You are on page 1of 5

MATAAS NA PAARALANG JUAN C.

LAYA
San Manuel, Pangasinan
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik (Grade 11)
S.Y. 2018 – 2019

Pangalan: ________________________________________________ Iskor: ________


Seksyon: ________________ Petsa: ___________

I. MARAMIHANG PAGPILI
PANUTO: Basahin at unawain mabuti ang mga tanong. Isulat ang letra ng wastong sagot sa
patlang.
____1. Ito ay isinasagawa upang makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng teksto.
a. Ekstensibong Pagbasa b.Intensibong Pagbasa c. Scanning d.Skimming
____2. Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano
inorganisa ang mga ideya at kung ano ang pananaw o layunin ng manunulat.
a. Ekstensibong Pagbasa b.Intensibong Pagbasa c. Scanning d.Skimming
____3. Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha
tungkol dito.
a. Primarya b. Mapagsiyasat c. Analitikal d. Sintopikal
____4. Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang
maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat.
a. Primarya b. Mapagsiyasat c. Analitikal d. Sintopikal
____5. Pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa.
a. Primarya b. Mapagsiyasat c. Analitikal d. Sintopikal
____6. Dito pinaghahalo ang mga impormasyon mula sa aklat at ang mga sariling karanasan at kaalaman
upang makabuo ng ugnayan at bagong mga pananaw o kaalaman.
a. Primarya b. Mapagsiyasat c. Analitikal d. Sintopikal
____7. Ang mga tekstong nasa ganitong estruktura ay kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba at
pagkakatulad sa pagitan ng anumang bagay, konsepto, o pangyayari.
a. Sanhi at Bunga c. Paglilista ng Klasipikasyon
b. Pagbibigay-depinisyon d. Paghahambing
____8. Ito ay estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at kung
paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga naunang pangyayari.
a. Sanhi at Bunga c. Paglilista ng Klasipikasyon
b. Pagbibigay-depinisyon d. Paghahambing
____9. Ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang salita, termino o konsepto.
a. Sanhi at bunga c. Paglilista ng Klasipikasyon
b. Pagbibigay-depinisyon d. Paghahambing
____10. Ang estrukturang ito naman ay kadalasang naghahati-hati sa isang malaking paksa o ideya sa iba’t
ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang pagtalakay.
a. Sanhi at Bunga c. Paglilista ng Klasipikasyon
b. Pagbibigay-depinisyon d. Paghahambing
____11. Ito ay ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan na pinagkakasunduan bago ilahad
ang katuwiran ng dalawang panig.
a. Opinyon b. Proposisyon c. Katotohanan d. Argumento
____12. Ito ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay impormasyon.
a. Tekstong Impormatibo c. Tekstong Naratibo
b. Tekstong Deskriptibo d. Tekstong Argumentatibo
____13. May layunin itong maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon, at iba pa.
a. Tekstong Impormatibo c. Tekstong Naratibo
b. Tekstong Deskriptibo d. Tekstong Argumentatibo
____14. Isa itong uri ng di-piksyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa
manunulat hinggil sa isang isyu.
a. Tekstong Impormatibo c. Tekstong Naratibo
b. Tekstong Persuweysib d. Tekstong Argumentatibo
____15. Ang layunin nito tekstong ito ay maagsalaysay o magkwento batay sa isang tiyak na pangyayari,
totoo man o hindi.
a. Tekstong Prosidyural c. Tekstong Naratibo
b. Tekstong Persuweysib d. Tekstong Argumentatibo
____16. Ito ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung
paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay.
a. Tekstong Prosidyural c. Tekstong Naratibo
b. Tekstong Persuweysib d. Tekstong Argumentatibo
____17. Isang teksto na nangangailangag ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o
usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literature at pag-aaral,
ebidensiyang pangkasaysayan at resulta ng empirical na pananaliksik.
a. Tekstong Prosidyural c. Tekstong Naratibo
b. Tekstong Persuweysib d. Tekstong Argumentatibo
____18. Ito ay isang detalyadong pagsusuri ng isang teksto sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay ng isang
guro kung paano ito susuriin.
a. Intensibong Pagbasa b.Ekstensibong Pagbasa c. Paraphrase d. Abstrak
____19. Ayon sa kanya “Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili o gaya ng mga
matatayog na pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay.”
a. Douglas Brown b. Gustabe Brown c. Long at Richards d. Gustave Flaubert
____20. Ito ay isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo upang
makakuha at makabuo ng kahulugan.
a. Pagsusulat b. Pagbabasa c. Pakikinig d. Pagsasalita
____21. Ito ay ang pag-aaral sa iba’t ibang makahulugang tunog na ginagamit sa pagsasalita, pagsasama ng
mga tunog o ponema.
a. Ponolohiya b. Ponemiko c. Scanning d. Skimming
____22. Ito ay ang mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong
impormasyon na itinatakda bago bumasa.
a. Ponolohiya b. Ponemiko c. Scanning d. Skimming
____23. Ito ang pinaka-esensya at kahulugan ng binasa na hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga salitang
malabo o hindi alam ang kahulugan.
a. Zoom Lens b. Gist c. Narrow Reading d. Pagbasa
____24. Ito ay pagsusuri sa kaanyuang gramatikal, panandang diskurso, at iba pang detalye sa estruktura
upang maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang akda.
a. Intensibong Pagbasa b. Ektensibong Pagbasa c. Paraphrase d. Abstrak
____25. Alin sa mga sumusunod ang mahalaga sa pagbabasa?
a. Imbak na kaalaman b. Kaalaman sa wika c. Lahat ng nabanggit d. Wala sa nabanggit
____26. Alin sa mga sumusunod ang di-piksyon?
a. Pabula b. Alamat c. Epiko d. Balita
____27. Ito ay ang malapitan at malalimang pagbasa sa isang akda.
a. Zoom Lens b. Gist c. Narrow Reading d. Pagbasa
____28. Ito ay ang pinakamaliit na yunit ng tunog na nakakabuklod ng salita /may kahulugan.
a. Ponolohiya b. Ponemiko c. Scanning d. Skimming
____29. Ito ay ang mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto.
a. Ponolohiya b. Ponemiko c. Scanning d. Skimming
____30. Alin sa mga sumusunod ang piksyon?
a. Balita b. Talambuhay c. Pabula d. Diksyonaryo

