You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Asian Development Foundation College


FIL 11
Lungsod Tacloban

KOMUNIKASYON
SA
AKADEMIKONG
FILIPINO
Prelim: Modyul 2

Inihanda ni:

G. LIONEL A. MARGALLO, LPT


Instruktor
Yunit 1: Pagtalakay sa Wikang Filipino

panimula

Ang araling ito ay binubuo ng iba’t ibang paksa. Tatalakayin dito ang mga
sumusunod:
1) Antas ng Wika
2) Mga Baryasyon ng Barayti ng Wika
Ito ay naglalaman ng mga aralin at iba’t ibang gawain alinsunod sa asignaturang
pinag-aaralan. Pangunahing layunin nito na matamo ang pagkatuto sa kabila ng
kasalukuyang pandemyang kinakaharap.

Mga layuning pampagkatuto

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang maisagagawa ng mga mag-aaral ang


mga sumusunod:
a) naipamamalas ang kalaaman tungkol sa iba’t ibang antas ng wika
b) natutukoy ang kaibahan ng mga barayti ng wika
c) nakapagpapamalas ng kahusayan sa paggamit ng wika sa isang diskurso

Mga Gawaing Pampagkatuto

Sa bahaging ito sinusubok ang mga mapanuring pag-unawa ng mga mag-aaral


sa asiganaturang ito sa pamamagitan ng paglalatag ng mga gawain na sila mismo ang
makakadiskubre sa araling tatalakayin.

Panimulang gawain

Gawain Blg. 1

Sa isang malinis na papel. Bumuo ng isang komiks. Huwag lagyan ng ano mang
salita o diskurso ang nabuong komiks dahil gagamitin ito sa pangwakas na gawain.
Gawing batayan ang makikitang komiks sa ibaba.
Yunit 1: Pagtalakay sa Wikang Filipino

Tampok na Aralin

Sa pagkakataong ito, magsisimula ka nang maglakbay sa iba’t ibang aralin dito.


Tatalakayin sa bahaging ito nang mas malaliman ang nabanggit na aralin/paksa sa
itaas.

Aralin 2:

Yunit 1

Antas ng Wika

Ang antas ng wikang Filipino ay makikita sa mga sumusunod na halimbawa:

1. Balbal. Ito ang pinakamababang antas ng wika. Katumbas ito ng slang sa Ingles.
Tinatawag
din itong salitang pangkalye o pangkanto. Ito rin ang wikang pinakamabilis magbago ang
bokabularyo.
Halimbawa:

parak pulis

lasenggo palaging lango sa alak

chaka pangit ang mukha

eskapo takas sa bilangguan


Yunit 1: Pagtalakay sa Wikang Filipino

istokwa naglayas

bato shabu

damo/Mary Jane o MJ/ tsongki Marijuana

Juding Bakla

Tiboli Tomboy

2. Kolokyal. Ito ang mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita.
Karaniwang pinaikli ito mula sa mga pormal na salita.
Halimbawa:

hintay ka antay ka

kalian kelan

aray ko rayko

mayroon meron

halika lika

naroon naron

3. Lalawiganin. Ito ang mga salitang karaniwang salitain o dayalekto ng mga tubong-lalawigan
katulad ng mga taga-Cebu, Batangas, Bicolano, at iba pa. Mapapansin ito sa accent o
intonasyon, tono at paraan ng pagsasalita. Mahalaga itong matutunan ng mga imbestigador
upang matukoy ang lugar na maaring pinagmulan ng isang iniimbestigahan.
Halimbawa:

Wika Paano sasabihin

Hiligaynon Guinahigugma ko ikaw.


Bisaya - Cebu Nahigugma ako kanimo.
Ilocano Ayayatenka.
Pangasinense Inaro ta ka.
Bicolano Namumutan taka.
Kapangpangan Kaluguran da ka.
Ivatan Ichadaw ko imu.

4. Pambansa. Ito ang mga salitang ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong
pangmadla. Ito rin ang ginagamit sa mga paaralan at
pamahalaan.
Halimbawa:
Yunit 1: Pagtalakay sa Wikang Filipino

salarin ebidensya biktima pagsusuri hinaing


hukom hatol abogado pulisya baril
5. Pampaiiitikan. Ito ang mga pinakamataas at pinakamayamang antas ng wika. Ginagamit ito
sa mga akdang pampanitikan katulad ng tula, kwento, sanaysay at iba pa. Masining at
matalinghaga ang pagpapahayag.
Halimbawa:
=> matamis ang dila manloloko
=> balat sibuyas maramdamin

=> dinadagang dibdib kinakabahan

=> kaututang dila kaibigan

=> kakiskisang braso kakilala

=> nanininlang pugad nanliligaw

Aralin 3:

Yunit 1
Barayti at Varyasyon ng
Wika

Ang barayti ay tumutukoy sa pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika.


