You are on page 1of 10

6

PANGALAN:_____________________________________
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

FILIPINO
Kwarter IV – Linggo 3
Pagkakaiba ng Kathang Isip
at Di-Kathang Isip na Teksto

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Filipino - Baitang 6
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV – Linggo 3: Pagkakaiba ng Kathang Isip
at Di- Kathang Isip na Teksto
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contexualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Hygeline SJ. Regalado
Pangnilalamang Patnugot: Leah M. Caabay PhD
Editor ng Wika: Leah M. Caabay PhD
Tagawasto: Hygeline SJ. Regalado
Tagasuri: Luis R. Mationg, Mary Jean J. Parcon, Leah M. Caabay PhD
Margie S. Gumban, Rennyll C. Cayabo
Tagaguhit: Fedeliza A. Dela Cruz
Tagalapat: Maricar R. Tero
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Mary Jane J. Parcon, PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald S. Brillantes Enrile O. Abrigo Jr.
Mary Jane J. Parcon Ernesto P. Socrates Jr.
Ronald N. Fragata Maja Jorey B. Dongor
Joseph D. Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Pagsusuri ng Kathang Isip
at Di-Kathang Isip na Teksto

MELC: Nasusuri ang pagkakaiba ng kathang isip (piksyon) at di-kathang isip (di-piksyon)
na teksto (fiction at non-fiction) (F6PB-IVc-e-22)

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga kathang isip at di-kathang isip na teksto
2. Nasusuri ang pagkakaiba kung kathang-isip at di-kathang isip ang teksto

Subukin Natin
Panuto: Unawain mo ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.

____1. Ito ay mga kuwentong kathang isip o sariling imbento ng manunulat.


A. Piksyon B. Di-piksyon C. Totoo D. Hindi-kathang isip
____2. Tukuyin ang uri ng tekstong Awit kay Inay.
A. Piksyon B. Kathang isip C. Di-kathang isip D. Gawa-gawa lang
____3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng kathang isip na teksto?
A. Alamat ng Mariang Makiling C. Si Pagong at Matsing
B. Palawan, The Last Frontier D. Ang Mahiwagang Prinsesa
____4. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng di-kathang isip na teksto?
A. Ang Underground River sa Puerto Princesa City
B. Alamat ng Araw, Buwan at Bituin
C. Bakit Maalat ang Dagat?
D. Alamat ng Sampalok
____5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat makasama sa pangkat ng mga
teksto?
A. Ang Puno ng Buhay
B. Ang Sulat mula sa Sto. Papa
C. Ang Buhay ni Fernando Poe Jr.
D. Ang Talambuhay ni Manuel L. Quezon
____6.Noong unang panahon, may isang dalagang nagngangalang Cinderella.
Nakapag-asawa siya ng isang prinsipe at namuhay sila sa isang kagubatan.
Ano ang ipinapahayag ng teksto?
A. Piksyon B. Di-piksyon C. Awit D. Tula

1
____7.Inilabas ng Kagawaran ng Kalusugan ang bilang ng mga pasyenteng
tinamaan ng COVID-19, anong uri ng babasahin ito?
A. Kathang isip C. Heograpiya
B. Di-kathang isip D. Love story
____8. Kailan masasabing ang isang babasahin ay di-kathang isip?
A. Kung gawa-gawa lang C. Kung ikinuwento lang
B. Kung may basehan D. Kung narinig lang
Panuto: Isulat ang P kung ang pamagat ay kathang-isip lamang at DP naman
kung totoo o di-kathang isip. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
____9. Ang Buhay ni Rizal sa Dapitan
____10. Ang Babaeng Gansa

Ating Alamin at Tuklasin

Paghawan ng Balakid Marami sa atin ang mahilig magbasa ng iba’t ibang


uri ng babasahin upang maaliw ang ating mga sarili.
Piksyon – babasahing Ilan sa mga nababasa natin ay totoong nangyayari sa
kathang-isip lamang ating kapaligiran ang iba naman ay likhang-isip lamang
ng manunulat. Hindi ng sumulat na ang layon ay mapasaya ang bumabasa
totoong nangyari nito.
Tungkol sa
Kathang-isip – hindi Anong
kasalukuyang nangyayari
batay sa katotohanan babasahin ang
sa ating lugar ang nais
-imbento lang ng nais mong kong basahin. Minsan,
basahin? gusto ko rin ang mga
manunulat o may-
akda kuwentong pambata na
sariling sulat ng may akda.
Di-Piksyon – akdang
batay sa totoong
nangyayari sa buhay
ng tao at obserbasyon
sa tunay na
nangyayari sa paligid

Natatandaan mo pa ba ang aralin sa CLAS 2? Nawa ay napagtanto mo na


kung paano ipapangkat ang mga salitang magkakaugnay.