II. PAGBASA
Basahin ang mga sumusunod na seleksyon at piliin ang titik ng tamang sagot sa mga
katanungang sumusunod.

Sa mga magulang, ang edukasyon ay isang obligasyon sa mga anak bilang paghahanda sa isang
magandang buhay, lalo na sa panahong ang mga magulang ay wala na. Ang edukasyon para sa mga kabataan
ay isang karapatang dapat ipinagkakaloob ng kanilang mga magulang tungo sa isang magandang kinabukasan.
Samantala, para naman sa mga guro, ang edukasyon ay isang larangang dapat bigyan ng ibayong
pagpapahalaga at pagtingin lalo na ng pamahalaan at mga magulang sapagkat dito nakasalalay ang magandang
kinabukasan ng mga kabataan at mamamayan ng bayan.
____31. Anong uri ng pamamahayag ang ipinamalas sa seleksyon?
a. Paglalahad b. Pagsasalaysay c. Pangangatwiran d. Paglalarawan
____32. Alin sa mga sumusunod na pananaw ukol sa edukasyon ang HINDI ipinakita sa seleksyon?
a. Edukasyon bilang obligasyon c. Edukasyon bilang serbisyo sa bayan
b. Edukasyon bilang karapatan d. Edukasyon bilang isang larangan
____33. Ayon sa seleksyon, alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting
edukasyon?
a. Upang matumbasan ang halagang ginastos ng magulang pambayad ng tuition.
b. Upang makamit ang isang magandang kinabukasan.
c. Upang makabuo ng mas maraming propesyunal na mangingibang-bansa.
d. Upang mas matamo ang natatagong talento ng isang indibidwal.
____34. Paano binigyang-katuturan ng may-akda ang paksa?
a. Pagbibigay ng halimbawa c. Pagsalungat
b. Paghahambing at pagtatambis d. Pag-uulit
____35. Ayon sa seleksyon, ano ang pinakamagandang maipapamana ng isang magulang sa kanyang mga
anak?
a. Walang edukasyon c. Limang milyong peso
b. Mabuting asal d. Pagpapahalaga sa kapwa at sa bayan
Alam mo, noong nasa restaurant kami at kumakain, pinagmasdan ko siyang mabuti. Lalo siyang
gumaganda habang tinitignan. Pino ang kanyang kilos; kitang-kita ito habang siya ay kumakain. Maya-maya, may
nakita akong kakaibang kilos sa kanya. Nag-iba ang ekspresyon nang kanyang mukha. Parang nahihirapan ngunit
pilit pa rin siyang ngumingiti na parang may itinatagong kung ano at pasulyap-sulyap sa kanyang inumin.
Nahalata ko na lamang na nahihirapan siyang lumunok dahil nabulunan. Nilapitan ko siya at binatukan, sabay
abot sa softdrinks at winikaan kong, “ MAGPAKATOTOO KA, SISTER!”.
____36. Anong uri ng pamamahayag ang ipinamalas sa teksto?
a. Paglalahad b. Paglalarawan c. Pagsasalaysay d. Pangangatwiran
____37. Saan naganap ang mga pangyayari sa seleksyon?
a. Simbahan b. Opisina c. Kusina d. Restaurant
____38. Anong emosyon ng pangunahing tauhan sa pagsisimula ng seleksyon?
a. Pagkabighani b. Pag-ibig c. Pagkainis d. Pagpapakatotoo