Kilala rin sa Ingles na “variety”, ito ang sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan nating
ginagalawan, heograpiya, edukasyon, okupasyon, edad, kasarian, at kung minsan, ang
uri ng pangkat-etniko.
Sa paksang ito, malalaman natin ang mga uri ng barayti ng wika at mga
halimbawa ng bawat isang uri nito.
Mga Uri ng Barayti ng Wika
May walong uri ng barayti ng wika: Idyotek, Dayalek, Sosyolek/Sosyalek,
Etnolek, Ekolek, Pidgin, Creole, at Rejister.
Idyolek
Ito ay ang personal na paggamit ng salita ng isang indibidwal. Bawat indibidwal
ay may istilo sa pamamahayag at pananalita. Sinabi nina Badayos (2007), na ang
idyolek ay tumutukoy sa pekyularidad ng isang tao sa paggamit ng kanyang wikang
sinasalita. Pampersonal na gamit ito ng wika na kadalasang yunik sa kanyang
pagkatao.
Halimbawa:
▪ “Magandang Gabi Bayan” – Noli de Castro
▪ “Hoy Gising” – Ted Failon
▪ “Hindi ka namin tatantanan” – Mike Enriquez
▪ “Di umano’y” – Jessica Soho
Yunit 1: Pagtalakay sa Wikang Filipino

Dayalek
Ito ay nalilikha ng dahil sa heograpikong kinaroroonan. Ang barayti na ito ay
ginagamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na tinitirahan. Ang
dayalek ay wikang ginagamit sa isang tiyak na lugar, rehiyon o probinsya. Ang
pagkakaiba ay maaaring makita sa mga sumusunod:
=>tunog
=> paraaan ng pagbigkas
=>bokabularyo
=>gramar o bararila
Mga halimbawa:

FILIPINO CEBUANO HILIGAYNON ILOKANO

kidlat kilat kilat kimat

kilay kilay kilay kiday

kuko kuko kuko kuko

kulay kolor kolor maris

kulog dalugdog daguop guruod

kumot habol habol ules

gkutsilyo kutsilyo sundang imuko

daga ilaga ilaga bao

dagat dagat dagat baybay

dahon dahon dahon bulong

dalawa duha duwa duwa

daliri tudlo tudlo kamay

damit senina bayo bado

damo sagmot hilamon kukuot

gamot tambal bulong agas

3. Sosyolek o Sosyalek
Uri ng barayti na pansamantala lang at ginagamit sa isang partikular na grupo.
Ayon pa rin kina Badayos (2007), sinasabing pansamantalang barayti ito. Tinawag itong
pansamantala dahil nalilinang ito sa pamamagitan ng malayang interaksyon at
sosyalisasyon natin sa isang partikular na grupo ng mga tao.
Halimbawa:
▪ Te meg, shat ta? (Pare, mag-inuman tayo)
▪ Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
▪ Wag kang snobber (Huwag kang maging suplado)
Yunit 1: Pagtalakay sa Wikang Filipino

4. Etnolek
Ginawa ito mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Nagkaroon ng iba’t
ibang etnolek dahil sa maraming mga pangkat na etniko.
Halimbawa:
▪ Palangga – Sinisinta, Minamahal
▪ Kalipay – saya, tuwa, kasiya
▪ Bulanim – pagkahugis ng buo ng buwan
5. Ekolek
Ito ay kadalasang ginagamit sa ating tirahan. Ito ay kadalasang nagmumula sa
mga bibig ng bata at matanda.
Halimbawa:
▪ Palikuran – banyo o kubeta
▪ Papa – ama/tatay
▪ Mama – nanay/ina
6. Pidgin
Wala itong pormal na estraktura at tinawag ding “lengwahe ng wala ninuman”.
Ginagamit ito sa mga tao na nasa ibang lugar o bansa.
Halimbawa:
▪ Ako punta banyo – Pupunta muna ako sa banyo.
▪ Hindi ikaw galing kanta – Hindi ka magaling kumanta.
▪ Sali ako laro ulan – Sasali akong maglaro sa ulan.
7. Creole
Ito ay ang pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar
hanggang sa naging personal na wika.
Halimbawa:
▪ Mi nombre – Ang pangalan ko
▪ Yu ting yu wan, a? – Akala mo espesyal ka o ano?
▪ I gat planti kain kain abus long bikbus – Marami akong uri ng mga hayop sa
gubatan.
8. Register (sagot sa panimulang pagtataya bilang 10)
Ito ay espesyalisadong ginagamit sa isang partikular na pangkat o domeyn. May
tatlong uri nito:
▪ Larangan – naayon ito sa larangan ng taong gumagamit nito.
▪ Modo – paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon?
▪ Tenor- ayon sa relasyon ng mga nag-uusap.
Halimbawa:
▪ Jejemon
▪ Binaliktad
▪ Pinaikli sa teks
Pag-aralan ang mga rejister na wika sa Criminology
masaker - ang maramihang pagpaslang na naganap sa isang tiyak na lugar katulad ng bahay o
bakuran.
Yunit 1: Pagtalakay sa Wikang Filipino

