You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

10 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 3:
Panitikang Pandaigdig - Tula

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Tula
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Sheryl Cuevas - Deocadez
Editor: Arnie P. Taclap
Tagasuri: Angelica Rodriguez
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:
Tagalapat: Wilvin H. Inding

Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division Superintendent


Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD
Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor- Filipino
Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

GRAMATIKA at RETORIKA: Mabisang Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal


Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita na pagsusuri sa mga isinagawang
critique tungkol sa alinmang akdang
pampanitikang Mediterranean.

Mga Nilalaman (Paksa/ Aralin)


Nasusuri ang isang tula – (TULA – Ang Aking Pag-ibig (Tula mula sa
Italy) Salin ng “How Do I Love Thee” ni Elizabeth Barrett Browning (Isinalin
sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)
Mga Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos mapag-aralan ang
modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang;

MELC (Linggo 3)

Tula:
Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula (F10PN-IIc-d-70)
Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula (F10PB-IIc-d-72)
Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit
sa tula (F10PT-IIc-d-70)
Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay
(F10PU-IIc-d-72)
Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula
(F10WG-IIc-d-65)

Modyul PANITIKAN: Ang Aking Pag-ibig


(Tula mula sa Italy)
3 Salin ng “How Do I Love Thee” ni Elizabeth Barrett Browning
(Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang kahulugan ng mitolohiya.


Sa modyul na ito ay sanayan at linangin ang iyong kakayahan sa
pagbibigay puna sa napakinggan /nabasa sa teksto ng tula na maiuugnay mo sa
kasalukuyang pangyayari sa daigdig na apektado ka bilang isang mamamayan;
matutukoy ang mga element nito, at madadagan ang bokabularyo mo sa ginamit
sa tula. Ika’y din ay gagawa ng isang tula naginagamitan ng matatalinghagang
pananalita.

1
Tinitiyak sa aralin na ito na mapapahalagahan mo ang kagandahan ng
isang tula .

Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang kahulugan ng mitolohiya.


Sa modyul na ito ay sanayan at linangin ang iyong kakayahan sa
pagbibigay puna sa napakinggan /nabasa sa teksto ng tula na maiuugnay mo sa
kasalukuyang pangyayari sa daigdig na apektado ka bilang isang mamamayan;
matutukoy ang mga element nito, at madadagan ang bokabularyo mo sa ginamit
sa tula. Ika’y din ay gagawa ng isang tula naginagamitan ng matatalinghagang
pananalita.
Tinitiyak sa aralin na ito na mapapahalagahan mo ang kagandahan ng
isang tula .

Balikan

Bago mo pag-aralan ang aralin sa modyul na ito, balikan mo muna


ang iyong kakayahan sa pag-alala sa nauna nitong paksa na Mitolohiya.
Ano-ano ang mga elemento ng mitolohiya? Bakit mahalaga ang
mitolohiya?

Tuklasin
Sa sumusunod na gawain ay tutuklasin mo kung ano ang pagkakaiba
ng isang awitin na may liriko at sa ibang uri ng tula.
Babasahin mo ang liriko ng isang awitin at matapos mong Mabasa
gawin ang Gawain 1.

Salamat
ni :Yeng Constantino
Kung ito man ang huling awiting aawitin
Nais kong malaman mong ika'y bahagi na ng buhay ko
At kung may huling sasabihin
Nais kong sambitin, nilagyan mo ng kulay ang mundo
Kasama kitang lumuha
Dahil sa'yo ako'y may pag-asa
Ang awiting ito'y para sa'yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko

2
Salamat, salamat
Haaaa. yeah yeaah
Sana'y iyong marinig, tibok ng damdamin
Ikaw ay mahalaga sa akin, ang awitin ko'y iyong dinggin
At kung marinig ang panalangin
Lagi kang naroroon, humihiling ng pagkakataon
Masabi ko sa'yo ng harapan
Kung gaano kita kailangan
Ang awiting ito'y para sa'yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi…
(https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different-times-)
Gawain 1.1 Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. Ilahad ang damdaming
nangingibabaw sa awit.

DAMDAMIN
Gawain 2.1 Gabay na mga tanong.
1. Tungko saan ang awit? Bakit?
2. Ano ang damdaming nangingibabaw sa awit? Bakit?
3. Makatotohanan ba o hindi makatotohanan ang nilalaman ng awit?
4. Anong kongklusyon ang nabuo sa iyong imahinasyon matapos mong
5. mapakinggan ang nasabing awit?

