You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X
Division of Misamis Oriental
MISAMIS ORIENTAL GENERAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Don Apolinar Velez St., Cagayan de Oro City

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO


TUNGO SA PANANALIKSIK

DIAGNOSTIC TEST
Pangalan: _______________________________ Baitang at Pangkat:_______________ Marka: __________
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa puwang na
nakalaan.
___1. Kailan isinasagawa ang disenyong eksploratori sa isang pag-aaral?
a. pag-iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay at iba’t ibang gawi sa komunidad
b. naghahambing ng anumang konsepto, kultura, bagay, pangyayari at iba pa
c. kapag wala pang gaanong pag-aaral na naisagawa tungkol sa isang paksa o suliranin
d. naglalayon itong maglarawan ng anomang paksa
___2. Alin sa mga sumusunod na nilalaman ng isang tekstong prosedyural kung saan ay naglalaman ng mga
pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosedyur na isinagawa.
a. layunin b. kagamitan c. metodo d. ebalwasyon
___3. Isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa nilalaman, estilo,
at anyo ng pagkakasulat nito.
a. abstrak b. rebyu c. pagbubuod d. pagsusulit
___4. Ito ay ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan na pinagkasunduan bago ilahad ang
katwiran ng dalawang panig.
a. preposisyon b. preparasyon c. proposisyon d. posisyon
___5. Paano isasaayos ang talaan ng mga sangguniang ginagamit sa pananaliksik?
a. ayon sa unang sangguniang ginamit c. ayon sa ayos ng alpabeto
b. ayon sa bahagi ng pananaliksik d. ayon sa haba ng pamagat ng libro
___6. Ang nobela, maikling kwento at tula ay mga halimbawa ng anong uri ng teksto.
a. Impormatibo b. Naratibo c. Persweysib d. Argumentatibo
___7. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa kakayahan ng mga mag-aaral na bumuo at maglarawan ng
isang partikular na karanasan.
a. deskriptibo b. naratibo c. ekspositori d. argumentatibo
___8. Nagbibigay ng impormasyon at instruksiyon ang tekstong ito kung paano isagawa ang isang tiyak na
bagay.
a. argumentatibo b. persweysib c. prosedyural d. naratibo
___9. Ito ang wastong pagkakasulat ng isang sanggunian.
a. Lumbera, B. (2000). Writing the nation: Pag-akda ng bansa.
Quezon City: University of the Philippines Press
b. B. Lumbera (2000). Writing the nation: Pag-akda ng bansa.
Quezon City: University of the Philippines Press
c. Lumbera, B. Writing the nation: Pag-akda ng bansa. (2000)
Quezon City: University of the Philippines Press
d. Writing the nation: Pag-akda ng bansa. Lumbera, B. (2000).
Quezon City: University of the Philippines Press
___10. Ito ang pinakahuling bahagi ng pananaliksik kung saan inilalahad ang kabuuang kaisipan mula sa bunga
ng pag-aaral.
a. metodolohiya c. Resulta at diskusyon
b. rasyonal at kaligiran ng paksa d. Kongklusyon at rekomendasyon
___11. Matangkad at balingkinitan ang kaibigan kong si Bianca. Anong uri ng paglalarawan ang inilalahad sa
pangungusap?
a. obhetibo b. subhetibo c. pang-uri d. abstrak
___12. Bakit pangunahing Isinaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik ang pagpili ng paksang naaayon
sa interes at kapaki-pakinabang sa sambayanan?
a. Magkakaroon ng isang pananaliksik na mahusay at maayos
b. nasasagot lahat ng mga katanungan sa isang suliranin
c. magkakaroon ng isang tapat at tiyak na bunga na tutulong sa lipunan
d. upang purihin ng mga mambabasa ang ginawang pananaliksik
___13. Kailangan nito sa isang tekstong argumentatibo upang mapagtibay ang isang paksa.
a. ideya b. awtor c. ebidensya d. pahayag
___14. Ano sa sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa pagsusuri ng datos?
a. Ang mga talahanayan, graph o anomang uri ng presentasyon ng datos ang pinagmumulan ng
talakayan
b. Ang opinyon at pananaw ng mananaliksik ang pinagmumulan ng talakayan
c. Ang impormasyon galing sa ibang pag-aaral at literatura ang pinagmumulan ng talakayan
d. Ang metodolohiya ng pananaliksik ang pinagmumulan ng talakayan
___15. Ito ang tumutukoy sa muling pagpapahayag ng ideya ng may-akda sa ibang pamamaraan at pananalita
upang padaliin at palinawin ito para sa mambabasa.
a. rebyu b. paraphrase c. abstrak d. buod
___16. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangian at nilalaman ng isang mahusay na
tekstong argumentatibo.
a. Mahalaga at napapanahong paksa
b. maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto
c. magulo ang pagkakaayos ng mga talatang naglalaman ng mga ebidensya ng argumento
