You are on page 1of 73

Pamagat ng Yunit - Modyul 10 - Kontemporaryong Panahon

Pamagat ng Aralin – Panunungkulan, Pamamalakad at Pagsusuri ng mga Akdang


Pampanitikan sa Panahon ng Kontemporanyong Panitikan
Ilalaang Oras – Tatlong Oras/Isang Linggo

Introduksyon
Sa bawat pamamahala at pamamalakad ng iba’t ibang pinuno at pamunuan ng ating
pamahalaan at lipunan, may mga pangyayaring naitatatak at natitimo sa puso at isipan
ng mamamamayan.Hindi ito lubusang nalilimutan sapagkat naisusulat ito sa ating
kasaysayan.
Ano ang naiambag ng pamunuan sa panahong ito? May mahalaga ba silang nagawa
para sa kapakanan ng mamamayan at lipunan sa kabuuan?Ang mga ito ay ilan lamang
sa mga katanungan na maaaring bumuo ng kanilang kontribusyon sa panahon nila.
Isa pa sa maaari nating makita at mapagkunan ng impormasyon bilang pagbabalik-
tanaw ay ang mga panitikang nalikha sa naturang panahon. Alam natin na ang panitikan
ay siyang sumasalamin sa ating lipunan samakatwid anong uri ng lipunan ang nabuo
noong panahong iyon?
Halina at magbalik-tanaw sa panahon ng Administrasyong Estrada!

Mga Layunin:
● Naiisa-isa ang mga naging ambag ng Administrasyong Estrada sa
mamamayan at lipunan sa larangan ng politika, ekonomiya, kultura at iba
pa.
● Nakapag-aambag sa pagpapalalim ng pag-unawa ng mga panitikang
binasa at sinuri at ugnayan nito sa mga isyung panlipunan.
● Naiuugnay ang mga isyung panlipunang binigyang-diin sa binasang
teksto sa isyung panlipunan na kinakaharap sa kasalukuyan

1
Paunang Pagtataya
Pangalan:___________________________Kurso/Seksiyon____________
A.Pagkilala
Panuto: Sabihin kung sino o ano ang tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat ang
sagot sa inilaang patlang.
________________1. Ang pamilyar na tawag kay Pangulong Estrada.
________________2. Taon nang siya ay nahalal bilang Pangulo ng Pilipinas.
________________3. Ang pamilyar niyang pahayag o islogan kung kayat minahal
siya at naihalal ng taumbayan.
________________4.Ang hindi makalilimutang pahayag na kaniyang binitiwan
noong siya ay nahalal na at nanumpa sa harap ng mamamayan ng Pilipinas.
________________5. Ang pangyayaring naganap sa kaniya sa panahon ng
kaniyang panunungkulan na hindi niya makaklimutan at ng mamamayan.
________________6. Ang kasong kaniyang kinaharap na naging dahilan upang siya
ay dakpin at ikulong.
________________7. Ang pumalit sa kaniyang puwesto bilang Pangulo ng Pilipinas
noong siya ay nakulong.
________________8. Ang kauna-unahang Pangulo sa Asya na napatalsik sa
kaniyang panunungkulan.
________________9. Lugar kung saan ginanap ang kaniyang inagurasyon bilang
Pangulo.
________________10. Lugar kung saan naman ginanap ang kaniyang kauna-
unahang SONA.

B. Sanaysay
Panuto:Ipaliwanag sa pamamagitan ng 2-3 pangungusap ang iyong pagkaunawa at
pagpapakahulugan sa sumusunod na salita.(2pts/isa)
1. Sastre
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Wakas
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
3. Lagalag
_________________________________________________________

2
_________________________________________________________
_________________________________________________________
4. Sahod
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
5. Bayan
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Aralin I
Panunungkulan at Pamamalakad ng Administrasyong Estrada

Mga Tiyak na Layunin


● Natutukoy ang mga naging ambag ng Administrasyong Estrada
sa mga mamamayan at lipunan sa larangan ng politika,
ekonomiya, kultura at iba pa.
● Napahahalagahan ang mga ambag na ito sa kaunlaran at
kapayapaan ng bansa.
● Naiuugnay ang mga naging ambag ng naturang panahon sa
kasalukuyang suliranin ng lipunan sa kasalukuyan.

Si Joseph Ejercito Estrada ay nanungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas mula


1998-2001. Siya ang ika-13 Pangulo ng Pilipinas. Sa panahon ng kaniyang
panunungkulan isa sa binuo niya ay ang Anti-CrimeTask Forces sa bias ng Executive
Order no.8, nabuo ang Presidential Anti- Organized Crime Task Force ( PAOCTF) na
may layuning masugpo kung hindi man mabawasan ang mga suliranin sa lipunan tulad
ng car theft at kidnapping cases.
Sa larangan ng Agham at Teknolohiya, pinirmahan niya ang Philippine Clean
Air Act of 1999 ( Republic Act No. 8749) na kung saan pinoprotektahan st
pinangangalagaan ang kapaligiran at patuloy na pangangalaga sa ating likas-yaman
at ang Electronic Commerce Act of 2000.( Republic Act No. 8792) bilang pagkilala at
paggamit ng elektronik sa lahat ng transaksyon.
Ilan sa mga naging programa ng Administrasyng Estrada ang sumusunod:
• Pagtugon sa pangangailangan ng mga mahihirap

3
Dito, nabuo ang National Anti-Poverty Commission ( Erap para sa mahirap) na
tinutukan ng komisyon ang mga batayang pangangaiangan ng mahihirap tulad ng
pabahay, kalusugan edukasyon at trabaho.
Nabuo rin ang Enhanced Retail Access for the Poor ( ERAP) na kung saan nagtayo
ito ng rolling stores na nagbebenta ng murang bigas, asukal at iba pang
pangangailangan ng mga Pilipino.
• Repormang Agraryo
Pinalawak ang sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) para
sa magsasakang walang lupain.
• Rebelyon sa Mindanao (Declaration of war )
Sa kaniyang pamumuno, naglunsad ang kaniyangpamahalaan ng all-out war laban
sa Moro Islamic Liberation Front ( MILF) at sa Abu Sayyaf Group (ASG)
Matapos ang ilang buwang pakikipaggiyera sa naturang grupo, napasakamay ng
military ang Cam Abubakar na nagsilbing headquarters ng MILF. Kabilang ding
napasakamayng mga sundalo ang 13 malalking kampo at 43 maliliit na kampo ng
MILF.
Maigsi ang naging panunungkulan ni Estrada na nagsimula sa kalagitnaan ng
pagdanas ng bansa ng epekto ng Asian Financial Crisis at pagharap sa mga
problema sa sektor ng agrikultura dulot ng mga kalamidad na naranasan ng bansa.
Hindi rin maikakaila na bumagsak ang ekonomiya sa unang taon ng kaniyang
panunungkulan.Bumulusok sa negative zero point six(-0.6) ang economic growth ng
bansa noon subalit nakabawi naman ng sumunod na taon ng kaniyang
panunungkulan.
Hindi pa man nangangalahati ng kaniyang termino, kabi-kabilang kontrobersya na
ang kaniyang kinaharap na humantong sa paghahain ng impeachment complaint.
Sa kauna- unahang pagkakataon, naging saksi ang sambayanan sa pagdinig sa
kaso laban sa isang punong ehekutibo.
Iniatras ng Hukbong Sandatahang Lakas ang kanilang suporta kay Estrada at
noong ika-20 ng Enero,2001 ideneklara ng Korte Suprema na bakante ang posisyong
hinahawakan ni Estrada.

Pagsasanay
Panuto: Sagutin sa pamamagitan 5-7 pangungusap ang sumusunod na katanungan:
1. Sa panahon ng panunungkulan ng Administrasyong Estrada,
naniniwala ka ba na mayroon siyang naiambag sa bayan? Patunayan.
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

4
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Kung naipagpatuloy kaya ni Estrada ang kaniyang panunungkulan,
saang aspeto ng lipunan ang dapat niyang bigyang-pansin? Bakit?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Pagsasanay
Panuto: Gamit ang grapikong pantulong, magtala ng tatlong isyung panlipunan na
naranasan ng bayan sa panahon ng Administrasyong Estrada na hanggang sa
kasalukuyan ay nananatili pa ring isyu o suliranin. Pagkatapos, magbigay ng mungkahi
kung paano ito malulutas.

5
Aralin II
Pagsusuri ng Ilang Akdang Pampanitikan

Mga Tiyak na Layunin


● Nasusuri ang mga teksto batay sa mga mensaheng binigyang-
diin.
● Naiuugnay ang mga isyung panlipunan na binanggit sa teksto sa
mga isyu sa kasalukuyan.
● Nakabubuo ng ilang pamamaraan kung paano haharapin at
mungkahing solusyon sa mga naturang isyu bilang
responsableng mamamayan na may pananagutan sa lipunan.

Maraming suliranin ang nararanasan ng bawat tao. Kaakibat ito sa


pakikipagsapalaran sa buhay. Subalit kung marami ang nakararanas ng
ganitong problema, hindi lang ito problema ng iisa kung hindi problema na ng
bayan. Sa ganitong sitwasyon, kailangang maging pananagutan na ito ng
pamahalaan. Subalit hindi lamang nakaatang ang responsibilidad sa
pamahalaan bagkus kasama dapat ang mamamayan. May paniniwala na kung
anong uri ng mamamayan mayroon ang isang lipunan, iyon ang uri ng isang
bayan.

6
Halika at basahin mo ang ilang teksto. Unawain at suriin kung paano ka
makatutulong na malutas ang tinukoy na suliraning panlipunan.
Pagkatapos mong basahin ang mga teksto, sagutin ang mga ibinigay na
katanungan.

Sastre
Ni Jack Alvarez

WALANG SAWANG UMIIKOT ang rolyo ng sinulid habang tuloy-tuloy


ang kanyang padyak sa foot control. Kumukumpas naman ag pagpapausad
niya sa tela sa takbo ng matulis na karayom sa kanyang makina.

Siya si Mang Nestor, isang sastre, 47 taong gulang, may-asawa. Lima


ang anak. Dalawa ang nag-asawa na. Dalawa naman ang nag-aaral sa
hayskul. At isa ang nasa kolehiyo.

Bilang mananahi sa isang maliit na tailor shop dito sa Jubail, Saudi


Arabia ay tumatanggap rin sila ng minor services tulad ng alteration, repair at
embroidery. Pero ang pinaka-priority nlang tinatanggap ay ang pagtatahi ng
mga sports uniforms. Tulad ng basketball uniforms na kadalasang inoorder ng
kapwa OFW rin, football uniforms ng mga Arabo at cricket shirt and pants
uniforms ng mga Pakistani at Indiano. Bultuhan ang kanilang ginagawa na
umaabot minsan ang bawat order sa 30-40 pares ng uniporme o depende sa
order ng kanilang costumer. At ang bawat uniporme ay nagkakahalaga ng SR
120. Kung tutuusin napakalaki ng kita ang tailor shop na kanyang
pinagtatrabahuan pero ang kinikita ni Mang Nestor ay ang kanya lamang
buwanang sahod.

Walang pinagkaiba ang trabaho ng mananahi dito sa Saudi at sa Pinas


ayon kay Mang Nestor. Kung ikukumpara naman siguro ang sahod ay may
konting pagkakaiba. Dito naman kasi libre accommodation, transportation at
food allowances. Kaya kung isusuma total mas lamang ang nag-a-abroad
kaysa karaniwang empleyado sa Pinas.

Ginugol niya ang walong taong pagtatrabaho sa Saudi. Ayon sa kanya,


hindi pa raw siya nakapag-vacation leave o nakauwi man lang tulad ng mga
OFWs na may yearly o after completion of 2-year contract vacation. Sa loob
nga walong taon, wala siyang working visa. Ang gamit niya ay working permit
upang makapagtrabaho dito sa Gitnang Silangan. At tulad ng libo-libong OFW,
tanging isa lang ang dahilan ng pananatili dito kundi ang kumita, at kailangang
may maipadalang pera o remittance buwan-buwan para sa pamilyang umaasa
sa Pinas.

Naikuwento rin niyang expired ng tatlong taon ang kanyang pasaporte at


pati na rin ang kanyang Iqama o Residence Identification dahil na rin sa
kapabayaan ng kanyang sponsor. Minsan rin kasi may mga employer na habol

7
lang ay ang kumita subalit ang kapakanan ng kaniyang empleyado ay di nila
binibigyang-halaga.

“Bahala na.” Ito lang ang tanging binitawan niya dahil buo naman daw
ang loob ni Mang Nestor kung sakaling ma-deport siya dahil sa kawalan ng
kumpleto at legal na mga dokumento bilang overseas worker. “Dati, walo kami
na mananahi dito, Kaso iyong iba na mga kasama ko nag-exit na.”

“Nasa Pinas na?”

“Siguro. Balita ko pagkatapos nakapag-ipon dito ay nagtayo ng sariling


negosyo. Ayos na para sa isang tailor shop sa Pinas kung may tatlo o apat
kang sariling makina. Nasa 20-30 libong piso ang isang makina. Maiipon yan
dito sa loob ng dalawang taong kontrata. Sa sitwsyon ko nman, gustuhin ko
mang bumili ng makina at para makanegosyo rin ng sarili sa Pinas ay mas
natatali ako sa pagpapaaral sa aking tatlong anak ngayon. Dati lima silang
pinagpapaaral ko. Yung dalawa, nag-asawa na. Di na nakatapos kaya
nakakapanghinayang din. Sana nakakuha man lang ng kurso at makapasok
ng magandang trabaho. Pero hanggang ngayon umaasa pa in sa amin,”
paglalahad niya. “Ikaw, ano’ng trabaho mo dito?” Ang tanong niya sa akin nang
iabot ko ang tatlong pantalon na ipapa-alter ko ang sukat at haba.

“Secretary po.”

“Ano’ng natapos mo?” Ang tanong niya uli sabay inabot ang kulay asul
na tailor chalk at ginuhitan ang nakalapag na tela.

“Com Sci po. Technical course lang.”

“Kasi edad mo siguro ang anak ko na nasa kolehiyo,” pahayag niya


habang kinukuhanan ako ng tamang sukat.

Naupo uli siya sa harap ng makina. Dinukot niya ang kanyang wallet sa
bulsa bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Ito ang anak ko.” At inabot sa akin ang
isang junior size photo. “May pagka-pasaway yan. Mahilig sa barkada, Gimik.
Siyempre, pag may barkada, may bisyo. Kaya ang tagal-tagal makatapos.
Sana ngayong taon na’to, ga-gradweyt na ang engineering at di lang puro shift
ng kurso ang gagwin.” Tuloy-tuloy na pagkukwento niya habang walang
humpay ang pagpapatakbo sa makina. “Tingnan mo, parang hindi anak ng
isang mananahi.”

Napansin ko sa hawak na litrato ang isang binata. Suot ang black t-shirt
na printed na image ng bandang Korn pares ang tattered jeans, butas-butas
ang tuhod ng pantalon, at may ilang nakadikit na embroidered patched.

Pagkatapos ay ibinalik ko sa kanya ang litrato at muling isiniksik niya sa


wallet nang maayos na hindi matutupi. Saka nagpatuloy sa walang
kapagurang pagtagpi at pagtahi ng tela sa kanyang makina.

8
Tanong:
1. Sa iyong palagay, bakit nagtiis si Mang Nestor na magtrabaho sa ibang
bansa?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

2. Anong suliranin ang tinutukoy sa akdang ito? Bakit?


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

3. Ang suliranin bang ito ay suliranin pa rin sa kasalukuyan? Sa palagay


mo, paano ba ito malulutas?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

WAKAS

Ni Jack Alvarez

“And then, because he could not stand to do otherwise, Paul Sheldon


rolled the last page out of the typewriter and scrawled the most loved and
hated phrase in the writer’s vocabulary with a pen: THE END”

- Mula sa Misery ni Stephen King

BIYERNES NG HAPON nasa bungad ako ng gusali ng aming apartment.


Balak kong magpunta ng Jubail Center para bumili ng mga personal na
kailangan. Hindi na ako tumawag ng taxi dahil walking distance lang naman
ang naturang shopping center,

Sa Kabilang Apartment, napansin ko ang isang mag-amang Saudi na


pababa ng elevator. Nasa 30’s ang edad ng ama samatala nasa pito o walong
gulang ang anak. Pinagmasdan ko silang mabuti hanggang sa lumabas ng
gusali. Naglakad sila sa eskina. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin
upang sundan ko sila. Siguro dahil curious lang ako sa bonding ng isang mag-
ama na hindi ko kailanman naramdaman sa tanang buhay ko. Minsan kasi
nakakaramdam ako ng inggit sa mga batang namamasyal kasama ang
kanilang mga magulang.

Limang metro ang aking layo upang hindi nila mahalata. Sa isang barber
shop ang kanilang tungo. Pumasok na rin ako sa pagupitan at naupo sa couch
habang naghihintay. Kasabay ko ang batang lalaki nang tinawag kami ng
dalawang barber upang maupo sa magkailang silya.

9
Nakatunghay ako sa salamin. Napansin kong inalalayan siya ng kanyang
ama sa pag-upo ng silya. At siya ang nagbigay ng instruksiyon sa barber kung
anong gupit ang para sa kanyang anak.

“Sir, ano pong gupit niyo? Barbers, layered o trim?” ang tanong ng
Filipinong barber sa akin.

Hindi na ako nag-isip kung anong gupit ang bagay sa akin. “Siguro trim
na lang.”

Pagkatapos ng pagpapagupit ay lumabas na ang mag-ama sa barber


shop. Sinundan ko pa rin sila. Tumawid kami sa isang maliit na kalye. Lakad
pa sa isang eskinita. Hanggang sa marating naming ang Jabal-Jeddah st.
intersection. Ito ang pinakasentrong kalye sa Jubail. Magulo ang trapiko.
Maraming sasakyan at tao lalo na’t Biyernes ng hapon. Tumawid ang mag-
ama sa kabilang kanto. Hindi ko nagawang sundan sila. Hirap tumawid kapag
mag-isa. Naiwan ako sa island ng road intersection. Hinintay ko pang mag-red
light bago makatawid. Hindi ko na sila nasundan ng tingin.

Bumalik ako ng apartment. Binuksan ang netbook. At nagsimulang


pindutin ang keyboard para sa isang kuwento tungkol sa mag-ama na
sinubaybayan ko sa hapong iyon.

Sumunod ang isa pang Biyernes. Nakaantabay na ako sa baba ng


apartment. Hinintay ko ang paglabas ng mag-ama. Hindi ako nagkakamali.
Parehong oras at panahon. Sinundan ko uli sila.

Tumawid sila sa isang kalye. At isa pang kalye. Hanggang sa marating


namin ang Jubail Center. Pumasok sila sa Al-Garawi Store, isang tindahan ng
mga sapatos. Agad sumalubong ang sales attendant. Nagtingin-tingin sandali
ang ama habang nakasunod sa kanya ang kanyang anak. Pagkalipas ng ilang
minute ay itinuro niya sa sales attendant ang napiling sapatos. Ibinigay ang
gustong kulay at sukat. Pagbalik ng salesboy ay bitbit niya ang kahon na
sapatos. Pinaupo ng ama ang kanyang anak, hinubad ang suot na lumang
sapatos at siya na mismo ang nagpasukat sa anak.

“Sir, what color and size?” Bumaling sa akin ang sales attendant nang
makitang isinusukat ko ang isang sapatos.

“Black. Size…” nag-isip ako kung ano nga ba ang sukat ng paa ko.

Tsinek ng salesboy ang talampakan ng sapatos kung saan nakamarka


ang numero ng sukat. “This is 43. I’ll give you 42. Color Balck,” pahayag ng
Indianong sales attendant.

