You are on page 1of 46

ANG GRAMAR NG SUBANEN SA BUUG, ZAMBOANGA SIBUGAY

ISANG TESIS PROPOSAL

na Iniharap sa
Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika
Sentro ng Pagpapahusay sa Filipino ng CHED
MSU-Iligan Institute of Technology
Lungsod Iligan

Bilang Bahagi
ng mga Pangangailangan sa Digring
Master ng mga Sining sa Filipino

ZEY COLITA-TORINO
Hulyo 2022
ii

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

DAHON NG PAMAGAT i
LISTAHAN NG MGA DAGLAT iii

Tsapter
1 INTRODUKSYON. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1
1.0 Rasyunal. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1
.
1.1 Layunin ng Pag- 3
aaral. . . . . . . . . . . . . . . . . . .
1.2 Kahalagahan ng Pag-aaral. . . . . . . . . . . . . . . 3
1.3 Metodolohiya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4
1.3.1 Lugar ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4
1.3.2 Mga Informant . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 6
1.3.3 Datos na Ginamit . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 6
1.3.4 Pangongolekta ng Datos . . . . . . . . . . . . . . . . 6
1.4 Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral . . . . . . 7
1.5 Teoritikal na Freymwork . . . . . . . . . . . . . . . 7
1.6 Rebyu ng Kaugnay na Literatura . . . . . . . . . 8
1.6.1 Ang Buug at ang Kasaysayan ng mga 8
Subanen
Dito . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
1.6.2 Ang Wikang Subanen . . . . . . . . . . . . . . . . . . 9
1.7 Rebyu ng Kaugnay na Pag- 10
aaral . . . . . . . . . .
1.7.1 Gramar ng Western Subanon (2020) . . . . . . 10
1.7.2 A Grammar of Northern Subanen 11
(2013) . . .
1.7.3 Referens Gramar ng Wikang Kolibugan
(2021) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 12
1.7.4 Grammatical Sketch of the Tausug
Language 13
(1992) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
1.7.5 Hiligaynon Reference Grammar (1971) . . . . 14
1.7.6 Grammar Referens ng Wikang Pangasinan
(1971) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 14
.
1.7.7 Ang Gramar ng Wikang Carrascalon (2022) 15
1.8 Balangkas ng Pag- 16
aaral . . . . . . . . . . . . . . . . .
iii

2 PRESENTASYON AT ANALISIS NG 17
INISYAL NA DATOS . . . . . . . . . . . . . . . . .
2.1 Ang Fonoloji ng Subanen . . . . . . . . . . . . . . . 17
2.1.1 Mga Fonim na 17
Segmental . . . . . . . . . . . . . . .
2.1.1.1 Mga 17
Konsonant . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
2.1.1.2 Mga Vawel . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 23
2.2 Estruktura ng 25
Silabol . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
2.3 Ang Leksikal na Kategori ng Subanen . . . . . 26
2.3.1 Mga 26
Nawn . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
2.3.2 Verb . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 28
.
2.3.2.1 Aspek . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 29
2.3.3 Adjektiv . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 30
.
2.3.4 Mga Numeral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 30
2.4 Buod ng Tsapter . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 31
BIBLIOGRAFI. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 32
APENDIKS
A Liham Pahuntulot mula sa 34
IPMR. . . . . . . . . .
B Liham Pahintulot para sa Municipal Mayor 35
C Eliciting Materials. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 36
iv

LISTAHAN NG MGA DAGLAT

K Konsonant
V Vawel
NOM Nominative
GEN Genetive
OBL Oblique
Sg Singyular
Pl Plural
TSAPTER 1
INTRODUKSYON

1.0 Rasyunal
Hindi lamang maituturing na isang multilinggwal na bansa ang Pilipinas
bagkus mayaman din sa wika. Ito ay sa kadahilanang maraming wika ang
sinasalita sa iba’t ibang panig ng kapuluan. Sa paliwanag ni McFarland (2004),
kung susukatin ang yaman ng isang bansa sa pamamagitan ng bilang ng mga wika
nito, maituturing na mayaman ang Pilipinas sapagkat may mahigit sa 100 na
natatanging wika ang sinasalita ng mga taong naninirahan dito. Ayon naman sa
ulat nina Eberhard, Simons at Fennig (2022), may 186 na wika ang matatagpuan
sa Pilipinas – 184 sa mga ito ay buhay at dalawa (2) ang patay na.
Ang wikang Subanen ay isa sa mga buhay na wikang sinasalita sa bansa
partikular na sa pulo ng Mindanao. Batay sa pag-aaral na ginawa ni McFarland
(1981), isa ang wikang Subanen1 sa mga wikang bumubuo sa subgroup na
Southern Philippine languages. Sa ginawang paggugrupo nina Thomas at Healy
(1962) sa mga wika sa Pilipinas, ang wikang Subanen ay kabilang sa subgroup na
tinawag ng dalawa na Southern Philippine Family. Ayon naman sa pag-aaral na
ginawa ni Zorc (1975) sa genetic relationship ng mga wikang kabilang sa
Southern Philippine languages na grupo, ang wikang Subanen ay nabibilang sa
grupo ng Meso-Philippine na mga wika.
Inilalahad naman sa ulat nina Eberhard, Simons at Fennig (2022) na ang
mga ispiker ng wikang Subanen ay nahahati sa iba-ibang grupo – ang Subanen,
Central (ISO 639-3 syb), Subanen, Eastern (ISO 639-3 sfe), Subanen, Southern
(ISO 639-3 laa), Subanen, Northern (ISO 639-3 stb), Subanon, Western (ISO
639-3 suc), at Subanon, Kolibugan (ISO 639-3 skn).
Ang mga ispiker ng Subanen, Central ay matatagpuan sa Probinsya ng
Zamboanga del Norte at sa silangang bahagi ng Probinsya ng Zamboanga del Sur,
sa ilang munisipalidad ng Probinsya ng Zamboanga Sibugay partikular na sa
1
Tinawag na Subanon sa pag-aaral ni McFarland (1981) at Zorc (1975) gayundin sa pag-aaral
nina Thomas at Healy (1962).
2

Kabasalan, Siay at Diplahan. Naninirahan naman ang grupo ng Subanen, Eastern


sa ilang bahagi ng Zamboanga del Norte gayundin sa kanlurang bahagi ng Mt.
Malindang, Misamis Occidental, at sa hilagang-silangang bahagi ng Zamboanga
del Sur. Ang grupo ng mga Subanen, Southern na tinatawag ding Lapuyan
Subanun ay makikita sa munisipalidad ng Malangas sa Zamboanga Sibugay, sa
ilang bahagi ng Zamboanga del Sur na nasa kanlurang bahagi ng Illana Bay, at sa
munisipalidad ng Margosatubig. Ang mga ispiker ng wikang ito ay sinasabing
nakauunawa rin sa wika ng Subanen, Central. Naninirahan naman ang grupo ng
Subanen, Northern sa ilang munisipalidad ng Probinsya ng Misamis Occidental
tulad ng Manukan, Manuel A. Roxas at Polonco maging sa munisipalidad ng
Zamboanga del Norte tulad ng Mutia at Sergio Osmeña, at mula Dipolog
hanggang Syudad ng Dapitan.
Matatagpuan naman ang mga ispiker ng Subanon, Western sa ilang
bahagi ng Zamboanga del Norte na nakaharap sa Dagat ng Sulu – mula sa
munisipalidad ng Labason hanggang sa katimugang bahagi nito gayundin sa
kanlurang bahagi ng Zamboanga Sibugay partikular na sa munisipalidad ng Ipil,
Roseller T. Lim at Tungawan, at sa silangang bahagi ng peninsula. Ang Subanon,
Kolibugan na tinatawag ding Kalibugan ay matatagpuan naman sa Probinsya ng
Zamboanga Sibugay at Zamboanga del Norte. Ayon sa pag-aaral ni Esteban
(2002), sila ay naninirahan mula sa katimugang bahagi ng Sindangan Bay
hanggang sa Syudad ng Zamboanga at mula sa katimugang bahagi ng Peninsula
mula sa Sibuguey Bay hanggang sa Syudad ng Zamboanga.
Samantala, bagaman may mga linggwistik na pag-aaral na ang naisagawa
tungkol sa ilang dayalek ng wikang Subanen tulad ng pag-aaral ni Bulalang
(2020) sa Western Subanon, pag-aaral ni Daguman (2013) sa Northern Subanen,
at pag-aaral ni Abingosa (2021) sa wikang Kolibugan, wala pang linggwistik na
pag-aaral ang naisasagawa tungkol sa wikang Subanen na sinasalita sa Probinsya
ng Zamboanga Sibugay partikular na sa munisipalidad ng Buug.
Kaugnay nito, tinatangka ng pag-aaral na ito maidokumento at mailarawan
ang gramar ng wikang Subanen na sinasalita sa Buug, Zamboanga Sibugay.
3

1.1 Layunin ng Pag-aaral


Layunin ng pag-aaral na ito na makasulat ng gramar ng wikang Subanen
na sinasalita sa Buug, Zamboanga Sibugay. Nilalayon nitong mailarawan ang
fonolojikal, morfolojikal at sintaktikal na katangian ng wikang Subanen na
ginagamit sa nabanggit na lugar batay sa aktwal na sinasalitang wika.