GAWAIN 2: Tula-Awit… Ano ang Pinagkaiba?


Makinig sa isahang pagbigkas ng tula. Suriin kung paano binigkas ang tula. Pagkatapos,
ihambing mo ito sa awit na iyong pinakinggan (Awit Kay Inay). Gayahin mo ang kasunod
na pormat sa sagutang papel.

PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD

Tulang binigkas

Awit na pinakinggan

Suriin
Sa bahagi ng modyul, na ito ay iyong sanayin ang mga
kaisipan/kaalamang tutulong sa iyo upang maintindihan ang paksang-
aralin. Marami kang babasahing teksto ng tula na naglalaman ng iba’t
ibang mensahe. MAtutunan din dito kung ano tula, mga element nito at
matatalinghagang pananlita.. Handa ka na ba? Tara na basahin mo
na ang mga teksto na may pag-unawa at galak.

3
Tunghayan ang sumusunod na tulang liriko ng tanyag na manunulat
na si Elizabeth Barrett Browning ng Inglatera (hango sa Sonnet 43) at
isagawa ang hinihingi ng kasunod na mga Gawain

ANG AKING PAG-IBIG

(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning


Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.
Iniibig kita nang buong taimtim,

Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,


Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay


Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.

www.panitikangpandaigdigfilipino10

Dapat mong malaman

ang tula ay isang anyo ng panitikan na may matalinghagang pagpapahayag ng


isipan at damdamin? Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang naglalarawan ng
kagandahan, kariktan, at kadakilaan.
Maitutulad sa isang awit ang tula. Nagsisilbi rin itong pagpapagunita sa dapat na
kaasalan ng mga bata at kabataan, at naglalayong maipahayag ang karanasan,

4
damdamin, pananaw, kabayanihan at ang maigting na pagmamahal sa sariling bansa.
Hanggang sa kasalukuyan, ang pagsulat at pagbigkas ng tula ay nananatiling tulay ng
kaalaman mula sa kasaysayan ng kahapon patungo sa kasalukuyan.
Isa sa elemento ng tula ay ang kariktan. Ang kariktan ang tumutukoy sa paggamit
ng matatalinghagang salita, mga salitang may malalalim na ibig ipakahulugan at mga
tayutay tulad ng pagwawangis, pagtutulad, at iba pa.
May apat na pangkalahatang uri ang tula: tulang pandamdamin o tulang liriko, tulang
pasalaysay, tulang padula at tulang patnigan.

Ang binasa mong tula ay isang soneto na nasa anyo ng tulang pandamdamin o
tulang liriko. Ang soneto ay isang uri ng tula na nagmula sa Italya na may labing apat na
taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod. May tiyak na sukat at tugma na
kinakailangang isaalang-alang ng mga manunulat. Malalim na pag-iisip at mayamang
karanasan ang nakakaapekto sa isang manunulat upang makabuo ng isang mahusay na
likhang sining. Kung kaya’t ang mga soneto ay kinapapalooban ng damdamin ng isang
manunulat. Ang bawat taludtod nito sa karaniwang damdamin
www.panitikangpandaigdigfilipino10

Mga Elemento ng Tula


Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula (F10PB-IIc-d-72)

 Sukat
 tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang
saknong,
 Pantig – ang paraan ng pagbasa
 Halimbawa:
 isda = is da = dalawang pantig
 Ako ay isang tao = A ko ay i sang ta o = pitong pantig
 May apat na uri ng sukat ito:
 Wawaluhin – walong pantig
 Lalabindalawahin – sandosenang pantig
 Lalabing-animin – labing-anim na pantig
 Lalabing-waluhin – labing-walong pantis
 Saknong
 tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o
maraming taludtod
 2 na taludtod – couplet
 3 na taludtod – tercet
 4 na taludtod – quatrain
 5 na taludtod – quintet
 6 na taludtod – sestet
 7 na taludtod – septet
 8 na taludtod – octave
 Tugma
 isang katangian na hindi angkin ng mga sumusulat ng prosa. Ang tugma
ay tumutukoy sa magkakasintunog ng huling pantig ng huling salita ng
bawat linya.
 May dalawang uri ito:
 Tugmang ganap (Patinig)
 Tugmang di-ganap (Katinig)
 Halimbawa:
 Mahirap sumaya
 Ang taong may sala

