You are on page 1of 2

Pananaw ng mga Kalalakihan sa Konsepto ng Seenzone

1. Ang pamagat ba ng pananaliksik ay obhetibo, sistematiko, kontolado at imperikal. Bakit?

Sagot: Opo. Ang pamagat ng pananaliksik na ito ay obhetibo, sistematiko, kontrolado at


imperikal sa kadahilanan na may tiyak na saklaw ang pag-aaral at ito ay may dependent
at independent na baryabol.

2. Ang pamagat ba ay specific o kayang makamit sa tama o itinakdang panahon?


Sagot: Opo.

3. Ano ang mga baryabol o kaalaman na ibinigay ng mananaliksik?


Sagot: Ang independent baryabol ay ang seenzone, mga social media sites gaya ng
Facebook, Twiter at Instagrami at ang dependent na baryabol naman ay ang mga
kalalakihan. Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pananaw ng mga mag-aaral na
kalalakihan ng Veritas Parochial School sa konsepto ng “Seenzone” bilang “motivation”
o “drive”. Sa kabuuan, Ang mananaliksik ay nakapanayam ng labing tatlong mag-aaral.
Ang mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong paraan ng pananaliksik partikular ang
pagtatanung-tanong at pakikipagkwentuhan upang makuha ng mananaliksik ang tunay na
nararamdaman ng mga kalahok at ito ay mas naaayon sa kamalayang Pilipino. Ang
layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ng henerasyon ngayon kung ano ang
konsepto ng “Seenzone”, ano ang naging bunga at epekto nito sa mga kalahok at kung
paano ito nakaapekto sa kanilang buhay. Ang problema sa pag-aaral na ito ay kung bakit
may mga lalaki na hanggang sa pampribadong pagmemensahe na lang sila nakikipagusap
sa kababaihan sa kadahilanang nga ba na natotorpe sila sa halip na tanggapin ang mga
dagok sa pagmamahal at sa ganoon ay makuha nila ang kanilang kagustuhan. Iisa at
positibo ang mga damdamin na naging resulta sa pagkuha ng datos sa mga kalahok lalo
na sa mga karanasan at epekto nito sa mga kalahok. Ito ang napiling pag-aaral ng
mananaliksik dahil nais niya mausisa ng lubusan at kung hindi man ay malaman niya
kung totoo nga na mayroong “Seenzone” sa panahong kinakatayuan nating lahat na
nahuhumaling sa iba’t ibang teknolohiya sa ating kapaligiran.

4. Paano ang pagkabuo ng balangkas? Ito ba ay sunod-sunod? Paano ito pinagsunod-sunod?


Sagot: Pinagsunod-sunod ang mga ideya sa pag-aaral sa pamamagitan ng paggawa ng
kanilang research paper na nakabatay sa mga bahagi ng pananaliksik. Ang mga bahagi ng
riserts paper ay Abstrak, Metodo ng Pag-aaral. Sa Metodo ng Pag-aaral, makikita ditto
ang Disenyo ng Pananaliksik, Mga Kalahok, Instrumento ng Pananaliksik, Paraan ng
Pagkuha ng Datos, at Pagsusuri ng Datos. Ang kasunod na bahagi ay ang Presentasyon at
Interpretasyon, Nakapaloob sa parteng ito ang Demograpikong Propayl ng Mga Kalahok.
Konklusyon at Rekomendasyon ang sumunod sa Presentasyon at Interpretasyon. At ang
panghuli ay ang Mga Sanggunian

5. Ano ang mga napatunayan o napag-alaman ng mananaliksik?


Sagot : Sa kabuuan, Ang pananaw ng mga kalahok patungkol sa “seenzone” na naayon sa
resulta ng pag-aaral ay may iisang damdamin sa pananaw ng mga lalaking mag-aaral sa
konsepto ng “Seenzone”. Ang konsepto ay isang pagganyak sa kadahilanang isa lamang
itong pagsubok na makakapagsabi kung hanggang saan ang kanyang kakayahan
pagdating sa pagseryoso sa isang bagay.
a. Opo.
b. Nakakatulong ito sa pagunawa ng mga kalalakihan sa totoong konsepto ng
seenzoned. Nakakatulong din ito sa pananaw ng mga mambabasa o kalahok sa
konseptong ito.
c. Makakatulong ang pananaliksik sa pamamagitan ng pagbigay alam sa kanila tungkol
sa epekto ng SNS sa mga kalalakihan, at kung paano din nagbago ang pagkakaroon
ng karelasyon ang mga kalalakihan, o kung anong paraan isinasagawa ang kanilang
panliligaw.

You might also like