1.2 Kahalagahan ng Pag-aaral


Ayon nga kay Aikhenvald (2015), for languages which are still spoken, a
linguist is instrumental in providing an ‘open-ended’ documentation – the more
we document now, the fewer unanswered questions will come up in the future.
Masasabing maraming katanungan pa rin ang patuloy na umiiral sa usapin ng
wikang Subanen dahil sa kaunti pa lamang ang talang nailahad sa gramar nito.
Magsisilbing mahalagang dokumentasyon sa wikang Subanen na sinasalita
sa Buug, Zamboanga Sibugay ang pag-aaral na ito. Sa pamamagitan din ng pag-
aaral na ito ay magkakaroon ng linggwistik na deskripsyon ang nasabing wika na
magagamit bilang sanggunian ng mga mananaliksik at iskolar sa pag-aaral ng
wikang Subanen.
Mahalagang kontribusyon din ang pag-aaral na ito sa pag-aaral ng gramar
ng mga wika sa Pilipinas. Makatutulong din ang pag-aaral na ito sa Departamento
ng Edukasyon (DepEd) partikular na sa kanilang programang ipinatutupad hinggil
sa paggamit ng unang wika o mother tongue sa paaralan sapagkat magagamit
itong sanggunian ng mga guro sa pagtuturo ng wikang Subanen bilang unang wika
(L1). Magagamit din ang pag-aaral na ito bilang sanggunian para sa sinumang
nagnanais na pag-aralan ang wikang Subanen bilang pangalawang wika.
Inaasahan ding ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga neytib ispiker
ng wikang Subanen sa Buug, Zamboanga Sibugay sa pagpapaangat ng kanilang
linguistic pride. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay malalaman nilang ang
kanilang wika ay natatangi sa iba pang mga wikang sinasalita sa Zamboanga
Sibugay at sa Pilipinas.
4

Dagdag pa, ang pag-aaral na ito ay mahalagang ambag sa dokumentasyon


at deskripsyon ng wikang Subanen at ng mga dayalek nito sa Rehiyon ng
Zamboanga Peninsula.

1.3 Metodolohiya
Disenyong kwalitatibo ang ginamit sa pag-aaral na ito. Bilang isang pag-
aaral na naglalayong ilarawan ang gramar ng isang wika, ginamit dito ang
deskriptibong pamamaraan sa linggwistiks sa pagdodokumento ng wika. Ang
wikang Subanen ay inilarawan batay sa sarili nitong katangian at ginamit bilang
sandigan ng analisis ang typologically informed framework ni Aikhenvald (2015)
at ang BasicLinguistic Theory ni Dixon (2010).
Personal na pakikipanayam sa informant ang pamamaraang ginamit sa
pangangalap ng datos. Mga eliciting material na binubuo ng listahan ng mga salita
at sentens ang ginamit na instrumento sa pag-aaral na ito.

1.3.1 Lugar ng Pag-aaral


Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Buug, Zamboanga Sibugay partikular
sa Barangay Guminta, Manlin at Datu Panas. Ang Buug ay isa sa mga
munisipalidad ng Zamboanga Sibugay sa Rehiyon 9 o Zamboang Peninsula.
Karamihan sa mga residenteng naninirahan sa Buug ay binubuo ng Bisaya,
Maranao, Maguindanao, Tausug, at Subanen. May iilan ding Ilonggo at Kalibugan
ang naninirahan sa lugar.
Isang 3rd class na munisipalidad sa Probinsya ng Zamboanga Sibugay ang
Buug. Ayon sa datos ng Census noong 2000, ang Buug ay may populasyon na
33,623. Ito ay binubuo ng dalawampu’t pitong (27) barangay – ang Barangay
Agutayan, Bliss, Basalem, Bulaan, Borbon, Bawang, Compostela, Datu Panas,
Danlugan, Del Monte, Guitom, Guintuluan, Guminta, Labrador, Lantawan,
Mabuhay, Maganay, Manlin, Muyo, Pamintayan, Pling, Poblacion, Pulong, San
Jose, Talamimi, Talairan at Villa Castor.
5

Mula sa 27 na barangay, tatlo (3) rito ang pinili ng mananaliksik na


maging lugar ng pag-aaral dahil ito ang mga barangay na may malaking bilang ng
populasyon ng mga Subanen sa Buug. Ayon sa datos na nakuha mula sa
Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) ng Buug, ang Barangay
Guminta ay may 760 populasyon ng Subanen, ang Barangay Manlin ay may 1,
289 populasyon ng Subanen at ang Barangay Datu Panas ay may 2, 697 na
populasyon ng Subanen. Mula sa Figyur 1, makikita ang mapa ng Buug,
Zamboanga Sibugay. Binilugan ang mga barangay na sentro ng pag-aaral na ito.

Figyur 1.
Mapa ng Buug

Mula sa Figyur 1 ay makikita ang mapa ng Buug Zamboanga Sibugay.


6

1.3.2 Mga Informant


Ginamit bilang informant sa pag-aaral na ito ang tatlong (3) neytiv ispiker
ng wikang Subanen na residente ng tatlong (3) nabanggit na barangay sa unahan.
Pinili ang mga informant na ito gamit ang sumusunod na kraytirya – (1) neytiv
ispiker ng Subanen na isinilang at lumaki sa Buug, Zamboanga Sibugay; (2) may
edad 20 pataas; at (3) marunong magbasa at magsulat.

1.3.3 Datos na Ginamit


Ang mga datos na ginamit sa pag-aaral na ito ay mga primary data na
nakuha mula sa personal na pakikipanayam mula sa mga informant. May 100 na
listahan ng mga salita at 41 na listahan ng mga sentens ng wikang Subanen ang
ginamit bilang datos sa inisyal na analisis ng fonoloji at morfoloji ng wikang
Subanen.

1.3.4 Pangongolekta ng Datos


Ginamit bilang instrumento sa pangongolekta ng datos para sa pag-aaral na
ito ang eliciting material na personal na binuo ng manananaliksik. Ito ay binubuo
ng listahan ng mga salita at sentens na nakasulat sa wikang Filipino.
Kinalap ang mga datos na ginamit sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng fildwurk sa Buug, Zamboanga Sibugay. Bago magsagawa ng
fildwurk, lumapit ang mananaliksik sa opisina ng Indigenous Peoples Mandatory
Representative (IPMR) upang humingi ng pahintulot sa pagsasagawa ng
pananaliksik sa wikang Subanen na ginagamit sa lugar. Sa kabutihang palad,
nakakuha ng sertipikasyon ang mananaliksik mula sa tanggapan ng IPMR sa
Buug. At pagkatapos mabigyan ng pahintulot, nagsagawa na ng pakikipanayam
ang mananaliksik sa mga napiling informant. Bilang bahagi ng proseso ng
pagdodokumento ng wika, inirekord sa pamamagitan ng cellular phone ang bawat
pakikipanayam sa mga informant.
7

1.4 Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral


Saklaw ng pag-aaral na ito ang pagdodokumento at paglalarawan sa
gramar ng wikang Subanen na sinasalita ng etnolinggwistikong grupong Subanen
na naninirahan sa Buug, Zamboanga Sibugay. Sakop nito ang pagtalakay sa
fonoloji, morfoloji at sintaks ng wikang Subanen.
Sa paglalarawan sa fonoloji ng wika, saklaw ng pag-aaral ang pagtalakay
sa mga makabuluhang tunig na bumubuo sa wikang Subanen tulad ng mga
konsonant at vawel fonim. Sinakop din sa paglalarawan ng fonoloji ng Subanen
ang pagtalakay sa estruktura ng silabol nito. Sa paglalarawan ng morfoloji, saklaw
ng pag-aaral na ito ang paglalarawan sa mga leksikal na kategori na bumubuo sa
wikang ito tulad ng nawn, verb, adjektiv, adverb at iba pa. Sa paglalarawan naman
ng sintaks, saklaw ng pag-aaral ang pagtalakay sa iba’t ibang beysik sentens
patern ng wikang Subanen. Sakop din ng paglalarawan sa sintaks ng Subanen ang
pagtalakay sa mga proseso ng pagpapalawak ng mga sentens sa wikang ito.

