You are on page 1of 7

Romnick B.

Reformado
ANO ANG RETORIKA?
Ang RETORIKA ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na
tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsusulat at pagsasalita
BAKIT MAHALAGA ANG RETORIKA?
Ang RETORIKA ay ang pagpapahayag o pagsasalita sa harap ng isa o
maraming tao, sa makatuwid mahalaga ang retorika upang makapagpahayag
ka ng iyong mga nararamdaman sa mga bagay- bagay. Mahalaga ito sa pang
araw-araw dahil kapag walang retorika magiging napakatahimik ng mundo at
walang komunikasyon at interaksyon ang magaganap sa bawat isa, hindi
magagamit ang wika ng bawat isa at wala nang pagkaka-intindihan sa bawat
indibidwal. Mawawala ang ating pagkakaisa.
ANO ANG BASA?
Ang Pagbabasa ay ang pagbibigay-malay sa proseso ng pag-unawa ng isang
nakasulat na wikang mensahe.
Pagtugon sa damdamin at kaisipan sa mga titik na nasa pahina
ANO ANG PARAAN NG PAGBASA?
MASURING PAG BASA
Ito ay pagbabasa nang maingat para maunawaan ang binabasa upang
matugunan ang pangangailangan.
ISKIMING
ito ay mabilisang pag basa upang makuha ang pang kalahatang ideya ng
teksto .
ISKANING O PALAKTAW NA PAG BASA
Ang nag babasa ay tumutunton sa mahalagang salita, mga pamagat at mga
subtitulo.
PREVIEWING
Sinusuri ng mambabasa ang kabuuan, estilo at rehistro ng wika ng
sumusulat
KASWAL NA PAG BABASA
Kadalasang ginagawa bilang pampalipas oras lamang
PAGBASANG MAY PAG TATALA
Pag basang may kaakibat na pag tatala o pagha-highlight ng mahahalagang
impormasyon sa teksto.
PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
Layuning malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng pagbasa sa
pahayagan kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o wala.
maari rin ang pagbasa ng aklat sa layunin masagot ang takdang aralin.
MULING PAGBASA
Paulit-ulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng
mahirap na talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag.
TAHIMIK NA PAGBASA
Ang tahimik na pagbasa ay isinasagawa sa pamamagitan ng mata lamang.
MALAKAS NA PAGBASA
Ay ang proseso ng pag-unawa sa kahulugan ng mga nakalimbag na titik at
pag sasatinig nito upang maihatid sa taga pakinig ang minsahe ng may akda
Page 1

Romnick B. Reformado

ANO ANG SAGABAL SA PAGBASA?


