You are on page 1of 14

PANGALAN:_____________________________________

BAITANG/SEKSYON:___________________________
____
11/12

PAGBASA AT PAGSUSURI
NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Kwarter III - Linggo 5
Tekstong Naratibo

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS

SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik - Baitang 11/12
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter III – Linggo 5: Tekstong Naratibo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa.

Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Activity Sheets

Manunulat: Agnes C. Barrera-Mendoza

Pangnilalamang Patnugot: Enrile O. Abrigo, Jr.

Editor: Marilyn C. Villon at Vilma R. Cabansag

Tagawasto: Marichel V. Miraflores at Carol V. Baron

Tagasuri: Luis R. Mationg, EPS – Filipino, Enrile O. Abrigo, Jr.,

Angie Lyka L. Galaroza, at Agnes C. Barrera-Mendoza

Tagaguhit: Angie Lyka L. Galaroza

Tagalapat: Agnes C. Barrera-Mendoza at Angie Lyka L. Galaroza

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado, PhD, ASDS
Cyril C. Serador, PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:

Ronald B. Brillantes
Mary Jane J. Parcon
Ronald N. Fragata
Joseph D. Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)

Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Tekstong Naratibo
MELC: Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa.
(F11PS-IIIf-92)

Mga Tiyak na Layunin:

1. Natutukoy ang mahahalagang detalye tungkol sa tekstong binasa.

2. Naiuugnay ang iba’t ibang halimbawa ng tekstong Naratibo batay sa
binasang teksto.
3. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa.

Subukin Natin
Bago natin talakayin ang paksa ay subukin mo munang sagutin ang pagsusulit na
ito upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman sa paksa. Handa ka na ba?

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong na tinutukoy ng bawat aytem. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 1. Alin ang halimbawa ng mabisang pagkakabuo ng tekstong naratibo?

A. Diyaryong Pampalakasan C. Batas Trapiko
B. Maikling Kuwento D. Brochure

_____ 2. Ano ang layunin ng tekstong naratibo?

A. Magbalita C. Maglibang
B. Makipagtalo D. Mangatwiran

_____ 3. Ano ang iba pang tawag sa tekstong naratibo?

A. Naglalahad C. Naglalarawan
B. Nangangatuwiran D. Nagsasalaysay

_____ 4. Alin sa sumusunod ang HINDI tekstong naratibo?

A. Buod ng Kuwento C. Nobela
B. Pelikula D. Diyaryong Pampalakasan

_____ 5. Ano ang pagkakaiba ng kahulugan ng tekstong naratibo sa tekstong impormatibo?

A. Ang tekstong naratibo ay nakatuon sa katotohanan samantalang ang
tekstong impormatibo ay nakatuon sa emosyon.
B. Ang tekstong naratibo ay nakatuon sa emosyon samantalang ang tekstong
impormatibo ay nakatuon sa katotohanan.
C. Ang tekstong naratibo ay nakatuon sa pagtatalo samantalang ang tekstong
impormatibo ay nakatuon sa paglalarawan.
D. Ang tekstong naratibo ay nakatuon sa paglalarawan samantalang ang
tekstong impormatibo ay nakatuon sa pangangatwiran.
1
_____ 6. Bakit sinasabing bahagi ng pang-araw-araw na buhay ang pagsasalaysay?
A. Naikukuwento ang mga pang-araw-araw na buhay.
B. Nailalahad ang mga katatawanan.
C. Natutukoy ang mga kababalaghan.
D. Naisasalaysay ang mga paglalarawan.

_____ 7. Paano maituturing na tekstong naratibo ang mga akdang di-piksyon katulad ng
talambuhay?
A. Ang pagkukuwento ay batay sa tunay na karanasan sa buhay.
B. Ito ay pagkukuwento ng kasiyahan.
C. Ito ay pagkukuwento ng buhay ng may buhay.
D. Ang pagkukuwento ay may paglalarawan.

_____ 8. Paano nakatutuon sa katotohanan ng buhay ang tekstong naratibo?

A. Nagagawang makipagtalo habang nagbabasa.
B. Natatalakay ang sariling karanasan.
C. Nakukuha nito ang emosyon ng bumabasa.
D. Nailalarawan nito ang mga karanasan.

