You are on page 1of 3

Name: ____________________________________________________ Section: _________________ Date: _____________

Bilugan ang titik ng tamang sagot sa ispasyong nakalaan.


1) Ano ang tawag sa pamaraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga particular na katanungan ng tao?
a. Pakikinayam b. Pakikikalahok c. Pananaliksik d. Pagtatanong
2) Ang laboratoryo na tinutukoy sa makapilipinong pananaliksik ay ang ________.
a. mga kalahok sa pananaliksik c. mga tao sa lipunan
b. mga mananaliksik d. mga guro sa lipunan
3) Ano ang isa sa mga batayan na maka-pilipino ang isang pananaliksik?
a. May anim hanggang pitong kalahok c. Isinagawa ang papel-pag-aaral sa bansang Pilipinas.
b. Pakikinayam sa mga banyagang kalahok d. Naaayon sa interes ng mga estudyanteng Pilipino.
4) Anong disenyo ang makikita sa pananliksik patungkol sa Kapistahan ni Sto. Niño?
a. Action Research b. Etnograpikal c. Historikal d. Komparatibo
5) Anong disenyo naman ang nakatalaga sa kwento ng buhay ng isang kabataang dumaan sa proseso ng aborsyon?
a. Case Study b. Deskriptibo c. Eksploratori d. Normative
6) Sa inyong paggawa ng pananaliksik, sa anong hakbang na aayon at nagagamit ang iyong interes?
a. Paglahad ng layunin b. Bibliyograpi c. Paglalahad ng Layunin d. Pagpili ng paksa
7) May dalwang uri lamang ang disenyo ng pananaliksik, kwalitatibo at kwantitabo. Kung aang pipillin mong disenyo ay
kwantitabo anong pamaraan ng pagkuha ng datos ang iyong isasagaw?
a. Nakabalangkas na partisipasyon c. Structured interview
b. Nakabalangkas na obserbasyon d. Survey
8) Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian ng isang maka-pilipinong pananaliksik?
a. Gumagamit ng wikang Filipino ngunit isinagawa sa ibang bansa.
b. Malapit sa pusoat isip ng mga mamayan Pilipino
c. Mga pPilipino ang boluntaryong nakikilahok
d. Lahat nang nabanggit
9) Ang mga sumusunod ay gabay sa pamimili ng paksa at pagbuo ng suliranin sa pananaliksik, maliban sa?
a. May sapat itong kaatibayan at nailimbag na sa iba’t-ibang basahin.
b. Nasasaklaw o nalilimita ang paksa
c. Nakukuha lamang sa internet source gaya ng Wikipedia, yahoo, atbp.
d. Nakapagbibigay ng makabagong dimensyon sa makalumang paksa.
10) Ito ay tumutukoy sa pigging matuwid, makatarungan, matapat, at mapagpahalaga sa kapuwa ng isang tao.
a. Balido b. Etikal c. Pagpapakatao d. Responsibilidad
11) Sa anong bahagi ng pananaliksik magaganap ang pakikinayam?
a. Pangangalap ng datos c. Pagdidisenyo ng pananaliksik
b. Pagsusuri ng datos d. Pagbabahai ng mananaliksik
12) Alin sa mga sumusunod ang hindi na dapat ilagay sa konseptong balangkas?
a. Kaligiran at Rasyonal sa pag-aaral c. Mga pangalan ng mananaliksik
b. Ispesipikong suliranin ng pag-aaral d. Mga pangalan ng sanggunian
13) Anong ang tawag sa hindi maresponsableng paggawa ng papel-pananaliksik na kung saan ay tahasang ginamit o
kinopya lamang ang ideya na walang kaukulang pagkilala sa pinagkunan nito?
a. Case Study b. Ethical c. Plagiarism d. Structure interview
14) Nararapat lamang na tukuyin muna ang disenyo bago ang layunin ng pag-aaral. Tama o Mali? Bakit?
a. Tama, dahil hindi makagagawa ng isanng pag-aaral kung walang disenyong naitatalaga.
b. Mali, dahil nauuna dapat ang layunin sapagkat ito ang direksyon na patutunguhan ng pananaliksik saka na
pipili ng disenyong gagawin.
c. Tama, dahil ang disenyo ang unang pagbabasehan ng anumang gagawing pag-aaral.
d. Mali, dahil ang layunin ang siyang nagbibigay liwanag sa disenyong susundin ng isang mananaliksik lalo na sa
pagdedesisyon sa budget na kakailanganin.
15) Nanaliksik si Nina tungkol sa Sistema ng edukasyon sa Pilipinas at naisip niyan basahin ang aklat ni Paulo Freire na
Pedagogy of the Opressed upang makatulong sa kaniyang pagsusuri, ngunit nahirapan siyang maghanap ng kopya.
Nabasa niya sa isang pananaliksik ni Dr. Laura Sy na ginamit na tala ang isa sa mahalagang bahagi ng Libro ni Friere.
Ginamit niya ang sipi ni Dr. Laura Sy at binanggit ang dalawang awtor sa tala. Sa sanggunian, kapuwa rin niya binanggit
ang libro ni Friere at artikulo ni Dr. Sy. Tama/Mali? Bakit?
I. Tama, dahil ang pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya sa pananaliksik ay maka-etikal.
II. Tama, dahil nagpapakita din ito ng pagka-balido at tunay na mapagkakatiwalaan ang mga datos.
III. Tama, dahil hindi katanggap-tanggap ang pananaliksik na walang pagkilala sa sanggunian.
IV. Tama, sapagkat ang sinipi ni Nina ay malalathala na bilang bagong kaalaman kaya hindi na dapat na
kilalanin pa ang mga sanggunian nito.