5
 Kariktan
 Ito ay mga maririkit na salita para mapasaya ang mambabasa at mapukaw
ang damdamin at kawilihan
 Halimbawa
 Maganda – marikit
 Talinhaga
 Ito naman ay tumutukoy sa mga di-tiyak na pagtukoy ng mga bagay na
binabanggit.

https://philnews.ph/2019/09/06/elemento-ng-tula-ano-ang-limang-mga-elemento-
nito/

Gawain 3.1 Paglinang ng Talasalitaan

A. Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula. Isulat sa


kasunod na tsart ang sagot. Gayahin sa sagutang papel ang tsart.

1. Lipad ng kaluluwang ibig na marating


Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
2. Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.
3. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.

www.panitikangpandaigdigfilipino10

Gawain 3.2 Punan ng angkop na letra ang kahon upang mabuo ang kahulugan ng
pahayag.
1. Iniibig kita nang buong taimtim

T N A
2. Maging sa liwanag, maging sa karimlan

M B U I

M A A M
3. Kasingwagas ito ng mga bayanin
P R

4. musmos pa sa turing
W L P A A M

5. Malibing ma’y lalong iibigin kita


M M T M

GAWAIN 4: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa

6
Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula (F10PN-IIc-d-70)

Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Suriin ang binasang tula batay sa elemento nito. Gawin sa sagutang papel.
Elemento ng Tula
Sukat-
Tugma-
Talinghaga-
Kariktan-
2. Ano ang pag-ibig na tinutukoy ng makata sa tula?
3. Tukuyin ang magiging bunga ng pagkakaroon ng tunay na pag-ibig.
4. Paano ipinamalas ng may-akda ang masidhing pagmamahal sa kaniyang
tula?
5. Ayon sa tula, paano ipinamalas ng makata ang masidhing pagmamahal?
6. Sa iyong palagay, aling bahagi ng tula ang nagpalutang sa ganda at
kariktan nito? Patunayan ang sagot.
7. Paano nakatulong ang paggamit ng mga matalinghagang salita upang
maihatid ng may- akda sa mga mambabasa ang mensahe?
8. Sa iyong palagay, ano ang epekto ng karanasan sa paglikha ng tula ng
makata? Ipaliwanag ang sagot.
9. Ipaliwanag ang kaugnayan ng pahayag sa akda. “Ang pag-ibig ay buhay,
ang buhay ay pag-ibig. Nabubuhay ang tao upang umibig at
magmahal sapagkat sapol pa sa pagkasilang, kakambal na ng
tao ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.”

Pagyamanin

Suriin at Ihambing
Bigkasing mabuti at unawain ang isa pang halimbawang tula. Suriin ang
pagkakabuo nito at ihambing sa iba pang uri ng tulang pandamdamin.

Ang Buhay ng Tao


Tula ni
Jose Corazon de Jesus

Inakay na munting naligaw sa gubat,


ang hinahanap ko’y ang sariling pugad;
ang dating pugad ko noong mapagmalas
nang uupan ko na ang laman ay ahas.
Oh! ganito pala itong Daigdigan,
marami ang sama kaysa kabutihan;
kung hahanapin mo ang iyong kaaway,
huwag kang lalayo’t katabi mo lamang.

7
Ako’y parang bato na ibinalibag,
ang buong akala’y sa langit aakyat;
nang sa himpapawid ako’y mapataas,
ay bigat ko na rin ang siyang naglagpak.
Mahirap nga pala ang gawang mabuhay,
sarili mong bigat ay paninimbangan,
kung ikaw’y mabuti’y kinaiinggitan,
kung ikaw’y masama’y kinapopootan.

At gaya ng isdang malaya sa turing


ang langit at lupa’y nainggit sa akin;
subalit sa isang mumo lang ng kanin,
ako’y nabingwit na’t yaon pala’y pain.
At sa pagkabigo’y nag-aral na akong
mangilag sa mga patibong sa mundo;
kahit sa pagtulog, huwag pasiguro’t
bangungot mo’y siyang papatay sa iyo.

