Biblikal at (2) ang Teoryang Siyentipiko o Makaagham.
Ang Teoryang Biblikal
May dalawang tala mula sa Bibliya ang tumalakay tungkol sa paglaganap ng iba't ibang wika sa
panig ng mundo. Ito ay ang kasaysayan ng Tore ng Babel na binabanggit sa Lumang Tipan, at
ikalawa ang Pentecostes na nasa Bagong Tipan naman.
Tore ng Babel
Lalong kilala ito sa tawag na Teorya ng Kalituhan, hango ito sa aklat ng Genesis na
sinasabing noon ay may iisang wikang ginagamit ang tao, iyon ang wikang Armaic.
Dahil sa iisa ang wikang ginagamit ng mga tao, nagkaisa silang magtayo ng isang tore sa
kapatagan ng Shinar na sa paglalarawan sa aklat ng Genesis ay aabot sa langit, at magiging
tanyag sa daigdig.
Ang kapangahasang ito ng mga tao ay nasaksihan ng Diyos, kaya iniba-iba Niya ang wika
(Carpio 2012).
Pentecostes
Matatagpuan ito sa ikalawang aklat ng mga Gawa bersikulo 1-12.
Tinutukoy nito ang Pentecostes ng pagsapit ng banal na Espiritu Santo.
Nakasaad dito na minsang nagtipon-tipon sa isang lugar ang mga Apostol nang may
narinig na ugong na nagmumula sa langit at may tila apoy na hugis dila ang lumapag sa
bawat isa, at sila ay napuspos ng Espiritu Santo.
Pagkatapos nito, nagsimula silang magsalita ng iba't ibang wika.
Ang Teoryang Siyentipiko o Makaagham
Nagsimula noong ika-12 siglo ang pag-aaral tungkol sa pagkakaroon ng iba’t ibang wika sa mundo.
Narito ang mga sumusunod na teorya:
Teoryang Bow-wow
Ipinagpapalagay ng teoryang ito na nagmula ang wika sa pangagaya o panggagad ng tao
sa mga tunog na nagmumula sa kalikasan. Halimbawa:
Tahol ng aso at tunog ng lagasgas ng tubig sa talon
Teoryang Ding-dong
Tanyag din ang teoryang ito sa tawag na Teoryang Natibistiko.
Ipinapalagay ng teoryang ito na nagmula ang wika mula sa pagbigay ngalan ng tao sa mga
bagay batay sa tunog na maririnig mula rito, sa ibang salita buhat sa onomatopeia na
maikakabit sa bagay.
Halimbawa:
Tunog ng kampana ay ding-dong, habang tik-tak ang salita para sa orasan
Teoryang Pooh-Pooh
Tinataya ng teoryang ito na dahil sa matinding emosyon, nakabubulalas ang tao ng tunog,
na natuto ang tao na makipag-usap sa kagustuhan niya na maipahatid ang kaniyang
emosyon.Halimbawa: Sakit: Aray! Paghanga: Wow!
Teoryang Yo-he-ho
Ang wika ay nagmula sa mga ingay na nalilikha ng mga taong magkakatuwang at
magkakasama sa kanilang paggawa gaya ng pagbubuhat ng mabibigat na bagay.
Ang teoryang ito ay nakatuon sa tunog na nalilikha ng tao na nagmumula sa kaniyang
puwersangpisikal.Halimbawa: Tunog na nalilikha kapag nagbubuhat ng mabibigat na bato
Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sinaunang tao sa sinaunang
sibilisasyon, sa kanilang mga ritwal at dasal.
Halimbawa: Sa ritwal na sayaw ng mga Mangyang Alangan
Mahahalagang Kaalaman
Mayoong dalawang kategorya ng mga teoryang nagpapaliwanag ukol sa pinagmulan ng
wika ng tao sa daigdig: Teoryang Biblikal at Teoryang Siyentipiko o Makaagham.
Kabilang sa Teoryang Biblikal ang Teorya ng Tore ng Babel at Teorya ng Pentecostes.
Ayon sa Teorya ng Tore ng Babel, ang pagkakaroon ng wika ay naganap nang tangkain ng
mga tao na magtayo ng napakataas na tore na sisimbolo sa katanyagan ng tao.
Ayon sa Teorya ng Pentecostes, nag-ugat ang pagkakaroon ng iba't ibang wika sa daigdig
nang nilukuban ng Espiritu Santo ang mga apostoles ni Kristo at nagsalita sila ng iba't ibang
wika.
Kabilang naman sa mga teoryang makaagham ang mga teroyang Bow-wow, Ding-dong,
Pooh-pooh, Yo-he-ho, at Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay.
Mahalaga ang wika sa pang araw-araw na buhay ng tao. Wika ang nag-uugnay sa atin upang
makipag-usap sa kapwa. Upang makita ang mas epektibong paggamit ang wika, pinag-aaralan
ito.
Gawain ng Dalubwika (Dalubhasa + Wika)
Dalubwika ang taong nagpapalalim at nagpapalawak ng kaalaman sa wika. Tinatawag
na lingguwistika ang siyentipikong pag-aaral ng wika.
Ilan sa mga pinag-aaralan ng dalubwika ay ang mga sumusunod:
Wika at komunikasyon: apat na makrong kasanayan sa wika (pagbasa, pagsulat, pakikinig,
at pagsasalita)
Wika at lipunan: ginagampanang papel ng wika sa iba’t ibang bahagi ng lipunan (wika sa
edukasyon, wika sa relihiyon, wika sa pangangalakal, wika sa media at internet, at iba pa)
Pagsasalin ng isang akda sa ibang wika
Mga Kilalang Dalubwika
Ilan sa mga kilalang dalubwika o dalubhasa sa wika sa Pilipinas ay sina:
Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura
Bienvenido L. Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura
Bro. Andrew Gonzalez, FSC, dating Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon
Pamela Constantino, propesor sa Unibersidad ng Pilipinas
Iba’t ibang Kahulugan ng Wika
Ayon kay Henry Allan Gleason Jr. (linguist at propesor sa University of Toronto) – ang
wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng tao na bahagi ng isang kultura sa komunikasyon.
Ayon kay Henry Sweet (philologist, phonetician, at grammarian) – ang wika ay
pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng mga pinagsama-samang tunog upang maging
salita.
Ayon kay Ferdinand de Saussure (linguist at semiotician) – ang wika ay pormal na sistema
ng mga simbolo na sumusunod sa patakaran ng isang grammar upang maipahayag ang
komunikasyon.
Ang depinisyon ng wika ay nagbabago-bago depende sa gamit ng wika gaya ng pagpapahayag
ng ideya o mahalagang komponent ng komunikasyon.
Mga Teorya sa Pinagmulan ng Wika
Ang teorya ay sistematikong pagpapaliwanag tungkol sa kung paanong ang dalawa o higit
pang penomenon ay nagkauugnay sa bawat isa.
Ang mga teorya ay haka-haka rin ng mga indibiduwal na nagtangkang magpaliwanag ng
anumang bagay na naitala sa kasaysayan.
Tinatayang may 3,000 taon na ang nakalilipas nang magkaroon ng interes ang tao na pag-
aralan ang pinagmulan ng wika (Pena, 2015).
Nahahati sa dalawang pangkat ang mga teorya ng pinagmulan ng wika ng tao: (1)
ang Teoryang Biblikal at (2) ang Teoryang Siyentipiko o Makaagham.
Idyolek
Ang idyolek ay ang indibidwal na paggamit ng wika. Nagmula sa dalawang salita ang
idyolek: idio- na ngangahulugang sarili at lect na nangangahulugang tiyak na anyo ng wika.
Dayalek, Sosyolek, at Idyolek sa Modernong Teknolohiya
Isang halimbawa upang maipakita ang pagkakaiba-iba ng paggamit ng tao sa wika ay sa
pamamagitan ng text messaging. Halimbawa, sa nais itanong na "nasaan ka na?" ay maaaring
magkaroon ng iba’t ibang pamamaraan ng pag-text sa mensaheng ito.
