You are on page 1of 7

Ang Tekstong Impormatibo

Sa modyul na ito, inaasahang magagawa mong:

 Matukoy ang tekstong impormatibo ang mga paksang tinalakay nito.


 Makilala ang mga bahagi ng isang tekstong impormatibo at mabatid kung paano nakatutulong ang
mga ito upang matukoy kung ang isang teksto ay nasa ganitong anyo.
 Magamit ang tekstong impormatibo bilang pangunahing sanggunian ng mga bagong impormasyon na
magbibigay ng dagdag-kaalaman.
 Maipaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa.
 Matukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang saliktang ginamit ng tekstong binasa.
 Maibahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong impormatibo.
 Makasulat ng isang tekstong impormatibo
 Maiugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa iba’t ibang disiplina ng karunungan at
sa tunay na buhay, halimbawa ay sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig.

Sa iyong buhay bilang isang estudyante o indibidwal na may kaalamang bumasa, tiyak na
nakapagbasa ka na ng iba’t ibang uri ng teksto. Mula sa mga aklat, diyaryo, at mga magasin
hanggang sa mga paskil sa mga kalsada, bumubungad sa iyo ang ibat’ ibang uri ng babasahing
nakadaragdag sa iyong kaalaman.

Tumutukoy ang tekstos sa anumang uri ng sulating mababasa ninuman. Mahalaga ang mga
teksto sa isang mananaliksik dahil ang mga ito ang nagiging batayan niya ng mga datos na kaniyang
isusulat.

Anumang tekstong mababasa ay may layunin. May mga tekstong ang layon ay magbigay ng
impormasyon, direksiyon, o paglalarawan. Ang pagkakabuo ng isang teksto ay naaayon sa layunin
Tekstong Mahalagang Ideya
nito. Impormatibo
Isa sa mga uri ng tekstong nagagmit bilang pangunahing Kinikilala ng isang
msanggunian ng isang mananaliksik ay ang tinatawag na matalinong mambabasa ang
tekstong impormatibo. Naglalahad ito ng mga bagong layunin ng tekstong kaniyang
binabasa. Sa pamamagitan
puntos o kaalaman tungkol sa isang paksa. Puno ito ng mga
ng pagkilala sa layunin ng
impormasyong bago sa kaalaman ng bumabasa. Karaniwan,
teksto, nahihimay niya ang
nagsasaad ito ng mga bagong pangyayari, datos at iba pang mga impormasyong
kaalamang makakatulong sa isang mananaliksik upang makukuha mula rito; bukod
mapagyaman ang kaniyang isinusulat na papel. Kadalasan, pa sa matataya miya ang
ang sumusulat ng isang tekstong impormatibo ay iyong may epekto ng nilalaman nito sa
sapat na kaalaman tungkol sa paksa. Ito ay dahil layunin ng kaniya, halimbawa ay kung
ganitong uri ng teksto mna patasin ang kaalaman ng magtitiwala siya sa
mambabasa tungkol sa isang paksa o konsepto at tulungan impormasyong makukuha
siyang maunawaan ito. mula rito.

Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik-11


Ang tekstong impormatibo ay tekstong di-piksiyon o hindi kathang-isip lamang. Anmg
nilalaman nito ay mula sa mga aktuwal na datos, katotohanan, o pangyayari. Kadalasan,
gumagamit ang tekstong impormatibo ng wikang pormal ng mga pangngalang pamabalana
(general nouns), at mga pandiwang hindi nalilinmitahan ng panahon (timeless verbs).
Naglalaman din ito kadalasan ng mga pagpapakahulugan at pagpapaliwanag. Dahil ditto,
inaasahang ang isang tekstong impormatibo ay may tumpak, wasto, napapanahon, at
makatotohanang nilalaman o imoprmasyon na batay sa mga tunay na datos at ipinahahayag sa
malinaw na pamamaraan.

