You are on page 1of 10

Pagtalakay Sa Wikang Filipino

ARALIN 1: Kahulugan, Katangian at Tungkulin ng Wika

1. Ang wika ay kasangkapan ng pakikipagtalastasan. Tunay, ngunit hindi kasangkapang


mekanikal at kagamitan ang isang wika. Ito‟y tagapagdala ng ideya.
Naiimpluwensyahan nito ang ugali ng tao, ang isip at damdamin.
2. Ang wika‟y instrument ng paglikha ng makabuluhan at malikhaing pag-iisip.
Ang pagkakaroon ng wika‟y isang katangiang ikinaiiba ng tao sa iba pang mga
kinapal ng Diyos. Mayroon siyang wikang kasangkapan sa kanyang lipunang
pinamamahayan ng katwiran at gantihang pakinabang.
Matalik na magkaugnay ang wika at kultura. Taglay ng wika ang kultura ng
lipunang pinag-ugatan ng wikang iyon. Ang isang kultura ay naipahahayag nang matapat
at likas sa wikang kakambal ng naturang kultura. Ang wika ay hindi behikulo lamang sa
paglalahad ng kaisipan na masasabing katulad ng isang kotseng naghahatid ng pasahero
sa nais nitong puntahan.
Marleau Ponty isang paham na hiniling na pag-aralan natin ang kaibahan ng
pangunahing wika at pangalawang wika.
 Pangunahing wika – ay wika ng mga makata at ng mga sanggol, na ang ibig sabihin,
ang salita ang syang kaisipan.
 Pangalawang wika – ay yaong kalipunan ng mga salita na ang kahuliugan ay
mauunawaan ng marami, ginagamit sa karaniwan at pang-araw-araw nap ag-uusap.
Lingua Franca – ito ay wika na ginagamit ng dalawa o higit pang mga tao na nagmula sa
iba-ibang pamayanan o multilinggwal na kumunidad. Ito ay maaaring rehyunal at
maaaring nasyunal.
 Rehyunal – kung ang isang wikao mga sangkap nito ay pangkalahatang
ginagamit sa isang rehiyon bilang midyum sa anu mang uri ng
pakikipagtalastasan, kalagayan at pagkakataon.
 Nasyunal – ang wika ay nagiging midyum sa pangkalahatang pangkat ng mga
tao kahit na ang nagsasalita ay mula at nabibilang sa iaba-ibang dako ng
kapuluan. Kasama na rin ditto ang mga dayuhan o banyagang nakakaunawa,
nagsasalita at gumagamit na rin ng wika ng nakararaming mamamayan.
Dahil dito, ang maipalalagay na lingua franca nasyunal ng Pilipinasay ang Filipino at
ang rehyunal naman ay yaong mga wikang katutubo ng iba-ibang pamayanan, pook at
rehyun.
Sagisag ang wika: dungawan ng kultura ng lipunan ng wikang iyon. Ito ang dahilan
kung bakit ang sariling wikang panlahat ay pinili ng makabagong lipunan na tagapahayag
ng kanilang pambansang pagkakakilanlan at bukod pa rin ng pag pagkakaisang panlahi.
Ang wikang Filipino na katutubong wika, pinayaman ng mga sangkap
linggwistiko mula sa mga wikang katutubo rin at banyaga ay tugon sa pambansang
pagsulong. Ito‟y sariling wika, tagapagdala ng kulturang sarili, tagapagdalisay ng
impluhong dayuhang iniakma sa kaugalian at ideolohiyang Filipino.
Tunay na masaklaw at matalim ang yungkulin ng wikang Filipino sa pambansang
pagpapaunlad. Ito‟y kaakibat ng pag-ibig sa bayan at sa mga kababayan, kakambal ng
karangalang panlahi. Isa sa mga palatandaan ng pagkalas sa kalipinang pangkaisipan at
pandamdaming kagagawan ng mga manlulupig, tagapagpabuo ng diwang makalipunan at
daan ng katarungan at pagkakapantay-pantay ng lahat ng mamayan – mahirap,
mayayaman, marurunong, maging mga mangmang. Filipino ang dapat gamiting
kasangkapan kung nais ipadama sa sambayanan ang kapangyarihan ng mga kaisipan.