Ang babasahing kathang-isip o piksyon ay maaaring ginawa ng


manunulat mula sa kaniyang imahinasyon. Ito ay kinabibilangan ng maikling
kuwento, nobela, pabula, alamat at kuwentong bayan.
Ilan sa halimbawa ang mga sumusunod:
Ang Alibughang Anak
Alamat ng Bulkang Taal

2
Ang di-kathang isip o di-piksyon ay akdang batay sa mga totoong
pangyayari sa buhay ng tao, sa loob at labas ng bansa. Maaari ring mula ito sa
obserbasyon sa tunay na nangyayari sa ating paligid.
Ito ay kinabibilangan ng talambuhay, sanaysay at balita.
Ilan sa halimbawa ang mga sumusunod:
Talambuhay ni Mayor Lucilo R. Bayron
COVID-19, paano mapupuksa?

(Pinagkunan: Paz M. Belvez., Landas sa Pagbasa 6, Quezon City:


Edu Resources Publishing, Inc., 2010, 121, 138)

Ang mga babasahing piksyon at di-piksyon ay may mahalagang


bahagi sa ating buhay pagkabata. Ang mga ito ay nagbibigay sa atin ng
aliw, saya at impormasyong kailangan natin sa pang-araw-araw.

Tayo’y Magsanay
Gawain 1

Panuto: Isulat sa patlang ang P kung ang sumusunod na pamagat o teksto ay


piksyon o kathang-isip at DP kung di-piksyon o totoong nangyayari.

_____1. Alamat ng Rosas


_____2. Si Melchora Aquino o Tandang Sora
_____3. Isa si Ferdinand Magellan na isang Portuges ang dumating sa
Pilipinas noong Marso 16, 1521. Siya ay napatay ni Lapulapu na isang
Pilipinong Mandirigma.
_____4. Si Pinocchio
_____5. Ang Ulat sa Bansa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte

Gawain 2

A. Panuto: Isulat sa tamang hanay ang sumusunod na pamagat na nasa kahon.

A. Alamat ng Lansones
B. Ang Aso at ang Leon
C. Si Mariang Mapangarapin
D. Pagpapatupad ng Car Seat Law
E. Talambuhay ni Gov. Higinio Acosta Mendoza Sr.

3
Kathang isip o Piksyon Di-kathang isip o Di-Piksyon

Replektibong Tanong:
Bakit mahalaga sa atin na maging mapanuri sa pagpili ng mga babasahin?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Ating Pagyamanin
Gawain 1

Panuto: Itambal ang sumusunod na Di-piksyong pahayag sa Hanay A sa


Piksyong pahayag na nasa Hanay B. Isulat ang titik ng sagot sa patlang bago ang
bilang.
HANAY A HANAY B
Kathang isip o Piksyon Di-kathang isip o Di-Piksyon

____1. Masayang nakikipaglaro ang A. Tumalon-talon kami ni ate sa


bata sa kaibigan niyang diwata. trampoline na nasa palaruan.

____2. Naglambitin kami sa baging B. Sumakay kami sa eroplano


para makarating sa ulap. papuntang Manila.

____3. Sumakay ako sa likod ng agila C. Ang bata ay nakikipaglaro sa


habang namamasyal. kaniyang mga kaklase.

