You are on page 1of 35

I. Ang Pagtuturo ng Filipino sa Sekundarya sa Batayang Edukasyon.

Ayon sa paniniwala ni Dr. Fe Otenes (2000), nararapat nakapokus sa mga mag-aaral ang paglinang sa
mga kakayahang pangwika.

Ang pangunahing mithiin ng Filipino sa Level Secondary ay ang makalinang ng isang mag-aaral na
magtatapos na epiktibong nakikipagtalastasan sa Filipino. Nararapat na taglay niya ang mga
kasayanang MAKRO: pagbasa, pagsulat, pagsasalita, pakikinig at may sapat na kaalamang
panggramatika. Samakatuwid, layunin na linangin ang kakayahang kumunikatibo.

Batay sa bagong kurikulum, bago lubusang maunawaan ang batayang kaalaman, inaasahang may
kakayahan na ang mag-aaral sa mga kasanayang pangwika di lamang sa interpersonal kundi sa
akademiko at kognitibo.

Ang una at ikalawang tao ay nagbibigay tuon sa masusing pag-aanalisa at pag-aaral ng mga tiyak na
istrukturang gramatikal ng Filipino bilang wika gamit ang maunawaang pagbasa sa mga teksto.
Samantalang ang ikatlo at ikaapat na taon ay nagbibigay tuon sa kaalaman at pampanitikang kasanayan
sa iba’t ibang anyo nito., kung saan mababasa ang mapanuring pag-iisip.

II. ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

PANGUNGUSAP = lipon ng mga salita na nagsasaad ng kumpletong diwa.

*BAHAGI

PAKSA = pinag-uusapan sa salita

PANAGURI = bahaging nagsasabi ng tungkol sa pinag-uusapan.

Sa Filipino......sa ordinaryong usapan

KARANIWANG AYOS = nauuna ang PANAGURI kaysa PAKSA hal. umaawit si Ruth

DI KARANIWANG AYOS = nauuna ang PAKSA kaysa sa PANAGURI hal. Si Ruth ay umaawit.

*MGA PANGUNGUSAP NA WALANG TIYAK NA PAKSA*

PENOMINAL = pangyayari na nagsasaad ukol sa kapaligiran

TEMPORAL = pangyayari na nagsasaad ng kakayahan o panahon

EKSISTENSYAL = nagsasaad ng pagka-mayroon

MODAL = nagsasaad ng gusto, nais, ibig

MGA KA-PANDIWA = katatapos na kilos

MGA PAMBATING PANLIPUNAN = magagalang na pananalita

MGA PANAWAG = isang salita / panawag sa kamag-anak

PANDAMDAM = nagsasaad ng matinding damdamin

III. INTRODUKSYON SA PAGSASALING-WIKA

1. PAGSASALING-WIKA – ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas ng

diwa o mensaheng isinasaad sa wikang isinasalin.

2. KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG TAGAPAGSALING-WIKA

a. Dalubhasa sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.

b. Sapat na kaalaman sa kulturang kinabubuhulan ng dalawang bansang kasangkot

sapagsasalin.

c. Lubusang may pang-unawa sa paksa.

d. May kaalaman sa istruktura ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.


3. SIMULAIN SA PAGSASALIN -

a. Ang wika at kultura ay magkaugnay

b. May antas ang wika upang mailapat sa mga katotohanan ng mundo at buhay.

c. May kakayahan ang bawat wika.

d. May layuning komunikatibo ang pagsasalin.

4. MGA PARAAN NG PAGSASALIN ni ALMARIO, 2003

a. LITERAL = pagsasalin sa pinakamalapit na gramatiko

b. SANSALITA-BAWAT-SANSALITA = pagtutumbas ng isa-isang salita

c. ADAPTASYON = malayong paraan ng pagsasalin sa kadalasang may malaking kaibahan na sa orihinal

d. MATAPAT = pagsisikap na makagawa ng eksakto tulad ng sa orihinal

e. SALINGSEMANTIKA = binibigyang pansin ang kagandahan at natural na tunog

f. IDYOMATIKONG SALIN = diwa, mensahe ang isinasalin

g. KOMUNIKATIBONG SALIN = naghahangad na maisalin an gang eksaktong kontekstuwal na kahulugan ng wika


upang madaling maunawaan.

MGA HAKBANG BAGO MANGHIRAM

1. LARAWANG PARIRALA = isang paraan ng paggamit ng di-literal na tumbasangsalita ang pagbuo ng larawang
parirala.

2. PAGLIKHA = makalubhang sangay ng pagpapayaman ng wika at maaaring gamitin.

3. TUMBASANG PANLAHAT-PANTIYAK = ito ay maaaring panlahat sa isangwika ngunit pantiyak sa kabilang


wika.

4. PAGHANAP SA KATUTUBONG WIKA = ito ay makatutulong sa pagpapayaman ng wikang Filipino.

MGA URI NG PAGSASALIN

1. PAGSASALING TEKNIKAL = may kinalaman sa agham, kalikasan, lipunan at sa mga disiplinang akademiko na
nangangailangan ng angkop na espesyalisadong wika.

2. PAGSASALING PAMPANITIKAN = ay ang pag-aangkop ng akdang pampanitikan sa panibagong kalagayang


pampanitikan na nagtataglay rin ng mga katangian, istilo, at himig ng akdang pampanitikan.

MGA HAKBANG SA AKTWAL NA PAGSASALIN

1. BASAHIN NG PAULIT-ULIT ANG TEKSTO

2. PAGSUSURI

3. PAGLILIPAT

a. PAGSULAT NG UNANG BURADOR

b. PAGSASAAYOS NG UNANG BURADOR

c. PAGSULAT NG IKALAWANG BURADOR

d. PAGSASAAYOS NG IKALAWANG BURADOR

e. PANGWAKAS NA PAGSUSULAT

DALAWANG PARAAN/PAGDULOG SA PAG-AARAL NG PAGLINANG NG WIKA

FERDINAND de SAUSSURE = kauna-unahang nagbibigay-diin sa pundamental na pagkakaiba ng

SINGKRONIK at DAYAKRONIK = na pagdulog upang malaman kung papaanong nagbago ang isang wika sa loob
ng isang tiyak na panahon.
MGA LAWAK/ANTAS NG PAG-AARAL NG WIKA

PONETIKA o PHONETICS = ang tawag sa sangay ng linggwistika na pinag-aaralan ang wika sa pamamagitan ng
pag-eksamin ng imbentaryo at estruktura ng mga tunog ng wika.

a. PONETIKANG ARTIKULATORI o ARTICULATORY PHONETICS = ang pisikal na mekanismo ng


produksyon ng mga tunog.

b. PONETIKANG AKUSTIK o ACOUSTIC PHONETICS = ang transmisyon ng mga tunog bilang mga alon na
nagdadala ng mga tunog.

c. PONETIKANG PERSEPTWAL o PERCEPTUAL PHONETICS = ang pag-unawa at pagkilala ng tagapakinig


sa mga tunog na naririnig sa pakikipagtalastasan

ANG PRODUKSYON NG MGA TUNOG

PHONE o SPEECH SOUNDS = tawag sa tunog na ginagamit ng tao sa pagsasalita.

Ayon kina SANTIAGO at TIANGCO = ang enerhiya at pinanggagalingan nito

= ang kumakatal na bagay o artikulador

= ang patunugan o resonador

Ayon naman kina PAZ, HERNANDEZ at PENEYRA = sors ng hangin

= sors ng tunog na nagpapagalaw sa hangin

= set ng ga filter at mga resoneytor na nagmomodifay ng mga tunog sa iba’t ibang paraan

MGA PARTIKULAR NA BAHAGING SANGKOT O GUMAGANA SA PAGSASALITA AY BINUBUO NG:

A. BAGA B. BABAGTINGANG TINIG C. LARINGHE

D. EPIGLOTIS E. PARINGHE F. UVULA O TITILAUKAN

G. GUWANG NG BIBIG H. VELUM O MALAMBOT NA NGALA-NGALA

I. PALATE O MATIGAS NA NGALANGALA J. GUWANG NG ILONG

K. ALVEOLAE/ALVEOLAR RIDGE O MATIGAS NA NGALANGALA L. DILA

M. NGIPIN N. LABI

Ang KASAYSAYAN ng WIKANG FILIPINO

 MANUEL L. QUEZON = Pinagtibay niya ang Pambansang Wika ng Pilipinas na Filipino, ito ay ayon sa 1935
Saligang Batas ng Pilipinas.
 “Ama ng Wikang Pambansa”
 ENERO 12, 1937 – Hinirang ni Pangulong Quezon ang lupon na bubuo sa surian ng Wikang Pambansa.
 SWP = SURIAN ng WIKANG PAMBANSA
o JAIME C. VEYRA =TAGAPANGULO (BISAYANG SAMAR)
o CECILIO LOPEZ = KALIHIM at PUNONG TAGAPAGPAGANAP (TAGALOG)

MGA KAGAWAD

o SANTIAGO FONACIER (ILOKANO)


o FILEMON SOTTO (BISAYANG CEBU)
o FELIX SALAS RODRIGUEZ (BISAYANG HILIGAYNON)

MGA KAGAWAD

o CASIMIRO PERFECTO (BIKOL)


o HADJI BUTU (MUSLIM)
o JOSE ZULUETA (PANGASINAN)
o ZOILO HILARIO (KAPAMPANGAN)
 2 sa mga KAGAWAD na nabanggit ang hindi nakatupad sa kanilang tungkulin.
1.) HADJI BUTU = maagang pumanaw
2.) Felimon Sotto = dahil sa kanyang kapansanan ngunit pinalitan siya ni ISIDRO ABAD.
MGA BATAS sa PAGPAPATUPAD ng WIKANG PAMBANSA

 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (Dis. 30, 1937)


 Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 sa bisa ng Saligang Batas 1935, ipinahayag ng Pangulong Quezon
na ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.

 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940)


 Pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa at pagtatakda ng
pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng paaralang pambayan at pampubliko.

 SIRKULAR Blg. 26 (Abril 12, 1940)


 Pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mataas na paaralan at paaralang normal.

 Batas Komonwelt Blg. 570 (Hunyo 7, 1940)


 Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga Wikang opisyal n g Pilipinas.

 Proklamasyon Blg. 12 (Marso 26, 1954)


 Ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay Marso 29-Abril 4 na isasagawa taun-taon bilang
paggunita sa kaarawan ni Francisco Balagtas.

 Proklamasyon Blg. 186 (Setyembre 23, 1955)


 Ang paglilipat ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Ito ay gagawin na mula Agosto 13-19, bilang
paggunita sa kaarawan ni Manuel L. Quezon.

 Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (Agosto 13, 1959)


 Ang PAMBANSANG WIKA ay tatawaging FILIPINO.

 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (Oktubre 24, 1967)


 Ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay bibigyan ng katumbas at pangalan sa
Filipino.

 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (Agosto 6, 1969)


 Ang paggamit ng Wikang Filipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa sa lahat ng opisyal na
komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.

 Kautusang Pangkagawaran Blg. 50 (Nobyembre 14, 1974)


 Pagpapatupad ng mga patakaran sa edukasyong bilingual sa Kolehiyo at Pamantasan.

 Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, 54 (Mayo 27, 1987)


 Mahigpit na pagpapatupad ng mga patakaran ng edukasyong bilingual sa lahat ng paaralan sa Pilipinas.

 Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 (Agosto 6, 1987)


 Ang Alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra:
A,B,C,D,E,F,G,H,I,J,K,L,M,N,Ñ,NG,O,P,Q,R,S,T,U,V,W,X,Y,Z

PAGBIBIGAY LINAW sa KAHULUGAN ng WIKANG FILIPINO

 Pambansang lingua franca kung ginagamit upang magkaunawaan at makapag-ugnayan ang mga nag-uusap na
may magkaibang katutubong wika na nagmula sa iba’t ibang probinsya.

 Wikang Pambansa ayon sa SALIGANG BATAS ng 1987, ARTIKULO XIV SEKSYON 6 na nagsasaad:
 “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana
ng batas at sang-ayon sa nararapat
 na maaaring ipasya ng kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod
at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum na opisyal ng komunikasyon at bilang
wika pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon”.
 Wikang Opisyal, ayon sa SEKSYON 7 :
 “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at,
hanggga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles”.
 Isang midyum, sa Seksyon 7, tiniyak ang mga wikang panuro. Bilang pagtugon sa batas, naglunsad ang
Department of Education, Culture and Sports (dating Ministri ng Edukasyon, Kultura at Isports)
 ng palisi sa edukasyong bilinggwal na nakasaad sa DECS Order No. 52, s, 1987 (dating Kautusang
Pangkagawaran Blg. 25, s, 1974).
 Layunin ng kautusan ang pagtatamo ng kompetens sa Filipino at Ingles sa lebel pambansa sa
pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wika at paggamit ng mga ito bilang midyum ng pagtuturo sa
lahat ng antas ng edukasyon.

LARANGAN NG EDUKASYON

LARANGAN NG KOMUNIKASYON

 Bilang disiplina, hindi lamang wikang panturo, kundi mga tiyak na sabdyek/aralin mula antas elementarya
hanggang kolehiyo.

A.) Ginagamit ng tao ang wika sa kanyang pag-iisip, sa kanyang pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap sa ibang
tao, at maging sa pakikipag-usap sa sarili.

B.) Sa panahong maging ganap na ang pagkatuto ng tao ng kanyang wikang kinagisnan, nasa kanya na hindi
lamang ang kakayahang bumuo ng anumang pangungusap.

C.) Kaugnay ng nabanggit na kaisipan sa Blg. 2, ang pag-aaral ng isang wika tulad ng Filipino ay binubuo ng
dalawang kakayahan:

1.) Kakayahang makabuo ng mga pahayag o pangungusap na may wastong kayariang pambalarila;
tinatawag itong kakayahang panlinggwistika o linguistic competence.

2.) Kakayahang maunawaan at magamit ang mga pangungusap na may wastong pambalarilang kayarian
sa angkop na panlipunang kapaligiran ayon sa hinihingi ng sitwasyon; tinatawag itong kakayahang
komunikatibo o communicative competence.

D.) Ang isang ispiker ng wika ay nag-aangkin ng kakayahang panglinggwistika o linguistic competence dahil nasa
kanyang subconscious ang kabuuan ng pamamaraan ng pagbuo ng salita, pangungusap, at kombinasyon ng mga
ito.

E.) Mahalagang maunawaan na lahat ng wika ay may grammar at nahahati sa sumusunod: Ponolohiya,
Morpolohiya, Sintaks at Semantika.

HENRY GLEASON – isang linggwistika.

ANG WIKA = ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.

7 Katangian ng Wika

1. Masistemang balangkas

 MGA PONEMANG KATINIG

2. Sinasalitang tunog

 MGA PONEMANG PATINIG

3. Pinili at isinasaayos

4. Arbitraryo

5. Ginagamit

6. Nakabatay sa kultura

7. Nagbabago
MGA TEORYANG PINAGMULAN NG WIKA

* TEORYANG BOW-WOW = Ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.

* TEORYANG POOH-POOH = Ito ay bunga ng pagbulalas ng tao sa masidhing damdamin.

* TEORYANG YO-HE-HO = Ito ay bunga ng pwersang pisikal ng tao.

* TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY = Nag-ugat ito sa mga tunog ng mga nilikha nilang ritwal na gawa ng mga
sinaunang tao.

* TEORYANG TA-TA = Nagmula naman ito sa kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat
partikular na okasyon.