a. I, II at III b. II, III at IV c. I, III at IV d. Lahat nang nabanggit

16) Ang mga mag-aaral sa Makadiyos National High School (MNHS) ay naatasang gumawa ng kwalitatibong papel-
pananaliksik tungkol sa Aktibong Pakikisangkot ng mga Kabataan sa Pre-Marital Sex (PMS). Sa kanilang pangongolekta
ng datos, kinapanayam nila ang kanilang mga kaklase na may karanasan sa PMS kahit ito naman ay labag sa kalooban
ng kanilang mga kalahok. Tama o Mali? Bakit?
a. Tama, dahil ang mga mag-aaral ay mga kabataan din na maaring masangkot sa Pre-marital Sex.
b. Mali, sapagkat ang mga kalahok ay hindi dapat pinipilit, sa halip ay boluntaryo dapat silang nakikilahok.
c. Tama, dahil ang mga kalahok nila ay nararapat lamang nakapanayamin sapagkat sila ay sangkot na sa
nasabing isyu.
d. Mali, sapagkat hindi dapat sila pinipilit.

17) Nakabubuti ba ang pagbibigay ng token bilang pasasalamat sa mga kalahok ng pananaliksik? Oo o hindi? Bakit?
a.Oo, dahil paminsan lang may boluntaryong makikilahok at nararapat lang na sila ay bigyan na reward.
b.Oo, dahil mahalaga ang kanilang mga panayam at impormasyong nakalap mula sa kanila kaya nararapat
lang na bugyan sila ng regalo.
c. Mali, dahil magiging sapilitan ang pakikipagkalahok ng mga tao at hindi na magiging boluntaryo ang
kanilang pagsali.
d. Mali, dahil pera daoat ang ibibigay sa mga nakilahok at hindi lang token.
18) Sa anong bahagi ng proseso ng pananaliksik nakapaloob ang pagbabasa ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura?
a. Pagdidisenyo ng pananaliksik c. Pagsusuri ng datos
b. Pangangalap ng datos d. Pagbabahagi ng pananaliksik
19) Alin sa mga sumusunod ang naiba?
a. Checklist b. Interview c. Quantitative d. Survey
20) Kung ang inyong pananaliksik ay nagnananis na malaman ang bahagdan ng mga kabataang nasangkot sa pag
aasaw ng maaga, taun-taon, anong disenyo ng pangangalap ng datos ang ikokonsidera mo?.
a. Focus Group Discussion b. Interbyu c. Sarbey d. Lahat nang nabanggit
21) Nararapat lang na isagawa nag isang etnograpikol nap ag-aaral ay isasagawa sa pmamagitan ng field study. Tama o
Mali? Bakit?
a. Tama, dahil ito ay isang pag-aaral patungkol sa isang kultura at mauunawaan lamang ito kapag nakikilahok
mismo ang mga mananaliksik sa kultura ng isang lugar..
b. Mali, dahil ang etnograpikal nap ag-aaral ay ang pag-uunawa sa isang kultura na kung saan ay mas mabuti
itong basahin sa mga nakalimbag na’ng latha.
c. Tama, dahil mas napapalalim nito ang pag-unawa sa sangkatauhan ng iisang lugar.
d. Mali, dahil ito ay isang pag-aaral patungkol sa isang kultura at mas mauunawaan lamang ito sa pamamagitan
ng pakikinayam sa iilang katauhan sa isang tribo.
22) Ano ang pinakahuling bahagi sa proseso ng paggawa ng pananaliksik?
a. Pagpapasalamat sa lahat ng taong boluntaryong nakilahok
b. Pagbabahagi ng pananaliksik
c. Pagsulat ng konklusyon
d. Pagbabalik-aral sa nagawang pananaliksik.
23) Bakit mahalaga ang pagtatala ng sipi mula sa mga eksperto sa pagsasagawa ng pananaliksik?
I. Upang mabigyang impresyon ang mga mambabasa na komunsulta ang mananaliksik sa mga eksperto
II. Upang mas mapagkakatiwalaan ang mga resultang inilahad
III. Upang mas pagtibayin ang konklusyon ng mananaliksik
IV. Dahil ito ay nararapat at naaayon sa etika ng pananaliksik
a. I and III b. II and IV c. I and IV d. Lahat nang nabanggit
24) Ang abstrak ng isang papel-pananaliksik ay naglalaman ng mga buod ng mga sumusunod, maliban sa
a. Kaligiran ng pananaliksik c. Metodolohiya at Pamamaraan
b. Konseptuwal na Balangkas d. Resulta at Diskusyon
25) Sinipi mula sa papel ni Roderick Nuncio (2007) na may titulong “Ang Mundo ng Online Game: Realidad ng Adiksyon at
Pagtatanghal ng Bagong Mundo at Kaakuhan”, ang mga sumusunod ay maaring mabasa sa abtsrak ng papel,
maliban sa?
a. Kailangang bagtasin ang landas patungo sa virtual na mundo ng Internet, lalo na sa nakahuhumaling na
online game.
b. Gamit ang sarbey, interbyu, textual na analisis at kritikal na pagdalumat, sinuri ang larong Ragnarok at ang
implikasyon nito sa pagbuo ng bagong mundo.
c. Asenjo, G. (2005). Ang Philippine Ragnarok Online (pRO) at ang Digital na Kultura ng ‘New Rich’ Middle Class.
Di pa nalilimbag na papel na binasa sa Pambansang Kumperensiya-Seminar Worksyap sa Filipino. Manila:
Pamantasang De La Salle
d. Hinimay ito gamit ang iba’t-ibang teksto ng analisis mula mismo sa internet at pinalutang ang espiktakulo ng
pelikulang Matrix.
26) Sa anong bahagi ng unang kabanata nakabalangkas ang problemang napili?
a. Layunin b. Kaligiran ng Pag-aaral c. Paglalahad ng suliranin d. Saklaw at Limitasyon
27) A farmer wants to propagate a good variety of a crop in a way which maintained all its desirable traits. Which of the
following methods should be used?

