You are on page 1of 22

Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

UNANG LINGGO
 Aralin 1 - Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto

Matapos mong pagdaanan ang modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:


Kasanayang Pampagkatuto:
 Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa
Layunin:
1. Nasusuri ang binasang teksto batay sa uri nito
2. Nailalapat ang mga tiyak na karanasan at kaalaman kaugnay sa paksa
3. Nalilinang ang kahusayan sa pagsusuri ng tekstong binabasa

Subukin
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga pahayag. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot
sa iyong sagutang papel. Para sa bilang 1-5 tukuyin kung anong uri ng teksto ang iyong binabasa.
1. Ang pagtatapos ng Masidlawin class ang una sa loob ng halos 100 taong kasaysayan ng PMA
kung saan sarado ang pagtitipon sa publiko, kahit sa kanilang mga magulang at mahal sa buhay
dahil ipinagbabawal ang "mass gatherings" ngayong may coronavirus disease (COVID-19).
A. Argumentatib B. Impormatib C. Deskriptib D. Persuweysib
2. Imadyinin natin ang isang bata, tumatakbo sa kalsada, pipi siya, at tabingi ang mukha,
pinagtatawanan ng ibang bata, kaya lagi siyang umiiyak at tumatakbo.
A. Argumentatib B. Impormatib C. Deskriptib D. Persuweysib
3. Ngayon, tuluy-tuloy ang digital technology sa bansa. Lumalakas ang digital economy kaya
dapat umarangkada rin ang digital taxation. Maganda ang hangarin ng panukala ni Salceda lalo
ngayong nangangailangan ng pondo. Panahon na rin para sumabay ang digital economy ng
bansa. Kaya lang, babalik ako sa punto ni Locsin. Bakit di unahin ang mga nasa Philippine
Offshore Gaming Operators (POGO) na kumakamal nang malaking pera sa pagsusugal?
A. Argumentatib B. Persuweysib C. Deskriptib D. Prosidyural
4. Mga hakbang sa pagtatanim: Una, ihanda ng binhi o punlang gagamitin. Pangalawa, ihanda ng
lupang pagtataniman o plotting. Ikatlo, itanim na ang binhi ng may 0.6 cm ang lalim. Ikaapat,
siguraduhing may sapat na tubig at katamtamang sikat ng araw.
A. Argumentatib B. Persuweysib C. Deskriptib D. Prosidyural
5. Ayon pa sa SWS, 16.7% ang nakaranas ng moderate hunger na tinatayang nasa 3.5 milyong
pamilya samantalang nasa 2.8% o 699,000 pamilya ang nakaranas ng severe hunger
A. Deskriptib Impresyunistik B. Deskriptib Teknikal C. Obhektibo D. Subhektibo
6. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tekstong impormatib maliban sa:
A. Paglalahad ng totoong pangyayari o kasaysayan B. Pag-uulat ng impormasyon
C. Pagpapaliwanag D. Pagbibigay ng hakbang na kronolohikal
1
7. Naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at mga bagong
impormasyon. Ang mga kaalaman ay nakaayos ng sekwensiyal at inilalahad nang buong linaw at
kaisahan.
A. Argumentatib B. Impormatib C. Deskriptib D. Persuweysib
8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi wasto hinggil sa tekstong impormatib?
A. Iisa lamang ang sinusunod na estruktura ng mga tekstong impormatib.
B. Mahalaga ang malawak na bokabularyo ng mambabasa sa komprehensiyon ng mga tekstong
impormatib.
C. Hindi sinasagot ng tekstong impormatib ang tanong na bakit.
D. Lahat ng nabanggit.

9. Nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, lugar, at


bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong na ano.
A. Argumentatib B. Impormatib C. Deskriptib D. Persuweysib
10. Isang pamamaraan ang photo essay o paggamit ng larawan o litrato sa pagsasalaysay o
paglalahad ng anomang bagay at pangyayari. Anong uri ng teksto ang photo essay?
A. Deskriptib B. Persuweysib C. Impormatib D. Prosidyural7
11. Hinahangaan ko ang aking guro na si Gng. Laderas. Bukod sa dedikasyon niya sa pagtuturo
ay binibigyan din niya ako ng lakas ng loob at tiwala sa sarili upang mapagtagumpayan ko ang
hamon sa aking buhay. Anong uri ng paglalarawan ang ginamit sa pahayag?
A. Deskriptib Impresyunistik B. Deskriptib Teknikal C. Obhektibo D. Subhektibo
12.Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari, kilos, at galaw
sa mga tiyak na panahon. Nakapokus ito sa kronolohikal o pagkakasunod-sunod.
A. Argumentatib B. Naratib C. Deskriptib D. Persuweysib
13.Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay impormasyon at instruksiyon kung paanong
isinasagawa ang isang tiyak na bagay.
A. Deskriptib B. Persweysib C. Impormatib D. Prosidyural
14.Pangunahing layunin ng tekstong impormatib ang magpaliwanag sa mga mambabasa tungkol
sa anomang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig. Alin sa mga sumusunod na salita ang
hindi kabilang sa tekstong impormatib?
A. Biyograpiya B. Maikling Kuwento C. Encyclopedia D. Papel Pananaliksik
15.Ito ay matalinong paghula ng maaaring kahulugan ng isang bahagi na hindi direkta o tahasang
ipinaliwanag sa teksto.
A. Pagpapagana ng imbak na kaalaman
B. Pagbuo ng hinuha
C. Pagkakaroon ng mayamang karanasan
D. Wala sa nabanggit

