You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CEBU PROVINCE

TUNGKIL NATIONAL HIGH SCHOOL


Tungkil, Minglanilla, Cebu

Ikatlong Lagumang Pagsusulit


Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa Pananaliksik
I. Pagpipili-pili

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang bawat katanungan upang maibigay ang tamang sagot. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa papel.

1. Ang tekstong ito ay naglalayong hikayatin ang mga mambabasa na magbago ang paniniwala hinggil sa isang paksa.
a. Deskriptib b. Impormatibo c. Prodisyural d. Persweysiv
2. Ito ay tumutukoy sa saloobin ng awto sa paksang kanyang tinatalakay.
a. Damdamin b. Pananaw c. Tono d. Paksa
3. Ito ay tumutukoy sa kung ano ang nagging saloobin ng mambabasa sa binasang teksto,
a. Damdamin b. Pananaw c. Tono d. Paksa
4. Ito ay isang proseso ng pag-aayos, pagkuha at pagunawa ng animanga uri at anyo ng impormasyon o ideya na
kinakakatawan ng mga salita o simbolo na kailangnang tingnan at suriin upang maunawaan.
a. Pagsusuri b. Pagbasa c. Wika d. Pagsulat
5. Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman at mga kaalaman na nabubuo na sa kanyang isipan batay
sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Anong teorya ito ng pagbasa.
a. Teoryang Itaas-Ibaba b. Teoryang Schema c. Teoryang Ibaba-Itaas d. Teoryang Interaktibo
6. Iniintegreyt at iniuugnay ang kaalamang nakuha ng mambabasa sa kanyang dati nang kaalaman at/o karanasan sa
hakbang na ito.
a. Persepsyon b. Integrasyon c. Komprehension d. Asimilasyon
7. Pagpoproseso ito sa isipan sa mga impormasyong ipinapahayag ng simbolikong nakalimbag. Ang pag-unawa sa teksto
ay naagaganap sa hakbang na ito.
a. Persepsyon b. Integrasyon c. Komprehension d. Asimilasyon
8. Ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkakasunod-sunod ng hakbang ng malinaw na hakbang sa
pagsasakatuparan ng anumang Gawain.
a. Narativ b. Prosidyural c. Perseysiv d. Informativ
9. Ito ay hulawaran ng organisasyon na tumutukoy sa talaan o listahan ng mga ideya, katotohanan, detalye sa
pangunahing ideya.
a. Paghahambing b. Pag-iisa-isa c. Suliranin at Solusyon d. Pagbibigay kahulugan
10. Ito ay ang hangarin nan ais ihatid nang may-akda sa kanyang mga mambabasa.
a. Istilo b. Layunin c. Hulawaran d. Pangunahing ideya
11. Ito ay isang lagpas-lagpasang pagpapasidhing kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagau, pangyayari, kaisipan,
damdamin.
a. Hyperboli b. Personipikasyon c. Onamatopeya d. Simili
12. Ginagamit ito para bigyang -buhay ang mga bagay na likas na walang buhay.
a. Hyperboli b. Personipikasyon c. Onamatopeya d. Simili
13. Salitang griyego pa nauugnay sa salitang etika ngunit higit na itong angkop ngayon sa salitang “imahe”.
a. Logos b. Alpha c. Ethos d. Pathos
14. Salitang griyego na tumutukoy sa pangangatwiran.
a. Logos b. Alpha c. Ethos d. Pathos
15. Ito ay elemento ng tekstong naratibo kung saan ang pinangyarihan ng kwento.
a. Banghay b. Tagpuan c. Tauhan d. Diyalogo
16. Sila ang nagdadala at nagpapaikot ng mga pangyayari sa isang salaysay.
a. Banghay b. Tagpuan c. Tauhan d. Diyalogo
17. Isang uri ng teksto na nangangailangang pagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit
ang mga ebidensya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literature at pag-aaral.
a. Naratibo b. Argumentatiboc. Naghihikayat d. Deskriptibo
18. Ginagamit ang hulwarang ito upang maglahad ng problema at kalaunan ay maglahad ng solusyon sa suliranin.
a. Enumerasyon b. Pagbibigay kahulugan c. Suliranin at Solusyon d. Sanhi at Bunga

