You are on page 1of 7

PPITTP

Tekstong Impormatibo

- Ang tekstong impormatibo ay kilala rin na “EKSPOSITORI” ay isang uri o tawagang pagpapahayag
na nagbibigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang paksa.

- sinasagot sa tanong na ‘ano,’ ‘kailan’, ‘saan’, ‘sino,’ at kung minsan ay ‘paano.’ 

• Mahalaga ang katumpakan ng nilalaman at mga datos sa isang tekstong impormatibo at


kinakailangang ito ay napapanahon.

Pagsulat ng Tekstong Impormatibo I Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng tekstong impormatibo:

• Simula- ay pambungad na pangungusap na nagpapahayag ng pangunahing ideya.

• Katawang bahagi,- magsisilbing batayan ng pag-oorganisa ng mahahalagang impormasyon na


nakabatay sa katotohanan, ito rin ay pantulong na ideya sa kaisipan ng paksa.

• Wakas -ay binubuo lamang ng isang talata bilang kongklusyon ng may-akda.

Mga uri ng Tekstong Impormatibo

• Sanhi at Bunga - isang uri ng tekstong impormatibo na nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay


ng pangyayari.
-Ipinapaliwanag nito ang malinaw na relasyon sa dalawang bagay na nagbibigay ng
pokus sa kung bakit nangyari ang mga bagay (sanhi) at ang ang resulta nito (bunga).

• Paghahambing - Ito ay nagpapakita ng pagkakaiba o pagkakatulad sa pagitan ng kahit anong


bagay, konsepto, at maging pangyayari.

• Pagbibigay-depinisyon - Ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang salita, termino, o


konsepto.

• Pagkaklasipika- Sa tekstong ito, ang malawak na paksa ay hinahati sa iba’t ibang kategorya
upang magkaroon ng Sistema ang talakayan
Mga kasanayan sa pagbasa ng tekstong impormatibo
1. Pagpapagana ng mga imbak na kaalaman - Pag-alala ng mga salita at konseptong dati nang alam
na ginagamit sa teksto upang ipaunawa ang mga bagong impormasyon sa mambabasa.

2. Pagbuo ng mga hinuha - Pagbasa ng mga bahagi ng teksto na hindi gaanong malinaw sa
pamamagitan ng pag-uugnay nito sa iba pang bahagi na malinaw.

3. Pagkakaroon ng mga mayamang karanasan - Mahalaga na may malawak na Karanasan o


kaalaman sa pagbasa ng teksto na huhubog sa ating kaisipan.
Tekstong Deskriptibo

-Ang Tekstong Deskriptibo ay nagtataglay ng mga kaukulang detalye sa katangian ng isang tao
lugar, bagay, hayop o pangyayari

-Layunin ng sining ng deskripsyon na magpinta na makapupukaw sa isip at damdamin ng mga


mambabasa

Gumagamit din ng manunulat ng iba pang paglalarawan tulad ng pangngalan, pandiwa, tayutay,
pagwawangis, pagsasatao at iba pa

-Ang Tekstong Deskriptibo ay laging kabahagi ng iba pang uri ng teksto, particular sa tektong
naratibo at prosidyural

Katangian ng Tekstong Deskriptibo

1.Ito ay may malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga mambabasa. Sa paglikha ng


dominante at pangunahing impresyon, dapat na magdesisyon ang manunulat kung ano ang mas
magsisilbi sa kuwentong kaniyang ilalahad

2.Ito ay maaaring obhetibo o suhetibo.

– Ang Obhetibong paglalarawan ay mga direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan at


di mapasusubalian.

-Ang Subhetibong Paglalarawan naman ay maaaring kapalooban ng matatalinghagang


paglalarawan at naglalaman ng personal na persepsiyon o kung ano ang nararamdaman ng manunulat
sa inilalarawan

3. Ang Tekstong Deskriptibo ay mahalagang espisiko at maglaman ng mga konkretong detalye. Ang
Pangunahing Layunin nito ay maipakita at iparamdam sa mambabasa ang bagay o anomang paksa na
inilalarawan

Uri ng Tekstong Deskriptibo

1. Deskripsyong Teknikal – Ito ay naglalayong magbigay ng paglalarawang detalyado at gumagamit


ng mga eksaktong salita sa pagbibigay ng katangian
2. Deskripsyong Karaniwan – Uri ng paglalarawan sa pamamagitan ng pagbibigay ng
impormasyong pangkalahatan at marami tao o bagay ang nagtataglay ng ganoong katangian
3. Deskripsyong Impresyonistiko- Pagbibigay ng paglalarawan sa pamamagitan ng pansariling
pananaw, opinion, o saloobin sa isang tao. Ito ay karaniwang iba sakaniyang kapuwa at hindi
itinuturing na lubhang totoo dahil ito subhektibong pananaw lamang
Uri ng Tekstong Deskriptibo
1. Paglalarawan Sa tauhan
2. Paglalarawan sa Damdamin at emosyon
3. Paglalarawan sa Tagpuan
4. Paglalarawan sa Mahalagang Bagay
Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo

1. Pagpili ng paksa – Kailangang may malawak na kaalaman sa paksa, kawili-wili at hindi palasak
2. Pagpili sa sariling pananaw-Ang kinaroroonan ng naglalarawan ay may kinalaman sa ginagawang
paglalarawan
3. Pagbuo ng pangunahing larawan – Mahalagang magbigay muna ng batayang larawan upang
maipakita kakayahan o identidad na naiiba sa kauri ng inilarawan
4. Pagpili ng mga sangkap- Ito ay pagsasama ng mga bahagi o katangian ng isang bagay na
makatutulong upang maging malinaw ang larawan

Photo Essay o Larawang-Sanaysay – Naglalayong maipabatid ang nilalaman ng isang akda sa


pamamagitan ng mga nakahanay na larawan na sinusuportahan ng mga deskripsyon o kapsyon

-Koleksyon o limbag ng mga imaheng nagkakasunod-sunod na ipinapahayag ang mga


pangyayari, damdamin at mga konsepto sa pinakapayak na paraan

Dalawang Sangkap ng Photo Essay o Larawang Sanaysay


-larawan -kapsyon

Pagbasa – Isa sa apat na kasanayang pangwika

-Ito ay pagkilala at pagkuha ng mga idea at kaisipan sa mga nakatimbag na simbolo

-PAgbasa at pagsulat

Ang Gawaing Ito ay isang pangkaisipang hakbang tungo sa pagkilala pagpapakahulugan at


pagtataya sa mga isinulat ng may Akda

Anderson Et al. 1985-

Mga Nililinang na kasanayan Dahil Sa pagbasa :

1.Pagtukoy sa mga pangunahin at kaugna kaisipan

2.Pagbuo ng Isang palagay

3.Pagkilala sa Layunin at Damdamin ng may akda

4, Pagkilala sa huwaran ng pagbubuo ng isang teksto

5, Pagbuo ng wakas at konklusyon

Intensibo – Pagbabasa ng malawakan para sa isang partikular na pokus o layunin

Hal. Pagbabasa ng mga reperensiyang gagamitin sa isang pananaliksik

Ekstensibo – Pagbabasa nang walang tiyak na pokus o layunin karaniwang itong pampalipas
Skimming-mabilisang pagbabasa sa nilalaman ng isang teksto upang makuha ang kabuoang idea nito
Scanning/iskaning- isang uri kakayahan sa pagbasa ay mabilisang pagbasa ng isang teksto na nag pokus
ay hanapin ang espesipikong impormasyong itinatakda

-Pangalan, petsa, simbolo

Balita – maaaring pasulat o pasalita sa mga pangyayaring naganap na, nagaganap o magaganap pa
lamang

Mga salik na Mahalaga sa Balita

-Mga pangyayari

-Kawilihan

-Mambabasa

Katangian

• May ganap na kawastuha


• Walang Kinikilingan
• Kaiklian
• Kalinawan
• Timbang-kaukulang diin sa bawat katotohanan

Anyo ng Balita

1. Tuwirang Balita – Isinusulat ito batay sa baligtad na piramide sa pinakamahalaga hanggang sa


pinakamaliit na kahalagahan ng balita
2. Balitang Lathalain-nababatay ito sa tunay na pangyayari ng katulad ng tuwirang balita. Ang
karaniwang ayos nito ay ang pinagpalibang pinakamahalagang pangyayari (suspended interest
structure)
3. Balitang Iisang Paksa – Iisang pangyayari o paksa ang taglay ng pamatnubay.
4. Balitang Maraming Itinatampo-Maraming paksa ang itinatampok sa patnubay

Hakbang sa Pagsulat ng balita

1. Isulat ng buod
2. Itala ang mga pangyayari ayon sa pababa o paliit na kahalagahan
3. Hanapin ang impormasyong itatampok sa pamatnubay
4. Isulat ang balita ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

Tanong

1. Ano ang nangyari ? 2. Sino ang kasangkot? 3. Saan nangyari? 4.Kailan nangyari?
5. Paano nangyari?

Grammatikal at Diskorsal

Diskurso/Anyo ng pagpapahayag - pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng


pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa.

-Ang karanasan ang isa sa maaaring pagkunan ng ideya, kaisipan, o repleksiyon ng isang
nagsusulat.

• Ang salitang diskurso ay mula sa wikang latin na discursus na nangangahulugang “running to and
from” na maiiugnay sa pagsasalita at pagsulat na komunikasyon.