Kalagayan ng Pag-iisip- Ang mababang kaisipan ay sagabal sa mabisang
pagbasa. Maaring pagmulan ito ng kabiguang mag-ugnay ng mga sagisag sa
mga salitang ginagamit ng may-akda at ng kawalan ng kakayahang tumugon
sa mga bagay na bagasa at mahinag pagsasaulo ng mga bagay na nakita.
Pagbasa nang walang direksyon- Kailangang maunawaan ng isang tao kung
bakit siya bumabasa. Ano ang layunin niya sa pagbasa? Bumabasa ba siya ng
pahayagan upang malaman lamang ang mga balita sa kasalukuyan?
Bumabasa ba siya ngmga aklat sapagkat kinakailangan sa kanyang pagpasok
sa paalaran?
Pagbasa ng mga babasahin at mga aklat na para bang magkatulad ang
kanilang pagkakasulat- mahalagang unawain ang nilalaman, ang bawat
pangngalan, pang-uri, pandiwa, at pang-abay. Mahalagang-mahalaga sa
isang bumabasa ang lubos na kaalaman sa ibat ibang bahagi ng pananalita.
Huwag basahin nang minsanan lamang, manapay ulit-ulitin.
Kawalan ng wastong pamama raan sa pagbasa batay sa layunin- Unahin
muna ang madadali bago tunguhin ang mahihirap . Katulad halimbawa ng
mga aklat. Sagutin muna ang mga katanungang madadali. Ihuli ang
mahihirap.
Hindi paggamit ang mga pananda (marginal notations)- Madaling
maunawaan ang diwa ng binabasa kung isasalin sa sarilng mga pananalita,
mga parirala at bilang ang mahahalagang diwang nais ipahayag.
Kulang sa katatagan ng damdamin- Ang pagkakaroon ng kaba o nerbiyos at
iba pang mga psychiatric ay sagabal sa mabisang pagbabasa. Ang iba pang
maaring maging sanhi ng kakulangan sa katatagan ng damdamin ay pagod,
pag-aalala, kakulangan ng kawilihan,kulang sa pagtitiyaga,kawalan ng sigla
at hindinormal na saloobino hilig sa pagbasa.babasa.
ANO ANG SULAT?
Ang sulat ay isang salita, salita na kung saan masasabing ginawa ng isang
tao, hindi mabubuo ang sulat kapag wala ang tao, sa sulat, naipapakita natin
kung ano tayo, kung ano ang mga iniisip natin at kung ano ang katangian ng
taong nagsusulat nito.
ANO ANG PARAAN NG PAGSULAT?
Dapat na marunong ang isang manunulat na tumimpla ng kanyang mga
sinusulat. Nakabaling ito sa tonot himig na hangad ipahiwatig sa katha.
Mgsimula sa pagsulat ng mga diyalogo. Kailangang masalang mabuti kung
ano ang mga gagamiting salita sa diyalogo.
Piliin ang salita na gagamitin depende sa manonood o paksa.
Mahalaga na may nilalaman (content) ang isang kuwento. Ito ang mensahe
ng kuwento, anyo (form) sapagkat mapapailalim sa anyo ang kasiningan ng
pagsusulat. Dito pumapasok ang estilo.
Page 2

Romnick B. Reformado

Kailangan sa pagsulat ang disenyo, ang pagbalangakas, ang mga dibisyon


(ang simula, sinulong, at wakas). Dapat rin na pag-aralan ang makatotohanan
at epektibong banghay (plot), karakter (character), tagpuan (location),
paningin (point of view), at iba pang sangkap sa pagkatha. Sa pagsulat ng
iskrip nalrarapat na lakipan ito ng angkop na tunog sapagkat ang iyong
gagawin akda ay pagbabatayan at pinakabuhay ng isang dula.

ANO ANG SAGABAL SA PAGSULAT?


Ang pagiisip ng kung ano-ano na walang kinalaman sa iyong ay maaring
maka sagabal sa iyong pagsususulat.
Maari ding makasagabal sa pagsusulat ang iyong kapaligiran nakikita o
naririnig.
PAGPILI NANG WASTONG GAMIT NG MGA SALITA
NANG AT NG
NANG
Kung ang sumusunod sa salita ay pandiwa (verb)
Halimbawa:
Talon nang talon ang mga bata
Lipad nang lipad ang mga kalapati
Kung ang sumusunod na salita ay pang-uri (adjective)
Halimbawa:
Ang lumalad nang matuli kung matinik ay malalim
Sumuko nang mahinahon ang mga pugante
Kung gagamitin sa unahan ng pangungusap.
Halimbawa:
lumalim ang gabi ay nagsimulang mag-uwian ang mga bisita
Nang umapaw ang tubig sa ilog ay nagsimulang lumikas ang mga tao

NG - Ang salitang ng ay isinusulat sa pagitan ng dalawang pangngalan


(noun). Ang pangngalan na sinusundan ng salitang ng ang nagmamay-ari ng
unang pangngalan na binanggit.
Halimbawa:
Pagkain ng aso
Magulang ng mga bata
Kalabaw ng magsasaka
KUNG AT KONG
KUNG - Ang kung ay ginagamit na pangatnig sa mga sugnay na di makapagisa sa mga pangungusap na hugnayan gaya nang mapapansin sa mga
halimbawang pangungusap.
Halimbawa:
Kung siyay narito, tayos magiging masaya.
Sumama ka sa kanila kung ibig mo.
Kung hindi umulan, marahil ay naparito ako.