1.5 Teoretikal na Freymwork


Sa pagbuo ng analisis sa pag-aaral na ito, ginamit bilang batayan ang
typologically informed framework ni Aikhenvald (2015) na nakabatay sa Basic
Linguistic Theory (BLT) na dinebelop ni Dixon (2010). Ang freymwork na ito ay
nagbibigay-diin sa paglalarawan sa wika batay sa sarili nitong katangian o
kondisyon.
Samantala, ang linggwist na si Robert M. W. Dixon ang nagpakilala ng
Basic Linguistic Theory (BLT). Sa paliwanag ni Dixon (2010), sinabi niyang ang
BLT ay kaiba sa mga teoryang nadebelop mula sa mga gawa ng linggwist na
Noam Chomsky. Ito ay sa kadahilanang ang teoryang ito ay nag-ugat mula sa
gawa ng mga Sanskrit at Greek na mga gramaryan. Ayon kay Dixon, pinag-
aaralan sa BLT ang bawat wika bilang isang kumpletong sistemang pangwika.
Nakatuon din ang BLT sa pag-aaral at paghahambing ng mga gramatikal patern
ng bawat wika. Gamit ang BLT, pinag-aaralan ang gramar ng isang wika batay sa
8

sarili nitong katakdaan at inaanalisa sa pamamagitan ng paghahambing sa ibang


mga wika o gamit ang resulta ng pagsusuri at pananaliksik sa tipolohiyang
pangwika. Nangangahulugan ito na sa pagbuo ng gramar ng wikang Subanen,
inilarawan ang mga natatanging fityur ng wika batay sa sarili nitong katakdaan.
Dagdag pa, ang librong the Art of Grammar ni Aikhenvald (2015) ang
ginamit bilang gabay at batayan sa pagbuo ng gramar ng wikang Subanen. Sa
paglalarawan sa fonoloji ng wika, tinalakay ang mga makabuluhang fonim na
bumubuo sa wikang Subanen tulad ng mga fonim na segmental at suprasegmental
gayundin ang estruktura ng silabol nito. Sa paglalarawan naman sa morfoloji ng
Subanen, tinalakay ang mga morfim na bumubuo sa wika at ang iba’t ibang
leksikal na kategori nito. At sa paglalarawan ng sintaks ng wikang Subanen,
tinalakay ang word order nito gayundin ang iba’t ibang sentens patern ng wikang
ito. Kasama ring tinalakay sa sintaks ang mga proseso ng pagpapalawak sa mga
sentens ng wikang Subanen.

1.6 Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura


Inilalahad sa bahaging ito ang pagtalakay sa dalawang (2) paksa na
nakitang may malaking kaugnayan sa pag-aaral na ito.

1.6.1 Ang Buug at ang Kasaysayan ng mga Subanen Dito


Naitatag ang munisipalidad ng Buug noong Pebrero 26, 1960 sa panahon
ng panunungkulan ni dating Pangulong Carlos P. Garcia. Ang Buug ay isa mga
sakop na barangay noon ng munisipalidad ng Malangas at sa pangunguna ng
dating konsehal ng Malangas na si Quirino M. Gonzales, naihiwalay ito sa
Malangas at naitatag bilang isang munisipalidad. Binubuo lamang noon ng anim
(6) na barangay ang Buug at sa paglipas ng panahon, ang mga barangay na sakop
nito ay lumawak pa. Mula noong 1984, ang Buug ay binubuo na ng dalawampu’t
pitong (27) barangay noong 1984.
9

Ayon sa kasaysayan, ang unang etnolinggwistikong grupong nanirahan sa


Buug ay mga Subanen. Patunay nito ay ang pangalan ng lugar na nagmula sa
salitang Subanen na bog na ang ibig sabihin ay second growth forest. Unang
nanungkulan bilang mga lider sa lugar ay ang mga Timuay na sina Timuay
Mesela Bandal at Timuay Kundasan Sumpo. Samantala, may mga Subanen din
mula sa Zamboanga del Norte ang dumayo at nanirahan sa lugar tulad ng
pamilyang Panas. At sa paglipas ng panahon, dumami pa ang mga Subanen na
nanirahan sa bayan ng Buug. Sila ay ang mga taong naghahanap ng lugar na
malayo sa pakikidigma ng mga Moro. Mula sa paisa-isang pandarayuhan ng mga
Subanen sa lugar, hanggang sa pami-pamilya na, patuloy na dumami ang
populasyon ng mga Subanen sa bayan ng Buug.
Samantala, ang mga Subanen na nanirahan sa lugar ay naging instrumento
rin sa pag-unlad nito. Hindi lamang nila pinangalagaan ang Buug bagkus naging
daan din sila sa pagtatayo ng mga paaralan dito. Isang patunay nito ay ang
pagkakatatag ng Mindanao State University sa Buug dahil sa pangunguna ni
Timuay Mariano Guilayan Pagang. Sa pamamagitan ng pagsisikap ni Timuay
Pagang, naging posible ang pagtatayo ng unibersidad sa lugar na ito.
Sa kasalukuyan, ayon sa IPMR ng Buug, umaabot na sa bilang na 14, 000
ang populasyon ng mga Subanen na naninirahan sa lugar. At bilang pagkilala sa
pangkat ng mga Subanen sa Buug, may dalawang barangay rito na ang pangalan
ay nagmula sa pangalan ng dalawang kilalang Timuay ng mga Subanen – ito ay
ang Barangay Manlin at Barangay Datu Panas

1.6.2 Ang Wikang Subanen


Ang wikang Subanen ay isa sa mga wikang sinasalita sa Pilipinas. Ito ay
ginagamit ng etnolinggwistikong grupong Subanen na naninirahan sa Probinsya
ng Zamboanga Peninsula at sa ilang bahagi ng Probinsya ng Misamis Occidental.
Ayon sa pag-aaral ni McFarland (1994), ang wikang Subanen ay nahahati
sa tatlong (3) subgroup – ito ay ang Subanu (L-complex), Subanon at Kolibugan.
Sa paliwanag ni McFarland, ang Subanu L-complex ay isa sa mga L-complex na
10

wika sa Pilipinas. Tinatawag na L-complex ang mga wika na nagmula sa isang


mother language at nagkalat sa iba’t ibang heyograpikal na lokasyon. Bagaman
may pagkakaiba ang mga wikang ito sa leksikon at tunog, ang mga ito ay
mutually intelligible at maituturing na dayalek ng isang wika.
Sa pagtalakay ni McFarland sa Subanu L-complex, tinukoy niya na
mayroong tatlong (3) dayalek ang wikang Subanu. Kabilang sa mga dayalek nito
ay ang Subanu (Sindangan), Subanu (Salug), at Subanu (Lapuyan). Ang mga
ispiker ng Subanu (Sindangan) ay matatagpuan sa gitnang silangang bahagi ng
Zamboanga del Norte habang ang mga ispiker ng Subanu (Salug) ay naninirahan
sa silangang bahagi ng Zamboanga del Norte. Matatagpuan naman sa hilagang-
silangang bahagi ng Zamboanga del Sur ang mga ispiker ng Subanu (Lapuyan).
Samantala, sinusuportahan ng ulat nina Eberhard, Simons, at Fennig
(2022) ang pag-aaral ni McFarland. Batay sa ulat ng tatlo, nahahati sa iba-ibang
grupo ang ispiker ng wikang Subanen – ang Subanen, Central, Subanen,
Eastern, Subanen, Southern, Subanen, Northern, Subanon, Western, at
Subanon, Kolibugan.
Ayon naman sa pag-aaral ni Lobel (2013), ang subgroup na Subanen ay
nahahati dalawang branch – ito ay ang Western branch at Nuclear branch. Ang
Western branch ay binubuo ng Western Subanon at Western Kolibugan. Ang
Nuclear branch naman ay nahahati sa West Nuclear at East Nuclear. Kabilang sa
West Nuclear ang Tawlet-Kalibugan at Salug-Godod Subanen habang ang East
Nuclear ay kinabibilangan ng Southern, Central, Northern, at Eastern Subanen.