Mahahalagang Kaalaman
May pagkakaiba-iba sa paggamit ng wika ang mga tao.
Dayalek ang tawag kung ang sanhi ng pagbabago sa wika ay ang lugar.
Sosyolek ang tawag kung ang sanhi ng pagbabago sa wika ay lipunan.
Ang bawat tao sa mundo ay may sariling paggamit ng wika at tinatawag itong idyolek.
Kahulugan ng Wikang Panturo
Mahalaga sa lipunan at kulturang Pilipino ang edukasyon. Isa sa mga sangkap ng edukasyon ang
wikang ginagamit sa pagtuturo. Sa mga dalubwika, ang wikang panturo ay (mga) wikang
ginagamit o itinatalaga ng pamahalaan para sa edukasyon. Ang (mga) wikang ito ang siyang
mahalagang ginagamit ng guro, mga administrador, at mag-aaral sa loob ng kani-kanilang
paaralan.
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang wikang panturo ay opisyal na (mga) wikang
ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa loob ng pormal na sistemang pang-edukasyon.
Sa parehong depinisyon ng wikang panturo, mahahalagang sangkap ang sumusunod:
1. Pamahalaan /Opisyal – kinakailangang may mandato ang wikang panturo mula sa
pamahalaan.
2. Sistemang pang-edukasyon – ang wikang panturo ay nakasentro lamang sa sistemang
pang-edukasyon. May pagkakataon na iba ang ang wikang panturo sa wikang pambansa
(kaso ng India at Canada).
3. Kaalaman at/o Pagkatuto– nakatuon sa pagpapalalim at pagpapalawak ng pagkakaroon
ng kakayahan ng mga mag-aaral na matutuhan ang mahahalagang asignatura.
Kahalagahan ng Wikang Panturo
Kung babalikan ang parehong pagpapakahulugan ng wikang panturo, binibigyang-diin nito ang
wikang panturo na behikulo ng pagpapasa ng kaalaman at mahahalagang kakayahan ng isang
bata upang maging handa sa paglaki at makapagtrabaho. Ilan sa punto kung bakit mahalagang
usapin ang wikang panturo ay:
esensyal sa kakayahan ng mag-aaral na maipahayag ang sarili;
paraan upang makilala pang lalo ng mag-aaral ang sarili bilang mamamayan ng kaniyang
bansa;
daluyan ng kaalaman at hindi dapat maging balakid sa mga mag-aaral sa pagkatuto;
tulay upang magkaunawaan ang mag-aaral, guro, at ang paksang pinag-aaralan; at
nagbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat ng mag-aaral na matuto nang sabay-sabay.
Kasaysayan ng mga Wikang Panturo sa Pilipinas
Ang wikang panturo sa Pilipinas ay nabuo at umunlad sa pagdaan ng panahon:
Mga Wikang Panturo sa Pilipinas sa Kasalukuyan
Batay sa Artikulo XIV, Seksiyon 6, ng Konstitusyon ng 1987, Filipino at Ingles ang wikang panturo.
Noong 2009, nagkaroon naman ng DepED Order no. 74 na nagsasaad na gagamitin na sa pag-
aaral ang mother tongue o ang unang wika ng bata. Noong 2012, pinalakas pa ito ng DepED Order
no 31, na nagsasaad na “Mother tongue shall be used as a medium of instruction and as subject
for Grades 1 to 3. English and Filipino shall be used from Grades 4 to 10.”
Ang Mother Tongue-Based Multilingual Education o MTBMLE ay naglalayong gamitin ang unang
wika ng mag-aaral sa pag-aaral sa lahat ng asignatura mula Grade 1 hanggang Grade 3, maliban
sa Filipino at English. Sa kasalukuyan, mayroong 19 na wika ang tinuturing na mother tongue:
Ang wikang panturo ay mahalaga upang maibahagi ng guro at matuto ang mag-aaral ng kaalaman
at kakayahan. Upang hindi basta-basta mabago ang wikang panturo, mahalagang naisasabatas
ito. Sa kasalukuyan, may tatlong wikang panturo sa bansa: mother tongue o unang wika, Filipino,
at Ingles.
Sanggunian:
Constantino, Pamela. (editor). Filipino at Pagpapaplanong Pangwika: Ikalawang
Sourcebook ng SangFil. Lungsod Quezon at Lungsod Maynila: Sentro ng Wikang Filipino-
UP Diliman, Sanggunian sa Filipino, Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining.
2005.
Constantino, Pamela at Monico Atienza (mga editor). Mga Piling Diskurso sa Wika at
Lipunan. Quezon City: University of the Philippines Press, 1996.
Jocson, Schedar D. Politika ng MTBMLE. MA Thesis. Unibersidad ng Pilipinas–Diliman.
2013.
Multilingguwalismo
Multilingguwalismo ang tawag sa paggamit ng wikang pambansa at mga katutubong wika bilang
mga pangunahing midyum sa pagtuturo, pag-aaral, at pakikipagtalastasan, bagaman hindi
isinasantabi ang wikang global na itinuturing bilang isang mahalagang wikang panlahat.
Mahahalagang Kaalaman
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa pagkatuto at pagsasalin ng kaalaman.
Ang bilingguwalismo ay ang paggamit ng dalawang wika sa pagtuturo at pagsasalin ng
kaalaman: Filipino at Ingles.
Ang multilingguwalismo ay ang paggamit ng higit pa sa dalawang wika sa pagtuturo at
pagsasalin ng kaalaman: katutubong wika, Filipino, at Ingles.
Bagaman isinusulong ang paggamit at pagpapalaganap ng unang wika at wikang
pambansang Filipino, nililinaw rin na hindi isinasantabi ang Ingles bilang wikang global.
Pinaniniwalaang ang pag-aaral at pagiging bihasa sa unang wika ay nagbubunsod ng mas
madaling pagkatuto ng iba pang wika.
Ang pagsisikap na maging mahusay sa unang wika at sa kalaunan ay sa wikang pambansa
ay isang paghahanda tungo sa pagiging bihasa sa global na wika, at sa iba pang kasanayan.
Ang Register ng Wika
Ang heteregenous na kalikasan ng wika ay ang pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng iba’t ibang
indibidwal at pangkat na may magkakaibang uring pinagmulan, gawain, tirahan, interes,
edukasyon, at iba pang mga salik.
Ang baryasyon ng wika ay bunga ng pangangailangang tumugon sa hinihingi ng iba't ibang
sitwasyon o konteksto. Ang paggamit ng wika sa partikular na konteksto ay nakabatay rin sa mga
alituntuning pinagkakasunduan ng grupo o komunidad na gumagamit ng wika.
Nakikilala naman ang register ng wika ayon sa larangan o field. Ang mga nagsasalita sa bawat
larangan ang bumubuo sa mga bokabularyong mayroon ang bawat larangan. Ang pagbubuo ng
bokabularyo ay nangyayari kapag nagdaragdag ng mga bagong termino o salita na kakatawan o
tutukoy sa mga bagong konsepto sa nasabing larangan. Sa kabilang banda, nakalilimutan din ang
mga terminong hindi na madalas gamitin, o napapalitan ng mas kilalang katawagan sa paglipas
ng panahon.
Noong 1966 lamang sinimulan ang intelektuwalisasyon ng wikang Filipino sa larangan ng
agham nang bigyang-laya ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang mga guro na magpasya kung Ingles
o Filipino ang gagamiting wikang panturo sa agham at matematika.
