You are on page 1of 17

Tekstong Persweysiv o

Nanghihikayat
Paano kita mahihikayat
Tekstong Persweysiv
• Isang uri ng depiksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga
mambabasa sa sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu.
• Ang manunulat ay nagpapahayag ng impormasyon at katotohanan upang
suportahan ang isang opinion gamit ang agrumentatibong estilo ng
pagsusulat.
• Dalawang panig ng argumento.
• Hindi dapat magpahayag ng personal at walang batayang opinion ang
manunulat.
Dagdag kaalaman:
• Mga dokumentong buhat sa mga pag-aaral at pananaliksik
upang higit na maging kapani-paniwala at may kredibilidad ang
paglalahad.
• Mga pahayag na makaakit sa damdamin at isipan ng
mambabasa.
• Mga pangangatwirang hahantong sa isang lohikal na
konklusyon.
Ilang halimbawa:
• Mga Patalastas
• Talumpati
• Propaganda sa eleksyon
LOKALISASYON - Isang proseso sa pag-uugnay ng
nilalaman sa lokal na impormasyon at kagamitan mula
sa komunidad ng mag-aaral.
KONTEKSTUWALISASYON - Tumutukoy sa
proseso ng pag- aaral sa pamamagitan ng pag- uugnay
ng kurikulum / aralin sa partikular na tagpuan,
sitwasyon o lugar ng paglalapat upang gawing angkop,
makabuluhan at kapaki- pakinabang sa mga mag-aaral.
Pagsuri sa Tekstong Persweysib
• A. Kredibilidad ng may akda. - Gaano kakilala ang pinagmulan ng
teksto(manunulat o tagapagsalita) at ano ang pagkakakilala sa kanya.
• B. Nilalaman ng teksto - Ano ang hangarin ng may akda sa kanyang
pagsulat Panghihikayat - Anong damdamin ang pumukaw sa pagbasa ng
teksto.
• C. Bisa ng panghihikayat ng teksto - Tagumpay ba ang paggamit ng
mga elemento ng panghihikayat upang makumbinsi ang mga
mambabasa?
Layunin ng Tekstong
Persweysiv:
• Maglahad ng isang opiniong kailangang mapanindigan at
maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totong datos upang
makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa manunulat.
• Umapela o mapukaw ang damdamin ng mambabasa upang
makuha ang simpatya nito at mahikayat na umayon sa ideyang
inilalahad.Ang lahat ng mensaheng ito ay nakaapekto sa ating
pang-araw-araw na pamumuhay at pag-iisip.
3 Elemento ng Tekstong Persweysiv
ayon kay Pilosopong Aristotle
●ETHOS o Etika-ang karakter, imahe, o reputasyon ng
manunulat/tagapagsalita.
►Hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang Etika
ngunit higit na angkop ngayon sa salitang Imahe.
►Ito ang magpapasya kung kapani-paniwala o dapat
pagkatiwalaan ng tagapakinig ang tagapagsalita, o ng
mambabasa ang manunulat.
●PATHOS o Emosiyon -patungkol sa nararamdaman o saloobon ng nakikinig.
●LOGOS o Lohika -ang opinion o lohikal na pagmamatuwid ng
manunulat/tagapagsalita.
►Salitang Griyego na Logos ay tumutukoy sa pangangatwiran na
nangangahulugang nanghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman o may katwiran
ba ang sinasabi upang maghikayat ang mga tagapakinig kung ito ba ay totoo.
Dalawang uri ng kadahilanan:
▫ Induksyon -pagbibigay ng rason batay sa mga halimbawa na magbibigay
pangkalahatang konklusyon.
▫ Deduksyon –isang entihimo,kung saan ang pagbibigay ng konklusyon ay
iniaasa sa isipan ng nakikinig.
Ang tekstong persweysiv ay naglalaman ng
mga sumusunod:
• MALALIM NA PANANALIKSIK
-Kailangang alam ng manunulat ang pasikot-sikot ng isyung tatalakayin sa pamamagitan
ng pananaliksik tungkol dito.
• KAALAMAN SA MGA POSIBLENG PANINIWALA NG MGA MAMBABASA
-Kailangan mulat at maalam ang manunulat ng tekstong persuweysiv sa iba’t ibang
laganap na persepsiyon at paniniwala tungkol sa isyu.
• MALALIM NA PAGKAUNAWA SA DALAWANG PANIG NG ISYU
-Ito ay upang epektibong masagot ang laganap na paniniwala ng mga mambabasa.
Iba’t-ibang Uri ng
Propaganda devices sa
Tekstong persweysiv
NAME CALLING -ay ang hindi magagandang puna o taguri
sa isang tao o bagay.
Halimbawa: “Paninira sa isang produkto upang hindi ito
mabibili sa merkado.”
GLITTERING GENERALITIES –ay ang pangungumbinsi
sa pamamagitan ng magaganda, nakakasilaw, at mga
mabubulaklak na salita o pahayag.
Halimbawa: “Sa isang commercial ni Jame Ried na ipapakita na
sa kahit anong sitwasyon, kapag ginamit mo ang produktong
iyon ay GWAPO ka sa lahat ng pagkakataon.”
TESTIMONIAL -ang propaganda device kung saan tuwirang
eneendorso o pimo-promote ng isang tao ang kanyang tao o produkto.
Halimbawa: “Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang
kandidatona wag ding kakalimutan ng sambayananang kanyang
kapartido.”
PLAIN FOLKS -uri ng propaganda kung saan ang nagsasalita ay
nanghihikayat sa pamamagitan ng pagpapakapayak tulad ng isang
ordinaryong tao para makuha ang tiwala ng sambayanan.Ito ay kalimitang
ng mga tumatakbo sa politika.
Halimbawa: “Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi sumusuot ng
maggarbong damit at pinapakita nila na nagmula at galing rin sila sa
mahirap.”.
BANDWAGON -hinihikayat ang mga tao sa pamamagitan ng
pagpapaniwala sa mga ito na ang masa ay tumatangkilik at
gumagamit na ng kanilang produkto o serbisyo.
Halimbawa: “LBC:lahat ng tao ditto na nagpapadala.”
“TGP:tagapagpagaling ng Pilipinas.”
CARD STACKING –pagsabi ng maganda puna sa isang
produkto ngunit hindi sinasabi ang masamang epekto nito.
Halimbawa: “Lucky Me, pinapakita ditto ang magandang dulot
nito sa pamilya, ngunit sa labis na pagkatao.”
TRANSFER -ay paglilipat ng kasikatan ng isang
personalidad sa hindi kilalang tao o produkto.
Halimbawa: “Si Kathryn Bernardo ay may patas na balat,
nais niyang makamit ang maputing kutis kaya gumamit sya
ng Olay product upang makamit ito.”
Salamat sa pakikinig
Pangkat 3:
Yna Gerale
Kiane Dapne Batarilan
Alexa Marie Solina
Jewel Mae Monillo
Rinalyn Estardo
Angel De Pedro
Nyza Grace Cabatu-an
Jalani Tantowa
Romel Agguire
Kenneth Marl Tomesa

You might also like