You are on page 1of 3

DITO NA PO KAYO MISMO SUMAGOT 😊

PANGWAKAS NA PAGTATAYA SA FILIPINO 12


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Pangalan: ___________________________ Iskor: ____________
Baitang at Seksyon: ___________________ Petsa: ____________
I. Maramihang Pamimilian. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng iyong kasagutan at
isulat ito sa patlang.
_____1. Ang isa sa mga katangian ng tekstong deskriptibo ay ang may malinaw at pangunahing _______ na naiiwan sa
mambabasa.
a. aral b. bokabularyo c. impresyon d. tanong
_____2. Ang mga naratibong _______ ay likha ng mayaman at malikhaing pag-iisip ng may-akda.
a. pormal b. piksyon c. di-pormal d. di-piksyon
_____3. Ang mga naratibong _______ naman ay nakabatay sa personal na karanasan ng manunulat o maaaring isang
kuwento ng isang tao.
a. pormal b. piksyon c. di-pormal d. di-piksyon
_____4. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng panghihikayat maliban sa isa.
a. brochures na nang-eengganyo b. iskrip sa patalastas c. pliers ng produkto d. balita
_____5. Ang pangunahin o sentro ng nilalaman ng teksto.
a. detalye b. ideya c. kaisipan d. paksa
_____6. Ang pangunahing layunin ng tekstong impormatibo ay ________________.
a. magbigay ng impormasyon b. bigyang-kahulugan ang mga salita
c. mapalalim ang kaalaman ng mambabasa d. lahat ng nabanggit
_____7. Ang paraan ng panghihikayat na ginagamitan ng damdamin.
a. ethos b. labora c. logos d. pathos
_____8. Ang paraan ng panghihikayat na ginagamitan ng kredibilidad ng manunulat.
a. ethos b. labora c. logos d. pathos
_____9. Ang tekstong ito ay isang uri ng babasahing di-piksyon.
a. naratibo b. prosidyural c. impormatibo d. deskriptibo
_____10. Anong teksto ang may layuning maglarawan ng tao, bagay, lugar at pangyayari?
a. naratibo b. prosidyural c. impormatibo d. deskriptibo
_____11. Antas ng wika na binubuo ng mga salitang pangkalye.
a. Pampanitikan b. Kolokyal c. Balbal d. Lalawiganin
_____12. Ayon sa diksyunaryo, ito ay tumutukoy sa mga serye o sunod-sunod na mga bagay na konektado sa isa’t isa.
a. kronolohiya b. sikwens c. prosidyural d. banghay
_____13. Bigyang-kahulugan ang idyomang “kapilas ng buhay”.
a. asawa b. habambuhay c. kasawian d. kasintahan
_____14. Isang katangian ng antas ng wikang ito ay ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang titik sa salita.
a. Pampanitikan b. Kolokyal c. Balbal d. Lalawiganin
_____15. Ito ang tekstong nasa anyo ng pagsasalaysay.
a. naratibo b. prosidyural c. impormatibo d. deskriptibo
_____16. Ito ang wikang ang ginagamit ay matalinghaga at masining na kadalasang gamit sa iba’t ibang akdang
pampanitikan.
a. Pampanitikan b. Kolokyal c. Balbal d. Lalawiganin
_____17. Ito ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman nang wastong gamit ng pananalita, talasalitaan,
pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga element.
a. pagbasa b. pagsasalita c. pagsulat d. pakikinig
_____18. Ito ay isang uri ng teksto tungkol sa serye ng mga gawain upang matamo ang inaasahang hangganan o resulta.
a. naratibo b. prosidyural c. impormatibo d. deskriptibo
_____19. Ito ay maaaring isang salita o parirala na nagsasabi kung tungkol saan ang teksto.
a. paksa b. pamagat c. pangunahing kaisipan d. pansuportang detalye
_____20. Ito ay tumutukoy sa kung ano ang nais ipaalam o ipaunawa ng may-akda tungkol sa teksto.
a. paksa b. pamagat c. pangunahing kaisipan d. pansuportang detalye
_____21. Mahalagang mabatid ito bago pa man magsimula sa pagsulat.
a. datos b. hilig c. layunin d. pamagat
_____22. Nagbibigay-diin at halimbawa upang mapalalim ang paksa.
a. kaisipan ng teksto b. malalim na pananaw c. pangunahing ideya d. pantulong na kaisipan.
_____23. Naglalaman ng lagom o konklusyon ng teksto.
a. katawan b. pambungad c. panimula d. wakas
_____24. Sa bahaging ito sinisumulan na ang pagsulat ng unang bersyon ng iyong sulatin, ito ay ang ______.
a. balangkas b. burador c. gabay d. padron
_____25. Sa panimulang pagsulat ay nagaganap ang ________ na kakailanganin mo sa pagbuo ng iyong teksto.
a. brainstorming b. editing c. pagpili ng paksa d. pagwawasto ng sulatin
_____26. Sinasabing ang isang teknik na makatutulong sa mambabasa na matukoy ang paksa ng tekstong binasa ay ang
pagsusuri sa ________ ng teksto.
a. paksa b. pamagat c. pangunahing kaisipand. pansuportang detalye
_____27. Tinatalakay ang mga kadahilanan ng isang bagay o pangyayari at epekto nito.
a. paghahambing b. sanhi at bunga c. simpleng pag-iisa d. prosidyural