1.7 Rebyu ng mga Kaugnay na Pag-aaral


Makikita sa bahaging ito ang pagtalakay sa mga naisagawang linggwistik
na pag-aaral tungkol sa gramar ng ilang wika sa Pilipinas na nakitang may
malaking kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral.

1.7.1 A Grammar of Western Subanon (2020)


11

Isa sa mga pag-aaral na may malaking kaugnayan sa pag-aaral na ito ay


ang pag-aaral ni Estioca tungkol sa gramar ng wikang Western Subanon. Nilayon
ng kanyang pag-aaral na tiningnan ang ponolohiya, morpolohiya, sintaks at ang
diskurso ng wika pati ang mga metapora nito. Ang mga nakalap na datos ay mula
sa natatanging kaalaman sa paggamit ng wika ng mga Subanon. Isang
kahalagahan sa pag-aaral niya ay upang ma-preserva ang wikang Subanon at
makatulong hindi lamang sa mga linguist at Subanon kundi maging batayan sa
edukasyon lalo na sa pagbubukas ng MTB-MLE ng Pilipinas. Natuklasan niya ang
sound system, word classes, morphosyntactic properties of verbal clauses, clause
combination, serial verb construction, interrogative and imperative structures,
ellipsis, scope, verbless clauses, discourse markers, numerals, metaphors, idioms,
euphemism, onomatopoeias, and anger words ng Western Subanon.
May pagkakatulad ang pag-aaral ni Estioca sa kasalukuyang pag-aaral
dahil parehong sa angkan ng wikang Subanen ang wikang ginamit sa pag-aaral.
May kaibahan ang pag-aaral ni Estioca sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat ang
lugar na pinagkunan ng datos ay tanging sa Buug, Zamboanga Sibugay. Hindi rin
titingnan ng mananaliksik ang metapora at diskuro ng Subanen Buug na siyang
ginawa ni Estioca sa kanyang pag-aaral. Pagtutuunan ng kasalukuyang
mananaliksik ang fonim (segmental at suprasegmental), morfim (leksikal
kategori) at sintaks (word formation) ng Subanen-Buug.

1.7.2 A Grammar of Northern Subanen (2013)


Pangunahing layunin ni Daguman ang mailarawan ang gramar ng
Northern Subanen. Ito ay ang pinagsamang kabatiran mula structural, formational,
comparative, discourse analysis, functional at typological framework ng wikang
ito. Ayon sa mananaliksik, inaasahan niya na ang paglalarawang ito ng isang
partikular na wika sa Pilipinas ay makapagbigay ng malawak pang pag-intindi sa
Philippine-type Austronesian na wika.
Kaugnay ng pag-aaral ni Daguman ang kasalukuyang pag-aaral dahil ayon
sa kanya ang Northern Subanen ay membro ng Subanon, isang subgroup ng wika
12

sa Timog na bahagi ng Pilipinas, na tulad din ng Subanen Buug. Nilalaman din ng


pag-aral niya ang phonemics at morphophonemics ng wika, at ang natitira ay ang
paglalarawan sa debelopment ng inisyal na ortografi ng wikang Subanen. Binubuo
ng labinsiyam na tsapter ang kanyang paglalarawan sa Northern Subanen.
Basehan ng mananaliksik ang pag-aaral na ito dahil sa nilalaman din ng mga
unang tsapter tulad ng fonoloji, morfoloji, verbal clauses, at iba pang salitang
pangnilalaman na paksa rin ng kasalukuyang pag-aaral. Magkatulad na pagtalakay
rin para sa mga affixes, nawn, verb at adjektivs.
Bukod sa mga nabanggit sa taas, malaki ang kaugnayan ng pag-aaral na ito
dahil parehong Basic Linguistic Theory freymwork ang gamit ng dalawang pag-
aaral at magkalapit na subgroup ang wika ayon sa pag-aaral ni McFarland (1994).

1.7.3 Ang Referens Gramar ng Wikang Kolibugan (2021)


Isa rin ang disertasyon ni Abingosa na kaikitaan ng pagkakatulad at
batayan ng pag-aaral. Hindi nagkakalayo ang pag-aaral na ito sa mananaliksik
dahil pawang paglalarawan ng wikang ginagamit sa Zamboanga Sibugay ang
ginawa ng mga mananaliksik. Ang pag-aaral ni Abingosa ay nakatuon sa referens
gramar ng wikang Kolibugan sa Tungawan, Zamboanga Sibugay. Mula sa
isanlibong sentens at dalawang libong mga salita nabuo niya ang gramar ng
wikang Kolibugan na nilalaman ng tsapter 2 ang fonim, tsapter 3 ang morfim at
ang tsapter 4 na nakatala ang katangian ng sentens ng wika. Ang pag-aaral na ito
ay siya ring balangkas ng kasalukuyang pag-aaral.
May kaugnayan ang pag-aaral ng mananaliksik sa pag-aaral ni Abingosa
dahil nasa magkatulad na subgroup ng wika ang Subanen at Kolibugan.
Nagkakaiba lamang ang pag-aaral niya sa kasalukuyang ginagawang pag-aaral
dahil wikang Subanen na isa sa wikang nagkaroon ng impluwensya sa wikang
Kolibugan ang tuon ng kasalukuyang pag-aaral. Kahit na sa magkatulad na
probinsya ay malayo ang Tungawan sa Buug. Nakatulong ng malaki ang pag-aaral
ni Abingosa sa pagsusuri ng fonim ng Subanen-Buug pati na ang leksikal kategori
13

nito. Ito rin ang binabalangkas ng kasalukuyang pag-aaral sa pagsusuri ng faynal


na mga datos.

1.7.4 Grammatical Sketch of the Tausug Language (1992)


Ayon kay Peneyra kung saan ito ang unang comprehinsibong pag-aaral
tungkol sa wikang Tausug. Layunin niyang mailarawan ang grammatical sketch
ng wikang Tausug, ang wikang sinasalita sa isla ng Jolo. Tinalakay niya sa pag-
aaral na ito ang fonim, morfim, sentence classification, verbal sentences,
subjectivalization at nonverbal sentences ng wika. Natuklasan niyang ang fonim
ng Tausug ay binubuo ng 18 konsonant at 3 vawel. Naitala rin niya ang stress
bilang isa sa uri suprasegmental, mayroon ding pitch at juncture ngunit hindi niya
na ito inilahad.
Tulad ng kasalukuyang mananaliksik, itinala rin niya ang silabol patern ng
wikang Tausug. Natuklasan niya ang apat na uri ang CV, CVC, V at VC. Sa pag-
aaral din niya nakita ang uri ng morfim, ang ruts, affixes at particles. Kasunod nito
ang salitang pangnilalaman tulad ng nawns, verbs, adjektivs, adverbs, pronouns at
construction markers.
Bukod sa mga nabanggit sa itaas, sa usapin ng sintaks, naklasify niya ang
sentens bilang simpol, compound at complex. Kasama rin ang definite at
indefinite sentens, situational sentenses, at sentens inversion. Verbal sentens
naman ang tinalakay niya sa ikatlong tsapter kung saan natuklasan niya ang
complements ito ang actor, goal, beneficiary, locative, instrumental, at causative
complements. Panghuling tsapter ang talakay sa aspects.
Ito ay may malaking kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral dahil tungkol
sa panimulang pagtalakay sa isang partikular na wika ang dalawang pag-aaral.
Magkaiba lamang dahil sa wikang Subanen ng Buug ang pagtutuunan ng pansin
ng mananaliksik. Ang dalawang wika rin ay parehong wikang matatagpuan sa
Mindanao at itong pangkat etnikong ito ay parehong makikita sa Buug. Tulad ng
14

pag-aaral ni Peneyra, pagtutuunan din ng mananaliksik ang fonim, morfim at


sintaks ng wikang Subanen sa Buug.

