You are on page 1of 7

COLUMBAN COLLEGE BASIC EDUCATION DEPARTMENT-ASINAN

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO AT CHRISTIAN LIVING EDUCATION


GRADE 5
MODYUL 2
MAPANURING PAG-IISIP (Critical Thinking)

I. Panimula at Paglalahat

"Ang papel ng edukasyon ay turuan ang tao na mag-isip nang masinsinan


at mag-isip nang kritikal. Ang katalinuhan kasama ng karakter - iyon ang layunin
ng totoong edukasyon. " - Martin Luther King Jr.

Ano-ano ang mga basehan o pamantayan natin sa pagkilatis ng mga


bagay, tao, at sitwasyon? Sa buhay ng isang mag-aaral kailangan malinang ang
kakayahan sa pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip upang matiyak ang mabuti
at di-mabuting maidudulot ng mga impormasyon. Sa araling ito, tatalakayin
naman natin ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip. Hindi lahat ng
nababasa, naririnig, o napapanood ay tama at angkop para sa ating edad at
pangangailangan. Kailangan muna ang masusing pagsusuri at pagkilatis sa mga
ganitong bagay bago gumawa ng isang mahalagang desisyon.

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na malinang ang mga


sumusunod na Pamantayang Pagkatuto:
o Nakasusuri ng mabuti at di mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng
pamilya ang anumang babasahin, napapakinggan at napapanood sa
▪ Dyaryo
▪ Magasin
▪ Radyo
▪ Telebisyon
▪ Pelikula
▪ Internet

Upang mas maging makabuluhan ang pag-aaral natin, narito ang mga
inaasahang gampanin o gawain na inaasahang makamit mo habang ating
tinatalakay ang aralin.

Ikaw bilang mag-aaral ay inaasahan Ang iyong mga magulang/tagapag-


na… alaga ay hinihikayat na…
• Basahing mabuti ang mga • Gabayan at tulungan ang kanilang
katanungan at sagutin ng buong mga anak sa pagkilatis ng mga
galak ang bawat gawain sa tao, bagay at sitwasyon
modyul • Makapagbigay ng mungkahi na
• Matapos basahin ang modyul na makatutulong sa pagkatuto ng
ito ang mga bata ay matutunang kanilang mga anak
suriin ang mga impormasyon na
kanilang makikita, mababasa,
mapapakinggan at
mapapanood.

II. PAGTALAKAY SA ARALIN

A.PANIMULANG AT PAGGANYAK

Tayo na at simulan ang ating aralin sa pamamagitan ng isang gawain. Isulat sa


mga kahon ang mga balitang iyong napakinggan sa radyo, nabasa sa
pahayagan o internet. Ikategorya ito sa magandang balita o mapaghamong
balita.

Magandang Balita Mapaghamong Balita


Halimbawa:
*Radyo

Bumaba na ang mga kaso ng Covid- May mga kabataan na ring naitatala na
19 sa bansa. positibo at binawian ng buhay dahil sa
Covid-19 virus.
1. Telebisyon :

2. Pahayagan:

3. Internet

MGA GABAY NA KATANUNGAN:

1. Ano-ano ang mga balitang tumatak sa iyong isipan noong nagdaang araw na
masasabi mong magandang balita o mapaghamong balita?
Magandang
Balita:______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
Mapaghamong Balita:_____________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
2. Paano mo nasabing ang mga ito ay magandang balita?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

3. Paano mo naman nasabi na ito ay mapaghamong balita?


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

4. Ano ang iyong dapat gawin kung ito man ay maganda o mapaghamong balita?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

B. PAGTALAKAY
2 Timoteo 2:7
Ang taong may mapanuring pag-iisip ay masusing
pinag-iisipan ang mga impormasyon na kanyang Isipin ang sinasabi
natatanggap. Halimbawa, may mga balita at anunsyo sa ko sapagkat
dyaryo at magasin na lubhang makulay at kaakit-akit. May bibigyan ka ng
mga matatamis na salitang ginagamit upang tangkilikin ng Panginoon ng
mambabasa. Sa larangan ng radyo o telebisyon may mga pang-unawa sa
palabas at programa na kung minsan ay nagbibigay ng lahat.
maling impormasyon.

