You are on page 1of 2

Tekstong Naratibo

1. Ano ang katangian ng isang tekstong naratibo?


A. Ito ay nagpapahiwatig ng mga kaisipan ng mambabasa o tagapakinig.
B. Ito ay nagpapahayag ng tiyak na impormasyon patungkol sa isang
pangyayari.
C. Ito ay naghahatid ng kalinawan sa bagay-bagay o pangyayari.
D. Ito ay nagsasaad ng tiyak na emosyon ng manunulat.

2. Ang tesktong naratibo ay kilala rin sa tawag na ___________ .


A. tekstong may sanhi at bunga C. tektong nagpapaliwanag
B. tekstong nagbibigay-pahiwatig D. tekstong nagsasalaysay

3. Ang tekstong naratibo ay maaaring maihanay sa piksiyon o di-piksiyon na


kuwento. Alin sa sumusunod ang hindi halimbawa ng piksiyon?
A. kuwentong bayan C. korido
B. talaarawan D. parabola

4. Alin sa sumusunod ang hindi halimbawa ng isang naratibong piksiyon?


A. Paglalayag sa Puso ng Isang Bata C. Bangkang Papel
B. Kasaysayan ng Pilipinas D. Kwento ni Mabuti

5. Alin sa sumusunod ang maaaring maihanay sa tekstong naratibo?


A. mga lathalain C. mga editoyal
B. tekstong nagsasaad ng sanhi at bunga D. mga akdang pampanitikan

Setyembre 21, 1972 nang idineklara ng dating Pangulong Ferdinand Marcos


ang Proclamation No. 1081 o mas kilala sa tawag na Batas Militar.

6. Saang elemento ng kuwento mailalapat ang pangungusap na mababasa sa


itaas?
A. tagpuan B. kasukdulan C. banghay D. tauhan

7. Anong elemento ng kuwento ang ipinakikita sa diagram sa itaas?


A. tauhan B. banghay C. tagpuan D. diksiyon

8. Naghahanda si Miguel ng isang talumpati para sa kaniyang mga kapuwa


mag-aaral na nasa ika-11 baitang para sa Buwan ng Wika.

Alin sa sumusunod na elemento sa pagbigkas ang nararapat na isaalang-


alang ni Miguel sa pagpili ng paksang kaniyang bibigkasin?
A. ekspresiyon ng mukha C. diksiyon
B. kumpas at galaw D. tinig

9. Mabilis na napukaw ni Anna ang kaniyang tagapakinig sa simula pa


lamang ng ginawa niyang pagbigkas. Angkop ang pagbibigay-diin niya sa
mahahalagang salitang nilalaman ng tekstong kaniyang binigkas.

Alin sa sumusunod na elemento ng pagbigkas ang nagamit ni Anna?

A. tinig B. kumpas C. ekspresiyon ng mukha D. diksiyon


10. Si Tommy ay naghahanda para sa isang paligsahan na kanyang sasalihan
kung saan kinakailangan niyang gumanap bilang isang tauhang
panliteratura.

Alin sa sumusunod na elemento sa pagbigkas ang kinakailangan niyang


pagtuunan ng pansin upang matagumpay niyang magampanan ang napili
niyang tauhan?
A. diksiyon B. tinig C. ekspresiyon ng mukha D. kumpas

Mga Kasagutan

1. B
2. D
3. B
4. B
5. D
6. D
7. B
8. C
9. A
10. C

You might also like