2
Balikan
Basahin mong mabuti ang mga sumusunod na pahayag at unawain ito. Isulat sa sagutang papel
ang iyong kasagutan.
Panuto: Isulat sa patlang kung anong uri ng teksto ang tinutukoy sa pahayag.
___________ 1. Ang tekstong ito ay may layuning kumbinsihin ang mga mambabasa hinggil sa
isang isyu.
___________ 2. Layunin nito na ipinta sa imahinasyon ng mga mambabasa ang isang bagay, tao,
lugar, pangyayari, karanasan atbp.
___________ 3. Naglalahad ito ng proseso kung paano ginagawa ang isang bagay o paano ito
binubuo.
____________4. Ang uri ng teksto na ito ay nagkukuwento ng mga yugto ng pangyayari na
maaaring piksiyon o di-piksyon.
___________ 5. Isang uri ng teksto na nagpapahayag ng katwiran sa isang napapanahong isyu.
Tuklasin
Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto.
Ang tekstong impormatib ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala, at
mga impormasyon. Ang mga kaalaman ay sistematikong nakaayos at inilalahad nang buong linaw
upang lubos na maunawaan. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan,
saan, sino, at paano. Layunin nito na maging daluyan ng makatotohanang impormasyon para sa
mga mambabasa, sapagkat marami ang nagtitiwala na may katiyakan ang mga impormasyon sa
mga ganitong uri ng teksto. Naniniwala ang mga mambabasa na ang tekstong kanilang binabasa
ay nakapagbibigay liwanag sa mga katanungan sa kanilang isipan. Naglalahad ito ng mga
pangyayari at karanasan ng mga tao. Nakapagpapaliwanag din ito ng mga konseptong nakabatay
sa mga tunay na pangyayari at kapakipakinabang ang mga impormasyong inilalahad nito.
Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat napauunlad
nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga
mahahalagang detalye, at pagpapakahulugan ng impormasyon. Halimbawa nito ay pagbabasa
ng peryodiko, pakikinig at panonood ng balita, mga kasaysayan, adbertismo atbp.
Tekstong Deskriptib
Ang tekstong Deskriptib ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng
mahusay na paglalarawan. Ang uri ng sulating ito ay naglalayon na makapagpinta ng imahe sa
hiraya ng mambabasa gamit ang limang pandama: paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at
pandama. Dito maipapamalas ng manunulat ang kaniyang husay at kakayahan sa paglikha ng
isang masining na paglalarawan. Mainam kung mapukaw nito ang atensiyon at maikintal sa isipan
ng mga mambabasa ang paglalarawan ng isang pangyayari, karanasan, bagay, lugar, tao atbp.
Halimbawa nito ay mga lathalain at mga akdang pampanitikan.
Uri ng tekstong Deskriptib
1. Deskriptib Impresyunistik ay uri ng tekstong naglalarawan na nanagpapakita lamang ng
pansariling pananaw o opinyon at personal na pakiramdam ng sumulat.

3
2. Deskriptib Teknikal ay uri ng tekstong naglalarawan na nagpapakita ng obhetibong pananaw
sa tulong ng mga tiyak na datos, mga ilustrasyon, at dayagram.
3. Tekstong Persuweysib. Ang tekstong nanghihikayat o tekstong persuweysib ay naglalahad
ng mga mga payahag upang makapanghikayat o makapangumbinsi sa mga tagapakinig o
mambabasa. Ito ay may layunin na maglahad ng opinyon upang ang manunulat o tagapagsalita
ay makahihikayat ng mga mambabasa o tagapakinig na maniwala sa kanyang posisyon o punto
de vista hinggil sa isang paksa. Kailangang sapat ang katibayan o patunay upang suportahan ang
isang isyu, paksa, o kaisipan nang sa gayon ito ay maging kapanipaniwala. Ang mga halimbawa
nito ay ang mga patalastas, talumpati, editoryal, at sanaysay.
Ito ay nahahati sa tatlong elemento ayon kay Aristotle:
1. Ethos hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang Etika. Ito ay tumutukoy sa
kredibilidad o personalidad ng manunulat o nagsasalita. Ang mga mambabasa ang magpapasya
kung kapani-paniwala o karapat-dapat na panigan ang tagapanghikayat.
2. Logos salitang Griyego na Logos ay tumutukoy sa pangangatwiran o lohika na
pagmamatuwid ng manunulat o tagapagsalita.
3. Pathos tumutukoy sa emosyon o nararamdaman o saloobin ng mambabasa o tagapakinig.
Tekstong Naratib
Ang pagsulat nito ay maaaring batay sa obserbasyon o nakita ng may akda, maaari din namang
ito ay nanggaling mula sa sarili niyang karanasan. Ito ay maaaring hinango sa totoong pangyayari
sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa kathang-isip ng manunulat (piksyon). Ang
tekstong naratib ay isang uri ng tekstong naglalayong magkuwento o magsalaysay. Ito ay
nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari na maaaring nakita, hango
sa sariling karanasan, totoong kaganapan o di-piksyon, maaari ding likhang isip lamang ng
manunulat o piksyon. Layunin nito ay makapagbigay–aliw o manlibang sa mga mambabasa. Ang
halimbawa ng tekstong naratib ay ang maikling kuwento, alamat, at nobela.
Mga bahagi ng Tekstong Naratib:
1. Ekposisyon o impormasyon tungkol sa pangunahing tauhan at tagpuan.
2. Mga komplikasyon o kadena ng kaganapan, dito nakikita ang pagkakasunod-sunod ng
pangyayari sa kuwento, ang papataas na aksiyon, rurok, at pababang aksiyon.
3. Resulusyon o denouement ay ang katapusan o huling bahagi ng kuwento dito nabibigyang
solusyon ang tunggalian o suliranin.
Ang tekstong prosidyural ay nagpapaliwanag kung paano ginagawa o binubuo ang isang bagay.
Naglalahad ito ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbangin, proseso o paraan sa
paggawa. Layunin nito na makapagbigay ng malinaw na instruksiyon o direksiyon upang
maisakatuparan nang maayos at mapagtagumpayan ang isang makabuluhang gawain. Ang
halimbawa nito ay mga paraan sa pag-aasemble ng bagay o kagamitan, resipi sa pagluluto atbp.
Tekstong argumentatib ay naglalayong manghikayat, naglalahad ito ng mga oposisyong umiiral
na kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangang pagtalunan o pagpapaliwanagan. Ang
ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na bakit.
4
Gabay sa Pagbasa at Pagsusuri ng mga Teksto
Mahalaga ang pagsusuri sa anomang babasahin upang makilala ang uri ng tekstong ating
babasahin. Mainam na magamit natin ang ating kaalaman sa pagsusuri ng teksto ayon sa kabuuan
nito. Maaari nating gamitin ang mga pamamaraan sa pagbasa na ating natutuhan gaya ng
iskiming, iskaning, kaswal, komprehensibo, atbp. Karaniwan na sa isang mambabasa na
sinusubukang paraanan o iiskan ang kabuuan ng isang akda upang tayo ay makakuha ng idea
bago natin ito tuluyang basahin. Kumokonsulta din tayo sa mga talaan ng nilalaman upang
mabatid kung ang akdang ating babahasin ay may kaugnayan sa mga katanungang hinahanapan
natin ng kasagutan, Mainam din na mabatid muna kung ang nilalaman ng isang teksto ay angkop
o akma sa uri o antas ng mambabasa nito. Mahalaga din na mabatid ang layunin, nilalaman, at
maging kung sino ang sumulat ng teksto upang matukoy ang kapakinabangang hatid nito. Sa
pagbabasa o pakikinig mainam na masuri ng mambabasa o tagapakinig kung ano at paano isinulat
o iniulat ang isang teksto. Kung ang isang teksto ay kakikitaan ng mahalagang impormasyon
mainam na ito ay hanapan ng katibayan ng konsepto sa paglalahad ng akda. Gayundin ang pag-
unawa o pagpapakahulugan ng mga salitang ginamit, ang pagsasaalang-alang sa paraan ng
pagkakasulat ng akda, at pag-unawa sa nilalaman ng teksto, maging ang katuturan ng akda sa
disiplinan
Suriin
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa naunawaan sa tinalakay na aralin. Isulat ito
sa iyong sagutang papel.
1. Ano-ano ang mga layunin ng mga uri ng teksto?
_____________________________________________________________________________
_________
2. Bakit mahalagang mabatid ng isang mambabasa ang uri ng tekstong binabasa?
_____________________________________________________________________________
_________
3. Sa iyong palagay makatutulong ba sa iyo ang pagtukoy sa uri ng binabasang teksto? Bakit?
Pangatwiranan.
_____________________________________________________________________________
_________
Pagyamanin
Gawain 1

