You are on page 1of 10

TEKSTONG

ARGUMENTATIBO
Ipaglaban ang Katuwiran
TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Uri ng tekstong nangangailangang ipagtanggol


ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na
paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya
mula sa personal na karanasan kaugnay na
mga literatura at pag-aaral at pag-aaral,
ebidensiyang kasaysayan at resulta ng
empirikal na pananaliksik-tumutukoy sa
pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng
pakikipananayan, sarbey at eksperimentasyon.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Kailangan ng masusing imbestigasyon sa pagsulat ng tekstong


argumentatibo
Pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensiya
Paninindigan ang isang posisyon na isusulat sa maikli ngunit
malaman na paraan.
Kailangan ang detalyadong pag-aaral sa paksa o isyu.
Kailangang pumili ang mananaliksik ng matibay na
ebedensiya.
May malinaw na tesis at ginabayan ng lohikal na
pangangatwiran.
Layunin nitong ipahayag ang opinyon ng manunulat sa isang
tiyak na isyu.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Mga Elemento
a. proposisyon- pahayag na inilalahad upang
pagtalunan o pag-usapan.
- pinagkasundu ng dalawang
panigang paksa bago ilahad ang
katuwiran.
Hal.
a. Dapat ipasa ang divorce bill upang mabawasan ang karahasan laban sa kababaihan
b. Nakakasama sa pamilya ang pag-alis ng isang miyembro nito upang magtrabaho sa
ibang bansa.
c. Mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang multilingual education kaysa sa
bilingual education
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Mga Elemento
b. argumento- paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging
makatwiran ang isang panig.
-kailangang may malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa proposisyon
upang makapagbigay ng mahusay na argumento.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo
a. Mahalaga at napapanahon ang paksa
-pag-isipan ang ibat ibang napapanahon
at mahahalagang isyu na may bigat at
kabuluhan.
-may interes sa paksa
-pag-isipan ang makatwirang posisyon na
masusuportahan ng argumentasyon at
ebidensiya
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo
b. Maikli ngunit malaman at malinaw na
pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto.
- sa unang talata, ipinaliliwanag ng
manunulat ang konteksto ng paksa sa
pamamagitan ng pagtalakay nito sa
pangkalahatan.
-tinatalakay din ang kahalagahan ng paksa at
kung bakit kailangang makialam sa isyu ang
mga mambabasa.
- gumamit ng introduksiyon na makakakuha ng
atensiyon ng mga mambabasa
hal. Estadistika
makabuluhang sipi mula sa prominenteng tao
anekdota na may kinalaman sa paksa.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo
c. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng
mga bahagi ng teksto.
-ito ang magpapatatag ng pundasyon ng
teksto.
-lohikal dapat ang pagkakaayos ng kaisipan
para makasunod ang mga mambabasa sa
argumento ng manunulat.
-nakatutulong ang transisyon upang ibuod ang
ideya sa nakaraang bahagi ng teksto at magbigay
ng introduksiyon sa susunod na bahagi.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo
d. Maayos na pagkasunod-sunod ng talatang
naglalaman ng mga ebidensiya ng argumento.
-bawat talata ay tatalakay sa iisang pangkalahatang ideya lamang.
-Nagbibigay linaw at direksiyon sa teksto.
-Maikli ngunit malaman upang mas madaling maunawaan ng
mambabasa.
-lohikal na koneksiyon ng bawat talata sa kabuuang tesis ng teksto.
-maipaliwanag kung paano at bakit nito sinusuportahan ang tesis.
-banggitin at ipalwanang din ang ibat ibang opinyon sa paksa
at ang kaukulang argumento para dito, lalo nat kung ito ay taliwas sa
sariling paninindigan.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo
e. Matibay na ebidensiya para sa argumento.
- kailangan ang detalyadon, tumpak at napapanahong mga
impormasyon mula sa pananaliksik na susuporta sa kabuuan tesis
IBA PANG KATANGIAN:
1. Iwasan ang paggamit ng wikang emosyonal.
2. Iwasang mag-imbento ng ebidensiya at tiyaking banggitin ang
pinagmulan ng mga impormasyon at pagpapatunay.
3. Bumuo ng balangkas ng teksto upang makita ang kabuuang daloy
ng pangangatwiran at kung maayos ang pagkakaugnay nito.
4. Ihanda ang sarili sa pagtatanggol ng iyong punto sa pamamagitan
ng pag-alam sa pinakamalakas na argumento laban sa kabilang
panig.

You might also like