You are on page 1of 6

COLUMBAN COLLEGE BASIC EDUCATION DEPARTMENT - MAIN

No. 1 Mt. Apo Street, New Asinan


2200 Olongapo City, Philippines
Tel. Nos. (047) 222-3329, 224-1581-82; Fax No. (047) 222-7782
E-Mail Address: columban_college_inc@yahoo.com
Website: www.columban.edu.ph
50
Markahan: Ikatlong Markhang Pagsusulit Pangalan/Lagda ng Guro: G. Mark Daniel M. Cruz
Petsa ng Pagsusulit: Pebrero 3-4, 2020 Aprubado: Gng. Elizabeth L. Hondo
Asignatura: Filipino 10

Pangalan: _______________________________________________ Baitang at Pangkat: __________

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahing mabuti ang mga katanungan sa bawat bahagi ng pagsusulit.
ITIMAN ang titik ng wastong sagot sa bawat bilang.

I. DEBATE O PAKIKIPAGTALO (4 Puntos)


A B C D 1. Ang sumusunod ay mga patakaran patungkol sa mga hurado ng isang debate MALIBAN SA
ISA:
A. Sila ay dapat magkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa paksa
B. Sila ay dapat nakaupo nang magkakalayo sa isa’t isa
C. Sila ay hindi maaaring mag-usap-usap bago magbigay ng hatol
D. Sila ay maaaring may kilingan sa pagitan ng dalawang panig
A B C D 2. Ano ang pangunahing naitutulong ng ‘pananaliksik’ sa paglahok sa isang debate?
A. upang higit na mapagtibay ang paksa
B. upang maging gabay sa argumento
C. upang maging kapani-paniwala ang pagsasalita
D. upang magkaroon ng karagdagang impormasyon
A B C D 3. Isa sa mga dapat taglayin ng isang mahusay na debater ay ang pagkakaroon ng estratehiya.
Ano ang naitutulong nito sa isang kalahok ng debate?
A. pagiging maalam sa paksa C. pagiging mahusay sa pagsalo ng argumento
B. pagiging magaling sa pagsasalita D. pagiging malikhain sa paglalahad ng patotoo
A B C D 4. Sa isang debate, ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa ng pagpapabulaan
(rebuttal) sa katunggaling panig?
A. iwasto ang kamalian ng katunggaling panig
B. punahin ang kakulangan ng katunggaling panig
C. subukin ang kaalaman ng katunggaling panig
D. tuligsain ang tindig ng katunggaling panig
II. PAGSASALING-WIKA (8 Puntos)
A B C D 5. Sa pagsasaling-wika, bakit kailangan maging wasto ang mensahe ng isinasaling pahayag?
A. upang magbigay ng dagdag na impormasyon sa mambabasa
B. upang magbigay ng kalinawan at pag-unawa sa mambabasa
C. upang magpaunawa sa kultura at gawi ng ibang lahi
D. upang magturo ng kasanayan sa pagsasaling-wika
A B C D 6. Bakit kailangang basahin nang ilang beses ang pahayag o tekstong isinasalin?
A. upang mai-paraphrase ito C. upang makuha ang mensahe nito
B. upang makakuha ng ideya rito D. upang mapuna ang mali
A B C D 7. Bakit sinasabi na ang pagsasaling-wika ay isang napakahalagang kasanayan?
A. upang hindi mahirapan ang guro na ipaunawa ito sa mag-aaral
B. upang magkaroon ng sariling bersyon sa ating wika
C. upang maibahagi at mapahalagahan ang mga akda at babasahin
D. upang maintindihan ng bawat mambabasa
A B C D 8. Sa pagsasaling-wika, saang aspekto nakatutulong ang isang native speaker o isang taong
eksperto sa wika?
A. kahusayan sa pagsasalita C. pagpapa-paraphrase
B. pagkaangkop sa konteksto D. tamang gramatika
Para sa bilang 9, suriin ang dalawang pahayag na nasa loob ng mga kahon.
“Love excuses everything believe all things, hopes all “Mapagpatawad ang pag-ibig, pinaniniwalaan ang lahat
things, endures all things.” ng bagay, puno ng pag-asa sa mga bagay, nakakaya ang
lahat ng bagay.”
A B C D 9. Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-unang pamantayan na dapat isaalang-alang
sa pagsasalin?
A. Basahin nang paulit-ulit
B. Ikumpara ang ginawang salin
C. Suriin ang bawat salita sa isinasalin
D. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot
A B C D 10. Piliin ang wasto at pinakamalapit na salin sa kasabihang “A negative mind will never give
you a positive life.”
COLUMBAN COLLEGE BASIC EDUCATION DEPARTMENT - MAIN
No. 1 Mt. Apo Street, New Asinan
2200 Olongapo City, Philippines
Tel. Nos. (047) 222-3329, 224-1581-82; Fax No. (047) 222-7782
E-Mail Address: columban_college_inc@yahoo.com
Website: www.columban.edu.ph