Gawain 1. Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong. (5 puntos)


1. Anu ang wika?
2. Sang-ayon ka bas a mungkahi ni Merleau Ponty? Ipaliwanag.
3. Anu ang lingua franca?
4. Anu ang pagkakaiba ng nasyunal at rehyunal na wika? Pangatwiran ang sagot.
5. Mula sa iyong nabasa at natutunan, anu sa tingin mo ang tungkulin ng wika?
ARALIN 2: Katuturan ng Dayalek, Idyolek

Ang Dayalek ay varayting batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Kayat may
tinatawag na dayalek na heograpiya, dayalek na temporal at dayalek na sosyal. Ito ang varayti ng
wika na nakikita sa formal o substantibong katangiang kaugnay ng pinanggalingan ng
tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa sa tatlong dimensyon: espasyo, panahon at
katayuang sosyal. (Alonzo, 2002)
Dayalek ay wika ay wika na katulad rin ng vernacular na palasak sa isang pook ng
kapuluan. Ito ay yaong unang wikang kinalimutan at ugat ng komunikasyon sa tahanan,
pamayanan at lalawigan. Ito rin ang wikang unangkinagisnan, naririrnig at namumutawi sa bibig
ng mga tao, ng mga magulang sa tahanan at sambayanan. Ito‟y nagsisilbing midyum ng
komunikasyon sa isang pook na kuing saan ang nasasabing katutubong wika ay nabibilang.
Dayalek ay varayti o subordineyt ng wika at ito‟y sinasalita sa loob ng mas maliit na
grupo. Halimbawa ang Tagalog ay isang wika na sinasalita sa Metro Manila. Ang mga dayalek
nito ay ang Tagalog-Batanggas, Tagalog-Cavite, Tagalog-Nueva Ecija, Tagalog-Laguna,
Tagalog Bulacan at Tagalog-Quezon. Sa kabila ng pagkakaiba sa tono ilang mga bokabularyo at
pagbuo ng mga salita, may roong “Mutual intelligibility” o pagkakaunawaan sa pagitan ng
dalawang nag uusap gamit ang magkaibang dayalek ng Tagalog.

Ayon kay Curtis McFarland, ang dayalek ay nauuri sa tatlo:


1. Dialectal Variation – ay tumutukoy sa distribusyon ng ilang mga salita, aksent,
pagbigkas ng wika sa loob ng isang language area katulad ng wikang Tagalog sa
Bulacan, Nueva Ecija, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, at Quezon. Sa kabila ng ilang
varyasyon ng wikang Tagalog sa mga lugar na ito, hindi ito magsisilbing batayan
upang hatiin ang Tagalog erya sa iba‟t-ibang „distinct‟ o natatanging dayalek. May
kinalaman ito sa pagiging magkakalapit ng mga lugar na ito.
2. Discrete Dialect – ay hiwalay sa ibang mga dayalek dulot ng heograpikong lokasyon
at pagiging „distinct‟ na dayalek. Halimbawa nito ay ang Tagalog-Marinduque na
hindi maikakaila na mas malayo sa ibang mga dayalek ng Tagalog.
3. Social Dialect – ay naiiba sa „Heograpikal‟ na dayalek dahil ito ang sinasalita ng iba‟t
ibang uri sa lipunan. Ang mga taong kabilang sa isang grupo ay may ibang pananalita
kumpara sa iba na mula sa ibang uri sa lipunan kahit na sila ay nala iisang lugar.
Register o jargon – naman ang tawag sa mga salita/wikang nabubuo ng mga grupong
profesyonal o sosyal bunga ng okupasyon o trabaho o kaya‟y ng Gawain sa grupo. Kaya
may sariling salita ang mga mangigisda na iba sa manggamot at mga politiko; ang
kabataan iba sa matatanda, ang mga babae iba sa mga lalaki, ang mga golfer iba sa
naglalaro ng bilyar at basketbol.
Mga Halimbawa:
FILIPINO CEBUANO HILIGAYNON ILOKANO
Kidlat Kilat Kilat Kimat
Kilay Kilay Kilay Kiday
Kuko Kuko Kuko Kuko
Kulay Kolor Kolor Maris
Kulog Dalugdog Daguop Guruod
Kumot Habol Habol Ules
Kusilyo Kutsilyo Sundang Imuko
Daga Ilaga Ilaga Bao
Dagat Dagat Dagat Baybay
Dahon Dahon Dahoon Bulong
Dalawa Duha Duwa Duwa
Daliri Tudlo Tudlo Kamay
Damit Senina Bayo Bado
Damo Sagmot Hilamon Kukuot
Gamot Tambal Bulong Agas

