You are on page 1of 8

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region IV-MIMAROPA

Division of Oriental Mindoro


Pres. Diosdado Macapagal Memorial National High School – SHS
Bulaklakan, Gloria, Oriental Mindoro

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO – 11


PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO PANANALIKSIK
Panuto: Kilalanin ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang uri ng teksto. Isulat ang
titik ng wastong sagot.
1. Itinuturing na isa sa katangian ng Tekstong Naratibo na may kinalaman sa pag-
alaala ng mga salita at konseptong dati nang alam na ginamit sa teksto upang
ipaunawa ang bagong impormasyon.
A. Pagkakaroon ng mayamang karanasan
B. Pagpapagana ng imbak na kaalaman
C. Tekstong Impormatibo
D. Pagbuo ng Hinuha
2. Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng
impormasyon at tinatawag din itong ekspositori.
A. Tekstong Argumentatibo
B. Tekstong Impormatibo
C. Tekstong Persweysib
D. Tekstong Prosidyura
3. Ipinaliliwanag ng manunulat ang malinaw na relasyon sa dalawang bagay at
nagbibigay ng pokus sa kung bakit nangyari ang mga bagay at ano ang resulta
nito.
A. Paglilista ng Klasipikasyon
B. Pagbibigay-Depinisyon
C. Paghahambing
D. Sanhi at Bunga
4. Kung ang isang mambabasa ay may malawak na karanasan at pag-unawa sa iba’t
ibang uri ng hayop, mas magiging madali na sa kaniya ang pagbuo ng mga
kategorya at pag-unawa sa iba’t ibang grupo nito batay sa mga katangiang kaniya
nang nasaksihan.
A. Pagpapagana ng imbak na kaalaman
B. Pagkakaroon ng mayamang karanasan
C. Tekstong Impormatibo
D. Pagbuo ng hinuha
5. Kapag ang isang teksto ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar,
karanasan, sitwasyon at iba pa. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa
kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na
karanasan.
A. Tekstong Prosidyural
B. Tekstong Deskriptibo
C. Tekstong Persweysib
D. Tekstong Naratibo
6. Kung ilalarawan ang isang kaibigan, maaaring ibigay ang taas, haba ng buhok,
kulay ng balat o kursong kinukuha. Ito ay paglalarawang_______.
A. Deskriptibo
B. Impresyon
C. Obhetibo
D. Suhetibo
7. Maaaring ilarawan ang kaibigan bilang hingahan ng sama ng loob, madalas na
nakapagpapagaan ng mga suliranin, o kaya ay bukas na libro sa lahat. Ito ay
paglalarawang_____.
A. Deskriptibo
B. Impresyon
C. Obhetibo
D. Suhetibo
8. Isang uri ng di-piksyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na
sumag-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu.
A. Tekstong Prosidyural
B. Tekstong Deskriptibo
C. Tekstong Persweysib
D. Tesktong Naratibo
9. Layunin ng tekstong ito na magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na
pangyayari, totoo man o hindi. Maaaring ang salaysay ay personal na naranasan
ng nagkukuwento batay sa tunay na pangyayari o kathang-isip lamang.Ito ay
maituturing na Tekstong___.
A. Tekstong Argumentatibo
B. Tesktong Deskriptibo
C. Tesktong Prosidyural
D. Tekstong Naratibo
10. Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting, oras o panahon
kung kailan nangyari ang kwento.Malinaw na dapat na nailalatag ang mga ito sa
pagsasalaysay at nasasagot ang mga batayang tanong na sino, saan at kailan.
A. Pamamaraan ng narasyon
B. Oryenstasyon
C. Estruktura
D. Paksa
11. Maituturing na walang saysay ang isang kwento kapag nawala ang mahalagang