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng teksto ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa sagutang
papel ang sagot.
____________ 1. Dahil sa pagpapatupad ng gobyerno ng Enhance Community Quarantine (ECQ)
sa bansa inerekomenda ng Energy Regulatory Commission (ERC) na baguhin ng mga power
distributors ang singilin sa kuryente.
____________ 2. Pagkailangan ng gamot, ‘wag mahihiyang magtanong. Kung may Right Med ba
nito?
5
____________ 3. Puno ng sapot at agiw, puno ng alikabok ang mga muwebles na natatakpan ng
puting kumot.
____________ 4. “O pagsintang labis ng kapangyarihan sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw!
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, hahamaking lahat masunod ka lamang.”
____________ 5. Adobong manok at baboy
A. Hiwain ang manok at baboy ayon sa nais na laki nito.
B. Ihanda ang mantika, bawang, at sibuyas
C. Gisahin ang bawang hanggang sa lumabas ang lasa at amoy nito.
D. Ihalo ang manok at baboy at hayaan muna itong magisa ng mga hanggang tatlong minuto.
E. Maaari mo nang ilagay ang mga natitirang sangkap: suka, toyo, dahon ng laurel, paminta, asin,
at tubig para makatulong sa pagpapalambot ng mga karne.
F. Maaari ninyong tikman ang adobo para malaman kung sakto na ang alat at asim nito. Maaari
rin maglagay ng asukal para sa mga nais na manamis-namis ang kanilang adobo.
G. Ang iba ay naglalagay ng patatas o pinya sa kanilang adobo, depende rin ito sa inyong panlasa.
Gawain 2
Panuto: Tukuyin kung saan nabibilang ang mga pahayag. Isulat sa sagutang papel ang letra ng
tamang sagot.
A. Apelang Emosyonal (pathos) B. Apelang Etikal (ethos)
C. Apelang Lohikal (logos) D. Wala sa nabanggit

1. Gumagamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.


2. Gumagamit ng damdamin upang mahikayat ang mga mambabasa.
3.Tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat upang makumbinsi ang mga mambabasa.
4. Gumagamit ng mga impormasyon at datos na kaniyang inilalatag upang paniwalaan ang
kaniyang pananaw o punto.
5. Pagsasalaysay ng mga kuwentong nakaaantig ng galit o awa upang mangumbinsi.
Gawain 3
Panuto: Basahin at unawain. Tukuyin kung tama o mali ang mga pahayag. Isulat ang TIK kung
tama at TOK kung mali. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Ang tekstong impormatib ay paglalahad ng mga pangyayari at karanasan ng mga tao.
2. Mahalaga ang pagsusuri sa anomang babasahin upang makilala ang uri ng teksto hindi na
mahalagang isaalang–alang pa ang pinagkunan nito.
3. Ang tekstong persuweysib ay may layunin na maglahad ng opinyon upang makunbinsi ang mga
mambabasa.
4. Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng instruksiyon
kung paano isasagawa ang isang tiyak na bagay.
6
5. Isa sa katangian ng tekstong impormatib ay ang pagtataglay nito ng iisa lamang na estraktura.
6. Laganap sa bansa ang karamdaman o sakit na COVID-19. Tinatayang umaabot na sa 15,588
katao ang nagkaroon nito, 3,598 ang tala ng gumaling, 921 ang nasawi at 11,069 ang aktibo. Ang
pahayag ay halimbawa ng tekstong argumentatib.
7. Halimbawa ng tekstong prosidyural. Paano mag-apply sa balik probinsiya? Una, magtungo sa
website http://balikprobinsya.ph at i-click ang apply button. Pangalawa, kumpletuhin ang
enrolment form at i-submit. At hintayin ang verification at tawag sa iyo.
8. Isa sa mahalagang konteksto upang maging epektibo ang pangungumbinsi ay ang mahusay na
paggamit ng wika sa pagpapahayag.
9. Ang tekstong naratib ay paglalahad ng mga pangyayari na pawang katotohanan lamang.
10.Mahalaga ang malinaw na pagbibigay ng intruksiyon sa paggawa ng tekston
Isaisip
1. Ang tekstong impormatib ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala, at
mga impormasyon.
2. Tekstong Deskriptib ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay
na paglalarawan.
3. Ang tekstong nanghihikayat o tekstong persuweysib ay naglalahad ng mga payahag upang
makapanghikayat o makapangumbinsi sa mga tagapakinig o mambabasa.
4. Tatlong elemento ayon kay Aristotle: Ethos (etika), Logos (lohika), at Pathos (emosyon).
5. Ang tekstong naratib ay isang uri ng tekstong naglalayong magkuwento o magsalaysay.
6. Mga bahagi ng tekstong naratib: Ekposisyon, Mga komplikasyon o kadena ng kaganapan,
Resolusyon o denouement.
7. Ang tekstong prosidyural ay nagpapaliwanag kung paano ginagawa o binubuo ang isang bagay.
8. Tekstong argumentatib ay naglalayong manghikayat, naglalahad ito ng mga oposisyong umiiral
na kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangang pagtalunan o pagpapaliwanagan.
9. Ang iba’t ibang uri ng teksto ay may iba-iba ring paraan ng pagpapahayag na naayon sa layunin
nito
Isagawa
Gawain 1:
Panuto: Pumili ng tatlo sa mga uri ng teksto. Ipakita ang kaibahan ng bawat isa sa pamamagitan
ng pagbibigay ng sariling pakahulugan sa mga uri nito. Magbigay ng isang halimbawa na
maaaring nabasa o napakinggan. Huwag kalimutang itala ang mga pinagkunan ng
impormasyon. Gawin ito sa nakabukod na malinis na papel.