_____ 9. Saan nasasalamin ang estilo at pagkatao ng manunulat?

A. Wakas ng kuwento
B. Takbo ng kuwento
C. Paksa ng kuwento
D. Elemento ng isang kuwento

_____ 10. Alin ang HINDI halimbawa ng tekstong naratibo?

A. Alamat
B. Maikling kuwento
C. Pabula
D. Soduko

2
Ating Alamin at Tuklasin

Binhi ng Kaalaman
Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga
pangyayari tungkol sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar
at panahon o sa isang tagpuan. May iba’t ibang pananaw para sa bawat
panauhan o tauhang gumaganap sa kuwento gaya ng paggamit ng “ako,
ikaw at siya” sa kuwento.
Mayroon ding sariling paraan ng pagpapahayag ng
dayalogo at saloobin o damdamin.

Ang maikling kuwento, pabula, alamat at nobela ay ilan sa mga halimbawa ng

tekstong Naratibo. Ang mga ito ay akdang piksyon subalit hindi lahat ng naratibo ay
piksyon. Mayroon ding naratibong di-piksyon. Kapag nagsulat ka ng kasaysayan ng iyong
buhay o ng iyong pansariling talambuhay, hindi ka lang basta babanggit ng ilang totoong
impormasyon tungkol sa iyo gaya ng kung sino ang magulang mo, saan ka isinilang at
lumaki, saan ka nag-aaral at iba pang pangunahing datalye tungkol sa iyong sarili. Tiyak
na magkukuwento ka tungkol sa iyong kabataan, gayundin ng mga pangyayari sa iyong
paglaki hanggang sa kasalukuyan.

Hindi maiiwasang magdagdag ka ng mga tauhan, mga pangyayaring humubog sa iyong

pagkataong maaaring malulungkot o masasaya, mga aral na natutuhan sa buhay, maging
ng iyong mga tagumpay at kabiguan. Hindi mo namamalayang nagkukuwento ka na pala
at bumubuo ng isang tekstong naratibong hango sa mga totoong pangyayari sa iyong
buhay.
Sa bawat araw sa buhay ng isang tao ay laging may mga pangyayaring maibabahagi o
maikukuwento niya sa iba. Maaaring mga simpleng pangyayaring nasaksihan sa kanyang
pagpasok o kaya nama’y ang mga ipinagpapalagay niyang pinakamahahalaga o
pinakamalalaking pangyayari sa kanyang maghapon. Ang pagsasalaysay o pagkukuwento
ay karaniwang nangyayari kapag nagkita-kita o nagsalo-salo ang mga magkakamag-anak
o maging ang magkakaibigan subalit minsan, ang salaysay ay hindi lang basta naibabahagi
nang pasalita. Sa halip, naitala rin sa mga pahina ng isang talaarawan. Hindi halos
nararamdaman ng nagsusulat na siya’y bumubuo na pala ng isang kuwento, ang kanyang
sariling kuwentong bahagi ng isang uri ng teksto, ang tekstong naratibo.

Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ang makapagsalaysay ng mga

pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya. Mahahalagang aral at mga
pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng kahalagahan ng pagiging mabuti at tapat na ang
kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang kasipagan at pagtitiyaga ay
nagdudulot ng tagumpay at iba pa.

Ang mga mambabasa ay direktang isinasama ng manunulat sa isang tekstong naratibo

at nagiging saksi sa mga pangyayaring kanyang isinasalaysay. May iba’t ibang uri ng
naratibo tulad ng maikling kuwento, nobela, kuwentong-bayan, mitolohiya, alamat, tulang
pasalaysay tulad ng epiko, dula, mga kuwento ng kababalaghan, anekdota, parabola,
science fiction at iba pa. Iba’t ibang uri subalit may iisang pagkakapareho: ang bawat isa’y
nagkukuwento o nagsasalaysay.