bahagi ng kwento na nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago sa posisyon at
disposisyon ng mga tauhan.
A. Komplikasyon/Tunggalian
B. Resolusyon
C. Estruktura
D. Paksa
12. Bahagi ng kwento na kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian na maaaring
masaya o hindi batay sa magiging kapalaran ng pangunahing tauhan.
A. Komplikasyon/Tunggalian
B. Oryentasyon
C. Resolusyon
D. Paksa
13. Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuan ng kwento. Madalas na makikitang
ginagamit na paraan ng narasyon ang iba’t ibang estilo ng pagkakasunod-sunod
ng pangyayari. Anong katangian ng tekstong naratibo ang pahayag na ito?
A. Pamamaraan ng narasyon
B. Oryentasyon
C. Resolusyon
D. Estruktura
14. Isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon
sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na
karanasan, kaugnay na literatura at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan at resulta
ng empirikal na pananaliksik.
A. Tekstong Argumentatibo
B. Tekstong Prosidruyal
C. Tekstong Persweysib
D. Tekstong Naratibo
15. Elemento ng pangangatwiran na kung saa’y inilalahad upang pagtalunan o pag-
usapan. Ito ang isang pinagkakasunduang bago ilahad ang katwiran ng
magkabilang panig.
A. Pangangatwiran
B. Panghihikayat
C. Proposisyon
D. Argumento
16. Elemento ng pangangatwiran na kung saa’y paglalatag ng mga dahilan at
ebidensya upang maging makatwiran ang isang panig.
A. Pangangatwiran
B. Panghihikayat
C. Proposisyon
D. Argumento
17. Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksiyon
kung paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay.Layuning makapagbigay ng
sunod-sunod na direksyon upang maisagawa ang mga gawain sa ligtas, episyente
at angkop na paraan.
A. Tekstong Argumentatibo
B. Tekstong Prosidyural
C. Tekstong Persweysib
D. Tekstong Naratibo
18. Isa sa nilalaman ng teksto ay ang naglalaman ng mga pamamaraan kung paano
masusukat ang tagumpay ng pamamaraang isinagawa.
A. Layunin o target ng awtput
B. Ebalwasyon
C. Kagamitan
D. Metodo
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Iugnay ang katangian ng iba’t
ibang uri ng teksto batay sa pahayag/sitwasyon.
19. Maraming nasalanta sa pagdaan ng bagyo sa lalawigan ng Quezon noong taong
2004. Bukod sa bagyo ay gumuho pa ang kabundukan na ikinamatay ng maraming
mamamayan. Natabunan sila ng umaagos na tubig, lupa malalaking bato at mga
troso. Ang trahedyang ito ay isinisisi sa ilegal na pagtrotroso. Dahil sa kalbo na
ang bundok, gumuho ang lupa nito dahil wala nang kumakapit sa lupa tulad ng
ugat ng mga puno.
A. Paglilista ng klasipikasyon
B. Pagbibigay-depinisyon
C. Paghahambing
D. Sanhi at Bunga
20. Ang istetoskowp ay isang uri ng instrumentong pangmedisina upang pakinggan
ang daloy ng hangin sa baga at gayon din ang tibok ng puso ng may karamdaman.
Kalimitang ginagamit ito ng mga doctor sa medisina at mga nars sa ospital.
Napakahalagang instrument ito ng mga tagapangalaga ng kalusugan ng
sangkatauhan.
A. Paglilista ng klasipikasyon
B. Pagbibigay-depinisyon
C. Paghahambing
D. Sanhi at Bunga
21. Ang isang set ng kompyuter ay binubuo ng mga sumusunod: CPU, Monitor,
Mouse, Keyboard, at AVR o automatic voltage regulator. Ang mga opsyonal na
bahagi nito ay ang printer at scanner. Ibig sabihin, maaaring wala ang mga
kagamitang ito.
A. Paglilista ng klasipikasyon
B. Pagbibigay-depinisyon
C. Paghahambing
D. Sanhi at Bunga
