You are on page 1of 2

Pagbuo ng Subtitling sa Telebisyon at Pelikula

1. Ginagamit ang subtitle upang mabigyan ng kaukulang salin ang


mga  _______ ng mga tauhan sa pelikula o palabas sa telebisyon.
A. kilos B. diyalogo C. kasuotan D. anyo

2. Saang bahagi ng screen karaniwang inilalagay ang subtitle?


A. kanan B. kaliwa C. gitna D. ibaba

3. Hanggang ilang linya ang bumubuo sa bawat subtitle?


A. 1-2 B. 1-3 C. 3-4 D. 2-3

4. Paano nakatutulong ang subtitle sa mga manonood? Maraming kasagutan.


A. Nakikinig na lamang sa audio ng palabas at hindi na nanonood.
B. Napalilinaw ang mga usapang nasa dayuhang wika.
C. Napalilinaw nito ang mensahe o diyalogo ng mga tauhan.
D. Naiintindihan ng mga may kapansanan sa pandinig ang audio ng
palabas.

5. Bakit kailangang may limitasyon sa espasyo at oras sa pagbuo ng subtitle?


A. upang matuto sa dayuhang wika ang mga manonood
B. upang marahan itong mabasa ng mga manonood
C. upang mabasa ang kabuuang subtitle kasabay ng pagbigkas ng mga
tauhan
D. upang hind ito maging sagabal sa panonood

6. Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa karakter ng subtitle?


A. titik B. simbolo C. espasyo D. margin

7. Bakit dapat gumamit ng subtitle?


A. upang mabigyang-pansin ang mga kilos ng mga tauhan
B. upang marinig ang sinasabi ng mga tauhan
C. upang maunawaan ang mga diyalogo na nasa banyagang wika
D. upang may mabasa ang mga manonood

8. Alin sa sumusunod na pahayag ang di-wasto?


A. Apat na segundo ang karaniwang haba ng isang subtitle.
B. Ginagamit ang subtitle upang linawin ang diyalogo ng mga tauhan.
C. Ang subtitle ay para din sa mga manonood na may kapansanan sa
pandinig.
D. Walang tiyak na tuntuning sinusunod sa pagbuo ng subtitle.

9. Ipagpalagay na kailangang gumawa ng subtitle para sa pahayag sa ibaba.


Ano ang tamang salin para dito?
“Ihain na ang tinapay.”
A. Offer the bread. C. Distribute the bread now.
B. Bread is distributed. D. The bread is offered.

10. Piliin ang pahayag na makatotohanan tungkol sa subtitling.


A. Ang pagsasalin ng diyalogo ay dapat lagpas at hindi angkop sa
itinakdang bilang ng karakter sa bawat subtitle.
B. Ang subtitle ay dapat kasabay ng audio o tunog.
C. Gumagamit ng matatalinghagang salita bilang salin para sa subtitle.
D. Walang programa sa kompyuter ang magagamit sa pagbuo ng subtitle.
Mga Kasagutan
1. B
2. D
3. A
4. B, C, D
5. C
6. D
7. C
8. D
9. A
10. B

You might also like