You are on page 1of 11

Tekstong

Impormatibo
Tekstong Impormatibo

 isang uri ng paglalahad na nagbibigay ng


mahahalagang impormasyon tungkol sa isang
paksa. Isang katangian nito ang pagiging
makatotohanan ng teksto. Ang mga kaalaman
ay may pinagbabatayan. Maaaring pinag
aralan, sinaliksik bunga ng eksperimento o tunay
na naranasan ng tao. Makikita sa tonong
seryoso, hindi nahahaluan ng personal na
karanasan, damdamin o opinyon ng may akda.
Katangian ng Tekstong
Impormatibo
 Tiyak – ang impormasyon na binibigay ay dapat
ang mga mahahalagang detalye at ito ay
spesipiko.
 Pokus – dapat ito ay nakapokus sa isang paksa.
 Ang mga impormasyon at kabatiran ay hindi
nakabase sa opinyon ng may akda kundi sa
makatotohanang datos o ukol sa paksa.
Elemento ng Tekstong Impormatibo

 Layuning ng may Akda – maaring magkaiba ang


layunin ng may akda sa pagsulat. Maaring ang
layunin niya ay mapalawak pa ang kaalaman
ukol sa ating mundo; maunawaan ang mga
bagay na mahirap ipaliwanagg; matuto ng
maraming bagay ukol sa ating mundo;
magsaliksik; at mailahad ang mga yugto sa
buhat ng iba’t ibang bagay.
 Pangunahing Ideya
dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya
sa mga mambabasa. Nagagawa ito sa
pamamagitan ng paglagay ng pamagat sa
bawat bahagi.

 Pantulong Kaisipan – mahalaga na rin ang


paglalagay ng angkop na mga pantulong
kaisipan o mga detalye upang mabuo sa
kaisipan ng mambabasa ang pangunahing
ideyang nais matanim o maiwan sa kanila.
 Mga istilo sa pagsulat, kagamitan at
sangguniang magtatampok sa mga bagay na
binigyang diin – makatutulong sa mga mag-
aaral na magkaroon ng mas malawak na pag-
unawa sa binabasang tekstong impormatibo
ang paggamit ng mga estilo o
kagamitang/sangguniang magbibigay diin sa
mahahalagang bahagi ng teksto.
Gabay sa Pagbasa ng Tekstong
Impormatibo
Layunin ng may-akda
 hangarin ng may akda
 Kalinawan ng impormasyon
 impormasyong nais ipaalam
 Mga Pangunahin at
suportang ideya
 tungkol saan ang teksto?
 panguhahing ideya
Talasalitaan
 Tamang salitang ginamit o teknikal
 Naibigay ba ang kahulugan ng mga
teknikal na salita?
 Kaugnay na terminolohiya sa teksto
Kredibilidad ng Impormasyon
 Bagong kaalaman
 Sapat na suportang detalye
 Pinagkuhanan ng ideya
 Mapagkakatiwalaan
 Mapapatunayan
Paghahanda para sa Pagsulat ng
Tekstong Impormatibo
Sa pagsusulat ng Tekstong Impormatibo, may mga bagay tayo na
dapat isaalang-alang, ito ang mga sumusunod:
1. Isang tiyak na paksa lamang ang tinatalakay rito, kung magkaroon
ng kaugnay na paksa, dapat na makita ito sa kasunod na talata.
2. Kadalasang may simula, gitna at wakas na bahagi ang isang
tekstong impormatibo.
3. Sa pagsulat ng tekstong impormatibo, tandaang ihanay nang
maayos ang mga salita at piliing mabuti at isama lamang ang
tiyak na mahahalagang salita.

You might also like