You are on page 1of 5

Kagawaran ng Edukasyon

Schools Division Office


J JUSTICE CECILIA MUÑOZ PALMA SENIOR HIGH SCHOOL
Amlac Ville, Payatas B, Quezon City

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG TEKSTO


PAGSUSULIT SA IKATLONG KWARTER
Taong Panuruan 2019-2020

PANGKALAHATANG PANUTO:
 Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag.
 Iwasang sagutan ang talatanungan.
 Isulat ang wastong sagot sa sagutang papel.
 Anumang uri ng pagbubura ay kinukonsoderang mali.

.
1. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay ng pinakamalapit na pagpapakahulugan ng Tekstong
Deskriptibo?
A. Pangatwirang hahantong sa isang lohikal na kongklusyon.
B. Maaaring obhetibo o subhetibo at maaari ring gamitan ng iba’t-ibang tono at paraan.
C. Nagbabahagi ng kaalaman
D. Nagbibigay ng impormasyon
2. SInabi niya na ang pagbasa ay pagbibigay ng kahulugan sa teksto at hindi pagkuha ng
kagulugan mula sa teksto.
A. McCormick B. Wixcon C. Anderson d. Dechant
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi maaaring maging uri ng tekstong impormatibo?
A. Pag-uulat C. Pagpapaliwanag
B. Paglalarawan D. Paglalahad ng totoong Pangyayari
4. May isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga mambabasa. Anong teksto
ang may layuning ito?
A. Perswesyib B. Deskribtibo C. Impormatibo D. Naratibo
5. Anong teksto ang kailangang may kredibilidad upang maging kapani-paniwala sa nais
hikayatin?’
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Persweysib
6. Ito ay may layuning maglarawan sa isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa.
A. Deskriptibo B. Impormatibo C, Argyumentatibo D. Prosidyural
7. “Naramdaman ko ang halong lungkot at saya sa aking nabasa.”Ano ang sinuri ng mambabasa
sa tekstong kanyang binasa?
A. Pananaw B. Layunin C. Damdamin D. Pamaraan
8. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng Tekstong Deskriptibo?
A. Layuning magpinta ng matingkad at detalyaong imahen na nakakapukaw sa isip at
damdamin ng mambabasa.
B. ‘Layuning maglarawan ng isang bagay , tao, lugar, karanasa, sitwasyon at iba pa.
C. Nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang patikular ma
karanasan.
D. Lahat ng nabanggit
9. Ang tekstong persweysib ay pangatwirang hahantong sa
A. Mahusay na deskripsyon
B. May kredibilidad
C. Lohikal na konklusyon
D. Magandang karanasan
10. Naratibo: Mahusay na Pagkukuwento
Persweysib: ___________________
A. Para sa iyong kaalaman C. Paano kita mahihikayat
B. Ipaglaban nag katwiran D. Alamin ang hakbang
11. Paano maipamamalas ang lubusang pag-unawa sa teksto?
A. Sa pamamagitan ng pagtatala ng mahahalagang detalye mula sa teksto.
B. Sa pamamagitan ng pagbibigay-puna o reaksyon sa bawat bahagi ng teksto.
C. Sa pamamagitan ng pag-uugnay ng dating kaalaman sa mga detalye mula sa teksto.
D. Sa pamamagitan ng pagkuha ng pangunahing kaisipan at suportang detalye mula sa
teksto.
12. Upang masabi na interaktibo ang pagbasa , kinakailangan ang interaksyon sa pagitan ng
A. teksto at may-akda C. mambabasa at kapwa mambabasa
B. may-akda at mambabasa D. teksto at mambabasa
13. Bakit sinasabing ang pananaliksik ang isa sa mahahalagang bahagi ng pagsulat ng tekstong
impormatibo?
A. Upang maging malinaw at organisado ang daloy ng impormasyong isusulat.
B. Upang masigurong pawang mapagakakatiwalaan at totoong impormasyon lamang ang
isusulat.
C. Upang maging higit na kapaki-pakinabang sa mga mambabasa ang mga impormasyong
isusulat.
D. Upang magkaroon ng marami at malawak na impormasyon ang paksang tatalakayin sa
tekstong isusulat.
14. Namumutla, nangangatog ang buong katawan at nanginginig ang boses ni Pat.
Giniginaw siya at pakiramdam niya ay anumang oras maaari siyang bawian ng buhay.
- Mula sa Takipsilim sa Dyakarta ni Mochtan