Pagbalik ng salesboy ay isinukat ko uli ang sapatos para masigurong


kasya sa akin. “Not my size.”

Muli, kumuha siya ng 41. At iyon ang tamang sukat.

10
Pagkalabas ng shoe store ay muli ko silang sinundan. Narinig ko ang
pagtawag ng salah para sa Maghrib prayer. Alam ko na kung saan sila
pupunta, sa Mosque. Sa kabilang eskina ko sila hinintay sa muling paglabas
nila mula sa simbahan.

Pagkatapos ng salah, iginala ko ang aking paningin ngunit hinidi ko na


sila namataan sa dami ng taong nagsilabasan.
Umuwi ako ng apartment. Kinuha ang netbook at muling ipinagpatuloy
ang kuwento tungkol sa mag-ama.

Biyernes na naman. Saktong alas-kuwatro ng hapon. Inabangan ko uli


ang mag-ama. Hindi ako pinagkaitan ng panahon. Muli ko silang nakitang
pababa ng elevator. Habang pababa, napansin kong inaayos ng ama ang
kuwelyo ng thawb ng kanyang anak. At itinali ng maayos ang sintas ng
sapatos. Iyon ang bagong bili na sapatos noong nakaraang linggo kung hindi
ako nagkakamali.

Sinundan ko uli sila. Lumiko sa isang kalye. Tumawid sa isang eskinita.


Nakabuntot pa rin ako. Pumasok sila sa isang tailor shop. Sinukatan ng
mananahi ang bata pagkatapos ang ama. At nagbigay ng instruksiyon sa
mananahi na parehong tabas sa suot nilang thoub. Pagkatapos ay lumabas
na sila. Sinundan ko muli. Magkahawak-kamay habang naglalakad. Sa isang
restawran ang punta nila. Pumasok sila sa loob. Napansin ko sa labas ng
restawran nakapaskil ang isang signboard: Family Section. Halos lahat ng mga
restawran dito sa Saudi Arabia kahit mga food chains ay may nakahiwalay na
seksiyon para sa pamilya. Hindi pwedeng pumasok ang mga bachelors o
walang asawa at anak.

Hindi ko na sila nasundan sa loob. Dismayado akong umuwi ng


apartment. Binuksan ko uli ang aking netbook. Muling isinalaysay ang mga
natunghayang pangyayari sa hapong iyon.

At di ko nais sundan ang mga karugtong na kabanata sa aking


kuwento.

Tanong:
1. Anong suliranin ang binigyang-diin sa akda? Bakit? Talakayin.
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

2. May kaugnayan ba ito sa suliranin sa kasalukuyan? Talakayin.


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

11
Kilometro Zero ng Isang Lagalag na Taong-Bahay
Ni Dr. Eugene Evasco

Ako ay ganito, kaya hanggang dito na lamang at maraming salamat. Kay


Julie ko lamang inamin ang tunay kong pagkatao. Dahil hirap na hirap na ako.
Wala akong makausap tungkol dito. Walang makakaunawa tungkol sa bagay
na ito kundi ang katulad namin ni Julie... Kami-kami lang. Mga lihim na pag-
uusap. Mga pabulong at panakaw na pagtatapatan. Talagang hindi ko ito
ipagtatapat sa iyo pero... nangyari na... biglang-bigla, natanggal ang aking
maskara... alam kong iiwasan mo na ako. At ngayo'y magpapaalam ka na sa
akin. - Fidel sa dulang "Hanggang Dito na lamang at Maraming Salamat"ni
Orlando Nadres (1974)
Sa sugat at aklas ng talinghaga
Nakilala ko ang makata. - "Nakilala Ko" ni Romulo Baquiran Jr. (1992)

I.
Bukal sa aking pagkatha ang gunita mula pa pagkabata. Ilang taon din
akong lumikha ng mga salaysay na ang mga tauhan ay aking kama, unan,
kumot, kurtina. Ginagawa kong magkakaibigan ang aking laruang sundalo,
holen, lastiko, at teks. Minsan, pinag-aaway ko ang tuwalya,tsinelas, at
basahan. Lumikha ako ng daigdig na ang mga kaibigan ay sina walis, upuan,
at mesa. Batid kong nalulungkot ang mga tauhang ito kapag lumalabas ako
upang pumasok sa paaralan, o kaya'y namamasyal kasama ng mga
magulang. Ngunit kapag ako nama'y nagbabalik, sasalubungin nila akong
panauhing pandangal ng isang pista.
Taong - bahay ang pinakaangkop na simbolo ng sarili bilang makata.
Bahay ang lumang humubog ng aking sensibilidad bilang isang manlilikha.
Tumanda kasi akong mahiyain - kimi. Bata pa lamang ako, alam ko nang
kakaiba ako sa mga kababata. Hindi ako bibong maipagmamalaki ng
sinumang magilang. Natatandaan ko ang mga kababatang pinsan na
mabigyan lang ng dalawang piso ay magmo-monologue na sa harap ng aming
lolo at lola. Hindi ako kagaya nila. Hindi ako ang batang kumakanta o tumutula
kapag may reunion ang pamilya. Hindi ako ang sumasayaw kapag may
programa sa pista. Hindi ako lumalahok sa Santacruzan o nangangaroling.
Mas nanaiisin ko pang maglagi sa aking silid. Kaya, hindi sumasakit ang ulo
ng aking ina na baka umuwi akong may nakasuntukan. Hindi ako umuuwing
libagin dahil wala akong hilig sa taguan o patintero. Hindi rin ako
nabubulyawan ng mga kapitbahay sa pangungupit ng kamias at santol sa
kanilang bakuran. Walang sumusugod sa aming mga manang dahil
nakabasag ako ng paso o nakasira ang tanim nilang orkidyas. Hindi
nasusunog ang aking balat sa lansangan. Hindi ako nagalusan sa pagsali sa
takbuhan, pamimisikleta, o panghuhuli ng tutubi at tipaklong sa playground.
Natatandaan kong galit na galit sa akin ang aking mga magulang dahil
sa pananatili ko sa silid. Pilit nila akong pinapalabas. Kaliwa't kana ang
kanilang inuutos sa akin. Laging ako ang pinabibili nila ng bagoong, mantika,

12
at gaas sa tindahan ng kabilang baranggay. Kahit may tubig namang tumutulo
sa aming gripo, pinag-iigib nila ako sa may poso sa kanto. Makatitipid daw ito
lalo na't panlinis lamang ito ng dyip at pandilig ng mga halaman sa bakuran.
Ako rin ang pinagdidilig ng mga tanim ng aking ama. Kapag may buwanang
dalaw ang aking ina, ako ang pinabibili niya ng kaniyang napkin. Ewan ko ba
kung bakit napapahagikhik ang tindera sa tuwing ibinabalot niyang mabuti sa
dyaryo ang napking iyon. Gayunpaman, anumang taktika ang gawin ng aking
mga magulang, hindi ko pa rin makasanayang maglagi sa lansangan. Kahit pa
niregaluhan nila ako ng bisikleta nang maka-tsamba minsan sa top tem. Kahit
paminsan - minsa'y ginagabi silang nakikipaghuntahan sa mga kapitbahay. At
ako na kanilang anak ay naiiwan sa bahay - nag-iisa, kausap ang dingding,
nakatingala sa kisame, nakikipagsayaw sa pinto, at naghihintay marinig ang
lambingan ng mga pusa sa kisame.
Sa pagiging taong - bahay, lubos kong nakilala ang katangian at
kasaysayan ng mga sulok ng bahay - ang lihim ng aming kusina, ang
pakikipaghuntahan sa mga walang- lamang garapon at botelya, ang mga
rekwerdong pinagkakaingat-inagatn ng aking ina tulad ng alaherang regalo ng
una niyang kasintahan, ang transcript of records ng aking ama, ang mga
pinaglumaang laruan sa bodega, mga lumang liham ng mga kamag-anak sa
Saudi at Libya, mga reseta ng doktor, mga papel de ahensiya, at ang platerang
pinaglalagakan ng hindi naman ginagamit na mga pinggan at baso. Sa mga
lugar at bahay na ito nadukal ang kuwento ng sarili at pamilya na hindi
kadalasang naisasalaysay ng sinumang ina sa anak na pinapatulog.
Natatandaan ko nang magkaroon ng alitan sa pagitan naming
magkakapatid. Dahil ako raw ang panganay, lagi't laging idinidiin ng aking
Tatang na ako ang dapat magparaya sa mga nakababata. Noon kasing
napikon ko ang isa sa kambal, agad siyang pumasok sa aking silid at nagbanta
ng kung ano. Akala ko'y guguluhin lamang niya ang ayos ng mga unan at
kumot pero nang lumabas siya'y natagpuan ko ang mga libro kong punit-punit.
Nilukot din niya ang mga koleksyon ko ng selyo at postcards. Dahil ayoko
namang makasakit, sa sobrang galit ay agad akong nag-empake. Hindi ko
alam ang aking patutunguhan pero desidido ako sa paglalayas, isang paraan
para ipahayag na galit ako at may kinamumuhian sa bahay. Halos hindi
makagalaw ang bata kong kapatid. Natigilan siya nang umalis ako ng bahay
nang walang paalam sa magulang, dala ang bag sa eskuwela at ang
alkansiyang baboy. Tinalunton ko ang landas ng mga sasakyan papunta sa
aming probinsiya. Dapat sumakay ako sa tricycle sa harap ng botika. Kapag
nakita ko na ang panaderya, bababa ako para maghintay ng jeep papuntang
terminal ng Baliwag. Sa mga sandaling iyon, ang konduktor ang tangi kong
makakapitan. Sinabi ko kung saang bayan ako iibis. Dahil malaking bulas ako,
hindi siya naghihinala na ako'y naglayas. Ako naman kasi'y hindi kakakakitaan
ng takot. Pero ang totoo, palinga - linga ako. Nangangamba ako na baka sa
ibang bayan ako mapadpad. Baka wala akong mauuwiang kamag-anak. Baka
hindi ko maintindihan ang kanilang wika. Baka wala akong silid na
matutulugan. Pakiwari ko, ang paglalayas na yaon ang pinakamahabang
paglalakbay sa daigdig pero hindi pa rin ako umuurong. Mano'ng ako'y
mawala, sabi ko sa aking sarili. Kauna-unahan ko itong pagluwas na walang
mahigpit na humahawak sa aking braso o walang kumukurot sa aking bewang.
Pumuwesto ako malapit sa bintana para makita ang iba't ibang lunan:

13
punerarya, rural bank, kono, plaza, dayami, kamalig, tumana, ilog, parang,
palengke, latian, simbahan. Sa murang edad, natanto ko na may higit pa sa
sariling silid ang dapat kong matuklas. Marami pang kasaysayan at salaysay
ang labas nito. Marami akong masasaliksik. Maraming kuwentong nabubuo sa
isipan.
May maganda rin palang naidudulot ang paglalayas bukod sa
pangambang maibibigay sa mga magulang.
Ilang tag-araw na ang lumipas at malay kong ipinahayag sa mga taludtod
ang gunita sa aking buhay. Nagsimula akong taluntunin ang mga retaso ng
alaala sa pamilya na kumandili at nagluwal sa akin bilang taong bahay.
Panakaw kong binubuklat ang mga rekwerdo ng pamilya - nahahawakan man
o naaalala na lamang. Nariyan ang alitang mag-asawa, pagkahumaling ng
aking ina sa kusina, pagluluto ng tinumis sa probinsiya, pagkakalat ng bunso
sa bahay, karanasan ko sa coloring book, at ang malamig na kamay ng aking
ama kaya nakahiligan ang paghahardin. Nang naipon ko ang mga tula ukol
dito, nagmistula itong photo album ng pamilya. Pero kakaiba ito sa karaniwang
nakikita sa sala para may panlibang sa mga bisita. Kalipunan ito na hinugot sa
aking alaala: walang batang umiihip ng kandila, walang mag-aswang
nakayakap sa isa't isa sa parke, walang mga batang nakasakay sa carousel
kasama ang Tatang, walang mga baby picture, walang bagong kasal na
nagsusubuan ng cake, walang mga magkakapatid sa ilalim ng Christmas tree.
Kakaiba sa kuwento ng karamihan ang aking pagkabata.
Binanasagan ko itong kilometro zero ng aking panulat. Zero hindi dahil
sa "wala" kundi ito ang pinagsisimulan ng aking iba't ibang tunguhin -
mapahilaga man, timog, silangan, o kanluran.
Nagsimula ang aking paglalakbay sa isang pagbabalik. Nanalig akong
lagi naman tayong humahakbang kahit may binabalikan. Umusbong dito ang
iba't ibang tunguhin na aking tinatahak magpasahanggang ngayon. Dito ako
naghunos mula taong - bahay patungong lagalag. Balat ko dati ang silid ngunit
sa paglipas ng panahon, dumarami ang nakikilala, naalala, at natutuklasan
hanggang sa lumawak itong bilang daigdig na aangkinin kong panibago at
pangalawang balat. Naging mapangahas ako. Nakahiligan ko ang sumakay sa
bus na hindi ko alam kung saan aptungo. Dito ako nakiangkas, nakikandong,
at nakisabit. Likas sa aming pamilya ang maging mapangahas, tulad ng aking
mga magulang na nakipagsapalaran at nanahan sa siyudad - malayo sa
pamilya, kaanak, at sa mga kaibigan. Pero isinusumpa kong hindi ko sila
tutularan na hindi na mulang binalikan ang pinagmulan.
Isinunod kong tinulaan ang iba't ibang uri ng silid. Para sa akin, ito ang
malikhaing uniberso na hindi dapat ipagkait sa sinumang manlilikga. Sa unang
sipat, lubhang limitado ang silid para tulaan. Pero nanalig ako na taglay nito
ang hamon sa aking pagkamakata- ang lumikha mula sa hindi napapansin,
ang bigyang - buhay ang inaakalang karaniwan, ang balikan ang napaglakhan,
at ang muling makaalala.
Sa paggagalugad ko nalikha ang mga susunod na kabanta ng aking
kalipunan kung saan nakapaloob ang mga engkuwentro sa lungsod at nayon:
ang lbas ng aking silid. Dito, nakilala ko ang aking sarili. Nasalat ko ang aking
pagkakaiba sa pulutong ng mga estranghero. Nabatid ko rin ang aking

14
pagkakapareho sa ibang manlalakbay. Naisip ko tuloy, wala naman pala
akong pinagkaiba sa karamihan. At wala akong dahilan para makulong sa silid
at magpakamongha. Sa bawat pagkakatagpo ko ng sari-saring mukha at
katawan, natukoy ko ang kinamumuhian, ang pinananabikan, ang iniibig, ang
tinutulaan. Hindi lamang mga nilalang ang aking inspirasyon sa pagkatha
kundi mga lugar, pangyayari, balita, usap-usaoan. Nariyan ang mga parikala
ng sanggol na isinilid sa kahon ng tikoy at ang pagtitinda ng mga maton ng
sarili nilang bato. Nakalakip din dito ang talinghaga sa pasikot - sikot ng mga
sinehan, parke, at cafe. Sinikap ko itong itala at itula. Maging ang mga iwang
naiwan sa puso ko't balat.
Pagdiriwang naman sa mga pandama ang isa pang kabanata ukol sa
mga naalala ng aking katawan. Produkto ang mga naitala ko rito ng mga
pakikipagtagpong sinadya man o hindi. Kinilala ko rito ang bawat bahagi at
hawas ng mukha at katawan tulad ng pagkilala sa mga panahon at lunan. May
mga pagkakataong labis na emosyonal ang ilang teksto dahil walang
sinasanto ang paggunita kahit sa pinakamakirot na naramdaman ng dibdib at
palad.
Sa bahaging ito, aking itinampok ang mga danas na kahawig ngunit may
ibang imahen bukod sa "Coconut Poem" ni Jose Garcia Villa o sa "pagkagat
ng mansanas" at sa "sugat na hindi naghihilom" ng kababaihang manunulat.
May mga itinatampok din akong partikular lamang sa isang kasarian ngunit
unibersal naman ang paksa ukol sa pag-ibig. Naniniwala ako na sinumang
makata ay may karapatang ipahayag ang kaniyang kasarian. Hindi dapat ito
ipinagkakait sa sinuman.
Dahil ang katawan ay kadalasang tanghalan ng tunggalian, may mga
paksa ring nagsisiwalat ng mga kabalintunaan ng tagisan ng pagandahan,
pagpapaganda, pagpapalit ng mukha, at paghuhubad ng maskara. Matatanto
sa mga tekstong ito na hindi naman gawain ng isang indibidwal ang
pagmamanipula ng sarili kundi atas ng isang lipunan. Ito ang nararapat suriin
sa pamamagitan din ng katawan dahil bukod sa hubog, kulay, at amoy ng
laman, hinuhubog ng lipunan ang kaakuhan ng bawat nilalang.
Itinampok ko naman ang bagong kabatiran ng baguntao ang huling
kabanata ng aking pagkatha. Sa literal na pakahulugan, bagong tuli ang
baguntao. May paniniwala ang lipunang Pilipino, lalo na sa kanayunan, na
panibagong yugto ng pagkalalaki ang isang batang dumaan sa ritwal kapag
tag-araw. Sa aking pagpapakahulugan, panibagong yugto rin ang pagiging
baguntao na sensitibo sa mga bagay na kaniyang napagdaanan sa pamilya,
sa sarili, at sa kapuwa. Produkto ang pagiging baguntao ng isang nilalang ng
kaniyang mga nasaliksik at natuklasan sa paglalakbay na mag-aangat sa
kaniyang kalagayan. Sa Koleksiyon, mapapansin ang mga teksto na
hinaharap ang mga hamon ng lipunan at lantarang nagsusulong ng paglaya
ng isang kasarian sa pagpupunyagi ng isang Baldomero de Leon at ng mga
batang nagbababad sa ilog upang tumigil ang labis na pagdurugo matapos
ang dumaan sa pagsusulit ng kanilang mga pagkalalaki.
II
Sumibol ako sa panahong hindi ako pinipilit mag-asawa at magkaroon
ng mga anak upang itaguyod ang lahi at pangalan. Hindi ko kinakailangang

15
magpakababae at lumahok sa isang Santakrusan. Hindi ako pinipilit magpari
o magsundalo upang ituwid at gamutin ang nararapat gamutin. Sumibol ako
sa panahong imbitado ako sa mga pagdiriwang ng pagkakatuklas ng sarili - sa
mga parada at pagtatanghal na taas noong magpapakilala sa higit na
nakararami, sa mga poetry reading at paglalathala na bukas sa anumang
bagong paghihiraya, sa mga bar at cafe na nagtitipon sa mga kabalikat upang
higit na kilalanin ang sarili at ang buhay.
Sumibol din ako sa panahong paminsan minsa'y itinuturing ang HIV
bilang parusa ng Diyos sa mga bakla. Nagkamalay akong nagkakalamat ang
puso tuwing inuudyukang burahin ang kasarian sa aking panulat upang
maging "katanggap - tanggap," o itinuturing na batayn ng aking pag-unlad
bilang makata ang makaigpaw sa mga usaping pangkasarian.
Napupunit ang aking kaakuhan ngunit tumitibay naman ang paninindigan
kapag inaamoy ako ng mga bagong kilala at tinutukoy kung saan nagmumula
ang "lansa ng matris," o kaya'y pinanghihinayangan at tinatanong kung balak
kong mag-asawa at magkaanak. Para bang sinasabing hindi buo ang aking
pagkatao kapag hindi mag-aasawa at magkakaroon ng pamilya. May mga
pagkakataong inuugnay ang aming seksuwalidad sa mga suliranin tulad ng
aborsiyon at diborsiyo sa bansa. Nanggagalaiti ako sa pahayag ng Arsobispo
ng Maynila na "Bigyan lamang ng tuta ang magkasintahang bading at ituturing
na nila itong pamilya," kapag itinatanong kung ano ang size ng aming bra at
kulay ng panty, kapag itinatanong kung ano ang pangalan ko pagkagat ng
dilim, at kung ano at paano ginagawa ng dalawang lalaki ang makipagtalik.
Ang mga suliraning ito ay maiuugnay sa posisyon ng panitikan ng bakla
sa pambansang panitikan. May paratang na nahuhumaling at nagugumon ang
mga manunulat na bakla sa usapin ng seks. Parang iyon at iyon na lamang
ang masasabi ng mga bakla. Wala nang pagbabago at pag-unlad. "T**i
lamang ang problema," sabi pa nga ni Jun Cruz Reyes sa Ikalawang Palihang
Panulat noong 1997 sa Malolos, Bulacan. Kung tutuusin, may batayan naman
ang mga nasabing batikos. Gayong pinapahalagahan ang kalayaan sa
pagpapahayag ng kasarian, tila nakaligtaan rendahan ng ilang manunulat ang
produksiyon ng kanilang malikhaing akda. Sa pagkakataong ito,
mapapatunayang maaari palang lumapastangan ang sarili ukol sa sarili.
Nabigyan na ng pagkakataon ang mga bakla upang magmuni at magpahayag;
kaakibat ng ganitong kalayaan sa paglikha ang patuloy na konstruksiyon ng
pagkabakla. Isang kabalintunaan, marahil, na ang ilang mga baklang
manunulat - sa anyong popular o sa kanonisado - ay naging kaagapay pa ng
institusyon na nagluluwal ng mga istiryotipo, mito, at baluktot na
representasyon ukol sa bakla.
Sa paghahalungkat at pagkapa ng mga tekstong kahawig ng larangang
aking tinatahak, sari - saring hulagway - bakla ang kumakalabit sa aking
kamalayan. Nandiyan ang paglalarawan na ang mga bakla ay handang
magpakasakit alang - alang sa bukol at mga "ukit sa tiyan." Laganap ang
ganitong krisis ng baklang tauhan sa popular na salaysay na naitatampok sa
Chika chika, Male View, at Valentino. Maging si Nicolas Pichay, na isang
establishadong manunulat, ay natapilok sa ganitong problema na mapapansin
sa kaniyang tulang "Gerilyo."