d. matibay na ebidensya para sa argumento
___17. Kailan isinasagawa ang pag-alis ng mga pagkakamaling gramatikal?
a. paghahanap ng suliranin c. pagbibigay ng rekomendasyon
b. pagsusuri ng mga datos d. rebisyon ng pananaliksik
___18. Nilalaman sa bahaging ito ang hakbang-hakbang na plano at proseso sa pagkuha ng datos.
a. lokal at populasyon ng pananaliksik c. paraan sa pagsusuri ng datos
b. paraan sa paglikom ng datos d. disenyo at pamamaraan ng pananaliksik
___19. Isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha
at makabuo ng kahulugan.
a. pagbigkas b. pakikinig c. pagbasa d. pagsulat
___20. Nangangailangan ng pagtatanggol ng manunulat ay posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit
ang mga ebidensya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literatura at pag-aaral,
ebidensyang kasaysayan at resulta ng empirical na pananaliksik.
a. argumentatibo b. persweysib c. naratib d. prosedyural
___21. Ito ang sistematikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan at proseso ng imbestigasyon na
ginagamit sa pangangalap ng datos sa isang pananaliksik
a. komparatibong pananaliksik c. lokal at populasyon ng pananaliksik
b. metodolohiya ng pananaliksik d. etnograpikong pananaliksik
___22. Layunin ng tekstong ito ang magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man
o hindi.
a. persweysib b. argumentatibo c. prosidyural d. naratibo
___23. Ito ang pagkakaiba ng sintopikal sa analitikal na antas ng pagbasa.
a. nagiging batayan ang mga kaalamang inilahad sa aklat
b. sinusuri ang mabuti ang mga ideyang ipinapahayag ng isang manunulat
c. pagbuo ng isang tiyak na paksa na tatalakayin
d. Nakabubuo ng sariling pananaw sa isang tiyak na larangan mula sa paghahambing ng mga akdang
inunawa
___24. Habang nagbabasa, binago-bago ng mambabasa ang bilis o bagal ng pagbasa batay sa hirap ng teksto
at personal na kakayahan sa pagbasa. Alin sa mga pamamaraan ang ginamit ng mambabasa.
a. paghinuha b. pagtantiya sa bilis ng pagbasa c. pagbuo ng koneksyon d. muling pagbasa
___25. Ang tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at/o ideya ng walang kaukulang pagbanggit o
pagkilala sa pinagmulan nito ay tinatawag na ___________.
a. pananaliksik b. plagiarismo c. paraphrase d. abstrak
___26. Ang mga tekstong nasa ganitong estruktura ang kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba at
pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay, konsepto, o pangyayari.
a. sanhi at bunga b. pagbibigay-depinisyon c. paghahambing d. paglilista ng klasipikasyon
___27. Ito ang proseso kung saan inoorganisa ang mga datos na nakalap mula sa survey o panayam sa
pamamagitan ng paglalapat nito sa mga working table.
a. paglilista b. pagsusuri c. tabulation d. tallying
___28. Si Pangulong Rodrigo Duterte ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas. Ano ang kaisipang ipinapahayag
mula sa pangungusap?
a. opinyon b. katotohanan c. tsismis d. ideya
___29. Kung ang bar graph ay mabuting gamitin kapag magpapakita ng paghahambing, ang line graph naman
ay ginagamit kung _______________.
a. maghahalintulad at mag-iiba c. magpapakita ng iba’t ibang kulay
b. magpapakita ng iba’t ibang antas sa paglipas ng panahon d. magpapakita ng iba’t ibang bilang
___30. Ito ay nasa pinakahuling bahagi ng papel-pananaliksik kung saan dito makikita ang mga impormasyon
na kailangan upang mahanap ang ginamit sa katawan ng pananaliksik.
a. paglalahad ng resulta c. lagom, kongklusyon at rekomendasyon
b. metodolohiya at pamamaraan d. talaan ng sanggunian
___31. Ang etikal na pananaliksik ay tumutukoy sa _____________.
a. pamantayan ng pagkilos at pag-uugali batay sa mga katanggap-tanggap na ideya sa kung ano ang
tama at mali
b. pamantayan ng pagsunod sa isang sistema na di lumalabag sa nakasanayang format
c. pagtataguyod ng isang makatarungang pangangalap ng mga datos
d. pagpapabuti ng pagsusulat upang mahanap ang tiyak na kasagutan sa isang suliranin
___32. Naglalayon ang pamamaraang ito na kumuha ng malalim at malawak na impormasyon mula sa isang
kalahok na may awtoridad o di kaya ay may personal na pagkakaunawa sa paksa ng pananaliksik.
a. sarbey b. pakikipanayam c. obserbasyon d. pagsusuri
___33. Ipinaliliwanag sa kabanatang ito ang disenyo at pamamaraan ng pananaliksik at ang instrumentong
ginamit sa pangangalap ng datos. Inilalarawan din dito ang populasyon at lokal ng pananaliksik.
a. Metodolohiya c. Resulta at diskusyon
b. Rasyonal at kaligiran ng paksa d. Kongklusyon at rekomendasyon
