You are on page 1of 9

Ang

Tekstong Impormatibo
Layunin:

• Ang mga mag-aaral ay makapagbigay ng mga tiyak na impormasyon


at kaisipan sa binasang teksto.

• Ang mga mag-aaral ay maibibigay ang tono ng teksto at iba pang


saklaw nito.

• Ang mga mag-aaral ay masusuri ang uri at katangian ng tekstong


impormatibo.
Tektong Impormatibo

- Ito’y naglalayong magpaliwanag.


- Ito’y naglalaman ng impormasyong makatotohanan, obhektibo at
mabeberipika.
- Hindi ito naglalaman ng opinyon.
- Ang katotohanan ay di mapapasubalian, tinatanggap ng lahat at mabeberipika.

Halimbawa:
• Dyaryo
• Alamanac
• Ensayklopedia
• Rekord na mga historikal
Mga Uri ng Tekstong Impormatibo

Pagbibigay-katuturan o Paghahambing at
Enumerasyon o Pag-iisa
Depinisyon Pagkokontrast

Sikwensyal-
Problema at Solusyon Sanhi at Bunga
Kronolohokial
Elemento ng Isang Tekstong Impormatibo

1. Layunin ng May-akda
 Ang layunin ay mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o paglalahad ng impormasyon.

2. Pangunahing Ideya at pantulong na kaisipian


 Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi - tinatawag din itong
educational markers na nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang
pangunahing ideya ng babasahin.

3. Pantulong na Kaisipan
 Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong kaisipan o mga detalye upang
makatulong na makabuo sa isipan ng mga mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang
matanim o maiwan sa kanila.

4. Estilo sa pagsusulat, kagamitan/sangguniang nagtatampok sa mga bagay o impormasyon


 Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng malawak na pangunawa sa binasang teskto.
 Paggamit ng mga nakalarawang representasyon.
 Pagbibigay-diin sa sa mahahalagang salita sa teksto
 Pagsulat ng mga talasanggunian
Mga Konseptong Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Tekstong Impormatibo

 Ang tekstong impormatibo ay naglalayong maglahad ng mga tiyak na


impormasyon at mahahalagang detalye na may lohikal na paghahanay/
 Isang tiyak na paksa lamang ang tinatalakay nito. Kung magkakaroon ng kaugnay
na paksa dapat na makita ito sa kasunod na talata.
 Sa pagbasa ng tekstong impormatibo magkaroon ng pokus sa mga impormasyon
ipinapahayag. Isulat ito kung kinakailangan.
 Sa pagsulat ng tekstong impormatibo tandaang ihanay nang maayos ang mga salita,
piliing mabuti ang mga tiyak at mahahalagang salita lamang.
 Gumagamit ang tekstong impormatibo ng mga teksto mula sa mga respetado at
mapapanaligang sanggunian kaya kaugnay sa intellectual poperty rights nararapat
na banggitin ang may-akda nito.
Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng tekstong impormatbo:
1. Isang tiyak na paksa lamang ang lamang ang tinatalakay rito, kung magkaroon ng
kaugnay na paksa dapat na makita ito sa kasunod na talata.

2. Kadalasang may simula, gitna at wakasna bahagi. Ang simula ay pambungad na


nagpapahayag ng pangunahing ideya. Ang katawang bahagi ang magsisilbing batayan
ng pag-oorganisa ng mahahalagang impormasyo na nakabatay sa katotohanan, ito rin
ay pantulong na ideya sa kaisipan ng paksa. Ang wakas ay binubuo lamang ng isang
talata bilang kongklusyon ng may-akda.

3. Sa pagsulat ng tekstong impormatibo, tandaang ihanay nang maayos ang mga salita
at piliing mabuti at isama lamang ang tiyak na mahahalagang salita.
TANDAAN:

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng paglalahad na


nagbibigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang paksa.

Maaaring pinag-aralan, sinaliksik bunga ng eksperimento o tunay


na naranasan ng tao.

Makikita sa tonong seyoso, hindi nahahaluan ng personal na


karanasan, damdamin o opinyon ng may-akda.
Salamat sa pakikinig!

You might also like