pambibitag - nagpapanggap ang pulis bilang isang kliyente upang mahuli sa akto ang kriminal
na isinasagawa ang ilegal nitong gawain.
pagdukot - sapilitang pagtangay sa isang tao na may hangaring gawan ng masama o ipatubos
sa kapamilya.
pagpatay - pagpaslang o pagkitil sa buhay ng isang tao na pa- traydor.
pananamsam - pagkumpiska ng mga kagamitan bilang ebidensya sa isang krimen.
panggagantso – di-pagbabayad ng utang ayon sa napagkasunduan.
panghuhuwad - kasingkahulugan ng “pamemeke” paniniktik - pagsubaybay sa kilos ng isang tao.
Paninirang - puri - pagsasabi tungkol sa isang tao na may hangaring sirain ang reputasyon nito.
panghahalay - sapilitang pakikipagtalik sa isang biktima gamit ang ari o anumang bagay; pakikipagtalik sa
biktimang tulog o wala sa katinuan.
rebolber- baril na de-bola.
talaulatan ng palis - talaan ng mga pangyayari sa buong magdamag.
tanurang—pampulisya - lugar na pinaghihimpilan ng pulis sa labs ng istasyon na maaring
makita sa mga mataong kalsada o lugar.

Pangwakas na gawain

Gawain Blg. 2
Panuto: Balikan ang ginawang komiks sa panimulang gawain. Lagyan ito ng mga
diskurso. Gawing bold ang mga salitang gagamitin kung ito ay “Antas ng Wika” at italic
naman kung ito ay “Barayti ng Wika”. Sa ibaba ay ilista ang mga salitang ginamit sa
komiks at huwag kalimutan lagyan ito ng indikasyon kung ito ba’y antas ng wika o
barayti ng wika.

pagtatayan

PANUTO: Basahin nang mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang. Piliin lamang
ang titik ng napiling tamang sagot.
1. Ito ay nagsisilbing instrumento ng tao sa kanyang pakikipag-usap.
A. Bibig C. Kamay
B. Wika D. Selpon
2. Ito ay ang pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar
hanggang sa naging personal na wika.
A. Pidgin C. Rejister
B. Creole D. Jargon
3. Ito ay ang personal na paggamit ng salita ng isang indibidwal.
A. Idyolek C. Ekolek
B. Dayalek D. Etnolek
Yunit 1: Pagtalakay sa Wikang Filipino

4. Ito ang pinakamababang antas ng wika.


A. Balbal C. Kolokyal
B. Lalawiganin D. Pambansa
5. Ito ay espesyalisadong ginagamit sa isang partikular na pangkat o domeyn.
A. Pidgin C. Rejister
B. Creole D. Jargon
6. Tumutukoy ito sa pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika.
A. Katangian C. Barayti
B. Kahulugan D. Kahalagahan
7. Ito ang mga salitang ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong pangmadla
A. Balbal C. Kolokyal
B. Lalawiganin D. Pambansa
8. Ito ang mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita.
A. Balbal C. Kolokyal
B. Lalawiganin D. Pambansa
9. Ang barayti na ito ay ginagamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o
lalawigan na tinitirahan.
A. Idyolek C. Ekolek
B. Dayalek D. Etnolek
10. Naku! pare tumakbo kana nandiyan na ang mga parak. Ang salitang may
salungguhit ay anong halimbawa ng barayti ng wika?
A. Balbal C. Kolokyal
B. Lalawiganin D. Pambansa
11. Ito ang mga pinakamataas at pinakamayamang antas ng wika.
A. Balbal C. Kolokyal
B. Lalawiganin D. Pambansa
12. Uri ng barayti na pansamantala lang at ginagamit sa isang partikular na grupo.
A. Sosyolek C. Ekolek
B. Etnolek D. Idyolek
13. Ginawa ito mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo.
A. Sosyolek C. Ekolek
B. Etnolek D. Idyolek
14. Wala itong pormal na estraktura at tinawag ding “lengwahe ng wala ninuman”.
A. Creole C. Pidgin
B. Rejister D. Jargon
15. Ang mga sumusunod na salita ay mga halimbawa ng rejister maliban sa isa.
A. Masaker C. Paliguan
B. Pagdukot D. Banghay-aralin

sanggunian

▪ Filipino 1 Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Cid V. Alcaraz. Lorimar


Publishing Company Inc.
▪ Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Batayan at Sanayang-Aklat sa Filipino 1
Pokus sa Criminology. Arvin Kim A. Arnilla. Wiseman’s Books Trading, Inc.

You might also like