1
19. Ginagamit ang elemento na ito upang gawing makatotohanan ang mga pangyayari sa pamamagitan ng pag-uusap ng
mga tauhan.
a. Banghay b. Tagpuan c. Tauhan d. Diyalogo
20. Ito ay paraan ng galaw ng mata kung saan ang tao ay tinititigan upang kilalanin at intindihin ang teksto.
a. Fixation b. Interfixation c. Regression d. Intrafixation
21. Ito ay katangian ng tekstong deskriptibo kung saan direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan at di
mapasubalian.
a. Obhektibo c. Subhektibo c. Espisiko d. Impresyon
22. Ito ay paghahambing ng dalawang magkaiba na ginagamitan ng parang, wangis, animo’y, gaya ng, tila, mistula at iba pa.
a. Hyperboli b. Personipikasyon c. Onamatopeya d. Simili
23. Salitang Griyego na ibig sabihin ay emosyon.
a. Logos b. Alpha c. Ethos d. Pathos
24. Isang uri ng tayutay na gumagamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
a. Pagwawangis b. Paghihimig c. Pagmamalabis d. Pagsasatao
25. Tukuyin anong tayutay ang ginamit sa pangungusap na “Maging ang langit ay lumuha sa naganap na trahedya.”
a. Simili b. Onamatopeya c. Hyperboli d. Metapora
26. “Hindi dapat pinaniniwalaan ang sinasabi ng taong iyan dahil iba ang kaniyang relihiyon at mukha siyang terorista.” Ano
ang uri ng lihis na pangangatwiran ang inilalawaran ng pangungusap?
a. Argumentum ad Hominem c. Argumentum ad Baculum
b. Argumentum ad Numeram d. Argumentum ad Igonarantian
27-31. Basahin ng mabuti at unawain ang teksto sa ibaba.

Ang mga Coronaviruses ay isang tipo ng mga viruses nag nagdudulot ng lagnat at sa ilang kaso
nagiging sanhi ng malalang sakit sa baga og paghinga/ respiratory (SARS).
Madalas maging sintomas ng mga viral infections nag anito ang pagkakaroon ng mataas na init sa
katawan, pagkakasakit ng katawan, sore throat, malalang pagsipon at pagubo. Sa halos lahat ng kaso,
tumatagal ito ng ilang araw bago na wawala.
Hangosa moh.gov.sa

27. Anong uri ang tekstong nabasa?


a. Naratibo b. Impormatibo c. Naghihikayat d. Argumentatibo
28. Ano ang layunin ng tekstong nabasa?
a. Ang layunin ng teksto ay tungkol sa kahulugan ng Coronaviruses
b. Ang layunin ng teksto ay tungkol sa mga paraan sa pagiwas ng Coronaviruses
c. Ang layunin ng teksto ay tungkol saan nagsimula ang coronaviruses
d. Ang layunin ng teksto ay naghihikayat ng mga mambabasa na mag suot ng mask.
29. Sa nabasang teksto, ano ang hulwaran ginamit ng may akda sa pagbibigay impormasyon hinggil sa coronaviruses?
a. Pagbibigay kahulugan at paghahambing c. pagbibigay kahulugan at enumerasyon
b. Sanhi at Bunga d. Suliranin at Solusyon
30. Sa nabasang teksto, paano mo ma iiwasan ang pagkahawa ng Coronavirus.
a. Magsusuot ng mask sa labas ng tahanan.
b. Umiwas sa matataong lugar.
c. Umiwas sa mga taong may sintomas ng sakit.
d. Isumbong sa pulis ang mga taong may sintomas ng sakit.
31. Bakit kailangan ng taong bayan malaman ang kahulugan at sintomas ng Coronavirus
a. Upang matukoy sino ang mga mga sakit ng coronavirus.
b. Upang maisumbong sa mga kapulisan ang mga taong may sakit.
c. Upang marami maibahagi ng impormasyon sa ibang tao.
d. Upang makaiwas sa hawaan at malayo sa sakit.

2
32- 38. Basahin ng Mabuti at unawain ang teksto sa ibaba.

Ating Planeta Iligtas!

Ang mundo ay tanging paman ng Dakilang Lumikha sa tao. Narito ang aitng buhay at kinabukasan,
pag-asa ng susunod pang salinlahi. Subalit ano ang nangyayari sa ating kapaligiran?