Mga Hakbang sa Istandardisasyon at Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino sa Larangan ng
Agham
Upang magkaroon ng istandardisasyon at intelektuwalisasyon ng wikang Filipino ay isinagawa
ang sumusunod na mga hakbang:
Istandardisasyon ng pagbabaybay
Pagsusulat at publikasyon ng mga aklat pang-agham sa wikang Filipino
Pagsasalin at pagpapalaganap ng mga terminolohiya
Pagpapaunlad ng kaalaman at kasanayan ng mga guro sa agham
Mahahalagang Kaalaman
Ang wika ay may heterogenous na kalikasan bunga ng pagkakaiba-iba ng mga wika o
salitang ginagamit ng iba't ibang pangkat ng tao.
Ang register ng wika ay ang pagkakaroon ng terminolohiya o mga salitang angkop at
ginagamit sa isang partikular na larangan o field.
Ang Pagtuklas sa Barayti
May mga kakilala kang iba ang wikang ginagamit kumpara sa wikang ginagamit mo. May ilan ding
bagaman kapareho mo ang wika, magkaiba naman kayo ng paraan ng pagsasalita; maaaring
magkaiba ang mga salitang madalas ninyong gamitin o magkaiba ang punto ng inyong
pagsasalita. Ang ibig lang sabihin nito, magkaiba kayo ng barayti ng wikang ginagamit ng kakilala
mo.
Klasikong Pilosopo
Sang-ayon sa pangkalahatang paniniwala ng klasikong pilosopo sa lahat ng bagay sa mundo, ang
wika ay itinuturing na biyayang galing sa Dakilang Lumikha. Napasubalian ang paniniwalang ito
dahil sa obserbasyon na naiiba ang wika ng iba’t ibang tao na mula sa magkakaibang lugar.
Sosyo-lingguwistiko
Nabuo ang unang grupo ng mga sosyo-lingguwistiko mula sa mga emperisista at rasyonalista.
Nagpanukala sila ng tatlong pagtingin tungkol sa ugnayan ng wika at lipunang gumagamit nito:
1. Ang wika ay hindi kumpleto sa sinumang tagapagsalita; umiiral lamang ito sa loob ng isang
kolektibo.
2. Ang wika ay hindi isang simpleng instrumento ng komunikasyon na ginagamit ng
indibidwal ayon sa isang sistema ng mga alituntunin, kundi isang kolektibong puwersa.
3. May dalawang direksiyon ang pagbabago ng wika, dimensiyong sosyal at dimensiyong
heograpikal.
Mga Barayting Nabubuo
Mula sa mga unang palagay na inilatag ng mga sosyo-lingguwistiko, nabuo ang dalawang barayti
ng wika: dayalekto at sosyolek.
1. Dayalekto - ang barayti ng wikang nabubuo sa heyograpikal na dimensiyon. Nakabatay
ang mga salitang ginagamit ng mga tao sa pang araw-araw nilang gawain at pamumuhay
na mahigpit namang nakaugnay sa kapaligirang kanilang kinikilusan. Dahil dito, nag-iiba
ang mga salitang ginagamit ng mga tao na mula sa magkaibang lugar, o kapaligiran.
Sosyolek - ang barayti ng wikang nabubuo sa sosyal na dimensiyon.
Halimbawa:
Mas mayaman sa mga salitang may kinalaman sa teknolohiya ang wika ng kabataan kaysa
wika ng matatanda.
Lumilikha ng sariling mga terminolohiya ang mga bakla. Ang mga salitang ito ay magiging
bahagi ng kanilang wika na tinatawag na Gayspeak o Bekimon.
Sa pagpapatuloy ng obserbasyon, nakitang maliban sa dayalekto at sosyolek, may dalawang
barayti pa ng wika na nabubuo dahil sa partisipasyon ng mga tao sa iba’t ibang gawain at grupo:
ang idyolek at rehistro.
Ang idyolek ay ang personal na paraan ng paggamit ng wika ng isang indibidwal. Bawat
indibidwal ang may personal na wika.
Halimbawa, si Rica ay isang anak, kapatid, kaibigan, kaklase, kalaro, kakilala, estudyante,
manlalaro, babae, teenager, at Caviteño. Ibig sabihin, ang kaniyang wika ay may halu-
halong sosyolek at dayalekto.
Rehistro ang tawag sa espesyal na wika ng isang partikular na larangan. Halimbawa, ang
salitang "bato" ay maaaring magkaroon ng iba't ibang kahulugan para sa iba't ibang
propesyon:
Makikita sa araling ito ang mahigpit na ugnayan ng wika at lipunan. Isa ito sa maraming patunay
na ang wika ay kaluluwa ng lipunan. Kung ano ang nasa lipunan mo, iyon ang nasa wika mo.
Homogeneous na Kalikasan ng Wika
Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang epektibong makapagpahayag
ng damdamin at kaisipan. Kakambal ng wika ang kulturang pinagmulan nito, kung kaya mahalaga
rin ang papel na ginagampanan ng wika sa pagpapalaganap at pagpapayabong ng kulturang
pinanggalingan nito.
Mayroong mahigit sa 100 wika ang ginagamit sa 17 rehiyon sa Pilipinas. Bawat wika ay mayroong
kani-kaniyang katangian. Gayunpaman, bilang behikulong ginagamit upang magkaunawaan ang
mga tao, nagtataglay ang mga wikang ito ng mga pagkakatulad. Ito ang tinatawag
na homogeneous na kalikasan ng wika.
Ang kalikasang ito ay tumutukoy sa mga katangiang taglay ng lahat ng wika anuman ang
pinagmulan at kultura ng pamayanang inusbungan nito.
Wika: Isang Masistemang Balangkas
Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog na binibigkas sa isang
wika.
Morpema naman ang tawag sa makabuluhang yunit ng salita na nabuo mula sa mga
tunog.
Ang pag-aaral ng mga ponema ay tinatawag na ponolohiya,
samantalang morpolohiya naman ang pag-aaral ng mga morpema.
Ang wika ay isang masistemang balangkas sapagkat pinagsasama-sama at isinasaayos ang
mga salita upang makabuo ng pangungusap. Ang pagsasaayos na ito na nagtatakda ng
mensahe ng pangungusap ay tinatawag na sintaks.
Wika: Arbitraryo at Dinamiko
Lahat ng wika ay may mga katangiang arbitraryo at dinamiko.
Arbitraryo ang Wika
Ang wika ay natututuhan sa lipunan, kung kaya kinakailangang makipag-ugnayan sa
kapwa upang mapag-aralan ang paggamit sa isang wika.
Ang wika ay pinagkakasunduan. Nagkakaunawaan sa kahulugan ng mga salita ang mga
gumagamit nito. Hindi dinidikta ng mismong itsura at tunog ng salita ang kahulugan, kung
kaya masasabing arbitraryo ang wika. Halimbawa nito ay kung paanong ang salitang
Tagalog na "kamay" ay "ima" sa wikang Ilokano, "kamot" naman sa Bikolano, at "gamat"
naman sa Kapampangan.
Dinamiko ang Wika
Ang wika ay patuloy na nagbabago at umuunlad. Mayroong mga salitang nagbabago ang
kahulugan o nagkakaroon ng dagdag na kahulugan sa paglipas ng panahon. Halimbawa
nito ay kung paanong ang salitang "tuyo" ay may parehong kahulugang "hindi basa," at
"isdang binilad at kinakain na bagay pang-agahan."
Wika: Bahagi ng Kultura at May Sariling Kakanyahan
Bukod sa pagiging arbitraryo at dinamiko, ang wika ay sumasalamin din sa isang bahagi ng kultura
at may sariling kakanyahan.
Bahagi ng Kultura ang Wika
Sinasalamin ng wika ang kulturang pinagmulan nito.
Halimbawa: Sa wikang Arabe ay mayroong iba’t ibang katawagan para sa mga uri ng kamelyo.
Ang mga salitang ito ay wala sa ating wika dahil hindi bahagi ng kulturang Pilipino ang paggamit
ng mga kamelyo. Kung gayon, hindi maisasalin sa Filipino ang mga salitang Arabe para sa salitang
kamelyo dahil walang katumbas ang mga salitang ito sa ating wika.