Ang buhay ng tao ay parang kandila


habang umiikli’y nanatak ang luha;
buhat sa pagsilang hanggang sa pagtanda,
ang luksang libinga’y laging nakahanda.
Ang palad ay parang turumpong mabilog,
lupa’y hinuhukay
sa ininug-inog;
subalit kung di ka babago ng kilos,
sa hinukayan mo’y doon mahuhulog.

https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different-times-by-various-
authors-ang-buhay-ng-tao-tula-ni-jose-corazon-de-jesus_1075.html

Gawain 5.1 Gabay na mga Tanong:


1. Saan tungkol ang tula?
2. Ilang saknong mayroon ang ang tula?
3. Sa bawat saknong , isulat ang mga salitang magkakatugma.
4. Anu-ano ang mga isinasaad ng may-akda tungkol sa buhay ng tao?
May katotohanan ba ang kanyang mga binanggit? Patunayan.

Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit


sa tula (F10PT-IIc-d-70)
5. Ipaliwanag at bigyan ng kahulugan ang mga matatalinghagang
pananalita sa bawat saknong.
a. Nang uupan ko na ang laman ay ahas.
b. Ako’y parang bato na ibinalibag,
ang buong akala’y sa langit aakyat.
c. At gaya ng isdang malaya sa turing
ang langit at lupa’y nainggit sa akin.
d. Ang buhay ng tao ay parang kandila.
e. Ang palad ay parang turumpong mabilog.

8
Gawain 5.2 Paghahambing
Paghambingin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang tula na
Ang Aking Pag-ibig at Ang Buhay ng Tao.

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika


Suriin ang halaw na bahagi sa tulang “Ang Aking Pag-ibig” at “Ang Buhay ng Tao.”

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

-Ang Aking Pag-ibig

Ang buhay ng tao ay parang kandila


Habang umiikli’y namamatak ang luha,
Buhat sa pagsilang hanggang sa pagtanda,
Ang luksang libinga’y laging nakahanda

- Ang Buhay ng Tao

Alam mo ba na...

ang tula ay gumagamit ng matatalinghagang pahayag o pananalitang


hindi tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan nito? Karaniwan itong
ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng
mga mambabasa. Ang talinghaga ang nag-uugnay sa mga karanasan, pangyayari
at bagay-bagay na alam ng taumbayan. Ito ay mismong larawan ng kamalayan ng
manunulat. Ginagamit sa patalinghaga ay ang mga tayutay.
Ano ba ang tayutay?
Ang tayutay ay sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita,
kung kaya’t magiging malalim at piling-pili ang mga salita rito. Tinatawag ding
palamuti ng tula ang tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa isang tula.

Mga Uri ng Tayutay:


1. Pagtutulad o simile – isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa
pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian. Ito’y
ginagamitan ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis
ng, anaki’y, animo, at iba pa.
2. Pagwawangis o metapora – naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran
ang ginagawang paghahambing
3. Pagmamalabis o hyperbole – pagpapalabis sa normal upang bigyan ng
kaigtingan ang nais ipahayag
4. Pagtatao o personipikasyon – paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga
walang buhay.

(Mula sa Panitikang Pandaigdig Filipino 10)

9
Ano ba ang napapansin mo sa dalawang saknong sa mga tulang tinalakay?
Di ba gumagamit ng matatalinghagang pananalita. Sa unang saknong ay may
Kasinlaya ito ng mga lalaking ..at sa ikalawang saknong ay Ang buhay ng tao ay
parang kandila.

Kung naunawaan mo ang tungkol sa matatalinghagang pananalita lalo na


ang tayutay, ay bibigyan kita ng Gawain upang masubok mo ang iyong sariling
pag-unawa.

Gawain 6. Basahin ang mga pahayag na may matatalinghagang pananalita.


Piliin kung ito ba ay pagtutulad, pagwawangis, pagtatao o pagmamalabis.

____________1. Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa itaas minsan nasa ibaba.
____________2. Ngumingiti ang mga bulaklak sa akin tuwing umaga.
____________3. Hindi ako makaalis dahil gabundok pa ang aking labahin.
____________4. Ikaw ang anghel na ipinadala mula sa langit.
____________5. Kasimputi ang kanyang balat sa isang singkamas.
____________6. Animo’y isang nakadipang krus.
____________7. Venus siya ng kagandahan.
____________8. Sumabay sa indak ang mga punungkahoy nang sumipol ang
hangin.
____________9. Pasan ko ang mundo ng aming mag-anak.
____________10. Ang kanilang bahay ay katulad sa The Mansion ng Baguio.