16
May mga tekstong nagdidiin na isang pagkakasala ang pagkabakla.
Inilalarawan dito ang mga bakla ay nag-aasal dahil labis na naghahanap sa
laman. Kadalasan, ang laman na ito ay mula sa estranghero, kaibigan,
barkada, kamag-anak, o sa sinumang kaya niyang mapang-ibabawan dahil sa
taglay na salapi, katawan, mukha, at kapangyarihan sa lipunan. Gaya nito ang
himig ni Liam Marga (marahil, isang sagisag - panulat) sa pagsisiwalat
kaniyang popular na salaysay.
May mga manunulat na bakla naman ang dumadambana sa ari ng lalaki.
Itinuturing itong isang hari. Kilala ito sa iba't ibang bansag at paglalarawan. Sa
mga salaysay na ito ay ginagawang katakam - takam ang karahasan, tulad ng
"paglalagay ng chicharon sa palabok," "latik sa sapin - sapin," o "sarsa sa
lechon." Kadalasang ginagamit ang labis na deskripsiyon ng pagtatagpo ng
mga katawan upang ipatanggap ang karahasan at abang kalagayan dulot ng
partriarkiya. Lantad ang ganitong suliranin sa paghihiraya ni Edward Antonio
sa "Puerto Galera."
Napuna ko ring laging nasa hulmahan ng babae ang bakla. Mauulinig
ang teksto ang kabalintunaan sa pagnanasa ng bakla na mapang-ibababawan
ang sistemang maka-lalaki o panig sa lalaki. Sa puntong ito, mapapansin ang
kabalintunaan ng mga manlilikhang bakla kaugnay ng kanilang konstruksiyon
ng pagkabakla at kultura sa mga teksto. Halimbawa nito ay ang pagdedetalye
sa paraan ng kanilang pamimingwit ng makakatalik sa tulong ng salapi,
katawan, hitsura, at pangako sa pinipintuhong katalik. Laganap din ang mga
nagluluksang talinghaga at mga naglulupasay na taludtod sa panulaan. Laging
iniuugnay ang dilim upang ilarawan at iugnay ang lunggati ng bakla. Lantad sa
karamihan ng mga nakatagpo kong teksto ang paniniwalang ang bakla ay
isang huwad na lalaki na lagi't laging nagdurusa at naglulupasay.
Naaalala ko ang ganitong kalagayan ng aming panitikan sa pananatili ng
mga baklang rumarampa sa gilid ng sinehan sa SM City North Edsa. Sa
madaling salita, mahigpit ang pagkakaugany ng kultura ng rampa sa
kasalukuyang produksiyoin ng panitikan ng bakla. Sa isang panayam na aking
dinaluhan dalawang taon na ang nakararaan, hinamin ko ang mga tagapakinig
ng sagutin ang mga masalimuot na tanong:
"Bakit laging nasa gilid ang bakla? Bakit laging nagtatago? Mayroon ba
talagang dapat ikubli? Karaniwan na ba ang karahasan sa mga bakla? Sa dilim
lang ba maaaring magtagpo - tagpo ang mga bakla? Dito lamang ba sila
makakahanap ng buhay? Sino ang nagmamay-ari ng liwanag? Maaari bang
maglagalag ang mga bakla ng walang kinakatakutang bagansiya? May
pagmamay-ari ba ang bakla sa tinatawag na publikong espasyo? Sino ba
talaga ang nagmamay-ari ng publiko? Kanino kailangan humingi ng permiso?
Kailangan pa nga ba?"
Makatutulong din ang kapangyarihang namamayani sa sinehan ng SM
sa pagsusuri ng posisyon ng aming panitikan sa panitikang pambansa. Sa
konteksto ng lipunang Pilipino, nakasalalak sa gilid ang bakla at ang kanilang
panitikan. Upang maiwasan at mapigil ang higit na pagsasantabi ng tinig,
kailangan munang harapin ng mga manunulat na bakla ang mga suliranin at
hamong likha ng sarili upang puwingin at pasubalian ang konsepto na kami ay
nakasalalak nga talaga sa gilid.

17
III.
Sa pagtalunton ng pag-aligwas ng panitikan ng bakla, kapansin-pansin
ang yugtong pinagdadaanan ng mga akda batay sa mga paksang
pinanghahawakan ng manunulat. Ang mga yugtong ito, bukod sa nagpapakita
ng mga tampok at litaw na tema, pananaw at sensibilidad, ay aking naging
patnubay sa pag-unlad ng aking sining.
Umusbong at namalasak sa unang yugto ng aming panitikan ang mga
paksa ukol sa pagmamahal, pagnanasa, at erotisismo. Kung hindi pa
naglaladlad ang isang makata, maaari niyang itago ang damdamin sa porma
ng sineto, villanelle, o sa ibang pang lirikal na anyo ng tula na hindi tukoy ang
kasarian ng persona. Kung mapangahas naman ang makata, maaaring lantad
na sa kaniyang mga akda ang kasarian hinggil sa proseso ng pagpapanatili ng
uganyang romantikong - pagpaparamdam ng libog, panliligaw, pagmamahal,
pagkadaismaya sa marupok na kasintahan, paguhiwalay, pangangarap ng
isang makabuluhan at pangmatagalang relasyon, at pag-asan ng itinuturing
na "normal" na pamumuhay tulad ng pagpapakasal, pagkakaroon ng anak, at
pagpapanatili ng isang pamilya.
Sa unang yugto, naitatampok ng manunulat ang mga danas - bakla na
kadalasa'y tumututok sa paglalarawan ng iba't ibang paraan ng pakikipagtalik
at ang proseso ng rampa o panghahagip ng makakasama -- pansamantala
man o pangmatagalan. May tendesiya sa yugtong ito na maging grapiko at
pangahas ang mga manunulat dahil marahil nakikita nila bilang behikulo ang
mga malikahing akda sa pagsisiwalat ng kanilang katauhan at kaakuhan.
Tuloy, walang pangimi ang mga makata sa yugtong ito kaugnay ng kanilang
pag -ibig at pagnanasa. Bukod pa rito, naipamumukha sa mga mambabasa
ang iba't ibang hulagway ng ugnayan ng bakla na taliwas sa hulagway na
hatid ng kulturang popular. Naihahatid din sa pamamagitan ng panitikan ng
bakla ang kanilang eksklusibong karanasan. Kung gayon, ang mga tulang
maihahanay sa unang yugto ay may paglalantad at pagbubunyag ng
damdaming malaon nang sinupil. Ito marahil ang dahilan kung bakit maraming
akda sa kasalukuyan, lalo na ang mga naisasaantolohiya ang maihahanay sa
unang yugto.
Sa ganang akin, mahalagang magdaan sa nasabing yugtong ang
sinumang manunulat na bakla dahil sa yugtong ito niya natatamasa ang
karapatang ipahayag ang kaniyang kasarian sa masining na pamamaraan na
walang naitatakdang hangganan dulot ng simbahan, pamahalaan, o ng
pamilya. Dahil dito, nagkakaroon muli ng tendensiya na ang mga akdang
maihahanay sa unang yugto ay nakapupukaw ng atensiyon sa karamihan.
Kaipala, nagagawaran din ang mga manunulat sa yugtong ito ng pagkakataon
na makapagladlad ng kapa o ipakilala sa mas nakararami ang kanilang
pagkatao. Dahil naniniwala ako na ang pagpili, pagtanggap, pagpapahayag,
at pagsasabuhay ng kasarian ay isang karapatang pantao, maituturing kong
ang aming paglaladlad ay kapuwa personal at politikal na hakbang.
Ipinapalagay ko na magkakaagapay at magkakasalikop ang panlipunan,
pansarili, at pansining na kilusan. Radikal at politikal na hakbang ang pagtukoy
at pagbibigay pangalan ng kahit pinakapribadong damdamin. Sa prosesong

18
ito, muling nasusuri ang mga palagay at halagahan sa pakikipag-ugnayan.
Tumututol at bumabalikwas din ito sa sermon ng relihiyon, moralidad, at sa
samo't saring pagsasateorya ng medisina, biolohiya, at sikolohiya ukol sa
kabaklaan.
Tinutukoy naman ng ikalawang yugto ang pagkatha na may bahid ng
pagbalikwas, bukod pa sa pagpapamukha ng iba't ibang pahayag ng kasarian.
Kalakip sa yugtong ito ang pagpupugay sa mga iniidolong bakla, pagprotesta
sa mga panlipunang problema sa punto - de - bista ng bakla, pagpaslang at
pagsasakdal sa partriyarkiya, pagsusuri at pagsasalansan sa mga relasyong
pangkapangyarihan sa mga akto ng pagtatalik at pagsasama ng
magkasintahang bakla, at pagtalakay sa diskriminasyong ng iba't ibang
institusyon. Tulad ng unang yugto, naitatampok sa mga akdang kabilang dito
ang iba't ibang karanasan ng mga bakla. Ang pinagkaiba lamang nito sa
nauna, nakahulagpos na ang ikalawang yugto sa masusi at detalyadong
paglalarawan sa romantiko - erotikong aspekto ng manunulat. Kung may
natitira mang impluwensiya ng nabanggit, humihiling lamang ito ng muling
pagsipat kaugnay ng mga regulasyon sa seksuwalidad at kasarian. Sa
ganitong yugto, nagkakaroon na ng iba't ibang anyo ng pagpaslang sa
pagsumpa sa kanila bilang bakla. Lumalawak na rin sa yugtong ito ang
kabatiran ng paglaya sa panig ng mga manunulat. Hindi ikinakahon ng mga
manunulat na bakla ang paglaladlad ng kapa sa pagkatha lamang ukol sa pag-
ibig, pagnanasa, pagtatalik kundi tinitingnan ang akda bilang kasangkapan
upang tutulan ang diskriminasyong , opresyon, subordinasyon, at pagkakapiit.
Nawawala naman ang pagkakakilanlan ng kasarian sa ikatlo at huling
yugto ng panitikan ng bakla. Hindi na maaaring matukoy ng sinumang
mambabasa ang kasarian ng persona ng anumang tula, maliban na lamang
kung batid nito ang pagkatao ng manununulat. Sa ganitong yugto, tinatalakay
ng mga manunilat na bakla ang iba't ibang masaklaw at unibersal na paksain,
pambansa man o pandaigdigan. Kabilang na rito ang pagtula ukol sa
kasaysayan, suliraning panlipunan, usaping agraryo, imperyalismo,
kapaligiran, feminismo, kababaihan, atbp. May paniniwala ring sa yugtong ito
lumalawak ang sakop ng malikhaing uniberso ng sinumang manunulat. Sa
aking paniniwala, hindi ito ang batayan ng pag-aligwas ng manunulat na bakla.
Hindi sa tema nakasalalay ang maturity ng sinumang manunulat kundi sa
kaniyang maihahandong na bagong sensibilidad sa mga paksa o usapin,
sinauna man ito o bago.
Ang mga yugtong nabanggit ay kapuwa nasa landas ng pagsagka sa
opresong kinakaharap ng mga bakla. Ang mga yugtong ito ng malikhaing
pagpapahayag ay nakabubuo ng isang kilusan ng mga manunulat at palaisip
batay sa prinsipiyo, aralin, at patakaran ng kalayaang pangkasarian.
Nakatutulong din ang mga yugtong natukoy sa paglinang at pagsubaybay sa
sariling kultura ng mga bakla. Nakakaimpluwesniya rin ito sa pagyabong ng
mga kaisipan at panitikan na malay at may paggalang sa mga bakla.

IV.
Kung paglalakbay sa balangkas ng aking kalipunan, pag-akyat naman
ng puno ang gunitang gumabay sa pagbabahagi ng dati kong estudyanteng si

19
Irene Villamor. Tulad ng aking mga tula sa "Kilometro Zero," bumalik ang aking
mag-aaral sa mga alaalang pampamilya. Sa kaniyang pagsisiwalat,
naikuwento niyang siya ang batang "sakit ng ulo" ng magulang dahil mahilig
siyang mag-shorts, magpaikli ng buhok, at makipaglaro sa mga lalaki. Lagi
siyang sinusuway ng ina sa pagtingala at pag-akyat ng mga puno. Pero
minsan, nakahanap ng pagkakataon ang bata. Hindi niya iyon sinayang.
Malakas ang loob niyang isinakatuparan ang ninanais. Aniya:
Pumunta ako sa bakuran namin at napatingin sa aming punong mangga.
Dahan-dahan ko itong inakyat. Nagasgasan ang braso ko at paa pero sige,
akyat pa rin ako nang akyat hanggang makarating sa tuktok. Mas lalong
lumakas ang hangin. Napanganga ako sa nakita, ang bubungan ng mga
bahay, ang iba pang mga puno at ang kalsada namin. Sana nakikita rin ito ni
Nanay para hindi na niya ako pagalitan kapag umaakyat ako ng mga puno.
Sa mga talinghaga namin ni Irene, natagpuan ko ang tagumpay ng aking
sariling pagpapahayag. Hindi ito ang pagpapahayag tulad ng pinakatatagong
aklat na may susi't kandado at ang pawang mga nakasulat ay "Dear Diary,
Sabay kaming kumain ni Gerry. Matamis ang kaniyang mga ngiti. Magtatagpo
kaming muli." Hindi lamang ito daluyan ng aking pagpapahayag, pagladlad, at
pagsisiwalat. Napatunayan kong sa tulong ng sariling tinig, naigigiit ko ang
aking espasyo sa produksiyong pampanitikan ng bansa. Hinahangad kong
makamit ang kalayaan sa pagpapahayag bilang karapatan ng sinumang
manlilikha ng ating lipunan. Naisatinig ko rin ang malaon nang sinupil at
naisantabing himig.
Sa simula'y maaaring personal ang udyok ko sa pagtula ngunit sa huling
pagsusuri'y lumilitaw ang pilosopiya at politika ng teksto at sarili. Layon ng
aking pagsisiwalat ang mamayagpag, ang bumalikwas, ang makipaghuntahan
sa mambabasa, ang magpaliwanag hanggang maunawaan, at makipag-
ugnayan sa yumayabong na kamalayan sa paglaya. Habang nakakatagpo pa
ako ng mga karahasan at hangganan sa aking kaakuhan, nararamdaman ko
ang lakas ng aking sariling akda upang hamunin ang mga atas ng relihiyon,
moralidad, kalikasan, at ng pamilya. Sinasagkaan ng ilan kong mga tula ang
pagkatako, pag-ilag, at pagsasantabi sa itinuturing na bagong anyo ng
pagpapahayag. Sa ganitong potensiyal ng aking teksto, aking napapalawak
ang sakop ng pribadong damdamin o mga personal na tala bilang
makabuluhang pananaw sa mas masaklaw na landasin ng paglaladlad.
Malay akong sa pamamagitan ng aking pagsusulat, nalilikha nag
pagkabakla ng mga bakla. Naipapakilala ko rin ang aking sarili. Kasangkapan
ako sa patuloy na pagbuwag at muling paglikha ng mga hulagway-bakla.
Malay akong hindi lumapastangan sa sarili at kapuwa. Inaasahan kong ang
aking mga tula ay makapagsusulong ng kalayaan ko bilang ako, at ako bilang
bahagi ng kasariang ngayo'y naninindigan at lumalaban.