____39. Sa pagtatapos ng seleksyon, ano ang napagtanto ng pangunahing tauhan tungkol sa babaeng kanyang
pinapanuod?
a. Totoo sa sarili ang babae. c. Maganang kumain ang babae.
b. Ubod ng hinhin ang babae. d. Mayaman ang babae.
____40. Bakit nag-iba ang ekspresyon sa mukha ng babae sa seleksyon?
a. Pangit ang lasa ng kanyang kinakain
b. Siya ay nabulunan at hindi makalunok.
c. Masakit ang kanyang tiyan.
d. Nahalata niyang pinanonood siya ng pangunahing tauhan.
Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kung hindi tunay na ligaya at kaginhawaan. Kailanpama’t sapin-sapin
ang dusang pinapasan ng bayani, at ang kanyang buhay ay nalipos ng karukhaan at lungkot, ang dahilan ay
sapagkat hindi ang tunay na pag-ibig ang naghahari kung hindi ang taksil na pita sa yama’t bulaang karangalan.
____41. Ang paghihirap ng bayan ay sanhi ng ____.
a. Pagkamakasarili b. Kahinaan ng bayani c. Kawalang bayan d. digmaan
____42. Alin ang bunga batay sa talata?
a. Hindi tunay na karangalan c. Totoong karukhaan
b. Hindi tunay na ligaya d. Totoong kalungkutan
____43. Kung gagamitin ang paghihibla sa mga konsepto sa talata, alin ang pinakagitan?
a. Pag-ibig b. Ligaya c. Kaginhawaan d. Kabayanihan
PARAAN NG PAGLULUTO
1. Pagsamahin sa kaserola ang manok, suka, isang kutsara ng bawang, laurel, toyo, asin at paminta.
2. Pakuluin, pagkatapos ay hinaan ang apoy at lutuin hanggang lumambot.
3. Kapag natuyuan ay magdagdag ng tubig.
4. Kapag malambot na ang manok ay alisin na ito sa sarsa.
5. Sa isang kawali, igisa ang natitirang bawang.
6. Idagdag ang itinabing manok at lutuin hanggang matusta.
7. Ibuhos ang sarsa o pinaglutuan ng manok. Pakuluin.
8. Maaari ring dagdagan ng ½ kutsarang asukal para bawasan ang asim ng suka.
____44. Anong uri ng pamamahayag ang ipinamalas sa seleksyon?
a. Paglalahad b.Paglalarawan c. Pagsasalaysay d.Pangangatwiran
____45. Paano binigyang-katuturan ng may-akda ang paksa sa seleksyon?
a. Paghahambing at pagtatambis c. Paghahalimbawa
b.Pagbibigay patnubay d.Pagkilala sa sanhi at bunga
____46. Bakit kailangang hinaan ang apoy pagkatapos pakuluan ang manok?
a. Upang kumapit ang lasa ng toyo. c. Upang lumambot ang manok.
b.Upang maalis ang lansa ng manok. d.Upang maging tuyo ang manok.
____47. Ano ang karagdagang pakinabang ng paglalagay ng suka sa pagkaing iniluluto?
a. Bilang pampaalat c. Upang maghiwalay ang mantika at tuyo
b.Bilang pantanggal ng lansa d.Upang hindi mapanis ang iniluluto
____48. Ano ang pagkaing iniluluto ng may-akda?
a. Adobong manok b. Kalderetang manok c. Nilagang manok d. Pocherong manok