Bukod sa mga pangunahing wikang sinsalita na di sa 500,000 Pilipino – Tagalog,


Bisayang-Sugbuanon, Bisayang Hiligaynon, Bicol, Bisayang Samar-Leyte,
Kapangpangan at Pangasinan – ay mahaba rin ang talaanng mga ibang mga wikang hindi
gaanong ginagamit ng marami.
 Sa Tagalog – Tagalog-Bulacan, Tagalog-Noboesihano, Tagalog-Tayabasin,
Tagalog-Batangas, Tagalog-Marindukihin.
 Sa Bisayang-Sugbuanon – Sugbuanong-Cebu, Sugbuanong-Negros, Sugbuanong-
Bohol, at iba pa
 Sa Bisayang – Hiligaynon – Ilonggo, Hiniray-Aklanon, Pantikanon, Kuyunan,
Palawanon, at iba pa
 Sa Bisayang – Samar – Leyte, Samarnon, Leytenon, at iba pa
 Sa Bicol – Bicol-Naga, Bicol-Legaspi, Bicol-Buhi, Bicol-Baao, Bicol-Bato,
Bicol-Catanduanes, Bicol-Albay, Bicol-Sorsogon, Bicol-Masbate, at iba pa
 Sa Ilokano-Ilokanong-Samtoy, Ilokanong-Cagayan, Ilokanong-Ibanag, at
maraming bulubundukin gaya ng Baguio.
Narito ang mga halimbawa ng salitang Tagalog-Batangas na nauunawaan din ng mga
taga rehyun.
apuyan posporo
matamis asukal
bilot tuta
dagison isud,urong
binangi inihaw
tubal maruming damit
busilig mata
mabanas maalinsangan
bayuhan kiskisan
kibal sitaw
kalibkib kopras
abuhan asuhan
galong banga
sinturis dalanghita
lukban suha
ampiyas anggi
tingi tingnan
lagyi lagyan
buksi buksan

Idyolek – ang varayti ng wikang kaugnay sa personal na kakayahan ng tagapagsalita; ang


varayti ng wikang ginagamit ng particular na indibidwal. Ang mga tanda ng idyolek ay
maaaring idiyonsinkratikong katangian na istatistikal tulad ng tendensyang gumamit ng
partikular na bokabularyo nang napakadalas. Ayon kay Catford, permanente na humigit-
kumulang, ang idyolek ng isang taong may sapat na gulang. (Alonzo, 2002)
Idyolek ang tawag sa indibidwal na paggamit ng isang tao sa isang wika. Gaya ng
pag kakaiba ng Finger prints ng bawat indibidwal, walang taong masasabing pareho ng
idyolek sa iba. Sa kabuuan, ang idyolek ang pangkalahatang katipunan ng mga
linggwistik na pekyularidad ng isang tao.
Ang idyolek na kinokondisyonng biological genes ay nabubuo mula isilang ang
bata hanggang sa paglaki sa pamamagitan ng simbolisasyon, analodyi, at forming habits
sa tulong ng mga organ ng pananalita at pandinig. Lahat ng ito‟y taglay ng mga normal
na tao sapul ng isinilang maging gayundinang kapasidad na madevelop at magamit ang
wika, subalit ang particular na balangkas ng istruktura at semantics ng bawat idyolek ay
nabubuo, naaapektuhan at idinidikta ng lugar na kung saan siya pinadpad ng tadhana o
kapalaran.
Gawain 2. Panuto: Sagutan ang sumusunod na tanong. (5 puntos)
1. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng dayalek/dayalekto sa idyolek.
2. Sa iyong palagay paanu naka-aapekto sa iba‟t ibang grupong propesyonal o sosyal
ang Rejister o Jargon?
3. Magbigay ng halimbawa ng rejister o jargon na ginagamit ng mga pulitiko at
ipaliwanag ang kahulugan nito.
4. Ipaliwanag kung anu ang pagkakaiba ng tatlong uri ng dayalek ayon kay Curtis
McFarland.