V.
May mga pagkakataong pinagtitinginan ako ng mga kasama't kaibigan,
at sila'y nagtataka. Nagtataka sila tulad ng aking mga magulang kung bakit
lagi akong walang kibo, bibihirang umimik, tila kinakausap ang sarili,

20
nagsususlat ng mga titik sa palad. Madali kasi akong makalimot at burara sa
pagtatala. Wala akong journal tulad ng ilang kaibigang manunulat. Wala akong
special project notebook para sa pananaliksik. Para sa akin, makabubuti na
ang sorpresang pagkakatuklas. Gusto ko kasi ang nambubulaga. Iyon bang
tahimik akong mapapahiyaw at mapapatili sa naligaw at dumapong mga
taludtod, ideya, salita, imahen. Saan ka ba naman nakaengkwentro ng
inaantabayanang panggulat? Sa pelikula lang iyon o sa teatro. Kapag nagulat
kasi ako, batid kong kumakatok na ang makata sa aking sarili. Batid kong
kailangan ko nang mag-imis ng silid. Batid kong kailangan nang maghanap ng
masusulatan.
Kapag binabalikan ko ang aking mga tula, napapangiti ako't ilang
pulgada na rin pala ang kapal ng aking naitala. Ayokong isipin na kung gaano
karaming kilometro ang aking nalakbay, ganoon din ang pulgada ng aking
maitutula. Marami akong kaibigan na nakapaglakbay na kung saan-saan pero
walang maipasalubong sa akin kundi mga tsokolate, larawan, tsismis, at
nakakakilig (at nakakainggit) na kuwento. Ang kaibigan kong si Alman, na
kasabayan kong nangarap maging manunulat, ay laging nagyayabang sa mga
lugar na kaniyang nabisita. Sa Singapore daw, masarap mag-shopping sa
Raffles Place at sa Orchard Road. Mayroon daw pang-gabing zoo roon- kilala
bilang Night Safari. Sa Malaysia naman, napuntahan niya nag Taman Negara,
ang itinuturing na pinakamatandang gubat sa buong mundo. Napuntahan din
ng aking kaibigan ang lalawigan ng Malacca na Intramuros sa Pilipinas.
Nabisita rin niya ang Petronas Tower na tinatayang pinakamataas sa buong
mundo. Ipinagpatuloy pa niya anag kaniyang pagyayabang sa pagtukoy ng
mga lunan sa Thailand. Isang red-light district daw ang Patpong. Legal daw
ang prostitusyon doon. Mabibigla raw ako sa aking makikita. Lahat ng bawal
ay maipagbebenta kahit may paparating na pulis. Para naman daw Divisoria
at Tutuban ang Cha Tu Chak at Pratunam. Mas mura nga lang daw ang halaga
ng mga ipinagtitinda. Lalo pang natuwa sa pagkukuwento niya nang
naramdaman niyang naiinggit ako sa kaniyang dinner cruise sa ilog ng Chao
Praya.
Ngunit sa kabila ng mga postcard at larawang kalakip sa mga liham ng
aking kaibigan, lagi niyang kalakip ang himutok at hinaing ng nakikibakang
manunulat.
Nalulungkot ako sa problema ng aking kaibigan. Akala ko noon, mas
masuwerte siya dahil may kakayahan siyang maglakbay sa mga bansang nais
niyang bisitahin. Ginagawa lang niyang bakasyunan ang Indonesia at
Malaysia. Parang Baguio sa kaniya ang Hong Kong at Bangkok. Pero higit pa
pala akong mapalad sa aking kaibigan kahit limitado lamang ang aking
nagagalugad sa pamamagitan ng kilometro, kahit minsa'y naglalakbay ako sa
loob lamang ng aking silid at ng aming tahanan.
Mas lagalag pa pala ako sa aking kaibigan kahit ang nasasalubong ko
lang ay ang mga rekwerdo ng aking pagkabata at aking kamulatan. Mas
marami akong nakikilala kaysa kay Alman. Mas marami akong
nasusumpungang damdamin na bumubuhay sa aking pandama. Mas marami
akong maibibida sa kaniya na hindi nangangailangang magyabang. Mas
marami akong natutuklasan kahit sumakay pa siya ng ilang eroplano at mag-
uwi ng mga kahon ng pasalubong. Higit akong nagkakamalay kahit wala akong

21
pasaporte sa mga kilalang siyudad ng mga pakyawan at bargain. Mas higit
kong nakikilala ang sarili, matapos ang isang paglalakbay. Higit ko ring
naipapakilala ang aking sarili sa kapuwa.
Ang sukatan pala ng kilometrong nalalakbay ninuman ay ang lawak ng
kaniyang nagugunita at naitala, at lulalop na maaaring tahakin ng kaniyang
haraya. Kaya kapag may isang kakilalang nanghihingi sa akin ng kuwento, tula
ang aking ipinababasa. At nabibigla sila. Kakatwa raw para sa tulad kong
taong-bahay. Hindi kapani-paniwala sa taong hindi palalabas. Napapangiti
nalang ako, napapailing. Natatandaan ko pa kasi ang laging payo ng aking ina.
Sabi niya, kapag marunong ka raw magbasa, hindi ka mawawala. Gusto kong
dagdagan ang pabaong iyon ng mahal kong ina.
Silid at katawan ang balat, balbon, buto, at laman ng aking mga tula. At
wala naman akong nakikitang problema. Mayroon namang bintana sa aking
silid para maaaring tumakas at lumaya ang mga akda. Hindi naman
nakakandado ang pinto. Puwede namang makipagsabwatan sa bagyo para
baklasin ang kisame at tangayin ang bubong; makakahulagpos na ang tula.
Hahayaan kong maglagalag ang aking mga tula, batid ko man o hindi kung
saan ito hahapon. Malaya itong makagagalugad. Malaya itong maghuhunos
para lumisan.
At malaya ring makababalik para may maisalaysay.

VI.
Ang tunay na makata, anuman ang paniniwala at kasarian, ay yaong
makakaigpaw ang sariling sining sa hamon ng pagkabribado; ang
makalalagda ng sariling tinig hindi lamang ukol sa katawan, pagnanasa, pag-
ibig kundi lawak ng maabot ng katawang nagnanasa at iniibig; ang
makasasalungat sa mga paniniwala at gawaing kinahiratihan; ang makaaawit
ng awiting hahamon at gugulantang sa isang kasaysayang binura at sinusupil;
ang ginagamit na instrumento ang wika at diwang sumusuway na mapanupil
na atas na itinakda ng nakararami; ang nilulubos ang kanyang mga taludtod
upang magantimpalaan ng isang malikhaing uniberso na malaya sa
paghihiraya ukol sa buhay, tinig, at daigdig; ang pinapalay ang talinghaga sa
kamay ng sarili at ng ibang manlilikha at saka ikakalat sa saan mang lupalop
ng gunita na walang kinikilingan, walang kinukutya; ang dinudukal ang mga
parikala sa linang ng mga hulagway na nagkakahon, nagsasantabi, at nang-
uusig; ang naghahangad na pakinggan ng ibang manlilikaha hindi sa kanyang
kasarian kundi sa kanyang pagkamakata; ang hindi nagpapalupig sa
kahinaang-loob at kalungkutan, yaong hindi naglulupasay sa katawang nag-
iiwan ng galos sa puso, balat, at alaala; at ang laging nakakaramdam at
nakakagunita, ang mapangiti, at magnasa.
Ang tunay na makata ay ang nagtatala ng malinaw detalyadong mapa
ng lunang hindi pa minsang nalalakbay habang sinusuyo ang gabi kasama ng
mangingibig; habang nagpupunyagi sa isang lipunang mapag-aruga't
magpagkandili; habang nakaharap sa salamin at inuusig ang sarili; habang
iniimis ang sariling silid at isinasalansan ang mga pahina ng galak, ligalig,
lunggati, kiliti, at hilahil; habang naghahanda ng sisidlan o balutan para sa

22
isang paglalakbay na haharap at kilala sa buhay; habang nananaginip sa mga
tanghaling-tapat ng mga tono ng tula ukol sa talim at timyas ng karanasan;
habang isinasakatuparan naman ang mga pangarap - pumapapak ng mani at
pasas - kaulayaw ang papel at kompyuter, matalas at nagmamatyag ang mga
pandama kahit madaling - araw, tinutugaygayan ang alaala ng araw na
lumipas; at habang nililikom at sinisinop ang mga tayutay ng sarili bilang anak,
kasintahan, kaibigan, at asawa hanggang makalikha ng mga dayami at
makapuno ng isang kamalig.

Tanong:
1. Anong isyuang binigyang-diin sa akda? Talakayin.
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Ang pananaw o pagtingin sa kasarian ay hindi lamang suliranin ng ating
bansa. Ano ang iyong pananaw ukol dito? Ipaliwanag.
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

ANG APAT NA SIKRETO NG SAHOD


Ni Gregorio V. Bituin Jr.
Maaliwalas ang umaga. Walang nakalambong na ulap sa bughaw na
langit. Tila kaysarap ng simoy ng hangin bagamat nasa lungsod ang lugar na
puno ng polusyon. Imbes na huni ng mga ibon ay pawang harurot ng traysikel
ang bumubulabog sa katahimikan ng lugar.
Gising na ang mga manggagawa sa piketlayn, habang may ilang di pa
makatayo sa pagkagupiling dahil na rin sa pagod sa nagdaang araw.
Nagdagsaan kasi kahapon ang mga manggagawang kasapi ng Bukluran ng
Manggagawang Pilipino, Metro East Labor Federation, at ang pederasyon ng
mga nakapiket, ang Super Federation, na siyang mayhawak ng kaso ng
nakawelgang unyon.
Nagsibangon na ang ilang lider dahil sa maagang pagdating ng mga
kabataang estudyante mula sa grupong Piglas-Kabataan o PK. Ang mga ito'y
mga anak ng mga lider-maralita ng Zone One Tondo Organization (ZOTO) at
ng pederasyong Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod
(KPML). Bakasyon noon at isa sa gawain ng mga kabataan ang integrasyon

23
sa hanay ng mga manggagawa, na taun-taon nilang ginagawa, at nais din
nilang kapanayamin ang mga lider ng unyon para sa kanilang munting
dyaryong Piglas. Bakit nga ba nakawelga ang mga manggagawa? Gaano nga
ba kahirap ang buhay sa piketlayn?

"Magandang araw po!" ang bati ni Magda, ang lider ng may pitong
kabataang dumalaw sa piketlayn. "Kami po ang mga lider-kabataan mula sa
Piglas-Kabataan. Narito po kami upang makapanayam kayo, at kahit po sa
munting panahon ay makipamuhay sa inyo."
"Ako nga pala si Lena, ang pangulo ng unyon dito sa pabrika. Mabuti
naman at napadalaw kayo. Kumain na ba kayo? Pagpasensyahan nyo muna
ang aming agahan, sinangag, tuyo at kamatis."
"Salamat po. Katatapos lang po namin. Bakit po kayo nakapiket
ngayon?"
"Nagpiket kami dahil tinanggal kami sa trabaho bilang regular. Ang sabi
ng manedsment, pwede naman daw kaming muling i-rehire pero gagawin na
kaming mga kontraktwal. Ang gumagawa ngayon ng aming trabaho ay yaong
mga totoong kontraktwal, kaya kaming mga regular na siyang dapat
mayhawak ng mga makina ay narito't nakapiket."
Siya namang pagdating nina Vilma at Nora, pawang mga instruktor
hinggil sa kalagayan ng paggawa.
"Sandali, Magda, ha? Kumustahin ko muna sila." ani Lena. "Kumusta na,
Vi at Nors? Sila nga pala yung mga kabataang estudyante sa pangunguna ni
Magda. Baka pwedeng makasama rin sila sa idaraos nating pag-aaral
ngayon."
"Kumusta?" sabay abot ng kamay. "May idaraos nga pala kaming pag-
aaral ngayon, tungkol ito sa paksang Puhunan at Paggawa. Dalo sana kayo."
"Mabuti naman po kami. Mabuti po at may pag-aaral na idaraos,
makikinig kami. Alam naming anumang butil ng kaalamang aming matamo
mula sa mga manggagawa ay malaking punong mabunga na ang aming
makakamit."
"O, paano po? Maliit lang naman itong lugar natin kaya tiyak namang
magkakarinigan tayo." ani Vi.
Katatapos lamang mag-almusal ng mga manggagawa, kaya naghanap
na sila ng maayos na pwesto para sa pag-aaral. Inilatag ni Nora ang manila
paper at tumambad sa mga manggagawa ang pamagat na malaking
nakasulat: Puhunan at Paggawa. Ang mga estudyante naman ay naupo na rin
upang matamang makinig.

24
"Mga kasama, isang magandang umaga sa ating lahat,” ang bungad ni
Vilma. “Tayo ay nabubuhay sa ilalim ng kapitalistang lipunan. Ibig sabihin, ang
sistema ng lipunan ay katulad din ng sistema sa pabrika. Pagkat sa pabrika,
sistemang kapitalismo ang pinaiiral. Suriin natin ang buhay sa pabrika.
Tumatakbo ang buhay sa pabrika sa pamamagitan ng dalawang mayor na
aspeto: ang puhunan at ang paggawa. Ibig sabihin, hindi pwedeng isa lang sa
kanila. Ang kapitalista ang siyang may-ari ng pabrika at siyang namuhunan sa
makina, hilaw na materyales, at nagbabayad sa sahod ng manggagawa, at
ang manggagawa naman ang nagbebenta ng lakas-paggawa upang tumakbo
ang pabrika."
"Sila po pala ang may-ari, e, di sila po ang mapagpasya sa kumpanya",
ang sabad ni Ato, isa sa mga estudyante.
"Alam nyo ba na di tatakbo ang pabrika kung wala ang manggagawa?
Anumang gawin ng kapitalista sa kanyang pera, makina at hilaw na
materyales, hindi sila kikita. Di tutubo ang pera, kakalawangin lang ang
makina, at baka masira lang ang mga hilaw na materyales. Tatakbo lang iyan
at tutubo lang ang kapitalista kapag pinagalaw na ng manggagawa ang mga
makina," paliwanag ni Vilma.
"Ibig sabihin po pala, tatakbo lang ang pabrika kasi nariyan ang
manggagawa," sabad muli ni Ato.
"Tama ka. Kung walang manggagawa, di tatakbo ang pabrika, ngunit
pwedeng tumakbo ang pabrika kahit walang kapitalista. Makagagawa ng
produkto ang mga manggagawa dahil sa kanilang lakas-paggawa na siyang
binibili naman ng kapitalista, at ang pambayad sa presyo ng lakas-paggawa
ng manggagawa ang tinatawag na sahod."
Tatangu-tango sina Magda, pati na si Lena at ang iba pang
manggagawa.
"Alam nyo ba na may apat na sikreto ang kapitalista hinggil sa usaping
sahod. Una, tinatakpan ng terminong sahod ang katotohanang ang turing sa
manggagawa ay ordinaryong kalakal. Ibig sabihin, ang halaga ng lakas-
paggawa ang siyang presyong binabayaran ng kapitalista, at ang tawag sa
presyong ito ay sahod. Ikalawa, tinatakpan ng terminong sahod ang
katotohanang ito ay kapital. Ang sahod ay hindi lang panggastos ng
manggagawa para siya mabuhay. Ito mismo ay gastos ng kapitalista para
umandar ang kanyang negosyo at lumago ang kanyang kwarta. Ibig sabihin,
ito ang pinakaimportanteng bahagi ng kanyang kapital," paliwanag pa ni Vilma.
"Di po ba, kaltas sa puhunan ng kapitalista ang sahod? Bakit ito ang
pinakaimportante sa kapitalista, gayong kabawasan nga ito?" Malalim ang
pagsusuri ni Magda.
"Magandang tanong," ani Vilma. "Ganito iyan. Ang sahod bilang pera,
kapag ginastos na ng manggagawa, ay nauubos. Pero sa kapitalista, ang
sahod ding ito, habang ginagastos ng kapitalista, ay lumalago. Bakit ka'nyo?

25
Maliit lang kasi ang gastos sa sahod ng manggagawa kumpara sa tubo ng
kapitalista. Magbigay tayo ng halimbawa."
Inilatag na agad ni Nora ang isa pang manila paper, at natambad sa mga
manggagawa't kabataan ang isang kompyutasyon. Pulos numero sa kanang
bahagi, habang sa kaliwang bahagi naman ang kumakatawan sa mga numero.
"Suriin natin ang mga datos batay sa kompyutasyon sa kita ng
kumpanyang Goldi. Sa isang departamento nila, nakakagawa ang mga
manggagawa ng 12,000 rolyo ng cake bawat araw, sa loob ng 3 shift. Ibig
sabihin, may 4,000 cake ang nagagawa sa bawat shift. Ang halaga ng bawat
cake sa merkado ay P200. May kabuuang 106 na manggagawa na
sumasahod ng P450 sa loob ng walong oras na paggawa, mas mataas ng
kaunti sa minimum wage ngayon na P426 dito sa National Capital Region,"
paliwanag ni Vilma, habang matamang nakikinig at nakatitig ang mga
manggagawa sa mga numero, nagsusuri.
"I-multiply natin. Ang halaga ng kabuuang rolyo ng cake ay
P2,400,000.00; mula 12,000 rolyo ng cake times P200.00 halaga ng bawat
cake. Gumastos ngayon ang kumpanya ng sahod na P47,000.00 lamang,
mula sa komputasyong P106 manggagawa times P450.00 na sahod kada
araw. Ibawas natin ang kabuuang benta ng cake: 2,400,000.00 minus sahod
na P47,700.00, ang kita ng kumpanya o gross profit ay P2,352,300.00. Ibawas
na rin natin dito ang gastos sa buwis, bayad sa kuryente at tubig, gastos sa
depresasyon ng makina, at hilaw na materyales, na nasa kalahati o 50% ng
kita. Mula sa gross profit P2,352,300.00 (kita minus sahod) ibabawas ang
kalahati nito o 50%, ang kita ng kumpanya ay P1,176,150.00 sa isang buong
araw. O, di ba, malaki ang tubo ng kumpanya. Paano kung i-multiply mo pa ito
sa isang buwan? E, di limpak-limpak na tubo ito, kumpara sa gastos nila sa
sahod," mahabang paliwanag ni Vilma. Nakakunot naman ang noo ng mga
nakikinig. Halatang nagsusuri.
"Mula sa kompyutasyon sa itaas ay dadako naman tayo sa ikatlong
katotohanan ng sahod. Tinatakpan ng terminong sahod ang katotohanang ito
ang pinanggagalingan ng tubo ng kapitalista. Ang gastos sa sahod ang siyang
porsyon ng kapital na pinanggagalingan ng tubo. Sa madaling salita, ang
porsyong ito ng kapital ay walang ambag sa produksyon na ginastos para sa
materyales at makina. Ito ang misteryo at mahika ng kapitalismo. At panghuli
sa apat na katotohanan hinggil sa sahod, ang nagpapasahod talaga sa
manggagawa ay ang mismong manggagawa," dagdag pa ni Vilma. "Halina't
muli tayong mag-kompyut." Inilatag ang isa pang manila paper.
"Sa P2,400,000.00 kita ng kumpanya sa isang araw, hatiin natin ito sa
106 manggagawa. Lumalabas na bawat manggagawa ay kumikita ng
P22,641.51 sa bawat araw o walong oras niyang pagtatrabaho. Hatiin natin
bawat oras ang halagang ito: P22,641.51 divided by 8 oras, pumapatak itong
P2,830.19 bawat oras. Ibig sabihin, mahigit dalawang libong piso na ang kita
ng bawat manggagawa sa isang oras niyang pagtatrabaho. Hatiin natin ito sa
bawat minuto: P2,830.19 divided by 60 minuto. Lumalabas na sa bawat minuto

26
sumasahod ang manggagawa ng halagang P47.17. At kung hahatiin naman
ito sa bawat segundo: P47.17 divided by 60 segundo, lumalabas na sa bawat
segundo ay may 79 sentimo ang manggagawa," mahabang talakay muli ni
Vilma.
Sumabad si Magda na noon din ay nagkokompyut sa papel, "Ibig sabihin
po pala, sa P450 sahod ng manggagawa, kung hahatiin sa P47.17 kita niya
bawat minuto, lumalabas pong sa loob lamang ng 9.5 minuto ay nakuha na ng
manggagawa ang kanyang sahod. At ang natitirang pitong oras at 50.5 minuto
ay sa kapitalista na napunta. Nakagagalit naman ang ganyang katusuhan ng
kapitalista. Dapat nga po talagang lumaban ang mga manggagawa"
"Tama ka, Magda. Iyan ang halaga ng di bayad na oras ng paggawa. Ibig
sabihin, malaki talaga ang tinutubo ng kapitalista sa bawat araw, at mumo lang
ang natatanggap ng manggagawa," ani Vilma. "Okey, mga kasama, uulitin ko,
ha. Ang apat na lihim ng kapitalismo hinggil sa sahod ay ang apat na
katotohanang pilit itinatago nila sa manggagawa. Ang sahod ay presyo. Ang
sahod ay kapital. Ang sahod ang pinanggagalingan ng tubo. At ang huli, ang
sahod ay galing mismo sa manggagawa. Napakaliit na nga ng naibibigay sa
manggagawa, nais pang baratin ng kapitalista upang humamig pa ng humamig
ng tubo."
Nagtanong si Jose, isa pa sa mga kasamang estudyante ni Magda.
"Bakit po nakapako kasi ang sweldo ng manggagawa sa P450, di po ba pwede
namang taasan ito? Mga P1,000 sa isang araw, para kahit papaano naman ay
mabuhay naman ng maayos ang pamilya ng manggagawa. Sa pagkakaalam
ko, P1,000 ang sinasabi ng NEDA na halagang makabubuhay sa isang
pamilya."
Si Nora naman ang sumagot, "Alam nyo, ang minimum wage ay
tinatakda mismo ng gobyerno sa pamamagitan ng Minimum Wage Law, at
pinapatupad ito ng Regional Wage Board. Mga kapitalista ang mayorya sa
Kongreso na siyang nagpasa ng batas na ito, kaya anong aasahan natin, kundi
pawang mga batas na pabor sa kanilang uri, pabor sa kapwa nila kapitalista.
Bihira nga ang mga batas ngayong talagang kampi sa manggagawa."
Pinutol ni Vilma ang talakayan, "Sa ngayon ay iyan muna ang ating
tatalakayin. May kasunod pa tayong paksa hinggil naman sa kapitalistang
lipunan."
"Pinagnilayan ko pong mabuti ang mga paliwanag ninyo. Tama at lohikal.
Nuong bata pa po ako ay nagtataka na kung bakit kung sinong masisipag ang
siyang naghihirap, tulad ng aking amang magsasaka sa probinsya na
madaling araw pa lang ay gising na para bisitahin ang bukid at mag-araro.
Napakasipag pero mahirap pa rin kami. Sa ngayon po, nagpapasalamat po
kaming muli sa aming mga natutunan,” ani Magda, “Handa po kaming kumuha
ng iba pang pag-aaral. Naniniwala po kaming ang mga manggagawa na
siyang gumagawa ng yaman ng lipunan ay di dapat naghihirap.”