A. “Ang isip na negatibo ay ‘di mabibigay ng buhay na positibo.”


B. “Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.”
C. “Ang negatibong pag-iisip ay ‘di magdadala sa iyo magandang buhay.”
D. “Ang pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong buhay.”
A B C D 11. Paano ang dapat na pagsusuri sa akda bilang isang salin?
A. maayos ang pagkakasalin nito
B. malaya at madaling maunawaan
C. may bisa at kakahayan na ipahayag ang kulturang inilalarawan sa akda
D. nauunawaan ang nais ipabatid ng isinalin
A B C D 12. Sa pagsasaling-wika, ano ang pinakamahalagang hakbang na dapat isaalang-alang?
A. ihambing sa iba ang ginawang salin
B. magdagdag at magbawas ng salita
C. muling isalin ang akdang naisalin na
D. rebisahin upang maging totoo sa diwa ng orihinal
III. ANEKDOTA (10 Puntos)
A B C D 13. Ano ang pangunahing layunin ng anekdotang hango sa tunay na buhay?
A. bigyang-parangal ang taong pinatutungkulan
B. lalong makilala ang taong pinatutungkulan
C. magbigay-diin sa isang mensahe
D. maghatid ng katatawanan
A B C D 14. Bakit lubos na hinihikayat ang pagbitin ng kasukdulan (punchline) sa pagsulat ng
anekdota sa bandang simula nito?
A. magkaroon ng paunang kaalaman C. mapanatili ang interes
B. makilala ang pangunahing tauhan D. masundan ang kuwento nang maayos
A B C D 15. Paano naiiba ang anekdota sa iba pang anyo ng akdang pamapanitikan?
A. hango lamang sa sabi-sabi C. may pangyayaring makatawag-pansin
B. maraming tauhan ang kuwento D. tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay
A B C D 16. Paano nakatutulong ang mga detalye ng pangyayari sa pagsulat ng isang anekdota?
A. mabasa nang maayos ang kuwento C. makilala ang tauhan sa kuwento
B. makabuo ng ideya mula sa kuwento D. malinaw na mailarawan ang kuwento
A B C D 17. Sa pagsulat ng anekdota, bakit HINDI hinihikayat ang paggamit ng mabibigat na salita?
A. dahil ito ay dapat mabilis na maunawaan
B. dahil ito ay dapat magbigay ng bagong kaalaman
C. dahil ito ay dapat maging kawili-wili
D. dahil ito ay dapat tumalakay sa seryosong paksa
Para sa bilang 18-21, basahin ang anekdota sa ibaba at gawing gabay sa pagsagot sa mga katanungan.