Mga iilang Matatalinghagang Pananalita at Kahulugan nito.

1. Kambal tuko – di makapaghiwalay


2. Krus sa balikat – pabigat o pasanin sa buhay
3. Balat sa pwet – may dalang malas sa buhay
4. Haba ng buhok – pakiramdam ay maganda
5. Kautotang dila – Kakwentuhan
6. Sanggang dikit – matalik na magkaibigan
7. Matapobre – mapanglait
8. May nunal sa dila – madaldal
9. Itim na tupa – suwail na anak o kapatid
10. Balat sa tinalupan – paglalarawan sa damdamin ng isang taong galit

Kahalagahan ng mga Matalinhagang Salita:

 Nahuhubog ang ating intelektuwal na kaisipan.


 Nagkakaroon tayo ng mas malalalim na pang-unawa at pag-aaral sa mga salita na
ang akala natin ay simple lamang.
 Nahihimok tayo na pagyabungin at mas palaganapin ang wikang sariling atin.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa matalinghagang salita magpunta


lamang sa link na ito: brainly.ph/question/106783

10
Isaisip
Ano ang iyong natutunan sa
aralin natin ngayon?

Natutunan ko po na ang tula ay ginagamitan


po ng mga matatalinghagang pananalita
kagaya ng tayutay.
Ang mga bahagi ng tayutay ay pagtutulad,
pagwawangis,pagtatao at pagmamalabis.
Ang tula ay may mga elemento na binubuo
ng sukat,tugma, talinghaga st kariktan.
Naunawaan ko rin po ang mga nais
ipagpapakahulugan ng mga tulang aking
binasa.

https://www.shutterstock.com/image-vector/discussion-between-teacher-his-student-talking-1236527734

Pagtataya:

Panuto : Basahin ang tula na pinamagatang MAYNILA. PAgkatapos sagutin ang


mga nakasaad na tanong. Isulat sa sagutang papel ang titik ng iyong sagot.

MAYNILA
Bienvenido A. Ramos

Sa pagkakaluhod, ang iyong bangketa


ay nanakluhod sa iyong eskolta;
kayrikit ng ilaw
sa iyong libingan
ng mga bulaklak na nangakatawa
habang nilalagas ng hayok na pita!

Ang nagmamadaling sala mong maharot


ay dumadapurak sa banal na loob;
sa iyong simbahan
buwitreng naglisaw
ang abalang nasang kahit nakaluhod
ay nangagpipiging sa bangkay ng diyos!

Nagpapaubaya ang kandungang-lagim


sa kawalang-muwang na nangaglalasing;
ang iyong pagtawa
isang libo’t isang hiwaga sa dilim
ang isinisilang at inililibing!

11
Nag-aanyaya kang bagong paraiso,
may ngiting salubong sa singki at dayo;
kung mayakap ka na
saka mapupuna
na ang kariktan mong akala’y kung sino
may ikinukubling maruming estero.

https://www.tagaloglang.com/tula-maynila/

1. Ilang saknong mayroon ang tulang Maynila?


a. 5 b. 4 c.3 d. 2
2. Ilan ang sukat ng tula sa ikalawang saknong?
a. 11 b. 14 c. 13 d. 12
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi magkakatugma?
a. bangketa-eskolta c. Paraiso-dayo
b. simbahan-naglisaw d. sino-estero

1 Sa pagkakaluhod, ang iyong bangketa


2 ay nanakluhod sa iyong eskolta;
3 kayrikit ng ilaw
4 sa iyong libingan
5 ng mga bulaklak na nangakatawa
6 habang nilalagas ng hayok na pita!