* TEORYANG DING-DONG = Ito ay kahawig sa teoryang bow-wow, ito ay nalikha sa pamamagitan ng mga tunog
ng mga bagay-bagay sa paligid.

KAHALAGAHAN NG WIKA INSTRUMENTO NG KOMUNIKASYON

Pangunahing kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan.

NAG-IINGAT AT NAGPAPALAGANAP NG KAALAMAN = Kaalamang naisasalin sa ibang saling-lahi at


napapakinabangan ng ibang lahi dahil sa wika.

NAGBUBUKLOD NG BANSA = Nagbubuklod sa kanilang pakikipaglaban ng magkaroon ng kalayaan.

LUMILINANG NG MALIKHAING PAG-IISIP = Pinapalawak ang ating imahinasyon.

TUNGKULIN ng WIKA

INTERAKSYONAL = Nakapagpapatatag ng relasyong sosyal.

INSTRUMENTAL = Tumutugon sa mga pangangailangan.

REGULATORI = Kumokontrol at gumagabay sa kilos/asal ng iba.

PERSONAL = Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinion.

IMAHINATIBO = Nakapagpapahayag ng ng imahinasyon sa malikhaing paraan.

HEURISTIC = Naghahanap ng impormasyon/datos.

IMPORMATIB = Nagbibigay ng impormasyon/datos.

ANTAS NG WIKA

A. PORMAL = Mga salitang standard dahil kinikilala, tinatanggap ng nakararami.

1.) PAMBANSA = Mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika sa lahat ng paaralan at

maging sa pamahalaan.

2. PAMPANITIKAN = Mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan.

B. IMPORMAL = Mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw at sa madalas na pakikipagtalastasan.

1.) LALAWIGANIN = Mga bokabularyong dayalektal.

2.) KOLOKYAL = Mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal.

3.) BALBAL = Ito’y tinatawag na ingles na slang.

Mga BARAYTI ng WIKA

DAYALEKTO = Ito ay bahagi o subordineyt ng isang wikang sinasalita sa isang lugar o rehiyon.

SOSYOLEK = Ginagamit ayon sa relasyong sosyal.

IDYOLEK = Personal na pag gamit sa wika.

Ang kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng isang indibidwal.

JARGON = Tanging bokabolaryo ng isang pangkat.

PIDGIN = Tinatawag sa ingles na nobody’s native language. Nagkaroon nito kapag ang dalawang tao na
tagapagsalita ng dalawang magkakaibang wika na walang komon na wika ay nagtatangkang magkaroon ng
kumbersasyong makeshift.

CREOLE = Isang wika sa unang pidgin ngunit kalaunan nagiging likas na wika na. Nagkakaroon nito sa pangkat ng
komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-aangkin dito bilang unang wika.
ANG PONOLOHIYA

Ito ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng tunog.

ANG PONEMA

 Ito’y tumutukoy sa mga makahulugang tunog ng isang wika.


 21 ponema ang Wikang Filipino
– 16 ang katinig
– 5 ang patinig

5 PUNTO NG ARTIKULASYON

A. PANLABI
B. PANGNGIPIN
C. PANGGILAGID
D. VELAR (PANGNGALA-NGALA)
E. GLOTTAL

6 NA PARAAN NG ARTIKULASYON

1. PASARA
2. PAILONG
3. PASUTSOT
4. PAGILID
5. PAKATAL
6. MALAPATINIG

ANG ALOPONO = ito ay mga kahawig na tunog ng isang ponema. Hal. a,i,e,o,u

ANG TRANSKRIPSYON = ang sistematikong paraan ng pagsulat ng mga tunog ng isang wika.

2 URI NG TRANSKRIPSYON

A. TRANSKRIPSYONG PONETIKO = ang lahat ng tunog-makahulugan man o hindi. –ay itinatala. Ito ay may
simbolong [].

B. TRANSKRIPSYONG PONEMIKO = itinatala ng nagsusuri ang mga tiniyak na makabuluhang tunog o ponema.
Ito ay may simbolong //.

MORPOLOHIYA = Ito ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ang pagsasama-sama ng mga ito upang
makabuo ng salita.

MORPEMA = Ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.

URI NG MORPEMA

1. MALAYANG MORPEMA (FREE MORPHEME) – Mga salitang-ugat na may sariling kahulugan na hindi na
maaaring hatiin.

2. DI-MALAYANG MORPEMA (BOUND MORPHEME)- Mga salitang binubuo ng salitang-ugat at panlapi o afiks na
nakakabit.

MGA MORPEMANG DIVERSYUNAL AT INFLEKSYUNAL

DIVERSYUNAL NA MORPEMA - Nagbago ang kahulugan nito dahil sa pagkakabit ng iba pang morpema o afiks
nito.

INFLEKSYUNAL NA MORPEMA - Hindi nagbabago ang kahulugan ng mga salita o morpema (sa kategoryang
sintaktika) kung kinakabitan ng iba pang morpema o afiks.

MGA URI PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

ASIMILASYON = Sakop ng uring ito ang mga pagbabagong nagaganap sa /n/ sa pusisyong pinal dahil sa
impluwensya ng ponemang kasunod nito.

 Tulad ng naipaliwanag na, isa sa tatlong ponemang pailong, /m, n, n/, ang ginagamit batay sa kung ano
ng punto ng artikulasyon ng kasunod na ponema upang maging magaan at madulas ang pagbigkas sa
salita.
(2) URI NG ASIMILASYON:

ASIMILASYONG PARSYAL O DI-GANAP = Ito ay karaniwang pagbabagong nagaganap sa pailong na /n/ sa


pusisyong pinal ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kasunod na tunog.

Mga Halimbawa:

[pang-] + paaralan = pampaaralan

[pang-] + dikdik = pandikdik

ASIMILASYONG GANAP = Bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang /n/ ayon sa puntong


artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala parin ang unang ponema ng nilalapiang salita dahil sa ito
ay inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema.

Mga halimbawa:

[pang-] + palo - pampalo - pamalo

Mga halimbawa:

Yaong maaaring gamitan ng dalawang uri ng asimilasyon.

[pang-] + kuha - pangkuha - panguha

PAGPAPALIT PONEMA = May mga ponemang nababago o napapalitan sa pagbubuo ng mga salita. Kung minsan, ang
ganitong pagbabago ay nasasabayan ng pagpapalit ng diin.

/d/ - /r/

Mga halimbawa:

ma- + dapat – marapat

[-an] o [-in], ang /d/ ay karaniwang nagiging /r/.

halimbawa:

lapad + -an - lapadan – laparan

/h/ - /n/

tawa + -han -tawahan - tawanan

/o/ - /u/

Halimbawa:

dugo + an – duguan

METATESIS = Kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay ginitlapian ng [-in], ang /l/ o /y/ ng salitang-ugat at
ang /n/ ng gitlapi ay nagkakapalit ng pusisyon.

Mga halimbawa:

-in + lipad - nilipad

atip + -an - atipan - aptan

PAGKAKALTAS NG PONEMA = Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay
nawawala sa paghuhulapi dito.

Mga halimbawa:

bukas + -an - bukasan – buksan

ANG GAMIT NG GITLING

Ginagamit ang gitling ( - ) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:

1. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.

• Halimbawa:

– araw-araw - dala-dalawa
2. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi
ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan.

• Halimbawa:

– mag-alis - pang-ako

3. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.

Halimbawa:

• pamatay ng insekto -pamatay–insekto

Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng gitling ang
pagitan nito.

• Halimbawa:

– dalagambukid ( isda)

– buntunghininga

4. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbolo.
Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.

• Halimbawa:

– maka-Diyos

• Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inulit

na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan.

• Halimbawa:

• mag-Ford - magfo-Ford

5. Kapag ang panlaping ika-ay iniunlapi sa numero o pamilang.

• Halimbawa:

– ika-3 n.h.

6. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.

• Halimbawa:

– isang-kapat (1/4)

– lima’t dalawang-kalima (5 2/5)

7. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa.

• Halimbawa:

– Gloria Macapagal-Arroyo

– Perlita Orosa-Banzon

8. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.

– Patuloy na nililinang at pinalalawak ang paggamit ng Filipino.

KLASTER

Ayon kina: Otanes at Schachter (1972)

Ang Consonant Cluster ay tumutukoy sa uri ng syllable pattern. Ito ay sunuran ng dalawa o higit pang katinig na
matatagpuan sa loob ng isang pantig na maaring sa inisyal o pinal na posisyon.

Ayon naman kina: Aganan et. al. (1999)

Ang klaster o kambal katinig ay tumutukoy sa magkasunod na tunog katinig.

 Batay sa mga dalubwikang nabanggit, makikita natin na nagkakasundo ang mga ito na ang klaster o
kambal katinig ay sunuran ng dalawa o higit pang ponemang katinig na matatagpuan sa loob ng isang
pantig.
 Ito ang tsart na ipinakita nina: Santiago at Tiangco
 Ito ay mga halimbawa na maaaring kumbinasyon ng mga ponemang katinig na maituturing na klaster sa
pusisyong inisyal:
 Sa tsart, mapapansin ang mga halimbawang salita na hindi lamang ito makikita sa inisyal na pusisyon
sapagkat may ilan din dito na matatagpuan sa midyal o gitnang pusisyon.
 Karamihan sa mga salita ay hiram sa Kastila.

May isinaayos din na tsart sina: Santiago at Tiangco

 Mga sapilitang pagtanggap ng klaster sa pusisyong pinal dahil sa mga salitang hinihiram sa Ingles.

ANG MGA DIPTONGGO

Sa talakay nina Santiago at Tiangco:

Ang Diptonggo (diphthongs) ay tumutukoy sa alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /w/ o


/y/ sa loob ng isang pantig.

Samantala, tiniyak ni: Paz, et.al (2003)

ANG MONOPTONG = ay isang payak o simpleng patinig lamang.

ANG DIPTONG = ay sikwens o sunuran ng patinig at malapatinig o glayd.

• Sa mga halimbawang ipinakita, mapapansin na maaaring matagpuan ang diptonggo sa midyal


o pinal na pusisyon. Subalit hindi lahat ng makikita nating sunuran ng patinig at malapatinig ay
maituturing na diptonggo.

• Subalit kapag ito’y nilagyan pa natin ng hulaping-an at naging agiwan, ang sunurang patinig at
malapatinig ay hindi na masasabing diptonggo sapagkat ang mga ito ay nasa magkahiwalay ng
pantig,

• a-gi-wan at hindi a-giw-an.

• Samakatuwid, hindi na maituturing na diptonggo ang isang nagtataglay ng sunurang patinig at


malapatinig kung ang malapatinig na /w/ o /y/ ay napagitan na sa dalawang patinig.

ANG MGA PARES MINIMAL (MINIMAL PAIRS)

• Balikan natin ang puntong makabuluhan ang isang tunog kapag nagawa nitong baguhin ang kahulugan ng isang
kaligiran sa sandaling ito’y alisin o palitan.

• Ito ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng pares ng mga salita o mas kilala bilang pares minimal.

• Tingnan at suriin ang mga sumusunod na halimbawa:

• pasa = /pasa/ = ‘bruise’

PONEMANG SUPRASEGMENTAL

1.3 ANTALA = Ito ay dumedepende sa ating vaybresyon ng ating vocal-kord.

TONAL

◦ 1.1 PUNTO NG TONO = Pantig na may kaugnay na tonong makahulugan.

◦ 1.2 ANTAS NG TONO = Sa bawat punto ng tono, isa sa tatlong nagpakilalang antas ng tono ang
lumilinaw, tulad ng iskala na ipapakita:

3 = mataas – isang nota ang taas sa ikalawa

2 = katamtaman o normal na lawak ng tono

1 = mababa- isang notang mababa sa ikalawa

HUBOG NG TONO

2.1. / / ganap ang buong pagbaba

2.2. / / kalahating pagbaba kulang sa isang antas

2.3. / / pagpapanatili sa antas ng tono

2.4. / / pagtaas ng tono mula sa pangwakas na punto ng tono.

HABA at DIIN = Ito ay bahagyang paghinto sa binibigkas na pantig o silabol ng salita nang hindi naman pinuputol
ang paglikha ng tunog sa nasabing pantig.

ANTALA = Ito ay pagbibigay linaw at diin sa ating salita.


ANG PANTIG = Isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.

◦ Mga halimbawa:

a – ko

KAYARIAN NG PANTIG

Sa kasalukuyan ay may mga kayarian ng pantig na ambag ng mga lokal na wika at panghihiram.

◦ KAYARIAN HALIMBAWA

P u-pa

KP ma-li

PK is-da

KPK han-da

KKP pri-to

PKK eks-perto

ANG PAGPAPANTIG

Ito ay paraan ng pagbaha-bahagi ng salita sa mga pantig.

Salita Mga Pantig

maaga ma-a-ga

MGA PANGUNGUSAP NA WALANG TIYAK NA PAKSA

PENOMINAL = Tumutukoy sa kalagayang pangkalikasan (Binubuo ng panaguring pandiwa na may kasamang


pang-abay). Hal. Umuulan!

TEMPORAL (PANANDALIAN) = Nagsasaad ng kalagayan o panahong (Binubuo ng pang-uri na may kasamang


pang-abay). Hal. Mainit!

EKSISTENSIYAL = Nagsasaad ng pagka-mayroon. Hal. May mga mag-aaral na sa awditoryum.

KA-PANDIWA = Nagsasaad ng katatapos na kilos. Hal. Kaaalis lang niya.

PAMBATING PANLIPUNAN = Magagalang na pananalita ng pakikipagkapwa-tao. Hal. Kumusta ka?

PANAWAG = Panawag na pangkamag-anak. Hal. Hoy! Pssst!

PANDAMDAM = Nagpapahayag ng matinding damdamin. Hal. Aray ko! Sus! Aru!

MODAL = Nangangahulugan ng “gusto”/“nais”/“ibig”. Hal. Gusto kong bumili ng ice cream.

GRAMATIKANG FILIPINO

PARIRALA = salita na walang diwa. Halimbawa: ang mga mag-aaral

PANGUNGUSAP = salita o pangkat ng mga salita na may buong diwa.

Halimbawa: Sunog!

Ang magandang babae ay nagsusulat sa silid-aklatan.

SUGNAY = Pangkat ng mga salitang may paksa at panaguri subalit hindi buo ang diwa. Ito ay bahagi lamang ng
pangungusap.

May 2 uri ng sugnay:

1.) SUGNAY NA MAKAPAG-IISA = Ito ay nabuo sa loob ng pangungusap na may paksa at panaguri.
Maaari itong gawing buong pangungusap kung aalisin sa mga kasamang salita at lalagyan ng angkop na
bantas.

2.) SUGNAY NA DI-MAKAPAG-IISA = Pinangungunahan ito ng pangatnig. Hindi tapos ang kaisipang
ipinapahayag nito kahit na may paksa at panaguri.
MGA BAHAGI NG PANGUNGUSAP

PAKSA = Bahaging pinag-uusapan sa pangungusap. Maaaring gamiting paksa ang pangngalan, panghalip, pang-
uri at pandiwa.

BUONG PAKSA = Kapag kasama ng payak na paksa ang iba pang salitang pinag-uusapan sa pangungusap.

PANAGURI = Bahagi ng pangungusap na nagsasabi tungkol sa paksa.

BUONG PANAGURI = Kapag kasama ng payak na panaguri ang iba pang salitang nagsasabi tungkol sa paksa.

AYOS ng PANGUNGUSAP

KARANIWAN o TUWID – Nauna ang Panag-uri sunod ang paksa. Hal. Maganda siya.