1.7.5 Hiligaynon Reference Grammar (1971)


May isang pag-aaral din tungkol sa grammar ng Hiligaynon, isa sa wikang
sinasalita sa sentral ng bansa tulad ng Panay, Negros at Romblon, na siyang lingua
franca ng Western Visayas. Layunin niyang mailarawan ang Hiligaynon na
ginagamit sa Iloilo City, sa isla ng Panay. Dalawang tao ang naging informant ng
pag-aaral na siyang pinagkunan ng datos ng mananaliksik, pati ang mga kwento
mula sa aklat, at ang magazin na naipublish sa lugar ng Iloilo City. Natuklasan ni
Wolfenden na may dalawampu’t limang ponema ang wikang Hiligaynon kasama
ang mga diin. Ang morpema ng wikang Hiligaynon ay binubuo rin ng salitang-
ugat at mga panlapi, kung saan ang panlapi sa unahan ay prefixes, sa gitna ay
infixes at suffixes ang sa hulihan.
Kasama sa talakay ng pagbuo ng salita ang particles, bases, descriptives at
verbs ng wikang Hiligaynon, at ang huli ay ang phrases at clauses. Ayon sa kanya,
nangangailangan pa ng mas malalim na pag-aaral ang wika partikular sa word
formation, pati ang paglalarawan sa lexical features ng rut. Gramar ang ginamit
niyang salita upang tukuyin ang pagkakaayos ng salita sa sentens.
Malaking tulong ang pag-aaral na ito dahil sa comprehensibong
presentasyon ng talakay ay masusuri ring mabuti ng mananaliksik ang wikang
Subanen ng Buug. Pagtutuunan din ng mananaliksik ang fonim, morfim at mga
sentens ng Wikang Subanen. Nakatulong sa pagsusuri ng fonim ang pag-aaral ni
Wolfden sa kasalukuyang pag-aaral.

1.7.6 Pangasinan Reference Grammar (1971)


Si McKaughan (1971) ay nag-aral din ng grammar referens ng wikang
Pangasinan. Kilala ang wikang Pangasinan bilang isa saw along pangunahing
15

wika ng Pilipinas at sinasalita ng mahigit sa 650, 000 katao. Nakadesinyo ang


pag-aaral na ito sa paglalahad ng iba’t ibang aspekto ng wikang Pangasinan.
Layunin nitong malinaw ang kaalaman sa mahahalagang punto, ma-clarify ang
structural features at maglahad ng iba pang halimbawa sa katangian ng wikang
Pangasinan. Hangad niyang ito ay makatulong sa nag-aaral o makakarinig ng wika
at masagot ang katanungang may kinalaman sa wikang ito.
Nilalaman nito ang paglalarawan sa fonoloji, articles, attributive and
object markers, identificational prepositions, adverbs, pronouns, nouns, numerals,
verbal sentens at basic vocabulary ng nasabing wika. Naging malinaw rin ang
talakay niya sa Pangasinan dahil sa sinali rin niya ang walong bahagi ng
pananalita. Makikita rin sa aklat niya ang mga gawaing iniwan niya upang mas
maging mainam ang pag-aaral na ginawa.
Ang kaugnayan nito sa kasalukuyang pag-aaral ay mahalaga sa aspeto ng
pagtalakay sa ponolohiya at pangungusap kung saan ito rin ang susuriin ng
mananaliksik sa wikang Subanen na siyang magkaiba sa pag-aaral ni McKaughan.

1.7.7 Ang Gramar ng Wikang Carrascalon (2022)


Isa rin ang gramar ng wikang Carrascalon na may kaugnayan sa
kasalukuyang pag-aaral. Ang wikang ito ay sinasalita ng Carrascal, Surigao del
Sur na tinukoy at mailarawan ang fonim, morfim, at sintaktikal na katangian ng
wikang Carrascalon batay sa sinasalitang wika. Ginamit na informant sa pag-aaral
na ito ang isang sekretarya ng simbahan at apat na estudyante na mga neytiv
ispiker ng wika at naaayon sa krayteryang binanggit. Mula sa eliciting material ng
mga mananaliksik na binubuo ng isang-libong mga salita at sentens, natuklasan sa
pag-aaral nila ang labingwalong konsonant kasama dito ang dalawang afrikeyt
na /tʃ/, at /dʒ/. Ang tatlong vawel fonim naman ng wikang Carrascalon ay ang
/a/, /i/ at /u/. Mayroon ding dalawang uri ang ponemang suprasegmental ng
wikang Carrascalon, ang tono at diin. Lumabas din sa pag-aaral nila ang apat na
diptonggo at sampung klaster. Mayroon din silang apat na pagbabagong
morpoponemiko.
16

Lumitaw rin sa pag-aaral nila ang open klas at klows klas bilang kategorya
ng leksikal rut. Mayroon ding dalawang verbal na infleksyon ang wikang
Carrascalon, ang besyik na infleksyon at modal na infleksyon. Beysik na
estruktura ng sentens ang predikeyt at sabjek.
Ang pag-aaral na ito ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral dahil
pareho ng tuon sa layunin. Ang mailarawan ang fonim, morfim at estruktura ng
sentens ang kasalukuyang pag-aaral ngunit nagkakaiba lamang sa wikang pag-
aaralan.

1.8 Balangkas ng Pag-aaral


Ang pag-aaral na ito ay binubuo ng limang tsapter. Makikita sa unang
tsapter ang pagtalakay sa rasyunal ng pag-aaral, layunin, kahalagahan,
metodolohiyang ginamit sa pagsasagawa ng pag-aaral gayundin ang pagtalakay sa
mga babasahin at pag-aaral na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral.
Makikita sa ikalawang tsapter ang pagtalakay sa fonoloji ng wikang
Subanen na sinasalita sa Buug, Zamboanga Sibugay. Tinatalakay rito ang mga
makabuluhang tunog na bumubuo sa nabanggit na wika gayundin ang estruktura
ng silabol nito.
Mula naman sa ikatlong tsapter ay makikita ang pagtalakay sa morfoloji
ng Subanen-Buug. Tinatalakay rito ang mga morfim na bumubuo sa wika
gayundin ang proseso ng pagbubuo ng mga salita sa wikang ito.
Sa ikaapat na tsapter, makikita ang pagtalakay sa beysik sentens ng wikang
Subanen-Buug. Tinatalakay rin dito ang iba-ibang proseso ng pagpapalawak sa
mga sentens nito.
Inilalahad naman sa ikalimang tsapter ang buod ng pag-aaral, ang resulta
ng pag-aaral, ang konklusyon na nakabatay sa resulta, ang implikasyon ng pag-
aaral at ang rekomendasyon na nakabatay sa implikasyon.
17
TSAPTER 2
PRESENTASYON AT ANALISIS NG INISYAL NA DATOS

Inilalahad sa bahaging ito ang presentasyon at analisis ng mga nalikom na


inisyal na datos ng pag-araal.

2.1 Ang Fonoloji ng Subanen-Buug


Makikita sa bahaging ito ang pagtalakay sa mga makabuluhang tunog o
fonim na bumubuo sa wikang Subanen na sinasalita sa Buug, Zamboanga Sibugay
– ang Subanen-Buug.

2.1.2 Mga Fonim na Segmental


Ang wikang Subanen-Buug ay binubuo ng labing walong (18) fonim –
labing-apat (14) na konsonant fonim at apat (4) na vawel fonim.

2.1.2.1 Mga Konsonant


Mula sa Teybol 1 ay makikita ang fonemik-tsart ng mga konsonant fonim
na bumubuo sa wikang Subanen-Buug. May labing-apat (14) na konsonant fonim
ang wikang Subanen-Buug. Ito ay ang /b/, /d/, /g/, /h/, /k/, /l/, /m/, /n/, /p/, /r/, /s/,
/t/, /w/ at /j/.

2.1.2.1.1 Mga Stap


Tinatawag na stap ang pansamantala pero ganap na pagpigil o pagbara ng
daloy ng hangin sa bibig. Harang na harang ang daan ng hangin. Binubuo ng
pitong (7) stap na konsonant ang Subanen-Buug – dalawang (2) baylebyal stap,
dalawang (2) dental stap, dalawang (2) velar stap at isang (1) glotal stap.
19

Teybol 1.
Fonemik-tsart ng mga konsonant ng Subanen-Buug
Paraan ng Punto ng Artikulasyon
Artikulasyo
n

Baylebyal Dental Alvyolar Alvyo- Velar Glotal


palatal

Stap p t k Ɂ

b d g

Frikativ s h

Afrikeyt

Neysal m n ŋ

Likwid

Lateral l

Tap r

Glayd w j

2.1.1.1.1.1 Baylebyal
Sa punto ng artikulasyon, baylebyal ang tunog kapag naglalapit ang
dalawang labi. Mapapansin ito sa fonim na /b/ at /p/ sa Subanen-Buug.

