You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Cebu Province
District of San Fernando I

San Fernando National High School


South Poblacion, San Fernando, Cebu

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 11

Pangalan : ______________________________ Seksyon at Taon: ___________________ Petsa: _________________


Panuto: Suriin kung saan nabibilang at nauugnay ang mga sumusunod na pahayag.

ANTAS NG PAGBASA
A. Primarya C. Analitikal
B. Mapagsiyasat D. Sintopikal
1. Pagtukoy ng tiyak na datos at ispesipikasyon (petsa, lugar, o mga tauhan)
2. Paghahanda sa mas malaliman na pang-unawa at pananaliksik.
3. Nauunawaan ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng hinuha ditto.
4. Ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang teksto.
5. Ang pinagmulan nitong salita ay nangangahulugang “koleksyon ng mga paksa”.
6. Nauunawaan lamang ang hiwa-hiwalay na impormasyon sa literal na antas at hindi ang kabuuang
interpretasyon.
7. Paghahambing ng mga teksto at akda na kadalasang magkakaugnay.
8. Nakapagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebuy (skimming).
9. Pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan at katotohanan ng akda.
10. Hindi rin nauunawaan ang metapora, imahen at iba pang simbolismong ginamit sa akda.
KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA
A. Bago Bumasa B. Habang Nagbabasa C. Pagkatapos Bumasa
11. Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto
12. Biswalisasyon ng binabasa
13. Pagsuri ng panlabas na katangian upang masuri ang uri o genre ng teksto
14. Pagtatasa ng komprehensyon
15. Pagbubuod
16. Pagsisiyasat ng tekstong babasahin kung kailangan ito ayon sa layunin ng pagbasa
17. Pagsubaybay sa komprehensyon
18. Muling pagbasa
19. Pagbuo ng sintesis
20. Pagtantiya sa bilis ng pagbasa
PAGSUSURI NG TEKSTO
Suriin kung ang mga salitang sumusunod ay nabibilang o maiuugnay sa tekstong:
A. Impormatibo B. Deskriptibo C. Persweysib
21. Para sa iyong kaalaman
22. Ano ang nangyari?
23. Paano kita mahihikayat?
24. Masining na pahayag
25. Paano ito naganap?
26. Makulay na paglalarawan
27. Sino ang mga kasangkot?
28. Karaniwan at masinung
29. Paglalarawan ng katangiang tao, bagay, lugar at pangyayari
30. Anunsyo sa diyaryo sa pag-aaply ng trabaho
PANUTO: Basahin ang mga pahayag at piliin ang letra ng tamang sagot.
31. Uri ng teksto na kung saan hindi ito nagbibigay ng opinyong pabor o sumasalungat sa posisyon o paksang pinag-
uusapan, datapwa’t ito ay nagbibigay sa tamang impormasyon patungkol sa bagay, lugar, tao o pangyayari.
A. Tekstong Deskriptibo C. Tekstong Naratibo
B. Tekstong Persuweysib D. Tekstong Impormatibo
32. Uri ng tekstong deskriptibo na kung saan naglalayon itong maglarawan sa detalyadong pamamaraan.
A. Deskriptibong teknikal C.Deskriptibong karaniwan
B. Deskriptibong masining D. Deskriptibong impresyonistiko
33. Ito ay anyo ng tekstong deskriptibo na naglalarawan ng isang bagay na hindi sangkot ang damdamin at ito ay
naglalarawan ayon sa nakikita ng mata.
A. Deskriptibong teknikal C. Deskriptibong karaniwan
B. Deskriptibong masining D. Deskriptibong impresyonistiko
34. Mga layunin ng persuweysib, maliban sa ____________
A. Naglalayon manghikayat ng mga mambababsa o tagapakinig
B. Ito ay ginagamitan ng mga salitang nakagaganyak
C. Nararapat na maging maganda ang nilalaman ng teksto upang makuha ang interes ng mga
