You are on page 1of 42

Pagbasa at Pagsusuri sa Ibat

Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik
Unang Linggo
Bb. Maycee
Aralin 1 - Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto

Layunin:
 1. Nasusuri ang binasang teksto batay sa uri nito
 2. Nailalapat ang mga tiyak na karanasan at kaalaman
kaugnay sa paksa
 3. Nalilinang ang kahusayan sa pagsusuri ng tekstong
binabasa
Balikan

Panuto: Isulat sa patlang kung anong uri ng teksto ang tinutukoy sa pahayag.

1. Ang tekstong ito ay may layuning kumbinsihin ang mga


mambabasa hinggil sa isang isyu.
Persweysib
2. Layunin nito na ipinta sa imahinasyon ng mga
mambabasa ang isang bagay, tao, lugar, pangyayari,
karanasan atbp.
Deskriptib
 3. Naglalahad ito ng proseso kung paano ginagawa
ang isang bagay o paano ito binubuo.
Prosidyural
4. Ang uri ng teksto na ito ay nagkukuwento ng mga
yugto ng pangyayari na maaaring piksiyon o di-
piksyon.
Naratib
5. Isang uri ng teksto na nagpapahayag ng katwiran sa
isang napapanahong isyu.
Argumentatib
Tuklasin

Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto


Tekstong Impormatib
Ang tekstong impormatib ay naglalahad ng mga bagong
kaalaman, pangyayari, paniniwala, at mga impormasyon. Ang
mga kaalaman ay sistematikong nakaayos at inilalahad nang
buong linaw upang lubos na maunawaan. Kadalasang
sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan,
sino, at paano.
Layunin nito na maging daluyan ng makatotohanang
impormasyon para sa mga mambabasa, sapagkat marami
ang nagtitiwala na may katiyakan ang mga impormasyon
sa mga ganitong uri ng teksto. Naniniwala ang mga
mambabasa na ang tekstong kanilang binabasa ay
nakapagbibigay liwanag sa mga katanungan sa kanilang
isipan.
Naglalahad ito ng mga pangyayari at karanasan ng
mga tao. Nakapagpapaliwanag din ito ng mga
konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari
at kapakipakinabang ang mga impormasyong
inilalahad nito.
Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng
impormasyon sapagkat napauunlad nito ang iba pang
kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala,
pagtukoy ng mga mahahalagang detalye, at
pagpapakahulugan ng impormasyon. Halimbawa nito ay
pagbabasa ng peryodiko, pakikinig at panonood ng balita,
mga kasaysayan, adbertismo atbp.
Tekstong Deskriptib
Ang tekstong Deskriptib ay isang uri ng paglalahad at
naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na paglalarawan.
Ang uri ng sulating ito ay naglalayon na makapagpinta ng
imahe sa hiraya ng mambabasa gamit ang limang pandama:
paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama.
Dito maipapamalas ng manunulat ang kaniyang husay at
kakayahan sa paglikha ng isang masining na
paglalarawan. Mainam kung mapukaw nito ang atensiyon
at maikintal sa isipan ng mga mambabasa ang
paglalarawan ng isang pangyayari, karanasan, bagay,
lugar, tao atbp. Halimbawa nito ay mga lathalain at mga
akdang pampanitikan.
Uri ng tekstong Deskriptib

1. Deskriptib Impresyunistik ay uri ng tekstong


naglalarawan na nanagpapakita lamang ng pansariling
pananaw o opinyon at personal na pakiramdam ng
sumulat.
2. Deskriptib Teknikal ay uri ng tekstong naglalarawan
na nagpapakita ng obhetibong pananaw sa tulong ng
mga tiyak na datos, mga ilustrasyon, at dayagram.
Tekstong Persuweysib
Ang tekstong nanghihikayat o tekstong persuweysib ay naglalahad
ng mga mga payahag upang makapanghikayat o makapangumbinsi
sa mga tagapakinig o mambabasa. Ito ay may layunin na maglahad
ng opinyon upang ang manunulat o tagapagsalita ay makahihikayat
ng mga mambabasa o tagapakinig na maniwala sa kanyang
posisyon o punto de vista hinggil sa isang paksa.
Kailangang sapat ang katibayan o patunay upang
suportahan ang isang isyu, paksa, o kaisipan nang
sa gayon ito ay maging kapanipaniwala. Ang mga
halimbawa nito ay ang mga patalastas, talumpati,
editoryal, at sanaysay.
Ito ay nahahati sa tatlong elemento ayon kay Aristotle:
1. Ethos hango sa salitang Griyego na nauugnay sa
salitang Etika. Ito ay tumutukoy sa kredibilidad o
personalidad ng manunulat o nagsasalita. Ang mga
mambabasa ang magpapasya kung kapani-paniwala o
karapat-dapat na panigan ang tagapanghikayat.
2. Logos salitang Griyego na Logos ay tumutukoy
sa pangangatwiran o lohika na pagmamatuwid ng
manunulat o tagapagsalita.
3.Pathos tumutukoy sa emosyon o nararamdaman
o saloobin ng mambabasa o tagapakinig.
Tekstong Naratib
Ang pagsulat nito ay maaaring batay sa obserbasyon o
nakita ng may akda, maaari din namang ito ay nanggaling
mula sa sarili niyang karanasan. Ito ay maaaring hinango sa
totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling
lamang sa kathang-isip ng manunulat (piksyon).
Ang tekstong naratib ay isang uri ng tekstong naglalayong
magkuwento o magsalaysay. Ito ay nagpapakita ng mga
impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari na maaaring
nakita, hango sa sariling karanasan, totoong kaganapan o di-
piksyon, maaari ding likhang isip lamang ng manunulat o piksyon.
Layunin nito ay makapagbigay–aliw o manlibang sa mga
mambabasa. Ang halimbawa ng tekstong naratib ay ang maikling
kuwento, alamat, at nobela.
Mga bahagi ng Tekstong Naratib:

1. Ekposisyon o impormasyon tungkol sa pangunahing tauhan at


tagpuan.
2. Mga komplikasyon o kadena ng kaganapan, dito nakikita ang
pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento, ang papataas
na aksiyon, rurok, at pababang aksiyon.
3. Resulusyon o denouement ay ang katapusan o huling bahagi
ng kuwento dito nabibigyang solusyon ang tunggalian o suliranin.
Tekstong Prosidyural
Ang tekstong prosidyural ay nagpapaliwanag kung paano
ginagawa o binubuo ang isang bagay. Naglalahad ito ng wastong
pagkakasunod-sunod ng mga hakbangin, proseso o paraan sa
paggawa. Layunin nito na makapagbigay ng malinaw na
instruksiyon o direksiyon upang maisakatuparan nang maayos
at mapagtagumpayan ang isang makabuluhang gawain.
Ang halimbawa nito ay mga paraan sa pag-
aasemble ng bagay o kagamitan, resipi sa
pagluluto atbp.
Tekstong Argumentatib
Tekstong argumentatib ay naglalayong manghikayat,
naglalahad ito ng mga oposisyong umiiral na
kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangang
pagtalunan o pagpapaliwanagan. Ang ganitong uri ng
teksto ay tumutugon sa tanong na bakit.
Gabay sa Pagbasa at Pagsusuri ng mga Teksto

Mahalaga ang pagsusuri sa anomang babasahin upang


makilala ang uri ng tekstong ating babasahin. Mainam
na magamit natin ang ating kaalaman sa pagsusuri ng
teksto ayon sa kabuuan nito. Maaari nating gamitin ang
mga pamamaraan sa pagbasa na ating natutuhan gaya
ng iskiming, iskaning, kaswal, komprehensibo, atbp.
Karaniwan na sa isang mambabasa na sinusubukang paraanan o
iiskan ang kabuuan ng isang akda upang tayo ay makakuha ng
idea bago natin ito tuluyang basahin. Kumokonsulta din tayo sa
mga talaan ng nilalaman upang mabatid kung ang akdang ating
babahasin ay may kaugnayan sa mga katanungang hinahanapan
natin ng kasagutan, Mainam din na mabatid muna kung ang
nilalaman ng isang teksto ay angkop o akma sa uri o antas ng
mambabasa nito.
Mahalaga din na mabatid ang layunin, nilalaman, at maging kung
sino ang sumulat ng teksto upang matukoy ang kapakinabangang
hatid nito.
Sa pagbabasa o pakikinig mainam na masuri ng mambabasa o
tagapakinig kung ano at paano isinulat o iniulat ang isang teksto.
Kung ang isang teksto ay kakikitaan ng mahalagang impormasyon
mainam na ito ay hanapan ng katibayan ng konsepto sa paglalahad
ng akda.
Gayundin ang pag-unawa o pagpapakahulugan
ng mga salitang ginamit, ang pagsasaalang-alang
sa paraan ng pagkakasulat ng akda, at pag-unawa
sa nilalaman ng teksto, maging ang katuturan ng
akda sa disiplinang kinabibilangan nito
Suriin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa


naunawaan sa tinalakay na aralin.
1. Ano-ano ang mga layunin ng mga uri ng teksto?
2. Bakit mahalagang mabatid ng isang mambabasa
ang uri ng tekstong binabasa?
3. Sa iyong palagay makatutulong ba sa iyo ang
pagtukoy sa uri ng binabasang teksto? Bakit?
Pangatwiranan.
Pagyamanin

GAWAIN 1

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng teksto ang mga


sumusunod na pahayag. Isulat sa kuwarderno ang
sagot.
1. Dahil sa pagpapatupad ng gobyerno ng Enhance
Community Quarantine (ECQ) sa bansa
inerekomenda ng Energy Regulatory Commission
(ERC) na baguhin ng mga power distributors ang
singilin sa kuryente.
IMPORMATIB
2. Pagkailangan ng gamot, ‘wag mahihiyang
magtanong. Kung may Right Med ba nito?
PERSWEYSIB
3. Puno ng sapot at agiw, puno ng alikabok ang
mga muwebles na natatakpan ng puting kumot.
DESKRIPTIB
4. “O pagsinang labis ng kapangyarihan
sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw!
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
hahamaking lahat masunod ka lamang.”
NARATIB
5. Adobong manok at baboy
A. Hiwain ang manok at baboy ayon sa nais na laki nito.
B. Ihanda ang mantika, bawang, at sibuyas
C. Gisahin ang bawang hanggang sa lumabas ang lasa at amoy nito.
D. Ihalo ang manok at baboy at hayaan muna itong magisa ng mga hanggang tatlong minuto.
E. Maaari mo nang ilagay ang mga natitirang sangkap: suka, toyo, dahon ng laurel, paminta, asin, at tubig para
makatulong sa pagpapalambot ng mga karne.
F. Maaari ninyong tikman ang adobo para malaman kung sakto na ang alat at asim nito. Maaari rin maglagay ng
asukal para sa mga nais na manamis-namis ang kanilang adobo.
G. Ang iba ay naglalagay ng patatas o pinya sa kanilang adobo, depende rin ito sa inyong panlasa.
PROSIDYURAL
Add a Slide Title - 2
Add a Slide Title - 3
Add a Slide Title - 4
Add a Slide Title - 5

Click icon to add picture

You might also like