/b/: voys na tunog


/ba.bá.sal/ ‘kalabasa; squash’
/bǝn.tud/ ‘bundok; mountain’
/kla.baw/ ‘kalabaw; carabao’
/khá.ban/ ‘kabinet; cabinet’
20

/gá.dab/ ‘puso; heart’

/p/: voysles na tunog


/pha.tǝd/ ‘kapatid; brother/sister’
/pha.nit/ ‘balat; skin’
/sa.páʔ/ ‘ilog; river’
/dlu.páʔ/ ‘lupa; earth’

2.1.1.1.1.2 Dental
Sa paraan ng artikulasyon ang dulong dila ay dumidiit sa loob ng mga
ngipin sa itaas. Ang dental stap ng Subanen-Buug ay ang /d/ at /t/.

/d/: voys na tunog


/dlú.paʔ/ ‘lupa; earth’
/dlud/ ‘dagat; sea’
/ghǝn.dáw/ ‘tao; human’
/ga.dáb/ ‘puso; heart’
/bǝn.tud/ ‘bundok; mountain’
/dlud/ ‘dagat; sea’

/t/: voysles na tunog


/tloŋ/ ‘talong; eggplant’
/tá.tu.jo/ ‘okra;
/ku.tíŋ/ ‘pusa; cat’
/ba.tó/ ‘bato; stone’
/sǝg.bǝt/ ‘damo; grass’
/kha.mǝt/ ‘kamay; hand’

2.1.1.1.1.3 Velar
21

Sa punto ng artikulasyon, kapag ang ibabaw ng punong dila ay dumidikit


sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala ay tinatawag na velar. Ang tunog
/k/ at /g/ ng Subanen-Buug ay velar.

/k/: voysles na tunog


/kú.raɁ/ ‘kabayo; horse’
/kla.baw/ ‘kalabaw; carabao’
/tík.waɁ/ ‘patola’
/ba.kiɁ/ ‘palaka; frog’
/sa.la.buk/ ‘isa; one’

/g/: voys na tunog


/gí.tuɁ/ ‘aso; dog’
/ghǝn.dáw/ ‘araw; sun’
/sǝg.bǝt/ ‘damo; grass’
/mǝ.ga.ŋu/ ‘tuyo; dry’
/ma.ra.lág/ ‘dilaw; yellow’

2.1.1.1.1.4 Glotal
Sa paraan ng artikulasyon, glottal ang tunog kapag ang babagtingang tinig
ay nagdidiit o naglalapit at hinaharang o inaabala ang presyon ng papalabas na
hininga upang lumikha ng paimpit o pasutsot na tunog.

/Ɂ/: voysles na tunog


/gí.tuɁ/ ‘aso; dog’
/kú.raɁ/ ‘kabayo; horse’
/sa.piɁ/ ‘baka; cow’
/ga.juɁ/ ‘puno; tree’
2.1.1.1.2 Mga Frikativ
22

Sa paraan ng artikulasyon ay pinararaan ang hangin sa masikip na daanan


pero tuloy-tuloy pa rin ang daloy nito. Ang konsonant /s/ at /h/ ang frikativ ng
Subanen-Buug.

/s/: voysles-alvyolar frikativ


/sǝg.bǝt/ ‘damo; grass’
/sa.páɁ/ ‘ilog; river’
/kal.sa.rá/ ‘daan; way’
/ma.sa.Ɂít/ ‘sakit; pain’
/ma.ra.más/ ‘basa; wet’
/mǝ.la.ŋás/ ‘maganda; beautiful’

/h/: voysles-glotal frikativ

/ghǝ.táw/ ‘tao; human’


/kha.búɁ/ ‘tabo; dipper’

2.1.1.1.3 Neysal
Nabubuo ang mga tunog na ito kung dumadaloy ang hangin sa neysal-
kaviti kapag nakababa ang velum at pinapalabas ang hangin sa ilong.

/m/: voys na tunog baylebyal-neysal


/ma.nuŋ/ ‘kapatid na lalaki; brother’
/ma.lu.náw/ ‘asul; blue’
/gi.nú.man/ ‘inumin; drinks’
/gam.pún/ ‘patawad; sorry’
/mí.num/ ‘inom; to drink’

/n/: voys na tunog alvyolar-neysal


/naɁ/ ‘nanay; mother’
23

/nja.púɁ.an/ ‘lola; grandmother’


/ghan.tíɁ/ ‘tiyahin; aunt’
/phá.nit/ ‘balat; skin’
/khá.ban/ ‘kabinet; cabinet’

/ ŋ/: voys na tunog velar-neysal


/ŋa.lan/ ‘pangalan; name’
/ghiŋ.hú.ran/ ‘upuan; chair’
/ma.naŋ/ ‘kapatid na babae; sister’

2.1.1.1.4 Mga Likwid


Nabibilang sa mga kontinuwant pero hindi sapat ang obstraksyon ng daloy
ng hangin sa bibig par magkaroon ng friksyon gaya ng nangyayari sa frikativ.
Sa paraan ng artikulasyon kapag mabilis na tinatapik ng dila ang likod ng
mga ngipin o ng alvyolar rij tinatawag na flap. Ito ay ang konsonant /r/ sa
Subanen-Buug.

/r/: alvyopalatal-flap
/kú.raɁ/ ‘kabayo; horse’
/gla.ri.ja/ ‘pinggan; plate’

Sa paraan ng artikulasyon, kung inaangat ang tip ng dila sa dental o


alvyolar na posisyon pero nakababa ang mga gilid ng dila kaya nakakalabas dito
ang hangin ito ay lateral.

/l/: alvyopalatal-lateral
/la.ma/ ‘ulit; again’
/li.na.ŋuj/ ‘langoy; swim’
/bal.di/ ‘balde; pale’
/ma.lu.náw/ ‘asul; blue’
24

/ba.bá.sal/ ‘kalabasa; squash’

2.1.1.1.6 Mga Glayd


Nabibigkas ang mga ito kung saan magkalapit ang mga artikyuletor ngunit
hindi ganap na magkalapit upang makabuo ng stap at walang haring sa pagdaloy
ng hangin.

/w/: voys na tunog baylebyal-aproksimant


/gwa.lu/ ‘walo; eight’
/ga.wák/ ‘baywang; hips’
/ma.lu.náw/ ‘asul; blue’
/ghǝn.dáw/ ‘araw; sun’

/j/: voys na tunog palatal-aproksimant


/ja.nín/ ‘siya’
/kjaɁ/ ‘tiyo; uncle’
/ba.boj/ ‘baboy; pig’

2.2 Mga Vawel


Binubuo ng apat (4) na vawel fonim ang wikang Subanen-Buug – ito ay
ang
/i/, /ǝ/, /a/, at /u/. Makikita sa susunod na teybol ang susunod na vawel at ang
posisyon ng dila at bibig sa pagbigkas nito.

Teybol 2.
Fonemik-tsart ng mga vawel ng Subanen-Buug
Paharap Pasentral Palikod

Pataas i u
25

Pagitna ǝ

Pababa a

2.2.1 /i/: paharap-pataas


Binibigkas ang /i/ kung saan ang dila ay pataas at paharap ang lalamunan.

/ku.tíng/ ‘pusa; cat’


/ghí.naɁ/ ‘ina; mother’
/sa.piɁ/ ‘baka; cow’
/ghan.ti/ ‘tiyahin; aunt’

2.2.2 /ǝ/: Pasentral, pagitna


Sa Subanen-Buug ang /ǝ/ ay nakikita sa gitna ng salita. Malimit na
binibigkas itong hindi masyadong nakabuka ang bibig.

/bǝn.tud/ ‘bundok; mountain’


/ghǝn.dáw/ ‘araw; sun’

2.2.3 /a/: Pasentral, Pababa


Ang tunog /a/ ay nakaposisyon ang dila sa baba at nasa gitnang bahagi ng
bibig.

/sa.piɁ/ ‘baka; cow’


/ga.juɁ/ ‘puno; tree’
/kjaɁ/ ‘tiyuhin; uncle’
/tík.waɁ/ ‘patola’

2.2.4 /u/: Palikod, Pataas


Binibigkas na /u/ kapag ang dila ay nasa itaas at nasa dulo ng bibig.
26

/kú.raɁ/ ‘kabayo; horse’


/dlú.paɁ/ ‘lupa; earth’
/gí.tuɁ/ ‘aso; dog’

2.3 Estruktura ng Silabol


Tinatalakay sa bahaging ito ang silabol patern ng Subanen-Buug. Mauuri
sa dalawa ang silabol patern ng Subanen-Buug – ang open syllable (KV) at closed
syllable (KVK).