May Sariling Kakanyahan ang Wika
Ang lahat ng wika ay may natatanging palatunugan, leksikon, at estrukturang
panggramatika.
Halimbawa: Ang wikang Nihonggo ay sumusunod sa estrukturang "paksa-layon ng pandiwa-
pandiwa" samantalang ang Ingles ay "paksa-pandiwa-layon ng pandiwa."
Mahahalagang Kaalaman
Ang wika ay nagtataglay ng mga pagkakatulad, ito ay tinatawag na homogeneous na
kalikasan ng wika.
Ang wika ay may mga homogeneous na kalikasan: isang masistemang balangkas,
arbitraryo, dinamiko, bahagi ng kultura, at may sariling kakanyahan.
Sa kabila ng pagiging arbitraryo at dinamiko ng wika ay mababakas pa rin ang likas na
pagkakatulad ng wika.
Heterogeneous na Kalikasan ng Wika
Ang salitang heterogeneous ay mula sa mga salitang Griyego na hetero, na
nangangahulugang "magkaiba," at genos, na nangangahulugang "uri o lahi."
Ang heterogeneous na kalikasan ng wika ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wika bunga
ng paggamit ng iba’t ibang indibiduwal, at pangkat na may magkakaibang uring
pinagmulan, edad, kasarian, gawain, tirahan, interes, edukasyon, at iba pa.
Heterogeneous na Kalikasan ng Wika Ayon sa Ilang Dalubwika
Ayon sa ilang dalubhasa, mayroong mga katangian ang wika na nagpapakita sa pagkakaiba-iba
nito o heterogeneous na kalikasan nito.
Ferdinand de Saussure (1915)
Ang wika ay hindi kumpleto sa sinumang tagapagsalita, umiiral lamang ito nang ganap sa
loob ng isang kolektibo.
Ang pagkatuto ng wika ay produkto ng pakikisalamuha ng tao sa kaniyang kapwa.
Rosario Alonzo (1993)
Ang barayti ng wika ay isang maliit na pangkat ng pormal o makabuluhang katangian na
nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyonal.
Ang wika ay may dalawang uri o barayti: permanente at pansamantala.
Barayting Permanente
Mayroong barayti ng wika na itinuturing na permanente:
Dayalekto
Ito ang barayting batay sa pinanggalingang lugar, panahon, at katayuan sa buhay ng isang
tao.
Idyolek
Ito ang barayting kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat indibiduwal na
gumagamit ng wika.
Ang Pangalawang Wika
Ang pangalawang wika ay tumutukoy sa wikang natutuhan ng isang tao matapos matutuhan ang
kaniyang unang wika. Ito ay nauunawaan ng mga taong nasa komunidad na kinabibilangan niya
kung saan ginagamit ang pangalawang wika bilang opisyal na gamit sa komunikasyon, edukasyon,
pakikipagkalakalan, at iba pang gawain.
May tatlong pangunahing perspektiba o pananaw sa pagtuturo ng pangalawang wika:
Lingguwistikong Perspektiba
Sa tradisyonal na pananaw, pinaniniwalaang ang pinakamainam na paraan upang matuto ang
isang tao ng anumang wikang hindi niya unang wika ay sa pagkatuto ng mga salita.
Sosyolingguwistikong Perspektiba
Naninindigan ito na mahalagang maunawaan ang ugnayan ng pag-aaral at paggamit ng
pangalawang wika at ng kontekstong panlipunang kinabibilangan nito.
Pulitikal/Ideolohikal na Perspektiba
Ang perspektibang ito ay nakatuon sa wika bilang tagapagdala ng ideolohiya, pananaw-mundo
(worldview), kulturang banyaga, at relihiyon.
Namamalayan man o hindi, ang pagtuturo ng wika ay may kaakibat na pagtataguyod ng mga
partikular na pananaw na naipapasa sa mga mag-aaral.
Mahahalagang Kaalaman
Ang pangalawang wika ay wikang natutuhan ng isang tao matapos niyang matutuhan ang
kaniyang unang wika.
May tatlong pangunahing perspektiba sa pag-aaral ng pangalawang wika: lingguwistika,
sosyolingguwistika, at pulitikal/ideolohikal.
Mahalagang mabatid ng isang mag-aaral ng wika na hindi sapat na malaman lamang niya
at masunod ang alituntunin sa istruktura at gramatika.
Nararapat na malaman ng mag-aaral ng wika na bahagi siya ng mas malawak na lipunan
at magkakaroon siya ng kamalayan sa iba’t ibang kahulugan ng pananalita at pakikipag-
ugnayan sa ibang tao.
Kinakailangang ang sinumang mag-aaral ng wika ay magtanong at magsuri ng
mahahalagang usapin sa wika at sa lipunan sa pangkalahatan.
Maikling Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Ipinanukala sa 1934 Kumbensiyong Konstitusyonal ang paglikha ng isang wikang
pambansa.
Ayon kay Felipe R. Jose, isa sa mga delegadong nagtanggol sa panukala, nararapat nang
ipakilala sa buong mundo na hindi na sakop ng mga Espanyol at Amerikano ang Pilipinas.
Ayon sa kaniya, magiging karapat-dapat lamang tayo sa natamong kalayaan kung
maipagtatanggol natin ang sariling wika.
Pinirmahan ni Pangulong Manuel L. Quezon noong ika-30 ng Disyembre 1937
ang Executive Order (EO)134 na nagdedeklara sa Tagalog bilang batayan ng wikang
pambansa.
Tinawag itong Pilipino noong 1959.
Itinakda naman sa Konstitusyon ng 1973 na hindi na lamang Tagalog, kundi lahat ng wika
sa Pilipinas, kabilang ang Ingles at Espanyol, ang batayan ng wikang pambansa.
Pinagtibay naman sa Konstitusyon ng 1987 na opisyal na tatawaging “Filipino” ang wikang
pambansa ng Pilipinas.
MGA BATAS PANGWIKA
1935- Sa Saligang Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa…
“Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang wikang pambansa batay sa isa sa mga unibersal na katutubong wika”.
Oktubre 27, 1936- Sa mensahe ng Pangulong Manuel L. Quezon sa Kapulungang
Pambansa (Asamblea Nasyonal) ay itinatagubilin niya ang paglikha ng isang Surian ng Wikang
Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning
makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang pambansang wikang panlahat na batay sa isa sa
mga wika natin.
Pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag ng isang Pambansang
Surian ng Wika at nagtakda ng mga kapangyarihan at tungkulin niyon.
Mga Tungkulin at Gawain ng Surian ng Wikang Pambansa
1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong
mamamayang Pilipino.
2. Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing
diyalekto.
3. Pagsuri at pagtiyak sa fonetika at ortografiyang Pilipino.
4. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na
dapat umaayon sa: ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan, ang wikang
tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino.
Enero 12, 1937- Hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng
Surian ng Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksiyon 1, Batas Komonwelt bilang 184,
sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt Bilang 333.
Mga Nahirang na Kagawad ng SWP
Jaime C. de Veyra (Bisayang Samar Leyte) Tagapangulo
Filemon Sotto (Bisayang Cebu) Kagawad
Cecilio Lopez (Tagalog) Kagawad/Kalihim
Santiago Fonacier (Ilocano) Kagawad
Felix Salas Rodriguez (Bisayang Panay) Kagawad
Hadji Bhutto (Muslim) Kagawad
Casimiro Perfecto (Bicol) Kagawad
Nobyembre 9, 1937- Bunga ng ginawang pag-aaral, ang Surian ng Wikang Pambansa ay
nagpatibay ng isang resolusyon na doo’y nakatugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt 184,
kaya ang wikang Tagalog ang gagawing saligan ng wikang pambansa.
