You are on page 1of 19

Ang Pagtatalo o Debate

➢ ay binubuo ng pangangatwiran ng dalawang


koponan na magkasalungat ng panig tungkol sa
paksang napagkaisahang pagtatalunan.

➢ Maaaring nakasulat ang pagtatalo


ngunit kadalasan ay binibigkas ito.
➢ Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat
na katibayan o patunay upang ang isang panukala
ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala.
Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na
tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig
o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang
pagpapahayag. (Badayos)

➢ Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay


pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng
mga katwiran o rason. (Arogante)
Katangian ng Isang Nagdedebate

➢ Mahinahon

➢ Malawak ang talasalitaan at kaalaman

➢ May kakayahang mag-isip agad-agad

➢ Maayos ang pagbibigay o paglalahad ng mga


patunay
Mga Elemento ng Pangangatwiran

1. Paksa
Ito ang bagay na pinag-uusapan o
tinatalakay sa anumang uri ng pangangatwiran.

2. Proposisyon
Ang proposisyon ay isang paninindigan sa
anyong pangungusap na pinatutunayan sa pamamagitan
ng argumento. Nagsasaad ito ng mga bagay na
maaaring tutulan at pagtalunan tula ng: pangyayari,
kahalagahan, at patakaran
Uri ng Proposisyon

1. Pangyayari. Ito ay naninindigan sa


katunayan o kabulaanan ng isang bagay na
makatotohanan.
Hal :”Maraming namatay sa nasunog na
Superferry“.

Masusukat ang katotohanan o kabulaanan


nito sa pamamagitan ng pag-alam sa
tunay na mgapangyayari.
2. Kahalagahan. Ito ay isang paninindigan sa kahalagahan ng
isang bagay.
Hal: ”Ang isang wikang pambansa ay lubhang
mahalaga sa pagbuwag sa makaaliping diwa”.

Ang nangangatwiran dito ay bubuo ng argumento na


nagtatanggol sa kabulaanan ng isang bagay, isang palakad o isang
pagkilos.

3. Proposisyong Patakaran. Ang mga proposisyong ito ay


naghahanap ng isang paraan ng pagkilos o isang binalak na
solusyon sa isang suliranin.

Hal :”Dapat Gawing Legal ang Diborsyo sa Pilipinas“.


4. Proposisyong Katunayan. Ukol sa katotohanan
Hal. Ang tao ay nagmula sa unggoy.

Maaaring ang proposisyong ito ay patunayan o


pasubalian kung may sapat na ebidensya.

5. Isyu. Ito ay bumubuo ng saligan ng pangangatwiran.


Ito ang mismong puntong pinagtatalunan. Nakasalalay
sa mga paglilinaw ng mga isyu ang paglilinaw ng
proposisiyon.
Hal. Kailangang matapos na ang teroristang
gawain sa bansa.
6. Katibayan o Ebidensya. Ito ang mga kongkretong
detalye na ginagamit upang ang mga isyung proposisyon
ay tatanggapin bilang katotohanan o hindi katotohanan.
Mga Katangian ng Isang Mabuting
Proposisyon .

• Kawili-wili at nakapupukaw ng interes


• Napapanahon
• Malinaw at tiyak na paksa
• May mga patunay sa pamamagitan ng
ebidensya
• Walang kinikilingan
• May malinaw na pagkakaugnay-ugnay ang
mga ideya.
Kahalagahan ng Debate.

1. Nagbibigay ito ng kasanayan sa wasto at mabilis na


pag-iisip.
2. Nabibigyang-kasanayan nito ang maayos at mabisang
pagsasalita.
3. Nabibigyang-kasanayan ang mga nagtatalo sa pag-
uuri ng tama at maling pagmamatwid.
4. nalilinang ng debate ang kagandahang-asal gaya ng
pagtitimpi at pag-unawa sa katwiran ng iba.
5. Tinuturuan ang lahat na tanggapin ang tama at
nararapat na kapasyahan.
Uri ng Pagtatalo.

1. Debateng Di Pormal– Ang tagapangulo ay


magpapahayag ng paksang pagtatalunan, pagkatapos na
ipahayag ang pagtatalo. Ang ganitong uri ng debate ay
may maayos na pagpapalitang-kuro at palagay.
2. Debateng Pormal– Ang paksa sa uring ito ay
masining na pinag-uusapan at masusing pinagtatalunan.
Ito ay may takdang panahon, araw at oras kung kailan
gaganapin.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pakikipagdebate.

1. Ang paksang pagtatalunan ay timbang ng mga


katwirang pasalungat at pasang-ayon.
2. Sa lahat ng debate, palaging unang nagsasalita ang
panig ng sang-ayon.
3. Ano mang panig, dapat na palutangin ang katotohanan.
4. Maging maingat sa paggamit ng iba’t ibang
pamamaraan ng pagsusuri, paghahanay ng mga katibayan,
o ebidensya.
5. Bawat Kalahok sa debate ay magpapahayag ng mga
bagay na patutunayan at mga katibayan nang buong linaw.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pakikipagdebate.

6. Maging mabilis ang isipan sa paghalata ng maling


katwiran gayundin naman, maging mabilis sa pagharap
ng ganting-matuwid.
7. Ang mga katwirang ilalahad ay batay sa katotohanan
kaysa sariling palagay.
8. Panatilihin ang kapinuhan at pitagan sa katalo.
9. Makipagtulungan sa kasama o kapanalig.
10. Dapat bigyan ng pagkakataon ang katalo na
maihayag ang kaniyang panig.
Paghahanda sa isang Pagtatalo

Tatlong hakbang sa paghahanda ng isang pagtatalo (1)


Pangangalap ng datos; (2) Paggawa ng dagli o balangkas
(3) Pagpapatunay ng Katwiran.

Pangangalap ng Ang pagtitipon


mga nakalap ng gagamitin
na datos ay kinakailangang
datos-
sa pagmamatuwid ay dapat gawin sa pamamagitan
ng pagtatala ng mga tunay na pangyayari buhat sa
paniniwalaan napapanahong aklat sanggunian o
magasin.
Paghahanda sa Paglahok sa Debate

➢ Paglilikom ng mga detalye o kaalaman hinggil sa


proposisyon.

➢ Pagahahanda ng katibayan.

➢ Paglalahad ng mga Patunay at Katibayan.


Anyo ng Pagtatalo

1. Pagtatalong Oxford

2. Oregon

3. Oregon-Oxford

4. Australasian
Pamantayan sa Pagtatalo:

Ngalan: Kapasiyahan: Petsa:

Tagapangasiwa: Koponang Nagwagi Pinakamagaling na Nakipagtalo:

Ikalawang Magaling na Nakipagtalo:

PANIG NG SANG_AYON
Mga Katibayan Tikas Pagbigkas Pagtatanungan Pagtuligsa Pangkalahatang
Nagtatalo (30%) (10%) sa T (10%) (30%) Bilang
entablado S (10%)
(10%)

PANIG NG SALUNGAT
SALAMAT PO SA
PAKIKINIG!

You might also like