3
Sa pagsulat ng naratibong di-piksiyon ay lumulutang ang mga elemento ng isang
kuwento. Mula rito’y masasalamin ang estilo at pagkatao ng manunulat. Ang mga
elementong ito’y hindi makikita sa isang brochure o sa isang balita kaya naman bagama’t
parehong di-piksyon ay kitang-kita pa rin ang pagkakaiba ng isang tekstong naratibo sa
tekstong impormatibo.

(Pinagkunan: “Writing Essay”, March 10, 2021,

https//:www.tamiu.edu/uc/writingcenter/documents/
WritinganEssayCDA.pdf.)

Halimbawa ng Isang Tekstong Naratibo (Maikling Kuwento)

Ang Plaza Cuartel

(Lokalisadong Kuwento nina Matchico, Ariel, et.al mula sa Di-nailathalang Tesis)

Pitong dekada na ang lumipas. Naglalaro sa aking balintataw ang paglangoy ng 11

na sundalong Amerikano at Pilipino patungong Iwahig habang pinauulanan ng bala ng mga
Hapon.

Nagbuntunghininga ako. Sandaling dinama ang bisig. Wari’y nadama ko ang piglas
ng dugo sa aking mga ugat. Parang naamo’y ko ang gasolinang ibinuhos sa mga walang
kalaban- labang POW o prisoners of war na nasa loob ng tunnel habang pinapaulanan ng
machine gun ang mga nagtatangkang lumabas doon.
May kumirot sa aking dibdib. Di ko maipinta ang larawan ng madilim na langit na
lumiliwanag sa nagkris-krus na mga bala ng kanyon at balang kontra-eroplano. Sa ibaba
ay nangangatal ang mga sundalong Hapon na nakakaramdam nang nalalapit na wakas.
Umupo ako sa upuan habang dinadama ang hangin ay nakaidlip ako. Dinalaw ako
ng mga kaluluwang puyat sa pagpaplano ng pagtakas kahit ang lupang katawan ay ay
iginugupo ng sakit. Nababakas sa kanilang mukha ang pag-asa nang marinig ang
malalakas na putok at bagsak ng mga bomba sa kabi-kabila ng tanggulan.

Nalugmok ang mga sugatang Hapon. Mabilis na tinulak papasok sa kweba ng

natirang tanod ang mga bihag at tinakpan ang lagusan. Sa mata ng tanod ay nabuo ang
isang mabigat na pasya tulad sa isang Kamikaze. Kumuha ito ng masangsang na likido at
sinindihan ang lumang tanggulan habang ang bayoneta ang nagsisilbing saksi sa mga
huling salitang nausal ng mahigit 150 bayani na nagbuwis nag buhay para sa kalayaan
noong Disyembre 14, 1944.

Ginising ako ng bantay ng Plaza Cuartel. Pagmulat ko’y palabas na ang mga bisita
sa parke. Nakaidlip pala ako. Narinig ko ang huni ng “gagasing”. Ala-sais na. Magsisimba
pa pala ako sa katedral ng Lungsod ng Puerto Princesa. Alam kong naghihintay na ang
pari.

(Pinagkunan: Ariel Matchico, Eleonore M. Heredero at Lilibeth Z. Limuaco. “Panitikang

Subaraw bilang Lokalisadong mga Teksto.” Di-nailathalang Tesis: Departamento ng
Edukasyon, Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa, 2019.)

4
Tayo’y Magsanay

Panuto: Punan ang kahon sa bawat bilang upang mabuo ang hinihinging salita.

4
3

Pahalang
1. Halimbawa ng tekstong naratibo.
3. Pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari.
5. Bahagi ng tekstong naratibo.

Pababa
2. Pangunahing layunin ng tekstong naratibo.
4. Hindi mababasa ang tekstong naratibo.

5
Panuto: Gaya ng iba pang teksto, maraming taglay na halaga ang maikling teksto ng
“Plaza Cuartel.” Paano mo maiuugnay ang halaga nito sa iyong sarili, pamilya,
komunidad at bansa?