Labis
A. Tekstong Prosidyural C. Tekstong Naratibo
B. Teksyong Impormatibo D. Tekstong Deskriptibo
15. Dumarating tayo sa punto na minsan ay nais nating sumuko . Nawawalan na tayo ng
pag-asa para magpatuloy sa landas na pinili nating tahakin. Ngunit minsan ay maiisip
din natin na pagsubok lamang ang lahat ng ito. Isang patunay na tayo ay buhay na
buhay at may malakas na pangangatawan para muli bumangon at lumaban sa hamon
ng buhay. Ito ay isang
A. Tekstong Deskriptibo C. Tekstong Naratibo
B. Tekstong Impormatibo D. Tekstong Prosidyural
16. Batay sa pag-aaral ng WWF-Philippines, nakararanas ang ating bansa ng mga
pangyayaring pangkalikasan bunga ng patuloy na paglala ng climate change. Isa na
nito ang paglakas ng El Nino na ating nararanasan.
A. Tekstong Argumentatibo C. Tekstong Naratibo
B. Tekstong Impormatibo D. Tekstong Prosidyural
17. Ang proseso ng pag-aayos pagkuha, at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng impormasyon o
ideya na kinakatawan ng mga salita o simbolo.
A. Pagsulat B. Pagbasa C. Pananaliksik D. Pagsasarbey
18. Proseso ng pagbabasa kung saan nagkakaroon ng transaksyon at interaksyon sa pagitan ng
teksto at mambabasa.
A. Aktibong Proseso C. Interaktibong proseso
B. Transakyunal na Proseso D. Pasibong proseso
19. Ang opinyon o lohikal na pagmamatuwid ng namanunulat o tagapagsalita.
A. Ethos B. Logos C. Pathos D. Panghibikayat
20. Ang elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o damdamin ng mambabasa o
tagapakinig.
A. Ethos B. Logos C. Pathos D. Lohika
21. Ang karakter, imahe, o reputasyon ng manunulat.
A. Ethos B. Logos C. Pathos D. Lohika
22. Lugar na pinangyarihan ng kwento at panahon kung kalian ito naganap.
A. Banghay B. Tauhan C. Tagpuan D. Suliranin
23. Teknik sa pagsasalaysay ng mga pangyayari na sinisimulan sa gitna, pabalik na simula
tungong kasalukuyan at susunod na mga pangyayari.
A. Foreshadowing B. Plot Twist C. Comic Death D. In media res
24. Isang plot device kung saan nabibigyang-resolusyon ang tunggalian sa pamamagitan ng
awtomatikong interbensyon ng isang absolutong kamay.
A. Deux ex machina B. Reverse Chronology C. Ellipsis D. Diyalogo
25. Tekstong nakatuon sa layuning manghikayat sa pamamagitan ng pangangatwiran batay sa
katotohanan o lohika.
A. Tekstong Naratibo C. Tekstong Prosidyural
B. Tekstong Argyumentatibo D. Tekstong Nanghihikayat
26. Lihis ang ganitong pangangatwiran sapagkat nawawalan ng katotohanan ang argyumento
dahil ang pinagtutuunan ay hindi ang isyu kundi ang kredibilidad ng kausap.
A. Argumentum ad Hominem C. Argumentum ad Misericordiam
B. Argumentum ad Baculum D. Argumentum ad Igorantiam
27. Ang kongklusyon ay walang lohikal na kaugnayan sa naunang pahayag.
A. Post Hoc Ergo Propter C. Argumentum ad Ignorantiam
B. Cum Hoc ergo propter hoc D. Non Sequitur
28. Ang proposisyon o pahayag ay pinaninindigan dahil hindi pa napapatunayan ang kamalian nito
at walang sapat na patunay kung mali o tama ang pahayag.
A. Argumentumad Baculum C. Argumentum ad Igonarantiam
B. Argumentum ad Misericordiam D. Padalos dalos na Paglalahat
29. Nagbibigay ng panuto o direksyon kung paano gawin ang isang bagay.
A. Tekstong Naratibo C. Tekstong Prosidyural
B. Tekstong Deskriptibo D. Tekstong Argyumentatibo
30. Teorya ng pagbasa na nagsasabing ang pag-unawa sa binasa ay nag-uumpisa sa mga
simbolo papuntang utak matapos maproseso ng mata at utak.
A. Teoryang Top-Dowan C. Teoryang Interaktibo
B. Teoryang Bottom-Up D. Teoryang Iskema
31. Ano ang paksa ng personal na sanaysay na “Langhap at Lasap ng Kabataan sa La Loma
“ni Rene O. Villanueva?
A. Amoy ng tagaktak na taba ng nalulutong litson.
B. Pinakamasayang panahon ng araw ng Piyesta.
C. Mga simpleng pagkain ang pagkain ng kabataan sa La Loma.
