Professional Documents
Culture Documents
II. Basahing mabuti ang teksto bago isulat sa patlang ang titik ng napiling tamang sagot.
Para sa bilang na 11 - 14
1 KIDAPAWAN CITY – Naglaan ang mga opisyal ng North Cotabato ng P2-milyon pabuya para sa ikadarakip
ng isang hinihinalang drug lord at isang high-profile criminal na sinasabing sangkot sa pagpuga sa North Cotabato
District Jail ng 158 bilanggo nitong Enero 4, bukod pa sa P10,000 pabuya sa muling pagkakaaresto sa bawat isa sa
90 pugante.
2 Inihayag ni acting Gov. Shirlyn Macasarte-Villanueva ang pag-aalok ng pabuya sa press conference sa
kanyang tanggapan nitong Miyerkules makaraang pulungin ang Special Action Committee (SAC) na nangangasiwa
sa insidente.
Sa unang tingin pa lang ay labis na akong naakit sa kanyang mga matang tila nangungusap. Di ko mapuknat
ang aking paningin sa hindi pangkaraniwang kagandahan sa aking harapan. Papalayo na sana ako sa kanya subalit
alam kong dalawang nagsusumamong mga mata ang nakatitig sa aking bawat galaw, tila nang-aakit upang siya’y
balikan, yakapin, at ituring na akin. Siya na nga at wala nang iba ang hinahanap ko. Hindi ako makapapapayag na
mawala pa siyang muli sa aking paningin. Halos magkandarapa ako sa pagmamadali upang siya’y mabalikan.
“Manong, ang asong iyan na ang gusto ko. Siya na nga at wala nang iba. Babayaran ko at nang maiuwi ko na.”
_______21. Naisip mo ba agad na aso pala ang tinutukoy? Kung ganun, anu ang katangian ng tekstong binasa?
a. nagbibigay impormasyon b. naglalarawan c. nanghihikayat d. nagsasalaysay
_______22. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang maituturing na subhetibo?
a. Sa unang tingin pa lang ay labis na akong naakit sa kanyang mga matang tila nangungusap.
b. Siya na nga at wala nang iba ang hinahanap ko.
c. Hindi ako makapapayag na mawala pa siyang muli sa aking paningin.
d. Lahat ng nabanggit.
_______23. Anu ang taglay ng talata ang na nakakakuha ng atensyon sa mambabasa?
a. Nagpipinta ng mga larawan sa isipan
b. Gumuguhit sa paraang nakikita ang orihinal na larawan
c. Gumamit ang manunulat ng mga pang-uri at pang-abay upang mailarawan ang tauhan
d. Lahat ng nabanggit
_______24. Matipuno at malakas ang pangangatawan ng mga miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF). Kitang-kita
na dumaan sila sa matinding pagsasanay. Anung paglalarawan ang pangungusap?
a. obhetibo b. subhetibo c. negatibo d. aktibo
_______25. Ito na marahil ang pinakamadilim na sandali sa kanyang buhay. Maging ang langit ay lumuha sa kanyang
kalungkutang dulot ng pagyao ng pinakamamahal niyang si Elena. Ang manunulat ay gumamit ng anung uri ng
paglalarawan?
a. nagsasaad ng aktuwal na naranasan ng tauhan c. nagsasaad sa ginawa ng tauhan
b. gumaamit ng diyalogo o iniisip d. gumamit ng tayutay o matatalinghagang pananalita
Para sa bilang na 32-36 : Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong “Mabangis na Lungsod”.
Isulat lamang ang titik ng tamang pagkasunod-sunod mula A hanggang E.
________32. Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket sa suwipstek, ng kandila, ng kung
anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naaawa,
nahahabag. At nakatingala naman ang mga nasa hanay na iyon, kabilang si Adong.
________33. Ang gabi ay hindi napapansin ng labindalawang taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng
pagiging Quiapo ng pook na iyon.
________34. “Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag.
Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang
ipagpatuloy ang kanyang paglaya. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang
bisig, niluluray ang munting lakas na nagkaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba, at
sa kabangisan.
________35. Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi inilaglag, sapagkat ang mga palad
na nagbigay ay nagdidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang
malinis.
________36. Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang makikita naman niya ay irap, pandidiri,
pagkasuklam. “Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas naririnig ni Adong.
“Bagong Kaibigan”
ni G. Bernard Umali
May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan
ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa
papel.
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang
aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan.
Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan
pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at
doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa
amin.
Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit. Mayroong isang
bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang tao
roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong
bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-
lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong
kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon
ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang
_elepante. Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay.
“Gising na anak, may pasok ka ngayon”
“Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!”
“Oo, meron nga Ben, doon sa inyong paaralan kaya bumangon ka na at kumilos baka maiwanan ka ng
school bus.“
____________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
GOODLUCK! ^_^
inihanda ni:
MARICHO V. ARTATIS
Sinuri nina
RONNIE D. TORETA, MST ROSALINA D. LEMERY Inaprobahan ni:
SHS Coordinator Academic Coordinator ELVIRA V. ANUB
Principal I