7
Uri ng Teksto
Kahulugan
Halimbawa
Sanggunian

Uri ng Teksto
Kahulugan
Halimbawa
Sanggunian

Uri ng Teksto
Kahulugan
Halimbawa
Sanggunian

Batayan ng Pagmamarka Puntos Marka

Nabibigyan ng malinaw na kahulugan ang uri ng tekstong napili 5

Tumpak ang halimbawang naibigay sa uri ng tekstong binigyan 5


ng kahulugan

Naitala nang maayos ang sangguniang pinagkunan ng 5


impormasyon
Kabuoan
15
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain. Suriing mabuti ang nilalaman ng balita. Tukuyin kung anong uri ng
teksto ang makikita sa iyong binasa. Isulat ang bahagi ng tekstong nagpapatunay sa uri nito.
Ipaliwanag kung bakit ito naging bahagi ng gayong uri ng teksto. Isulat sa sagutang papel ang
sagot.
Pangamba sa Second Wave
MARAMI ang nangamba sa sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III noong Miyerkules na
nananalasa na raw ang second wave ng COVID-19 sa bansa. Noong Marso pa raw ito nag-umpisa
kung saan biglang dumami ang mga nagpositibo sa virus. Ayon kay Duque, ang first wave umano
ay nangyari noong Enero kung saan isang turistang Chinese mula sa Wuhan ang nagpositibo at
sunod-sunod na ang pagdami ng kaso. Sa kasalukuyan, 13,597 na ang positibo sa COVID-19 sa
bansa at 857 na ang namamatay. Ang pahayag ng Health secretary ay sinansala naman ng
Malacañang at sinabing first wave pa lang ang nararanasan ng bansa sa kasalukuyan. Wala raw
katotohanan ang ipinahayag ng DOH na second wave. Kaniya-kaniya raw kasi ng interpretasyon
ang mga tao. Sabi ni Presidential Spokeperson Harry Roque, para ring abogado ang mga doktor
na may kaniya-kaniyang opinyon o interpretasyon.
8
Ang pahayag ni Duque na nasa second wave na ang bansa ay eksaktong isang linggo makaraang
isailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila at Laguna. Sa
ilalim ng MECQ, maaari nang magbukas ang ilang malls, establisimento at pabrika pero mahigpit
pa ring ipatutupad ang social distancing at pagsusuot ng face mask. Sa pagluwag, biglang
nagdagsaan sa mall ang mga tao na sabik na sabik dahil sa dalawang buwan na lockdown.
Nagkaroon din ng trapik sa EDSA at iba pang malalaking kalsada nang dumagsa ang mga
motorista. Nagpaumanhin si Roque sa mamamayan sa idinulot na pangamba bunga ng sinabing
second wave. Wala raw intensiyon ang pamahalaan na maghatid ng takot sa sambayanan. Wala
namang dapat ipangamba sa sinabi ng DOH. First wave o second wave man ang nararanasan
ngayon, ang mahalaga ay ipagpatuloy ng mamamayan ang pag-iingat at pagiging alerto. Mahigpit
na ipatupad ang social distancing. Huwag papasukin sa mall, groceries at iba pang establisimento
ang walang face mask. Ipagbawal ang pagkumpol-kumpol ng mga tao. Malalabanan ang virus na
ito kung susunod sa mga ipinag-uutos at makababalik na sa normal ang pamumuhay at gugulong
ang negosyo. Huwag mangamba.
Gawain 3
Panuto: Pumili ng napapanahong balita. Sumulat ng isang sanaysay na maiuugnay mo ang
balita sa iyong sarili, sa iyong pamilya, sa iyong pamayanan, at sa iyong bansa o sa daigdig.
Pumili ng tekstong nais gamitin sa paglalahad. (Impormatib, Persuweysib, Argumentatib,
Deskriptib, Naratib, Prosidyural). Isulat ito sa isang buong papel.
Batayan ng Pagmamarka Puntos Marka
Napapanahon ang napiling paksa at mahusay na 20
naiugnay ito sa sarili, pamilya, pamayanan, bansa
o sa daigdig
Maayos at malinaw na nailahad ang mga 10
impormasyon
Tumpak ang datos na ibinahagi at naaayon sa uri 10
ng tekstong napili
Malinaw ang pagkakahanay ng mga ideyang 10
ibinabahagi sa teksto
Kabuoan: 50