D. Pagiging mahalagang bahagi ng kanyang karanasan sa pagbuo ng matimyas na alaalang
panlipunan bilang bansa
32. Paano mo maiuugnay ang huling talata ng sanaysay sa teksto sa sarili, pamilya, komunidad,
bansa at daigdig?
“Inaalala ko ang mga ito, matapos mabasa ang mga alaala ng kabataan nina Doreen Fernandez,
Gilda Cordero-Fernando at iba pa. Mga memorya ng kabataan na malayo sa kinalakhan kong
pook, panahon at uring panlipunan. Isusulat ko ang mga ito kahit alam kong maaring ismiran o
pagtawanan ng babasa dahil itoý mga alaalang karaniwan, hindi sosyal, hindi kapita-pitagan.
Ngunit bahagi, at sa palagay koý mahalagang bahagi, sa pagbuo ng ating matimyas na alaalang
panlipunan.”
A. Natatakot ang may-akda dahil maaaring hindi matuwa ang mga mambabasa sa mga
isinulat niya.
B. Masaya ang maging bata.
C. May mga taong mapanghusga lalo na sa kakulangan ng iba.
D. Ang tunay na kaligayahan sa buhay ay nagmumula sa mga simpleng bagay na siyang
bubuo sa ating pagkatao
33. Ano ano ang dahilan ni Danilo Arao kung bakit niya iboboto si Teddy Casino?
i. May komprehensibong pagkakaunawa sa mg aproblemang kinakaharap ng lipunan.
ii. Aktibista, terorista at Komunista
iii. Naninindigan para sa tinagurian niyang mga karaniwang tao.
iv. aktibista lamang
A. I,II at III B. II,III, at IV C. I, III, at IV D. I, II at IV
34. Ano ang konteksto kung bakit sa tingin ng manunulat ay malaki ang hamon sa
pangangampanya ni Teddy Casino?
A. Marami sa mga taong naghihirap ay madaling napapaniwala dahil sa kanilang
kinsasadlakan.
B. May malinaw man siyang programa para sa minimithing pagbabago , ito ay hindi
katanggap-katanggap para sa mga kumokontra sa kanyang kandidatura.
C. Kapag ang karamihan ay naghihirap , mas nagiging madali ang propagandang
nagpapaangat sa mga taga-suporta at naglalaglag sa mga kumokontra.
D. Malaki nang sakit sa ulo si Casino sa kaniyang siyam na taong panunungkulan bilang
kinatawan ng Bayan Muna.
35. “ Amoy ng tumatagaktak na taba ng nalulutong litson, habang nakatuhog sa iniikot na
kawayan sa ibabaw ng mahigit isang dipang tila-humihingang nagbabagang uling.”
Anong uri ito ng Paglalarawan ?
A. Obhetibong Paglalarawan C. Denotatibong Paglalarawan
B. Subhetibong Paglalarawan D. Konotatibong Paglalarawan
36. Anong uri ng Teksto ang “To serve and to Protect “ni Eunice Ligutan?
A. Tekstong Naratibo C. Tekstong Argumentatibo
B. Tekstong Deskriptibo D. tekstong Nanghihikayat
37. Ang “ Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggol
ng Filipino sa mga Kolehiyo at unibersidad” ay Tekstong
A. Nanghihikayat B. Prosidyural C. Argumentatibo D. Naratibo
38. Ang mga manwal sa paggamit ng kasangkapan o mekanismo, resipi, gabay sa paggawa ng
mga proyekto, at mga eksperimentong siyentipiko ay halimbawa ng Tekstong
A. Argyumentatibo B. Deskriptibo C. Prosidyural D. Nanghihikayat
39. Tumutukoy ito sa pagkakaroon ng isang pokus ng buong nilalaman ng teksto.
A. Kaisahan B. Kaugnayan C. Kalinawan D.Kaayusan
40. Tumutukoy sa pagkakaugany ng lahat ng kaisipang isinasaad ng isang teksto.
A. Kaisahan B. Kaugnayan C. Kalinawan D.Kaayusan
41. Makikita ito kung naiintindihan ng mambabasa ang nais ipahayag ng manaunulat.
A. Kaisahan B. Kaugnayan C. Kalinawan D.Kaayusan
42. Ano ang paksa ng Tekstong “To Serve and Protect?
A. Tungkol sa kabayanihan ng SAF 44
B. Pagsasalaysay ng may-akda hinggil sa kabayanihan at katapangan ng kanyang pinsan at
ng buong SAF44
C. Pagbibigay pugay ng may-akda sa ipinakitang katapangan at kabayanihan ng SAF 44
D. Paghingi ng hustisya ng mga pamilyang kabilang sa Fallen 44.
43. Ano ang kaisipang nakapaloob sa tekstong “Ang Piso “ ni Bebang Siy?
A. Kahit piso ay mahalaga.
B. May mga tao talagang mandaraya.
C. Magdala ng pasensya kung magbibiyahe.
D. Magbayad ng barya para masuklian ng tama.