May iba’t ibang impormasyong nakukuha mula sa isang tekstong impormatibo tulad ng mga
sumusunod:

1. Impormasyong hango sa isang sangguniang nasaliksik


Tinutukoy nito ang mga kaalamang mula sa nasaliksik ng sumulat ng tekstong
impormatibo. Kadalsan, itinuturing niya itong bagong kaalaman o kay naman ay dati na
makatutulong upang masuportahan ang isinasagwang pananliksik. Dahil malawak ang konsepto
ng kaalman, maging ang awput ng isang karunungan, nagagmit ang isang bagong tuklas na
konsepto bilang pangunahing impormasyon na magsisilbing bago sa pandinig o persepsyon ng
nagbabasa ng tekstong impormatibo.

2. Impormasyong natuklasan buhat sa tejkstong binabasa


Maraming teksto ang nagiging pangunahing sanggunian ng kaalaman. Nakukuha ang
mga ito dahil sa ginamit sa pagtalakay ng mga paksa sa isang teksto at malaon ay natutuklasam
at nagagmit sa iba pang pamamaraan ng pagsulat. Ito ang mga babasahing hindi matutukoy
bilang impormatibo sa teknikal na aspekto subalit dahil sa laman na mayroon sa bawat
pagtalakay, matutukoy na rin ito bilang isang pangunahing sanggunian – daan bilang maging
tekstong impormatibo.

3. Impormasyong nauugnay sa isang realidad na nagging impormatibo


May mga impormasyong nahahango sa isang teksto at nauugnay sa kasalukuyang estado
ng buhay na malaon ay nagagmit sa realidad.

4. Impormasyongbago buhat sa mas malalim pang pananliksik ng sumuat


Natutulungan ng pagbabasa at lubos na pananliksik ang pagtuklas ng mga kaalaman
buhat sa kakayahan ng isang manunulat. Naging batayan ang mga ito ng pagkuha ng mga
sanggunian at nakatatawid ang isang nananaliksik sa pagbuo ng kaniyang landas pananaliksik
bilang bagong kaalaman na hahamon sa kaniyang karunungan at pagkatao.

Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik-11


ILAPAT ANG NATUTUHAN 1.1 Basahin at Sagutin

Magsaliksik sa silid-aklatan o sa Internet ng isang tekstong impormatibo. Isang hallimbawa nito ay


ang Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino ni Prospero R. Covar na may kopya sa
Internet sa sumusunod na URL: https://bangkanixiao.files.wordpress.com/2012/09/covar-kaalamang-
bayang-dalumat-ng-pagkataong-pilipino.pdf

Suriin ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano-anong mga bagong kaalaman o impormasyon mang ipinakilala sa teksto?


2. Ano-anong mahahalagang salita ang ginamit sa teksto na nagdagdag ng kahulugan sa
ibinabahaging kaalaman.
3. Subuking tukuyin ang mga bahagi ng isang tekstong impormatibo ayon sa telstong iyong
binasa.

Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik-11


Kung mababasa at masusuri ang tekstong impormatibo, makikitang may mga bahagi ito na tanging taglay
lamang ng ganitong uri ng tektso. Narito ang mga bahaging tinutukoy, bagama’t hindi kialangang lagging
pinangangalanan o tinutukoy ang mga ito sa mismong teksto:

Panimula

Hindi maaaring mawala sa isang tekstong impormatibo ang panimula o background. Ito ang
magsisilbing hudyat ng pagpapakilala sa paksang mayroon ang isang tekstong impormatibo. Nakapaloob
ditto ang kagyat na datos na mayroon ang isang paksa maging ang historical na aspektong nakaplaibot
ditto. Maaaring may mga datos na ipinipresenta sa particular na paksang tinatalakay at iyon marahil ang
hudyat ng panimulang pagtatalakay sa paksa.

