You are on page 1of 24

EsP – Aralin 1 Week 7

(Days 1-5)
Layunin:
Nakakapagpakita ng kawilihan sa
pagbabasa/pagsusuri ng mga
Aklat at magasin
Diyaryo
Telebisyon

Internet(ESP5PKP-If – g - 33)
Aralin 7 Pagbabasa at pagsusurina may
kawilihan dulot ay kabutihan
• Alam mo ba na......
• Sa pagbabasa, pakikinig at panonood
ay marami kang bagay at kaalamang
mapapala at matutunan. Kaya marapat
lamang magkaroon ng kawilihan sa
mga gawaing ito. At mahalaga rin na
iyong masuri o masiyasat ang mga
bagay bago sumang-ayon para
mapagpasiyahan ng buong
pagpapahalagang desisyon.
• Paano kaya tayo magkakaroon ng
kawilihan sa pagbabasa ng aklat o
pahayagan? Pakikiknig/panonood sa
radio at telebisyon o internet? Paano
kaya natin dapat suriin ang mga
impormasyon mula sa pagbabasa,
pakikinig at panonood? May mabuti ba
itong dulot sa atin bilang mag-aaral?
Makakaapekto ba ito kung mali ang
impormasyon na ating naihahatid sa
ating kapuwa?
• Suriin ang kuwento. ( Sa pamamagitan
ng power point presentation)
Pamantayan sa pagbasa at pakikinig.
• Pamantayan sa • Pamantayan sa
pagbabasa. pakikinig.
• Tumayo nang tuwid.
• Makinig nang mabuti
• Bumasa nang matulin
sa nagbabasa.
at masigla.
• Isulat ang
• Huminto nang bahagya
kung may kuwit. mahahalagang
• Tumigil kung may
detalye.
tuldok
Batang Mapanaliksik
Ang pagbabasa ay komunikasyon, gaya ng
panonood sa telebisyon at pakikinig sa radio. Ito’y
isang uri ng pakikipagtalastasan.
Napakabuting libangan ang pagbabasa ng mga
aklat at pahayagan araw-araw, pakikinig ng balita sa
radio, at panonood sa TV at pagkuha ng
impormasyon sa internet. Ito’y pakikipag-ugnayan sa
ibang tao, ibang bansa, ibang lipunan at mga
pamayanan. Kaya’t ang mga libangang ito ay
nagdudulot ng kaalaman at nagpapalawak ng
karanasan.
Ang mga kabutihang dulot ng mga aklat at iba
pang mga babasahin ay ang sumusunod.
1.Nagbibigay ng impormasyon sa loob at labas ng bansa.
2. Nagbibigay ng impormasyon sa pagbabadya ng mga
sakuna o kalamidad na maaaring dumating sa bansa.
3. Nagbibigay ng ibat-ibang kuro-kuro o palagay ng mga
kilalang manunulat tungkol sa pang araw-araw na
kalagayan ng ekonomiya ng bansa.
4.Nagbibigay ng kaalaman tungkol sa kultura at
tradisyon ng bansa.
Ang mga aklat , media ay nagpapalawak ng
ating kaalaman. Pinagyayaman at pinalalawak din
nito ang ating karanasan.
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Anong mga Gawain ang nagpapalawak ng isipan at karanasan
ng isang tao?
2. May mga pagkakataon bang hindi ka naniwala mula sa iyong
nabasa ? narinig ? O nakita sa internet ? Bakit?
3. Anong kabutihan ang naidudulot ng pagbabasa ? Pakikinig o
panonood ?
4. Paano mo masasabi na ikaw ay magiging mapanuri sa mga
balitang naririnig mo sa radyo o nababasa sa pahayagan?
Ipaliwanag.
5. Sa iyong palagay ang pagiging mapanuring mananaliksik sa
pagbabasa, pakikinig o panonood ay makatutulong sa iyo bilang
mag-aaral? Ipaliwanag
6. Mabuti rin bang libangan ang pagbabasa, pakikinig at
panonood? Sa anong paraan ito magiging mabuti o makabubuti?
ISAGAWA NATIN (Day 2)
• Anong kabutihan ang naidudulot ng
pagbabasa ? Pakikinig o panonood ?
GAWAIN 1
Punan ang loob ng hugis ng iyong nabasa sa aklat o pahayagan,
napakinggan sa radio, at napanood sa TV o internet. Paano nakaapekto
ang mga ito sa iyong kaisipan at damdamin?
Gawin ito sa iyong kuwaderno.
GAWAIN 2
Bumuo ng apat na pangkat.
Magtala ng mga impormasyon mula sa “news article” ( tungkol sa
naganap na Halalan 2016) na nasa loob ng envelope.
Masusi ninyo itong pag-aralan at ipakita sa pamamagitan ng malikhaing
pamamaraan.
Pangkat I Rap
Pangkat II News
Pangkat III Duladulaan
Pangkat IV Debate
Ipakita ang inyong napagkasunduang pagtatanghal o palabas at
pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.
Ano ang masasabi ninyo tungkol sa isinagawa sa unahan ng bawat
pangkat?
Naipakita ba ng inyong mga kamag-aral ang lakas ng kanilang loob sa
pagtatanghal? Patunayan.
May positibo o negatibo bang epekto sa mga manonood ang balita?
Patunayan.
ISAPUSO NATIN
Day 3
Nadaragdagan ang iyong karanasan sa pagkakaroon ng
bukas na isipan sa tulong ng media tulad ng radio,
pahayagan, telebisyon at internet.