4. Alin sa pinagpipilian sa itaas ang hindi tayutay na pagtatao?


a. 1 b. 3 c. 4 d. 5
5. Anong katangiang pantao ang inilarawan sa mga bulaklak?
a. Nakaluhod b. Marikit c. Nangakatawa
d.Namatay
6. Ano ang ibig sabihin ng kayrikit ng ilaw?
a. Makulimlim b. Makulay c. Marami d. Marumi
7. Ang lalaki ay mayroong pita sa mga babaeng na nagtatrabaho sa bahay
aliwan. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
a. Matinding galit c. Matinding saya
b. Matinding pagnanasa d. Matinding takot
8. Ang kanilang bahay ay nasa gilid ng estero kaya medyo mabaho ang amoy.
a. kanal b. sapa c. dagat d. ilog
9. Maraming buwitreng naglisaw sa loob ng simbahan kaya dapat kang mag-
ingat. Ano ang ibig sabihin ng buwitreng naglisaw?
a. mababait at matulungin c. masasama na nag-aalisan
b. estranghero d. mambubugbog
10. Ano ang inilalarawan sa tula ng Maynila?
a. Maganda at kaakit akit sa mga dayo.
b. Nakatatakot na lugar kaya mag-ingat.
c. May nakakubling kasamaan sa likod ng inaakalang magandang
lugar.
d. Mainit klima ng Maynila

12
Ang hindi magmahal sa kanyang salitâ
Mahigit sa hayop at malansáng isdâ,
Kayâ ang marapat pagyamaning kusà
Na tulad sa ináng tunay na nagpalà.
- Sa Aking Kabata

11. Ano ang ibig ipahiwatig ng Makata sa saknong na ito?


a. Mahalin ang sariling wika at pagyamanin ito. Huwag iwaksi ito
dahil mas masahol pa sa hayop kung hindi mo mamahalin .
b. Maaaring kupkupin natin ang ibang salita.
c. Ang tao ay hindi niya mahal ang kanyang sariling wika kaya para
siyang mabahong isda.
d. Masakit isipin na wala ng nagmamahal sa wikang sarili.

1. Kung tatanawin mo sa malayong pook,


2. ako’y tila isang nakadipang kurus,
3. sa napakatagal na pagkakaluhod,
4. parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

-Isang Punongkahoy

12. Ano ang ibig ipahiwatig ng Makata sa saknong na ito?


a. Isang bagay makikita mo na malalabong ang dahon at sa tagal ng
panahon ito ay Malaki na.
b. Isang krus na iyong makikita sa malayo
c. Bagay na kinatatakutan ng lahat
d. Isang labanan na maaninag mo sa malayong pook
13. Anong uri ng tayutay ang nasa ikalawang linya?
a. Pagtutulad c. Pagwawangis
b. Pagmamalabis d. Pagtatao
14. Anong uri ng tayutay ang nasa ikaapat na linya?
c. Pagtutulad c. Pagwawangis
d. Pagmamalabis d. Pagtatao
15. Ano ang ipinahiwatig ng hinahagkan ang paa ng Diyos?
a. Nagbibiro sa Diyos
b. Nagsusumamo sa Diyos
c. Napapaalam sa Diyos
d. Nagkukunwari sa harap ng Diyos.

Karagdagang Gawain
Panuto : Sumulat ng isang tula tungkol sa pag-ibig. Ang isusulat mong tula
ay binubuo ng anim (6) na saknong. Sa bawat saknong ay may apat (4) na linya na
may sukat at tugma sa bawat dulo. Tiyakin na sa bawat saknong ay may dalawang
matatalinghagang pananalita. Pagkatapos ay salungguhitan ang mga
matatalinghagang pananalita. Isulat mo ito sa isang mahabang bondpaper.
Tingnan ang Rubrik sa pagmamarka ng iyong gawain.

13
RUBRIK sa Pamantayan ng Pagmamarka:
Hindi masyadong
Naisagawa nang May kulang ang
nakasunod sa
Kriterya Maayos ang ginawang Tula
ipinagawa sa Tula
Tula (50pts) (30pts)
(15pts)
Nilalaman
Teknikal
(may sukat may
tugma,may
talinghaga)
Pagkakabuo
KABUUAN =

Susi sa Pagwawasto
Pagtataya
1. B 11. A
2. D 12. A
3. B 13. A
4. C 14. A
5. C 15. B
6. B
7. B
8. A
9. C
10. C

Sanggunian
www.panitikangpandaigdigfilipino10
https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different-times-
by-various-authors-ang-buhay-ng-tao-tula-ni-jose-corazon-de-
jesus_1075.html

brainly.ph/question/106783

https://www.shutterstock.com/image-vector/discussion-between-teacher-
his-student-talking-1236527734
https://www.tagaloglang.com/tula-maynila/

14

You might also like