Bilang isang mag-aaral, dapat ay magkaroon ka ng mapanuring pag-iisip


upang ang bawat gawain mo ay makatutulong sa pagtamo ng iyong mga layunin
bilang mag-aaral. Kailangan din ang masusing pagkilatis at paggamit ng
pamantayan upang hindi masayang ang pera at panahon, at hindi rin malagay sa
panganib ang mga mahal sa buhay. Kung may hindi naiintindihan, dapat na
humingi ng tulong sa iyong magulang o kahit na sino mang nakatatanda sayo.

Mahalaga rin ang maging mapanuri sa pagpili ng mga wastong panonoorin


at pakikinggan, maging ito man ay palabas sa telebisyon, pelikula, programa sa
radyo, artikulo sa diyaryo o website sa internet. Importanteng masuri at matukoy mo
ang kabutihang naidudulot ng mga balitang napakinggan, patalastas na nabasa o
narinig, programang napanood at mga nabasa sa internet.

Masasabi nating malaki ang naitutulong ng media at teknolohiya sa pag-unlad


ng ibat-ibang aspekto ng kaalaman at edukasyon. Ngunit dapat din nating pakaisipin
na nararapat lamang na gamitin ito ng tama. Huwag nating hayaan na abusuhin
ang ating sarili ng teknolohiya na maaring makapagdulot sa atin ng negatibong
epekto kapag hindi ginamit sa tamang paraan. Maging mapanuri at mapagsiyasat
sa mga bagay na nakagugulong dala ng mga ito para narin sa ating kapakanan at
ng ating pamilya.
PAGTATAYA

Lagyan ng tsek (√) kung ang gawain ay nagpapakita ng pagkakaroon ng


mapanuring pag-iisip at ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.

___________1. Ang mga uso at pinakabagong palabas lamang ang pinanonood


mo.

___________2. Binabasa mo ang mga balita sa diyaryo at sinusuri ang nilalaman


ng bawat isa.

___________3. Inaalam at iniintindi muna ang mensahe ng isang awit bago ito
pakinggan nang paulit-ulit.

___________4. Tinatangkilik ang lahat ng produkto na nakikita mo sa mga


patalastas sa telebisyon.

___________5. Ginagamit mo ang internet upang magsaliksik ng mga


napapanahong balita at isyu na may kaugnayan sa iyong
takdang aralin.

C. PAGLINANG NG IBA PANG KASANAYAN


aralin.
BASAHIN NATIN !

Kwento ni Haring Solomon

Si Solomon ang naging hari ng Israel. Minahal niya ang Diyos. Hiniling niya sa
Diyos na tulungan siyang maging isang mabuting hari. Ang Diyos ay nasiyahan dahil
ginusto ni Solomon na maging mabuti. Gusto ng Diyos na pagpalain si Solomon.
Tinanong ng Diyos si Solomon kung anong pagpapala ang gusto niya. Gusto ni
Solomon na maging matalino. Ang Diyos ay nagalak na pinili ni Solomon na maging
matalino. Sinabi Niya kay Solomon na sundin ang Kanyang mga kautusan.
Pagkatapos si Solomon ay magiging matalino. Si Solomon ang naging
pinakamatalinong lalaki sa mundo. Ang mga tao ay nanggagaling pa sa ibang mga
lupain upang magtanong sa kanya. Sila ay binigyan nila ng matatalinong kasagutan.
Ang mga hari at reyna ay pumupunta upang siya ay makita. Siya ay dinadalhan nila
ng magagandang handog. Ang mga Israelita ay nagpupunta kay Haring Solomon
kapag kailangan nila ng tulong.
Isang araw ay dalawang babae ang nagpunta sa kanya na may dalang
sanggol na lalaki. Sinabi ng mga babae na sila ay nakatira sa iisang bahay. Pareho
silang nagsilang ng sanggol, subalit isa sa mga sanggol ay namatay. Ngayon ay gusto
ng dalawang babae ang buhay na sanggol. Bawat ina ay nagsabing anak niya ang
sanggol. Gusto nilang sabihin sa kanila ni Haring Solomon kung sino ang mag-aalaga
sa sanggol. Gustong malaman ni Solomon kung sino sa mga babae ang ina ng
sanggol. Siya ay may matalinong balak. Humingi siya ng espada. Sinabi niya sa isang
tagapaglingkod na hatiin sa dalawa ang sanggol. Ibibigay niya ang kalahati ng
sanggol sa bawat babae.