4
Gawain 2

Panuto: Iguhit sa patlang ang bituin kung kathang isip o piksyon at puso naman
kung di-kathang isip o di-piksyon ang pamagat o teksto.
____1. People Power Revolution
____2. Alamat ng Pilipinas
____3. Ang Panahon ng Pamamahala ng mga Amerikano
____4. Ang wastong pangangasiwa sa mga basura ay malaking tulong sa
pagpapanatiling malinis ng ating kapaligiran.
____5. Patuloy sa paghakot ng pagkain si Langgam, habang si Tipaklong ay
naglalaro sa labas. Dumating ang tag-ulan. Walang makain si Tipaklong,
si Langgam naman ay nagpapahinga dahil tapos na siyang kumain ng
kaniyang naipon.

Replektibong Tanong:
Bakit mahalagang marunong tayong tumukoy kung ang binabasa natin
ay kathang isip o di-kathang isip?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Ang Aking Natutuhan


Panuto: Punan ang patlang ng wastong sagot upang mabuo ang talata. Piliin ang
sagot sa ibaba.

alamat di-kathang isip


tunay kathang isip
balita

5
Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang sagot sa
patlang bago ang bilang.

____1. Kung ang piksyon ay binubuo ng mga kathang-isip, ang di-kathang isip
naman ay:
A. Imahinasyon C. Alamat
B. Pabula D. Tunay na pangyayari

____2. Ito ay tekstong naglalayong magbigay ng tunay na impormasyon o


pangyayari sa buhay ng isang tao.
A. Kathang isip C. Gawa-gawa
B. Di-kathang isip D. Di-piksyon
____3. Ang kathang isip ay kinabibilangan ng kuwentong bayan, ang halimbawa
nito ay:
A. Si Pagong Matsing C. Ibong Adarna
B. Alamat ng Bayabas D. Alamat ng Pinya

____4. Alin sa sumusunod ang HINDI halimbawa ng kathang isip na teksto?


A. Alamat ng Lansones C. Si Manny Pacquiao
B. Ang Agila at ang Maya D. Ang Diwata ng Karagatan

____5. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng di-kathang isip na teksto?


A. Encantadia
B. Ang Baka at Kalabaw
C. Bahaghari, Saan ka Nagmula?
D. Wastong Pangangalaga sa Kalusugan
____6. Si Pangulong Ramon Magsaysay ang pangatlong pangulo ng Ikatlong
Republika ng Pilipinas. Siya ay maraming beses na pinarangalan sa ibang
bansa dahil sa kanyang mga nagawa. Ano ang ipinahahayag ng
teksto?
A. Awit B. Tula C. Kathang isip D. Di-kathang isip
____7. Anong uri ng teksto ang Mahiwagang Singsing?
A. Awit B. Tula C. Kathang isip D. Di-kathang isip
____8. Kailan masasabing ang babasahin ay kathang isip?
A. Kung toong nangyari C. Kung may basehan
B. Kung di-likhang isip D. Kung likhang-isip lamang
Panuto: Isulat ang P kung ang pamagat ay piksyon o kathang-isip lamang at DP
naman kung totoo o di-piksyon. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

____9. Pagpapatupad ng Car Seat Law para sa kaligtasan ng mga batang sakay ng
pribadong sasakyan
____10. Ang Sumpa ng Diwata ng Kagubatan

6
Susi sa Pagwawasto

Subukin Natin Ating Pagyamanin Ang Aking Natutuhan


1. A Gawain 1
1. piksyon
2. C
1. C 2. alamat
3. B
2. B 3. di-piksyon
4. A
3. A 4. tunay
5. A
5. balit
6. A Gawain 2
7. B Ating Tayahin
8. B 1.
9. DP 1. D
2.
10. P 2. B
3. 3. C
Tayo’y Magsanay 4. 4. C
5. D
Gawain 1 5. 6. D
1. P 7. C
2. DP 8. D
3. DP 9. DP
4. P 10. P
5. DP

Tayo’y Magsanay

Gawain 2

Piksyon o Kathang-isip Di-piksyon o Di-kathang isip


Alamat ng Lansones Pagpapatupad ng Car Seat Law
Ang Aso at ang Leon Talambuhay ni Gov. Higinio Acosta Mendoza Sr.
Si Mariang Mapangarapin

Sanggunian
Aklat

Belvez, Paz M. Komunikasyon at Pananaliksik sa Landas sa Filipino 6-Batayang Aklat.


Quezon City: EduResources Publishing, Inc., 2011.

7
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong
pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na


serbisyo at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

You might also like