_____28. Tinatalakay nang sunod-sunod o ng magkakahiwalay at magkakaugnay na talata ang mga bagay na inisa-isa.
a. simpleng pag-iisa b. komplikadong pag-iisa c. kritikal na pag-iisa d. wala sa nabanggit
_____29. Tumutukoy sa pahayag ng paksa ng teksto.
a. kaisipan ng teksto b. malalim na pananaw c. pangunahing ideya d. pantulong na kaisipan.
_____30. Ginagamit ang tekstong ito sa pagpapaliwanag ng isang proseso na maingat na ipinapakita ang bawat
hakbang.
a. naratibo b. prosidyural c. impormatibo d. deskriptibo
31-40. Tukuyin kung ang bawat pangungusap sa ibaba ay nasa obhetibo o subhetibong paglalarawan. Isulat ang titik “O”
kung ito ay obhetibo at “S” kung ito naman ay subhetibo.
_____31. Ang Mamasapano ay isang 5th class municipality. Ibig sabihin, atrasado ang lugar, mabagal ang pag-unlad, at
naghihirap ang mga tao.
_____32. Ayon kay dating Pangulong Fidel V. Ramos, tila isang hindi maaasahang presidente si Pangulong Benigno
Aquino
III kapag nagsalita. Dagdag niya pa, maaring makasama sa imahen ng Pilipinas ang mga pahayag ng
kasalukuyang pangulo tungkol sa insindente sa Mamasapano, Maguindanao.
_____33. Dahil sa giyera, lalong naging mahirap ang buhay para sa mga mamamayan ng Mamasapano. Nagdulot ito ng
pagtigil ng mga abata sa pagpasok sa paaralan at pagkawala ng kabuhayan ng mga tao.
_____34. Magaling magturo ang guro namin sa Araling Panlipunan. Malakas ang boses niya at mahusay magpaliwanag
ng aralin.
_____35. Malakas ang loon ng kapatid kong si Kristine kung kaya kapag magkasama kami ay lumalakas din ang loob ko.
_____36. Mataba at maganang kumain ang alaga kong aso.
_____37. Matangkad at balingkinitan ang kaibigan kong si Briana.
_____38. Matipuno at malakas ang pangangatawan ng mga miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF). Halatang-
halata na dumaan sila sa matinding pagsasanay.
_____39. Naging paborito ko ang asignaturang Kasaysayan dahil sa husay ng aming propesor sa pagtuturo. Sa halip na
ipakabisado niya sa amin ang mga petsa, lugar at pangalan ng mga bayani sa Kasaysayan ng Pilipinas, mas
binigyang-diin niya ang mahahalagang karanasan at aral mula rito.
_____40. Paborito kong pasyalan ang Baguio. Bukod sa malamig ang klima ay binibigyan ako nito ng katahimikan ng
loob
at panahon para malalim na pag-isipan ang mga nangyayari sa aking buhay.
41-45. Tukuyin ang paksang tinatalakay sa bawat pahayag. Isulat ang titik ng iyong kasagutan sa patlang.
_____41. Sumakay ka sa bus o MRT papuntang eskwelahan. Nagkaaberya ito na naging dahilan upang
mahuli ka sa klase.
a. Senaryo sa pagpasok b. Suliranin sa klase c. Trapik sa lansangan d. Daan tungo sa paaralan
_____42. Nais mong ibahagi ang pinakanakatatakot mong karanasan na tinitiyak mong magpapanatili o
magpapatindig ng balahibo ng iyong kamag-aral.
a. Karanasang hindi ko malilimutan c. Pinakamasaya kong karanasan
b. Pinakanakatatakot kong karanasan d. Pinakanakakikilig kong karanasan
_____43. Labis mong pinag-iisipan ang track na pipiliin mo sa Senior High School. Sinangguni mo rin ang iyong
mga magulang gayundin ang nais mong maging propesyon sa hinaharap.
a. Karanasan sa Senior High School c. Napiling Track sa Senior High School
b. Paghahanda sa Propesyon d. Mga Track sa Senior High School
_____44. Ibig mong ibahagi ang balak mong pagtitipid para gamitin bilang puhunan sa pinaplano mong maliit
na negosyo nang sa gayon ay makaipon ka habang hindi pa nagkokolehiyo.
a. Plano sa pagtatayo ng negosyo c. Pagpaplano ng oras
b. Pagbabudget sa tahanan d. Pagtatayo ng negosyo
_____45. Habang ikaw ay naglalakad pauwi ng bahay galling sa eskwelahan, may nakita kang babae na
nakahandusay sa kalsada at humihingi ng makakakain. Ibinili mo siya ng makakakain at maiinom.
a. Magagandang tanawin sa lansangan c. Babaeng nagugutom
b. Kahirapan, suliranin sa Lipunan d. Kalyeng lubak-lubak
46-50. Ibigay ang kahulugan ng matatalinhagang salita na may salungguhit sa bawat pangungusap.
_____46. Ang puso’t isipan ay nakapiit sa mga alaala ng kaniyang minamahal.
a. nakatali b. nakakulong c. nakalaya d. nakatakbo
_____47. Maagang nilisan ng mga manggagawa ang mga gawain sa ubasan.
a. nilapitan b. pinuntahan c. niyakap d. iniwan
_____48. Ang paratang sa pamahalaan ay sadyang makatotohanan.
a. bintang b. tawag c. akala d. turing
_____49. Tahimik siyang nakaupo sa kinagawian niyang likmuan sa pagsusulat.
a. takbuhan b. lapitan c. upuan d. tulugan
_____50. Isang masaklap na pangyayari ang nasanasan ng mga mamamayang nasunugan.
a. maganda b. maayos c. masaya d. malupit

“Kinalulugdan ng Panginoon ang


mga taong matatapat at may tiwala sa
sarili nilang abilidad.”
Inihanda ni: Rio M. Orpiano (Guro sa Filipino)

You might also like