DI-KARANIWAN o BALIGTAD = nauna ang paksa sa panaguri. Hal. Siya ay maganda.

URI ng PANGUNGUSAP AYON sa GAMIT

PASALAYSAY = Nagkukwento, nagsasabi ng isang pahayag o kaisipan. Nagtatapos sa tuldok.

PATANONG = Nanghihingi ng kasagutan o paliwanag.Nagtatapos sa tandang pananong.(?)

PADAMDAM = Nagpapahayag ng matinding damdamin.Ginagamitan ng tandang padamdam.(!)

PAUTOS = Nag-uutos o nakikiusap.Nagtatapos sa tuldok.(.)

URI ng PANGUNGUSAP AYON sa KAYARIAN

PAYAK = Iisa at buo ang ideyang ipinahahayag.

TAMBALAN = Higit sa isang kaisipan o ideyang ipinapahayag, maaaring magkapantay o magkasalungat ang
ideyang ipinahahayag at ginagamitan ng pangatnig na magkatimbang gaya ng at, saka, pati, o ngunit.

HUGNAYAN = Higit sa dalawa ang ideya o sugnay, may makapag-iisa at ‘di-makapag-iisang sugnay at
ginagamitan ng pangatnig na ‘di magkatimbang tulad ng; sapagkat, upang, nang, at kung.

LANGKAPAN = Binubuo ito ng tambalan at hugnayang pangungusap.

PANDIWA= Salitang nagsasaad ng kilos. Binubuo ng salitang-ugat at panlapi.

ASPEKTO NG PANDIWA

Aspektong Naganap o PERPEKTIBO = Nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos.

Aspektong KATATAPOS = Katatapos lamang ng kilos. Nasa ilalim ito ng perpektibo

Aspektong Nagaganap o IMPERPEKTIBO = Nagsasaad na patuloy pa ring nangyayari ang inuumpisahang kilos.

Aspektong Magaganap o KONTEMPLATIBO = Gagawin pa lamang ang kilos.

Aspektong NEUTRAL = Ang kilos ay nagaganap sa anyong pautos o nasa anyong pawatas. Hal. Maglaba,
Magluto.

MGA URI NG PANDIWA

1.) KATAWANIN – ang pandiwa ay ganap o buo na ang diwang ipinahahayag sa kanyang sarili.

2.) PALIPAT – ang pandiwa ay hindi-ganap o di buo at nangangailangan ng tagatanggap ng kilos na tinatawag na
tuwirang layon.

2 TINIG NG PANDIWA (Active and Passive)

TUKUYAN O TAHASAN = Paksa ng pangungusap ang gumagawa ng kilos.

BALINTIYAK = Nasa bahaging panaguri ang tagagawa ng kilos.

POKUS NG PANDIWA

POKUS SA TAGAGANAP O AKTOR = Ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na isinasaad sa pandiwa.
POKUS SA LAYON O GOL = Ang paksa ay siyang binibigyan diin sa pangungusap.
POKUS SA GANAPAN O LOKATIB = Ang paksa ay lugar o ganapan ng kilos.
POKUS DIREKSYUNAL = Ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa.
POKUS SA TAGATANGAP O BENEPAKTIB = Ang pinaglalaanan ng kilos.
POKUS SA GAMIT O INSTRUMENTAL = Ginagamit ang paksa sa pagsasagawa ng kilos.
POKUS SA SANHI O KAWSATIB = Ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos.
4 NA URI NG PANG-URI

PANG-URING PANLARAWAN = Nagsasabi tungkol sa anyo, laki, lasa, amoy, hugis at iba pang katangian ng
pangngalan at panghalip.

PANG-URING PAMILANG = Nagsasabi ito ng dami o bilang ng pangngalan at panghalip.

PANG-URING PANTANGI = May anyong pangngalang pantangi na naglalarawan sa pangngalan.

PANG-URING PAARI = Mga salitang paari na tumuturing sa pangngalan.

4 KAYARIAN NG PANG-URI

PAYAK = binubuo ito ng salitang-ugat lamang

MAYLAPI = binubuo ito ng salitang-ugat at panlapi

INUULIT = binubuo ng pag-uulit sa salitang-ugat o sa pang-uring maylapi

TAMBALAN = binubuo ng dalawang magkaibang salita

KAANTASAN NG PANG-URI

LANTAY = Pangngalan o panghalip na nagtataglay ng iisang katangian.

PAHAMBING = Paghahambing ng katangian ng dalawang bagay.

 URI NG PAHAMBING:

PATULAD = Pantay sa katangian o walang nakalalamang sa katangian pinaghahambing.

DI-PATULAD

PALAMANG = Nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing.

PASAHOL = Kulang sa katangiang pinaghahambing ang isa sa dalawang pinag-uusapan.

PASUKDOL = Naglalarawan ng mga tao, bagay, pook o pangyayari na natatangi sa karamihan.

ANG PANG-ABAY = Ang tawag sa mga salita o mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri o
kapwa pang-abay.

URI NG PANG-ABAY

PANG-ABAY na PAMARAAN = Ito ay sumasagot sa tanong na paano ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos sa
pangungusap.

PANG-ABAY na PAMANAHON = Ito ay sumasagot sa tanong na kailan ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos sa
pangungusap.

PANG-ABAY na PANLUNAN = Ito ay sumasagot sa tanong na saan ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos sa
pangungusap.

KATAGA o INGKLITIK = Ito ay tawag sa katagang karaniwang sumusunod sa unang salita ng pangungusap.

IBA PANG URI NG PANG-ABAY

PANGGANO = Ito ang pang-abay na nagsasaad ng dami, halaga, timbang o sukat ng isang pandiwa.

PANANGGI = Ito ang pang-abay na nagsasaad ng pasalungat o di-pagsang-ayon tulad ng huwag, ayoko, hindi,
ayaw, wala.

PANANG-AYON = Ito ang tawag pang-aay na nagpapahiwatig ng pagpayag o pang-ayon sa opinyon o gusto ng
iba gaya ng tunay, totoo, talaga, walang duda, sigurado, tiyak, opo, oo.

PANG-AGAM = Tawag ito sa mga pang-abay na nagsasaad ng pagdududa, pag-aalinlangan o kawalan ng


kasiguruhan, gaya ng baka, tila, marahil, siguro.

PANGATNIG = Ang tawag sa mga kataga o salitang ginagamit upang pag-ugnayin ang salita sa iba pang bahagi ng
pangungusap.

May iba’t ibang pangkat nito.

A.) Pangatnig na nag-uugnay sa magkatulad na kaisipan o ideya. (at, pati, o, ni, saka, maging)

B.) Pangatnig na nag-uugnay sa magkasalungat na ideya. (gayon, kung, palibhasa, kapag, subalit, dapatwat)

C.) Pangatnig na nag-uugnay ng dahilan at bunga ng pangyayari. (sapagkat, kaya, upang, dahil)

D.) Pangatnig na nag-uugnay sa panahong ikinaganap ng kilos. (nang, samantalang, habang)


PANG -UKOL = Ito ay bahagi ng pananalitang nagsasabi kung saang pook o bagay ang pinag-uukulan ng kilos, gawa,
balak, uri o layon.

◦ Mga Halimbawa:

◦ SA Tungo SA/KAY

◦ NG Alinsunod SA/KAY

INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKAMGA PARAAN NG ARTIKULASYONORAL AT NESYAL

Tunog Oral =ang nagagawa kung sa bibig lamang dumadaloy ang papalabas na hangin.

Tunog Neysal =kung dumadaloy ang hangin sa neysal-kaviti kapag nakababaMGA STAP

Tinatawag minsan itong plosiv=May pansamantala pero ganap na pagpigil o pagbara ng daloy ng hangin sa bibig
sa paggawa ng mga stap

Voysles-Baylebyal-Stap (p) (Fil) =

Voysles-Dental-Stap (t) (Fil)

Voysles-Alvyolar-Stap (t) (Ing)

MGA ASPIREYTED NA TUNOG =Nabanggit natin na sa bigkas ng mga voysles na tunog, nakabuka ang glotis at malayang
dumadaloy ang hangin sa pagitan ng mga vokal-kord

 Kapag isang voys na tunog ang bibigkasin, nagsasara ang mga vokal-kord
 Sa wikang Ingles 2 klase ang voysles ang voysles na tunog depende sa haba at lakasng palabas na hangin sa
pagsara ng mga vokal kord
 Aspireyted
 Di-aspireyted
 Aspireyted [h] sa ingles, [ph], [th], [kh] kapag na sa inisyal posisyon ng silabol atsinusundan ng vawel na mey
stres, at di-aspireyted naman sa ibang envayronment.

MGA FRIKATIV =Kinabibilangan din ng mga vawel at ng mga glayd dahil nagagawa ang mga ito na maytuluy-tuloy na
daloy ng hangin sa bibig.

 Sa artikulesyon ng mga friktiv pinararaanan anng hangin sa masikip na daanan perotuluy-tuloy parin ang daloy
nito
 Dahil sa napakakitid ang daluyan ng hangin, nagkakaroon ng friksyon na parangsumasagitsit ang hangin.
 Tinatawag ding SPYRANT ang mga ito.
 [f]–voysles-labyodental-frikativ
 [v]–voys-labyodental-frikativ

MGA AFRIKEYT=Ginagawa ang mga ito nang may pagpipigil ng hangin sa simula tulad ng mga stap at sinusundan kaagad
ng pagbibitiw nito tulad ng mga frikativ.

LINGUISTIKA, LINGGWISTIKA O DALUBWIKAAN = ang pag-aaral sa wika ng tao at tinatawag na

isang linguista o linggwista ang mga dalubhasa dito. Maaaring isadiwa ang pag-aaral ng linguistika sa tatlong
malalaking aksis, isinisalarawan ang kanyang mga dulo ng sumusunod

PAGSUSURI SA PALAWIKAAN

SINKRONIKA AT DIAKRONIKA (synchronic and diachronic) - Binabahala ng sinkronika na pag-aaral ng wika ang
kanyang anyo sa isang bigay na sandali samantala sinasakop ng diakronika na pag-aaral ang kasaysayan ng isang
(grupo ng) wika at ang pagbabago ng kayarian sa palipas ng panahon.

TEORETIKO AT NILAPAT - Binabahala ng linggwistikang teoretiko ang mga framework para isalarawan ang
kanya-kanyang wika at teoriya tungkol sa unibersal na aspekto ng wika samantala ang nilalapat ng linggwistikang
nilapat ang mga teoriyang ito sa ibang larangan.

KONTEKSTWAL AT MALAYA - Binabahala ng linggwistikang kontekstwal kung papaano iangkop ang wika sa
mundo: ang kanyang tungkulin sa lipunan, paano ito nakuha, paano ito nilikha at namataan. Binabahala naman
ng malayang linggwistika ang wika para sa kanyang sariling kapakinabangan, maliban sa panlabas na kaugnay na
wika.

SINTAKSIS – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa isang wika.
KOMUNIKASYON

Ito ay sistema o paraan ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng telopono, telegrama,


radyo, telebisyon, o computer.

 Ayon kay: ARROGANTE (1988)


 Napakahalaga sa bawat indibidwal.
 Ang salitang pakikipagtalastasan ay galing sa salitang-ugat na talastas na nangangahulugang alam.

URI NG KOMUNIKASYON

VERBAL =Pagpapalitan at pakikipag-usap sa pamamagitan ng pasalitang pagpapahayag.

DI-VERBAL =Ito ay mga pahayag na ipinahihiwatig ng mga kilos o sagisag.

TIPO at ANTAS ng KOMUNIKASYON

INTERPERSONAL (TAYLOR, 1980) =Direktang may komunikasyon o interaksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang
interlokyutor o nagsisipag-usap.

INTRAPERSONAL= Nakikipag-usap ang isang indibidwal sa kanyang sarili lamang.

ELEMENTO ng KOMUNIKASYON

MGA KOMYUNIKEYTOR = Sila ang pinakamahalagang komponent ng komunikasyon.

LAYUNIN NG KOMUNIKASYON = Ito’y tumutukoy sa inaasahang ibubunga ng pakikipag-usap ng bawat komyunikeytor.

MGA TUNTUNING PANGKOMUNIKATIBO

 Ito ang nagsisilbing batayan sa pagsasagawa ng mga komyunikeytor ng kanilang transakyon.


 FIDBAK = Kapag-nag-uusap ang dalawa o mahigit pang komyunikeytor na inaasahang may mutual na
impluwensyang namamagitan sa kanila.
 MENSAHE = Tumutukoy sa verbal at di-verbal na simbolong ginagamit ng mga komyunikeytor sa kanilang
pakikipag-usap.

KAWASTUANG PAMBALARILA

 Nabanggit sa unahan na kailangang magkaroon ng dalawang kawastuan ang pagpapahayag; kawastuang


pambalarila at kawastuang panretorika. Bukod sa kaalaman sa iba’t ibang bahagi ng panalita katulad ng:
 Pangngalan, Panghalip, Pandiwa, Pang-uri, Pang-abay,
 Pang-angkop, Pang-ukol, at Pangatnig ay dapat ding matutuhan ng isang magpapahayag ang wastong gamit ng
mga sumusunod:

 NANG = Karaniwang ginagamit na pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at ito ang panimula ng katulong na
sugnay.
 NANG = Nagmula sa na at inaangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan ng pandiwa at ng panuring nito.
 NANG =Ginagamit ang nang sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit, dalawang pawatas o neutral na inuulit
at dalawang pandiwang inuulit.

 NG = Ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.


 NG = Ginagamit na pananda ng aktor o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak.

 KUNG = Ay pangatnig na panubali at ito’y karaniwang ginagamit sa hugnayang pangungusap.


 KONG = Ay nanggaling sa panghalip na panaong ko at inaangkupan lamang ng ng.

 1. MAY = Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan.


 2. MAY = Ito’y ginagamit kapag sinusundan ng pandiwa.
 3. MAY = Ginagamit kapag sinusundan ng pang-uri.
 4. MAY = Ginagamit kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari.

 1. MAYROON = Ginagamit kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito.


 2. MAYROON = Ginagamit na panagot sa tanong.
 3. MAYROON = Ginagamit kung nangangahulugan ng pagka-maykaya sa buhay.

 SUBUKIN = Ito’y nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang tao o bagay.
 SUBUKAN = Ito ay nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginagawa ng isang tao o mga tao.

 PAHIRIN = Ito ay tumutukoy sa kilos na nangangahulugan ng pag-aalis o pagpawi sa isang bagay, alisin ang
bagay.
 1. PAHIRAN = May dalawang kahulugan.
 2. PAHIRAN = Nagagamit din ang pahiran sa kahulugang paglalagay ng kaunting bagay at karaniwan ay sa bahagi
ng katawan.

 OPERAHIN = Tinutukoy ng operahin ang tiyak na bahaging tinitistis.


 OPERAHAN = Tinutukoy nito ang tao at hindi ang bahagi ng katawan.

 SUMAKAY = Ay isang pandiwang katawanin at hindi nangangailangan ng tuwirang layon.


 MAGSAKAY = Ay pandiwang palipat at nangangailangan ng tuwirang layon.

 Ang Rin at Raw = Ang mga katagang rin at raw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtapos sa patinig
at sa malapatinig na w at y.
 Ang din at daw ay ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at y.