mambabasa
D. Layunin ng tekstong mapatunayan ang katotohanan ipinahahayag nito
35. Ito ay sakop ng tekstong naratibo kung saan nagsasalaysay ito personal na karanasan ng manunulat.
A. Tekstong naratibong piksiyon C. Tekstong naratibong malikhain
B. Tekstong naratibong di-piksiyon D. Tekstong naratibong diksyon
36. Pangkat ng tekstong prosidyural na nagpapakita ng may pagkakasunod-sunod, maliban sa ___________.
A. Sekwensyal B. Prosidyural C. Pagrebisa D. Spirekal
37. Ito ay cohesive device na ang paksa ang nauunang ginagamit o binabanggit sa pangungusap bago ang panghalip.
A. Anapora B. Buod C. Katapora D. Pasaklaw
38. Ang mga ito ay paraan ang paghihikayat ayon kay Aristotle sa tekstong persuweysib, maliban sa _________.
A. Locos B. Ethos C. Logos D. Pathos
39. Ito ay uri ng tekstong nagsasalaysay na tila nagkukuwento patungkol sa tiyak at pagkakasunodsunod ng
pangyayari.
A. Tekstong Argumentibo C. Tekstong Prosidyural
B. Tekstong Naratibo D. Tekstong Impormatibo
40. Ito ay isang uri ng tekstong naghahain ng isang proposisyon na maaaring tutulan o sang-ayunan ng manunulat o
tagapagsalita.
A. Tekstong Argumentatibo C. Tekstong Prosidyural
B. Tekstong Naratibo D. Tekstong Impormatibo
41. Ito ay mga bahagi ng tekstong argumentatibo, maliban sa _____________.
A. Buod C. Panimula
B. Konklusyon D. Katawan
42. Ito ay mga halimbawang pinapaksa sa tekstong pandaigdig, maliban sa ____________.
A. Kalagayan ng ekonomiya C. Kapayapaan
B. Kultura D. Pamilya
43. Ito ay isang paraan ng pangangatwiran sa tekstong argumentatibo na kung saan iniisa-isa ang mga bahagi ng
paksa upang ang mga ito ay masuri nang husto.
A. Pasaklaw C. Panimula
B. Pagsusuri D. Pagtukoy sa mga sanhi
44. Ito ay isang uri ng tekstong naglalahad ng paniniwala, pagkukuro o pagbibigay ng pananaw patungkol sa isang
mahalagang isyu.
A. Teksong Argumentatibo C. Tekstong Prosidyural
B. Tekstong Naratibo D. Tekstong Impormatibo
45. Ang iskemata ay isang proseso ng pagbasa na nangangahulugang ________________.
A. Sistema ng pag-iimbak ng mga katanungan ng tao
B. Sistema ng pag-iimbak ng mga impormasyon sa utak ng tao
C. Sistema ng pag-iimbak ng mga estrukture ng wika
D. Sistema ng pag-iimbak ng mga kasanayang pangtao
46. Ito ay isang uri ng sanguniang babasahin na kung saan naglalaman ito ng isang salita ng isang wika na may
kasamang kahulugan at paraan ng tamang pagbigkas.
A. Ensiklopedya C. Atlas
B. Almanac D. Diksiyonaryo
47. Uri ng sanguniang babasahin na karaniwang binubuo ng tono o volume ng mga libro hingil sa mahahalagang
impormasyon patungkol sa sari-saring paksa.
A. Ensiklopedya C. Atlas
B. Almanac D. Diksiyonaryo
48. Sino ang nagbigay ng sumusunod na pagpapakahulugan sa pagbasa: Isang proseso ng pagbuo ng kahulugan?
A. Wixson et al. C. Gustave Flaubert
B. Anderson et al. D. Matilda
49. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay ng pinakamalapit na pagpapakahulugan sa Tekstong Deskriptibo?
A. Pangatwirang hahantong sa isang lohikal na konklusyon
B. Maaaring obhetibo o subhetibo at maaari ring gamitan ng iba’t ibang tono at paraan.
C. Nagbabahagi ng kaalaman
D. Wala sa nabanggit
50. Alin sa mga sumusunod ang hindi maaaring maging uri ng tekstong impormatibo?
A. Paglalahad ng totoong pangyayari C. Paglalarawan
B. Pag-uulat D. Pagpapaliwanag

You might also like