1. Isa sa layunin ng Plaza Cuartel ay mabigyang halaga ang makasaysayang bahagi ng

lungsod ng Puerto Princesa. Paano mo maiuugnay ang pagpapahalagang ito sa iyong
sarili?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

2. Mahalang maingatan at mapanatili natin ang mga makasaysayang lugar sa ating

lungsod upang matamasa pa ito ng susunod nating salinlahi. Paano mo maibabahagi
ang pagpapahalagang ito sa iyong pamilya?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Nanganganib nang maubos at tuluyang mawala ang ilang makasaysayang lugar sa

ating lungsod. Ano ang magagawa mo upang makatulong sa mga proyektong pang
sa ating lungsod?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

6
Ating Pagyamanin

Panuto: Ibahagi mo nang may kalayaan ang iyong sariling karanasan kaugnay ng
pahayag. Isulat ang iyong sagot pagkatapos ng pahayag.

Kilala ang Lungsod ng Puerto Princesa sa taguring “City in the Forest, the last Frontier”.

_______________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________ .

7
Panuto: Ikaw ay isang baguhang manunulat sa inyong Pahayagang Pampaaralan, ito
na ngayon ang iyong pagkakataong makapagsulat ng sarili mong tekstong naratibo
partikular ang maikling kuwentong ilalathala sa inyong pahayagan kung papasa sa
panlasa ng editor at gurong tagapayo. Gamitin mo ang mga natutuhan mo sa tamang
paglalarawan mula sa aralin sa tekstong deskriptibo, gayundin ang kaalaman ukol sa
mga katangian at elemento ng tekstong naratibo upang makabuo ka ng maikling
kuwentong hindi lamang makapagbibigay-aliw kundi mag-iiwan din ng mahalagang aral
sa mga mambabasa at pagkalipas ng maraming taon ay maaari pang maituring na isa
ring obra maestra ng panitikang Pilipino. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang espasyo
sa ibaba.

“________________________________________”

_________________________________________________________________________

___________________________________________________________ .

Gawing gabay ang rubrik para sa iyong isusulat na maikling kuwento.

Puntos Pamantayan
4 Napakahusay ng pagkakasulat at Nakapag-iiwan ng mahalagang aral sa
lubhang nakaaaliw mambabasa.
3 Mahusay ang pagkakasulat at Nagtataglay ng mahalagang aral para sa
nakaaaliw. mambabasa.
2 Hindi gaanong mahusay ang Hindi nakaakit sa mambabasa at hindi
pagkakasulat malinaw na naipabatid ang taglay na aral.
1 Maraming kakulangan sa Hindi nakaakit at hindi malinaw ang taglay
pagkakasulat. na aral.

8
Ang Aking Natutuhan

DUDUGTUNGAN KO

Ang tekstong naratibo ay 1__________________ o ___________________ ng mga

pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa
isang tagpuan nang may maayos na 2___________________________ mula simula
hanggang katapusan.

Ang maikling kuwento, pabula, alamat, at nobela ay ilan sa mga

halimbawa ng 3__________________. Ang mga ito ay akdang piksyon subalit hindi
lahat ng naratibo ay piksyon. Mayroon ding naratibong 4___________________.
DUDUGTUNGAN
Kapag nagsulat ka ng kasaysayan ng iyong KO
buhay o ng iyong pansariling
talambuhay, hindi ka lang basta babanggit ng ilang totoong impormasyon
tungkol sa iyo gaya ng kung sino ang magulang mo, saan ka isinilang at lumaki,
saan ka nag-aaral, at iba pang pangunahing datalye tungkol sa iyong sarili. Tiyak
na 5______________________ ka tungkol sa iyong kabataan, gayundin ng mga
pangyayari sa iyong paglaki, hanggang sa kasalukuyan.

Ating Tayahin
Sa pagtatapos ng modyul na ito, muli nating sukatin ang lawak ng iyong nalalaman sa
kabuuan ng iyong natutuhan tungkol sa tekstong naratibo.

Panuto: Unawain at sagutin ang mga tanong, isulat ang sagot sa inilaang espasyo bago
ang bawat bilang.

