You are on page 1of 3

1

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Ang metodolohiya ay pamamaraan ng pangangalap ng mga datos o

impormasyon sa pananaliksik na kailangang masagot upang maging reliable, valid

at kaayaaya ang resulta ng isang pananaliksik. Sa bahaging ito pinapaliwanag

kung paano isinasagawa ng mananaliksik ang kanyang pag-aaral.

Sa pilosopiya, ang batayang simulain at tuntunin ng pagbubuo sa isang

sistemang pilosopiko o proseso ng pagsisiyasat; ang pag-aaral ng mga simulating

nagging batayan sa pagkabuo ng iba’t ibang agham at paggamit ng pagsisiyasat na

siyentipiko.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang bahaging ito ay nagpapaliwanag ng pagdulog na gagamitin ng

mananaliksik:

Ang kuwantitatibo pagdulog ay nakatuon sa pagkalkula at pagsusuri ng

mga estadistika, matematika, at numerical na datos na nangangalap sa

pamamagitan ng mga questionnaire at survey.

Nakatuon sa numerical na datos ayon kay Babbie (2010), tuon nito ang

obhetibong panukat, at mga numerical na pagsusuri ng mga nakalap na datos

gamit ang sdtructured research instrument. Sa ganitong pananaliksik, naiiwasan

ang pagkiling sapagkat ang mga datos ay nakabatay sa estadistika na ginamitan ng

isang estandardisadong numerical na pormula. Bagama’t itinuturing na

numerically significant ang ganitong pananaliksik, hindi naman maitatangging isa

sa kahinaan nito ang kawalan ng malalim na pagsusuri sa opinion ng taoi


2

Kuwalitatibong pagdulog ay nangangailangan ng primeryang pag-

iimbistiga.ginagamit ito upang magbigay linaw gamit upang magbigay linaw

gamit ang pangangatwiran, iba’t ibang pananaw o kuro-kuro, at mga hypothesis.

Nangangalap ang datos ditto gamit ang pakikipanayam, obserbasyon, atbp.

Ito ay anyo ng pag-aaral na nonnumerical o hindi nabibilang. Ang mga

datos ay itinatala at binibigyan-interpretasyon gamit ang non-numerical na

pamamaraan gaya ng open-ended surveys, panayam, at mga detalyadong

deskripsyon na kalimitang ginagawa sa iba’tibang disiplinang nabibilang sa

agham panlipunan. (Trochim, Donnelly, at Arora (2014)

Ang Deskriptibong pagdulog ay naglalarawan ng mga datos at maaring

tumulong sa paglathala ng bagong inpormasyon. Ang layunin ng pananaliksik na

ito ay mag-obserba, maglarawan at idokumento ito nangangalap ng datos gamit

ang mgaquestionaire, panayam, at obserbasyon.

Action research, ay isang praktikal na pagdulog sa pananaliksik. Ito ay

nakatuon sa paglikha ng mga konklusyon o “generalization”. Ito ay naglalayong

lumutas ng isang tiyak na suliranin sa isang programa, organisasyon, o

komunidad. Sa ganitong uri ng pananaliksik, kalimitang kabahagi ang mga

mananaliksik sa paksang pinag-aaralan.

Ebalwatibo, pagsusuri ng kalagayan ng isang proyekto, programa,

institusyon, Sistema, o pamamalakad sa pamamagitan ng pagsukat sa iba’t ibang

aspektong bumubuo rito na may layuning paunlarin ang kabuuang Sistema. Sa

ganitong disenyo ng pananaliksik, madalas na tinitignan ang kalakasan at

kahinaan ng mga nabanggit.


3

Komparatibo, ito ay uri ng pananaliksik na may layunin na ikumpara ang

dalawang varyabol na pinag-aralan sa pamamagitan ng pagtukoy sa pagkakatulad

at pagkakaiba ng mga paksang pinag-aralan.

Etnograpiya, layunin ng disenyong ito nap ag-aralan ang isang

phenomenon sa konteksto ng kulturang nananahan sa nasabing lipunan. Mahalaga

ito sapagkat nagbibigay ito ng malalim na kaalaman ukol sa sistemang political,

ekonomiko, kultural ng isang lipunan. Pinag-aaralan din ito sa ganitong uri ng

disenyo ang interaksyon, ugali, kilos at paniniwala ng mga tao sa nasabing

lipunan.

Sarbey, tumutukoy sa sistematikong pamamaraan ng pangangalap ng

datos kung saan ang mga tao ay tinatanong ukol sa kanilang saloobin o opinion

hinggil sda isang paksa. Maaaring isagawa sa pamamagitan ng paglikha ng isaqng

talatanungan na pasasagutan at panayam sa mga kalahok sap ag-aaral n amula sa

isang populasyon. (Trochim, Donnelly, at Arora (2014))

Panayam, ito ay direktang nakikipag-usap ang mga mananaliksik sa

kalahok sap ag-aaral upang makakuha ng impormasyong makasasagot sa mga

suliranin. Ayon kay Keyton (2015) ito ang piunakapraktikal at epektibong

metyodo sa isang kwalitatibong anyo ng pananaliksik na naglalayong malaman

ang nararamdaman at kung papaano mag-isip ang mga tao.

Kagamitan sa Pananaliksik

You might also like