Page 3

Romnick B. Reformado
KONG - Ang kong naman ay buhat sa panghalip na ko at nilalagyan lamang
ng pang-angkop na ng sa pakikiugnay sa salitang sumusunod.
Halimbawa:
Ang aklat kong bago ay nawala.
Isalaysay kong lahat ang nangyari.
Nakita kong malubha ang kanyang sakit.

MAY AT MAYROON
MAY May ang ginagamit kung ang sumusunod na salita ay Pangngalan
Halimbawa:
May pulis sa ilalim ng tulay.
May ipis ang iyong pagkain.
MAYROON - Ang mayroon ay ginagamit kung ang sumusunod na salita ay
isang kataga, panghalip na panao (personal pronoun) o pamatlig atpangabay na panlunan (adverb of place).
Halimbawa:
Mayroon siyang malaking suliranin sa kanyang asawa.
Mayroon kayang pasok bukas?
Mayroon itong mabisang sangkap laban sa pagtatae.
Mayroon na ba siyang gamit sa pananahi?

SUBUKIN AT SUBUKAN
SUBUKIN - Subukin ang ginagamit kung ang ating nais ipahayag ay ang
paggawa ng isang bagay
Halimbawa:
Subukin natin ang sumayaw ng cha-cha.
Susubukin kong mag-aral lumangoy ngayong bakasyon.
Subukin mong gumawa ng magandang bagay sa iyong kapuwa.
SUBUKAN - Subukan naman ang ginagamit kung ang nais nating
ipagpalagay ay ang pagtikim, pagkilatis at pagsubok ng isang bagay
Halimbawa:
Ating subukan ang mantikilyang ito.
Subukan mo kung matibay nga ang binili kong sinulid.
Tayo nang subukan kung matamis nga ang mga lanzones.

PAHIRIN AT PAHIRAN
PAHIRIN - Pahirin ang ginagamit kung ang nais gawin ay alisin o tanggalin
ang isang bagay mula sa isang bagay
Halimbawa:
Pahirin mo ang sipon sa ilong ng iyong kapatid.
Aking papahirin ang luha sa iyong mga mata, giliw.
Huwag mo nang pahirin ang natirang langis sa makina.
Huwag mong kalimutang pahirin ang iyong muta sa umaga.

Page 4

Romnick B. Reformado
PAHIRAN - Pahiran ang ginagamit kung ang ibig ipagkahulugan ay lagyan ng
isang bagay ang isang bagay.
Halimbawa:
Pahiran mo ng mantikilya ang aking tinapay.
Aking papahiran ng pampakintab ang aking mesa.
Tayo nang pahiran ng floor wax ang sahig.
Pinahiran niya ng dumi ang aking kuwaderno.

OPERAHAN AT OPERAHIN
OPERAHIN - tiyak na bahagi ng katawan na titistisin
Halimbawa:
Ang tumor sa dibdib ng maysakit ay ooperahin mamaya.
OPERAHAN - tumutukoy sa tao
Halimbawa:
Si Luis ay ooperahan sa Martes.

NAPAKASAL AT NAGPAKASAL
NAPAKASAL - Ginagamit ang napakasal kapag ang tinutukoy ay ang
ginagawang pag-iisang dibdib ng dalawang nilalang na nagmamahalan.
Halimbawa:
Napakasal na magkasintahang Gray at Juvia.
NAGPAKASAL - Ginagamit ang nagpakasal ay tumutukoy sa taong naging
punong-abala o siyang nangasiwa upang makasal ang isang lalaki at babae.
Halimbawa:
Ang mga kapitbahay na matulungin ang nagpakasal sa maralitang sina Erza
at Jellal.