Tayahin
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga aytem. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot
sa iyong sagutang papel. Para sa bilang 1-5 tukuyin kung anong uri ng teksto ang iyong
binabasa.
1. “Baka makipag-away ka na naman, Impen,” tinig iyon ng kaniyang ina. Nangangaral na naman.
Mula sa kinatatalungkuang giray na batalan, saglit siyang napatigil sa paghuhugas ng mumo sa
kamay.
A. Impormatib B. Persuweysib C. Naratib D. Prosidyural
2. “Maliwanag na sinusubukan na naman sa halalang ito ang luma nang taktikang divide and rule
na pamana ng diktadurang US sa kaniyang mga puppet regimes. Nakasalalay din sa Batasang
election ang pang-militar at pang-ekonomiyang katatagan sa atin ng Amerika… na ang pananatili
dito’y higit namang naglulublob sa kahirapan sa mga mamamayang Pilipino.
9
Pero hindi na tayo palilinlang. Hindi natin isusuko ang pakikipaglaban natin para sa ating mga
karapatan! Boykotin natin ang election “84!”
A. Argumentatib B. Impormatib C. Deskriptib D. Persuweysib
3. Nagising ako kanina, humihingal at pawis na pawis. Nakataas ang kaliwa kong kamay,
naninigas, hindi ko maibaba. Sa panaginip ko, may malaking babae, nakasuot ng itim pero hindi
ko kita ang mukha, hindi ko alam kung bakit pero hindi ko mailingon ang ulo ko. Madiin at masakit
ang pagkakahawak nya sa ‘kin. Napansin ko na itim ang mga kuko nya, graya ang kulay ng balat.
Nakakatakot. Parang ganito rin ang panaginip ko nung isang linggo.
A. Argumentatib B. Impormatib C. Deskriptib D. Persuweysib
4. Hinahangaan ko ang aking guro na si Gng. Laderas. Bukod sa dedikasyon niya sa pagtuturo ay
binibigyan din niya ako ng lakas ng loob at tiwala sa sarili upang mapagtagumpayan ko ang hamon
sa aking buhay. Anong uri ng paglalarawan ang ginamit sa pahayag?
A. Deskriptib Impresyunistik B. Deskriptib Teknikal C. Obhektibo D. Subhektibo
5. National ID System sa Pilipinas: Pabor ka ba? A. Argumentatib C. Impormatib B. Deskriptib D.
Persuweysib
6. May iba’t ibang estruktura ang paglalahad ng tekstong impormatib. Ang pahayag na “Bumaba
ang insedente ng mga napahamak sa pagdiriwang ng Bagong Taon (2020) kumpara sa nakalipas
na limang taon,” ay
A. Pagbibigay Depenisyon B. Paglilista ng Klasipikasyon
C. Paghahambing D. Sanhi at Bunga
7. Naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at mga bagong
impormasyon. Ang mga kaalaman ay nakaayos ng sekwensyal at inilalahad nang buong linaw at
kaisahan.
A. Argumentatib B. Impormatib C. Deskriptib D. Persuweysib
8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi wasto hinggil sa tekstong impormatib?
A. Iisa lamang ang sinusunod na estruktura ng mga tekstong impormatib.
B. Mahalaga ang malawak na bokabularyo ng mambabasa sa komprehensiyon ng mga tekstong
impormatib.
C. Hindi sinasagot ng tekstong impormatib ang tanong na bakit.
D. Lahat ng nabanggit.
9. Nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, lugar, at
bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong na ano.
A. Argumentatib B. Impormatib C. Deskriptib D. Persuweysib
10.Isang pamamaraan ang photo essay o paggamit ng larawan o litrato sa pagsasalaysay o
paglalahad ng anomang bagay at pangyayari. Anong uri ng teksto ang photo essay?
A. Deskriptib B. Persuweysib C. Impormatib D. Prosidyural
10
11.Gumagamit ang may-akda ng argumento. Ang argumento ay binubuo ng batayan at ng
kongklusyon. Ang batayan ay resulta ng obserbasyon. Ang kongklusyon naman ay nagmumula
sa obserbasyon.
A. Apelang Emosyonal B. Apelang Lohikal C. Apelang Etikal D. Wala sa nabanggit
12.Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari na maaaring
nakita, hango sa sariling karanasan, totoong kaganapan o dipiksyon, maaari ding likhang-isip
lamang ng manunulat o piksyon.
A. Argumentatib B. Naratib C. Deskriptib D. Persuweysib
13. Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay impormasyon at instruksiyon kung paano
isinasagawa ang isang tiyak na bagay.
A. Deskriptib B. Persweysib C. Impormatib D. Prosidyural
14. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi katangian at nilalaman ng mahusay na tekstong
argumentatib?
A. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto.
B. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.
C. Kinahahantungan ng tunggalian o komplikasyon
D. Matibay na ebidensiya para sa argumento
15. Ito ay matalinong paghula ng maaaring kahulugan ng isang bahagi na hindi direkta o tahasang
ipinaliwanag sa teksto.
A. Pagpapagana ng imbak na kaalaman B. Pagbuo ng hinuha
C. Pagkakaroon ng mayamang karanasan D. Wala sa nabanggit

Karagdagang Gawain
Panuto: Pumili ng dalawang akda o teksto. Maaaring kumuha sa aklat o internet. Pumili ng
bahagi ng akda at suriin kung sa anong uri ng teksto ito nabibilang. Itala ang sangguniang
pinagkuhaan ng impormasyon.
Batayan ng Pagmamarka Puntos Marka
Malinaw na nasusuri ang halimbawa ng tekstong napili 10
Natutukoy ang uri ng teksto 5
Naitatala nang maayos ang sangguniang pinagkunan 5
ng impormasyon
Kabuoan 20

11
Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

UNANG LINGGO
Aralin 2 -Pagtukoy ng Kahulugan at Katangian ng Mahahalagang Salitang Ginamit ng Iba’t Ibang
Uri ng Tekstong Binasa
Kasanayang Pampagkatuto:

Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng
tekstong binasa
Inaasahang pagkatapos ng pag-aaral sa modyul na ito ang mga mag-aaral ay:
1. Natutukoy ang kahulugan ng mahahalagang salitang ginamit sa iba’t ibang uri ng tekstong
binasa
2. Natutukoy ang katangian ng mahahalagang salitang ginamit sa iba’t ibang uri ng tekstong
binasa
3. Nasusuri ang mga mahahalagang salitang ginamit sa ibat’t ibang uri ng tekstong binasa
Subukin
Panuto: Hanapin sa CROSSWORD PUZZLE ang mga salita na may kinalaman sa COVID-19 sa
tulong ng mga kahulugan na nasa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
___________ 1. Unang kawal
___________ 2. Pangkaraniwan
___________ 3. Daglat ng General Community Quarantine
___________ 4. Paglayo-layo ng mga tao
___________ 5. Bago sa pangkaraniwan
___________ 6. Pananatili sa isang lugar
___________ 7. Paghuhugas ng kamay
___________ 8. Daglat ng Personal Protecting Equipment
___________ 9. Likidong panlaban sa COVID-19
___________ 10. Mabilisang pagkahawa ng mga tao sa isang sakit
___________ 11.Pagtulong ng walang inaasahang kapalit
___________ 12.Pinansiyal na tulong mula sa gobyerno
___________ 13.Daglat ng Modified Community Quarantine
___________ 14.Proteksyon o pantakip sa ilong at bibig
___________ 15.Paglakas ng katawan galing sa sakit
12
B F R O N T L I N E R A N P
A E P E D E M Y A C O Y C A
Y N O R M A L M C Q S U K G
A D R O P L E T D U Q D S G
N S O C I A L M A Y C A A A
I D I S T A N C I N G M M L
H H A N D W A S H F E C E I
A N E W N O R M A L P Q C N
N A L C O H O L H K P N A G
G Q U A R A N T I N E T F T