Aralin 3: Batayang kaalaman sa Varayti at Varyasyon ng Wika

Ang bawat wika sa rehyon ay may pagkakahawig o pagkakaiba at ay tinaguriang


Varyedad ng wika sa ibang rehyun/lalawigan. Ang paglinang ng alin mang wika ay
kailangang dumaan sa proseso ng kasaysayan ng bawat ortografiyang tuntunin sa bawat
rehyon. Iba‟t iba ang ortografiya ng wika sa bawat rehyon tulad ng sa Pangasinense,
Bicol, Pampanggo, Cebuano, Hiligaynon, Maranao, Tausug, Maguindanao, Ilocano at
Waray (Samar-Leyte). Magkaiba rin ang evolusyon ng wika sa bawat rehyon. Kung ang
kasaysayan ng wika sa bawat rehyon ay maitala at masuri sa paghahambing ng mga
tunog at tamang pagbasa ng mga salita higit na mapabubuti natin ang ating pananaliksik
sa iskolarling pamamaraan upang matamo ang mataas na pamantayan sa evolusyon o
pagpapahalaga ng paksang saklaw ng pananaliksik.
Ang varyasyon ay iba‟t ibang manifestasyon ng wika. May tatlong uri ito:
1. Wika
2. Dayalek
3. Rejister
Ang varyasyon sa wika ay tumutukoy sa size, prestige at istandard. Ang
varyasyon sa dayalek ay tumutukoy naman sa:
1. Tunog o punto
2. Pagkakaiba ng salita at,
3. Paraan ng pagsasalita (langka/nangka, sagwan/gaod, alam/batid, damit/baro,
kalamansi/kalamunding/sinturis) sa paraan ng pagsasalita: natulog ka na
ba/tumulog ka naba, kumain ka na ba/nakain ka na ba.
Ang varyasyon sa rejister at tumutukoy naman sa ispesifikong salitang ginagamit
ayon sa hinihingi ng sitwasyon o pagkakataon. Kung mayroong syentipikong rejister,
mayroon ding religious at academic. Maaaring sabihing ang rejister ay varyasyon ayon sa
gamit samatalang ang dayalek ay varyasyon ayon sa taong gumagamit. Ayon kay
Michael Halliday (1978), may tatlong dimension ang komunikasyon batay sa register.
1. Field (layunin at paksa ng komunikasyon),
2. Mode (paraan ng paghahatid) at;
3. Tenor (participant ng komunikasyon; relasyon ng nagsasalita sa
nakikinig).
Bahagi rin ng dimension ng rejister ang:
1. Dimension of power (kausap ay mas mababa, kapareho, o mas mataas
sa nagsasalita);
2. Dimension of solidarity (kais aba ng ispike ang kanyang kausap);
3. Formalidad ng okasyon (nangangailangan ng formalidad o hindi);
4. Expertise (ng nagsasalita o kausap);
5. Teknikaliti (paggamit ng nagsasalita ng mga teknikal na salita ayon sa
kaalamang teknikal ng kanyang kausap.