 Ang sila ay panghalip panao samantalang ang sina ay panandang pangkayarian sa pangalan. Karaniwang
kamalian na ang sila ay ginagamit na panandang pangkayarian.
 Ang kina ay panandang pangkayarian sa pangngalan katulad ng sina. Walang salitang kila sa Balarilang Filipino.
Ang paggamit ng kila ay karaniwang pagkakamali.
 Ang hagis ay pangngalan at hindi pawatas o neutral ng pandiwa.
 Napakasal = Ginagamit ito kapag ang tinutukoy ay ang ginagawang pag-iisang dibdib ng dalawang nilalang na
nagmamahalan.
 Nagpakasal = Ang nagpakasal ay tumutukoy sa taong naging punong-abala o siyang nangasiwa upang makasal
ang isang lalaki at babae.

IDIOMA

Ang idyoma ay isang salita o grupo ng mga salita na ang kahulugan ay iba sa tunay na depinisyon ng mga ito.
Makulay na ekspresyon na ang kahulugan ay kaiba sa kahulugan ng pinagsamang mga salita.

amoy-pinipig Kahulugan: mabango ang amoy


abot ng isip Kahulugan: kayang unawain kayang maintindihan
agaw-buhay Kahulugan: nasa bingit ng kamatayan malapit ng mamatay
agaw-liwanag Kahulugan: malapit ng mag-umaga o lumiliwanag na
alagad ng batas Kahulugan: pulis o miyembro ng militar
anak ng dilim Kahulugan: maligno o engkanto
anak ng Diyos Kahulugan: may kapangyarihan o may espesyal na pribilehiyo
anak ng lupa Kahulugan: magbubukid o magsasaka ang trabaho ay pagbubungkal ng lupa
asal-hayop Kahulugan: mabangis o malupit sa kapwa walang pinipili ang pagmamalupitan.
atras-abante Kahulugan: hindi desidido
ayaw padapuan ng langaw Kahulugan: sobrang protektado
bagong buhay Kahulugan: magsimulang muli
bagong tao Kahulugan: nagbibinata o binatilyo
bakal ang dibdib Kahulugan: matibay ang loob
balian ng buto Kahulugan: disiplinahin
bantay-salakay Kahulugan: isang tagapagbantay na isa palang magnanakaw
basa ang papel Kahulugan: hindi mapagkakatiwalaan
batang kalye Kahulugan: nakatira o lumaki sa lansangan
batang-isip Kahulugan: inosente wala pang muwang sa buhay
bibig na pakakainin Kahulugan: mga taong pinakakain
buhos ang panahon Kahulugan: ibinibigay ang lahat ng oras
buwaya sa katihan Kahulugan: sakim o suwapang
Kabiyak ng puso Kahulugan: asawa
Kailangan ng palo Kahulugan: kailangang utusan para gumawa o walang sariling kusa
Kainin ang salita Kahulugan: bumalik sa sarili ang panghuhusga hindi mangyari ang
ipinagyayabang
Kagat ng dilim Kahulugan: madilim na o pagabi na
kalapating mababa ang lipad Kahulugan: masamang babae o babaeng nagbibili ng aliw
kinain ng abo Kahulugan: nasunog
kaututang dila Kahulugan: kakuwentuhan o katsismisan
kuyom ang palad Kahulugan: matipid o hindi palabigay
dugo nang dugo Kahulugan: anak o kaanak
dinidiyos ang pera Kahulugan: labis na nagpapahalaga sa pera
duling na duling Kahulugan: labis na humahanga
gawa ng pagmamahal Kahulugan: dahil sa pagmamahal
ginintuang tinig Kahulugan: maganda ang boses
ginto ang puso Kahulugan: mabuti ang kalooban o Laging handang tumulong sa kapwa
Gumagapang na tila ahas Kahulugan: mahirap o dumanas ng hirap
halang ang kaluluwa Kahulugan: masama ang ugali o Hindi kumikilala ng katuwiran
hawak sa leeg Kahulugan: sumusunod sa lahat ng utos o sunud-sunuran
inaapoy ng lagnat Kahulugan: mataas na mataas ang lagnat
Isang kahig-isang tukang buhay Kahulugan: mahirap na mahirap

PAMANAHONG PAPEL (Term Paper)

Ito ay isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa kolehiyo bilang isa
sa pangangailangan sa isang larangang akademiko.

MGA PAHINANG PRELIMINARI O FRONT MATTERS

A. FLY LEAF 1 = Ang pinakaunang pahina ng pamanahong-papel. Walang nakasulat na kahit ano sa pahinang ito.
Ito ay blangko.

B. PAMAGATING PAHINA = Ang tawag sa pahinang nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong-papel.

C. DAHON NG PAGPAPATIBAY = Ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananalikisk at


pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel.

D. PASASALAMAT O PAGKILALA = Tinutukoy ng mananaliksik ang mga indibidwal, pangkat, tanggapan o


institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat at dapat na pasalamatan o kilalanin.

E. TALAAN NG NILALAMAN = Nakaayos sa pagbalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong-papel at


nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.

F. TALAAN NG MGA TALAHANAYAN AT GRAP = Nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o grap na nasa
loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.

G. ANG FLY LEAF 2 = Ay isa na namang blangkong pahina bago ang katawan ng pamanahong-papel.

 Hindi nilalagyan ng bilang ng pahina o pagination ang mga pahinang preliminari. May mga pamanahong-
papel din ang kakikitaan ng Pag-aalay o Dedikasyon na isang opsyonal na pahina

Kabanata 1:

A. PANIMULA O INTRODUKSYON = Ito ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang


pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL = Dito inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang
pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang mga ispesipik na suliranin na nasa anyong patanong.

C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL = Dito inilalahad ang signipikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng


pag-aaral. Tinutukoy dito ang maaaring kapakinabangan o halaga ng pag-aaral sa iba’t ibang indibidwal, pangkat,
tanggapan, institusyon, propesyon, disiplina o larangan.

D. SAKLAW AT LIMITASYON =Dito tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito itinatakda ang
parameter ng pananaliksik dahil tinutukoy rito kung anu-ano ang baryabol na sakop at hindi sakop ng pag-aaral.

E. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA =Ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang
bawat isa’y binigyan ng kahulugan.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

 Sa kabanatang ito, tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng
pananaliksik. Kailangan ding matukoy ng mananaliksik
 kung sinu-sino ang mga may akda ng naunang pag-aaral o literatura, disenyo ng pananaliksik na ginamit,
mga layunin at mga resulta ng pag-aaral.
 Hanggat maaari rin, tiyaking ang mga materyal na gagamitin ay nagtataglay ng mga sumusunod na
katangian:

A. OBHETIBO O WALANG PAGKILING

B. NAUUGNAY O RELEVANT SA PAG-AARAL

C. SAPAT ANG DAMI O HINDI NAPAKAKAUNTI O NAPAKARAMI.


KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

A. DISENYO NG PANANALIKSIK = Dito nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral.

B. RESPONDENTE = Dito tinutukoy ang respondente ng sarbey. Kung ilan sila at paano at bakit sila napili.

C. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK = Dito inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap


ng mga datos at impormasyon.

D. TRITMENT NG MGA DATOS = Dito inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang
mga numerikal na datos ay mailarawan.

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito, inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstwal at tabular
o grapik na presentasyon.

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

1. LAGOM = Binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensibong tinalakay
sa Kabanata III.

2. KONGKLUSYON = Ito ay mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang


pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik.

3. REKOMENDASYON = Ito ay mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa
pananaliksik.

MGA PANGHULING PAHINA

A. LISTAHAN NG SANGGUNIAN = Ito ay isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng
mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong-papel.

B. APENDIKS O DAHONG-DAGDAG = Maaaring ilagay o ipaloob dito ang mga liham, pormularyo ng ebalwasyon,
transkripsyon ng interbyu, sampol ng sarbey-kwestyoneyr, bio-data ng mananaliksik , mga larawan, kliping at
kung anu-ano pa.

MGA PANANAW O TEORYA SA PAGBASA

TEORYANG BOTTOM-UP = Ito ay isang tradisyunal na pananaw sa pagbasa. Bunga ito ng impluwensya ng
teoryang behaviorist na higit na nagbibigay-pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehensyon sa pagbasa.

Ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbulo (stimulus) upang maibigay ang
katumbas nitong tugon (response)

TEORYANG TOP-DOWN = Ito ay impluwensya ng sikolohiyang GESTALT na naniniwalang ang pagbasa, na siya ay
may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling kakayahan sa
wika (language proficiency) at kanyang ginagamit habang siya ay nakikipagtalastasan sa awtor sa pamamagitan
ng teksto.

TEORYANG INTERAKTIB = Ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang
isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan.

Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor. Ito ay may dalawang direksyon o bi-
directional.

TEORYANG ISKIMA = Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa.

Ang tekstong ito ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng
pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.

MGA KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGBASA

TALINO = Isa sa puhunan ng tao sa kanyang pakikipagsapalaran sa buhay.

PAG-UURI NG MGA IDEYA AT DETALYE = Sa pag-uuri ng mga ideya at detalye ng isang teksto, makatutulong nang malaki
ang kaalaman sa mga sumusunod:

1. PAKSANG PANGUNGUSAP = Ito ay siyang sentro o pangunahing tema/pokus sa pagpapalawak ng ideya.

2. SUPORTANG DETALYE = Ito ang mga tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay-linaw sa paksang pangungusap.
PAGTUKOY SA LAYUNIN NG TEKSTO = Tumutukoy ito sa kung ano ang nais mangyari ng isang awtor sa kanyang
mambabasa.

 Pagtiyak sa damdamin, tono at pananaw ng teksto


 Sa pamamagitan ng mga tiyak na salitang ginamit ng awtor sa isang teksto, maaaring matiyak kung ano
ang damdamin, tono at pananaw sa teksto.
 DAMDAMIN = Ito ay tumutukoy sa kung ano ang naging saloobin ng mambabasa sa binasang
teksto.
 TONO = Ito ay tumutukoy sa saloobin ng awtor sa paksang kanyang tinatalakay. Maaaring ito ay
masaya, malungkot, seryoso, mapagbiro, mapangutya atb.
 PANANAW = Ito ay tumutukoy naman sa punto de vistang ginamit ng awtor sa teksto. Makikita
ito sa pamamagitan ng mga panghalip na kanyang ginamit.

Pagkilala sa pagkakaiba ng opinyon at katotohanan

Mahalagang makilatis ng sinuman mambabasa ang opinyon at katotohanan.

OPINYON = Ito ay pahayag ng isang tao hinggil sa isang paksa batay sa kanyang paniniwala at prinsipyo.

KATOTOHANAN = Ito ay mga paktwal na kaisipan o pahayag na hindi na mapapasubalian at samakatwid


ay tinatanggap na ang lahat.

Pagsusuri kung valid o hindi ang ideya o pananaw.

MGA BATAYAN UPANG MASURI KUND VALID O HINDI ANG ISANG PARTIKULAR NA IDEYA O PANANAW

1. Sino ang nagsabi ng ideya o pananaw?

2. Masasabi bang siya ay awtoridad sa kanyang paksang tinatalakay?

3. Ano ang kanyang naging batayan sa pagsasabi ng ideya o pananaw?

4. Gaano katotoo ang ginamit niyang batayan? Mapapanaligan ba iyon?

PAGHIHINUHA AT PAGHULA

Upang masagot nang wasto ang mga nabanggit at katulad nitong tanong bago magbasa, habang
nagbabasa at matapos magbasa, kailangang magtamo ng kasanayan sa paghihinuha at paghula

PAGHIHINUHA - Ito ay tinatawag na inferencing. Ito ay tumutukoy sa kakayahang tukuyin ang isang
bagay na hindi pa alam batay sa ilang clues. Ang pamagat ng kwento ay maaaring maging clues.

PAGHULA - Ito ay tinatawag ding prediksyon. Gamitin ito sa pagbabasa ng mga kwento at nobela. Ang
matalinong mambabasa ay nakagagawa ng halos akyureyt na hula kung ano ang susunod na mangyayari
o wakas.

PAGBUO NG LAGOM AT KONGKLUSYON

LAGOM (buod) = Ito ay tumutukoy sa pinakatiyak at pinakamaikling anyo ng diskurso na batay sa isang binasang
teksto. Taglay nito ang pinakadiwa at mahahalagang kaisipan ng teksto.

KONGKLUSYON = Ito ay tumutukoy sa mga implikasyong mahahango sa isang binasang teksto.

Pagbibigay-interpretasyon sa mapa, tsart, grap at talahanayan

Ang mapa, tsart, grap at talahanayan ay mga presentasyong biswal na kadalasang ginagamit bilang pantulong sa
isang teksto. Sa tulong ng mga ito, nagagawang payak at mas madaling unawain ang mga datos na inilalahad sa
isang teksto.

ANG TALASALITAAN KAUGNAY sa PAG-UNAWA ng TEKSTO

 Sa mga pag-aaral na isinagawa sa pagbasa, napatunayan na may malaking pagkakaugnayan ang kaalamang
pantalasalitaan sa pag-unawa sa teksto o anumang babasahin.
 Anderson at Freebody naglathala ng: Vocabulary Knowledge (1981) -ay nagbigay ng tatlong pananaw o
posisyon sa ganitong pag-ugnayan ng talasalitaan at pag-unawa.
 PANGKAGAMITANG POSISYON (INSTRUMENTALIST POSITION) - dapat na pag-aralan nang tuwiran ang
mga talasalitaan ng mga estudyante sa halip na hayaan lamang silang matutunan ito sa pagbabasa.
 PANGKAKAYAHANG POSISYON (APTITUDE POSITION) - Ang mga estudyante ay magkakaroon ng
malawak na kaalamang pantalasalitaan sa pamamagitan ng malawakang pagbabasa.
 PANGKAALAMANG POSISYON (KNOWLEDGE POSITION) = Sinasabing ang pagkakaroon ng kakayahang
pantalasalitaan at pang-unawa ay dulot ng malawak na kaalaman tungkol sa sariling kapaligiran at
kultura.
 INTERAKTIB na POSISYON = Ito ang pag-uugnayan ng mga sistema ng palatandaan o hudyat (cueing
system) sa teksto na siyang nagdudulot ng mabisang pang-unawa.
 FRANK MAY (1986) Siya ang nagdagdag ng pang-apat na posisyon.

Mga Palatandaan:

A. PALATANDAANG GRAPOPONIKO –nauukol sa tunog na bumubuo sa mga salita.

B. PALATANDAANG SINTAKTIKO (SYNTACTIC CUES) – nauukol sa pagkabuo o kayarian ng mga salita.

C. PALATANDAANG SEMANTIKO (SEMANTIC CUES) – nauukol sa kahulugan ng salita ayon sa pagkakaugnay nito
sa iba pang salita.

D. PALATANDAANG ISKEMATIC (SCHEMATIC CUES) – nauukol sa pag-uugnay ng sariling karanasan sa inabasa

MGA ESTRATEHIYA SA PAGPAPALAWAK NG TALASALITAAN

A. PAGSUSURING PANGKAYARIAN = Nauunawaan ang isang salita sa pamamagitan ng mga bahagi nito tulad ng
salitang ugat, mga panlapi, paraan ng pagkabuo ng salita tulad ng pag-uulit ng pantig, salita at pagtatambal.

B. PAGGAMIT ng mga PALATANDAANG NAG-BIBIGAY-KAHULUGAN (CONTEXT CLUES) = Ang palatandaan o


pahiwatig ay nakikita sa pamamagitan ng pagsusuri at pag-uugnay ng mga salitang sinusundan o sumusunod sa
di-kilalang salita. Iba’t ibang paraan ang ginagamit sa pagbibigay pahiwatig sa kahulugan ng salita.