ALANGANING DALAW
Minsan kadudulog pa lamang ni Lieblings, isang tanyag na musikero, sa hapag kainan nang may isang panauhing
dumating.
“Naririto si Ginoong X, na inyong kaibigan,” pagbabalita ng utusan.
Gayon na lamang ang pagkayamot ng naabalang musikero at padarag na sinabi, “Napakaalanganin naman ng oras ng
dalaw na iyan. Dalhin mo siya sa sala upang di mainip.”
Matapos ang isang masaganang hapunan, tinungo ni Lieblings ang kinaroroonan ng kaibigan.
“Naku, dinaramdam kong napaghintay kita, pero laging eksaktong alas siyete ang aming hapunan.”
“Alam ko,” ang tuyot na tugon ni Ginoong X, “katunayan, iyan ang sinabi mo sa akin nang anyayahan mo akong
maghapunan dito sa inyo ngayong gabi.”
Halaw sa Little Book of Music Anecdote ni Helen Kauffman
A B C D 18. Batay sa binasang anekdota, tama ba ang naging pasiya ng musikero na ipagpatuloy ang
kaniyang hapunan bago harapin ang panauhin?
A. Oo, sapagkat hindi siya dapat malipasan ng gutom.
B. Hindi, sapagkat hindi mainam na paghintayin ang panauhin.
C. Hindi, sapagkat baka maaaring mahalaga ang sadya ng panauhin.
D. Oo, sapagkat ang pagkain ng hapunan sa ganap na alas siyete ng gabi
A B C D 19. Anong aral ang makikita sa binasang anekdota?
A. Tanggapin nang maayos ang mga panauhin.
B. Iwasan ang pagbabalat-kayo, ito’y hindi mabuting gawa.
C. Hindi mabuting unahin ang pansariling pangangailangan.
D. Tulungan nang taos-puso ang nangangailangan.
A B C D 20. Batay sa binasang anekdota, ano ang layunin o paksa na makikita sa kuwento?
A. ‘di inaasahang paggawa ng kabutihan sa kapwa
B. maluwag na pagtanggap sa kapwa
COLUMBAN COLLEGE BASIC EDUCATION DEPARTMENT - MAIN
No. 1 Mt. Apo Street, New Asinan
2200 Olongapo City, Philippines
Tel. Nos. (047) 222-3329, 224-1581-82; Fax No. (047) 222-7782
E-Mail Address: columban_college_inc@yahoo.com
Website: www.columban.edu.ph