VARAYTI NG WIKA
Ang mga nabanggit na problema ang pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang
konsepto ng wikang Filipino. Sa 1973 at 1987 Konstitusyon, kaakibat ng katawagang ito
ang pagbabago ng konsepto ng wikang Pambansa. Mula sa ikang batay sa isang wika
lang, nagging batay ito sa lahat ng wika sa Pilipinas kasama ng Espaňol at Ingles, ang
mga banyagang wikang nagkaroon ng influwensya at epekto sa pambansang karanasan.
Isang pangunahing katangian ng wikang Filipino ang pagbuo at pagkakaroon ng
kamalayan sa mga varayti nito. Bilang isang lingua franca o wikang komon sa mga
tagapagsalita ng iba‟t ibang wika sa Pilipinas, makabubuo ng linggwistikong varayti o
varyasyon sa loob ng wikang itodulot ng pagiging pangalawa at pangkalahatang wika
nito at ng impluwensya ng mga unang wika.
Sang-ayon kay Alonzo (2002), ang varayti ng wika ay isang maliit na grupo ng
formal o makabuluhang katangian na nauugnay sa particular na uri ng katangiang sosyo-
sitwasyonal. Hinati ni Catford ang varayti ng wika sa dalawang malalaking uri. Una, ang
humugit-kumulang ay permanente para sa tagapagsalita/tagabasa (performer) at ikalawa,
ang humigit-kumulang ay pansamantala dahil nagbabao kung may pagbabago sa
sitwasyon ng pahayag.

Mga Pamamalagay, Konsepto at Teorya sa Varayti ng Wika


Ang nabanggit na sitwasyon at phenomenon kaugnay ng pagkakaroon ng mga
linggwistikong varayti ng wikang Filipino ay maaring iugnay at ibatay sa ilang pamamalagay
(assumption) at mga teoryang pangwika.
1. Teoryang Sosyolinggwistiko – na batay sa pamamalagay na ang wika ay isang
panlipunang phenomenon. Nagiging makabuluhan anganumang pahayag, aksyon,
salita ng isang indibidwal kung ito‟y nakakontexto sa loob ng lipunan at
ikinokomunika sa ibang indibidwal o grupo. Dahil naman ditto, nakabubuo ng iba‟t
ibang konteksto ang paggamit ng wika dahil sa iba‟t iba ring mga tao na may iba‟t
ibang Gawain, papel, interes, saloobin, pananaw ang kasangkot sa proseso ng
komunikasyon. Dito rin papasok ang katangian ng wika na pagiging heterogenous o
may iba‟t ibang anyo malinggwistiko, ma-okupisyonal o ma-sosyal man ang mga
nayong ito.

2. Teoryang Heterogenous – ito ang wikang nagbubunsod sa pagkakaroon ng mga


varayti ng wika. May tinatawag halimbawa na Tagalog-Filipino, Ilikano-Filipino,
Bicol-Filipino, Naga-Bicol, Legaspi-Bicol, Ilocos Sur-English, at marami pang-iba.
Tinatawag itong linggwistikong varayti ng wika. Mayroon ding Filipino ng mga
bakla, Filipino ng mga sugarol, Filipino ng mga kolehiyala, Filipino ng mathematika,
Filipino ng kemistri, at iba pa. Tinatawag naman ang mga ito na mga rejister o sosyal
at akademikong varayti.
Ang pagkakaroon ng iba‟t ibang varayti ng/anyo/rejister ng wika ay nagbunga ng
ilang problema. Isa rito ang pagkakaroon ng hierarchy sa mga anyo nito ng wika. May
mas mataas/mababa, may istandard/di-istandard, at iba pa.
Sa pag-aaral ni Basil Berstein sa mga wikang Ingles ng mga studyante sa grade
school sa ilang paaralan sa Inglatera, naobserbahan niyang may magkaibang
karaktereristiko ang wika ng mga batang mula sa upper class kaysa sa wika ng lower
class. Tinawag nya ang una sa elaborated code (masuri, abstrakto) at ang huli ay
restricted code (detalyado, deskriptivo). Binansagang Deficit Hyphothesis ang bagay na
ito.
Si William Labov isang socio psychologist ay hindi sang-ayon dito, tinguyod nya
bilang kontra rito ang variability concept. Sa kanyang paniniwala, natural na
phenomenon ang pagkakaiba-iba ng anyo at pagkakaroon ng iba‟t ibang varayti ng isang
wika. Para sa kanya, dapat tingnang pantay-pantay ang mga varayting ito – walang
mababa, walang mataas.
3. Teorya ng akomodasyon – (accommodation theory ) ni Howard Giles, ang linguistic
coverage at linguistic divergence. Ang mga ito‟y mga teorya ng SLA o Second
Language Acquisition o pagkatuto/pag-aaral ng pangalawang wika.