 Sa pamamagitan ng katuturan ng salita.


 Sa pamamagitan ng halimbawa.
 Sa pamamagitan ng porma na depinisyon ng salita.
 Sa pamamagitan ng paglalarawan.

C. PAG-UUGNAYAN ng mga SALITA (Word Association) = Hindi lamang kayarian at gamit ng mga salita ang
dapat na pag-aralan upang mapalawak ang talasalitaan. Kailangan ding makita at masuri ang kaugnayan ngmga
salita sa iba pang salita o ideya upang magkaroon ng kabuuang pananaw sa kahulugan nito.

Mga Paraan na magagamit upang lumawak ang mga batayang salita.

1.) Pagsalita upang sasama ng salita sa iba pang makauo ng iang kahulugan (collocation). Nabibilang dito ang
mga matalinhagang salita o parirala. Sa pag-unawa ng mga salitang ito kailangang malaman muna ang payak na
kahulugan ng mga salitang pinagsama pagkatapos ay ang iba pang kahulugan na ipinahihiwatig nito.

2) Pagbibigay ng iba pang salita na halos kapareho rin ng kahulugan ng pangunang salita (clustering)

3) Pagkilala ng pagkakaugnayan ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan na ipinahahayag (clining).
May mga salita na ginagamit ayon sa tindi ng damdamin na nais ipahayag.

4) Pagpapangkat ng mga salita ayon sa antas ng paggamit o pormalidad ng gamit nito (level of formality). May
mga salitang ginagamit sa mga di-pormal, pormal na kalagayan o sa pangkalahatan.

5) Pagpapangkat ng mga salita ayon sa punong salita o paksa (classification)

6) Pagbibigay ng mga salitang kaugnay sa isang paksa o ideya (association or word network). Ang mga salitang
nauugnay sa isang paksa o bagay ay naayon sa karanasan o nakaraang kaalaman.

7) Paggamit ng Semantic Mapping – ito ay isang paraan ng pagpapalawak ng kahulugan ng isang salita sa
pamamagitan ng pagpapakita ng mga kategorya ng salita na nauugnay rito.

MGA PARAAN NG PANANALIKSIK

A. PAGLARARAWAN (DESCRIPTIVE METHOD)

B. EKSPERIMENTAL NA PARAAN

URI NG PAGLALARAWANG PARAAN

1. PAG-AARAL NG KASO (CASE STUDY) – ang paraang ito’y detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o yunit sa
loob ng sapat na panahon.

2. SARBEY – Ang mga sarbey na pag-aaral ay ginagamit para sukatin ang umiiral na pangyayari nang hindi
nagtatanong kung bakit ganoon o ganito ang isang bagay, paksa o pangyayari.

LAWAK NG SARBEY

1. SENSUS – isang sarbey na sumasaklaw sa buong target na populasyon.

2. SARBEY – ilang bahagi lamang ng populasyon.

3. MGA PAG-AARAL NA DEBELOPMENTAL – sa paraang debelopmental, nagtatakda at kumukuha ng


mapanghahawakang impormasyon tungkol sa pangkat ng mga tao sa loob ng mahabang panahon.
TEKNIK SA PAGSASAGAWA NG PANANALIKSIK NA DEBELOPMENTAL

1. LONGITUDINAL O MAHABANG PANAHONG PARAAN – Sa paraan ito, pinag-aaral ang


parehong sampol ng mga kalahok sa loob ng mahabang panahon.

2. KROS-SEKSYUNAL NA PARAAN (CROSS-SECTIONAL METHOD) - Ito ay tungkol sa pag-aaral ng


mga kalahok na may iba’t ibang gulang at iba pang mga katangian sa parehong panahon.

3. MGA PASUBAYBAY NA PAG-AARAL (FOLLOW-UP STUDIES) – Ito ay ginagamit kung ibig na


masubaybayan ang isang payak na kundisyon. Ang pasubaybay na pag-aaral ay kailangan kung
ibig tiytakin ang maaaring bunga ng isang pag-aaral.

4. DOKYUMENTARYONG PAGSUSURI (DOCUMENTARY ANALYSIS) - Nangangailangan ng


pagkalap ng impoirmasyon sa pammagitan ng pagsusuri ng mga nasusulat na record at mga
dokumento upang malutas ang mga suliranin. Ang isa pang katawagan ng uri ng palarawang
pag-aaral ay pagsusuri ng nilalaman. (content analysis)

5. PATAKARANG PAGSUSURI (TREND ANALYSIS) – Ito ay isang popular na paraan ng


palarawang pag-aaral na tinatawag din ng iba na feasability study. Ginagamit na datos sa pag-
aaral na ito ang mga kondisyong umiiral sa kasalukuyan.

6. MGA PAG-UUGNAY NA PAG-AARAL (CORRELATIONAL STUDIES)- Ito ay isang palarawang


pag-aaral na idinesenyo para alamin ang iba’t iang baryabol na magkakaugnay o may relasyon sa
isa’t isa sa target na populasyon.

EKSPERIMENTAL NA PARAAN

Sinasabi ni GAY (1976) na ito lamang ang paraan ng pananaliksik na tunay na makasusubok sa palagay o
hypothesis tungkol sa ugnayang sanhi at bunga.

Idinagdag ni Ary at mga kasama (1972), na ang eksperimento ay kadalasang itinuturing na pinakasopistikadong
pamaraan ng pananaliksik para subukin ang mga palagay o hypothesis.

Ibinigay ni Ary at iba pa ang mga katangian ng pamaraang ito:

1. Ang malayang baryabol ay maaring mabago.

2. Ang lahat ng iba pang baryabol maliban sa iba malayang baryabol ay walang pagbabago.

3. Ang epekto ng manipulasyon ng malayang baryabol sa di malayang baryabol ay inoobserbahan o


pinag-aaralan at sinusulat.

PANANALIKSIK-WIKA AT PANITIKAN

PANANALIKSIK = ay nangangahulugan ng paghahanap ng teorya, pagsubok sa pananaw, teorya o paglutas ng suliranin.

SIYENTIPIKONG PANANALIKSIK = ay sistematiko, kontrolado, empirical at kritikal na imbestigasyon ng mga haypotetikal


na prosisyon tungkol sa ipinalalagay na relasyon ng mga likas na phenomena.

ANG PAMAMAHAYAG = ay sining ng pagsulat at pagwawasto ng mga artikulo para sa magasin o pahayagan.

MGA SIMULAIN SA PAMAHAYAGAN ( CANONS OF JOURNALISM)

1. PANANAGUTAN (RESPONSIBILITY) = Ang karapatan ng isang pahayagan na umakit sa mga mambabasa ay


walang takda, maliban sa pagsasaalang-alang nito ukol sa kapakanan ng publiko.

2. Kalayaan ng Pamahayagan (Freedom of the Press) Ang kalayaan ng pamahayagan ay dapat bantayan tulad ng
isang totoong mahalagang karapatan ng sangkatauhan.

3. PANSARILI (INDEPENDENCE) - Ang kalayaan sa lahat ng mga Gawain kasama ang katapatan sa kapakanan ng
publiko ay mahalaga.

4. Katapatan, Katotohanan, Ganap na Kawastuhan (Sincerity, Truthfulness, Accuracy) Ang buong pagtitiwala
ng mambabasa ay pundasyon ng lahat ng mahusay na pamahayagan.

5. WALANG KINIKILINGAN (IMPARTIALITY) Ang tumpak na pagsasanay ay nagbibigay ng malinaw na pagtatangi


kung aln ang talagang balita kaysa kuro-kuro lamang.

6. Makatarungang pakikitungo (Fair Play) Ang isang pahayagan ay hindi dapat maglathala ng di-opisyal
napagbibintang na makasasama sa reputasyon, o nauugnay sa di mabuting kaasalan nang di muna nagbibigay ng
pagkakataon sa nasasakdal nang marinig ang kanyang panig.

7. MAGANDANG KAASALAN (DECENCY) = Ang isang pahayagan ay hahatulang hindi tapat kung, habang
naghahayag ng mataas na kaasalan ay nanghihikayat naman sa mababang katauhan ng mambabasa.
1. LIBELO • Ang paninirang puri sa kapwa ay labag sa batas. kung ito ay nasusulat, ang tawag dito ay libelo. Kung ito
naman ay binigkas ang tawag ditto ay isalander (slander). Subalit libelo pa rin ang turing kung ang paninirang puri ay
binigkas sa radio o telebisyon.

2. KATUTURAN • Ang libelo ay isang pampubliko’t pasulat na may masamang hangaring paninirang puri ng tao dahil daw
sa isang krimen o isang bisyo, depekto, tunay o guniguni man o isang pagkilos, o isang pangayayaring nagiging patunay
sa kawalang karangalan; isang pagpula o paglapastangan sa isang tao o pagdungis ng alaala ng isang namatay na.

3. ANG LIBELO AY ISANG PUBLIKASYON, NASUSULAT O NALILIMBAG, HAYAGANG PAGPULA (DEFAMATORY) =sa isang
tao, maging buhay man o patay. Ang libelo ay isang paninirang puri o hayagang pagpula kung ito’y magiging dahilan ng
pagsira ng karangalan, pula o paglapastangan sa isang tao o pagdungis ng alaala ng isang namatay na.

4. ANG LIBELO AY ISANG PANINIRANG PURI (DEFAMATION) = ito’y paglabag sa karapatan ng karangalan. Alinmang
nasusulat o nalilimbag, na pagtatalusira sa karapatan ng mabuting pangalan ng iba ay kasalanang krimnal o sibil o kapwa
at dapat ipailalim sa makatarungang pagbibigay lunas (redress).

5. MGA PAGKAKAKILANLAN ( REQUISITES) SA LIBELO

1. Paninirang puri sa karangalan

2. Malisya, maging sa batas o sa paksa

3. Pagpapalimbag ng paninirang puri

4. Pagkakilala’t pagtiyak sa biktima

6. PANINIRANG PURI AT HAYAGANG PAGPULA SA KARANGALAN = Ang pangungusap ay hayagang pagpula kung ito’y
magiging sanhi ng pagkamuhi, pagkutya o paglapastanagan sa kinauukulan ng kanyang kapwa o kung ito’y magiging
sanhi ng paglayo ng tao sa kanya.

7. MALISYA ( MALICE) =Ang publikasyon ay malisya kung ito’y walang pahintulot na pagpapalimbag na hayagang
pagpula na walang pagpapatawad ng batas. Ito’y tinatawag na malice in law.

8. PAGPAPALIMBAG =Hindi sapat na ang isang isyu na may paninirang puri ay naipalimbag ng iang editor o newsmen
upang siya’y panagutin sa salang libelo. Siya’y mananagot lamang kung tiyak ang kanyang malisya at kung ito’y nabasa
ng iba.

9. PAGKILALA SA BIKTIMA NG LIBELO = Ang huling kailangan o requisite para mapatunayan ang salang libelo ay ang
malinaw na pagkilala ng biktima ng libelo kahit hindi binanggit ang kanyang pangalan.

10. MANANAGOT SA LIBELO =Ang mga taong may pananagutan sa publikasyon ng libelo ay ang mga

sumusunod:

1. Sinumang tao na naglilimbag, nagtatanghal o nagging dahilan ng pagpapalimbag o pagtatanghal ng isang


nakasulat o nakalathalang paninirang puri ay siyang mananagot.

2. Ang may-akda at editor ng isang aklat o polyeto at ang editor na tagapangasiwa ng pahayagan, magasin o
serial na publkasyon ay silang mananagot sa paninirang puri na nakalathala sa mga pahina niyon na wari’y sila
ang may-akda noon.

3. Ang may-ari ng palimbagan mananagot din, ngunit di laging gayon.

DALAWANG URI NG LIBELO

1. Libelo per se - isang paninirang puri na di kailangan pang patunayan.

2. Libero per squad - kinakailangan pa na ang paninirang puri ay mapatunayan na nakapinsala.

BALITA = ay anumang ulat, pasalita o pasulat ukol sa mga pangyayaring hindi karaniwan, napapanahon, makatawag
pansin at kawilihan ng mambabasa,nakagaganyak at nakalilibang totoo, bagay nakagaganap lamang o natuklasan sa
unang pagkakataon.

MGA SANGKAP NG BALITA

napapanahon kalapitan kahalagahan katanyagan di-karaniwan

tunggalian pamukaw-damdamin drama pag-unlad

hayop bilang

MGA KATANGIAN NG BALITA

1. KAWASTUHAN 2. TIMBANG 3. WALANG KINIKILINGAN o OBHETIBO

4. KAIKLIAN AT KALINAWAN 5. KASARIWAAN


URI NG BALITA

1. PAUNANG PAGLALAHAD - Itinuturing na hilaw pa ang ganitong uri ng balita, subalit inilathala na rin bunga ng
pangangailangang maipaabot agad sa madla.

2. TUWIRANG PAGLALAHAD - Sa ganitong uri ng paglalahad, tinatalakay ang pinakamahalagang impormasyon


tungo sa maliliit na detalye.

3. BALITANG BUNGA NG PAKIKIPANAYAM - Karamihan sa balitang nabasa, naririnig at napapanood ay bunga ng


pakikipanayam. Sa ganitong uri, ang pinakamahalaga lamang ang dapat isulat.

4. KINIPIL NA BALITA - Ang ganitong uri ng balita ay dulot ng kakulangan sa espasyo sa pahayagan kung kaya ang
buod ng maliliit na balita ay pinagsasama-sama.

5. MADALIANG BALITA O FLASH - Ikinukulong sa kahon upang makatawag agad ng pansin.

6. DEPTH NEWS O BALITANG MAY LALIM - Kinakailangan ang masusing pananaliksik, upang higit na matalakay
ang mga ulat na nakapaloob dito.

7. BALITANG PANGSENSYA - Tungkol sa mga makabagong imbensyon o pagtuklas sa mga bagay na


makakatulong sa pagpapadali ng mga gawain.

IBA PANG URI NG BALITA

1. BALITANG PANLOKAL - Mga balita tungkol sa isang lokal na yunit ng pamahalaan tulad ng barangay.

2. BALITANG PAMBANSA - Mga balitang mahalaga at nagaganap sa buong bansa

3. BALITANG PANDAIGDIG - Mga balitang nagaganap na mahalaga sa buong daigdig.

4. BALITANG PAMPULITIKAL - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa pulitika.

5. BALITANG PAMPALAKASAN - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa mga palaro at kompetisyong
pangkalakasan

6. BALITANG PANG-EDUKASYON - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa edukasyon.

7. BALITANG PANTAHANAN - Tungkol sa mga mahalagang pangyayaring may kinalaman sa pamamahala ng


tahanan.

8. BALITANG PANGKABUHAYAN - Tungkol sa mga mahalagang pangyayaring may kinalaman sa negosyo at


takbo ng kabuhayan ng bansa.

9. BALITANG PANLIBANGAN - May kinalaman sa larangan ng telibisyon, radyo, pelikula, tanghalan at iba pa.

10. BALITANG BUHAT SA TALUMPATI – ito’y buhat sa pinaghandaang okasyon tulad ng palatuntunan, seminar,
panayam o pulong.

ANG ISANG BALITA AY MAAARING SUMAGOT SA ANIM NA PAHIWATIG

1. Ano – itinatampok ang pinakamahalagang pangyayari.

2. Sino – tinutukoy ang isang tanyag o kilalang tao.

3. Bakit – tinatalakay ang sanhi o dahilan ng pangyayari.

4. Paano – itinatampok ang paraan ng pagkakaganap ng pangyayari.

5. Kailan – binabanggit ang petsa.

6. Saan – itinatampok ang pook o lugar na pinangyarihan.

MGA MUNGKAHI SA MAHUSAY NA PAGSULAT

• Isang Ideya bawat pangungusap.