27
Katanghaliang-tapat na kaya nagyaya na si Lena kina Magda, "O, siya.
Naghanda na kami ng ating pananghalian. Kumain muna tayo at saka natin
ipagpatuloy ang ating naudlot na kwentuhan kanina."
"Sige po." At masaya nang nagsikuha ng kani-kanilang mga pagkain ang
mga kabataang estudyante, kasama ang mga unyonistang ilang araw na ring
nakapiket.

Tanong:
1. Bakit nagpipiket ang mga manggagawa sa naturang lugar?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Ano ang natutuhan ng mga mag-aaral sa kanilang narinig? Talakayin.
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

BAYAN, BAYAN, BAYAN KO


Musika at Titik ni Joel Costa Malabanan

Bayan, bayan, bayan ko di pa tapos ang laban mo


Bumangon ka kumilos ka, ipagtanggol ang laya mo
Bayan, bayan, bayan ko, di pa tapos ang laban mo
Bumangon ka, kumilos ka ipagtanggol ang laya mo

Lupang sakaha’y winasak naging golf course ng mga dayuhan


At ang mga magsasaka, itinaboy sa kabundukan
At doon sa call center ay bawal mag-unyon
Habang kapitalista’y tumutubo ng milyon

28
Bayan, bayan, bayan ko di pa tapos ang laban mo
Bumangon ka kumilos ka, ipagtanggol ang laya mo
Bayan, bayan, bayan ko, di pa tapos ang laban mo
Rebolusyon ni Bonifacio, isulong mo, isulong mo!
Tuloy ang pagtaas ng presyo ng langis
Ang Shell, Petron at Caltex ay waring nang-iinis
Hindi dapat payagang dayuhan ang magpasya
Sa kinabukasan ng ating bansa!

Bayan, bayan, bayan ko di pa tapos ang laban mo


Bumangon ka kumilos ka, ipagtanggol ang laya mo
Bayan, bayan, bayan ko, di pa tapos ang laban mo
Rebolusyon ni Bonifacio, isulong mo, isulong mo

Nakasanla ang bukas ng ating mga anak


Sa dambuhalang utang sa IMF-World Bank
Hindi dapat bayaran ang utang ng iilan
Na nagpapahirap sa sambayan!

Bayan, bayan, bayan ko di pa tapos ang laban mo


Rebolusyon ni Bonifacio, isulong mo, isulong
Bayan, bayan, bayan ko, di pa tapos ang laban mo
Bumangon ka, kumilos ka ipagtanggol ang laya mo!

Tanong:

1. Ano ang ipinahihiwatig ng awit? Bakit?


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

2. Ano-anong suliranin ang binanggit sa awit? Talakayin.


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Pagsasanay
Panuto: Maraming suliraning panlipunan ang binanggit sa mga akda.Nakita mo rin na
hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa rin ito. Isa-isahin mo nga at bigyan ng

29
pagsusuri. Gamit ang T-CHART, itala ang mga ito. Pagkatapos, suriin kung ano ang
maaaring naging sanhi ng suliraning ito.
Suliraning Panlipunan na
Nakita sa Akda at sa Sanhi ng Suliraning Ito
Kasalukuyan
1.

2.

3.

4.

5.

Pagsasanay
Batay sa ginawang pagsusuri tungkol sa mga suliranin at sanhi nito na binigyang-diin
mo sa Pagsasanay 1 maaaring matukoy mo kung sino o anong ahensya ng pamahalaan
ang maaaring maging responsable o may pananagutan dito.
Gamit ulit ang grapikong pantulong, isulat ang naging pagsusuri at pananaliksik.
Pagkatapos, bilang isang responsableng mamamayan, paano ka makatutulong..
Suliraning Naitala na Nasuri sa Ahensya ng Pamahalaan na Pagtulong na Maaaring Gawin
Pagsasanay 1 Dapat may Panangutan Dito Bilang Isang Mamamayang may
Pananagutan
1.

30
2.

3.

4.

5.

31
Repleksyon
Batay sa ginawang pagbasa at pagsusuri ng mga akda at pag-uugnay nito sa
kasalukuyan, marami kang napagtanto.
Punan ang sumusunod na pahayag upang mabuo ang diwa nito.
1. Natuklasan ko na
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Napatunayan ko na
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
3. Humamon sa aking pananaw at paninindigan na
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
4. Dahil sa ginawa kong pagsusuri at pananaliksik, napag-alaman ko na
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
5. Masasabi ko lang sa sarili ko na isa akong mamamayang may
pagmamahal at pananagutan sa aking kapuwa kung
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Pagtatasa
I. Pagkilala
Panuto: Ilarawan o ipahayag sa isang pangungusap ang sumusunod :
1. Joseph Ejercito Estrada
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Barasoain Church
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
3. Plunder
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

32
4. Impeachment
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
5. Erap para sa Mahirap
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
6. Gloria Macapagal-Arroyo
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
7. Quirino Grandstand
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
8. “ Walang kaibigan, walang kumpare, walang kamag-anak”
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
9. June 30, 1998
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
10. ERAP
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
II. Pag-uugnay
Panuto: Iugnay ang sumusunod na salita sa suliraning panlipunan na
binigyang –diin sa mga binasang teksto. Isulat ang sagot sa inilaang patlang.
Suliraning Panlipunan Salitang Nabanggit sa Tekstong
Binasa
1. ____________________________ Sastre
2. ____________________________ Wakas
3. ____________________________ Lagalag
4. ____________________________ Sahod
5. ____________________________ Bayan

33
Sanggunian:
● Saguinsin, Israel DC., et al.”Ugnayan: Panitikan at Lipunan”. St.
Andrew Publishing House. 2010
● www.senate.gov.ph.> former_senatorss

34
Layunin
● Nauunawaan ang mga mahahalagang detalye ng pag-unlad ng panitikang
Pilipino sa kasalukuyan.
● Nasusuri ang mga isyung panlipunan na isinisiwalat ng mga akda.
● Nagiging lubog sa katotohanan na isiniwalat ng mga akda.
● Naiuugnay sa kasalukuyan ang mga kaganapan sa mga akda.
● Malayang nakapagbibigay ng sariling opinyon at reaksiyon tungkol sa mga
tinatalakay sa modyul na ito.

Paunang Pagtataya
Pangalan:________________________________Petsa:_____________
Kurso/Seksiyon:__________________________Marka:_____________
Panuto: A. Mula sa iyong mga natutunan sa mga nagdaang talakayan o mula sa dati
mong kaalaman. Ipaliwanag kung ano ang “Kontemporanyong Panitikan”. Tatlo
hanggang limang pangungusap lamang.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
B. Batay sa iyong mga taglay na kaalaman na natutunan mo noon. Magbigay ng isang
akdang pampanitikan na nasa panahon ng Kontemporanyo. Ipaliwanag sa loob ng
limang pangungusap kung tungkol saan ang istorya nito.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

TALAKAYAN

Kaligirang Pangkasaysayan ng Kontemporanyong Panitikan sa Pilipinas

ANG KONTEMPORARYONG PANITIKAN

Ito ay nagsimula noong taong 1996 hanggang kasulukuyan; ang


panahong ito ay itunuturing na bagong Republika ng Pilipinas na kung saan
ang panitikan ay isinalin sa magazine, pelikula, radyo, at internet.

35
Pinaniniwalaan na sa panahong ito kakikitaan ng pagmamahal sa sariling
bansa ang mga Pilipino sa salita at sa gawa.

Ang nilalaman ng mga sulatin sa kontemporaryong panitikan ay


pumapatungkol sa realidad o sa totoong buhay. Makikita dito ang repleksyon
ng buhay ng mga mamamayang Pilipino, uri ng pamahalaan, at pamamaraan
ng pamamalakad sa bansa.

Ang panahong ito ay kakikitaan ng mga modernong kagamitan upang


itampok ang panitikang Pilipino. Si Mars Ravelo, Ryan Cayabyab,
Eraserheads, at Freddie Aguilar ay ilan sa mga tao na maitutring sa
Kontemporaryong Panitikan.

KONTEMPORARYONG DAGLI
Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling
maikling kuwento. Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa
Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga
Amerikano.
Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang
akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa
haba ng isang maikling kuwento. Kabilang sa kilalang mga manunulat ng dagli
Sina Iñigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon
de Jesus, Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco
Laksamana, at Lope K. Santos.
Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na
sumulpot ang dagli noong 1902, kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang
Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy
hanggang 1930.
Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng
pananakop ng mga Kastila. Naging tampok ang mga ito sa mga pahayagang
Espanyol at tinawag na Instantaneas. Gayunman, hindi malinaw kung hinango
nga ng mga manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga Español
dahil hindi pa malinaw noon kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong
prosa ngunit patula ang himig.
Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling
kuwento at nobela pagsapit ng 1920, at mula rito'y lalong sumigla ang
pagpapalathala ng dagling nasa ilalim ng sagisag-panulat
Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap nila
ni Tolentino para sa antolohiyang “Ang Dagling Tagalog: 1903-1936” ang
tumatalakay sa karanasan ng mga lalaki sa isang patriyarkal na lipunang
kanilang ginagalawan. Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng
napupusuan subalit may ilan ding ginamit ito upang ipahayag ang kanilang
mga damdaming makabayan at kaisipang lumalaban sa mananakop na
Amerikano.
Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa
harap na pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong

36
kuwento sa mga tabloid o tampok na kuwento (feature story) sa mga kolum,
pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at telebisyon. Aniya, “na-
transform na ang dagli, hindi na ito tinawag na dagli at nagkaroon na ng ibang
lehitimong pangalan at katawagan—anekdota, slice-of-life, day-in-the-life, at
iba pa at lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri ng kwento sa media).”

ANG DAGLI SA KASALUKUYAN


Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction
sa Ingles ang dagli. Nguni't ayon sa panayam kay Dr. Reuel Molina Aguila,
naunang nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man nagkaroon ng
katawagang flash fiction na umusbong noong 1990. Maaari itong nagmula sa
anyong pasingaw at diga ng magbabarkada kung kaya't masasabing marami
sa mga probinsya at malalayong lugar ang nagkaroon ng ganitong paraan ng
kuwentuhan.
Noong 2007, lumabas ang antolohiyang “Mga Kwentong Paspasan” na
pinamatnugutan ni Vicente Garcia Groyon. Taong 2011 naman nang
mailathala ang “Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kwentong Pasaway,
Paaway at Pamatay)” ni Eros Atalia kung saan, ayon sa blogger na si William
Rodriguez, tinatalakay ang “samu’t saring pangyayari sa lipunan sa paraang
madaling unawain dahil simple lang ang paggamit ng wika.” Inilathala naman
nitong Mayo 2012 ang koleksiyon ng mga dagli ni Jack Alvarez na may
pamagat na "Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga" na ayon kay Aguila:
"Naiangat ni Jack Alvarez ang dagli sa isang sining ng paglikha ng malaking
daigdig mula sa maliit at partikular na karanasan… Isang makabuluhang
kontribusyon ito sa panitikan ng bansa.
Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa tulang
tuluyan, pasingaw, at proto-fiction o micro-fiction sa Ingles.
Narito ang isang halimbawa ng dagli na isinulat ni Salvador R. Barros
"Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at
reporter ay may malaking ipinagkakaiba.”
"Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila.”
"Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig.”

Ano na nga ba ang Panitikan sa panahon ngayon?

37
Ang Panitikan at Pagsasabansa sa Pagdalumat ng
Limang Iskolar Pampanitikan
Ni John Clifford Sibayan - Squeeze - April 26, 2020

38
Challenge, kung gayon, sa lahat na makaigpaw sa simpleng
pagsusulat o pagbabasa ng naratibo. Dahil may pangangailangan palagi na
halukayin ang mga sistemang naikintal sa mga obra.

Limang iskolar at manunuring pampanitikan ang pagtutuunan ng


pansin hinggil sa kanilang pagdiskurso sa panitikan at hinggil sa proyekto ng
pagsasabansa sa larangan ng panitikan. Sa pagsuong sa mga perspektiba ng
mga iskolar na sina Bienvenido Lumbera, Rosario Cruz Lucero, Resil Mojares,
Damiana Eugenio at E. San Juan ay minarapat na paghimay- himayin at
pagtagni-tagniin ang kanilang kaalaman upang makaambag sa pagdebelop ng
panunuring pampanitikan at ang halaga nito sa usapin ng pagbubo ng bansa
o bansa-estado (nation-state).

Masasabing ang mga kontemporaryong akademiya ay tigib ng mga


makabagong ideolohiya, politika, teknik, sensibilidad at estratehiya na
ipinamamalas ng mga iskolar. Ang mga kontemporaryong panitikan at
panunuri ay nagrereplika sa mga isyu ng ating panahon, marahil ay palasak o
kung hindi naman ay mayroong puwang ang mga bagay na walang boses
upang patampukin at bigyan ng puwang. Hindi tayo nalalayo sa mga
tunggaliang umiigpaw sa ating lipunan at gaya ng mga tunggalian sa loob ng
panitikan, kinakailangan ng pag-aaklas at pagbaklas sa kasalukuyang
kaayusan at lumikha ng espasyong mapagpalaya sa kamalayan ng bawat
tauhan at mamamayan.

Kaugnay ng ganitong hamon ay hamon rin sa pagharap ng mga


mambabasa at kritiko sa mga bago o makabagong panitikan. Ang paggamit
sa mga singkretikong porma ng panulat ay nagbibigay impresyon at asersyon
sa kamalayan ng mga mambabasa tungo sa isang mapagpalayang
pambansang panitikan.

Ang paglapat sa mga taal ng kaalaman mula sa mga rehiyon, pag-


alpas sa mga “Luzon centric” at “urban centric” na panitikan at pagpapalutang
ng dayalektika ng historikal, kultural at moda ng produksyon sa paglikha ng
panitikan – ang mga ito ay marapat na balikatin sa tunguhin ng pagsulat at
pagsuri ng mga panitikan at proyektong pagsasabansa. Kabilang rin rito ang
pagpapalaya sa bawat uri at pagbalikwas sa neoliberalismong propagandang
ideyalista, konserbatibo at sentimental, na pawing itinatambol ng hegemonya
na siyang nagpapalabnaw sa sensibilidad at “fluidity” ng mga
kontemporaryong nobelang Filipino.

Ipinapakita sa sinuring iskolar pampanitikan na ang kanilang mga


posisyong pampanitikan at pambansa ay hindi lamang nakakulong sa
“vacuum” o matatagpuan sa kawalan, dahil sila mismo ay produkto ng lipunan,
may kinabibilangang uring panlipunan, kultura at sub- kultura, at grupo.

Sa madaling sabi, may biases ang mga manunulat at iskolar na ito.


Hindi totoong inosente dahil may pinapanigan. Hindi inosente ang manunulat-

39
iskolar dahil lahat ng manunulat-iskolar ay may kinikilingan. Mayroon silang
pagpapasya na pumanig sa mga tunggaliang nagaganap: maaaring pumanig
ito sa mga naghaharing uri, burgesya, manggagawa o magsasaka, at maaari
ring maging ideyalista, sentimental o mapagpalaya.

Pag-aangkin at Muling Pag-aakda Bilang Pampanitikang


Subersyon: Damiana Eugenio

Para kay Damiana Eugenio ang panitikan ay maaaring pag-aangkin


at muling pag-aakda bilang subersyong pampanitikan. Sa lawak ng
impluwensiya ng mga Kastilang kolonisador sa kultura at panitikan ng mga
Filipino, inaakala ng marami na ang mga kasalukuyang panitikan at kultura ay
taal o sinauna. Sa katunayan, kapag nababanggit ang “sinauna o katutubong
panitikan,” inaakala ng marami na ito’y iyong mga “matandang panitikan at
kultura noong panahon ng Kastila.”

Ngunit sa mga pag-aaral ni Damiana Eugenio sa larangan ng folk at


sa larangan ng mga sinkretikong panitikan sa bansa, makikita na ang
pagpataw ng kolonyalismo ay hindi laging buong-buo, dahil may mga antas ng
subersyon na ginagawa ang mamamayan.

Kilala si Eugenio bilang isang “folklorista” ngunit bukod sa folklore ay


nagbibigay- empasis si Eugenio sa mga subersyong kultural tulad ng sa
panitikan kahit pa may impluwensiyang dayuhan. Naniniwala si Eugenio na
matingkad sa mga bayang inaapi ang pag- aangkin at muling-pag-aakda dahil
ito’y paraan upang maigiit ang kaakuhan ng mga sinasakop na bansa.

Sa kaniyang pag-aaral na Awit and Korido: A Study of Fifty Metrical


Romances in Relation to Their Sources and Analogues, sinabi ni Eugenio na
ang “main purpose of this study is to trace fifty representative Philippine
metrical romances, locally called awits and koridos, to their sources and
analogues in order to determine their place in the popular narrative tradition of
the world.” (1965, xiv)

Sa pag-aaral ni Eugenio, ipinakita niya na habang kailangang ilarawan


at tukuyin ang subject matter, porma, awtor, at awdyens ng isang akda ay
kailangan ring taluntunin ang kasaysayan, paraan ng diseminasyon, mga
motif, source (pinagmulan) at analogue ng mga akdang pampanitikan. Ang
mga elementong ito, malay man o hindi si Eugenio, ay ang tatawagin kalaunan
ng mga Marxista bilang “mode of literary production” – o pag-aaral ng mga
sangkap kung paano nabuo, sino ang nagbuo, para kanino at iba pa ang
panitikang nililikha.

Malinaw rin kay Eugenio na ang pag-aaral at paglikha ng panitikan ay


bahagi ng representasyon ng bansa – maaaring representasyon ng pang-
araw-araw na pamumuhay, reaksyon sa mga kolonisador at lokal na mga
gahum, politikal na imahinasyon ng pagpapalaya, representasyon ng pag-asa

40
at ginhawa, at marami pang iba. Ang pag-aaral ng awit at corrido, mga metrical
romance mula sa tradisyong Europeo at Castellano, ay hindi dapat tinitingnan
lamang bilang one-sided o makaisang-panig na pagkubabaw ng mga Kastila
sa bansa.

Ang pag-unlad ng mga awit at korido ay talagang dumaan sa


indihinesasyon. Mahihiwatigan sa indihenisasyon ito ang masasabing
proyektong pampanitikan at proyekto ng pagsasabansa – ang interbensiyon
sa kolonyal na porma, paglangkap rito ng mga pagpapahalaga, politika,
ekonomiya at iba pang aspirasyon ng mamamayang sinakop. Makailang ulit
nang nabanggit ang kaso ng koridong Bernardo Carpio na “inangkin” ng mga
Filipino bilang “rebisyong politikal” dahil pinagbitbit ito ng bagong identidad at
sosyo-kultural at politikal na layunin. Nariyan rin ang Florante at Laura ni
Francisco Baltazar na sa matagal na pagdedebate ay nalantad ang pagiging
alegorya nito laban sa mga kolonyalismo at pyudalimsong Kastila.