Bunga ng kapabayaan, ang mga tao’s lumikha ng mga bagay na nagdudulot ng panganib sa Inang
Kalikasan. Nariyan ang walang habas na pagpuputol ng mga puno. Ang mga imbensyon tulad ng bombing
nukleyar ay sumisira sa sangkalupaan. Ang mga kemikal na ginagamit sa mga pagawaan ay nagdudulot ng
polusyon sa tubig at hanging. Ang ozone layer na nagbibigay ng proteksiyon sa daigdig laban sa matinding
sikat ng araw ay sira na rin.

Paano natin mapipigil ang lumalalang problema sa kapaligiran? Tungkulin ng bawat isa ang
pangalagaan ang ating daigdig. Magtulungan tayo. Magtanim ng mga puno. Ang bawat punong puputilin at
dapat palitaan. Iwasan ang pagtatapon ng dumi sa mga ilog. Iparating sa may kapangyarihan ang nagtatayo ng
mga pagawaaan na walang kaukulang kagamitan upang hindi tumapon ang mga kemikal sa ating bukirin at
ilog.

Ang planetang ito ay atin. Ito’y mahalagang pamana sa ating ng DIyos. Ang planeta ko ay planeta mo.
Magtulungan tayo kung nais maligtas ang ating mundo

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik,2008.Grandbooks Publishing.

32. Sa nabasang teksto, anong uri ng teksto ang “Ating Planeta Iligtas!”
a. Naratibo b. Impormatibo c. Naghihikayat d. Argumentatibo
33. Ano ang layunin ng tekstong nabasa?
a. Ang layunin ng teksto ay ang pagsasalaysay sa mga kapabayaan ng tao.
b. Ang layunin ng teksto ay bigyang halaga ang mundo
c. Ang layunin ng teksto ay naghihikayat sa mga tao na magtulungan iligtas ang mundo
d. Ang layunin ng teksto ay ilarawan ng masining ang mundo.
34. Tungkol saan ang teksto?
a. Ito ay tungkol sa unting unting pagkasira ng ating kalikasan dulot sa ating kapabayaan.
b. Ito ay tungkol sa pagligtas ng ating mundo.
c. Ito ay tungkol sa solusyon upang mapigilan ang problema sa kapaligiran
d. Ito ay tungkol sa likha na diyos.
35. Sa anong paraan inilarawan ng may akda ang mga kapabayaan ng mga tao sa likas ng yaman?
a. Obhektibong paraan b. Subhektibong paraan c. Espisiko d. Malikhain
36. Ano ang damdamin o tono na nangingibabaw sa loob ng teksto?
a. Pagkainggit b. Malungkot c. Determinasyond. Masiyahin
37. Bakit maituturing tekstong nanghihikayat ang nabasang teksto?
a. Dahil ito ay nagbibigay impormasyon sa kapabayaan ng tao
b. Dahil ito ay nagsasalaysay sa mga paraan sa pag-aalaga ng kalikasan
c. Dahil ito ay kumukuha ng simpatya na alagaan ang ating kalikasan
d. Dahil ito ay nagbibigay halimbawa sa mga sanhi sa hindi pag-aalaga ng kalikasan
38. Sa paglalarawan sa kapabayaan ng mga tao sa likas na yaman, Anong uri paglalahad ng teksto ginamit ng may-akda?
a. Pagbibigay kahulugan b. Enumerasyon c. Sanhi at Bunga d. Paghahamning
39. “Naghahabulan ang malalakas na bugso ng hangin.” Anong uri ng tayutay ang ginamit?
a. Pagwawangis b. Paghihimig c. Pagmamalabis d. Pagsasatao
40. “Dinig na dinig ko ang tik-tak ng orasan” Anong uri ng tayutay ang ginamit?
a. Simili b. Onamatopeya c. Hyperboli d. Metapora

3
ANSWER KEY
1. D
2. C
3. A
4. B
5. A
6. D
7. A
8. B
9. B
10. D
11. A
12. B
13. C
14. A
15. B
16. C
17. B
18. C
19. D
20. A
21. A
22. D
23. D
24. B
25. C
26. A
27. B
28. A
29. C
30. C
31. D
32. C
33. C
34. B
35. A
36. C
37. C
38. C
39. D
40. B

You might also like