• Limitahan ang bilang ng mga salita sa pangungusap. 23-25 na salita lamang.

• Tiyakang maayos at lohikal ang pagkakahanay ng kaisipan.

• Gumamit ng pandiwang na sa aktibong tinig.

• Gumamit ng simpleng salita.

• Iwasan ang paggamit ng parehong salita sa pangungusap


LAYUNIN NG PAGSUSULAT

1. Pansariling Pagpapahayag o Ekspresiv. Ito’y pagsulat o pagtataya ng mga bagay na nakikita, naririnig o
nababasa. Ito rin ay nagpapahayag ng nararamdaman at nasasaloob ng mga tao. May malayang pamamaraan,
hindi gasinong pinagtutuunan ng pansin ang ispeling ng mga salita bagkus minmahalaga ang mailbas ang tunay
na iniisip at nadarama ng isang tao. Kinapapaloobang ito ng sariling karanasan at mga pala-palagay ng
manunulat hinggil sa ilang pangyayari sa paligiid Hal. Talaarawan, jornal, personal na liham, mga reaksyon at
mapa o diagram

2. Pagpapahayag na Impormasyonal o Transaksyunal.Ginagawa ito kung nais magpaagbot ng mensahe, balita o


magpaliwanag, magpayo o makiusap. Gumagamit ito ng mas pormal at kontroladong paraan sapagkat may istilo
na dapat isaalang-alang upang maihatid ang mensahe sa target niyang mambabasa. Halimbawa: liham,
memorandum, reviewer, riserts, komentaryo, kritiko, ulat, report, poster o slogan at sanaysay

3. Malikhaing Pagsusulat. Sa tulong ng imahinasyon ng kaisipan ng manunulat at kapangyarihan sa register ng


wika, nagagawang ilarawan ng manunulat ang lipunang kanyang ginagalawan. May sapat na lakas ang mga salita
upang ipadama sa mga mambabasa ang panaromic na larawan ng buhay. Kabalikat din ang mga maretorikang
salitang gagamitin upang mabatak ang kuryosidad at inspirasyon ng mambabasa.

Apat na Dibisyon ng Kasaysayan ng Pagsusulat

1. Ekspresiv na Pagsulat – nakafokus sa pangangailangan ng manunulat na malayang maipahayag ang kanyang


sarili gamit ang sariling pamamaraan. Walang ginagamit na teorya ngunit nakaimpluwensya sa inobasyon sa
pagtuturo ng pagsulat.

2. Kognitiv – tumitingin sa pagsulat bialng isang pag-iisp at isang kompleks na gawain. May makalayuning
oryentasyon at naniniwalang ito’y isang pabalik-balik na gawain.

3. Sosyal na Antas – ang mga manunulat ay hindi lamang kumikilos nang nag-iisa kundi bilang kasapi ng isang
sosyal at kultural na pangkat na nakakaimpluwensya sa kung ano at paano sila sumulat.

4. Komunidad ng Diskurso – nabuo ng maniwala na ang pagsulat ay isang gawain sosyal. Ang pagkaunawa ng
mambabasa at ang genre ay napakahalaga rito. Ang atensyon ay nakatuon sa pantersyaryang pagsulat kung saan
kailangang makasulat sila nang katanggap-tanggap sa akademik na komunidad.

Ang dayagram na ito ay nagpapahiwatig ng paulit-ult at hindi linyar na kalikasan ng pagsulat. Ang mga gawaing
tulad ngbrainstorming ay nagpapalabas ng ideya na nakatutulong sa mga manunulat na masabi ang nasa kanyang
iskema.

1. Pagfofokus – pangkalahatang layunin sa pagsulat tungkolsa paksa

2. Pag-iistraktura – pag-oorganisa at muling pag-aayos ng teksto upang mailahad ang ideya sa paraang tatanggapin ito
ng mga mamababasa

3. Paggawa ng Burador – transisyon ng kaisipan mula sa manunulat patungo sa tekstong para sa mambabasa

4. Pagtataya o Evalwasyon – paggamit ng tseklist upang makuha ng fidbak at mga puna na makatutulong upang
maisaayos muli ang binuong burador

5. Muling Pagtingin – matiyak kung tamaang ginagawa. Layunin nitong makalikha ng makabuluhan at mabisang pagsulat
na makabuo sa kasanayan ng manunulat

MGA KAILANGAN SA PAGBUO NG SULATIN

1. Tapik o Paksa – kailangan ng isang sulatin ang sapat na kaalaman oimpormasyon sa paksang sulatin. Ang mga
kaalaman o impormasyon ay maaaring galing sa mga sangguniang aklat, dyornal at iba pa.

2. Layunin – dapat na malinawsa isipan ng manunulat ang dahilan kung bakit siya nagsususlat. Malaki ang magiging
epekto nito sa kanyang paraan ng pagsulat. Kaya ang kaibahan sa anyo o porma ng isang sulatin ay nakabatay nang
malaki sa layunin.

3. Interaksyon at isang pagbuo sa Kamalayan ng Awdyens – dapat isaisip ng isang manunulat na may nagaganap na
interaksyon sa pagulat. Kung minsan, ang manunulat ay nag- iinterak sa kanyang sarili, halimbawa, kapag nagsulat skiya
ng dyornal, pero sa maraming pagkakataon ang interaksyon ay sa ibang tao. Kailangang linangin din ng isang manunulat
ang kanyang kasanayang interpersonal. Dapat na alamin niya kung sino ang sinusulatan, ano ang maaaring gusto niyang
malaman, ano ang lawak ng kanyang pang-unawa at anong uri ng wika ang angkop na gamitin.

4. Wika – ang isang manunulat ay kailangang mayroon ng kaban ng wikang maaaring gamitin ayon sa pangangailangan.
Dapat alam niya ang istilo ng wikang angkop na gamitin sa lahat ng pagkakataon.

5. Konbensyon – dapat isa-alang-alang ang mga konbensyon sa pagsulat na tinatangkilik sa isang pamayanan.
Halimbawa, may sariling pormat ng adbertisment na kaiba sa pagsulat.
6. Mga Kasanayan sa Pag-iisip – ang isang manunulat ay dapat magtaglay ng iba’t ibang kasanayan sa pag-iisip.
Kailangang may taglay siyang kasanayan sa pagtatangi ng mga bagay at pangyayari upang madesisyunan niya kung alin
ang mahalaga o hindi; kailangan din niya ang kaalaman sa lokhika upang makapangatwiran siya nang mabisa; kailangang
alam din niyang pagalawin ang kanyang imahinasyon at maging malikhain para sa kawiling-wiling paglalahad; kailangang
mayroon din siyang kakayahan sa pagbibigay ng sariling pagpapasiya at iba pa.

7. Kasanayan sa Pagbubuo – isa sa mga tunguhin ngg manunulat ang makabuo nang maayos na talataan na naglalahad
nang malinaw na ideya at mga pansuportang detalya. Nagagawa rin ng isang mahusay na manunulat na lohikal na
mailalahad ang pagkasunud-sunod ng mga ideya sa pagbuo ng isang magkakaugnay na teksto sa pamamagitan ng
paggamitng mga angkop na pang-uugnay.

8. Sariling Sistema ng Pagpapahalaga –dapat isaalang-alang ang mga pagpapahalagang pinanananaligan ng isang
manunulat at handa siyang panindigan ang mga ito. Binibigyang pansin niya sa pagsulat ang mga sumusunod:

a. Ano ang mahalaga sa paksa?

b. Ano ang maganda o mahusay na pagsulat?

c. Ano ang angkop na paraan ng pakikipagtalastasan sa isang taong may edad kaysa sumusulat?

d. Sino ang awdyens o pinaglalaanan ng sulatin?

MAHAHALAGANG SANGKAP SA PAGSUSULAT

a. Manunulat – nagpapadala ng mensahe naencoder kung tawagin

b. Teksto – nakasatitik na mensahe na pinuprodyus ng manunulat

c. Mambabasa – nag-iinterpreta at ang umiintindi sa teksto ng decoder naman kung tawagin

PROSESO NG PAGSUSULAT

a. Imbensyon o Pag-asinta – paglikha ng iyong paksa

i. Brainstorming –paglalahad ng mga ideya sa papel upang maibigay ang posibleng maging paksa.

ii. Paglilista – paglista ng mgaideyang ikaw ay interesadong gawin

iii. Klaster – pagmamapa ng mga ideya

b. Pangangalap ng Impormasyon o Pagtatanong at Pag-uusisa

i. Pangangalap ng mga ideya

ii. Paghahanap at pagsususri ng mga pananaliksik

iii. Pagsasaga ng interbyu

iv. Maari ring mabuo rito ang paksa

c. Pala-Palagay

i. Habang wala pang tiyak nabalangkas at daloy ng pagtalakay sa paksang susulatin, naghahain muna ng haka-
haka ang manunulat

ii. Iisa-isahin ng manunulatang sanhi at bunga ng pangyayari habang nag-iisip kung paano bubuuin ang balangkas
ng paksang napili

iii. Nakararamdamng pagkabalisa ang manunulatsa yugtong ito dahilpatuloy siyang naghahanap ng kasagutan sa
kaanyang mga tanong at maaaro pang biglang sumulpot ang iba pang tanong

iv. Kadalasan, itoang pinakamahabang bahagi ssa prroseso ng pagsulat a.k.a Incubation Period

d. Pag-oorganisa – paglalahad ng mga impormasyon sa isang balangkas

i. Balangkas – maituturing na pinakakalansay ng isang sulatin. Lubha itong mahalaga upang maiwasan ang
paglayo sa pagtalakay sa isang paksang napili. May dalawang klase ang pagbabalangakas:

(1) Pangungusap na Balangkas – nakatuon sa mga makadiwang pangungusap na siyang kumakatawan sa


mahalagang bahagi ng isang sulatin at

(2) talatang balangkas – nakapokus sa mgapinag-uugnay-ugnay na mga kaisipan, ayon sa pagkakasunud-


sunod.

A. Introduksyon

B. Pangganyak
C. Paglalahad ng Tesis

D. Katawan

1. Paglalahad ng mga Punto

2. Paglinang ng mga iodeya

3. PAntulong sa pangunahing Katwiran

4. Kongklusyon

i. Muling-pagdidiin sa pangunahing ideya

ii. Pagsasaayos ng mga Datos

DALAWANG URI NG MAPAGKUKUNAN NG MGA DATOS

1. Pangunahing Datos – Nagmumula ang mga impormasyon sa mga indibidwal na tao, mga akdang
pamapanitikan, mga pribado o publikong organisasyon, batas, dokumento at iba pang orhinal na talaan.

2. Sekondaryang Datos – Kinalap ang mga datos mula sa mga manuskrito, ensayklopidya, tesis, disertasyon,
magazine, pahayagan at iba pang aklat na naisulat ng mga awtor.

TATLONG ISTRATEHIYA SA PAGHAHALO NG SARILING PAG-AARAL SA PINAGKUNANG MATERIAL

1. Direktang Sipi – eksaktong salita o pahayag ng isang awtor. Kinopya nang direkta, salita-sa-salita, mula sa
sanggunian. Ginagamit ito ng mananaliksik kapag nais niyang:

i. Idagdag ang kapangyarihan ng salita ng awtor upang suportahan ang argument

ii. Nais pabulaanan o hindi sang-ayunan ang argument ng awtor

iii. Bigyang-diin particular ang isang malinaw o makapangyarihang pahayag o sipi

iv. Naghahambing ng mga ispesipikong punto de vista

2. Parapreys o Hawig – pagsasabing muli ng nakuhang ideya mula sa ginamit ng sanggunian gamit ang sariling
pangungusap. Ginagawa ang pagpaparapreys kapag:

i. Nais gumamit ng mga impormasyon sa nowtkard at umiwas sa panggagaya o pangongopya

ii. Nais iwasan ang masyadong paggamit ng direktang sipi

iii. Nais gamitin ang sariling boses sa paglalahad ng impormasyon

3. Sinopsis o Buod – pinagsama-sama ang pangunahing ideya ng isa o maraming manunulat gamit ang sariling
pangungusap. Mas maikli ito kaysa sa orihinal at naglalaman ng kabuuang kaisipan ng pinagkunang material.
Gumagawa ng synopsis kapag:

i. Nais magbigay ng bakgrawnd at pananaw hinggil sa isang paksa

ii. Nais maglarawan ng pangkalahatang kaalaman mula sa maraming sanggunian tungkol sa paksa nais
na determina ang pangunahing ideya ng pinagbatayang teksto

PAGSULAT NG BURADOR

Bigyan ng sapat na panahon ang iyong sarili na magawa ang iyong sulatin.

Humanap ng komportableng lugar ng pagsusulatan.

Iwasan ang distraksyon o abala

Magpahinga

ANG MGA PARAAN SA PAGPAPALABAS NG IDEYA

Pagtatala – paglilista ito ng mga kaisipan sa pamamagitan ng pagdadaglat, pagguhit, pagsipi. Masusundan dito
ang pagkakasunund-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga detaly tungkol sa paksa kapag magsususlat.

Palitang-kuro – grupo ang karaniwang gumagawa rito. Malawak nilang titingnan ang paksa sa iba’t ibang
anggulo at ang kaligiran ng usapin. Ang mga potensyal na opinion ang bibigyang konsiderasyon at pagkakaisahan
ang mga hakbangin para marating ang mapagkakasunduang layunin.

Malayang Pagsulat –pamamaraan itong kung ano ang basta lumabas na ideya sa isip ay isinusulat. Huwag
munang maging mapaghatol sa isinusulat. Huwag magwawasto. Pabayaang malayang dumaloy ang isipan nang
walang anumang pagkontrol, sa gayon, maging ang mga di- inaasahang nakabaong ideya ay lumitaw.
Pamamaraang Tanong-Sagot – Tinatanong ang sarili tungkol sa paksa at tiyak makakaipon ng laksang
impormasyon. Pinaplano ang mga katanungan at ang mga ito’y pinagsunud-sunod at pinag-ugnay-ugnay.
Napapalalim nito ang pag-unawa sa paksa at nakapagbibigay ng mga kawili-wiling kaisipang maisususlat.

WASTONG PAGGAMIT NG MGA BANTAS

1. Tuldok (.)

a. Ginagamit bilang panapos sa mga paturol o pasalaysay, pakiusap at pautos ng mga pangungusap.

b. Ginagamit din ito sa mga pinaikli o dinaglat sa salita. Hal. Editor –Ed. Pahina – ph.

2. Tandang Pananong (?)

Ginagamit itong panapos sa mga pangungusap na patanong.