Disyembre 30, 1937- Pag-alinsunod sa itinadhana ng Seksyon 7 ng Batas Komonwelt Blg.
184, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ay ipinatupad ng Pangulong
Quezon ang paggamit ng Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.
Abril 1, 1940- Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ay binibigyang
pahintulot ang pagpapalimbag ng Diksyonaryong Tagalog- Ingles at Balarila ng Wikang Pambansa
para magamit sa mga paaralan sa buong kapulungan simula sa Hunyo 19, 1940.
Abril 12, 1940- Pinalabas ng Kalihim Jorge Bacobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang
Kautusang Pangkagawaran na sinundan din ng isang sirkular (Blg. 26, Serye 1940) ng Patnugot
ng Edukasyon, Celedonio Salvador. Ang Patuturo ng wikang pambansa ay sinimulan muna sa
mataas at Paaralang Normal.
Hunyo 7, 1940- Pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570 na ang Pambansang Wika ay
magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940.
Marso 26, 1954- Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 na
nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay magaganap mula sa ika-29 ng
Marso hanggang ika-4 ng Abril bilang pagbibigay- kahalagahan sa kaarawan ni Balagtas (Abril 2).
Setyembre 23, 1955- Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg.
186 na nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika mula ika- 13 hanggang 19 ng Agosto
bilang pagbibigay ng kahalagahan sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon (Agosto 19).
Pebrero, 1956- Nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan ang
Sirkular 21 na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit sa mga paaralan.
Agosto 13, 1959- Pinalabas ng Kalihim Jose E. Romeo ng Kagawaran ng Edukasyon ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na ang wikang Pambansa ay tatawaging
Pilipino.
Oktubre 24, 1967- Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 96 na nagtatadhana ng pagsasa-Pilipino ng mga pangalan ng gusali,
edipisyo at tanggapan ng pamahalaan.
Marso 27, 1968- Nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim Tagapagpaganap, ang Memorandum
SirkularBlg. 96 na nag-aatas ng paggamit ng wikang Pilipino sa mga opisyal na komunikasyon sa
mga transaksyong pampamahalaan.
Agosto 7, 1968- Nilagdaan ni Ernesto Maceda, Kalihim ng Edukasyon, ang Memo Sirkular
Blg.227 na nag-uutos sa mga pinuno at kawani ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar na
idaraos kaugnay ng Exec. Order 187.
Agosto 17, 1970- Nilagdaan ni Alejandro Melchor, Kalihim Tagapagpaganap, ang Memo
Sirkular Blg. 384 na nagtatalaga ng mga tauhang may kakayahan upang mamahala sa lahat ng
komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay
ng pamahalaan, kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan.
Marso 16, 1971- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang Blg. 304 na nagpapanatili
ng pagsasarili ng Surian ng Wikang Pambansa.
Hulyo 29, 1972- Memorandum Sirkular Blg. 488 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng
pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika.
Diyembre 1, 1972- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang Panlahat Blg. 17, na
nag-uutos na limbagin ang Saligang Batas sa Wikang Pilipino at Ingles bago idaos ang plebisito sa
ratipikasyon nito noong Enero 15, 1973.
Disyembre,1972- Atas ng Pangulo Blg. 73 na pinalabas ng Pangulong Ferdinand E.
Marcos na nag-aatas sa Surian ng Wikang Pambansa na ang Saligang Batas ay isalin sa mga wikang
sinasalita ng may limampung libong mamamayan, alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas (Art.
XV, Sek 3 [1]).
Hunyo 19, 1974- Nilagdaan ni Kalihim Juan Miguel ng Edukasyon at Kultura ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng
Patakarang Edukasyong Bilinggwal sa mga paaralan na magsisismula sa taong aralan 1974-1975.
Ang kautusang ito ay alinsunod sa mga tadhana ng Saligang Batas ng 1972.
Hunyo 21, 1978- Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang
Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na
pandalubhasaang antas. Magsisimula sa unang semester ng taong-aralan 1979-1980 ang lahat ng
pangmataas na edukasyong institusyon ay magbubukas ng anim na yunit sa Pilipino sa kanilang
mga palatuntunang aralin sa lahat ng kurso, maliban sa mga kursong pagtuturo na mananatil sa
labindalawang yunit. Nabanggit din sa kautusang ito na ang Pilipino ay gagamiting wikang
panturo sa ilan sa mga pandalubhasaang aralin sa pagpasok ng taong aralan 1983-1984.
Agosto 12, 1986- Nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Proklamasyon Blg. 19
na kumikilala sa Wikang Pambansa na gumawa ng napakahalagang papel sa himagsikang
pinasiklab ng Kapangyarihang Bayan na nagbunsod sa bagong pamahalaan. Dahil dito, ipinahayag
niya na taun-taon, ang panahong Agosto 13-19, araw ng pagsilang ng naging Pangulong Manuel
L. Quezon ay Linggo ng Wikang Pambansang Pilipino na dapat ipagdiwang ng lahat ng mga
mamamayan sa buong bansa. Ito ay pangungunahan ng mga nasa pamahalaan at mga paaralan
at gayon din ng mga lider ng iba’t ibang larangan ng buhay.
Pebrero 2, 1986- Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV.
Seksyon 6-9, nasasaad ang mga sumusunod:
Sek. 6- Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito ay dapat pagyabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa
Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa nakatadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring
ipasiya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal
na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Sek. 7- Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino hangg’t walang ibang itinatadhana ang
batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga
rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon.
Sek. 8- Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles; at
dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
Sek 9- Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang
Pambansa na binubuo ng mga kinatawan sa iba’t ibang mga rehiyon at mga
disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananakliksik sa
Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanatili.
1987- Pinalabas ng Kalihim Lourdes Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura
at Palakasan ang Kautusan Blg. 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo
sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang edukasyong
bilinggwal. Tungkulin ng patakarang edukasyong bilinggwal na pahusayin ang pagkatuto sa
pamamagitan ng dalawang wika (Filipino at Ingles) upang matamo ang mataas na uri ng
edukasyon gaya ng hinihingi ng Konstitusyon 1987; palaganapin ang Filipino bilang wika ng
literasi; paglinang at pagpapayabong ng Filipino bilang linggwistikong sagisag ng pambansang
pagkakaisa at pagkakakilanlan at patuloy na intelektwalisasyon ng wikang Filipino.
Agosto 25, 1988- Nilagdaan ng Pangulong Corazon Aquino ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 33 na nagtatagubilin sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan,
ahensya at kaparaanan ng pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangang hakbang para sa
paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya.
Setyembre 9, 1989- Pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Edukasyon, Kultura
at Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 na nag-aatas sa lahat ng opisyal ng DECS
na isakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na gamitin ang Filipino
sa lahat ng komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.
Marso 19, 1990- Pinalabas ni Kalihim Isidro Cariῆo ng Edukasyon, Kultura at Palakasan
ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 na nagtatagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas
ng panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas at sa bayan
1996- Pinalabas ng Commision on Higher Education ang CHED Memorandum Blg. 59 na
nagtatadhana ng siyam (9) na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon
at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng
Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) at Filipino 3
(Retorika).
Hulyo, 1997- Nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041 na
nagtatakda na ang buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at
nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na
nagsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdriwang.
2001- Tungo sa mabilis na estandardisasyon at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino,
ipinalabas ng Komisyon ng Wikang Filipino ang 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Layunin ng proyektong ito na makabuo ng mga tiyak na
tuntunin sa ispeling na magiging gabay sa panghihiram ng mga salita at pagsasalin ng pasalitang
wika tungo sa nakasulat na anyo.