Teybol 3.
Estruktura ng Silabol
Bilang ng Halimbawa Silabol Patern
Silabol

1 /ni/ ‘ni’ KV

/gan/ ‘pagkain;food’ KVK

/pha/ ‘paa;foot’ KKV

/dlud/ ‘dagat;sea’ KKVK

2 /ka.áŋ/ ‘paso;pot’ KV-KV

/ga.dáb/ ‘puso; heart’ KV-KVK

/tǝn.duɁ/ ‘daliri; fingers’ KVK-KVK

/dlí.ma/ ‘lima; five’ KKV-KV

/ghǝn.dáw/ ‘araw; sun’ KKVK-KVK

3 /ma.lu.náw/ ‘asul, blue’ KV-KV-KVK

/glu.gá.siŋ/ ‘mani; peanut’ KKV-KV-KVK


27

/gla.rí.ja/ ‘pinggan; plate’ KKV-KV-KV

/ghiŋ.hú.ran/ ‘upuan; chair’ KKVK-KV-KVK

4 /dla.mi.saɁ.an/ ‘mesa; table’ KVK-KV-KV-KVK

/pha.ga.lú.ŋan/ ‘salamin; KVK-KV-KV-KVK


mirror’

2.4 Ang Leksikal na Kategori ng Subanen-Buug


Mauuri sa dalawang grupo ang pagtingin sa mga salita o leksikal rut ng
isang wika, ito ang ang (1) salitang pangnilalaman at (2) salitang pangkayarian.
Sinuri sa bahaging ito ang inisyal na datos sa mga salitang pangnilalaman ng
Subanen-Buug.

2.4.1 Mga Nawn


Ang nawn ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng
tao, bagay, pook, hayop at pangyayari.

2.4.1.1 Mga Simpol Nawn


Binubuo ang mga simpol nawn ng mga root o stem at hindi na kailangan
pang kabitan ng afiks tulad ng mga sumusunod na inuri sa proper nawn at komon
nawn.

Halimbawa ng proper nawn:


ana ‘Ana’
glen ‘Glen’
buug ‘Buug’
guminta ‘Guminta’
datu panas ‘Datu Panas’
28

manlin ‘Manlin’

Halimbawa ng komon nawn:


ghama ‘ama’
ghina ‘ina’
shapu dla-i ‘kapatid’
ghitu ‘aso’
bǝntud ‘bundok’

2.4.1.2 Mga Nominal Marker


Salitang ginagamit upang markahan ang nawn ng sentens ang nominal
marker. Makikita sa Teybol 4 ang mga nominal marker ng Subanen-Buug.
Ang nominative (NOM) marker na si at i ay ginagamit upang markahan
ang nawn na siyang gumaganap ng kilos sa sentens. Genitive (GEN) marker na ni
at rin naman ay ginagamit sa pagmamarka ng nawn na nagsasaad ng direk objek
at tagaganap sa verb na di-agent fokus. Ginagamit naman ang oblique (OBL)
marker na tu upang markahan ang nawn na nagsasaad ng lugar o direksyon.

Teybol 4.
Ang mga nominal marker ng Subanen-Buug
Nominative Genitive Oblique

Personal si ‘si’ ni ‘ni’ kay ‘dan’

siya nga ‘sina’ nilan ‘nina’ tu nga ‘kina’

Di-personal i ‘ang’ rin ‘ng’ tu ‘sa’

i nga ‘ang mga’ rin mga ‘ng mga’ tu nga ‘sa mga’

(1) Hum-in-an si manang saging.


Kain Nom.Sg. Ate saging
‘Kumain si Ate ng saging.’
29

(2) K-in-umusta ni Apo si Na.


Kumusta Gen.SgLola Nom.Sg. Ina
‘Kinumusta ni Lola si Ina.’

(3) Inum-an ni Yapo i bulung puli lama.


Iinumin GEN.Sg Lola NOM.Sg gamot bukas ulit.
Iinumin ni Lola ang gamot bukas ulit.

(4) Mi-sulat yanin gampun kay da sulud tu klasi.


Sulat siya paumanhin pagliban OBL. Sg. klase.
‘Susulat siya ng paumanhin sa pagliban sa klase.’

(5) Languy-in rin phatǝd i sapa.


Langoy GEN.Sg kapatid NOM.Sg sapa.
‘Lalanguyin ng magpipinsan ang ilog.’

(6) Luminayas siya nga Jelly tu nga Marilou.


Lumayas NOM. Pl. nawn OBL. Pl. Marilou
‘Lumayas sina Jelly kina Marilou.’

Mayroon naman ilang marker tulad ng nina (GEN. Pl.) na hindi


natutumbasang marker sa Subanen-Buug. Makikita sa halimbawa sa baba ang
pagpapaliwanag dito. Ang i ay nagkakaroon din ng varyasyon tulad ng ig.

(7) Hinan Ana i prutas.


Kain Ana NOM. Sg. prutas.
‘Kinain nina Ana ang prutas.’

2.4.2 Verb
Bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos. Ilalahad sa bahaging ito ang
aspekto ng verb ng Subanen-Buug.

Halimbawa:
huminan ‘kumain; ate’
30

minom ‘iinom; to drink’


pinanaw ‘nilakad; walked’
sinulatan ‘isusulat; to write’

2.4.2.1 Aspek
Ang aspek ang mga pandiwa na nagbibigay impormasyon o nagsasaad
kung ito ay naganap na, ginaganap, o gaganapin pa lamang at ipinapakita ito sa
pamamagitan ng verbal afiks.

2.4.2.1.1 Perfektiv
Ito ay nagsasaad kung ang kilos ay natapos na bago pa natapos ang time of
reference.

(7) Pinanaw nilan ig bǝntud rin Bog.


P-in-anaw nila NOM. Sg. bundok GEN. Pl. Bog.
‘Nilakad nila ang bundok ng Buug.’

2.4.2.1.2 Imperfektiv
Nasa aspek na imperfective ang verb kung ang kilos ay nagsasaad ng
kasalukuyang panahon o kasalukuyang ginagawa ang kilos.

(8) Panawon nami ig balay ganat gi-school.


Panaw-on namin NOM. Sg. balay mula paaralan.
‘Nilalakad namin ang bahay mula paaralan.’

2.4.2.1.3 Kontemplativ
Mapapansin sa mga talatanungan na ang mga verb na nagsasaad na ang
kilos ay gagawin pa ay nasa magkatulad na anyo ng perfectiv na aspek.

(9) Panawon rin bata ig bago kalsara.


Panaw-on Gen. Pl. bata NOM. Sg. bagong daan.
‘Lalakarin ng bata ang bagong daan.’
31

Makikita sa halimbawa sa taas ang verb na lakad, kung saan sa imperfektiv


at kontemplativ na aspek ay walang pagkakaiba.

2.4.3 Adjektiv
Bahagi ng pananalita na nagbibigay deskripyon o turing sa ngalan ng tao,
bagay, hayop, pangyayari, lugar, kilos, oras at iba pa. Ginagamit ito upang mas
bigyang linaw ang isang pangalan.

2.4.3.1 Mga Simpol na Adjektiv


Binubuo ito ng isang morfim o isang adjektiv-rut at hindi nangangailangan
ng pagkakabit ng mga afiks tulad ng mga sumusunod na halimbawa:

(9) mǝlaŋas ‘Maganda’


bago ‘bago’

2.4.4 Mga Numeral


Maaaring sabihing uri ng adjektiv ang mga numeral sapagkat nagmo-
modify ito sa mga nawn. Ilalahad sa bahaging ito ang kardinals. Ang kardinal na
anyo ang pinakapundasyon sa mga klasipikasyong ito.

2.4.4.1 Kardinal
(10) salabok ‘isa’
duwa ‘dalawa’
tlu ‘tatlo’
phat ‘apat’
dlima ‘lima’
gǝnum ‘anim’
phitu ‘pito’
gwalu ‘walo’
syam ‘siyam’
32

sapulu ‘sampo’

2.5 Buod ng Tsapter


Tinalakay sa tsapter na ito ang fonoloji at pahaphaw na pagtalakay sa
leksikal kategori partikular sa salitang pangnilalaman ng Subanen-Buug. Unang
tinalakay ang labing-apat (14) na konsonant ng Subanen-Buug sa loob ng Teybol
1 kasama ang mga halimbawa nito. Sunod naman na pagtalakay ay ang apat (4) na
vawel (i, a, ǝ, u) ng Subanen-Buug. Tulad ng konsonant, nailahad din sa Teybol 2
kung saan makikita ang posisyon ng dila sa bawat makabuluhang tunog na
tinalakay. Mula sa mga salitang inilahad ay nakita ang mga makabuluhang tunog
ng bawat fonim. Inilahad din ng mananaliksik ang silabol patern ng Subanen-
Buug na nauuri sa open at klos klas, kung saan ang KKVK ang pinakamahabang
patern at ang pinakamahabang silabol ay apat.
Laman din ng tsapter na ito ang paunang pagtalakay sa leksikal rut ng
Subanen-Buug. Unang sinuri ang nawn ng Subanen-Buug kung saan makikita ang
simpol nawn na inuri sa proper at komon nawn, at ang case markers ng nawn na
inilahad sa teybol 4. Tinalakay rito ng mananaliksik ang nominal marker ng
Subanen-Buug kung saan nakita ang uri nito. Kasunod ay ang verb kung saan
tinalakay ang aspek ng verb; perfektiv, imperfektiv at kontemplatibo. May
pahapyaw ring pagtalakay sa adjective, tulad ng simpol adjektiv. Inilahad din ang
numeral ng Subanen-Buug tulad ng kardinal na siyang ginagamit sa pagbibigay
dami sa isang nawn.
33

BIBLIOGRAFI

Abingosa, D. T. (2021). Ang reference gramar ng Kolibugan. (Disertasyon).