Paraan ng Pagpapahayag

1. Paglalahad 2. Paglalarawan 3. Pagsasalaysay 4. Pangangatwiran

 Paglalahad/Ekspositor - Ito ang paglalahad o pagbibigay ng pagliwanag tungkol sa mga bagay-


bagay, saloobin, o kaisipan ng tao sa pang-araw-araw niyang pakikipagtalastasan.

-anyo ng diskurso kung saan nagpapahayag ang isang tao ng mga ideya, kaisipan at
impormasyon na sakop ng kanyang kaalaman upang magkaroon ng bago at dagdag na kaalaman ang
ibang tao.

-Layunin nito na madagdagan ang kaalaman ng tao tungkol sa mga bagay na nagaganap sa
kanyang kapaligiran.

Mga Katangian Ng Mahusay Na Paglalahad

1. Malinaw- maituturing na malinaw ang paglalahad kung ito ay agad na mauunawaan ng


mambabasa o tagapakinig.

2. Tiyak- nararapat na ang mismong tagapagpahayag ay magawang mapanindigan ang kanyang


pahayag.

3. . May kohirens- hindi magkakaroon ng halaga ang nilalaman ng akda kung ito ay hindi
naihahanay sa maayos na pamamaraan.
4. Emphasis- kailangang hindi malunod sa mga ideya ang mambabasa o tagapakinig ngunit mahalaga
ang mga karagdagang paliwanag upang mas maging epektibo ang paglalahad

Uri ng paglalahad/ekspositori

1. Sanaysay 2. Paglalahad ng proseso 3.Suring-basa o rebyu 4. Editorial 5. Balita o ulat

 Paglalarawan/Deskriptib - Ito ay ang Pagbibigay ng malinaw na imahen ng isang tao, bagay,


pook, o damdamin upang makalikha ng isang impresyon o kakintalan.

- Anomang bagay na ating nakikita, naririnig, nahahawakan, naaamoy, o nalalasahan ay


maaaring maging paksa ng isang sulatin o akda.

- Layunin nito na makalikha ng imahe sa isipan ng mambabasa o tagapakinig.

Uri ng paglalarawan

1. Karaniwang paglalarawan

- Dito ibinibigay lamang ang mga impormasyon kagaya ng pisikal na anyo, antas ng pamumuhay,
pag-uugali, at iba pa.

2. Masining na paglalarawan

- Pinapagalaw ng masining na paglalarawan ang guniguni ng bumabasa o nakikinig upang makita


ang isang larawang buhay na buhay.

 Pagsasalaysay/Naratib -Sentro ng mga pagpapahayag ang banghay (plot) o kuwento na


pinadadaloy sa kabuoan ng mga element tulad ng pangyayari, tagpuan, tauhan, at diyalogo
-Layunin nito, na mailahad ang mga detalyeng kalakip ng isang pangyayari sa isang maaayos at
sistematikong kaayusan.

Iba’t ibang uri ng pagsasalaysay

1. Maikli o mahabang kuwento/nobela


2. Talambuhay
3. Kuwento ng paglalakbay
4. Kuwento ng pakikipagsapalaran
5. Balita
Alamat, kwentong bayan, epiko, at iba pa

Elemento ng Pagsasalaysay
Simula- dito ipinapakilala o inilalarawan ang mga tauhan, tagpuan, o di kayay inilalahada agad
ang suliranin.
Saglit na kasiglahan- dito inilalahad ang panandaliang tagpo ng mga tauhan na masasangkot sa
suliranin.
Tunggalian- dito makikita ang pkikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning
kanyang kakaharapin.
ito ay mag apat na uri:
Tao laban sa tao
Tao laban sa sarili
Tao laban sa lipunan
Tao laban sa kalikasan
Kasukdulan- dito makikita ang mataas na bahagi ng kapanabikan na sanhi ng maaksyong
pangyayari ng pangunahing tauhan.
Kakalasan o falling action- dito ang mga problema o suliranin y unti-unti nang naaayos.
Ang problema ay nabibigyang solusyon.
Wakas- dito nagkakaroon ng kalutasan ang suliranin o kung ano ang kinahinatnan ng tauhan.

 Pangangatwiran/Argumentatibo - Ito ay isang paraan ng pagpapatunay sa isang katotohanan.


Ang layunin nito ay mang-akit at magpakilos o magpaganap.

Pangkalahatang uri ng pangangatwiran


1. Pasaklaw na pangangatwiran- nagsisimula sa malaking kaisipan tungo sa tiyak na kaisipan.
2. Pabuod na pangangatwiran- nagsisimula sa isang maliit na halimbawa patungo sa panlahat na
simulain.

You might also like