You are on page 1of 29

Layunin

Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang kalikasan,
layunin at paraan ng pagsulat
ng iba’t ibang anyo ng sulating
ginagamit sap ag-aaral sa iba’t
ibang larangan (Akademik).
Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusulat ng sulatin batay
sa maingat, wasto at angkop
na paggamit ng wika.
“ Kanlungan ni Noel
Cabangon”
1. Ano ang nilalaman ng naturang awitin?
Isalaysay.
2. Anong simbolo na kakatawan sa mensahe o
aral na napulot mo sa naturang awitin ?
Ipaliwanag.
3. Pumili ng isang salita o linya na nakaantig sa
iyong damdamin? Ipaliwanag.
Mga Layunin:
1. Natutukoy ang katuturan ng replektibong
sanaysay.
2. Nasusuri ang nilalaman ng isang akda.
Replektibong Sanaysay
Isang akademikong sulatin na
nagsasalaysay ng mga
personal na karanasan.
Sinusuri ang naging epekto ng
mga karanasang iyon sa
manunulat.
Maaaring lalamanin nito ang
kalakasan at kahinaan ng
manunulat.
Isinasalaysay at inilalarawan din
ng manunulat kung paano
mapaunlad ang kanyang mga
kalakasan at kung paano niya
napagtagumpayan o balak
pagtagumpayan ang mga
kahinaan.
Bunnz – Ang replektibong sanaysay ay
mapanuri, mapanuya, nagpapatawa,
pampolitika, pangkasaysayan, pampilosopiya,
pampanitikan, panggunita, pangkabutihang
asal at iba pa.

Cruz – sumasagisag sa ipinapabatid na tema,


estruktura at punto de vista ng sanaysay.
Kori Morgan – nagpapakita ng personal na paglago
ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan
o pangyayari.

Michael Stratford – pagbabahagi ng mga bagay na


naisip, nararamdaman, pananaw at damdamin
hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha
ng epekto sa taong sumusulat nito.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat:
1. Mga iniisip at Reaksyon
2. Buod
3. Organisasyon
Gabay sa Pagsulat
1. Maaaring magsulat isa hanggang dalawang
pahina lamang.
2. Huwag magpaligoy-ligoy
3. Magbigay ng mga konkretong halimbawa o
pangyayari.
4. Maaaring gumamit bg wikang pormal o
kumbensyonal.
5. Huwag babalewalain ang mga tuntunin sa
pagsulat bagaman ito ay isang personal na gawain.
5. Kilalanin o banggitin ang mga ginamit na
sanggunian.
6. Maglagay ng isang kawili-wiling pamagat.
7. Gumagamit ng unang panauhan o punto de
vista.
8. Ipaloob ang sarili sa micro (maliit) at macro (
(malaki) na lebel ng pagtingin sa mga
konseptong tinatalakay.
Mga Hakbang sa Pagsulat
1. Pumili ng paksa.
2. magsagawa ng pagbabasa, pagsasaliksik o mag-isip
pa ng mahahalagang bagay upang mapalawak ang
kaalaman sa paksang napili.
3. Sumulat ng borador.
4. Isulat ang unang rebisyon ng iyong sulatin.Bigyang
pansin ang panimula at pagwawakas ng talata.
5. Ilista ang lahat ng naiisip at ideya tungkol sa paksa
6. Basahing muli ang burador. Maaaring magbura o
magdagdag ng mga detalye kung kinakailangan.
7. Suriin ang nirebisang sulatin upang matiyak
ang baybay, bantas at ilan na pagkakamali sa
naturang sulatin.
8. Isulat ang pinal na dokumento.
Mga Bahagi ng Replektibong Sanaysay
1. Introduksyon
- dapat na makapukaw sa atensyon ng mambabasa.
2. Katawan
- ilahad ang mga pantulong o kaugnay na mga kaisipan
tungkol sa paksa o tesis na inilahad sa panimula.
3. Wakas o Kongklusyon
- muling banggitin ang pangunahing paksa at lagumin
ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo
magagamit ang iyong natutuhan sa buhay sa hinaharap.
Mga Dapat Isaalang-alang
1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa.
2. Gumamit ng unang panauhan. Gamitin ang
panghalip na ako, ko at akin sapagkat ito ay
nakasalig sa personal na karanasan.
3. Bagamat ito’y nakabatay sa personal na
karanasan, mahalagang magtaglay ito ng
patunay o patotoo batay sa iyong naobserbahan
o katotohang nabasa hinggil sa paksa.
4. Gumamit ng pormal na salita sa pagsulat,
tandaang ito ay kabilang sa akademikong sulatin.
5. Gumamit ng tekstong naglalahad. Gawing
malinaw at madaling maunawaan ang
pagpapaliwanag ng mga ideya at kaisipan upang
maipabatid ang mensahe sa mga babasa.
6. Sundin ang tamang estruktura.
7. Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat
ng mga talata.
Pangkalahatang Uri ng Sanaysay
1. Pormal – nagbibigay ng isang patalastas sa isang
paraan na maayos at mariin at bunga ng isang
maingat na pagtitimbang-timbang.
- tinatawag din ito minsan na impersonal o
siyentipiko (binabasa upang makakuha ng
impormasyon).
2. Impormal – tinatawag din na pamilyar o personal .
- karaniwang may himig na nakikippag-usap o nais
magpakilala ng isang panuntunan sa buhay.
12 Natatanging Uri ng Sanaysay
1. Nagsasalaysay 7. Naglalarawan
2. Mapag-isip o di- kritikal 8. kritikal o mapanuri
3. Didaktibo o nangangaral 9. Nagpapa-alaala
4. Editoryal 10. Makasiyentipiko
5. Sosyo-political 11. Pangkalikasan
6. Bumabalangkas sa isang 12. Mapagdili-dili o
tauhan reflektibo
Gawain#2.
Sa pamamagitan ng venn
diagram ay ipaghambing ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng
REPLEKTIBONG SANAYSAY AT
LAKBAY-SANAYSAY.
Basahin ang akdang BAKIT AKO NAGING
MANUNULAT? LM, pp. 134-139
At gumawa ng replektibong sanaysay
tungkol dito.

DEADLINE: MARCH 14, 2024

You might also like