University of the Philippines, Diliman, Quezon City.
Aikhenvald, A. Y. (2015). The Art of Grammar. First Edition. Oxford University
Press.
Ampuan, E. F. (2009). Conflict resolution strategies among the Tausug,
Maguindanaon, and Subanen of Zamboanga Sibugay. (Masters Thesis).
Mindanao State University- Buug, Buug, Zamboanga Sibugay.
Benton, R. A. (1971). Pangasinan reference grammar. University of Hawaii Press.
Daligang, H. The Subanen of Zamboanga del Sur. Said to be the first tribe to
practise birth control.https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/12338244/.
Daguman, J. S. (2013). A grammar of Northern Subanen. Muenchen: LINCOM
GmbH.
Dixon, R. M. W. (2010). Basic linguistic theory: Methodology (Vol. 1). New
York: Oxford University Press.
Eberhard, David M., Gary F. Simons, and Charles D. Fennig (eds.). 2021.
Ethnologue: Languages of the World. Twenty-fifth edition. Dallas, Texas:
SIL International. Online version: http://www.ethnologue.com.
Estioca, S. (2020). A grammar of Western Subanon. Dissertation. University of
Hawai’i.
Hernandez, V. V. (2018). Grammatical sketch ng wikang Ayta mag-antsi.
Diliman, Lungsod ng Quezon: Departamento ng Linggwistiks, Kolehiyo
ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, Unibersidad ng Pilipinas Diliman.
Lobel, J. W. (2013). Philippine and North Bornean languages, issues in
description, subgrouping, and reconstruction. Ph.D. disertasyon,
University of Hawai’i at Manoa.
McFarland, C. D. (1981). A linguistic atlas of the Philippines. Manila: Linguistics
Society of the Philippines.
34

____________________. (1994). Subgrouping and number of the Philippine languages or


how many Philippine languages are there?. Philippine Journal of
Linguistics 25 (1 at 2).
Pantao, A. (2021). Ethnolinguistic Vitality of the Subanen Tribve in Barangay
Sebasi, Clarin. International Journal of Linguistics, Literature and
Translation. https://doi.org/10.32996/ijllt.2021.4.2.16.
Peneyra, I. U. (1992). A grammatical sketch of the Tausug language. Quezon
City: Cecilio Lopez Archives of the Philippine Languages and the
Philippine Linguistic Circle.
Ruiz, R. (2016). https://sulatalino.wordpress.com/2016/08/19/ang-pagkamatay-ng-
ating-wika/.
Susman, A. (2019). Pangkat Etnolinggwistiko.
https://slideplayer.com/slide/15287401. July 4, 2022
Tachado, R. R. et.al. (2022). Ang gramar ng wikang Carrascalanon.
(Undergradwayt tesis). MSU-IIT, Iligan City.
Thomas, David & Alan Healey. (1962). Some Philippine language subgroupings:
A lexicostatistical study. Anthropological Linguistics 4: 21-33.
Wolfenden, E. (1971). Hiligaynon Reference Grammar. University of Hawaii
Press. Honolulu.
35

APENDIKS A
LIHAM PAHINTULOT MULA SA IPMR

APENDIKS B
36

LIHAM PAHINTULOT PARA SA MUNISIPYO


37

APENDIKS C
ELICITING MATERIAL

Pangalan: Edad:
Wika: Lugar: Petsa:
Mananaliksik:

I. Listahan ng mga salita


Katawagan sa Tao Filipino Subanen

Ama

Ina

Ate

Kuya

Kapatid

Tiya

Tiyo

Pinsan

Lolo

Lola

Katawagan sa Gamit sa Upuan


Bahay

Mesa

Salamin

Pinggan

Balde

Tabo
38

Palanggana

Kabinet

Kama

Baso

Katawagan sa mga Puno


Bagay sa Kalikasan

Ilog

Hayop

Dagat

Araw

Bato

Damo

Bulaklak

Lupa

Bundok

Katawagan sa hayop Aso

Pusa

Kambing

Kabayo

Baka

Kalabaw

Palaka

Unggoy

Baboy
39

Manok

Katawagan sa Isa
Pagbibilang

Dalawa

Tatlo

Apat

Lima

Anim

Pito

Walo

Siyam

Sampo

Katawagan sa Bahagi ng Ulo


Katawan

Balikat

Mukha

Kamay

Tiyan

Baywang

Tuhod

Paa

Daliri

Bibig
40

Puso

Balat

Mata

Ilong

Siko

Katawagan sa Kulay Pula

Asul

Dilaw

Lila

Berde

Itim

Puti

Kayumanggi

Kahel

Rosas

Katawagan sa Kulay Kalabasa

Okra

Talong

Upo

Singkamas

Mani

Alugbati

Kangkong
41

Patola

Kamatis

Iba pang mga Salita Larawan

Aklat

Pinto

Payong

Bag

Tao

Kalendaryo

Paso (POT)

Maganda

Magandang Umaga

Magandang Tanghali

Magandang Hapon

Magandang gabi

Kumusta

Salamat

Patawad

Paumanhin

Inumin

Basa

Tuyo

II. Listahan ng mga Sentens


1. Kumain si Ate ng saging.
2. Kumakain ng tanghalian si Ama.
42

3. Kakain ang pinsan niya ng palaka.


4. Ininom ni inay ang tubig.
5. Iinom siya ng gatas.
6. Iinumin ni Lola ang gamut bukas ulit.
7. Nilangoy niya ang dagat.
8. Nilalangoy ni Kuya ang asul na dagat.
9. Lalanguyin ng magpipinsan ang ilog.
10. Kinumusta ni Lola si Ina.
11. Kinukumusta ni Kuya ang pamilya.
12. Kukumustahin ni nanay si Kuyang nasa ibang bansa.
13. Nilakad nila ang bundok ng Buug.
14. Nilalakad naming ang bahay mula paaralan.
15. Lalakarin ng bata ang bagong daan.
16. Ginuhit ni Ama ang mukha ni Ate.
17. Ginuguhit ng pintor ang pamilya.
18. Guguhit si Kuya ng larawan ni Ina.
19. Pinitas ni Ana ang Bulaklak.
20. Pinipitas ng bata ang bulaklak para kay Lola.
21. Pipitasin ng bata angbulaklak gamit ang gunting.
22. Hinakot ang gamit dahil siya ay pinalayas.
23. Hinahakot ni Glen ang libro gamit ang kahon.
24. Hahakot ang bata ng milyong medalya.
25. Naliligo sila dahil walang kuryente.
26. Naligo si Ana ng mainit na tubig.
27. Maliligo sa sapa ang mga bata dahil walang tubig sa bahay.
28. Pinasyalan nila ang parke.
29. Ipinasyal ni Ana ang anak sa bukid.
30. Ipapasyal ang aso ng matagal.
31. Ipinaglaba ni maria ang kanyang ate.
32. Naglalaba ang mag-ina sa ilog.
33. Ipinanglaba ang tide sa putting damit.
34. Humingi ng tawad ang anak sa nagawang kasalanan.
35. Hiningi ng ama ang libro sa ate.
36. Hihingi ng paumanhin ang pinsan sa nagawang mali.
37. Sinulatan ng kapatid ang ate.
38. Susulat siya ng paumanhin sa pagliban sa klase.
39. Isusulat niya ang sakit na nararamdaman.
40. Gusto ko ng pagkain, pwede mob a akong ibili.
41. Kailangan ko ng kumain.

You might also like