Ang mga salik na may kaugnayan sa linggwistika, sosyo-politiko, sikolohiko at pedagohiko
ang naging batayan ng proyektong ito upang matamo ang simplisidad, ekonomiya at pleksibilidad
na naging mahalagang batayan upang matamo ang episyenteng sistema ng tuntunin. Sa
proyektong ito ipinaluluwag ang gamit ng walong dagdag na letra (F, J, V, Z, C, Ñ, Q at X) na
nangangahulugang maaari nang gamitin ang mga ito sa ispeling sa lahat ng hiram na salita
anuman ang barayti nito kasama ang pormal at hindi teknikal na barayti na tinatawag ding mga
karaniwang salita.
Nahahati sa dalawang grupo ang walong dagdag na letra. Ang mga letrang F, J, V at Z ay
itinuturing na may tiyak na ponemik sa istatus , ibig sabihin may iisang tunog na kinakatawan ang
mga letrang nabanggit. Ang mga letrang C, Ñ, Q at X ay itinuturing na redundant na
nangangahulugang ang mga ito ay hindi kumakatawan sa iisa at tiyak na yunit sa palatunugang
Ingles.
Ang Lingua Franca at ang Lingguwistikong Komunidad
Lingua franca ang wikang ginagamit upang magkaintindihan ang mga taong may magkakaibang
unang wika. Tinatawag din itong common language, bridge language, o vehicular language.
Halimbawa: May kakayahang mag-usap ang isang babaeng mula sa Pangasinan at isang lalaking
mula sa Davao bagama’t magkaiba ang kanilang wika. Sa konsepto ng lingua franca ibinatay ang
wikang pambansa, na kinikilala natin ngayon sa tawag na “Filipino.”
Lingguwistikong komunidad naman ang tawag sa isang grupo ng taong gumagamit ng iisang
barayti ng wika at bumubuo ng partikular na mga alituntunin sa paggamit at pagpapakahulugan
dito.
Bagaman magkakaiba, nagagawang pagkaisahin ng wikang pambansa ang mga lingguwistikong
komunidad sa Pilipinas dahil sa pagkakatulad ng mga ito bunsod ng sumusunod:
Pagkakahawig ng bokabularyo ng mga wika sa Pilipinas dahil sa iisang pamilyang pangwika
na pinagmulan (Malayo Polynesian)
Karanasan sa pakikipagkalakalan at kolonisasyon (paggamit ng mga salitang banyaga sa
pang araw-araw na pakikipag-usap)
Pagpapalawak at pagpapaunlad ng wikang ginagamit dahil sa mass media, paaralan, at
makabagong teknolohiya.
Ang Wikang Pambansa at ang Modernong Teknolohiya
Sa panahong kay bilis ng mga pagbabago, dapat ding tiyakin na napapaunlad ang sariling wika. Sa
pamamagitan ng teknolohiya ay maaari pa ring mapaunlad at mapalawak ang gamit ng ating
wika.
Ang sumusunod ay mga kongkretong halimbawa kung paano nagagamit ang modernong
teknolohiya sa pagpapaunlad ng wikang Filipino:
1. WIKApedia – Ito ay isang kalipunan ng mga aralin at paglilinaw hinggil sa wastong
paggamit ng wikang Filipino na inilalathala sa Facebook. Layunin nitong tumugon sa mga
katanungan at maghain ng lunan na maaaring pasimulan ng isang makabuluhang diskurso
sa Filipino.
2. Kikomachine – Inilalathala ng ilustrador na si Manix Abrera ang ilang sipi mula sa kaniyang
komiks na Kikomachine sa Facebook. Sa mga komiks na ito, maoobserbahan ang
paggamit ng iba’t ibang barayti ng wikang Filipino.
3. Mga Online na Diksyunaryong Ingles-Filipino – Bagaman hindi pa napipino at
nagagawang istandard ang mga diksyunaryong ito, mainam itong hakbangin sa pagbubuo
ng isang istandardisadong bokularyo sa Filipino. Gayundin, dagdag na tulong ito sa
pagpapaunlad ng larangan ng pagsasalin sa bansa.
Ang Tunguhin ng Wikang Pambansa
Dahil sa mabilis na usad ng panahon, dapat maging pangunahing layunin ang nasyonalisasyon ng
Filipino. Paano natin makakamit ang hangaring ito?
Pagpapalawak ng bokabularyong pangkultura – Hindi lamang ang paglalangkap ng mga
salita mula sa iba’t ibang katutubong wika sa Pilipinas ang mahalaga. Dapat ding kilalanin
natin at maunawaan ang mga kulturang kinapapalooban ng mga wikang ito.
Paghahanap ng panumbas sa terminolohiyang banyaga mula sa katutubong wika –
Mayaman ang bokabularyo ng mga wika sa Pilipinas. Kung gayon, imbes na gamitin ang
mga banyagang salita, mabuting humanap ng katumbas na salita sa mga wika sa bansa.
Pagpapalaganap ng wika sa pamamagitan ng publikasyon o sa madalas na paggamit –
Kilalanin natin bilang wika ng literacy ang wikang Filipino, na magagamit sa
mga scholarly na talakayan at lathalain.
Ang Unang Wika
Unang wika ang tawag sa unang wikang natutuhang gamitin ng isang tao magmula sa kaniyang
pagkabata o sa isang kritikal na yugto ng pagkatuto hanggang sa umabot sa puntong bihasa na
siyang gamitin ang wikang ito. Ang unang wika ay karaniwan ding batayan ng
sosyolingguwistikong pagkakakilanlan ng isang tao.
Mas nagiging madali para sa mga bata ang pag-unawa sa tekstong kanilang nababasa o naririnig
kung ito ay nasa kanilang unang wika. Ayon nga kina Norma Duguiang at Diane Dekker, mga
nagsagawa ng pag-aaral ukol sa Mother Tongue-Based Multilingual Education, mahalaga ang
papel na ginagampanan ng wikang panturo sa pagkatuto ng isang bata. Nagiging mas madali ang
pag-angkop ng mga bata sa pagpasok sa eskuwelahan kung pamilyar sila sa wikang ginagamit ng
guro.
Ang Lubuagan Experiment
Ito ay isang pag-aaral na isinagawa ng grupo nina Steve Walter at Diane Dekker sa Lubuagan,
Kalinga. Sa komunidad na ito, Lilubuagan ang unang wika ng mga bata at natututo sila ng Ingles
at Filipino sa pagpasok sa eskuwelahan.
Layunin nitong imbestigahan ang epekto ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-
MLE) sa unang baitang ng pag-aaral.
Ang Polisiya ng Gobyerno Hinggil sa Unang Wika
Sa pamamagitan ng Dep. Ed. Order No. 74 s. 2009, idineklara ng Department of Education
(DepEd) ang institusyonalisasyon ng Mother Tongue-Based Multilingual Education. Ipinag-uutos
nito ang paggamit ng higit pa sa dalawang wika sa pagtuturo at ang paggamit ng mga mag-aaral
ng unang wika sa mga unang taon ng pag-aaral.
Resulta ito ng mga kabatirang natamo sa Lingua Franca Project at sa Lubuagan Experiment na:
Higit na mabilis matutong magbasa ang mga bata gamit ang kanilang unang wika.
Higit na mabilis matutong magsalita, magbasa, at magsulat sa pangalawa at pangatlong
wika ang mga batang natutong magbasa at magsulat sa kanilang unang wika kaysa sa mga
batang unang tinuruan gamit ang pangalawa o pangatlong wika.
Mas mabilis ang kognitibong pag-unlad sa iba pang mga akademikong larangan ng mga
batang natutong magbasa at magsulat sa kanilang unang wika.
Ang Pangalawang Wika
Ang pangalawang wika ay tumutukoy sa wikang natutuhan ng isang tao matapos matutuhan ang
kaniyang unang wika. Ito ay nauunawaan ng mga taong nasa komunidad na kinabibilangan niya
kung saan ginagamit ang pangalawang wika bilang opisyal na gamit sa komunikasyon, edukasyon,
pakikipagkalakalan, at iba pang gawain.