Samakatuwid, ang “talaban” ng taal at dayuhan ay nakalilikha rin, dahil


sa subersyon ng mamamayan, ng mga subersibong akda na maikakategorisa
bilang “tungo sa pagpapalaya” ng bansa.

Ang Dayalektika ng Porma: Resil B. Mojares

Ang akda ni Resil Mojares ay isang “generic study” ng nobelang


Filipino hanggang 1940. Ipinamalas ni Mojares ang kasigasigan ng pag-aaral
sa nobela batay sa mga “pinagmulan at impluwensiya” nito sa pag-usad ng
kasaysayan. Itinatampok sa akda na ang nobela ay dumaraan sa prosesong
dayalektikal – na ang pagkalikha ng nobela ay bunga ng ugnayan ng tao sa
kanyang lipunan.

Itinuturo ng akda kung paanong maiuugat sa mga oral na tradisyon at


iba pang kultural na tradisyon ng mga katutubo, taal at rehiyunal ang
panitikang nakalimbag na ito na nagmula pa sa tradisyong Europeo at
Castellano. Makikita, kung gayon, na ang nobela – at ang panitikan sa
kabuuan – ay hindi lamang basta nakalimbag kung hindi malaking bahagdan
nito ay nasa “oral” na tradisyon. Ang kasiningan nito ay nasa esensya ng
“consciousness” at kaisahan ng komunidad na siyang nagtagni-tagni ng
kamalayang nakapaloob sa nalikhang panitik. Ibig sabihin mayroong esensya
ng “collectiveness” na nakabatay sa materyal na kondisyon ng isang
komunidad at lipunang kinagagalawan nito.

Sa akdang ito ni Mojares, siya’y bumatay sa mga dialektika ng


kasaysayan mula sa sinaunang praktika ng mga Pilipino, hanggang sa
pagpasok ng kolonyalismong Kastila at imperyalismong Amerikano. Inilihad
niya na kahit kolonyal ang porma na ikinikintal sa mga Pilipino ay hindi naman
ito niyakap nang buo sapagkat nagkaroon ng “naturalization,” “indigenization,”
“Filipinization,” o paglapat ng kulturang Pilipino sa hulma ng pormang kolonyal
sa paglikha ng panitikan.

41
Sa katunayan sinabi ni Mojares na “the second fact about the Filipino
novel is its syncretic form. It has combined simpler forms or elements from
these forms. This syncretism is not only a purely literary phenomenon but
involves the way structure of the Filipino novel was conditioned by the facts of
its social context”. (1983, 367) ang proseso ng pagsusuri ni Mojares ay
tinatawag sa istrukuralismo. Sa “generic study,” ang mga teksto ay pinag-
aaralan batay sa kanilang historikal na koneksyon sa lipunan at batay sa mga
tradisyon na nakaimpluwensya sa pagkalikha ng nobela, kabilang ang istrutura
o porma at nilalaman nito.

Sa pag-aaral ni Mojares, siniguro niya na hindi lamang tutuon sa mga


Tagalog na nobela ang kanyang pag-aaral bagama’t mas maraming Tagalog
na nobela ang nalikha noon. Tinahak nito maging ang mga rehiyunal na
nobela’t panitikan para sa proyekto ng “pambansang panitikan.” Sa paglikha
ng ganitong konsepto ay marapat na mayroong representasyon ang bawat
wika, kultura at rehiyon sa bansa upang mapalawak ang saklaw ng pag-aaral
at sa paglikha ng “kasaysayang pampanitikan”.

Ang pag-aaral ni Mojares sa kasaysayan at tradisyon ng mga


nobelang Pilipino ay masasabing malalim at masaklaw ang kanyang ginawang
pananaliksik. Dulot nito, maging ang ating mga oral na porma ng panitikan
tulad ng kuwentong bayan at mga epiko gaya ng Lam-ang at Ulahingan, at
kung paanong nakaimpluwensya ang mga kaisipang dayuhan sa mga sining
na ito sa pagdaan ng mga panahon. Sinabi rin ni Mojares na ang panitikan ay
hindi lamang nakalimbag kung hindi mas malaking bahagdan nito ay nasa
“oral” na tradisyon. Nangangahulugan ito na mayroong esensya ng
“collectiveness” na nakabatay sa materyal na kondisyon ng isang komunidad
at lipunang kinagagalawan nito.

Sa katunayan, ayon kay Mojares, “Oral, traditional literature is


impressive for both its fluidity and stability. Its fluidity lies in its multiformity, its
tendency to manifest itself in varying forms (tale, epic, proverb, ballad, and
others), its capacity to evolve many combinations with the use of a limited set
of elements (formulas, motifs, themes), and its openness to continuing re-
creation.

In the above can also be perceives its stability: its tendency to express
itself within a limited or definable orbit of ideas and stylistic features. Even
when this literature is damaged by the intrusion of elements foreign to its
mental and technical processes, vestigial traces of this literary art remain with
what succeeds it”. (1983, 18-19) Maganda ang pormulasyon at asersyong ito
ni Mojares dahil ipinapakita nito ang “form,” “structure” at “content” ng panitikan
ay dumaraan sa proseso ng dayalektika ng ugnayan ng tao sa kanyag lipunan.

Mahalaga rin ang diskursong pampanitikan ni Mojares sa


pamamagitan ng pagpapatampok na ang pambansang panitikan at usapin ng
pagsasabansa ay hindi lamang dapat nasa mga establisadong lokus tulad ng

42
Maynila at Luzon. Hindi lamang Tagalog ang panitikan at wikang Filipino. Kung
kaya’t mahalaga ang pagpapatampok at pagpapaunlad ng panitikan ng mga
rehiyon, dahil mahalaga ito sa pagbubuo ng mas malawak at mas matibay ang
kaisahan na pambansang panitikan.

Mula Pormalismo Tungong Marxismo: Bienvenido Lumbera

Nagsimula si Bienvenido Lumbera bilang isang pormalista. Ngunit


nang kaniyang mapagtanto ang kakulangan at kahungkagan ng pormalismo –
at dahil na rin sa ”pakikipamuhay sa masa” at paglahok sa mga pangkulturang
palihan – nakita ni Lumbera ang halaga ng Marxismo, Leninismo at Maoismo
bilang mga mapagpalayang teorya.

Nahulma si Lumbera sa “New Criticism” o “formalist approach” ng


panunuring panitikan, ngunit nang lumaon ay nakita niya ang kakapusan ng
teorya lalo na’t tinutungo lamang nito ang “estetika” ng porma at hindi ang
nilalaman nito. Samakatuwid, ang “new criticism” ay ideolohikal na instrumento
ng “hegemony” upang ihiwalay ang panitikan sa mamamayan dahil sa “linear”
lamang nitong tinatanaw ang analisis sa isang sining o panitikan. Kung kaya’t
ang pagsandig ni Lumbera kalaunan sa Marxismo ay nagbunsod sa pag-aaral
ng panitikan at ang relasyon nito sa tao at lipunan.

Binaybay ni Lumbera sa Tagalog Poetry ang oral na tradisyon ng


pagtula ng mga katutubong sinaunang Pilipino hanggang sa mga akda ng
protesta at rebolusyon ng mga kilusang Propagandista at Katipunero.
Sumentro siya sa pag-aaral ng mga tulang naprodyus ng rehiyong Tagalog.

Ipinakita ni Lumbera sa kanyang libro ang mga salik na nakaapekto sa


panitikang Tagalog bago at ang pananakop ng mga Kastila sa bansa.
Sinalaysay niya na ang panitikan ay tagapagsalaysay ng kasaysayan,
tunggalian at kultura ng lipunang sinakop at lipunang mananakop. Tinungo rin
ni Lumbera ang “social milieu” ng mga tulang Tagalog bago at sa panahon ng
pananakop at ng pagsiklab ng rebolusyon sa pangunguna ng mga katipunero.
Ipinakita rito ni Lumbera ang silbi ng mga tulang Tagalog bilang
representasyon at buhay ng mga Tagalog sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan,
sa iba’t ibang antas ng uring panlipunan, at sa samu’t saring grupong
kinabibilangan.

Ayon kay Lumbera, hindi pasibo ang mga tula sa porma’t nilalaman.
Ganito ang tinalakay ni Lumbera sa sumusunod na mga kabanata ng kanyang
libro: “Assimilation and Synthesis (1700-1800)”, “The Consolidation of
Tradition (1800-1882)”, “Florante at Laura: The Formalization if Tradition” at
“Postscript: Poetry and the Revolution (1882-1898). Nag-iibayo, nagbabago,
umuunlad o hindi umuunlad ang panitikan batay sa mga puwersa at
kaganapang panlipunan.

43
Ang panitikang pambansa kay Lumbera ay dapat kinabibilangan ng
lahat ng panitikan na matatagpuan sa bansa ano man ang wika. Ngunit
mayroong partikularidad sa mga wika at panitikang rehiyunanl dahil naisantabi
ito ng “Spanish-, American- at Tagalog-” centric na

akademya. Kabilang din sa pagbubuo ng pambansang panitikan ay


ang iba’t ibang porma at

tradisyon ng panitikan, mapa-oral man o nakalimbag. Sinasabi ni


Lumbera na marapat na pagyamanin at kilalanin ang mga tunggalian ng mga
uri’t puwersang nagbabanggan sa perspektibang ideolohikal at politikal.

Ang diskursong nililinyahan ni Lumbera ay nakabatay sa paglikha ng


pambansang panitikan, na batay rin sa tunggalian ng mga uri at paglangkap
sa materyal na kondisyon at panahon ng mga sining o panitikang napoprodyus
sa pagdaan ng panahon. Halimbawa, kung sino ang may hawak ng politikal at
pang-ekonomiyang kapangyarihan ay siya ang may mas malawak na
kakayanan upang magdikta. Ganito ang makikita sa sinaad ni Lumbera tungkol
sa “literary dictator” noong panahon ng kolonyalismong Kastila sa bansa: “The
principalia, composed of leading citizens used by the colonial government as
liaison officers in dealing with the native populace, was the literate part of the
audience for Tagalog poetry, and their taste, added to the ‘vested interest’ of
the parish priest, shaped the development of poetry at this point in history. The
role of the parish priest as a literary dictator during the period was
unchallenged”. (2001, 51)

Makikita kung gayon na ang panitikan – ang tula – ay naging


instrument ng paghahari ng mga Kastila. Ngunit ayon kay Lumbera, bagamat
nariyan ang hegemonyang Kastila ay patuloy sa paglangkap ng mga kolonyal
na porma ng panitikan ang mga Tagalog – at laging may lugar para sa
“interbensiyon” ng mga Tagalog.

Ibig sabihin, ginamit ang mga kolonyal na porma upang langkapan ng


sariling kultura at kaisipang pangkasarinlan ang mga panitikan. Nagkaroon ng
pagpasok ng mga elemento ng “subersyon” at “indiginisasyon” laban at tugon
sa namamayaning kaayusan.

At sa ganitong punto, makikita na ang proyekto ni Lumbera sa


panitikan at sa pagsasabansa ay malinaw na hindi maipaghihiwalay.
Instrumento ang tula para sa pananakop, ngunit instrumento rin ito ng
pagpapalaya – kung kaya kailangan itong lalong panghawakan ng
mamamayan upang masigurong kritikal at mapagpalaya ang maikintal sa mga
tula at sa mga makata at sa mambabasa / makikinig at sa mamamayan.

44
Panitikan ng Mamamayan, Panitikang Anti-Imperyalista:
Epifanio San Juan

Ang konsepto ni Epifanio San Juan ng panitikan ay likha ng o nilikha


para magsilbi sa tunay na interes ng mga mamamayan. Tinagurian niya itong
“people’s literature” o panitikan ng mamamayan. Sinususog nito ang isang
panitikan o likhang sining na nagrereplika sa materyal na kaayusan at
dumudulo sa pagkilala sa mga uring panlipunan at tunggalian sa loob ng
bayan.

Sa kanyang akdang Toward a People’s Literature: Essays in the


Dialectics of Praxis and Contradiction in Philippine Writing, sinabi ni San Juan
na, “Suffice it for me to state that any working model of the functions of art and
literature, of human communication, implies a conceptual framework or
paradigm about the world, a whole philosophy of history”. (1984, x)

Ipinapaliwanag nito na ang mga panitikan at likhang sining ay


mayroong paradima at istruktura na nakaayon sa “maka-uring” pilosopiya ng
tao, lipunan at kasaysayang pumaimbulog rito.

Makikita kung paano tinalakay ni San Juan ang kahalagan ng pagiging


“materialist” sa pagsusuri ng kasaysayan, kultura at “social milieu” ng isang
likhang sining (nakalimbag at nasa oral na tradisyon). Makatutulong ito sa
pagpoposisyon ng mga tunggalian sa mga uring panlipunan na kung saan
visible sa lahat ng lipunan. Sabi nga ni San Juan, “A materialist criticism insist
then on the historical specificity of the text and of the writer/reader as always
already positioned within a determinate social totality”. (1984, xi)

Sinasabi rin ni San Juan na higit pa sa pagtingin ng “kariktan” ng isang


panitikan ang usapin ng panunuring pampantikan. Sinasabing bagama’t
mayroon tayong paghanga at admirasyon sa mga ito ay kailangang matalakay
ang nakapaloob na mga ideolohiya, lalo na iyong tindig ng mga akdang
pampanitikan hinggil sa usapin ng kapakanan ng tao, lipunan at bansa.
Samakatuwid, sinabi ni San Juan na “What is at stake then in literary criticism
is more than the appreciation of the ‘verbal icon’ or the autotelic poem, but the
fate of humane culture, the welfare of societies and nations, the future of
humanity itself” (1984, xii) Malinaw kay San Juan na ang panitikan ay hindi
hiwalay sa usapin ng tunggalian ng mga uri at sa usapin ng pagkabansa.

Tungo sa kasaysayan ng pagiging “client state” ng Pilipinas mula sa


gahum ng Estados Unidos, lantad na lantad ang mga politikal na porma’t
kaisipang pinupukol sa kamalayan ng mamamayan. Sa pag-usad ng
imperyalismo o neokolonyalismo na nakatago sa ngalang “globalisasyon” at
“neo-liberalismo,” nadodomina nito ang mga larangang dapat na bantog sa
pagbabandila ng “Pambansang Pantikan”.

45
Nailalayo nito sa materyal at pangkasaysayang batis ng interes ng
marginalisadong bayan sa pagkakarakterisa sa tunay na identidad ng
mamamayan. Pinagtibay ito ni San Juan: “In the first two decades, the practice
of writing reinforced neocolonial policies by purveying escapist fantasies and
sentimental melodrama. Folk art was relegated to the museum and tourist
shops. Subjective idealism and egocentric withdrawal from public life
characterize the writings of the first generation of English-speaking writers
aspiring to communicate to their American “superiors”. (1984, 73)

Tila inilalagay sa “pedestal” ng naghaharing uri at gahum ang aktwal


na mukha ng “Pambansang Panitikan.” Hindi naman maipagkakaila ang
propaganda ng pangungondisyon ng gahum sa pamamagitan ng mga
kaisipang ideyalista at sentimentalista na malayo sa materyal na karakter ng
mamamayan.

Dagdag pa ni San Juan: “It means finally for the critic a recognition and
interpretation of any literary work as a specific linguistic practice, the product
of a world-view construed as the theoretical expression of a particular social
class and its praxis. Indeed it should be a truism by now that ideas and their
signifying capacity always belong to specific individuals definable only within a
class and understandable only within the limits of a specific historical
conjuncture” (1984, 84) Kung sino mang lumilikha ng panitikan ay repleksyon
ng kanyang uri sa lipunan tungo sa pagsusuri ng moda ng pampanitikang
produksyon. Ibig sabihin ang panitikan para kay San Juan ay nakabatay sa
uring panlipunan at ispesipikong historikal at kultural na panlipunang
konteksto. Dahil rin natukoy na ang pagdodomina ng imperyalismo o
neokolonyalismo ay isang malaking-malaking salik sa kahirapan at opresyon
sa Pilipinas, itinatakda ni San Juan na ang panitikan – ang pambansang
panitikan – ay kailangang maging maka-mamamayan at anti- imperyalista.

Ang Panitikan at Lunan sa Labas ng Maynila: Ang Bayan sa


Labas ng Maynila ni Rosario Cruz Lucero

Ang panitikan para kay Rosario Cruz Lucero ay hindi lamang


nakukupot sa Tagalog at sa Luzon. Sa halip, kasama rin rito ang mga
panitikang umusbong sa bawat rehiyon sa bansa. Idiniin ni Lucero na ang mga
manunulat na galing sa mga rehiyon ay kailangang bumalik sa taal ng kanilang
paglikha ng panitikan upang makaambag sa tunay na pambansang panitikan.

Dagdag ni Lucero na mahalagang ugatin ang mga kultural na


tradisyon ng bayan sa pagkintal ng karakter at mukha ng mamamayan, sa
pagpapainog ng materyal na kondisyon ng marginalisadong mga rehiyon at
bayan. Sa isang bansa na napaka-diverse sa kultura buhat sa mga iba’t ibang
pangkat sa bansa ay hindi dapat ikinakahon ang mga kagawian ng mga ito lalo
pa’t sa panahon ng “globalization” na mayroong agresyon na dominahin ang
“landscape” ng politikal na kamalayan ng mamamayan sa pagtangkilik ng
labas sa ating kultura’t paniniwala.

46
Tigib ang panitikan ng bansa ng mga ideolohiya na marapat pang
tuklasin, gaya ng sinasabi ni Lucero. Isang hamon ito upang palaganapin hindi
lamang ang aspeto ng “admirasyon” sa mga likhang sining kung hindi
paglalapat ng iba’t ibang porma, anyo, kamalayan na mula sa iba’t ibang
rehiyon sa bansa sa pagpapanday ng panitikang pambansa na lunan ng
dayalektika ng kasaysayan at kultura.

Isang asersyon na sinabi ni Lucero na, “We have our own story to tell.”
Dahil ang mga kuwento o panitikang ito ay napakarami at napakalalim na
balon ng mga kultura, politika at ideolohiyang likha mismo at napaunlad ng
mga mamamayan. Dapat ipatampok sa panitikan na mayroon sa bansa ang
pagsusog sa panlipunang kamalayan ng mamamayan at mga tunggalian ng
mga uring panlipunan at mga kultural na kasarinlan ng bayan, kaiba sa
“western propaganda” ng romantisismo, kolonyalismo at imperyalismo sa mga
likhang sining na mas lalong nagpapalabnaw sa ating kamalayan.

P.S.

Hindi madaling trabaho o ehersisyo ang pagbabasa at pagkritiko.


Hinihingi sa kapwa manunulat at mambabasa-kritiko ang maging kritikal sa
mga isyung nagsasanga-sanga sa lipunan. Laging ipinaaalala sa pag-aaral ng
mga teoryang pampanitikan, panunuring pampanitikan at “sources and
influences” na ang panitikan ay hindi lamang simpleng likha ng indibidwal,
kundi ito’y sintesis ng indibidwal at ng lipunang kaniyang iniinugan at
dinadanasan. Dayalektikal at mahigpit na magkaugnay ang anumang mga
naisasapanitik ng manunulat – at gayundin, aktibo ang mambabasa at kritiko
sa kaniyang pagbabasa at pagsusuri. Kinakailangang kapwa umunlad ang
manunulat at mambabasa at ang kritiko upang lalo pang mapagtagumpayan
ang pampanitikang proyekto ng pagbubuo ng pambansang panitikan at ng
mapagpalayang pambansang panitikan.