_____ 1. Alin ang halimbawa ng tekstong naratibo?

A. Diyaryong Pampalakasan C. Maikling Kuwento
B. Brochure D. Ticket sa Lotto

_____ 2. Ano ang layunin ng tekstong naratibo?

A. Magbalita C. Makipagtalo
B. Maglibang D. Mangatwiran

_____ 3. Ano ang iba pang tawag sa tekstong naratibo?

A. Naglalahad C. Nagsasalaysay
B. Nangangatuwiran D. Naglalarawan

9
_____4. Alin sa sumusunod ang HINDI tekstong naratibo?
A. Diyaryong Pampalakasan C. Nobela
B. Pelikula D. Buod ng Kuwento

_____5. Paano naiba ang tekstong naratibo sa tekstong impormatibo?

A. Ang tekstong naratibo ay nakatuon sa katotohanan samantalang ang
tekstong impormatibo ay nakatuon sa emosyon.
B. Ang tekstong naratibo ay nakatuon sa emosyon samantalang ang tekstong
impormatibo ay nakatuon sa katotohanan.
C. Ang tekstong naratibo ay nakatuon sa pagtatalo samantalang ang tekstong
impormatibo ay nakatuon sa paglalarawan.
D. Ang tekstong naratibo ay nakatuon sa paglalarawan samantalang ang
tekstong impormatibo ay nakatuon sa pangangatwiran.

_____ 6. Paanong nakatuon sa katotohanan ng buhay ang tekstong naratibo?

A. Nagagawang makipagtalo habang nagbabasa.
B. Natatalakay ang sariling karanasan.
C. Nakukuha nito ang emosyon ng bumabasa.
D. Nailalarawan nito ang mga karanasan.

_____ 7. Paano masasalamin ang estilo at pagkatao ng manunulat? Sa pamamagitan ng ___.

A. wakas ng kuwento.
B. takbo ng kuwento.
C. paksa ng kuwento.
D. elemento ng isang kuwento.

_____ 8. Alin sa sumusunod ang HINDI halimbawa ng tekstong naratibo?

A. Alamat
B. Maikling kuwento
C. Pabula
D. Soduko

_____ 9. Ang sumusunod ay halimbawa ng tekstong naratibo MALIBAN sa isa.

A. Epiko C. Awitin
B. Pabula D. Alamat

_____ 10. Paboritong basahin ni Elson ang kuwento tungkol sa kuneho at pagong. Anong
halimbawa ng tekstong naratibo ang kuwentong binabasa ni Elson?
A. Alamat C. Mito
B. Pabula D. Parabola

10
Susi sa Pagwawasto

Subukin Tayo’y Magsanay Ating Pagyamanin

1. B Gawain 1 -Nakabatay sa Gawain 1- Nakabatay sa sagot

2. C sagot ng mag-aaral ng mag-aaral
3. D Gawain 2
4. D 1. Alamat Gawain 2 – Bigyang iskor batay
5. B 2. Makapagsalaysay sa pamantayang ibinigay.
6. A 3. Tekstong Naratibo
7. A 4. Brochure
8. C 5. Talambuhay
9. D
10. D Ating Tayahin

Ang Aking Natutuhan 1. C

2. B
Gawain 1 3. C
1. pagsasalaysay o pagkukuwento 4. A
2. pagkakasunod-sunod 5. B
3. tekstong naratibo 6. C
4. di-piksyon 7. D
5. magkukuwento 8. D
9. C
10. B

Sanggunian
1. Di- nailathalang Tesis

Matchico, Ariel I., “Panitikang Subaraw Bilang Lokalisadong Mga Teksto:

Interbensiyon sa Pang-unawasa sa Binasa ng mga Mag-aaral sa
Baitang-7.” Mataas na Paaralan ng Sicsican; Dibisyon ng Lungsod ng
Puerto Princesa. Di-nailathalang Tesis (2019).

2. Website
https//:www.tamiu.edu/uc/writingcenter/documents/WritinganEssayCDA.pdf

11
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito

ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang

nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong

kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan

(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo

at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG MAG-AARAL:

Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS :

Petsa ng Pagbalik ng CLAS :

Lagda ng Guro:

12

You might also like