III. PAGHAHANAY
Pagtapatin ang mga termino sa KOLUM A sa deskripsyon ng mga ito sa KOLUM B. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang.
KOLUM A KOLUM B
____49. Diyalogo a. Ipaglaban ang Katuwiran
____50. Tekstong Deskriptibo b.Nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong
____51. Deus ex machine simula
____52. Foreshadowing c. Di-makatotohanan
____53. Tekstong Argumentatibo d.Paano manghikayat
____54. Ellipsis e. Makatotohanan
____55. In media res f. Mahusay na pagkukwento
____56. Comic book death g.Makulay na paglalarawan
____57. Reverse chronology h.Mula sa dulo ang pagsasalaysay
____58. Tekstong naratibo i. Paraan ng narasyon kung saan pinapatay muna
____59. Piksyon ang pangunahing tauhan ngunit lilitaw rin sa huli
____60. Tekstong Prosidyural j. Pag-uusap ng tauhan bilang paraan ng narasyon
____61. Di-piksyon k.Alamin ang mga hakbang
____62. Tekstong Persuweysib l. God from the machine
m. Pagbibigay ng pahiwatig o hint
n.Omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kwento
o.Nagsisimula sa gitna ang narasyon

IV. Enumerasyon
a. Antas ng Pagbasa (63-66)
b. Buuin ang ilustrasyon: (67-70)
a.
Kaalamang
Ponemiko

V. Pagsulat
Bumuo ng isang maikling kwento na may 10 pangungusap gamit ang mga sumusunod na
salita. (15 pts.)
Bulletin kaarawan mag-aaral bahay
pusa paaralan malungkot Avril

Rubrik:
Linaw ng kaisipan - 5 puntos
Katuwiran - 5 puntos
Wastong pagbabaybay at pagbabantas - 5 puntos
Kabuuan: 15 puntos

Inihanda ni:

JOLY ANN L. LAVARIAS LANNY R. BERNARDO LOREMEL MAE D. TAYOAN


Teacher I Teacher I Teacher I

Iwinasto ni: Pinagtibay ni:

Billy Jane C. Reyes, Ph. D. Luisa Martin-Megote Ed. D.


SHS Focal Person Principal IV
STEM 1A – 37
STEM 1B – 38
GAS 1A – 51
GAS 1B – 51
GAS 1C – 52
GAS 1D – 50
ABM 1 – 64
TVL 1 – 66
409

You might also like