Hinihiling rin sa manunulat, mambabasa at kritiko ang pagpahintulot na


umalpas mula sa mga kahon na ipinataw ng nauna nang mga tagahawan ng
panitikan – kabilang ang mga dominanteng kalakaran ng kolonyal at
neokolonyal na pamantayan, ang paggigiit ng konsumerismo at imperyalistang
lohika, at ang marami pang mukha ng mga opresibong sistema sa lipunan.

Challenge, kung gayon, sa lahat na makaigpaw sa simpleng pagsusulat


o pagbabasa ng naratibo. Dahil may pangangailangan palagi na halukayin ang
mga sistemang naikintal sa mga obra.

Sanggunian:

Damiana Ligon Eugenio. Awit and Korido: A Study of Fifty Philippine Metrical
Romances in Relation to Their Sources and Analogues. (Dissertation). Los
Angeles: University of California. 1965.

47
Rosario Cruz Lucero. Ang Bayan sa Labas ng Maynila. Quezon City: Ateneo de
Manila University Press. 2007.
Bienvenido L. Lumbera. Tagalog Poetry 1570-1898: Tradition and Influences in its
Development. Quezon City: Ateneo de Manila University Press. 2001.
Resil Mojares. Origins and Rise of the Filipino Novel. Quezon City: University of the
Philippines Press. 1983.

Pagsasanay
Pangalan:________________________________Petsa:_____________
Kurso/Seksiyon:__________________________Marka:_____________
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa bawat bilang. Ipaliwanag sa tatlo
hanggang 5 pangungusap ang iyong kasagutan.

1. Sa iyong sariling opinyon, ayon sa iyong nabasa ano ang katayuan at


magiging tunguhin pa ng panitikan sa Bansa?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Ano ang kahalagahan ng Panitikan sa kasalukuyan, paano natin ito
mas lalong mapalalakas?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
3. Ano ang Kontemporanyong Panitikan?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

ARALIN II
MGA KONTEMPORANYONG AKDANG PAMPANITIKAN

LAYUNIN
● Nakababasa ng mga kontemporanyong akdang pampanitikan;
● Natutukoy ang kahalagahan nito sa pagpapaunlad ng panitikan sa bansa.

48
● Nakikilala ang mga bantog na manunulat sa kasalukuyan.
● Nasusuri ang mga isyung panlipunang tinalakay ng bawat akda.
● Nagiging kritikal ang kaisipan ukol sa mga isyung inihayag at;
● Nakapagbibigay ng sariling kuro o opinyon hinggil sa isyung napag-usapan sa
akda.

Paunang Pagtataya

Pangalan:________________________________Petsa:_____________
Kurso/Seksiyon:__________________________Marka:_____________
Panuto: Magbigay ng mga salitang sa tingin mo ay katugma ng mga salitang nasa
bawat kahon. Ipaliwanag ang iyong kasagutan.

Pambansang Minorya Kababaihan

Imperyalista Karaniwang Tao

49
RUTH ELYNIA S. MABANGLO

Si Ruth Elynia S. Mabanglo ay


ipinanganak noong Marso 30, 1949, sa
Lungsod ng Maynila. Ang kanyang mga
magulang ay sina Fortunato at Miguela
Mabanglo

Siya ay retiradong propessor sa


University of Hawaii sa Manoa. Isang
coordinator para sa Kagawaran ng Hawaiian
at Indo-Pacific at wika, at ang Filipino at
Literatura.

Nagsimulan magturo ng Filipino noong


1985. Ginawaran ng dating Pangulong
Aquino ng Presidential Award for Filipino Individuals and Organization Overseas
“Pamana ng Pilipino” category.

Anyaya Ng Imperyalista
Ni Ruth Elynia Mabanglo

Mahigpit ang paanyaya mo,

Ang di pagdalo maaaring ipagtampo.

Sabi ng tarheta, huwag na hindi dumating

Kinabukasan mo ang isa sa mga hain.

Habol pang sulat nagsasabing

Akung-ako lamang ang panauhin.

Naniwala ako, kinilig pa mandin,

Sa wakas, isang mariwasa ang nakapansin.

Bumili ako ng bagong damit,

Nakipagtipan sa meyk-ap artist:

Sa suot at ayos, kailangang 'da bes'

50
Upang di mapintasan ng pinoprospek.

Ay siyanga pala, siya ang bos ng kompanya,

Tira ako nang tira'y di n'yo pa kilala.

Hanep sa yaman, huwag mong isnabin,

Ang daming asyenda, katakut-takot ang bilding.

Balita ko pa, nakasawsaw siya,

Sa mga konsesyon ng gobyerno sa abono at troso.

Kaya naman nang hapong dumating ang anyaya,

Puso't isip ko'y naging alisaga.

Inilibot ako ng libong lirip,

Nagumong mabuti sa pananabik;

Ang pobre talaga kung dinadangal

Wisyo'y tumitiwalag sa katawan.

Sa silakbo ng tuwa, katwira'y nauutas

Umaalindog ang pagkapahat.

Sumapit ang hapunang sa kalendaryo'y nahunos,

Inukilkil ako ng telepono't relos--

Hinuhugot ko ang buntonghininga

Hangga't di nararating ang pook na pinetsa.

At naroroon na nga siya,

Tunay na maginoong may papiyesta.

Tumayo siyang gaya ng nararapat,

Ang panauhin, sinalubong agad.

Iniabot ang palad sa aking naglilipak,

Halos tumakas ang aking ulirat.

51
Kayganda, kayrangya, ng buong paligid,

Ang loob ng silid, tila panaginip.

May nakasabit na Amorsolo't Manansala,

Puro 'orig', hindi kopya.

May lilok na Navarro, Saprid at Joya,

Esperenza't Bechaves ang mga bulaklak na nagdipa.

Nakatuksedong itim ang aking host,

Pakiramdam ko sa sarili'y dumi sa sulok.

Noon kumatok ang alinlangan,

Ano ba ang dahil nitong hapunan?

Ngayong inihahambing ang sarili sa paligid,

Natastas ang tuwa ko't balisa'y bumahid.

Naalala ang pluma at pangalang naiwan

Sa isang munting hapag ng upahang-silid.

Mula nga pala nang paanyaya'y dumating,

Langhap ng talinhaga'y nawala sa hangin,

Pinangaw ng pangarap ang makinilyang himig,

Nakipil na rin ang hiyaw ng dibdib.

"Maupo ka," sabing magiliw nitong ginoo

Na may lagda't salitang ipinanganganino.

Samsam ng takot na ako'y sumunod,

Isa mang kataga'y di naibuntot.

"Magilas na magilas, kung ika'y manaludtod,

Ang daing ng dusta'y naihihimutok.

Lahat kaming kampante't bantulot

52
Inuutas mo sa tahimik na puyos."

Natulos ako sa pagkakaupo,

Nasulsihan ang labi't mata'y iniyuko.

Dayuhan pala'y maalam sa tulain

Niring bayan kong alaga ng dilim.

Noon nasalab ng tanto ang puso,

Ito'y paanyayang kinulit ng kuro.

Para namang nabasa ang isip,

Sabi mo'y huwag akong pahamig sa inip.

"Ang totoo," pagtatapat mo,

"Matagal na akong hanga sa 'yo.

May salansan ka ng salitang talagang pambihira.

Pumapangit na lalo ang pangit,

Nasusulsulan mo ang dapat magalit.

Tuwang-tuwa ako sa iyo noong una,

Okey lang, ikako, kung may kumakasa."

Kalkulado ang tinig ng may-paanyaya,

Tinatabsing ang dugo kong nawalan ng sigla.

Nagkakanulo ang tinig ng ginoo

Ginigiyagis ako hanggang buto.

"Sabi nila, kayong mga Pinoy, okey makisama,

Kahit ipangutang, pakakanin ang bisita.

Marunong daw kayong mangutang ng loob,

Habambuhay nang nagbabayad, di pa makatagpos.

Dito ko ibinatay ang mabangong programa,

53
Bigyan ng dyanket ang kontra-kapitalista.

Ginawa kong totoo ang alamat ng snow,

Nakita mo ang New York at Chicago."

Kumudlit sa gunita ang iniandot na biyaya,

Galing sa langit, iyon ang akala.

Ang langit pala'y itong kaharap,

Abot-mata't abot-hawak

Ngunit di magagap ng diwang pahat.

Ibig kong noo'y hubarin ang danas,

Sabihin sa balat, limutin ang yakap

Ng mga kaibigang doo'y nahanap.

"Nguni't ano ang ginawa mo?"

Patuloy ang imperyalista sa kanyang litanya.

"Binansagan mo akong kultura ng kubeta,

Isang lobong nakasuot-tupa."

"At ang hapuna'y isang pakana?"

Kumakatok ang poot sa aking diwa.

"Di ba't sa dyanket, ika'y nagpasasa?

Nagunit nang magbalik, di tumingala.

Sa aking bahay, limang buwan kang tumahan."

Munti mang pasalamat, di ka naringgan.

"Dapat bang ipagpasalamat ang aking pagbabago?

Umuwi akong hindi na ako.

Panitikan mo ang iginuguhit ng aking panulat.

Dila ko'y pagkain mo ang hinahanap.

54
Pati ang wika kong dati'y matatas

Nakabuhol ang salita mong hindi ko mabaklas.

Anino kitang kinakaladkad

Naitatago lamang kung walang liwanag.

Kailangan kang puksain sa aking pagkatao,

Kailangang iwaglit ng aking anino."

Umuusok ang halakhak ng ginoo,

Humigpit ang tikom ng aking kamao.

"Ngayo'y naloko mo na naman ako.

Alam na alam mo kung paano manghamak

Pagkat napipihong bituka'y sumasala

At ang ganitong anyaya'y mabibihira.

Alam mo ring ikasasanhi ng pagmamalaki

Dahil pinuno kang pumansin ng pulubi."

Muli'y sumagot ang isang halakhak,

Nahahagkis ang dingding sa sobrang lakas.

Umilap ang mata ko sa pag-alab ng hangad,

Kailangang sa pagsubok ako'y lumagpas.

Tinakbo ko ang pinto, ngunit sumara,

Isang pindot lang ng remote ang aking pag-asa.

"Gahasa ba?" kinipil ko sa tinig ang kaba.

"Hindi na ako donselya!

Marami nang dayuhan ang nauna!

Naanakan na ako, hindi lang buko."

"Sampu sampera. 'Di ko papatusin

55
Kahit ka mamanata!"

At ako'y nalibid sa isang iglap

Ng isang matalim na liwanag.

Isang magaang na koryente ang gumapang sa balat,

Sa bawat galaw ko'y humihigpit ang banat.

Isang hapunan ang aking dinaluhan,

Ako pala ang pagkaing lalantakan.

Una akong nabiyak sa tiyan,

Lumuwa ang atay ng pangangailangan.

Nasiyahan mandin sa lumobong minudensiya,

Sinimulang panghalin ang apdo at bituka.

Sa pait nakatanim ang aking pasya,

Sa asim nakahulma ang pagnanasa.

Nagkulapol ang dugo sa kanyang bunganga,

Ang daliri'y basa ng laway ko't luha.

Nililipatan ng talahib ang labi kong

Batingaw,

Nagtutundos ng krus

Ang pangarap na tumiwangwang.

Kagat dito, kagat doon,

Umabot siya hanggang puson.

Dapat siyang masiyahan,

Doon ako nagkapangalan.

Ang puson ang nagbibigay ng depinisyon,

Bahay-bata ang nagbubukas ng pagkakataon.

56
"Ito ang pinakamasarap na bahay,"

Namumuwalang huminto ang lalaki.

Ipinikit ko ang mga mata, kailangang

Igalang ang alaala.

Nakaukit sa dingding ng matris

Ang pumasong liyab, ang dumaang danas,

Talisuyong sa bungo'y tumarak

Nakalibing sa siwang ng buwanang danas.

Ulo't galamay na lamang ako,

Buhay pa ri't di namimiligro.

Tumatangging pahamig ang aking isip,

Sa mukha ko'y di puputla ang silahis.

Kuwadrong may pinta ang malay,

Paksa'y ako ring ayaw mamatay.

Saka binalingan ng mandarambong

Ang kanan kong kamay.

Hinlalaki't hintuturo'y pinangos.

Umaringking ako sa sakit na sumudsod.

Ito na, ito na, ang aking krus.

Maginoong imperyalista!

Lahat na ng bahagi ko huwag lang ang kanang kamay,

Huwag lang ang nagsusulat na kamay!

Daliri ang ina ng madlang salita,

Daliri ang humuhugis niring talinghaga.

Hindi pa nga natatapos ang salita ko.

57
Isa pang hinlalaki't hintuturo

Ang sa napangal na bahagi'y tumubo.

Ang dalawa'y muling kinagat,

Ang hinlalato'y isinama pa.

Ilang saglit lanmang at muling napalitan

Ang tatlong nilapang niya.

Nginangatngat ako ng kirot.

Sa utak, ang sakit, matinding sumusuyod.

Damang-dama kong napipigtas ang daliri,

Nililigis ng ngipin, dinuduhagi.

Wari'y naghahamon sa pagkasiphayo.

Mahihikayat na naman ang gutom na ginoo,

Bawat daliring bumukad

Kinakagat nang walang puknat.

Ginoo,

Walang katapusang paghihirap.

Walang katapusang hamong

Sa aki'y humahagilap.

Magsasawa't mapapagod ka sa pagpanghal,

Mauutas akong ganap

Sa kirot,

Sa lumbay,

Ngunit poot ko'y yayabong,

Tutubong patuloy

Sa sinapupunan ng bumabangong laksang kamay--

58
Kaliwa't kanan,

Pati mga paa kung minsan--

Susubo maging sa libu-libong mata't bibig

Hanggang magtarak ng iba't ibang tunog,

Ritmo at lirip

Sa milyun-milyong papel,

Hanggang magbangong kamao

Yaong di mabilang na mga kamay:

Sisikil sa 'yo,

Sasakal,

Sasakmal.

Tanong: Ano-ano ang isiniwalat ng tulang Anyaya ng Imperyalista ni Ruth


Elynia Mabanglo?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

NONILON V. QUEAÑO

59
Bukod sa pagiging mandudula, si
Nonilon V. Queaño ay isa ring makata,
kuwentista, at kompositor ng musika.

Ilang ulit siyang nagkamit ng gantimpala sa


Palanca, CCP Literary Contest, Palihang
Aurelio Tolentino, Talaang Ginto ng Surian
ng Wikang Pambansa at Timpalak Panitik
ng UP.

Heto ang ilan sa mga premyadong


dulang isinulat niya: Ang Katutubo, Ang
Pagbabalik ng Musikero, Basurahan,
Alipato, Ang Magsasaka, nang Pista sa
Aming Bayan, Hawla, Ang Bangkay, at
Bahay-Bahayan. Lumilikha rin siya ng mga
awit na napatampok hindi lamang sa mga
pagtatanghal ng kanyang dula mismo kundi sa ilang mga konsiyertong pangmusika sa
Metropolitan Theater sa Maynila, sa Baguio, sa mga tribo ng Bulubundukin, at sa iba
pang lugar sa bansa. Nakasulat siya ng ilang kuwento bago pumalaot sa pagsulat ng
dula at may iniingatang ilang dulang pampelikula.

Kabilang sa mga karangalang kanyang tinanggap ay ang titulong “Playwright-


in-Residence” sa UP Baguio at isang gawad-karangalan sa Panitikan nang tanghaling
isa sa natatanging mamamayan ng Tayabas, Quezon –lugar na kanyang sinilangan.
Si Noni ay naging kasapi ng GAT, UP Writers Club at LIMBAG (Lipunan ng mga
Manunulat sa Baguio). Nagturo siya sa UP Baguio at kasalukuyang nagtuturo sa UP
Diliman.

ANG KATUTUBO
Ni Nonilon Queano

MGA TAUHAN

● AKNAM, 36, asawa ni DUNGLAY


● DUNGLAY, 35
● BENITO, 18, kanilang anak
● BAKUYAG, 70, puno ng Tribo ng Adasen
● DON BONDAD, 50, Kapitalista
● SAGMAYAW, 34, takas sa bilanggo
● DEMETRIO, 32, batang kapatid ni BLITAN
● BLITAN, 34, guwardiya sa pabrika
● SANGGUMAY, 33, asawa ni BLITAN
● EDWIN, 14 anak nina BLITAN at SANGGUMAY

60
● TADEO,19, kaibigan ni BENITO
● LEON, 18, kaibigan din ni BENITO
● ALUMAY, 20, asawa ni SAGMAYAW
● TATLONG DIWATA tribo Adasen
● HALIMAW, imperyalistang Amerikano
● MGA PULIS
● ANIWAY MGA KATUTUBO

Ang mga Tingiuan, Tinggian, Tingui-an, o Tingguian, ay pangkat-etniko na


nagmula sa Pilipinas. Pinaniniwalaang nanggaling sila mula sa Palawan. Ang salitang
Tinguian ay nagsimula sa salitang Malay na tinggi na ang ibig sabihin ay "matataas na
lupa".

Sa kariktan ng aming gubat May kapayapaang bumabati sa bawat umaga Sa


pagatan ng mga ngiti ng mga musmos Na supling ng katutubo Pumapagaspas ang
tulain sa papawirin Ng kabundukang malusog sa dampi Ng dalisay n hangin. Nooy
sariwa ang paligid Sa mabining agos Dumadaloy ang awit n luwal Sa dantaong haraya
ng aming mga nimuno. At sa kasayahang aming pinagsaluhan. Sino ang makauunawa
sa lantay na ligaya Pumipintig sa bawat pag-indak, Sa awiting bumubulusok sa piping
kawalan At sa mga tradisyong nabuo sa palitan ng gabi at araw, Masagana kami at
maligaya Hanggang manghimasok ang mga kapitalista Kamkamin ang aming lupa,
Puksain an gaming kagubatan, Labagin ang kabanalan ng aming bundok Ar sabugan
ng maruming usok ang aming kalangitan Sa alipato ng kanilang pabrika. Subalit hindi
kami susuko sa kanilang sistema. Habang ang pagnmamahal naming sa laya ay buhay
Magpapatuloy ang pakikibaka Hanggang inuling mamayani sa aming mga bundok at
gubat, Sa lupaing ng aming mga ninuno. Ang tula, ang awit, ang kariktan.

Tanong: Sa iyong palagay, ano ang estado ng Pambansang Minorya sa bansa,


paano sila nakikita at napapahalagahan sa lipunan?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________

ROLANDO B. TOLENTINO

61
Si Rolando B. Tolentino ang Dekano ng
College of Mass Communication (CMC) sa
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Siya rin ay
nagtuturo at kabilang sa mga guro ng UP Film
Institute. Kamakailan lamang, isa sa mga nanomina
para tumakbong Chanselor ng UP Diliman. Siya ay
nakapagtapos sa kursong Economics at
nakapagtapos din ng masteral sa De La Salle
University. Nag-aral siya ng Film Studies sa University
of Southern California.

Siya ay isang tanyag manunulat at kabilang


siya sa Katha at Manunuri ng Pelikulang Pilipino.
Kabilang sa mga nasulat niya ay ang: Sakit ng
Kalingkingan: 100 Dagli sa Edad ng Krisis (2005),
Kuwentong Syudad (co-editor, 2002), Sapinsaping
Pag-ibig at Pagtangis: Tatlong Novella ng Pagsinta’t Paghinagpis (1999); Fastfood,
Megamall at iba pang kwento sa pagsasara ng ikalawang milenyum (1999); Relasyon:
Mga Kwuwento ng Paglusong at Pag-ahon (co-editor, 1999); Ali*bang+Bang atpb.
Kwento (1994); Habilin: Antolohiya ng Katha Para sa Pambansang Kasarinlan (co-
editor, 1991); Engkwentro: Kalipunan ng mga Akda ng Kabataang Manunulat (co-
editor, 1990).