22. Dalawang uri ng pamahalaan ang umiiral sa kasalukuyan, ito ay ang presidensyal
at parlyamentari. Ang pinakamataas na nanunungkulan sa Presidensyal at
tinatawag na pangulo, samantalang ang sa parlyamentari ay tinatawag na Punong
Ministro. Gayon pa man, parehong demokrasya ang pinaiiral sa dalawang uri ng
pamahalaan. Ang karapatan ng mamamayan, kapayapaan, at hustisya ay
pinangangalagaan din sa dalawang anyo ng pamahalaan.
A. Pagbibigay-depinisyon
B. Paglilista ng klasipikasyon
C. Paghahambing
D. Sanhi at Bunga
23. “Mabagal at tila hirap na hirap si Pagong habang inihahakbang ang kanyang
maliliit na mga paa. Bukod dito,kuba na rin siya sa pagdadala ng kanyang
mabigat na bahay sa kanyang likuran.” Anong paglalarawan ang inilapat sa
pahayag?
A. Deskriptibo
B. Impresyon
C. Suhetibo
D. Obhetibo
24. “Talagang marami ang nagugutom sapagkat kulang sa disiplina ang mga
mamamayang namihasa sa pagwawalang-bahala.Marami sa mamamayan natin
ang umaasa sa gobyerno. Dinaranas ang kahirapan sa kawalan ng motibasyon na
magbanat ng buto sa mabuting paraan.” Alin sa pahayag ang proposisyon?
A. Talagang marami ang nagugutom sapagkat kulang sa disiplina ang mga
mamamayang namihasa sa pagwawalang-bahala
B. Dinaranas ang kahirapan sa kawalan ng motibasyon na magbanat ng buto sa
mabuting paraan.
C. Konti ang nagugutom sapagkat sapat disiplinado ang mga mamamayan
D. Marami sa mamamayan natin ang umaasa sa gobyerno
25. “Talagang marami ang nagugutom sapagkat kulang sa disiplina ang mga
mamamayang namihasa sa pagwawalang-bahala.Marami sa mamamayan natin
ang umaasa sa gobyerno. Dinaranas ang kahirapan sa kawalan ng motibasyon na
magbanat ng buto sa mabuting paraan.” Alin ang isa sa pahayag ang maituturing
na argumento?
A. Talagang marami ang nagugutom sapagkat kulang sa disiplina ang mga
mamamayang namihasa sa pagwawalang-bahala
B. Dinaranas ang kahirapan sa kawalan ng motibasyon na magbanat ng buto sa
mabuting paraan.
C. . Konti ang nagugutom sapagkat sapat disiplinado ang mga mamamayan
D. Marami sa mamamayan natin ang umaasa sa gobyerno
26. “Bagama’t hirap na hirap na sa paglalakad, tumingin si Pagong sa kanyang pakay-
ang puno ng saging sa dulo ng daan. Sa kabila ng pagod ay napangiti siya at
buong giting na sinasabi sa sariling ”Kaya ko ito”.Ipinapahiwatig ng pahayag na ito
ang paglalarawang_____.
A. Deskriptibo
B. Impresyon
C. Suhetibo
D. Obhetibo
27. Bulubundukin ang lugar.Malalakas ang mga tahol ng aso na sinaliwan ng mga
tilaok ng mga tandang.Malapit ng magbukang liwayway. Marami-rami na ring mga
huni ng ibon na nais kumawala at nais liparin ang himpapawid subalit ‘di nila
magawa sapagkat nagbabadya ang masungit na panahon.Anong bahagi ng
tekstong naratibo ang inilapat ng may-akda?
A. Pamamaraan ng narasyon
B. Oryentasyon
C. Estruktura
D. Paksa
28. “Huwag….Huwag…Huwag maawa kayo.Kunin na ninyo ang maaari ninyong
kunin. Huwag lamang ninyo akong patayin. May mga anak akong binubuhay.Isang
malakas na tinig na nagmamakaawa ang paulit-ulit na naririnig ni Ruben.Isa sa
mahalagang bahagi ng teksto na tinatawag na____.
A. Komplikasyon/Tunggalian
B. Oryentasyon
C. Resolusyon
D. Estruktura
29. Halos lahat ng epiko ay nagtataglay ng mga sumusunod na pangyayari. Una,
isisilang ang isang bayani na sa murang edad pa lamang ay magpapamalas na ng
mga kagila-gilalas na kapangyarihan. Ikalawa, makikipagsapalaran ang bayani.
Karaniwang sa isang digmaan mapapasuong ang bayani. Ikatlo, magtatagumpay