C. masayang pakikitungo sa kapwa


D. pagiging totoo sa sarili at sa kapwa
A B C D 21. Ang sumusunod ay mga katangian ng anekdota na naging kapansin-pansin sa binasang
akda MALIBAN SA ISA.
A. lubusang pagkilala sa tauhan C. makatawag-pansin
B. magaan ang paksa D. may twist at punchline
A B C D 22. Alin sa sumusunod ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng anekdota?
A. gumamit ng pormal na mga salita C. maaaring lagyan ng maraming tauhan
B. itala ang mga detalye ng pangyayari D. pahabain ang daloy ng kuwento
IV. 4 NA KOMPONENT/SANGKAP NG KASANAYANG KOMUNIKATIBO (6 Puntos)
A B C D 23. Anong tanong ang dapat isaalang-alang at sinasagot ng komponent na sosyo-
linnguwistik?
A. Anong salita ang angkop gamitin?
B. Anong salita ang angkop sa partikular na lugar at sitwasyon?
C. Paano ko malalaman kung hindi niya naunawaan ang gusto kong iparating?
D. Paano magagamit nang tama ang mga salita?
A B C D 24. Anong tanong ang dapat isaalang-alang at sinasagot ng komponent na gramatikal?
A. Anong salita ang angkop gamitin?
B. Paano hindi mabibigyan ng maling interpretasyon ang aking sasabihin kung hindi ko
alam ang tawag sa isang bagay?
C. Paano hindi mabibigyan ng maling interpretasyon ang paggalang o
pakikipagkaibigan?
D. Paano ko malalaman kung hindi niya naunawaan ang gusto kong iparating?
A B C D 25. Anong tanong ang dapat isaalang-alang at sinasagot ng komponent na strategic?
A. Anong salita ang angkop sa partikular na lugar at sitwasyon?
B. Paano hindi mabibigyan ng maling interpretasyon ang paggalang o
pakikipagkaibigan?
C. Paano hindi mabibigyan ng maling interpretasyon ang aking sasabihin kung hindi ko
alam ang tawag sa isang bagay?
D. Paano magagamit nang tama ang mga salita?
A B C D 26. Bukas ay naatasan kayo ng inyong guro na magtalumpati tungkol sa isang napapanahong
paksa. Anong komponent ang dapat gamitin sa gawain?
A. Diskorsal B. Gramatikal C. Sosyo-lingguwistik D. Strategic
A B C D 27. Oras na ng klase at nasa labas ka pa ng silid-aralan kasama ang iyong mga kamag-aral,
maya-maya’y malayo pa lamang ay natanaw na kayo ng inyong guro. Pagkakita sa inyo ay
agad niyang sinabi “Pssst”, sabay turo sa loob ng silid-aralan. Anong komponent ang ginamit
sa sitwasyon?
A. Diskorsal B. Gramatikal C. Sosyo-lingguwistik D. Strategic
A B C D 28. Lumaki si Jenny na nakikinig at gumagamit ng walkman. Nagtungo siya sa Maynila at
naisipang maghanap at mamili nito dahil nasira na ang kanyang unang walkman, subalit nang
tanungin niya sa mga tindera kung mayroon ba sila nito, ang sagot sa kanya ay “Ha? Anong
walkman? Wala po kami dito nun.” Anong komponent ang dapat isaalang-alang sa sitwasyon?
A. Diskorsal B. Gramatikal C. Sosyo-lingguwistik D. Strategic
V. MGA URI NG TULA (12 Puntos)
A B C D 29. Ano ang binibigyang-diin sa mga tulang patnigan?
A. damdamin ng makata C. mga tagpo o pangyayari
B. katwiran at tagisan ng talino D. pagtatanghal
A B C D 30. Ano ang itinatampok sa mga tulang liriko?
A. damdamin ng makata C. mga tagpo o pangyayari
B. katwiran at tagisan ng talino D. pagtatanghal
A B C D 31. Ano ang wastong pinagkaiba ng Balagtasan sa Batutian?
A. ang balagtasan ay ginagamitan ng mga salawikain; ang batutian ay isinasagawa sa
luksang lamayan
B. ang balagtasan ay isinasagawa sa luksang lamayan; ang batutian ay ginagamitan ng
mga salawikain
C. ang balagtasan ay kawili-wili; ang batutian ay may seryosong paksa
D. ang balagtasan ay may seryosong paksa; ang batutian ay kawili-wili
A B C D 32. Ano ang wastong pinagkaiba ng Oda sa Dalit?
A. ang oda ay pag-alala sa isang yumao; ang dalit ay pagpapahayag ng pag-ibig
B. ang oda ay pagbibigay-parangal sa isang tao; ang dalit ay pagpupuri sa Diyos
C. ang oda ay pagpapahayag ng pag-ibig; ang dalit ay pag-alala sa isang yumao
COLUMBAN COLLEGE BASIC EDUCATION DEPARTMENT - MAIN
No. 1 Mt. Apo Street, New Asinan
2200 Olongapo City, Philippines
Tel. Nos. (047) 222-3329, 224-1581-82; Fax No. (047) 222-7782
E-Mail Address: columban_college_inc@yahoo.com
Website: www.columban.edu.ph