___34. Ito ay matalinong paghula ng maaaring kahulugan ng isang bahagi na hindi direkta o tahasang
ipinaliliwanag sa teksto.
a. pagbuo ng hinuha c. pagpapagana ng imbak na kaalaman
b. pagbibigay-depinisyon d. sanhi at bunga
___35. Tukuyin sa mga pangungusap ang naglalahad ng sanhi at bunga.
a. Tanging sa Mindoro matatagpuan ang Tamaraw
b. Dapat gamitin sa tamang paraan ang kaban ng bayan
c. Nagdulot ng pagkasira ng kalikasan ang di- kaaya-ayang gawain ng mga tao
d. unang ihalo sa pinakuluang sabaw ang mga pampalasa
___36. Isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan sa isang tiyak na
populasyon o sample ng pananaliksik.
a. sarbey b. pakikipanayam c. dokumentaryong pagsusuri d. pagmamasid
___37. Bago ang presentasyon ng datos, alin sa mga sumusunod ang mahalagang gawin?
a. Isulat muna ang kongklusyon at rekomendasyon mula sa nakalap na datos
b. gawin muna ang proseso ng tabulasyon o pagsasaayos ng impormasyong nakalap
c. ilahad muna ang suliranin ng pananaliksik
d. kailangang suriin ng mabuti ang mga datos ng pananaliksik
___38. Naglalaman ng mga tampok na bahagi ng presentasyon at pagsusuri ng datos.
a. metodolohiya c. Resulta at diskusyon
b. rasyonal at kaligiran ng paksa d. Kongklusyon at rekomendasyon
___39. Sa uring ito, ipinaliliwanag ng manunulat ang malinaw na relasyon sa dalawang bagay at nagbibigay ng
pokus sa kung bakit nangyari ang mga bagay at ano ang resulta nito.
a. paghahambing b. pagbuo ng hinuha c. paghahanay d. sanhi at bunga
___40. Ano ang gamit ng pie chart kapag naglalahad ng mga datos sa isang pananaliksik?
a. nagpapakita ng bahagdan o pagkakahati-hati ng bawat bahagi
b. presentasyon ng mga numero o bahagdan na maaaring magpakita ng kabuuang padron, ugnayan,
o kalakarang batay sa uri nito
c. paghahambing ng mga datos ayon sa antas nito
d. pantay-pantay na pagkakahati ng mga datos
___41. Nagsisilbing introduksiyon, nagpapakilala ng halaga ng akda batay sa konteksto o kaligiran nito, at
nagbibigay na rin ng layunin ng pananaliksik.
a. Metodolohiya c. Resulta at diskusyon
b. Rasyonal at kaligiran ng paksa d. Kongklusyon at rekomendasyon
___42. Direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanang at di mapasusubalian ang uri ng paglalarawang
ito sa isang tekstong naratibo.
a. subhetibo b. obhetibo c. imperpektibo d. metodo
___43. Tumutukoy sa sistematiko at empirical na imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenong
panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadistikal, at mga teknik na pamamaraan na gumagamit
ng kompyutasyon.
a. deskriptibo b. kwalitatibo c. kwantitatibo d. historikal
___44. Alin sa mga sumusunod ang maglalarawan sa tinatawag na “Plagiarism”?
a. pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba
b. hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag
c. pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag
d. lahat ng mga nabanggit
___45. Alin sa mga katangian ang hindi kabilang sa wikang madalas gamitin sa mga tekstong prosidyural.
a. nakasulat sa paraang argumentatibo
b. nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang
c. gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa instruksyon
d. m ahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsyon
___46. Kung iniuugnay ang pagsusuri ng isang grupo ng datos sa iba pang datos na bahagi rin ng resulta, ang
ginagawa mo ay _____________.
a. cross-referencing b. cross-sectioning c. cross-dissecting d. cross-analyzing
___47. Mahalaga rito ang husay sa pagbuo ng mga kasunod at kaugnay na tanong (follow-up question)
a. sarbey b. pakikipanayam c. obserbasyon d. dokumentaryong pagsusuri
___48. Mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang multilingual education kaysa bilingual education.
Anong uri ng teksto ang inilalarawan sa pahayag?
a. naratibo b. argumentatibo c. deskriptibo d. impormatibo
___49. Ang ______ ay disenyo na naglalayong unawain ng malaliman ang isang particular na kaso kaysa
magbigay ng pangkalahatang kongklusyon sa iba’t ibang paksa ng pag-aaral.
a. Action Research b. Quasi-experimental Research c. Comparative Research d. Case Study
___50. Ang estrukturang ito ay kadalasang naghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba’t ibang
kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang pagtatalakay.
a. sanhi at bunga b. pagbibigay-depinisyon c. paghahambing d. paglilista ng klasipikasyon

Pagpalain Ka Nawa ng Poong Maykapal!!!


Inihanda ni: G. John Rey G. Sanch
Nobyembre 12, 2017

You might also like