Hindi talaga ipahahati ni Solomon ang sanggol. Gusto niyang makita kung ano
ang gagawin ng mga babae. Alam niya na ang ina ng sanggol ay hindi papayag na
masaktan ang kanyang anak. Isang ina ang nagsabi kay Solomon na huwag hatiin
ang sanggol. Hindi niya gustong masaktan ang sanggol. Mahal niya ang sanggol.
Sinabi niyang ibigay na lamang ang sanggol sa babae. Sinabi ng isang babae kay
Solomon na hatiin ang sanggol. Pagkatapos ay nalaman ni Solomon kung sino ang
dapat makakuha sa sanggol. Ayaw ng tunay na inang masaktan ang sanggol.
Ibinigay ni Solomon ang sanggol sa kanya. Di nagtagal lahat ng Israelita ay nakarinig
kung ano ang nangyari. Alam nila na ang Diyos ang nagpatalino kay Solomon.

Iclickang link upangnakitasainternet :


https://www.youtube.com/watch?v=mFCq8oHGtuo

Gawain:

A. Sagutin ang mga sumusunod upang lubos na maunawaan ang kwento:


1. Ano ang suliranin ng dalawang ina na dumulog kay Haring Solomon?
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Paano ipinakita ng hari ang kanyang mapanuring pag-iisip?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay ay mahusay ba ang naging paraan ng hari upang malaman
kung sino ang tunay na ina ng sanggol?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
B. Sumulat ng maikling panalangin upang hingin ang paggabay ng Diyos sa
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip upang malayo sa kapahamakan.
Magaling! Dito nagtatapos ang iyong Modyul para sa aralin na ito! Bilang
katibayan ng iyong pagkatuto, pakisulat sa mga kahon ang iyong mga
natutunan, mga nakapukaw ng iyong pansin at mga nabuong
katanungan.

3 BAGAY NA NATUTUNAN 2 BAGAY NA NAKAPUKAW 1 BAGAY NA HINDI PA


KO SA ARALIN NG AKING ATENSYON RIN LUBUSANG
MALINAW PARA SA AKIN

Nais kong malaman ang iyong opinyon/ebalwasyon patungkol sa araling ito.


Gayundin mula sa iyong mga magulang. Mangyari na pakisulat na lamang sa mga
kahon ang iyong mga opinyon, obserbasyon, paglilinaw o suhestiyon.

Comments:
_______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Suggestions:
_______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Observation:
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Question (if there’s any):
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Suggestion/s:
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Cellphone No.
Teacher’s Note

MGA SANGGUNIAN

Cristobal,(2018). RBS Serye sa Edukasyon sa Pagpapakatao, Gintong Butil 5.


Bagong Edisyon 2018 Rex Book Store, Inc. (RSBI). 856 Nicanor Reyes SR. St.
Sampaloc, Manila.
Conche at Tesoro (2017). Abiva Publishing House Inc, GAWI Edukasyon sa
Pagpapakatao 5, Abiva Bldg., 851 G. Araneta Ave., Quezon City

Kabanata 30 Mga Kwento Sa Lumang Tipan, Si Haring Solomon (n.d.). retrieved

from https://www.churchofjesuschrist.org/manual/old-testament-
stories/chapter-30-king-solomon?lang=tgl

Kagawaran ng Edukasyon(n.d.).K to 12, Grade 5 Learners Materials in Edukasyon


sa Pagpapakatao retrieved from
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-in-
edukasyon-sa-pagpapakatao-
q1q4https://www.openbible.info/topics/critical_thinking

[Painting of the story of King Solomon and the two mothers],(n.d.). retrieved from

http://3.bp.blogspot.com/_drUme97OjZU/TKSlI_MWnbI/AAAAAAAAN9c/4
dtSFp7t6zs/s1600/Judgemnt.jpg

Kasabihan ni MartIn Luther King:


[Image of a Martin Luther King qoutations],(n.d.).Brainy Qoute, accessed
July 21, 2020,
https://www.brainyquote.com/quotes/martin_luther_king_jr_402936

Superbook.(2017,February 20).What Will King Solomon Decide? – Superbook.


Retrieved from
https://www.youtube.com/watch?v=mFCq8oHGtuo

You might also like