You are on page 1of 38

Pagbasa at Pagsusuri

ng Iba’t Ibang Teksto


tungo sa Pananaliksik
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan
ang mga mag-aaral na:

NATATALAKAY ANG NAIPAPALIWANAG AT NAKALILIKHA NG ISANG PAMPHLET NA


NAGLALAMAN NG MGA HAKBANGIN
PROSESO SA NAKAPAGKIKRITIK NG MULA SA IBA’T IBANG PAKSA NA MAY
PAGHAHANDA NG ISANG TEKSTONG KINALAMAN SA KASALUKUYANG
KURSO NA KINUKUHA
TEKSTONG PROSIDYURAL PROSIDYURAL
Ano ang paborito mong
ulam o pagkain?
Nakikita mo ba kung
paano inihahanda ang
mga ito? Paano ito
iniluluto ng iyong
magulang? Ibahagi sa
klase ang paraan ng
paghahanda
MANOOD MUNA TAYO ;)
1.Mula sa napanood, paano inihahanda
ang tsokolate?
2.Nasubukan niyo na bang tikman ang
nasabing produkto? Ano ang masasabi
ninyo sa produktong ito?
3.Sa inyong palagay, ano ang sikretong
inilalagay sa naturang produkto at
bakit?
Tekstong Prosidyural
Layunin nito na makapagbigay ng
Uri ng paglalahad na kadalasang
sunod-sunod na direksyon at
nagbibigay ng impormasyon at
impormasyon sa tao upang
instruksyon kung paano isinasagawa
matagumpay na maisagawa ang isang
ang isang bagay
gawain… EPISYENTE, LIGTAS AT ANGKOP

Tekstong Prosidyural

Mahalaga ang mahusay na pag-unawa


sa mga tekstong prosidyural sa May apat na nilalaman: LAYUNIN,
pagtatrabaho kung saan kailangan ang KAGAMITAN, METODO AT EBALWASYON
MANWAL AT PROTOKOL
Kalalabasan o kahahantungan ng
LAYUNIN proyekto ng prosidyur

Kasangkapan na
kinakailangan upang
KAGAMITAN isagawa ang proyekto

Serye ng mga hakbang na


METODO isasagawa upang mabuo ang
proyekto

Pamamaraan upang
EBALWASYON masukat kung tagumpay
ang proyektong isinagawa
Mahalaga rin ang mga
sumusunod:

•Heading
•Sub heading
•Numero
•Dayagram
•Larawan
Cohesive devices upang ipakita ang
pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga
bahagi ng teksto

Tiyak na pandiwa para sa instruksyon


Gumamit rin
ng mga
sumusunod: Detalyado at tiyak na deskripsyon (hugis,
laki, kulay at dami)