D. ang oda ay pagpupuri sa diyos; ang dalit ay pagbibigay-parangal sa isang tao


A B C D 33. Ano ang wastong pinagkaiba ng Tulang Dulang Kalunos-lunos (Dramatic Tragedy) sa
Tulang Dulang Madamdamin (Melodrama in Poetry)?
A. ang dramatic tragedy ay tungkol sa kasawian; ang melodrama ay lubhang
madamdamin
B. ang dramatic tragedy isinasagawa sa luksang lamayan; ang melodrama pag-alala sa
isang yumao
C. ang dramatic tragedy lubhang madamdamin; ang melodrama ay tungkol sa kasawian
D. ang dramatic tragedy pag-alala sa isang yumao; ang melodrama ay isinasagawa sa
luksang lamayan
A B C D 34. Ano ang wastong pinagkaiba ng Tulang Dulang Katatawanan (Dramatic Comedy) sa
Tulang Parsa (Farce in Poetry)?
A. ang dramatic comedy ay katawa-tawa; ang parsa ay lubhang katuwa-tuwa’t walang
saysay
B. ang dramatic comedy ay katawa-tawa’t kalunos-lunos; ang parsa ay lubhang
madamdamin
C. ang dramatic comedy ay lubhang katuwa-tuwa’t walang saysay; ang parsa ay katawa-
tawa
D. ang dramatic comedy ay lubhang madamdamin; ang parsa ay katawa-tawa’t kalunos-
lunos
A B C D 35. Ano ang wastong pinagkaiba ng Tulasinta (Metrical Romance) sa Tulakanta
(Rhymed/Metrical Tale)?
A. ang tulasinta ay may payak na kuwento; ang tulakanta ay puno ng hiwaga’t
kababalaghan
B. ang tulasinta ay pagpapahayag ng pag-ibig; ang tulakanta ay pagpupuring paawit
C. ang tulasinta ay pagpupuring paawit; ang tulakanta ay pagpapahayag ng pag-ibig
D. ang tulasinta ay puno ng hiwaga’t kababalaghan; ang tulakanta ay may payak na
kuwento
Para sa bilang 36
“Ang aking Kapitan ay hindi sumasagot, ang mga labi niya’y maputla at tahimik;
Hindi na nadarama ng aking ama ang mga bisig ko, wala na siyang pulso at paggibik;
Ang barko’y payapang nakadaong, ang paglalayag tapos na’t nakaraan;
Mula sa nakatatakot na paglalakbay, ang nagwaging barko’y dala ang kayamanan;
Baybayi’y magsaya ka, tumunog ka, O kampana!
Habang ako’y nagluluksa,
Nagluluksa sa kubyerta kung saan nakahimlay si Ama,
Ngayo’y malamig na bangkay na.”
Malayang Pagsasalin mula sa
“O Captain! My Captain!” ni Walt Whitman
A B C D 36. Ang tulang ito ay isang …
A. epiko C. elehiya o dalitlumbay
B. soneto o dalitwari D. karagatan
Para sa bilang 37
Gaano kita kamahal? Hayaan mong isa-isahin ko.
Minamahal kita sa lawak, lalim, at lawig
Na kayang abutin ng aking kaluluwa, kapag ang damdami’y naglaho na
Para sa pagtatapos ng buhay at hiwang pagpapala.
Minamahal kita kapantay ng pang-araw-araw na
Pangangailangang maging tahimik, sa ilalim ng araw at lamlam ng kandila.
Minamahal kita nang malaya, tulad ng paghahangad ng tao sa kanyang karapatan;
Minamahal kita nang dalisay, tulad ng pagtalikod sa papuri at pagdakila.
Minamahal kitang taglay ang silakbong nadama
Nang malaong kapighatian, at tiwalang taglay ng kabataan.
Minamahal kita ng pagsintang maaaring mawala sa paglalaho ng aking pintakasi
Minamahal kita sa abot ng aking hininga,
Ngiti, luha, at ng aking buong buhay – at kung itutulot ng Panginoon
Higit pa kitang mamahalin sa kabilang buhay.
Malayang pagsasalin mula sa
‘How Do I Love Thee’ ni Elizabeth Barret Browning
A B C D 37. Ang tulang ito ay isang …
A. ballad o tulagunam C. elehiya o dalitlumbay
B. oda o dalitpuri D. soneto o dalitwari
Para sa bilang 38
Ofelia: Kung dumami ang makina’y mapupuno iyang hangin
COLUMBAN COLLEGE BASIC EDUCATION DEPARTMENT - MAIN
No. 1 Mt. Apo Street, New Asinan
2200 Olongapo City, Philippines
Tel. Nos. (047) 222-3329, 224-1581-82; Fax No. (047) 222-7782
E-Mail Address: columban_college_inc@yahoo.com
Website: www.columban.edu.ph

Ng usok na ibubuga na laso sa buhay natin.


Pati tubig ay maaaring madamay nang hindi pansin,
Nang dahilan sa pabrikang kailangang itayo rin.

Pablo: Kung ayaw mo ay hindi na magagawa ang pumigil,


Pagkat kahit pigilin mo ay patuloy na darating.
Ang lahat ng nakatitik, nakatakdang gaganapin,
Mangyayayari’t magaganap, kahit anon gating gawin.

Ofelia: Gawin mo ang iyong gusto na hindi mo maaangkin,


Tutol ako sa pag-unlad ng agham sa bayan natin.