ang bayani at siya ay magbabalik sa kanyang bayan. Sa ilang epiko, ang bayani
ay iibig pa at magpapakasal. Anong katangian ng tekstong prosidyural ang ginamit
ng may-akda?
A. Layunin o target na awtput
B. Ebalwasyon
C. Kagamitan
D. Metodo
30. Ang gitara ay isang uri ng instrumentong pangmusika na nahahanay o nauuri sa
string. Upang tumunog ang instrumentong ito ay kailangang kalabitin ng kanang
kamay at titipahin naman ng kaliwang kamay.Malinaw na ipinapahiwatig ng
pahayag ang katangiang Tekstong Impormatibo na______.
A. Pagbibigay-depinisyon
B. Paglilista ng klasipikasyon
C. Sanhi at Bunga
D. Paghahambing
31. Ito’y paraan ng Manunulat na ginagamit upang makapagganyak o makahikayat ng
mga kaisipan at kaugalian.
A. Pathos
B. Ethos
C. Logos
D. Eros
32. Teksto na nagbibigay diin sa pagkatulad at pagkakaiba – iba ng dalawa o higit
pang tao, bagay, kaisipan, o ideya ng isang pangyayari.
A. Pag – iisa – isa o Enumerasyon
B. Paghahambing at Pagkontrast
C. Problema at Solusyon
D. Depinisyon
33. Ito ay kinahahantungan ng tunggalian o komplikasyon.
A. Resolusyon
B. Oryentasyon
C. Diyalogo
D. Piksiyon
34. Kalimitang gumagamit ang manunulat ng mga ilustrasyong teknikal na sulatin
upang Makita ng mambabasa ang larawan o hitsura ng inilalarawan.
A. Di – karaniwang Paglalarawan
B. Karaniwang Paglalarawan
C. Masining na Paglalarawan
D. Teknikal na Paglalarawan
35. Ang estrukturang ito ay kadalasang naghati – hati ng isang malaking paksa o ideya
sa iba’t ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang pagtalakay.
A. Pagbibigay Depinisyon
B. Paglilista ng Klasipikasyon
C. Paghahambing
D. Sanhi at Bunga
36. Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat magpahayag ng mga personal at walang
batayang opinion ang isang manunulat.
A. Tekstong Argumentatibo
B. Tekstong Nanghihikayat
C. Tekstong Impormatibo
D. Tekstong Naratibo
37. Ang Tekstong ito ay gumagamit ng wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag
ng emosyon, at kumakasangkapan ng iba’t ibang imahen, metapora, at simbolo
upang maging malikhain.
A. Tekstong Impormatibo
B. Tekstong Prosidyural
C. Tekstong Persweysib
D. Tekstong Naratibo
38. Nilalaman ng bahaging ito kung paano ang kalalabasan o kahahantungan ng
proyekto ng prosidyur.
A. Layunin o Target ng Awtput
B. Ebalwasyon
C. Kagamitan
D. Metodo
39. Nakapaloob ditto ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin upang
makompleto ang isasagawang proyekto.
A. Layuni o Target na Awtput
B. Ebalwasyon
C. Kagamitan
D. Metodo
Panuto: Basahin ang teksto. Suriin ang angkop na datos na inilapat sa seleksyon.
Mapalad ang Pilipinas na pinagpala sa lahat ng bansa dahil sa kahangang-
hangang kagandahan nito. Di- mabilang na nilalang ang nabighani sa bughaw na
karagatan nito, luntiang kaparangan at iba’t ibang uri ng hayop sa kagubatan. Taglay
nito ang pambihirang kaanyuan na waring batubalaning umaaakit sa napakaraming
turista.
Tunay na mahaba ang talaan ng maipagmamalaki nitong kaakit-akit na mga
tanawin. Nariyan ang mahiwagang pagyayakapan ng alon at bundok ng mga pulo sa
Batanes, Luzon, ang pulu-pulutong na Hundred Islands na matatagpuan sa Golpo ng
Lingayen, Pangasinan at ang hugis balisunsong na Bulkang Mayon sa Albay, ang
matayog na Talon ng Pagsanjan sa Laguna.
Anupa’t isang paraiso na kaloob ng Poong Maykapal ang Pilipinas na maituturing
na pangalawang hardin ng Eden.

