You are on page 1of 15

Pagbabasa at Pagsusuri na

may Kawilihan, Dulot ay


Kabutihan
Erlinda M. Sayco
Paaralang Elementarya ng Maligaya
Batang Mapanaliksik
Ang pagbabasa ay komunikasyon, gaya ng panonood sa telebisyon at pakikinig sa radio. Ito’y isang
uri ng pakikipagtalastasan.

Napakabuting libangan ang pagbabasa ng mga aklat at pahayagan araw-araw, pakikinig ng


balita sa radio, at panonood sa TV at pagkuha ng impormasyon sa internet. Ito’y pakikipag-ugnayan
sa ibang tao, ibang bansa, ibang lipunan at mga pamayanan. Kaya’t ang mga libangang ito ay
nagdudulot ng kaalaman at nagpapalawak ng karanasan.

Ang mga kabutihang dulot ng mga aklat at iba pang mga babasahin ay ang sumusunod.
1. Nagbibigay ng impormasyon sa loob at labas ng bansa.
2. Nagbibigay ng impormasyon sa pagbabadya ng mga sakuna o kalamidad na maaaring dumating
sa bansa.
3. Nagbibigay ng ibat-ibang kuro-kuro o palagay ng mga kilalang manunulat tungkol sa pang araw-
araw na kalagayan ng ekonomiya ng bansa.
4. Nagbibigay ng kaalaman tungkol sa kultura at tradisyon ng bansa.
Ang mga aklat , media ay nagpapalawak n gating kaalaman. Pinagyayaman at pinalalawak din
nito an gating karanasan.
Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Anong mga Gawain ang nagpapalawak ng isipan at karanasan ng isang


tao?
2.. May mga pagkakataon bang hindi ka naniwala mula sa iyong
nabasa ? narinig ? O nakita sa internet ? Bakit?
3. Anong kabutihan ang naidudulot ng pagbabasa ? Pakikinig o
panonood ?
4. Paano mo masasabi na ikaw ay magiging mapanuri sa mga
balitang naririnig mo sa radyo o nababasa sa pahayagan? Ipaliwanag.
5. Sa iyong palagay ang pagiging mapanuring mananaliksik sa
pagbabasa, pakikinig o panonood ay makatutulong sa iyo bilang mag-
aaral? Ipaliwanag
6. Mabuti rin bang libangan ang pagbabasa, pakikinig at panonood?
Sa anong paraan ito magiging mabuti o makabubuti?
ISAGAWA NATIN

Punan ang loob ng hugis ng iyong nabasa sa


aklat o pahayagan, napakinggan sa radio, at
napanood sa TV o internet. Paano nakaapekto
ang mga ito sa iyong kaisipan at damdamin?
Gawin ito sa iyong kuwaderno.
GAWAIN 2
Bumuo ng apat na pangkat.
Magtala ng mga impormasyon mula sa
“news article” ( tungkol sa naganap na
Halalan 2016) na nasa loob ng envelope.
Masusi ninyo itong pag-aralan at ipakita sa
pamamagitan ng malikhaing pamamaraan.
Pangkat I Rap
Pangkat II News
Pangkat III Duladulaan
Pangkat IV Debate
ISAPUSO NATIN

Nadaragdagan ang iyong karanasan sa pagkakaroon ng bukas na isipan sa


tulong ng media tulad ng radio, pahayagan, telebisyon at internet.

Ano ang nasa isip mo nang pinagsama-sama ang iyong karanasan sa


napanood mong balita (Video Clip). Itala ang mga ito sa kahon A, B, C, D. Sa
loob naman ng puso, itala ang kabutihang dulot ng iyong napanood sa video clip
na pumukaw sa iyong damdamin. Gawin ito sa bond paper.
A.

B.

C.

D.
Ano ba ang importansya ng pagbabasa at panonood?
Ayon sa website ng Gemm Learning, maraming mabubuting epekto ang
pagbabasa. Sinasabi rito na ang pagbabasa at panonod ay isang importanteng life
skill. Mahihirapan umano sa pag-aaral ang mga batang nagkakaproblema sa pagbabasa
Ang pagbabasa rin daw ay isang mabuting pagi-ehersisyo sa ating utak. Sinasabing
masdemanding ito kumpara sa panonood ng telebisyon o pakikinig sa radyo.
Ani Maryanne Wolf, director ng Center for Reading and Language Research sa Tufts
University, sa pagbabasa at panonod raw ay mas mapipilitan tayong gumawa ng
naratibo (narrative) at mag-imagine. Sa pagbabasa raw kasi, mas may oras tayong mag-
isip.
Kumbaga maaari tayong huminto para sa pag-intindi (comprehension) at pagkuha sa
tunay na kahulugan at implikasyon(insight) ng ating binasa. Ang pagbabasa
ay nakatutulong din saconcentration at attention skills.
Dagdag pa ng website, ang pagbabasa rin ay nakatutulong sa pagtaas ng
ating bokabularyo,pagtaas ng tiwala sa sarili ng isang tao. Sinasabi na isa
umanong chain reaction ang nangyayari: pag tayo ay laging nagbabasa, marami tayong
malalaman; Isa pa sa mga sinasabing magandang epekto ng pagbabasa ay ang paghasa
sa atingcreativity. Dahil nai-expose tayo sa mga bagong ideya at mas maraming
impormasyon sa pamamagitan ng pagbabasa, maaaring magkaroon ng pagbabago
(ikabubuti o ikagagaling) sa paraan ng ating pag-iisip.
Isabuhay Natin:
Gumawa ng simpleng tula sa temang,

“Pagbabasa at panonood ay Ugaliin. Karansan at kaalama’y Palalawakin”.


A. Isulat ang Tama o Mali sa bawat patlang. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
____________1. Ang pagbabasa ng aklat, pahayagan at iba pang mga babasahin ay mabuting
libangan.
____________ 2. Hindi uunlad ang isipan kapag lagging nagbabasa.
_____________3. Nakatutulong sa kaligtasan ang pagbabasa ng pahayagan at pakikinig sa
radio.
____________ 4. Nakabubuti sa mag-aaral ang maging mapanaliksik.
___________ _5. Ugaliin ang pagbabasa lalo’t wala ka naming ginagawa.

B. Basahin ang sumusunod na mga sitwasyon. Sagutan ng buong husay ayon sa iyong
pagkaunawa.

1. Ang nakababata mong kapatid ay walang hilig sa pagbabasa. Anong mga hakbang
ang iyong isasagawa upang maging hilig niya ang pagbabasa?
2. Muli, ang iyong kapatid ay kukuha ng board exam. Hindi siya pumasa sa unang
pagsusulit. Nagbigay siya ng sapat na panahon sa pagsasaliksik mula sa pahayagan,
aklat at internet para sa darating na eksamen. Sa palagay mo ba ay papasa sa
ngayon ang iyong kapatid? Bakit at pangatwiranan.
Mahusay ka! Naipamalas
mo ang iyong mapanuring
pag-iisip. Binabati kita.
Patuloy mo itong paunlarin.
Maaari mo
itong ibahagi sa kapuwa
nang may mapanuring pag-
iisip. Maaari ka nang
magtungo sa susunod na
aralin. Handa ka na.

You might also like