Pablo: Kahit ikaw ay tumutol ay tiyakang mababaliw,


Kung hindi mo matatanggap, ang dapat na tatanggapin.
Mula sa Agham at Teknolohiya ang Tugon sa
Pag-unlad ng Bansa ni Pablo Reyna Libiran
A B C D 38. Ang tulang ito ay isang …
A. karagatan C. duplo
B. balagtasan D. batutian
Para sa bilang 39
“Karagatang ito’y oo nga’t mbabaw,
Mahirap lusungin nang hindi maalam,
Kaya kung sakaling ako’t masawi man,
Kamay mong sasagip yaong naghihintay.”
- Julian Cruz Balmaceda
A B C D 39. Ang tulang ito ay isang …
A. balagtasan C. karagatan
B. batutian D. duplo
Para sa bilang 40
“Bata pa ba ang araw? Mahaba ang malungkot na mga oras.
Ay! Wala sa akin ang pampaiksi nito. Walang paglingap ng aking minamahal
O, nag-aaway na pag-ibig! O, pag-ibig na nagagalit!
O, kahit na anong saw ala naggagaling!
Mabigat na kagaanan! Kapalaluang mahinhin!
Tabinging gusot ng ayos na parang maimpis!
Pagkaagang tingga, maningning na usok apoy na malamig!
At kalusugang may sakit! Gising na pagtulog, na hindi batid kung ano siya!
Ganito ang pag-ibig kong walang pag-ibig na nadarama.
Hay, teka, nawawala ako, wala ako rito.
Hindi ito si ROMEO, siya’y nasa ibang dako.
Napakalungkot. Ako ay nagmamahal sa isang babae.”
Mula sa Unang Yugto, Unang Eksena ng
Romeo at Julieta ni William Shakespeare,
Salin ni Gregorio C. Borlaza
A B C 40. Ang tulang ito ay isang …
D
A. Tulang Dulang Mag-isang Salaysay C. Tulang Dulang Parsa
B. Tulang Dulang Katatawanan D. Duplo
VI. PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON/DAMDAMIN (4 Puntos)
A B C D 41. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal subalit nanatili
siyang matatag at nakakapit sa Diyos. Ang mga salitang may salungguhit ay nagpapahiwatig
ng ____________.
A. paghihinuha B. paglalarawan C. pangangatuwiran D. panghihikayat
A B C D 42. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng damdaming nagbababala?
A. Tara, punta tayo roon.
B. Hindi kita iiwan, pangako iyan.
C. Huwag kang basta-basta magtiwala, ikaw rin.
D. Makabubuting ipagpaliban mo muna ang iyong pag-alis.
Para sa bilang 43-44, basahin ang pahayag sa ibaba at gawin itong gabay sa mga katanungan.

Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa kaniyang sarili. Nang mawala ang aming ama, ganoon na lamang ang
pag-aalala namin sa kaniya. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal subalit nanatili siyang
matatag at nakakapit sa Diyos.
A B C D 43. Anong damdamin ang namamayani sa nagsasalaysay sa pahayag?
A. pagkalungkot B. paghihinanakit C. pagkabalisa D. panghihinayang
A B C D 44. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na “Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami
COLUMBAN COLLEGE BASIC EDUCATION DEPARTMENT - MAIN
No. 1 Mt. Apo Street, New Asinan
2200 Olongapo City, Philippines
Tel. Nos. (047) 222-3329, 224-1581-82; Fax No. (047) 222-7782
E-Mail Address: columban_college_inc@yahoo.com
Website: www.columban.edu.ph

kaysa sa kaniyang sarili”?