DIN AT RIN, DAW AT RAW


RIN AT RAW - Ang mga katagang rin at raw ay ginagamit kung ang
sinusundang salita ay nagtapos sa patinig at sa malapatinig na w at y.
Halimbawa:
Si Natsu at katulad mo ring masipag mag-aral.
DIN AT DAW - Ang din at daw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay
nagtapos sa katinig maliban sa w at y.
Halimbawa:
Nakapagsulat din ng aklat si Lucy.

SILA AT SINA, KINA AT KILA


SILA AT SINA -Ang sila ay panghalip panao samantalang ang sina ay
panandang pangkayarian sa pangalan.
Halimbawa:
Sila ay mabubuting anak.
Sina Gray at Natsu ay mabubuting anak.
Page 5

Romnick B. Reformado
KINA AT KILA - Ang kina ay panandang pangkayarian sa pangngalan.
Walang salitang kila sa Balarilang Filipino.
Halimbawa:
Papunta na kami kina Mr. Fullbuster.

PINTO AT PINTUAN
Ang pinto ( door ) ay bahagi ng daaanan na isinasara at ibinubukas. Ginawa
ito upang ilagay sa pintuan samantalang ang pintuan ( doorway ) ay ang
kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang bahaging daraanan kapag bukas na ang
pinto.
Halimbawa:
Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang lamok.
Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya't hindi niya maisara
ang pinto.

HAGDAN AT HAGDANAN
Ang hagdan ( stairs ) ay mga baytang at inaakyatan at binababaan sa
bahay/gusali samantalang ang hagdanan ( stairways) ay bahagi ng bahay na
kinalalagyan ng hagdan.
Halimbawa:
Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang klinika.
Matitibay ang hagdanan ng kanilang bahay kaya hindo gumuho ang hagdan
niyon matapos ang lindol.

IWAN AT IWANAN
Ang iwan ( to leave something ) ay nangangahulugang huwag isama/ dalhin
samantalang ang iwanan ( to leave something to somebody ) ay
nangangahulugan bibigyan ng kung ano ang isang tao.
Halimbawa:
Iwan mo na ang anak mo sa bahay niyo.
Iwanan mo ako ng perang pambili ng pananghalian.

SUNDIN AT SUNDAN
Ang sundin ( follow an advice ) ay nangangahulugang sumunod sa payo o
pangaral samantalang ang sundan ( follow where one is going; follow what
one does ) ay nangangahulugan gayahin ang ginagawa ng iba o pumunta sa
pinuntahan ng iba.
Halimbawa:
Sundin mo ang payo ng iyong mga magulang kung ayaw mong maligaw ng
landas.
Sundan mo agad ang umalis mong kaibigan at baka tuluyan na iyong
magtampo.
Page 6

Romnick B. Reformado

TUNGTONG, TUNTONG, AT TUNTON


Ang tungtong ay panakip sa palayok o kawali. Ang tuntong ay pagyapak sa
ano mang bagay. Ang tunton ay pagbakas o paghanap sa bakas ng ano mang
bagay.
Halimbawa:
Hindi makita ni Levy ang tungtong ng palayok sa kusina.
Tumuntong siya sa mesa upang maabot niya ang bumbilya.
Hindi ko matunton kung saan na nagsuot ang aming tuta.

DAHIL SA AT DAHILAN SA
Dahil sa ang wasto. Sinusundan ito ng pangngalang pinagsanhian ng isang
pangyayari. Mali ang dahilan sa. Ang dahilan ay pangngalan mismo.
Halimbawa:
Hindi siya nakapasa sa pagsusulit dahil sa hindi niya pagsunod sa panuto.
Panira sa mga kasamahan sa trabaho ang naging dahilan ng pagkasira ng
reputasyon ni Melody.

KUNG 'DI, KUNGDI, AT KUNDI


Ang kung 'di ( if not ) ay pinaikling kung hindi. Ang kungdi ay hindi dapat
gamitin dahil walang salitang ganito. Ang kundi ay kolokyalismo ng kung 'di.
Halimbawa:
Kung 'di ka sana nagmataas ay kaibigan mo pa rin si Jellal.
Walang makakapasok sa gusali kundi ang mga empleyado lamang

Page 7

You might also like