May tatlong pangunahing perspektiba o pananaw sa pagtuturo ng pangalawang wika:
1. lingguwistika
2. sosyolingguwistiko
3. pulitikal/ideolohikal
Gamit ng Wika Bilang Instrumental
Ang wika ay ginagamit bilang instrumental kung ang pakay ng tagapagsalita ay
maimpluwensiyahan ang kaniyang tagapakinig o mambabasa.
May tatlong anyo ang paggamit ng wika bilang instrumental:
makapagbigay ng impormasyon,
makapukaw ng damdamin, at
makapagpakilos.
Magbigay ng Impormasyon (Communicative Usage of Language)
Sa pakikipag-usap, palaging mayroong pag-iimpluwensiya sa tagapakinig. Bukod sa paglalahad ng
mensahe, nagagamit din ito upang mapaniwala ang kausap o tagapakinig sa bawat pangungusap
na babanggitin.
Halimbawa:
"Maniwala ka. Inosente ako."
"Siya ang nagkasala."
"Mahal kita."
Makapukaw ng Damdamin (Suggestive Usage of Language)
Mula sa pagkabata ay nakondisyon na ang tao na may emosyong dapat ikinakabit para sa
partikular na mga salita. Nagagawa ito sa pamamagitan ng pagbigay ng apirmasyon, pagtanggi,
at pagsabi na nagustuhan, o pag-ayaw sa mensahe ng tagapagsalita.
Halimbawa:
"Magagalit si Nanay kung ginawa mo iyan."
"Magsisisi ka na sa iyong kasalanan dahil paparating na ang araw ng paghuhusga."
"Ang husay naman ng anak ko!"
"Ang ganda mo ngayong araw!"
Magpakilos (Promotive Usage of Language)
Iba ito sa regulatoryong gamit ng wika na tuwirang nag-uutos. Ito ay dahil ang pagpapakilos ay
ginagawa sa pamamagitan ng paglalahad, sa paraang pailalim na naglalarawan na lamang ng
kasalukuyang sitwasyon, o naipapabatid ang nais ipagawa.
Halimbawa:
"Gutom na ako. Magaling ka magluto, ‘di ba?” (Nais mag-utos na magluto ang
tagapagsalita sa kausap.)
“Mabilis ka masyado magmaneho.” (Nais pabagalin ng tagapagsalita ang
nagmamanehong kausap.)
“Marami siyang nakurakot noong una siyang nanungkulan.” (Nais mangkumbinsi na
huwag iboto ang partikular na kandidato.)
“Ito ang bagay sa iyong kulay ng lipstick.” (Nais ng tagapagsalita na makumbinsi ang
kausap na bilhin ang produktong iyon.)
Gamit ng Wika Bilang Regulatoryo
Isa sa mga gamit ng wika ay ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng lipunan. Tinatawag
itong gamit ng wika bilang regulatoryo. Tinitiyak nito na ang tao ay makapagpapahayag ng utos
o gabay sa kung ano-ano ang dapat at hindi dapat gawin ng kaniyang kapwa.
Layunin ng Wikang Ginamit Bilang Regulatoryo
Nilalayon ng tao na magkaroon ng kaayusan sa kaniyang paligid at mga ugnayan. Gamit ang wika
bilang regulatoryo, nagkakaroon siya ng kontrol sa pag-aasal ng sarili at sa kaniyang kapwa.
1. Pagpayag o pagtanggi sa pagsasagawa ng isang gawain sa pamamagitan ng lantaran o
mapanghikayat na pagpagawa o pagpigil ng kilos
Halimbawa: Pagkakaroon ng mga taboo o mga ipinagbabawal na gawain sa isang kultura
2. Paghingi at negosasyon ng mga gamit
Halimbawa: Walang tigil na pag-iyak ng sanggol para sa kaniyang gatas
3. Paglahad ng karapatang makapagkontrol ng mga gamit o aktibidad
Halimbawa: Pagtakda ng pagmamay-ari sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kasulatan tulad ng
mga titulo ng kotse at lupa
Anim na Anyo ng Gamit ng Wika Bilang Regulatoryo
May anim na anyo ang wika kapag ginagamit ito bilang regulatoryo. Ang unang tatlong anyo ay
imperatibo, direktibang patanong, at direktibang hindi hayagan.
Imperatibo (Imperative)
mga utos o pakiusap kasama ang mga pagbabawal at pagbibigay-permiso
Halimbawa:
“Kunin mo ang aking jacket.”
“Pakiabot ang patis.”
Direktibang Patanong (Question Directive)
pagtanong sa tagapakinig o mambabasa kung kaya niyang sundin ang utos
Halimbawa:
“Kaya mo bang abutin ang aking jacket?”
“Puwede mo bang abutin ang patis?”
Direktibang Hindi Hayagan (Indirect directive)
nanghihikayat mapaniwala ang tagapakinig o mambabasa na kaya o hindi niya kayang
gawin ang isang kilos
Halimbawa:
“Kayang-kaya mo ‘yan!”
“Hindi mo 'kayang abutin.”
Anim na Anyo ng Gamit ng Wika Bilang Regulatoryo
May anim na anyo ang wika kapag ginagamit ito bilang regulatoryo. Bukod sa imperatibo,
direktibang patanong, at direktibang hindi hayagan; ang iba pang anyo ay ang pahayag na
nagpapatunay ng awtoridad, pagkontrol ng mga gamit, at pahayag ng pagpapahintulot at
obligasyon.
Pahayag na Nagpapatunay ng Awtoridad (Statement of Fact Justifying Authority)
paglalahad kung sino ang dapat sundin
Halimbawa:
“Ako ang Nanay mo. Ako ang dapat sundin mo.”
Pagkontrol ng mga Gamit (Control of Resources)
paglalahad kung sino ang nagmamay-ari ng lugar o gamit
Halimbawa:
Wika at Kultura
Nabubuo, umuunlad, at naiiba ang wika ng isang speech community ayon sa pang-araw-
araw nilang gawain at pamumuhay at ayon din sa papel na kanilang ginagampanan sa
pangkat na kinabibilangan.
Sosyo-lingguwistiko ang larangan ng pag-aaral ng wika na nagsusuri sa pagkakaiba ng
wika at ang kaugnayan nito sa istruktura ng lipunan.
Wika at Kultura ng Komunidad
Upang higit na maunawaan ang ugnayan ng wika at lipunan, maaaring pumili ng isang speech
group sa komunidad. Maaaring kapanayamin ang ilang miyembro at bumuo ng mga tanong batay
sa sumusunod:
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga impormasyong kailangan upang makasulat ng isang sanaysay
matapos ang panayam tungkol sa wika at kultura ng komunidad..
Ukol sa pagsulat ng sanaysay
Makatutulong ang pagbabalangkas ng ideya bago isulat ang sanaysay.
Basahin nang ilang ulit ang sanaysay bago ipasa upang makita at maitama ang anumang
pagkakamali kung mayroon man.
*Mass Media*
Ang mass media o pangmadlang komunikasyon ay iba’t ibang midyum ng teknolohiya na nililikha
para sa mga tiyak na tagatanggap ng mensahe. Pangunahing layunin nito ang paggamit ng
teknolohiya bilang tsanel ng komunikasyon gamit ang mga tradisyunal at makabagong midyum.
1. Broadcast media – radyo, recorded music, pelikula, at telebisyon
2. Print media – diyaryo, libro, polyeto, at komiks
3. Outdoor media – billboards; karatula o plakard sa loob at labas ng mga gusali, sports
stadiums, pamilihan, at mga bus
4. Digital media – Internet at cellular phone
Mga Layunin ng *Mass Media*
Layunin ng mass media na magbigay-aliw sa mga tao sa pamamagitan ng mga programa sa
telebisyon at pelikula, mga babasahing libro at komiks, at mga post sa social media. Bukod dito,
ayon sa kay Tolentino (2006), ang media ay ipinopostura bilang egalitaryo o may misyon at
serbisyo ang pangunahing layunin. Kung gayon, ang mass media ay may mas mataas na
obhetibong pagmumulat tulad ng pagbabalita at pagsusulat ng mga artikulo sa pahayagan at
libro. Nagagamit ito upang makapagpabatid, makapagmungkahi, at makapanghikayat ng mga
manonood at mambabasa.
