You are on page 1of 19

TEKSTONG

ARGUMENTATIBO:
IPAGLABAN ANG KATUWIRAN
Matapos ang aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na;
 naiisa-isa
ang mga katangian ng tekstong
argumentatibo
 natatalakay ang mga estratehiya ng mabisang
argumento
 nakapagbibigay ng mga halimbawa ng mabisang
argumento mula sa mga clipping ng mga artikulo,
lathalain, at iba pa
 nakagagawa ng sariling obserbasyon kaugnay ng
binasang tekstong argumentatibo
 nakabubuo ng isang advocacy page sa isang social
media site tungkol sa pinaniniwalaang isyu at
 nakapaglalatag ng mahahalagang argumento tungkol
 matukoy ang isang tekstong argumentatibo, gayundin ang paksang tinalakay
nito;magamit ang mga prinsipyo ng isang tekstong argumentatibo tungo sa
pananaliksik:maiugnay ang mga puntos sa argumentasyon bilang mga puntos
sa pananaliksik:matukoy ang katangian at kalikasan ng tekstong
argumentatibo;matukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang
ginamit ng tekstongbinasa, atmakasulat ng tekstong argumentatibo gamit ang
mga angkop na datos at sa tulong na rinng mga cohesive device.
 Ang tekstong argumentatibo ay uri ng tekstong naghahayag ng mga punto,
kuro, saloobin,at opinyon nang tahas at sa matalas na pamamaraan upang
maiparating sa mambabasa angpaninindigan ng manunulat. Ang paninidigang
ito ay maaaring panig o hindi-panig sa isangisyu o paksa.
 Argumento ang tawag sa mga pangangatuwirang ipinahahayag upang
maipakitaang kamalian o kawastuan ng isang ideya o kilos. Ang mga pahayag
na tulad nito ang ginagamitsa tekstong argumentatibo upang makatindig sa
isang panig ng isyu.
 Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na nangangailangang
ipagtanggol ng manunulat angposisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang
mga ebidensiya na mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literatura at
pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik.
 Ang empirikal na pananaliksik ay tumutukoy sa pangongolekta ng datos sa
pamamagitanng pakikipanayam, sarbey, at eksperimentasyon.
Mga Elemento ng Pangangatuwiran

 Ang dalawang elemento ng pangangatuwiran ay proposisyon at argumento.


 Ayon kay Melania L. Abad (2004) sa "Linangan: Wika at Panitikan' ang
proposisyon ay ang panayagna inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan. Ito
ang isang bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang katuwiran ng dalawang
panig. Magiging mahirap ang pangangatuwiran kung hindi muna ito itatakda
sapagkat hindi magkakaisa sa mga batayan ng isyu ang dalawang panig.
halimbawa ng proposisyon.

 Dapat na ipasa ang Divorce Bill upang mabawasan ang karahasan laban sa
kababaihan
 Nakasasama sa pamilya ang pag-alis ng isang miyembro nito upang
magtrabaho sa ibang bansa
 Mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang multilingual education kaysa
sa bilingual education.
argumento

 Ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging makatuwiran


ang isang panig. Kinakailanganang malalim na pananaliksik at talas ng
pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay ng mahusay na argumento.
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na
Tekstong Argumentatibo
 Mahalaga at napapanahong paksa.
 Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto
 Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto
 Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng
argumento
 Matibay na ebidensiya para sa argumento
 Bukod sa mga nabanggit, kailangan din na iwasan ang paggamit ng wikang
emosyonal.
 Huwag ding mag-imbento ng ebidensiya attiyaking banggitin ang pinagmulan
ng mga impormasyon at pagpapatunay.
 Pagbuo ng balangkas ng kabuuang teksto
Mga Estratehiya sa Pagsulat ng Isang
Mabisa at Retorikal na Argumento
 Ilatag ang lahat ng ideyang naiisip. Kung panig man sa tama o sa maling
pangangatuwiran,patunayan at magbigay ng mga pruwebang iyong
argumento. Gawing kritikal o nasa mataasna anyo ang mga ganitong uri ng
teksto. Hindi mapapaniwalaan ang isang argumento kungwala itong malalim
at kongkretong pagpapaliwanag, na kung saan, malinaw ang tama atlihis na
maipakikita ang mali.
 Sa paglalatag ng mga ideya, huwag kalimutan angmga ebidensiya o
dokumentong magpapatunay ngargumento. Upang manikayat sa isang
paniniwalabuhat sa argumento ang kausap, marapat na maymaipapakitang
patunay.
 Pabuod at pasaklaw ang paghahain ng mgaargumento pabuod o deductive at
palahatinductive. (Yapan & Oris, 2010)
Mahalagang Ideya

 Tandaan,hindi magiging argumentatibo ang isang teksto kung walang mga


ebidensiyangihahain o ipakikita

You might also like