Para sa numero 28-30, tukuyin kung anong pamaraan sa pananaliksik ang tinutukoy gamit ang mga sumusunod na
pagpipilian.
a. Sarbey b. Pakikinayam c. Dokumentaryong Pagsusuri d. Obserbasyon
28) Pagmamasid sa kilos, pag-uugali, at interaksyon ng mga kalahok sa isang likas na kapaligiran.
29) Mahalag rito ang husay sa pagbuo ng mga kasunod at kaugnay na tanong (follow-up question).
30) Maaring maging batis ng datos ang iba’t ibang uri ng media, pampublikong tala, niyograpiya, panitikan, at
katitikan ng mga pulong.
31) Isa sa mga katangian ng pananaliksik ay dapat napapanahon. Kung ikaw ay gagawa ng isang papel pananaliksik,
anong paksa ang iyong pipiliin?
a. Gloria Macapagal’s “Hello Garci” scandal. c. Paninigarilyo ng mga kabataan.
b. Pagkaadik sa larong Mobile Legends. d. Epekto ng fertilizer sa palayan.
32) Ang pagpapaikli ng nabuong pananaliksik ay nakabatay sa anong proseso ng pananaliksik??
a. Pamimili at Pagpapaunlad ng paksa c. Pagsusuri ng datos
b. Pagdidisenyo ng pananaliksik. d. Pagbabahagi ng pananaliksik
33) Sa paggawa ng papel pananaliksik, unang-una ay aatasan kayo ng guro sa paggawa ng konseptong papel. Sa
pamamaraang ito, alin sa mga sumusunod ang hindi na salik sa konspetong papel?
a. Proseso sa pangangalap ng datos. c. Ispesipikong suliranin
b. Layunin ng pag-aaral d. kaligiran at Rasyonal ng Pag-aaral.
34) Kung sa presentasyon ng datos ay karaniwang sinasagot ang tanong na “ano”, ano naman ang sinasagot ng
interpretasyon ng datos?
a. Bakit b. Saan c. Kailan d. Anu-ano
35) Bakit itinuturing na pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik ang presentasyon, pagsusuri at interpretasyon
ng datos?
a. Dahil ito ang pinakamahaba
b. Dahil dito ipinapakita ang mga talahanayan at dayagram.
c. Dahil ito ang nagpapakita ng mga bagong impromasyon at pagsusuri na ambag ng mananaliksik sa
pagbuo ng kaalaman.
d. Dahil dito makikita kung gaano kahusay ginampanan ng mananaliksik ang mga tungkulin niya.

You might also like