40. Ano ang paksa ng teksto?


A. Iba’t ibang tanawing nakakaaakit sa turista
B. Iba’t ibang tanawin sa Pilipinas
C. Paraisong kaloob ng Maykapal
D. Maipagmamalaking tanawin
41. Anong uri ng teksto ang ginamit ng may-akda?
A. Tekstong Impormatibo
B. Tekstong Persweysib
C. Tekstong Deskriptibo
D. Tekstong Naratibo
42. “Di- mabilang na nilalang ang nabighani sa bughaw na karagatan nito, luntiang
kaparangan at iba’t ibang uri ng hayop sa kagubatan” Ang paglalarawan ay
tinatawag na____.
A. Impresyon
B. Deskriptibo
C. Suhetibo
D. Obhetibo
Agosto 8, 2016

Mahal kong Itay at Inay,


Sa darating na Linggo, Agosto 15, ay bigayan po ng kard nina Lexter. Ipinagbilin po ng
kanyang tagapayo na makipagkita ako sa kanya. Binanggit po niya na bumagsak si
Lexter sa lahat ng aralin dahil sa pagliban-liban niya sa klase. Laging natutulog sa klase
dahil sa mukhang antok na antok. Hindi rin siya nakakapasa dahil sa walang
nagagawang takdang aralin.
Palagay ko Inay, napapasama po siya sa masasamang barkada. Sana po ay hindi
magkatotoo ang aking hinala. Akin po siyang haharapin at kung magkatotoo ang aking
kutob, patitigilin ko na po lamang siya at pauuwiin ko na lamang diyan. Sa isang taon
na po ninyo siya ipasok diyan sa atin. Alam naman po ninyong maghapon ako sa
trabaho, kaya hindi ko po siya laging nasusubaybayan.
Salamat po sa inyo!

Nagmamahal,
Gessel
43. “Binanggit po niya na bumagsak si Lexter sa lahat ng aralin dahil sa pagliban-liban
niya sa klase”ang pahayag ay nagpapahiwatig ng:
A. Paglilista ng klasipikasyon
B. Pagbibigay-depinisyon
C. Paghahambing
D. Sanhi at bunga
44. Sa kabuuan ng liham, ang teksto ay nasa uring:
A. Tekstong Impormatibo
B. Tekstong Persweysib
C. Tekstong Deskriptibo
D. Tekstong Naratibo
Naging kasamahan ni Julio si Atong sa trabaho sa konstruksyon. Naging kaibigan.
Ang nagdaang buhay ng pamilya ni Atong ay nagpagunita sa kaapihang tinamo ng
pamilya ni Elias sa Noli Me Tangere. Tulad ng pamilya ni Elias, ang pamilya ni Atong
ay inagawan din ng lupa. Tulad ni Elias, may isa ring kapatid na dalaga si Atong, si
Perla. Mahal na mahal niya ang kapatid. Balak niyang ibili ito ng sapatos at damit sa
Pasko. Ngunit hindi natupad ang munting pangarap ni Atong. Ang kanyang suweldo ay
hindi ibinigay sapagkat kulang pa raw ang pambayad sa basag na habonerang pilit na
ipinasasagot sa kanya gayong hindi naman niya kasalanan ang pagkabasag. Nakiusap
si Atong sa namamahala sa kanilang si Kalbo. Sininghal siya ni Kalbo, na mainit ang
ulo dahil sa pagkatalo sa sugal.
Hindi nakapagtimpi, binuntal ni Atong si Kalbo.
Dinakip si Atong. Ginulpi sa City Jail. Dinala sa ospital at doon namatay. Ang
pahayag sa City Jail ay nakipag-away si Atong sa isang barkadang kasama sa selda.
45. Ang tagpuan sa binasang teksto ay_____.
A. Kontruksyon
B. Ospital
C. City Jail
D. Selda
46. Ang tunggalian sa teksto ay______.
A. Tao vs. Kalikasan
B. Tao vs. Lipunan
C. Tao vs. Sarili
D. Tao vs. Tao
47. “Tulad ni Elias, may isa ring kapatid na dalaga si Atong, si Perla. Mahal na mahal
niya ang kapatid”ipinahihiwatig ng may-akda sa pahayag ang paglalarawang____.
A. Deskriptibo
B. Impresyon
C. Suhetibo
D. Obhetibo
48. Batay sa teksto, ano ang ginamit na ayos ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari
o estruktura?
A. Mula sa gitnang pangyayari tungo sa gitna
B. Nagsimula sa dulo papuntang unahan
C. Pagsusunod-sunod na pangyayari
D. Klasipikasyon
49. Ano ang pangunahing paksa ng teksto?
A. Ang kalupitang dinanas ni Atong
B. Ang kamalasan ni Atong
C. Ang pangarap ni Atong
D. Ang alaala ni Atong
50. Sa kabuuan, ang uri ng tekstong binasa ay______.
A. Tekstong Impormatibo
B. Tekstong Persweysib
C. Tekstong Deskriptibo
D. Tekstong Naratibo

Inihanda ni:
DHEALINE S. JUSAYAN
Guro

Iniwasto ni:

RHIAN ANTONY P. CAPILI


Master Teacher- I

Sa Kabatiran ni:

Joann G. Carandang
SHS Coordinator

Pinagtibay ni:

RUPERTO S. AGONCILLO JR.


Punong Guro III

“…Dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri, mga bagay na
totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig at kagalang-galang”

FILIPOS 4:8

You might also like