3. Tandang Padamdam o Eksklamasyon (!)

a. Pangungusap na padamdam

b. Ekspresyong padamdam

4. Kuwit o Koma (,)

a. Pagitan ng petsa ng buwan at taon


b. Pagitan ng pangalan ng kalye at pangalan ng lungsod
c. Pagitan ng pangalan ng bayan at pangalan ng lalawigan
d. Bating panimula ng liham pangkaibigan
e. Bating pangwakas ng liham pangkaibigan at liham pangangalakal
f. Paghahanay pahalang ng mga salita
g. Magkakasunod na parirala
h. Pagitan ng tuwirang sabi at ibang bahi ng pangungusap
i. Pagitan ng antesidente na iyo at ng pangalan
j. Pagkatapos ng ngalang panawag
k. Pagitan ng pangalan o panghalip at ng pamuno

5. Tutldok o kolon (:)

a. bating panimula ng liham pangangalakal

b. pagsulat ng oras

c. pagtatala ng iisa-isahing bagay

d. pagpapakilala ng tuwirang sipi

6. Kudlit o Apostrofi (‘)

ginagamit sa pag-aangkop ng kataga sa sinusundang salita

7. Panaklong o Parentesis ( )

ginagamit na pangkulong sa mga pinamimiliang salita o parirala

8. Panipi o kotasyon (“ “)

a. Diyalogo
b. Pamagat ng aklat, kuwento, pelikulat atbp.
c. Mga susing salita sa isang pinarafrasong tala
d. Direktang pagkopya ng isang salita, parirala o pangungusap

9. Gitling (-)

a. Mga salitang inuulit, ganap o parsyal


b. Mga tambalang salita dahil sa pagkaltas ng isang kataga o salita kaya pinag-iisa na lamang na maaaring
manatili ang kahulugan kaya’y magkaroon ng ikatlo
c. Mga magkasalungat na salita na inaalis ang pang- ugnay na at
d. Mga salitang-ugat na nagsisimula sa patinig na inuunlapian ng panlaping nagtatapos sa katinig
e. Mga pangngalang pantangi na inunlapian
f. Panlaping ika-ikasunod ng tambilang o numero
g. Fraksyong isinusulat nang pasalita
h. Pagsasama sa apelyido ng pagkadalaga at ng napangasawa
i. Paghahati ng salita sa dulo ng linya
10. Tuldukuwit (;)

ginagamit sa dalawang malalayang sugnay na hindi pinangangatnigan o hindi pinagdurugtong ng pang-ugnay

11. Elipsis (...)

pagsisipi kung may tinatanggal na salita; (....) – sa huli ng pangungusap o katapusan ng sipi

12. Braket ([])

binago sa isang tuwirang sipi at dito ito ipinaloloob, gayundin, ang kapaliwanagan sa kung ano ang ginawa

13. Asteriko (*)

may tinanggal na isa o mhigit pang talata sa isang sinipi, pagkatapos ng isang listahan at pagpapakitang may
karagdagang impormasyon nakatalababa o nakfutnowt

14. Salungguhit (__)

gamit sa mga pamagat ng aklat, dula, novella, maikling kuwento, awitin, tula, sanaysay; pangalan ng babasahin
(dyaryo, magasin, jornal, polyeto at mga programang panradyo at pantelevisyon); at banyagang salita

BAHAGI NG PAGSULAT

A. Titulo o Pamagat

Naglalaman ng titulo o pamagat ng papel, panglan ng sumulat, petsa ng pagsulat o pagpasa,iba pang
impormasyon tutukuyin ng guro

B. Panimula o Introduksyon

Karaniwang isinasaad nito ang paksa, kahalagahan ng paksa, dahilan ngpagsulat ng paksa at pambunga na
pagtatalakay sa daloy ng papel.

Ito ang pinakamukha ng sulatin. Dito hinahatulan, kung magtatagumpay o mabibigo, ang isang katha. Kailangan
sa sulyap palamang ng babasa, ito’y kaakit-akit na – nakakapukaw, nakakaganyak, nakakahatak na ng kuryusidad
– para tuluyang titigan, tunghayan hanggang sa ang malay, kung maari pa nga’y pati buhay, ay matangay nang
buong kasabikan.

Mabibisang Panimula:

Pasaklaw na Pahayag – sa panimulang ito, ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi bago isa-isahin
at pagsunud-sunurin mula sa di-gaanong mahalaga hanggang sa pinakamahalaga na detalye.
Halimbawa: Balita
Pagbubuod – naghahayag muna ng pinakadiwa bago tuntunin ang sadyang tinatalakay
Pagtatanong –panimulang kalabisan nang ipaliwanag pa
Tuwirang Sinabi – panimulang karaniwang nakikitang nakapanipi sapagkat mula ito sa tapat na pagsipi
sa tiyak na pahayag ng isang taong bantog, dalubhasa, awtoridad at maari rin naming karaniwang tao
lamang ngunit ang sinabi’y naghahayag ng mahahalagang bagay na magagamit na lundayan sa
pinapaksa.
Panlahat na Pahayag – isang uri ito ng panimula na nagtataglay ng kahalagahang unibersal na maaaring
hanguin sa mga salawikain, sa mga kawikaan, at maging sa mga pamilyar at pang-araw-araw na
makatotohanang kaalaman ng lahat na nagtataglay ng diwa o aral.
Paglalarawan – ang panimulang ito’y ginagamit kapag nagtatampok ng tao. Sapagkat nagbibigay,
deskripsyon, mga malarawan at maaksyong salita ang ginagamit.
Pagkakaligiran – ito naman ang ginagamit na panimuilakung ang binibigyang-larawan ay pook.
Pagsusumbi – bihira ang panimulang ito. Maikli lamang, na karaniwan nang binubuo ng iisang salita.
Masurpresa itong parang suntok kung tumimo sa kuryusidad ng bumabasa.
Pagsasalungat – Sapanimulang ito, ang binibigyang diin ay ang pagkakaiba. Ang tuntuning sinusunod
dito ay mas malaki ang pagkakaiba, mas matindi ang bias.
Pagsasalaysay – ang panimulang ito’y anyong malumanay na pagkukuwento.
Makatawag-pansing Pangungusap – Ito’y isang mapanggittlang panimula dahil di-karaniwang sinasabi o
naririnig sa araw-araw ang pamamariralang, ginagamit ditto.
Analohiya – Ito ay nagtutulad o nagwawangis.
Anekdota – isang panimulang nagkukuwento ng maikling istorya para pasiglahin ang babasa o di kaya’y
gamiting tularang lundayan ang kaugnayan sa paksang tatalakayin.
Pagsasalitaan – Ang panimulang ito ay dinaraan sa usapan o diyalogo.
C. Katawan

Matatagpuan na dito ang pangunahing pagtalakay sa paksa- ang pangangatwiran, pagpapaliwanag,


pagsasalaysay, paglalarawan at paglalahad.

Pangkalahatang Pamamaraan sa Pagsasaayos ng Katawan ng Sulatin

1. Pakronolohikal – tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari mula pinakamatagal hanggang sa


kasalukuyan

2. Paanggulo – batay sa personal na masasabi o reaksyon ng bawat tao tungkol sa mga bagay-bagay o
isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom.

3. Paespesyal o Pagaagwat – paglalahad mula sa pinakamalapit o ang alam na alam na paksa hanggang
sa pinakamalayo o ang hindi na masyadong alam na paksa

4. Paghahambing – isinasaayos nang paseksyon. Unang seksyon ay ang pagkakaiba. Ang pangalawang
seksyon ay ang pagkakatulad. Maari rin silang magkapalit.

5. Palamang o Pasahol – sinisumulan sa mga bagay munang lalong mahalaga ang binabanggit bago ang
di-gaanong mahalago o vice-versa.

6. Patiyak o Pasaklaw –isinasaaosa naman ito sa paraang sinasabi muna ang mga particular o definidong
detalye bago ang pangkalahatang mga pahayag o vise-versa.

7. Papayal o Pasalimuot – sinisimulan ito sa mga bagay na komplikadokasunod ang mga bagay na simple
o vice-versa.

D. Konklusyon o Wakas

Nakasaad naman sa bahaging ito ang mahahalagang puntos ng papel. Inilalahad din ang napatunayan o
napagalaman batay sa paglalahad at pagsusuri ng mga impormasyong ginamit sa papel o sa pananaliksik. Dito
makikita ang kabuuan ng sulatin.

Mabisang Pangwakas:

1. Tuwirang Sinabi

2. Panlahat na Pahayag

3. Pagbubuod

4. Pagpapahiwatig ng Aksyon

5. Mahalagang Insidente

6. Pagtatanong

7. Pagsisipi

TALATAAN – lipon ng mga pangungusap na paunlad na binubuo at nagpapahayag ng isang buongdiwa o kaisipan. Ang
isang talat o magkakasunod na talata ng isang akda ay may kaisahan, kaugnayan at kaanyuan.

1. Kaisahan: Upang matawag na talata ang pangkat ng mgga pangungusap, kailangang ito’y umikot sa iisang
pangkalahatang ideya. Kailangang may pangungusap na pampaksana siyang nagsisilbing giya o patnubay sa
pagbuo ng susuportang mga pangungusap.

2. Kaugnayan: Kailangang magkakaugnay ang mga pangungusap upang magpatuloy ang daloyng diwa buhat sa
simula hanggang sa dulo ng pahayag. Kailangan nakaayos sa pagkakahanay ang mga pangyayari o ang diwang
ipinahayag upang maging maliwanag ang pagkakaugnay.

3. Kaanyuan o Kabuuan: Ang mabuting talata ay naglalaman ng kumpletong kaisipan. May pagbigay-katuturan,
paliwanag, pangangatwiran, at patotoo. Gumagamit ng ilustrasyon, halimbawa, pagwawangis, pagtuttulad at
pag-iiba, pagsususuri, mungkahi, tagubilin, talinghaga, mahahalagang sipi at iba pang pamamaraan upang
maging buo o ganap. Ang isang akda ay may panimulang talata, makakapanunod na talata (Transitory) at may
pangwakas na talata.

Pamantayan sa Kaugnayan

a. Paggamit ng tradisyonal na mga salita o mga pangatnig gaya ng: at, kapag, disin sana, dahil sa,
sapagkat, ngunit, bagaman, samantala, ngunit, bagaman, samantala, anupa’t, kung gayon, samakatuwid,
gayon pa man, sa kabila noon at marami pang iba.

b. Paggamit ng Panghalip – Kung pangngalan ang ginamit sa unang pangungusap o sugnay, panghalip
ang maaringg gamiting kahilili ng pangalang nabangit. Sa mga sumusunod na pangungusap. Ginagawa
ito upang hindi ulit-ulitin ang atensyon ng bumabasa ay magbalik sa tinutukoy na panghalip.
c. Pag-uulit ng Salitaupang Magbigay-diin at Mag-ugnay-diwa

d. Paralelismo o Paggamit ng Magkakatulad na Balangkas Panggramatika

MGA ANYO NG PAGSULAT

a. Anyong Pangangatwiran o Argumentasyon

Layuning bigyang-paliwanag ang paksa, kasysa sa bigyan-panlunas, para makita at mapakilalang mabuti ang
particular na bagay na tinatalakay sa pamamagitan ng mgapruweba’t patunay, sa gayon, malinawan at
maintindihan nang walang pagpapasubali ang pinagmamatuwirang posisyon o pahayag. Isang pahayag na
mapagtatalunan

b. Anyong Klasipikasyon o Pag-uuri-uri

Pinararaan ang mga ito sa iba-ibang sistema ng pag-uuri, at walang ibang pinakabasehang magagawa kundi ang
paghahanap na kategorya na napagsama-sama ang mga bagay na maaaring magkakahiwalay at mapagbubuklud-
buklod ang mgamagkakaiba.

c. Anyong Pagsusuri o Analisis

Isang pagtataya sa nilalaman ng akda angpagsusuri. Dalawang importanteng gampanin ang kailangan
isakatuparan: una, pagmamasid at pangalawa, pasulat ng mganaobserbahan. Ang pagsulat sa anyong pagsusuri
ay hindi lamang isang pag-uulat ng mga naobsrebahan kundi isang kasanayan sa pagmamasid.

d. Anyong Pasalaysay

Pagpapahayag na naglalayong maghayag nang sunod-sunod ng isang pangyayari, mga tauhan at may tagpuan.
Halimbawa: maikling kuwento, talambuhay, dyornal, kasaysayan, kathangisip.

e. Anyong Paglalarawan

Pagpapahayag na naglalayong magsaad ng larawan ng kabuuan ng isang bagay, pangyayari o magbigay ng isang
biswal na konsepto nga mga bagay-bagay, pook, tao o pangyayari.

f. Anyong Panghihikayat

Pagpapahayag na naglalayong mahikayat ang mambabasa na makiayon o tanggapin ang pananaw na manunulat.
Halimbawa: adbertisment at sanaysay.

g. Anyong Eksposisyon

Pagpapahayag na may tungkuling ipaliwanag ang pangyayari, opinion, kabatiran at mga kaisipan.

h. Anyong Ekspresyon

Pagpapahayag ng saloobin para mapagaan ang loob bilang isang positibong pagbuhos ng emosyon.

i. Anyong Refleksyon

Nilalaman ang sarili ng distansya at inilalagay sa perpektibong malinaw na masukat ang sariling pagkatao.
Tinutuklas ditto ang kahalagahan ng mga karanasang nagdaan at ang mga pangyayaring nagaganap sa
kasalukuyan sa buhay.

j. Anyong Direksyon o Panuto

Naipapakita ng manunulat ang kanyang pag-intindi sa mga mambabasa, gayundin, naipasusunod niya ang
tamang pagsasaayos ng mga bagay-bagay sa proseso ayon sa mga tuntuning dapat gabayin.

MGA URI NG PAGSULAT

a. Akademik – formal ang istraktura. Maayos na inihahanay ang mga pangungusap upang maging malinaw ang
pagkakabuo ng mga ideya. Kadalasang seyoso, nakabatay sa sinaliksik na kaalaman. Ang pagbuo ng ganitong uri
ng kritikal na pagsulat ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal. Ang mga pamanahaunang-
papel, tesis, disertasyon, suring-basa, panunuring pampanitikan, malikhaing pagsulat oanumang sulating may
paksang pag-akademik ay nabibilang sa uring ito.

b. Jornalistik – Ang mga salitang hango sa mga pahayagan gaya ng balita, editorial, lathalain at mga balitang
isports ay halimbawa ng jornalistik na pagsulat.

c. Teknikal – panglibrong pang-akademiko

d. Referensyal – Ang pagtatala ng mga sangguiniang gagamitin ay nakatutulong nang Malaki sa pagpapadali ng
gagawing pagsulat. Maaring ang mga ito’y mulasa mga aklat, pahayagan, magazine, on-layn sorses, diksyunaryo,
jornal, tesis at disertasyon.
URI NG SULATIN

MALIKHAIN- ang tawag sa genreng may kaugnay sa malikhaing pagsusulat. Ito ay may dalwang uri:

 TULUYAN o komposisyong nagsasalaysay ng watong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na lagi nang


may tauhan, tagpuan atpaksa. May iba’t ibang uri ito:

A. Maikling kwento-isang akdang nagsasalaysay ng mga pangyayari na kadalasan nang may suliraning
nilulutas ng pangunahing tauhan, may tagpuan, kasukdulan at wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari. Nababasa sa sangdaling panahan lamang.

a. Kwento ng Katutubong Buhay – ang binibigyang pagpapahalaga ay ang tungkolsa uri ng


pamumuhay, kapaligiran, hanapbuhay at pananamit

b. Kwento ng Madulang Pangyayari – ang mga kapana-panabik na pangyayari na


nakapagbabago sa katauhan ng tauhan ang binibigyang linaw sa nasabing kuwento

c. Kuwento ng Pakikipagsapalaran – ang matinding interes at kawilihan ay nasa balangkas at


walasa mga tauhang nagbibigay kulay sa kuwento.

d. Kuwentong Kababalaghan – ang mga di-kapani-paniwalang pangyayari at ang katatakutan


ang nilalaman ng kwento.

e. Kuwento ng Tauhan – ang interes nito ay nakasalalay sa pangunahing tauhan

f. Kuwento ng Sikolohiya – mangilan-ngilan lamang ang sumusulat ng kuwentong ito sa


kadahilanang may kahirapan ilarawan ang pag-iisip ng isang tao. Ang higit na kakailanganin ay
maipadam sa mga bumabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari.

g. Kuwento ng Katatawanan – ang magpatawa at bigyang aliw ang mga bumabasa ang tanging
layunin ng nasabing kuwento.