A. Gagawin ng magulang ang lahat para sa mga anak.
B. Alam ng magulang kung ano ang makabubuti sa mga anak.
C. Ibinibigay ng magulang ang mga luho ng anak para sa sarili nitong kapakanan.
D. Ibibigay ng magulang ang mga pangangailangan ng mga anak
VII. SANAYSAY (4 Puntos)
A B C D 45. Ang sumusunod ay mga paksang maaaring isulat sa isang pormal na sanaysay MALIBAN
SA ISA:
A. Pabago-bagong klima C. Pagkaubos ng lahi ng isang hayop
B. Pagbabago sa kaugalian ng lipunan D. Paglalakbay sa isang bansa
A B C D 46. Kung ikaw ay naatasan na suriin ang sinulat na sanaysay ng iyong kamag-aral at napansin
mo na may mga ideya siyang isiningit dito na wala namang kaugnayan sa pangunahing paksa.
Anong katangian ng sanaysay ang dapat na isaalang-alang dito?
A. makabuluhan ang paksa C. tamang pananalita
B. may kaisahan D. makatawag-pansin ang pamamaraan
A B C D 47. Kamakailan lamang ay iniulat ng Kagawaran ng Kalusugan na kumpirmado na ang
pangalawang kaso ng novel coronavirus sa bansa. Saang bahagi ng sanaysay maaaring ipasok
ang pahayag na ito?
A. Panimula B. Katawan C. Wakas D. kahit saang bahagi
Para sa bilang 48, basahin at suriin ang mga pangungusap.

1 - Ang pangalawang kasong ito ay nakuha ng babaeng Instik na kasa-kasama ng lalaking Intsik na unang
kinumpirmang may nCov na nakatapak sa Pilipinas galing ng Wuhan, China.
2 - Gaya ng mga nagdaang krisis ng lipunan, bukod sa aksyon ng pamahalaan, may magagawa rin tayong mga
mamamayan para makatulong sa pagsugpo at pagpigil ng sakit na ito. Ipalaganap natin ang wastong kaalaman ukol dito dahil
ang unang magliligtas sa atin ay ang ating kamalayan.
3 - Kamakailan lamang ay iniulat ng Kagawaran ng Kalusugan na kumpirmado na ang pangalawang kaso ng novel
coronavirus sa bansa.
4 - Padami na nang padami ang bilang ng kaso ng Novel Coronavirus (nCov). Maraming mga bansa na ang labis na
naaapektuhan ng kasong ito.
5 - Sa ngayon ay patuloy ang aksyon na isinasagawa ng ating pamahalaan upang maiwasan na ang pagkalat pa ng sakit
na ito sa ating bansa.
A B C 48. Ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap kung susundin ang mga
D
bahagi ng isang sanaysay? Isaayos ito.
A. 4, 3, 1, 5, 2 B. 3, 2, 1, 5, 4 C. 1, 3, 5, 2, 4 D. 2, 1, 4, 3, 5
VIII. TUWIRAN AT DI-TUWIRANG PAHAYAG (2 Puntos)
A B C D 49. Paano gagawing isang ‘di-tuwirang pahayag’ ang isang tuwirang pahayag?
A. Hihimayin lamang ang mahahalagang sinabi ng nagpahayag.
B. Isasalaysay ang sinabi ng taong nagpahayag.
C. Lalagyan ng panipi ang eksaktong sinabi ng nagpahayag.
D. Magbibigay ng sariling interpretasyon sa sinabi ng nagpahayag.
A B C D 50. Alin sa sumusunod ang tamang pagkakabuo ng DI-TUWIRANG PAHAYAG mula sa
tuwirang pahayag na: “Hindi aasenso ang taong puno ng reklamo”, wika ni Mayor. ?
A. Ayon sa alkalde, aasenso ang bawat isa kung hindi magrereklamo.
B. Ayon sa alkalde, bawasan daw ang reklamo at sa halip ay ibuhos ito sa pagkilos.
C. Ayon sa alkalde, hindi aasenso ang mga taong panay ang reklamo.
D. Ayon sa alkalde, magiging maayos ang ating lungsod kung kikilos tayo.

Bonus na Tanong: (3 Puntos)

Kung ang gumagapang sa aso ay pulgas, sa damo ay ahas, at sa ulo ng tao ay kuto. Ano naman ang gumagapang sa
kabayo?
____________________

“Mauunawaan mo ang isang bagay kung uunahin mong isara ang bibig mo para
mapakinggan ang ibinubulong nito. Kaya’t…
MATUTO MUNANG MAKINIG BAGO IBUKA ANG BIBIG.”
- G. Mark Daniel M. Cruz

You might also like