4. Teoryang Interference phenomenon at inter-language – ay nakafokus sa mga


wikang kasangkot. Magandang halimbawa ng interference ang pagbuo ng mga
varayti ng wikang Filipino. Ang influwensya ng unang wika, halimbawa wikang
Cebuano ay kapansin-pansin kapag nag sasalita ng Filipino.

Inter-language – ang tinatawag na “mental grammar” na nabubuo ng tao sa


pagdating ng panahon sa proseso ng tagapagsalita ang grammar sa pamamagitan ng
pagdaragdag, pagbabawas, at pagbabago ng mga alituntunin. Halimbawa nito ang
salitang malling na ginagamit na mula sa salitang mall sa Ingles. Influwensyang
Ingles ito sa Filipino na sad alas na ng paggamit at popularidad ng salita ay
nadadagan ito ng gamit (nominalisasyon at verbalisasyon)
Ang mga nabanggit na teorya/phenomenon/konsepto/pamamalagay ay ilan lang sa
marami pang mga batayangteoretikal ng pag-aaral/pagkatuto ng pangalawang wika.
Pangunahing pamamalagay (assumption) dito na sa Pilipinas, na isang multilinggwal na
bansa kung saan ang pambansang wika ang pambansang lingua franca, at pangalawang
wika, Malaki ang impluwensya at epekto ng unang wika sa paggamit ng pangalawang
wika.

Gawain 3. Panuto: Piliin ang tamang sagot.


1. Ito ang wika na nagbubunsod sa pagkakaroon ng mga varayti ng wika.
a. Teoryang Sosyolinggwistiko
b. Teorya ng Akomodasyon
c. Teoryang Hetergenous
d. Teoryang interference phenomenon at inter-language
2. Ito ang tinatawag na “mental grammar” na nabubuo ng tao sa pagdating ng panahon
sa proseso ng pagkatuto niya ng pangalawang wika.
a. Variability concept
b. Inter-language
c. Deficit Hypothesis
d. Elaborated codes
3. Ito ay batay ay batay sa pamamalagay na ang wika ay isang panlipunang penomenon.
a. Teoryang Sosyolinggwistiko
b. Teorya ng Akomodasyon
c. Teoryang Hetergenous
d. Teoryang interference phenomenon at inter-language
4. Ito ay kung kaisa ba ng ispiker ang kanyang kausap.
a. Tenor
b. Field
c. Power dimension
d. Dimension of solidarity
5. Ayon sa kanya may tatlong dimention ang komunikasyon.
a. Howard Giles
b. Michael Halliday
c. William Labov
d. Basil Berstein
6. Itinaguyod nya nag variability concept.
a. William Labov
b. Basil Berstein
c. Catford
d. Michael Halliday
Panuto: Ibigay ang mga sumusunod.
1. Anu ang tatlong varyasyon ng wika?
2. Ibigay ang varyasyon sa dayalek.
3. Anu ang tatlong dimensyon ng komunikasyon?
4. Anu-anu ang bahagi ng dimension ng rejister?

Panuto: sagutan ang sumusunod na tanong. (5 puntos)


1. Anu ang varyedad ng wika?
2. May pagkakaiba ba ang salitang varayti sa varyasyon? Pangatwiran ang sagot.
3. Sa iyong palagay paanu makatutulong ang kaalaman sa varyasyon ng wika sa
komunokasyon o sa pakikipagtalastasan?
4. Anu ang inter-language?

You might also like