B. Nobela- isang akdang naiiba, higit na marami ang mga tauhan, may masalimuot na mga pangyayari at
may kahabaan ang sakop na panahon. Kadalasang nahahati sa mga kabanata.

a. Nobela ng Pangyayari – ang mahalagang kinakatawan ay ang pagkakasulat o pagkakagawa ng


nasa pangyayari ng nobela

b. Nobela ng Tauhan – ang kahalagahan ay ang pangunahing tauhan at hangarin ng mga tauhan

c. Nobela ng Romansa - ang binibigyang halaga rito ay ang pag-iibigan

d. Nobela ng Pagbabago – ang mga ibig manyaring pagbabago sa lipunan o pamahalaan na


kanyang kinabibilangan ang hangad ng may-akda.

e. Nobela ng Kasaysayan – ang binibigyang halaga ng may-akda ay ang kasaysayan n gating


pinagmulan at ang paglalarawan ng mga bayaning may malaking ambag sa pagtatanggol sa
bayan.

C. Talambuhay - isang akdang nagsasalaysay tungkol sabuhay na pinagdaanan ng isang kilalang tao.

D. Dula - isang uri ng akda na nagsisimula sa tula o sa tuluyang pagnugnusap na naglalarawan ng buhay
o ugali sa pamamagitan ng mga usapan at kilos ng mga tauhang tumutupad upang itanghal sa dulaan.

E. Anekdota- isang uri ng akdang tuluyan na karaniwang kakatwa, maikli, subalit nag-iiwan ng aral.

F. Talaarawan- isang kalipunan ng mga salaysay opangyayaring naranasan ng mayakda.

G. Sanaysay- ito ay isang akdang tumatalakay sa isang mahalaga aat napapanahong usapin sa lipunan.
Malawak ang saklaw nito dahil anumang bagay tungkol sa pagbabagong ekonomika, pulitika, sosyal,
kultural at maging personal ay maaaring talakayin.

H. Talumpati- isang akdang pasalita na naglalayong talakayin ang isang napapanahong isyu sa lipunan.

I. Pabula-ang mga karakter ay mga hayop, naglalayong gisingin ang isipanng mga bata sa mga
pangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali.

J. Parabula-mga hango sa bibliya na tulad ng anekdota ay nagbibigay aral sa mga mambabasa.

 PATULA – isang akdang pampanitikan na nagpapahayag ng tiyak na diwa’t damdamin na kaugat sapagkatanaw
at pagkaunawa ng makata sa mga karanasan niya sa buhay. Maaaring may sukat o tugma o di kaya’t malaya.

A. Tulang pasalaysay – nag lalarawan ng makhulugang mga tagpo sa buhay

a. Epiko – nagsasalaysay ng mga kabyanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat nauukol sa nga
kababalaghan.
b. Awit at korido – may mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa pagkamaginoo at
pakikipagsapalaran at ang mga tauhan ay mga hari’t reyna, prinsipe at prinsesa. Ang awit ay
may sukat na 12 pantig at inaawit nangmabagal sa saliw ng gitara o bandurya samantala, ang
korido ay may sukat na walong pantig at binibigkassa kumpas ng martsa.

c. Balad – Himig na awit dahil ito ay inaawit habang may nagsasayaw. Ito ay nilikha noong unang
panahon. Sa kasalukuyan ito ay na sa mga tulang kasaysayan na may anim hanggang walong
pantig.

B. Tulang Pandamdamin – Nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao, o


kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping guniguni ng makata na batay sa karanasan. Karaniwang
maikli, likas at medaling maunawaan.

a. Awiting Bayan – karaniwang paksa ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, kaligayahan,


pag-asa at kalungkutan.

b. Soneto – May labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na


batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa mambabasa.

c. Elehiya – Nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng


pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.

d. Dalit – Awit ng pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtattaglay ng kaunting pilosopiya sa


buhay.

e. Pastoral – naglalayong maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.

f. Oda – nagpapahayag ng papuri, panaghoy o iba pang masiglang damdamin, walang tiyak na
binibilang na pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong.

C. Tulang Pandulaan – Ang tulang ito’y karaniwang itinatanghal sa isang dulaan o entablado. Ang usapan
ng mga gumaganap ay patula.

a. Komedya – Ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang
kawilihan ng manonood. Nagwawakas nang Masaya, ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos
sa pagkakasundo ng mga tauhan na siyang nakapagpasiya ng damdamin ng manonood.

b. Melodrama –Karaniwang para sa musical, kasama na ng opera, ang sangkap ay malungkot,


ngunit aksiya-siya ang katapusa para sa pangunahing tauhan ng dula.

c. Trahedya – Tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi opagkwasak ng pangunahing tauhan ng


dula.

d. Parsa – naglalayong magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na pangyayaring


nakatatawa.

e. Saynete – paksa ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o pook.

D. Tulang Patnigan – karaniwan ng may pantig ang bawat taludturan at tumatakay sa isang paksang
pinagtatalunan.

a. Karagatan – batay sa alamat ng sensing ng isang prinsesa na naihulog niya sa dagat sa


hangaring makapang-asawa ang kasintahang mahirap. Ang makakuhkuha ng singsing ay
pakakasalan siya.

b. Duplo – humahalili sa karagatan, paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang


patula. Ang pangangatwiran ay hango sa Bibliya, sa mga sawikain at sa mgakasabihan.
Karaniwang nilalaro upang aliwin ang namatayan.

c. Debate o Balagtasan – isang pagtatagisan ng katuwiran sa anyong pasalita ukol sa isang paksa
o usapin pinag-uusapan. Kaiba naman ang balagtasan sa debate bagamat isa ring pagtatalo
ngunit ang mga pangangatwiran ditto ay kailangang may sukat at tugma.

 Teknikal – Ito ay genre na may layuning magbigay ng impormasyon sa anyong transaksyunal, prosidyural, pag-
uulat, ekspositori at panghihikayat.

A. Transaksyonal – ito ay teknikal na genre na ginagamit sa anumang transaksyon o komunikasyong


nangangailangan ng pagtugon o tuwirang sagot. Halimbawa: E-Mail, Liham, Pagbati, imbitasyon, text
message at pakikipanayam
a. Liham – ito ay pagbibigay ng mensahe o impormasyon sa pamamagitan ng pagsulat

Bahagi ng Liham

1. Pamuhatan

2. Patunguhan ng Sulat

3. Bating Panimula o Pambungad

4. Ang Katawan ng Liham

5. Bating Pangwakas

Istilo ng Pagsulat

1. Istilong Blak

2. Istilong semi-blak

3. Istilong nakabitin o baligtad

Uri ng Liham

1. Liham-pangkaibigan

 Liham Pangangamusta
 Liham Pasasalamat
 Liham Paanyaya
 Liham Pagbati
 Liham Paghingi ng Payo
 Liham Pakikiramay
 Liham Paumanhin

2. Liham Pangangalakal

 Liham Pagpapakilala
 Liham Aplikasyon
 Liham Pamimili
 Liham Subskripsyon
 Liham Pagrereklamo

B. Prosidyural- teknikal na genre na naglalahad ng proseso sa pagsasagawa ng isang bagay o kilos o


Gawain. Halimbawa: recipe, pagsunod sa direksyon at panuto.

C. Ulat – teknikal na genre na naglalayong magbigay ng impormasyon batay sa isinasagawang


pananaliksik o pag-aaral, pagmamasid, pagbabasa, pakikinigg sa paraang pasalit o pasulat. Halimbawa:
ulat ng media, deskriptiv, imbestigasyoon, rebyu at grap o tsart.

Pagsusulat ng Ulat

 Kombensyunal na Pamamatnubay – ito ay karaniwang sumasagot sa mga tanong na:


sino, ano, bakit, kalian, saan at paano.
 Di-kombenyunal na Pamamatnubay – isang uri ng patnubay kung saan ang mga
reporter ay taal na di sumusunod o lumilihis sa pamatnubay.
 Ang mahalagang mga impormasyon, kapag nakuha ito, ay isulat kaagad.
 Ang katumpukan o pagkatotoo sa paraang pagpapahayag ay higit na kailangan.
 Iwasan ang pagbibigay ng sariling opinion, ideya o lohika, maligoy na pananalita, sa
kadahilanang ang pagdududa ay mananatili sa kanilang isipan.
 Ekspositori – genre naglalayong magbunyag o maglabas ng kinalabasan ng isang pag-
aaral, maglahad ng nasasaisip, magbabahagi ng natutunan at magbigay ng kasagutan sa
katanungan. Halimbawa: press release, lektyur, talakayan sa klase, sarbey at artikulo.
 Panghihikayat – genre na naglalayong hikayatin ang taong sumuporta o maniwala sa
isang bagay o pagkilos. Nilalayon nitong pumanig ang tao sa mga argument at balakin ng
isang tao o grupo. Halimbawa: advertisement, proposal, editorial at argument.
 Sulatin na Nangangailangan ng Pagsusuri sa Pormat, Nilalaman, Pananalita at Layunin

D. Memorandum: karaniwang tinatawag na memo o paabot-ulat, pasulato limbag na nakikita araw-


araw sa opisina na karaniwang may tiyak na mensahe o nagtatanong.

E. Agenda ng Pulong: pag-uusapan o tatalakayin ang isang sulatin na ginagawa ng mga kapisanan o
organisasyon sa buwanang pulong batay sa napagkasunduan ng mga pinuno.
F. Katitikan o Minits ng Pulong: ito ay pabuod na pinaguusapan sa nakaraang mga pulong batay sa
agenda. Malaki ang papel na ginagampanan ng kalihim sapagkat siya ang kumukuha ng mga tinatalakay
habang nagpupulong. Ito ay may lagda ng pangulo. Ito ay babasahin muli bago magsimula ang susunod
na pulong. Pinagtitibay ito ng mga nasa pulong. Kung may pagwawasto, ipahahayag ang pagtatama bago
pagtibayin.

G. Paanyaya sa isang kapulungan o seminar: mahalaga ang mga kumprehensya sapagkat dito
nabibigyan ng kaukulang aksyon o solusyon ang hangarin ng isang proyekto.

H. Tamang Ulat ng isang Kompanya (Statement of Condition): ito ay isang sulatin na karaniwang
ginagawa ng mga kompanya, katulad ng bangko, kooperatiba, Insurrance Company. Dito isinasaad ang
assets, pananagutan o liabilities, gastusin oequity. Huling araw ng Disyembre ginagawa ang ulat.

I. Proposal (Pagbabalak ng Gawain): ang sulating ito ay makatutulong sa pagsasakatuparan ng balak na


proyekto na nais magawa.

MGA KONSEPTONG PANGWIKA

 Daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang nauukol sa lipunan ng mga tao.


 Mga pananagisag sa anumang bagay na binibigyang kahulugan, kabuluhan atinterpretasyon sa pamamagitan ng
mga salita, binabasa man ng mga mata o naririnig ngtainga, nakasulat man o binibigkas.
 Midyum ng pag-iisip at komunikasyon sa proseso ng buhay panlipunan. (Romeo Dizon)

2 uri: likas at artipisyal

Pambansang Wika

Ang pinakamalawak na gamitin o lingua franca ng mga mamamayan.

Wikang Rehiyunal

Nakabatay sa lingua franca ng mga mamamayan sa isang rehiyon. (Ilokano sa rehiyongKailokanuhan-Isabela,


Cagayan, Batanes, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, at Ilocos S/N)

Lalawiganin

Taguri sa wika ng probinsya. (Bulakeño, Pampangeño, Caviteño, Zamboangueño, Davaoueño)

Wikang Pampanitikan

Kadalasang gumagamit ng mga tayutay upang maging iba sa karaniwan.

Pabalbal o Kolokyal

Karaniwan at impormal na wika kadalasang sa kalye lamang naririnig.

Teknikal na Wika

Kadalasang ginagamit sa larangan ng agham at matematika, teknolohiya at wikang cybernetics.

Teorya ng Pagkatuto ng Wika

1. Innatism (Chomsky)

Isinilang ang tao na may kakayanan ng matutong magsalita (Genetically Programmed). Ang konsepto ng LAD o
Language Acquisition Device na kung saan ay mayroong blackbox sa bahagi ng utak ng tao na kailngan ma-activate.

2. Cognitivism (J. Piaget)

Ang kakayanan ng tao na magsalita ay kaugnay sa kanyang kakayanang kognitibo. Kapag mataas ang kakayanang
kognitibo o pag-iisip, mataas din ang kakayanang magsalita ng tao.

3. Sosyo-kultural (Vygotsky)

Ang pagkatuto ng wika ng tao ay dahil sa mga nakapaligid dito.

4. Behaviorism

Natutong magsalita ang tao dahil sa panggagaya

Pagsulat ng Tanging Lathalain

Isang uri ng pamahayagan na naguulat ng mga makatotohanang bagay o pangyayari batay sa pag-aaral,
pananaliksik o pakikipanayam at sinusulat sa isang paeaang kawili wili.
Katuturan ng Tanging Lathalain

 Walang tiyak na haba


 Nagmula sa katotohanan
 Maaaring isulat sa ibat ibang anyo o istilo ngunit kailangan na itoy angkop sa nilalaman
 Ginagamitan ng makabagong pamatnubay
 Nasusulat sa himig ng payak na pakikipagkaibigan.
 Maaaring sulatin sa una ikalawa o ikatlong panauhan

Katangian ng Tanging Lathalain

 Magpabatid
 Magturo
 Magpayo
 Manlibang

Mga layunin ng tanging lathalain

 Nagsasaad ng katotohanang batay sa isang ulat, samantalang ang maikling kwento ay hango sa mga
makatotohanang pangyayri, ay maaari ring bungang isip lamang.
 Naglalaman ng mga kuro kuro o pagkakahulugan ng may akda tungkol sa isang balitang nailathala, ngunit ang
binibigyang diin ay ang nalikom na tala sa ulat
 Nagtataglay ng kuro kuro ng may akda sa anyo ng pagpapaliwanag, pagpapakahuligan. Naguulay lamang kung
ano ang mangyayari.
 Nasa pagitan ng balita at ng pangulong tudling.

Nasa pagitan ng balita at ng pangulong tudling.

Mga uri ng lathalain

Lathalaing nagpapabatid (informative feature) halimbawa: ang dapat gawain kapag may malakas na lindol

Lathalaing Pabalita (News Feature) halimbawa: ang tagtuyot sa timog luzon.

Pangkatauhang lathalaing Dagli ( Personality or Character sketch) Halimbawa: lathalain ukol sa isang artista,
manlalaro o mangaawit.

Lathalaing Pangkasaysayan (historical feature) Halimbawa: Ang EDSA rebolusyon

Lathalaing pansariling Karanasan (Personal experience)

Lathalaing Pakikipanayam (feature interpretation)

Lathalaing panlibang (Entertaining feature) halimbawa: Ang kahulugan ng Halik.

You might also like