Pamungad na Pagtalay sa Paksa

Dito nakasaad ang buwelo ng pagtatalakay sa paksa. Maaaring karugtong ito ng panimula
hanggang sa unti-unti ng nasisimulan ang paghahain nng mahahalagang datos na mayroon sa isang
tekstong impormatibo.

Graphical Presentation

Ma smainam na maintindihan ang isang pagtalakay ng kahit na anong paksa kung lalagyan ng
graphical presentation ang pagtatalakay. Sa puntong ito, maaaring gumamit ng kahit na alin sa mga
sumusunod: matrix, mapa, kolum, graph, at mga katulad nito. Sa ganitong paraan, mas nagiging
malinaw ang isang pagtalaka dahil nabibigyan ng direksiyon ang mga puntong naisidiin sa mas biswal
na paraan. HUwag lamang kalimutan na lagyan ng label ang binubong graph dahil ito ang magtuturo
kung ano ang identidad ng graph na inilalagay.

Aktuwal na Pagtalakay sa Paksa

Dito nabubuo ang komprehensibong pagtalakay sa paksa. Karaniwan sa mga paksa,


nangangailanagn ng sanggunian upang masabing may sapat itong bias upang bias upang maging batayan
sa pagbuo ng isang pananaliksik.

Mahahalagang Datos

Hindi masasabing kompleto ang isang pagtalakay ng isang tekstong impormatibo kung walang
sapat na datos na magpapatunay kung ano ang kahalagahan ng tinatalakay ng paksa. Ang mga ito rin ang
magpapatunay hinggil sa kaayusan at kabuluhan ng teksto bilang isa sa mga pangunahing batayan ng
isinasagawang pananaliksik.

Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik-11


Pagbanggit sa ng
Mga Bahagi mga Sangguniang
Tekstong Ginamit
Impormatibo

Bahagi ng etika ng pagsusulat, lalo’t higit sa larangan ng pananaliksik, ang pagbanggit sa mga
sanggunian ng isinusulat. May mga format o anyong dapat sundin bilang pagsasaalang-alang sa mga
taong sumulat at nakapg-isip ng mga ideyang ginamit sa particular na teksto.

Paglalagom

Upang magkaroon ng sapat na pagkapit o pagkakaayon (consistency) sa isinasagawang


pagtalakay, marapat na magkaroon ng paglalagom sa isang tekstong impormatibo. Paraan ito upang
lubos na maintindihan ang pagtalakay.

Pagsulat ng Sanggunian

Sa bahaging ito inililista o isinusulat ang lahat ng pinagsanggunian nang kompleto at buo uo
ayon sa pagkakagamit nito sa loob ng teksto.

Paraan ng Pagpapahayag ng Impormasyong Tekstibong Impormatibo

Maaaring gumamit ng iba’t bang pamamaraan o esratehiya ang isang manunulat upang
matulungan ang mambabasa na makuha nang mabilis ang nilalamang impormasyon ng teksto.

Narito ang ilan sa mga pamamaraang ito

Mahalagang Ideya
 Pagbibigay-depinisyon ng mga salitang
bago sa mambabasa Nagiging mabisa ang tekstong
 Pagbibigay-diin (Hal., paggamit ng impormatibo kung naiparating
boldface o italics) sa ilang salita upang nito nang malinaw ang datos
Makita ito nang mabillis at impormasyonng ibinabahagi
 Paglagay ng talaan ng nilalaman, glosari, nito.
at indeks
 Paggamit ng mga grapikong pantulong,
ilustrasyon, tsart, at larawan.

Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik-11


ILAPAT ANG NATUTUHAN 1.2 Sa Tunay na Buhay

Track: Akademik

Ikaw ay manunulat sa isang magasin. Susulat ka ng tekstong impormatibo tungkol sa isang


paksang mahalaga sa kasalukuyan sa inyong komunidad. Tiyaking bawat bahagi ng isang
tekstong impormatibo ay makikita sa iyong sulatin kaya maging particular sa gamit ng mga
salita. Tiyakin ding wasto ang gramatika at iba pang mekaniks sa pagsulat. Ipapasa mo sa editor
ng magasin ang iyong artikulo. Narito ang kahingiang disenyo nila sa mga ipinapadalang
manuskrito.