Mekanikal din ang mass media. Nagagamit ito sa paglalako ng mga produkto sa porma ng mga
commercial advertisement. Mapapansing bumabagay ang wika at konsepto sa kung sino
ang target audience o tagatanggap ng produkto.
Ang Wika ng *Mass Media*
Mahalagang isaalang-alang ang wika ng target audience sa paggamit ng mass media. Nagiging
kawili-wili ang isang babasahin o programa kung madaling maunawaan ang wikang ginamit. Ayon
kay Tiongson (2012), ang paggamit ng wikang Filipino ng media ngayon, at ang kaakibat na
pagpapalaganap nito, ay hindi dahil sa pagnanais ng media na mapalaganap ang wikang
pambansa kundi upang maabot nito ang pinakamalawak na antas ng mga manonood at
tagapakinig.
Bagama’t ang wikang Filipino ay laganap sa media, mapapansing madalas itong gamitin sa
mga tabloid o sa mga programa sa radyo at telebisyon. Nananaig ang tonong impormal at waring
hindi gaanong estrikto ang pamantayan ng propesiyonalismo. Sa maraming babasahin at palabas
sa Filipino, ang nangingibabaw na layunin ay mang-aliw, manlibang, lumikha ng ugong, at ingay
ng kasayahan.
Sa print, broadcast, at digital media, mapapansin ang paggamit ng mga manunulat at
tagapagbalita ng mga hiram na salita.
Sa pagsusulat, makabubuting i-italicize o gamitan ng panipi ang mga hiram na salita.
Ang Internet at Social Media
Ang internet ay network o daluyan ng pandaigdigang komunikasyon na dumadaloy sa
mga computer sa buong mundo upang makapag-ugnayan sa isa’t isa ang mga tao at
makapagpalitan ng mga impormasyon.
Ang social media ay mga website at application na kailangan ng internet at computer o
anumang gadget gaya ng tablet, cellphone, at iba pa. Ang social media ang nagiging daan
upang ang mga tao ay makalikha, magpamahagi, at makipagpalitan sa mga virtual
community ng impormasyon, ideya, at mga interes sa pamamagitan ng mga teksto,
larawan, at video.
Ang Wika sa Internet at Social Media
Maraming maaaring gawin sa internet at social media na makapagpapaunlad ng wika.
Nakapagdodokumento ng mga alaala
Paglalagay ng mga litrato sa Facebook na may maiikling caption at naka-tag sa mga taong
nasa larawan
Nagtuturo ng mga bagong bagay
Panonood ng cooking show sa Youtube upang matutong magluto ng bagong putahe
Naipakikilala ang sarili
Paglalagay ng mga mga credentials sa LinkedIn upang makita ng mga naghahanap ng
empleyado
Bumubuo at nagpapanatili ng mga ugnayan
Sa tulong ng Facebook, nalalaman kung sino ang mga “friends” ng iyong mga kaibigan na
maaari mo ring maging kaibigan sa pamamagitan ng pagpindot sa icon na add friend
Nakalilikha ng bagong content na maibabahagi sa mga mambabasa at tagapakinig
Pagsusulat sa Facebook at Twitter ng mga opinyon ukol sa kung sino ang pinakadapat na
maging pangulo ng bansa
Pagsusulat sa Twitter ng mga kuwento at tula na may habang 140 characters
Nakapagdudulot ng mga bagong paraan ng pagpapahayag
Paggamit ng mga acronym tulad ng lol (laugh out loud)
Paggamit ng emojis gaya ng smiley upang magpahayag ng damdamin
Katangian ng Wika ng Internet at Social Media
Impormal at personal
Pinapaboran ang kaswal na wika sa mga video sa Youtube upang mas makahikayat ng mga
manonood.
Mas maikli
Sa Twitter ay maaaring magsulat ng hanggang sa 140 na characters lamang.
Dinamiko o pabago-bago
Maraming sumusulpot na emojis na mayroong iba’t ibang kulay ayon sa kulay ng lahi ng
gagamit nito. Magagamit ang emojis hindi lamang sa pakikipag-chat sa Facebook,
Messenger, gayundin sa mga post ng Facebook, Twitter at Instagram.
Pagkakaiba ng Pelikula at Dula
Ang dula at pelikula ay dalawang magkaibang midyum ng sining na parehong pinanonood.
Bagaman parehong biswal ang katangian, mayroon itong mga pagkakaiba batay sa ilang mga
pangunahing salik na kultural.
Pinagmulan ng Dula at Pelikula
Linguistic divergence
Pag-iiba ng wikang gamit (maaaring sa speech pattern) upang matangi sa ibang tao o
pangkat
Halimbawa:
Mga Paalala
Laging tandaang nararapat bigyang kahulugan ang anumang pahayag o salita batay sa
konteskto nito.
Maaari mong pag-aralan ang rehistro ng wika sa larangang ninanais mong kabilangan sa
hinaharap. Alamin mo ang impormasyon mula sa larangang iyong pipiliin gaya ng mga
terminong binibigyan nila ng ibang kahulugan kumpara sa kahulugan nito sa ibang
larangan.
Ang Social Media sa Pagsusuri at Pagsulat ng mga Teksto
Ang social media ay isa sa pinakasikat na pamamaraan ng pakikipag-ugnayan sa kasalukuyan.
Malaking bahagdan ng populasyon ng Pilipinas mula sa iba’t ibang edad at estado ng buhay ang
gumagamit nito. Katunayan, ilang beses ng tinawag bilang social media capital ng mundo ang
bansa. Nagiging usapin na rin ang epekto ng wika nito sa iba pang uri ng pakikipagtalastasan.
Wika ng Media
Wikang Filipino ang ginagamit ng mga pangunahing uri ng media sa kasalukuyan ngunit naiiba
ang klase ng Filipino o Ingles sa midyum na ito.
Wika ng Social Media
Ayon kina Andreas Kaplan at Michael Haentein, ang social media ay isang aplikasyong birtuwal,
na siyang nagbibigay daan upang makagawa at makapagpalitan ng mensahe o impormasyon ang
mga indibidwal gamit ang Internet o iba pang kaparehong paraan. Ang katangian ng ugnayan
sa social media ang nagbibigay ng katangian sa wika nito.
Limitado ang Espasyo
Noong hindi pa uso ang “unlitext,” at nagkakahalaga ng piso ang bawat mensahe, kailangang
pagkasyahin sa loob ng 160 na karakter ang buong mensahe upang hindi magbayad ng
karagdagan. Dahil dito, kailangang paikliin ang mga salita at ang mismong pangungusap.
Mabilis na Takbo ng Pag-uusap
Mabilis ang takbo ng pag-uusap sa social media, lalo na sa chatroom kaya kailangang maging
mabilis ang mga daliri sa pagsasatitik ng mga salita. Dahil dito, nababago ang estruktura ng mga
salita at mismong pangungusap.
Kanluranin ang Kultura
Kung hindi Ingles, pinaghalong Ingles at Filipino ang nagiging wika ng social media, katumbas ito
ng conyo na karaniwang ikinakabit sa mga kolehiyala noong 1990's hanggang 2000's.
Halimbawa:
Teksto at Konteksto
Ayon kay Ferdinand de Saussure, isang linggwista, walang isa-sa-isang ugnayan
ang signifier at signified.
Ang signifier ay ang salita o konsepto.
Ang signified ay ang aktuwal na bagay o imaheng sinisimbolo nito.
Inihanda ni:
MARK ANTHONY SALIBAY, MATFIL
Propesor