Magpokus sa pangkalahatang mambabasa


at hindi sa iisang tao lamang
Ano ang
tamang
paraan sa
paggamit ng
social media?
Isa ka rin ba sa mga napapagod na sa
masalimuot na mundo ng social media? Na-
miss mo na rin ba ang mga panahon na
ginagamit lamang natin ang Facebook, Twitter,
Instagram, at iba pang mga social networking
sites para paigtingin ang pagkakaibigan at mag-
share ng mga nakakatuwang mga kaganapan sa
ating buhay? Ninanais mo din bang maibalik sa
dati ang katiwasayan ng internet?
Ganoon din ang pakiramdam ng nakararami.
Ikaw, ako, at marami pang iba ang gustong
makagamit ng social media nang maayos.
Yung walang bangayan, walang murahan,
walang panlilinlang, o kaya’y pagkakawatak-
watak.
Paano nga ba ang tamang paraan ng pag-
gamit ng social media? Halina at baybayin
natin ang ilan lamang sa mga pamamaraan
upang maibalik natin ang katinuan sa
internet. Maaring sa pamamagitan ng mga
maliliit na gawaing ito, magsilbi tayong
halimbawa sa mas nakararami pa nating mga
kababayan at kaibigan upang mapanatili
natin ang kagandahang asal online.
1. Tandaan na ang social media at ang internet
ay isang publikong lugar
•Anumang bagay na ipost natin sa social
media at sa internet ay naisasapubliko. Ang
isang post ay maaring mabasa ng daan-daan
nating mga kaibigan. Maari din itong mai-
share at umabot sa libu-libo, o maging
milyun-milyong naka-konekta sa internet.
• Kaya dapat maging maingat tayo sa lahat nang ating
mga pananalita, mga pictures, at maging sa ating
ekspresyon. Tandaan na maaaring mabasa ang mga ito
ng samut-saring uri ng tao — mga kamag-anak, mga
kaibigan, maging ng ating mga employer. Tandaan na
kung ano ang ating reputasyon online, ganun din ang
kanilang magiging pagkilala sa atin sa tunay na buhay.
• Hanggat maaari, iwasang mag-post ng masyadong
pribadong mga topiko, maseselang litrato at video, at
huwag mag-post ng nakakasakit o nakakaoffend sa
ibang tao lalo na ang patungkol sa kasarian, relihiyon,
at pulitika.
2. Ang social media ay lugar para sa
pagkakaibigan at pagkakaunawaan
Ang social media ay nilikha upang paigtingin ang ating koneksyon sa
ating mga mahal sa buhay, kaibigan, sa pamayanan, at maging sa
kabuuan ng lipunan. Ang Facebook, Twitter, Instagram, at iba pa, ay
lugar para sa pagkakaibigan at pagkakaunawaan.Maaring dumating
minsan ang punto na magkasalungat ang ating mga pananaw sa iba’t
ibang mga bagay subalit tandaan natin na karapatan ng bawat isa ang
magpahayag ng paniniwala at saloobin. Hindi ito masama. Mas mainam
nga na nakikipag-kuru-kuro tayo. Importante lang na manaig ang
respeto sa mga pagkakaiba nating ito.Kung masyado nang mainit ang
usapan, bakit hindi mo yayaing magkape ang iyong kaibigan at pag-
usapan ang inyong mga punto sa tunay na buhay? Iba pa rin ang face-
to-face na pag-uusap.
(At tandaan, manlibre ka naman minsan, hindi yung siya lang palagi ang
nanlilibre!)
3. Ugaliing basahin nang buo at maigi ang
nilalaman ng article bago magkomento o magshare
• Minsan maysado na tayong nasanay sa instant: instant
noodles, instant coffee, instant lahat. Minsang pati sa mga
bagay na nakikita natin online, gusto na rin natin ng
madalian at mabilisan. Kung kaya, maraming beses tayong
napapaso dala ng pag-react sa headline lamang.
• Tandaan natin na importante ang pagbabasa at pag-unawa
nang lubusan sa mga bagay na nakikita natin sa internet.
(Babala: hindi lahat nang nakikita sa internet ay totoo!)
Narito ang ilang mga gabay na tanong upang mas
maunawaan natin ang ating mga binabasa:
• · Ano ang pangunahing paksa ng article na ito?
(Tungkol saan ang article na ito?)
• · Ano ang mga sumusuportang ideya sa pangunahing
paksang ito?
• · Ano ang gustong ipahiwatig ng
manunulat/potograpo/may-akda ng gawang ito?
• · Lahat ba nang mga naisulat/ipinapakikta/nailathala
ay suportado ng siyentipikong pagsusuri, ebidensya at
patunay?
• Paano ito makaka-apekto sa akin at sa aking pang-araw-
araw na pamumuhay?

• Ano ang ibig sabihin article na ito sa mga bagay-bagay


na kasalukuyang nangyayari sa ating lipunan?

• Kapag hindi lubusang naintindihan ang nababasa o


nakikitang mga imahe, mas mainam na magtanong sa
nakaka-alam, o mga eksperto sa topiko. Magtanong sa
mga kaibigan, kamag-anak, guro, o mga otoridad na may
mas malawak na kaalaman sa topiko ng article o litrato.
4. Iwasang mag share ng hindi beripikadong
mga article o memes
• Karugtong ng nasa itaas, tandaan natin na
importanteng totoo at beripikado ang mga
impormasyon na ating sine-share sa social media.
Alamin kung totoo at batay lamang sa katotohanan
ang nilalaman ng articles at mga larawan.
• May mga artikulong nais lamang magbigay ng
komentaryo sa pamamagitan ng pagpapatawa. Ang
tawag sa mga ito ay lampoon, parody, o satire. Maging
maingat sa pagkilala at pagbasa nang mga ito.
• Tandaan natin na may iba pang mga websites na
ang tanging pakay lamang ay manlinlang at
magpakalat ng hindi totoong mga impormasyon.
Iwasan natin ang mga ito.
• Maaring sa pagse-share natin ng maling
impormasyon ay makasakit tayo ng ibang tao,
maging dahilan ng panic, o di kaya’y maging
sanhi ng kaguluhan sa atin lipunan. Ayaw nating
mangyari ito.
5. Maging responsable sa lahat nang oras
• Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? OO.
Kailangang i-memorize ito at paulit-ulit nating
tandaan na ang responsableng pag-gamit ng
social media ay ang tanging solusyon upang
maibalik natin ang kaayusan at katiwasayan
online. Ang pagiging responsable online ay nag-
uugat sa dalawang bagay lamang: katotohanan
at pag-galang.
• Kung ang bawat isa sa atin ay responsable sa
ating pag-aasal sa social media, maiiwasan natin
ang bangayan, hindi pagkaka-uunawaan, siraan,
at pagkaka-watak-watak.
• Gamitin natin ang social media nang tama.
Gamitin natin ito upang linangin an gating
pakikipag-kapwa tao. Gamitin natin ito upang
tayo ay matuto. Gamitin natin ang Facebook,
Twitter, at Instagram upang mas mapabuti pa
ang ating pamumuhay.
Sanggunian:

•https://medium.com/@ken.lerona/paano-
nga-ba-ang-tamang-paraan-ng-pag-gamit-
ng-social-media-fa41e64041df
Sagutin ang
mga
sumusunod:
 Ano ang pinakatema at ideyang inilalahad ng
tekstong binasa?
 Ano-ano ang mga pamamaraan na inilahad
sa wastong paggamit ng social media?
Magbigay ng isa at ipaliwanag.
 Nasunod ba ang apat na nilalaman ng
tekstong prosidyural?
 Layunin
 Kagamitan
 Metodo
 Ebalwasyon
Gawain: (Performance Task-Individual)

Ang mga mag-aaral ay lilikha ng


isang ZINE.
Susundin ng mga mag-aaral ang
hakbang na ipapakita ng guro.
ZINE
 Zines (pronounced “zeens,”
shortened from the word
“magazines”) are small,
independent publications that
come in the form of mini
pamphlets or magazines. Zines
are easy and inexpensive to
make, meaning that they have
long been a counter-cultural
vehicle for people to make
their voices heard on issues
that don’t often get touched
on in the mainstream media.
Whether you want your zine to
be a serious commentary on
social issues or a light-hearted
collection of cartoons,
creating and distributing a
zine is an incredibly rewarding
experience that can jumpstart
your creativity.
Pamamaraan:
 Tiklupin ang bond paper sa paraang lengthwise.
 Matapos tiklupin sa paraang lengthwise, muli itong tiklupin
sa kalahati. Siguraduhin na pantay ang dulo ng bawat pahina.
 Muling tiklupin ang papel sa paraang VERTICAL. Dapat ay
magtatagpo ang dulo ng mga papel sa pagtitiklop na ito.
 Isalansan ang papel at hatiin ang gitna nito sa paraang
HORIZONTAL pero huwag magsimula sa dulong linya. Simulan
ito sa pangalawang linya o gitnang bahagi.
 Isaayos ito sa paraang pa-KRUS o PLUS SIGN. Mula rito,
gupitin ang mga gilid na sarado upang maghiwa-hiwalay ang
mga pahina.
 Maaaring lagyan ito ng dekorasyon o gamitin ang mga
larawang ginupit upang makabuo ng isang magazine.
Maaaring lagyan ng mga kapsyon ang mga larawan.
Pagsunod sa
Instruksyon…………………15 puntos

Disenyo at Nilalaman ng
Pamamaraan Zine…………..20 puntos
ng
Pagmamarka Paglalahad ng Isyu gamit ang
Zine……5 puntos

Kabuuang
Puntos……………………………40 puntos
Gaano kahalaga ang
pagsunod sa proseso
bago maisagawa ang
isang bagay?
Pagsusulit Bilang 2: Isulat at kumpletuhin ang talata. Piliin ang sagot mula sa mga
salitang ipapakita ng guro. (10 puntos)

Ang tekstong (1)_________ ay isang uri ng paglalahad na


kadalasang nagbibigay ng (2) ___________ at (3)___________
kung paano isasagawa ang isang tiyak na bagay. Ang layunin
ng tekstong ito ay makapagbigay ng (4) _____________ na
direksyon at impormasyon sa mga tao upang (5)
____________na maisagawa ang mga gawain sa (6)
______________, (7) ______________, at (8) ____________
na paraan. Kaugnay nito ang (9) _____________ na uri ng
tekstong ito na nagbibigay ng gabay at mga (10) ___________
na maaaring hindi nakaayos nang magkakasunod.
Pagpipilian:
Argumentatibo Impormatibo Naratibo Nanghihikayat
Kronolohikal sunod-sunod prosidyural ligtas
Episyente angkop hindi angkop protocol
Guidelines kagamitan ebalwasyon metodo
Paalala estadistiko pananaliksik matagumpay
Mga Sagot
1. Prosidyural
2. Impormasyon
3. Instruksyon
4. Sunod-sunod
5. Matagumpay
6. ligtas
7. Episyente
8. Angkop
9. Protocol
10.paalala

You might also like