Balikan
Panuto: Tukuyin ang paksa ng mga pahayag. Piliin at isulat ang letra ng wastong sagot sa inyong
sagutang papel.
1. Ang uri ng tekstong naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa maraming bagay na may
pinagbabatayan.
A. Impormativ B. Narativ C. Persweysiv D. Prosijural
2. Ang uri ng tekstong ito na tumutukoy sa pagsasalaysay na isinulat o ikinuwento ang mga tiyak
na pangyayari, kilos, at galaw sa isang tiyak na panahon.
A. Impormativ B. Narativ C. Persweysiv D. Prosijural
3. Ang uri ng teksto na nagbibigay kung paano gumawa ng isang bagay o kaya’y maisakatuparan
ang mga hakbangin.
A. Impormativ B. Narativ C. Persweysiv D. Prosijural
4. Ang uri ng tekstong gumagamit ng mga salitang naglalarawan. Binubuhay nito ang imahinasyon
ng sinomang babasa ng teksto.
A. Impormativ B. Narativ C. Deskriptiv D. Prosijural
5. Ang uri ng tekstong ito na ang layunin ay mangatwiran.
A. Impormativ B. Argyumenteytiv C. Deskriptiv D. Prosijura
Tuklasin
TEKSTONG IMPORMATIV
NEW NORMAL
ni Niňo T. Cansicio
Binago ng COVID-19 ang ating buhay, dati rati’y hindi sanay maghugas ng kamay,
ngunit ngayo’y napaisip na ito’y kailangan, isang kaugalian na resulta ng New Normal.
New Normal na nakasentro sa kalusugan, prayoridad ang pagpapalakas ng
katawan, upang matiyak na kayang labanan, ang anomang uri ng virus na di natin
namamalayan
13
Kahit edukasyon malaki ang pinagbago, maraming nagsulputan sa pagkatuto,
nariyan ang distance learning na modular, na tiyak lahat ay makikinabang.
Kahit magwakas ang pandemyang ito, Leksiyong naiwan, hindi malilimutan,
pinasingkad ang kamalayan sa kalusugan, nagkaroon ng bagong kultura at kagawian.
Gabay na Tanong:
Panuto: Sagutin ang mga tanong bilang pag-unawa sa tekstong binasa. Kopyahin ang tanong at
sagutan sa inyong sagutang papel.
1. Ano-anong mga salita sa loob ng teksto ang hindi mo masyadong naunawaan?
_____________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga estruktura ng salitang napili mo?
_____________________________________________________________________________
3. Bigyang kahulugan ang mga salitang di naunawaan sa binasang teksto?
_____________________________________________________________________________
4. Ano-anong paraan sa pagbibigay kahulugan ang ginamit mo upang mabigyan mo ito ng
kahulugan?
_____________________________________________________________________________
5. Anong katangian ng salita ang natukoy mo sa mga salitang di mo masyadong naunawaan?
_____________________________________________________________________________
Suriin
Pagpapakahulugan ng Salita
Ang malawak na pagpapakahulugan sa mga salita ay kinakailangan ng tao upang higit na
maging mahusay at epektibo ang pakikipagkomunikasyon. Narito ang mga paraan kung paano
mabibigyang kahulugan ang mga salita o pangungusap.
1. Pagbibigay-kahulugan — ito ang pagbibigay ng kahulugan na mula sa taong may sapat na
kabatiran tungkol sa salita/pangungusap na nais bigyang kahulugan o kaya'y maaaring mula sa
mga diksyunaryo, aklat, ensayklopedya, magasin o pahayagan. Halimbawa : pambihira -
katangi-tangi

2.Pagbibigay ng iba pang kahulugan o barayti ng salita — ito ang pagbibigay ng magkatulad
na kahulugan.Halimbawa : Paghanga- pagmamahal
3. Pagbibigay ng mga halimbawa — ito ang pagbibigay ng kahulugan ng isang salita sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa. Halimbawa : Ang buhay ng tao ay parang isang
gulong. Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim. Minsan ay nakararanas tayo ng hirap at
minsan narnan ay nakararanas ng ginhawa.
4. Paglalapi at pagsasama ng salita sa pangungusap — ito ang pagkakaroon ng iba't ibang
pagpapakahulugan sa salita kapag nilalapian. Halimbawa : Mata lamang ang walang latay.
(sobra ang natanggap na pananakit) Lagi na lamang akong minamata ni Nene. (nang-aapi o
mababa ang pagtingin sa kapwa) Matalas ang mata ni Totoy. (bahagi ng katawan)
14
5. Paggamit ng mga idyomatikong pahayag at pagtatayutay — ito ang pagbibigay ng
kahulugan sa mga salitang matalinhaga sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga salitang ginamit.
Halimbawa : Di-maliparang uwak – malawak42 Kaantasan ng Wika
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kaniyang
pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan, at okasyong
dinadaluhan. Kaya mahalagang kilalanin ang mga salita upang maging pamilyar sa katangiang
tinataglay nito.
A. Pormal na Wika - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala o ginagamit ng nakararami.
1. Pambansa- Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan
at pamahalaan. Halimbawa: asawa, anak, tahanan
2. Pampanitikan o Panretorika- Ito ay ginagamit ng mga malikhaing manunulat. Ang mga salita
ay karaniwang malalalim, makulay, at masining.
Halimbawa: Kabiyak ng puso, Bunga ng pag-ibig, Pusod ng Pagmamahalan
B. Impormal na Wika - Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, at pangaraw-araw. Madalas
itong gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
1. Lalawigan- Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan, makikilala ito sa
kakaibang tono o punto. Halimbawa: Papanaw ka na? (Aalis ka na) Nakain ka na? (Kumain ka na)
Buang! (Baliw)
2. Kolokyal- Pang-araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maaari rin itong
refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang titik sa
salita. Halimbawa: Meron - Mayroon Nasan – Nasaan, Sakin - sa akin
3. Balbal- Sa Ingles ito ay Slang. Nagkaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito, ikalawa
sa antas bulgar. Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa) Orange (bente pesos) Pinoy (Pilipino)
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang balbal:
1. Paghango sa mga salitang katutubo Halimbawa: Gurang (matanda) Bayot (bakla) Barat
(kuripot)
2. Panghihiram sa mga wikang banyaga Halimbawa: Epek (effect) Futbol (naalis) Tong (wheels)
3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog Halimbawa: Buwaya (Crocodile) Bata
(Child/Girlfriend) Durog (powdered/high in addiction) Papa (father/lover)
4. Pagpapaikli Halimbawa: Pakialam - paki Malay ko at pakialam ko -ma at pa Anong sinabi -
ansabe Anong nangyari –anyare
5. Pagbabaliktad Halimbawa: Etneb- bente Kita- atik Ngetpa- panget Dehin- hindi44
6. Paggamit ng Akronim Halimbawa: PUI -Pasyenteng Uusisain at Ipapa-confine PUM-
Pasyenteng Uuwi at Mamalagi sa bahay AWIT- AW ang sakIT
7. Pagpapalit ng Pantig Halimbawa: Lagpak / palpak -Bigo Torpe / Tyope /Torpe –naduwag
8. Paghahalo ng Salita Halimbawa: Bow na lang ng Bow Mag-MU Mag-jr (joy riding)
9. Paggamit ng Bilang Halimbawa: 45-Baril 143- I love you 50/50- naghihingalo
15
10. Pagdaragdag Halimbawa: Puti - isputing Kulang -kulongbisi
11. Kumbinasyon (Pagbabaligtad at Pagdaragdag) Halimbawa: Hiya-yahi-Dyahi
12. Pagpapaikli at pag-Pilipino Halimbawa: Pino -Pinoy Mestiso-Tiso-Tisoy45
13. Pagpapaikli at pagbabaligtad Halimbawa: Pantalon-Talon-Lonta Sigarilyo-Siyo-Yosi
14. Panghihiram at pagpapaikli Halimbawa: Security -Sikyo Brain Damage - Brenda
15. Panghihiram at Pagdaragdag Halimbawa: Get -Gets/Getsing Cry –Crayola
Pagyamanin
Panuto: Basahin ang tekstong Prosijural. Bigyang kahulugan at katangian ang mahahalagang
salitang ginamit sa teksto.
Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19
Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong
coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi
malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa
mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na
maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba. Ang mga payong ito ay
maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may
COVID-19.
1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay
Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o hugasan
gamit ang sabon at tubig.
Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga bagay na maaaring
kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan na sa paghawak natin ng ating mukha, nailipat
na ang virus sa mata, ilong, at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na
maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang bagong coronavirus, sa
pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer
na may alkohol.
2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig
Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan. Maging mapagmatyag
tungkol dito, at iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.
Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong makakuha ng mga virus. Kapag
kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa mata, ilong, at bibig at maaaring pumasok sa
katawan at magdulot ng sakit.
3. Takpan ang iyong pag-ubo at pagbahing
Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, ay sumusunod sa tamang respiratory hygiene.
Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o tisyu kapag uubo o
babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay.
Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na droplet mula sa ilong at
16
bibig na maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong ubo o bahing, naiiiwasan ang pagkalat ng mga
virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o tisyu – at hindi iyong kamay – sa pag-ubo
o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong droplet sa iyong kamay. Dahil dito,
napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay.