PARA SA BILANG 44-50, Tukuyin kung ang mga sumusunod na kasanayan ay ginagawa
bago, habang, o pagkatapos Isulat ang titik na kumakatawan sa wastong sagot.

A- Bago Magbasa C- Pagkatapos Magbasa


B- Habang Nagbabasa
44. Pagbuo ng biswal na imahen
45. Previewing ng Teksto o mabilis na pagsusuri sa genre at halaga nito sa laynin ng pagbasa.
46. Pagbuo ng organisasyon sa mga impormasyong nakuha sa teksto.
47. Muling pagbasa sa mga hindi naunawaang bahagi.
48. Pagsulat ng rebyu ng isang aklat.
49. Pagtukoy sa kahulugan ng mga salitang hindi maunawaan sa pamamgitan ng pag-uugnay-
ugany sa iba pang impor,asyong ibinibigay ng teksto.
50. Paghihinuha

Inihanda ni :
Bb. MA. MONICA S, SIAPO

PAGSUSULIT SA IKATLONG KWARTER


GRADE 11 – PAGBASA AT PASGUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
SY 2019-2020

A. SUSI NG WASTONG SAGOT

1. B 11. D 21. A 31. D 41. C


2. A 12. B 22. C 32. D 42. B
3. B 13. B 23. D 33. C 43. A
4. B 14. D 24. A 34. B 44. B
5. D 15. C 25. B 35. A 45. A
6. A 16. B 26. A 36. A 46. B
7. C 17. B 27. D 37. C 47. B
8. D 18. B 28. C 38. C 48. C
9. B 19. B 29. C 39. A 49. B
10. C 20. C 30. B 40. B 50. B

B. Talahanayan ng Ispesipikasyon

Nilalaman/Paksa Bilang ng Item


1. Pagbasa 2, 12,17,18,30,39,40, 41, 44-50
2. Mga Uri ng Teksto
a. Impormatibo 3, 13, 16
b. Deskriptibo 1, 4, 6, 8, 14, 35
c. Naratibo 15, 22-24, 36
d. Argyumentatibo 26-28, 37
e. Nanghihikayat 5, 9, 10, 19-21, 25
f. Prosidyural 29, 38
3. Pagsusuri ng Teksto 7, 11, 31-34, 42, 43

C. Mga Kasanayang Pampagkatuto

Kompetensi BIlang ng
Aytem
1. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t-ibang tekstong binasa. 14-16, 31, 32
2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit 1-13, 17-30, 35-
ng iba’t-ibang uri ng tekstong binasa. 36, 38-50,
3. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, 32
pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
4. Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa. 33, 34, 43
Kabuuan 50 Aytem

Inihanda ni:

Bb. Ma. Monica S. Siapo


Guro sa Filipino

Itinala ni :

Gng. Romelita C. Tumaneng


ATP

Inaprubahan ni:

Dr. Agapito T. Lera


Principal IV

You might also like