 Nakasulat sa Microsoft Word o anumang word processing application.


 Double space
 Ang font ay Times New Roman, 12 pts.
 Hindi lalagpas sa limang pahina, pero hindi bababa sa tatlong pahina
 Nakalagay ang mga Sanggunian

SUBUKIN ANG NATUTUHAN

1. Bigyang-kahulugan
1. Bigyang-kahulugan
ang isang
ang tekstong
isang tekstong
impormatibo.
impormatibo.
2. Panno
2. Paano
naiiba naiiba
ang isang
ang tekstong
isang tekstong
impormatibo
impormatibo
sa pinakahuling
sa pinakahuling
tekstongtekstong
iyong iyong
nabasa?
nabasa? Magbigay ng isang tiyak na tekstong maihahalintulad sa tekstong
Magbigay
impormatibo.
ng isang tiyak na tekstong maihahalintulad sa tekstong impormatibo.
3. Ano-ano
3. Ano-ano
ang mgaangbahagi
mga bahagi
ng isang ng tekstong
isang tekstong
impormatibo?
impormatibo?
IlarawanIlarawan
ang nilalaman
ang ng
bawat nilalaman ng bawat
isa. Sa iyong isa.ano
palagay, Sa ang
iyong palagay, ano angbahagi
pinakamahalagang pinakamahalagang bahagi ng
ng isang tekstong
isang tekstong
impormatibo? impormatibo? Pangatuwiran.
Pangatuwiran.

Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik-11


PALAWAKIN ANG KAALAMAN

Sa iyong pananaliksik, maging maingat sa pagpili ng mga tekstong gagawing sanggunian.


Iminumungkahing gumamit ng mga akademikong dyornal na kalimitang inilalabas ng mga
unibersidad at kolehiyo. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Malay ng De La Salle University


2. Daloy ng De La Salle Univeristy
3. Loyola Schools Review ng Ateneo de Manila
4. Daluyan ng Univeristy of the Philippines
5. Scientia ng San Bed College

Nasa mattas na anyo at pamamaraan ang mga nabanggit bilang mga teksto na maaaring
pagsaligan ng bagong impormasyon o datos ng isinagawang pananaliksik. Para sa iba pang
tekstong impormatibo na mula sa lehitimong kalipunan ng mga sanggunian, bisitahin ang mga
sumusunod.

1. https://bangkanixiao.files.wordpress.com
2. Mga Dyornal:

Malay
http://www.dlsu.edu.ph/research/journals/malay

Loyola School Review


http://ls.ateneo.edu/system.php?LS=statisticpages&id=1201589435775

Tomas
http://www.ust.edu.ph/research/ust-center-for-creative-writing-and-literary-studies/

MAHALAGANG PAGKATUTO

Napakabisa ng tekstong impormatibo sa pagdaragdag ng sapat na kaalaman na nabuo mula sap ag-iisip
lamang sa isang paksa. Nakatutlong ang paggamit ng mga sanggunian upang mabigyan ng sapat na
kaalaman ang isang isinusulat o sinasaliksik na paksa. May sapat na mga datos hinggil sa anumang
paksa ang isang tekstong impormatibo. Naglalayon itong makapagbahagi ng mga kaalamang higit pang
mmakatutulong sa pagsusulat.

May mgabahgi ang isang tekstong impormatibo: panimula, pamungad na pagtalakay, graphical
presentation, aktuwal na pagtalakay, mahahalagang datos, pagbanggit sa mga sangguniang ginamit,
paglalagom, at pagsulat ng sanggunian.

Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik-11

You might also like