4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo
Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung ang iyong edad ay 60 pataas o may dati nang
karamdaman gaya ng altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser. Panatilihin ang hindi
bababa sa 1 metrong pagitan mula sa iyo at sa kung sinomang may lagnat o ubo.
Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa
bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-iwas sa mga matataong lugar,
nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa sa 1 metro) mula sa mga taong maaaring may
COVID-19 o sinomang may iba pang may sakit.
5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit
Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang.
Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi pagpunta sa trabaho o iba pang lugar, gagaling
ka ng mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang tao.
6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo, at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad ngunit
tawagan mo muna ang health facility Kung ikaw ay may lagnat, ubo, at hirap sa pag-hinga,
magpakonsulta ng maaga – kung kakayanin, tumawag muna sa ospital o health center para
masabihan ka kung saan ka pupunta.
Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong mabibigay sayo, ikaw ay maituro
sa tamang health facility, at maiwasan mong makahawa sa iba.
7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad
Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang
awtoridad. Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang mga tagapagsalita – ang
Department of Health, World Health Organization (WHO), o iyong lokal na health worker. Dapat
ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at tuyong
ubo.
Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa pinakabagong
impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong lugar. Sila ang mas nakakaalam
kung anong tamang payo na dapat ibigay sa iyong lugar, upang maprotektahan ng mga tao ang
kanilang sarili.
Sanggunian:
“Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID19,” World
Health Organization, nakuha noong Mayo 25, 2020, https://www.who.int/philippines/news/feature-
stories/detail/ pitong-simpleng-hakbang-upang-maprotektahan-ang-sarili-at-ang-iba-labansa-
covid-
17
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mahahalagang salitang ginamit sa binasang teksto. Piliin at
isulat sa iyong sagutang papel ang wastong sagot.
1. Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o
hugasan gamit ang sabon at tubig.
A. Palagian B. Malimit C. Mabilisan D. Lahat ng ito
2. Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan.
A. Hindi alam B. Wala sa katinuan C. Hindi apektado D. Wala sa nabanggit
3. Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, ay sumusunod sa tamang respiratory
hygiene.
A. Pagtakip ng ilog at bibig B. Paghuhugas ng paa C. Pagpapahinga D. Pagpapapawis
4. Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa bibig
o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao.
A. Talsik na likido na nagmula sa ilong at bibig B. Talamsik ng tubig sa kanal
C. Tulo ng tubig sa gripo D. Patak ng ulan sa bubong
5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang.
A. Pagtigil B. A at B C. Pagpirmi D. Paghinto50 Mahusay!
Panuto: Tukuyin ang katangian ng mahahalagang salitang nakaitim na ginamit sa teksto. Piliin at
isulat sa inyong sagutang papel ang wastong sagot.
1. Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong maibibigay sa ’yo, ikaw ay maituturo sa
tamang health facility, at maiwawasan mong makahawa sa iba.
A. Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin D. Balbal
2. Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang
awtoridad.
A. Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin D. Balbal
3. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang
sintomas at gagaling.
A. Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin D. Balbal
4. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang
bagong coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o
paggamit ng hand sanitizer na may alkohol.
A. Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin D. Balbal
5. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID19 sa lagnat
at tuyong ubo.
A. Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawigan D. Balbal
18
Isaisip
Panuto: Kumpletuhin ang mga patlang sa ibaba upang makabuo ng isang makabuluhang
pahayag ukol sa pagpapatukoy ng kahulugan at katangian ng isang salita sa loob ng
pangungusap. Piliin ang mga mahahalagang salita na maaaring gamitin sa loob ng
pangungusap. Isulat ang sagot sa nakahiwalay na papel.