Siya ay nanalo din sa iba’t ibang klase ng patimpalak ditto sa Pilipinas pati na
din sa ibang bansa. Ang ilan dito ay ang Best Arts Book, Gintong Aklat, (2002), Writer’s
Prize, National Commission for Culture and the Arts (2001), Manila Critics Circle Award
for Best Film Criticism Book (2001); Gawad Chancellor for Best Literary Work (2002).

PALABOK

Ni Rolando B. Tolentino

Ang Recipe

8 tasa ng tubig

1 tasa ng toge

½ kilo ng bihon, binabad sandali sa tubig

62
Sarsa

2 kutsara ng atsuete oil

2 tasa ng katas ng hipon

6 kutsara ng Gold Medal all-purpose flour, tinunaw na

½ tasa ng tubig

Asin at paminta pantimpla

Palabok

1 tasa ng nilagang karne ng baboy, hiniwang pahaba

2piraso ng tokwa, pinirito at hiniwang pakuwadrado

½ tasa ng hinimay na tinapa

½ tasa ng dinurog na tsitsaron

2 itlog na Maya Farms, nilaga at hiniwa

½ tasa ng nilaga at binalatang hipon

½ tasa ng tinadtad na sibuyas na mura

1 kutsara ng piniritong bawang

Kalamansi

Direksyon: Magpakulo ng tubig sa kaserola, pakuluin ang atsuete oil at katas ng


hipon. Isama ang tinunaw na arina. Hayaang kumulo at lumapot. Timplahan ayon sa
panlasa. Ibuhos sa ibabaw ng pansit.

Ilagay ang mga karne at tokwa sa ibabaw ng pansit. Budburan ng tinapa at


tsitsaron. Adornohan ng hiwang itlog at hipon.ibudbod ang sibuyas na mura at bawang.
Ihaing may kasama o timplado na ng kalamansi.

Ang Pamimili

Masarap ang tsitsaron ng Baliuag, ‘yong sa tindahan sa loob ng bayan. Nasa


Bulacan ka na rin, sumaglit ka na sa Marilao at bumili ng putong katerno ng palabok.

63
Bilinan mo ang suki mong magkakarne na ipagtabi ka ng ulo ng baboy(para sa
katerno pa ring tokwa’t baboy) sa araw ng kaarawan ng iyong Mister. Iyong bagong
katay. Ipaalaala mo. Huwag ka nang tumawad.

Mag-ingat sa hipon. Tiyaking maitim ang mga mata’t may mapupulang linya ang
balat. Baka masira pa ang tiyan ni Mister. Tiyaking walang red tide.

May nabibili nang himay na tinapa, di ba? Pero alam mong hindi ito kasing sarap
at sariwa ng bagong himay. Mano naman, isang beses lamang isang taon ang
kaarawan niya, di ba?

Huwag na huwag magtangkang gumamit ng instant palabok mix! Mahiya ka


naman.

Ang Pagluluto

Tiyaking nakahanda na ang lahat ng rekado bago magluto. Tiyaking malinis ang
mga kamay bago maghiwa at magluto.

Pitpiting mabuti ng sandok ang ginigisang bawang nang maging malasa.


Hintaying pumula bago idagdag ang iba pang rekado.

Iyong gulay, siguraduhing half-cooked lang nang hindi mawala ang sustansya.
Hugasan muna ang gulay bago hiwain. Huwag hugasan nang sobra ang hiwang gulay,
mawawala rin ang sustansya.

Iyong mga karne, siguraduhing lutong-luto. Lalo na ang seafoods. Uso pa


naman ang kolera.

Huwag kalimutan ang vetsin.

Ang Pagsisilbi

Mahalaga ang presentasyon ng pagkain. Gamitin mo ang iyong imahinasyon.


Maging mabusisi pero hindi maarte.

Tiyaking malinis ang kubyertos. Tiyaking may napkin man lamang. Alam mo
namang ayaw na ayaw ng Mister mo na nangangamoy kalamansi ang kanyang kamay.
Malansa raw. Maaari ring ikaw na lang ang magpiga ng kalamansi nang diretso na.

Kailangang isilbi ang pagkain habang bagong luto. Walang gustong kumain ng
pagkaing lamig. Hindi naiinit ang palabok.

At ikaw, tiyaking mong malinis at maayos ang iyong sariling presentasyon. Ang
mga kuko, baka may mga duming itim sa ilalim. Turn-off ito, minus one na naman. Ang
amoy, baka nahaluan ka na ng amoy ng panggisa. makakawalang -ganang kumain
kung marumi at mabaho ang paligid.

64
Ngumiti kapag nagsisilbi.

Ang Surprise

Kumain ng magaan na tanghalian

Kapag ala-singko na ng hapon, mag-shower at nang hindi mangamoy kusina.


Tiyaking nagpabango pagkatapos, ‘yong paborito ni Mister.

(Uuwi si Mister, didiretsong hihilata sa sopa. Magbabasa ng dyaryo si Mister,


kagaya nang madalas nitong gawin habang nagkakape’t naghihintay ng hapunan.)

Batiin kaagad, “Happy Birthday, dear.” (Halikan si Mister sa gilid ng labi)


Bigkasin, “Tikman mo itong niluto kong palabok.” (Isubo ang tinidor na may palabok sa
bibig ni Mister)

(Blangkong titingnan si Mister. Bubuntonghininga. Tititigan ang bandehado ng


palabok. Ibubuka ang bibig)

Bibigkasin ni Mister, “Hindi mo nakuha ang pang-asim ko.” (Babalik sa


pagababasa ng dyaryo si Mister, kagaya nang madalas niyang gawin habang
nagkakape.)

Ang Pananalamin

Tumuloy sa banyo. Ikandado, sumandal sa pinto. Humagulgol nang tahimik.

Silipin ang sarili sa salamin. Mahiya. Pahiran ang pisngi’tilong, amoy tinapa.
Amoy kalamansi ang iyong daliri, ang iyong kamay, ang iyong braso, ang iyong leeg.
Singhutin ang tulo sa ilong. Kayurin ang amoy ng bawang na nanikit sa iyong katawan.
Amoy sibuyas ang iyong kilikili. Amoy usok ang iyong dibdib. Nangangalit ang iyong
mga ugat sa paa’t hita.

May kakalabog sa pinto. Bibigkasin niya, “Bilisan mo’t naiihi ako.”

Silipin ang sarili sa salamin. Bigkasin: Salamin, salamin. Sino ang


pinakamagandang babae sa balat ng lupa? Patlang na tumitig sa iyong sarili.

Bibigkasin niyang muli, “ Bilisan mo sabi.” Muling kakalabog ang pinto.

Ang Pagwawala

Batuhin ng baso ang salamin. Masdan ang pagkapilat at pagkadurog nito sa


pagbagsak sa sahig. Ibalibag ang shampoo, sabong pampaligo, air freshener, ang
toilet cleaner, ang eskoba. Ihampas ang pambomba sa pinto hanggang sa ito’y mabali.

Buksan ang pinto hawakan ang baling pambomba.

65
Bibigkasin niya, “Ano bang pumasok sa kukote mo?” Baka mapatawa pa nga
siya.

Huwag mo itong pansinin. Ipagpatuloy ang dahan-dahang paglapit sa kanya.


Higpitan ang hawak sa pambomba hanggang sa manginig ang iyong ugat sa kamay.

Hahangos ang lalaki patungo sa iyo. Bigla mong iduro sa kanyang mukha ang
baling pambomba.

Matitigilan ang lalaki, iiling-iling, mapapaurong hanggang sa muntik nang


matapilok. Mapapaupo siya sa silya, pagpapawisan, isasangga ang mga kamay at
pahina ng dyaryo sa iyong papalapit na anino.

Bigla niyang maaalala at kagat-labing bibigkasin, “Sa birthday ko pa…”


Malamang, mapapahikbi siya.

Bibigat at mangangawit ang kanyang katawan, manginginig, pagpapawisan


nang malamig. Mapapaihi ito. Lulunok nang malaki. Tititigan ang pagtulo ng ihi
hanggang sa mabasa ang pantalon at kutson, hanggang sa pumatak ang ihi sa sahig
at makabuo ng tampisawan. Malamang, maaalala niyan ang panininturon ng ama sa
bawat umagang mapaihi sa kama o ang pagpaligo ng isang arinolang ihi noong siya’y
nag-neophyte o ang pagtungo niya sa banyo eksaktong kinse minutos matapos
labasan dahil nananakit na ang ari niyang kinaumagahan kapag hindi umihi.

Maaasiwa ang lalakihanggang sa mapahagulgol, dinig sa buong hilera ng


apartment.

Magsimula kang umakyat ng hagdan, ngumiti sa pinid na mata sa pag-iwas sa


alaala ng binalatang hipon, pinulbos na tsitsaron, pinapulang bawang at tinunaw na
instant mix, sa mga dapat at huwag, sa mga panunuyo’t paninibugho. Magsimula kang
umakyat ng hagdan, ngumiti sa labi sa alaala ng pinakamasayang birthday ng lalaki.

Tanong: Ano ang imaheng nais ipakita ng “Palabok”?


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

TOMAS AGULTO

66
Si Tomas Agulto ay isang mangingisda
pero organikong makata at manunulat na taga-
Hagonoy, Bulacan. Kahit walang pormal na training
sa akademya, nilinang niya ang sarili sa pagbabasa
at pakikipag-ugnayan sa mga kapwa makata at
manunulat.

Patuloy niyang nilinang ang husay sa pagsulat ng


mga tula at napasama sa Galian as Arte at Tula ,
kasabay nito, siya ay nagtratrabaho sa priibadong
sektor kung saan mas nakita niya ang katotohanan
ng kanyang lipunan at mula sa mga danas doon,
siya’y nagsulat at nagsiwalat ng katotohanan sa
kanyang mga tula. Inilabas niya ang kanyang mga
koleksiyon ng tula sa Lagi Na’y Kailangan Kong Gumising Nang Maaga at Iba Pang
Pagdidilidili (Always I have To Wake Up Early and Other Redlections,
1981),Bakasyunista (Summer Folk, 1984) at Batanes at Iba Pang Pulo (Batanes and
Other Lands, 1989) ang lahat ng ito ay nagwagi sa Don Carlos Palanca Awards for
Literature. Ang kanyang sanaysay na “Ang Mga Badjaw sa Tungkalang” (The Bajao
of Tungkalang, 1988) ay nagwagi rin sa Palanca Award. Taong 1987 naman, ang CCP
Literary Contest ay kinilala ang kanyang maikling kwentong “Ang Walang Lubay na
Istasyon ng Pag-asa (The Unending Stations of Hope and Search). Kasunod ng mga
ito, ang kanyang mga tula ay nagwagi sa taunang timpalak para sa tula sa Komisyon
sa Wikang Filipino ( KWF, fang dating Surian ng Wikang Pambansa at later Linangan
ng mga Wika sa Pilipinas): “Kalatas kay Pinang” (Letter to Pinang) at “Umulan Man at
Umaraw” (Rain or Shine); at “Malayo Na Ang Narating Ng Prusisyon” (The Procession
Has Covered a Lot of Ground). Kinilala si Agulto ng KWF bilang Makata ng Taon ng
tatlong beses, ang una ay noong 1988 para sa kanyang tulang“Polusyon” (Pollution).
Ang kanyang librong Ang Magandang Babae sa Sta. Elena ay isang antolohiya ng mga
tula, mga kwento, at sanaysay.

Noong 2009, hinirang siya ng Unyon ng Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) na


panalunin ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas sa larangan ng tula. Pero
tinanggihan at hindi niya tinanggap ang nasabing award.

"ANG MAGANDANG BABAE SA STA. ELENA"


Mula kay G. Marvin M. Magbitang

67
Hango sa aklat na Ang Magandang Babae sa Sta. Elena (1989), isang aklat ukol
sa mga tula, kuwento at salaysay ni Tomas F. Agulto

(Isang Pagkilala sa Panitikang Bungang-Hagonoeño mula sa Sta. Elena,


Hagunoy, Bulakan. Ang kwento nito ay ukol sa isang babaeng lumilibot sa Sta.
Elena, Hagunoy na naging dahilan ng debosyon sa santa.)

"Kinukumbida ko kayo."

Meron daw isang babae , sabi ni Nana Lagring na lumilibot sa bayan-


bayan pag malapit na ang pista ng Sta. Elena. Mukha raw itong nagpapalimos
pero hindi naman tumatanggap ng pera. Hindi rin daw tumatanggap ng bigas
o pagkain. Kung maaari isang alampay lang ang kanyang kailangan . Isang
retaso ng tela na di masyadong mahalaga. Kahit anong kapirasong damit na
magiging talukbong ng alun-alon niyang buhok pagsalungat sa lansangan.
Dumarating raw ang babae sa mga pagkakataong di sukat akalain. Saka
mahigpit na mag-iimbita.

" Hihintayin ko kayo."

Ayon sa paulit-ulit na kwento ng debotong si Nana Lagring , mahirap daw


tandaan ang detalye ng mukha ng babaeng nagpapalimos. Pero ang
imposibleng makalimutan sa kanya ay iyong mga mata. Ibang klase raw iyon
kung itingin. Sabi nga ng matatanda sa baryo , para daw binubukalan ng
hiwaga. Sa kaningninga'y para daw iyong kambal na tala sa umaga na bumaba
sa lupa.

"Doon sa kaliwa , bago dumating sa wakas ng baryo ng Sta. Elena . Sa


malaking bahay na may krus na puti sa arko ng bakod. "

Tiyak ang petsa at eksakto ang lugar na kanyang iiwan. Pero nagtataka
ang mga nakikipista na kanyang kinumbida. Dahil pag hinanap nila sa
kapistahan , iyong lugar na sinasabi ng babae , iyon pala ay ang mismong
patyo ng Parokya ni Sta. Elena. Lalo silang nagtataka pag-pasok sa simbahan.
Sino ang mag-aakalang matutunton nila doon sa altar , sa loob ng makapal na
salamin ang mata ng babaing naglilibot sa bayan bayan. Kahawig na kahawig
ni Sta. Elena iyong nanghihingi ng alampay. Kahit rebulto lang ang nasa altar
, iyon din ang pares ng matang totoo nga yatang binubukalan ng hiwaga. Ligid

68
siya ng bulaklak at sumasalangsang ang pabango. may yakap na krus at nasa
kaliwang palad ang tatlong malalaking pako ni Kristo.

Hindi magkakasya sa baul ni ni Nana Lagring kung idodokumento ang


mga kabisado niyang himala ni Sta. Elena. Alam niya kung papaano naitayo
ng mga mangingisda ang matandang bisita hanggang sa ito'y maging ganap
na parokya . Mula sa antigong lamina ni Sta. Elena na ipinadpad ng malaking
baha sa isang puno ng Balite. Iyon daw ang imahen ng Santa na paulit ilit
hinahatid ng taumbaryo sa kabayanan noong araw. Pero lagi daw namang
nawawala sa kumbento ang lamina at makikitang muling nakasandal sa
punong Balite. Kaya utos raw ng kura paroko sa bayan , "kung saan niya
ipinagkaloob , doon natin ipagpatayo ng sarili nating bisita."

Tulong-tulong sa pagtatayo ng kubakob ang mga mangingisda. Pinatay


ang puno ng Balite at doon itinapat ang altar ng bisita. Noong araw , may
kwento pang pinagpupulungan daw ng mga Katipunero ang bisita . Sinunog
daw iyon ng mga Gwardya Sibil pero di manlang dinilaan ng apoy ang
dingding; hindi nasunog ang bisitang yari sa nipa at kawayan. May iba namang
bersyon ng kwento noong panahon ng hapon. Lagi raw doon sa bisita
nagtatago ang magagandang babae sa baryo dahil sa takot na
mapagsamantalahan ng mga sundalong Hapones. Hindi nga kataka-takang
dumami ang deboto at namamanata sa di umano'y milagrosang Patrona. ang
totoo'y nuno ni Nana Lagring ang kauna-unahang pangulo at rekamadera ng
Samahang Walang Hanggang Pagpapakasakit. Iyon daw ang nagpasimuno
sa pagpapalimos kaya naipagawa matandang rebulto ni Sta. Elena. Ngayon
ay may tatlong bersyon ang imahen ng Santa na ipinaparadang lahat sa
prusisyon kung pista. May panahon pa nga na pinagkagalitan sa baryo kung
sino ang may ari ng matandang imahen ni Sta. Elena. Ayaw nang ipaalis ng
pari ang rebulto sa simbahan para ilibot sa bahay bahay kung sino ang
maghehermana sa kapistahan. Kung di pa raw nagparamdam ng milagro ang
Santa ay di matitigil ang alitan. Isang umaga raw ay nakita na lamang ng mga
tao na naka-luksa ang Sta. Elena at malungkot ang mukha ng rebulto sa altar.
Nang sumunod na mga taon pinag-ibayo ng mga tao ang pagpaparangya sa
pista at di na naulit ang awayan. Marami pang samahan ng sumulpot. May
mga Kursilista, Adorador at ang PAKRISPAM o ang Pag-aaral sa Kristyanong
Pamumuhay . Sa dami ng naglilimos at namamanata , nagkaroon ng
magagandang damit at nakaipon ng maraming alahas ang Santa. Hindi

69
matatawaran ang sakripisyo ng angkan ni Nana Lagring sa pagkakaroon ng
simbahan ng matayog na simboryo na ipinagmamalaki ng mga deboto ng
santa.

Viva Apo Elena ng Hagonoy!

Viva Apo Ana ng Hagonoy!

Tanong: Bakit kabiyak na ng buhay ng tao ang kanyang pananampalataya?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Pagsasanay

Pangalan:____________________________Kurso/Seksiyon___________

Panuto: Mula sa mga akdang binasa, pumili ng isang akda at ipaliwanag kung anong
isyung panlipunan ang natalakay nito na nagbigay ng kaliwanagan sa iyong isipan.

Pamagat:___________________________________________________

70
Pagtatasa

Pangalan:____________________________Kurso/Seksiyon___________

Panuto : Mula sa mga akdang nabasa sa panahon ng Kontemporanyo. Ikaw ay


bibigyang pagkakataon bilang maging isang manunulat. Ang bawat akda ay gagawan
mo ng sarili mong wakas ayon sa iyong kagustuhang kahihinatnan ng mga kwento.

1. Anyaya ng Imperyalista - Ruth Elynia Mabanglo

2. Ang Katutubo - Nonilon Queanu

3. Palabok - Rolando B. Tolentino

4. Ang Pinakamagandang babae sa Sta Elena - Tomas Agulto

71
Repleksiyon

Pangalan:_____________________________Kurso/Seksiyon__________

Panuto: Ipaliwanag ang ilang mga pahayag na nasa loob ng mga kahon.

1. Ang kababaihan bilang isang lipunan

2. Ang pananampalataya bilang tagahulma ng lipunan.

3. Ang Obrero bilang lakas ng lipunan

4. Ang Pambansang Minorya bilang salamin ng kultura’t kalinangan.

TALASANGGUNIAN

72
Institute of Creative Writing, University of the Philippines Diliman, Quezon City,
Philippines.
Mula sa Ang Katutubo at Dalawa pang dula ni Nonilon V. Queano (New Day
Publishers, 1983).
ohn Clifford Sibayan | Squeeze | Abril 26, 2020
https://www.centerforartandthought.org/work/contributor/rolando-b-
tolentino?sort=title&page=1

d.

73

You might also like