Ano ang nasa isip mo nang pinagsama-sama ang


iyong karanasan sa napanood mong balita (Video
Clip). Itala ang mga ito sa kahon A, B, C, D. Sa loob
naman ng puso, itala ang kabutihang dulot ng iyong
napanood sa video clip na pumukaw sa iyong
damdamin. Gawin ito sa bond paper.
Tandaan Natin
Ano ba ang Importansiya ng Pagbabasa at Panonood?
Ayon sa website ng Gemm Learning, maraming mabubuting
epekto ang pagbabasa. Sinasabi rito na ang pagbabasa at
panonod ay isang importanteng life skill. Mahihirapan umano sa
pag-aaral ang mga batang nagkakaproblema sa pagbabasa. Ang
pagbabasa rin daw ay isang mabuting pag i-ehersisyo sa ating
utak. Sinasabing masdemanding ito kumpara sa panonood ng
telebisyon o pakikinig sa radyo. Ani Maryanne Wolf, director
ng Center for Reading and Language Research sa Tufts
University, sa pagbabasa at panonod raw ay mas mapipilitan
tayong gumawa ng naratibo (narrative) at mag-imagine. Sa
pagbabasa raw kasi, mas may oras tayong mag-isip. Kumbaga
maaari tayong huminto para sa pag-intindi (comprehension) at
pagkuha sa tunay na kahulugan at implikasyon(insight) ng ating
binasa. Ang pagbabasa ay nakatutulong din sa concentration at
Dagdag pa ng website, ang pagbabasa rin
ay nakatutulong sa pagtaas ng ating bokabularyo,
pagtaas ng tiwala sa sarili ng isang tao. Sinasabi
na isa umanong chain reaction ang nangyayari:
pag tayo ay laging nagbabasa, marami tayong
malalaman; Isa pa sa mga sinasabing magandang
epekto ng pagbabasa ay ang paghasa sa ating
creativity. Dahil nai-expose tayo sa mga bagong
ideya at mas maraming impormasyon sa
pamamagitan ng pagbabasa, maaaring magkaroon
ng pagbabago (ikabubuti o ikagagaling) sa paraan
ng ating pag-iisip.
Isabuhay Natin (Day 4)
• “ Nakatutulong ba ang mga bagay na nabasa
at napanood ko sa aking pagpapasiya
pagkatapos ko itong suriin? Pangatwiranan.”
• Gumawa ng simpleng tula sa temang
“Pagbabasa at panonood ay Ugaliin.
Karanasan at kaalama’y Palalawakin”.
Subukin Natin (Day 5)

Isulat ang Tama o Mali sa bawat patlang. Ilagay ang sagot


sa sagutang papel.
_____1. Ang pagbabasa ng aklat, pahayagan at iba
pang mga babasahin ay mabuting libangan.
_____ 2. Hindi uunlad ang isipan kapag laging
nagbabasa.
_____ 3. Nakatutulong sa kaligtasan ang pagbabasa ng
pahayagan at pakikinig sa radio.
_____ 4. Nakabubuti sa mag-aaral ang maging
mapanaliksik.
_____ 5. Ugaliin ang pagbabasa lalo’t wala ka namang
ginagawa.
Basahin ang sumusunod na mga sitwasyon. Sagutan
ng buong husay ayon sa iyong pagkaunawa.

1. Ang nakababata mong kapatid ay walang hilig sa


pagbabasa. Anong mga hakbang ang iyong
isasagawa upang maging hilig niya ang
pagbabasa?
2. Muli, ang iyong kapatid ay kukuha ng board exam.
Hindi siya pumasa sa unang pagsusulit. Nagbigay
siya ng sapat na panahon sa pagsasaliksik mula sa
pahayagan, aklat at internet para sa darating na
eksamen. Sa palagay mo ba ay papasa sa ngayon
ang iyong kapatid? Bakit at pangatwiranan.
Mahusay ka! Naipamalas mo ang iyong
mapanuring pag-iisip. Binabati kita. Patuloy
mo itong paunlarin.
Maaari mo itong ibahagi sa kapuwa nang
may mapanuring pag-iisip. Maaari ka nang
magtungo sa susunod na aralin. Handa ka na.

You might also like