Hindi sa Iahat ng pagkakataon ay kailangang sumangguni sa 1.__________ tuwing may

mababasang salitang mahirap unawain. Maaaring gumawa ng tentatibong 2.___________sa

maaaring kahulugan ng salita sa pamamagitan ng gamit nito sa pangungusap. Tukuyin din kung

ano ang 3.__________ ng salita halimbawa kung ito ay pormal at di pormal. 4.__________ ang

kahulugan ng salita batay sa kung paano ito ginamit sa loob ng pangungusap, sa sinundang

pahayag, o sa susunod na pahayag. Kapag hindi pa rin makuha ang 5.__________, kumonsulta

na sa diksiyunaryo. Maaari ding tumingin sa 6__________ ng aklat kung mayroon ito. Ang

malawak na pagpapakahulugan sa mga salita ay kinakailangan ng tao upang higit na maging

mahusay at 7.__________ ang pakikipagkomunikasyon. Ang kaantasan ng wika ay nahahati sa

dalawa, ang pormal at 8.___________. Ang mga uri ng pormal na wika ay 9__________at

Pampanitikan. Samantala ang impormal na wika ay Lalawiganin, Kolokyal at 10.__________.

Mga Mahalagang salita

Diksyunaryo Balbal

Hulaan di pormal

Kahulugan epektibo

Katangian glosari

paghihinuha pambansa

19
Isagawa
Panuto: Sumulat ng isang tekstong impormativ tungkol sa iyong sarili, pamilya, komunidad, bansa, at
daigdig na kinakaharap ang problema kaugnay ng pandemyang COVID-19. Salungguhitan ang
mahahalagang salita na ginamit sa loob ng teksto, Tukuyin ang kahulugan at katangian nito. Gawin ito sa
isang malinis na papel.
Rubrik sa Pagsulat

Pamantayan Mahusay Katamtaman Di Gaanong Dapat


(4) (3) mahusay Pagbutihin
(2) (1)
Pagpili ng Napakahalaga sa Napakahalaga sa Di gaanong Walang halaga
pamagat sarili, pamilya, sarili, pamilya, mahalaga sa sa sarili,
komunidad, komunidad, sarili, pamilya, pamilya,
bansa, at daigdig bansa, at daigdig komunidad, komunidad,
ng napiling paksa ng napiling paksa bansa, at bansa, at
at tunay itong at naplapanahon daigdig ang daigdig ang
napapanahon napiling paksa napiling paksa
at hindi rin at hindi rin
gaanong napapanahon
napapanahon
Nilalaman Napakamakabu- Makabuluhan Di gaanong Walang
luhan ang mga ang mga salitang makabuluhan kabuluhan ang
salitang ginamit ginamit sa loob ang mga mga salitang
sa loob ng ng sulatin. salitang ginamit ginamit sa loob
sulatin. Natukoy Natukoy ang sa loob ng ng sulatin. Hindi
ang kahulugan at kahulugan ngunit sulatin. Walang natukoy ang
katangian. hindi ang natukoy na kahulugan at
katangian. kahulugan at katangian.
katangian.
Organisasyon Napakalinaw at Malinaw at lohikal Di gaanong Hindi malinaw at
ng kaisipan napakalohikal ng ang ugnayan ng malinaw at walang ugnayan
ugnayan ng mga mga kaisipan. lohikal ang ang mga
kaisipan. ugnayan ng mga kaisipan at
kaisipan. kulang sa
paliwanag
Kawastuang Walang maling May ilang maling Di-gaanong Maraming
Panggramatika baybay ng mga baybay ng mga maraming maling baybay
salita, bantas, at salita, bantas, at maling baybay ng mga salita,
kapitalisasyon at kapitalisasyon at ng mga salita, bantas, at
atbp. atbp. bantas, at kapitalisasyon at
kapitalisasyon at atbp.
atbp.
Gamit ang mga Gumamit ng Gumamit ng Di-gaanong Walang ginamit
pahayag na maraming sapat na gumamit ng na pahayag sa
nagbibigay pahayag sa pahayag sa pahayag sa pagbibigay
impormasyon pagbibigay pagbibigay pagbibigay impormasyon
impormasyon impormasyon impormasyon
Bisa sa mga Napanghahawakan Napanghahawakan Di gaanong Walang
mambabasa ang interes ng ang interes ng napanghawakan napanghawakan
mambabasa sa mambabasa sa ang interes ng na interes ng
buong sulatin malaking bahagi ng mambabasa mambabasa
sulatin
Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salita na ginamit sa iba’t ibang
tekstong binasa. Gawin ito sa isang malinis na papel.
1. Lahat tayo ay apektado ng krisis na ito ngunit may mga itinuturo din itong aral sa atin.
2. Buhay pa rin ang Bayanihan sa ating bansa ngunit digital na sa tulong ng mga apps at fund
transfers.
3. Epektibo ito lalo na sa panahong hindi tayo makalabas sa ating bahay.
4. Ine-encourage ding gamitin ang cashless payment options via QR code sa mga groceries bilang
contactless way of payment ngayong may epidemya.
5. Updated digitally na ang halos lahat ng bagay pati ang pagtulong sa ating kapwa ngayong
panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) kung saan kailangan sundin ang
physical/social distancing.
6. Nakabubuti din sa atin ang pagiging social media savvy dahil maaari nating gamitin ito sa
paggawa ng mabubuting hangarin o mga advocacies.
7. Epektibo din ito upang maengganyong lumahok ang ibang tao sa inyong pagmomobilized.
8. Pagkatapos ng krisis na ito, hindi na tayo babalik sa normal nating pamumuhay.
9. Marami ang magbabago at iyon ang magiging “new normal” para sa ating lahat.
10. Nawa’y kasabay ng mga pagbabagong iyon, hindi mawawala ang ating kagustuhang
makatulong at tumulong sa ating kapwang nangangailangan.

A. Bago sa pangkaraniwan F. Paggamit ng teknolohiya


B. Hangarin G. Paggawa nang mabuti
C. Kasama H. Paglayo-layo ng mga tao
D. Mabilisang pagkahawa ng I. Pagtulong ng walang
mga tao sa isang sakit inaasahang kapalit
E. Mabisa J. Panahon ng kagipitan o
peligro
K. Pangkaraniwan

21
Panuto: Tukuyin ang katangian ng mahahalagang salitang ginamit sa iba’t ibang tekstong binasa.
Tukuyin kung pambansa, pampanitikan, lalawiganin, kolokyal, at balbal. Isulat sa wastong sagot
sa inyong sagutang papel.
1. Daayud -____________________
2. Pamalit -_____________________
3. Tulong-Pinansiyal -____________________
4. Ayuda -____________________
5. Soc. Ame.-___________________

Karagdagang Gawain
Gumawa ng sariling talaan ng mahihirap na salitang nabasa. Itala ang mga salita, kabisahin ang
kahulugan nito at gamitin sa sariling pangungusap ang salitang binigyang kahulugan upang
maidagdag sa kaalaman sa talasalitan.

Salita Kahulugan Sariling Pangungusap

1.

2.

3.

4.

5.

22

You might also like