Professional Documents
Culture Documents
TEKSTO - Ito ay isang babasahin na naglalaman ng mga ideya tungkol sa iba't ibang tao o impormasyon tungkol sa mga
bagay bagay.
URI NG TEKSTO
TEKSTONG NARATIBO
Ang tawag sa teksto kung ito ay nasa anyo ng nagsasalaysay ay tekstong naratibo. Ang tekstong ito ay tila
nagkuwekuwento patungkol sa tiyak at pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Nilalayon din ng tekstong ito na
magbigay-kabatiran, o magbigay ng kawilihan sa mambabasa. Ang tekstong naratibo ay nagpapakita o nagbibigay ng
mga impormasyon tungkol sa isang tiyak na tagpo, panahon, sitwasyon at mga tauhan. Ito ay maaaring pasulat o
pasalita at nag-iiwan ng isang matibay na kongklusyon. Ang mga tekstong naratibo ay madalas na maga nobela o iba
pang mga akdang pampanitikan.
Di-Piksyon – Ito ay nakabatay sa personal na karanasan ng manunulat o maaaring isang kuwento ng isang tao.
Piksyon – Bunga ng malikhain at mayamang pag-iisip ng may akda.
Halimbawa: Ang Alamat ng Makopa
TEKSTONG IMPORMATIBO
Nagtataglay ng tiyak na impormasyon patungkol sa
bagay, lugar, o pangyayari. Hindi ito naglalaman ng
opinyon kung kaya ang tono ito ay kadalasang
obhetibo.
Ito rin ay kadalasang sumasagot sa mga tanong na ano,
sino at paano tungkol sa isang paksa. Masasabi ring ang
tekstong impormatibo ay hindi nagbibigay ng opinyong
pabor o sumasalungat sa posisyon o paksang pinag-
uusapan. Ang mga tekstong impormatibo ay ang mga
balita at iba pang talang pangkasaysayan.
Halimbawa: Balita
TEKSTONG DESKRIPTIBO
Ito ay isang tekstong naglalarawan, na naglalaman ng mga impormasyong may kaugnayan sa mga katangian ng tao,
bagay, lugar at pangyayaring mdalas nasasaksihan ng tao sa paligid. Ang mga tekstong deskriptibo ay madalas na mga
akdang pampanitikan o mga lathalain.
Uri ng Tekstong Deskriptibo
1. Deskripsiyong Teknikal – Naglalayon itong maglarawan sa detalyadong pamamaraan
Halimbawa:
Ang ngiting matipid ay bahagya lamang ang ginagawang pagkibot ng bibig.
Ang ngiting mapagbigay ay laging nakangiti
2. Deskripsiyong Impresyonistiko – Naglalayon itong maglarawan ayon sa pansariling pananaw personal na
saloobin.
Halimbawa:
Ang matamis na ngiti ay maaaring maghatid ng kasiyahan at maging simula ng magandang
pagkakaibigan.
Ang pagngiti ay nakatutulong upang magmukha kang bata.
PROSIDYURAL
May iba’t ibang teksto ang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pahayag, pangyayari o hakbang. Ito ay may
layunin na sumagot sa tanong na “paano”- paano binuo, paano gawin at paano nangyari. Ito ay tumutukoy sa mga
pamamaraan o hakbang ng pagsasagawa ng isang gawain o pagiisa-isa ng mga pangyayari. Ang mga tekstong
prosidyural ay madalas mga paggawa ng resipe o mga tekstong nagbibigay ng mga panuto guide.
Iba’t ibang Teksto na Nagpapakita ng Pagkakasunod-sunod
1. Sekwensyal – Tumutukoy sa serye o pagkakasunod-sunod ng mga bagay o gawaing magkakaugnay sa isa’t isa.
Karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang una, pangalawa, pangatlo, kasunod at iba pang kagaya.
2. Kronolohikal – Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng pahayag. Ang paksa ng tektsong ito ay mga tao o bagay na
inilalahad sa isang paraan batay sa isang tiyak na baryabol na tumutukoy sa edad, distansya, halada, lokasyon, bilang,
dami at iba pa.
Halimbawa: Resipe
AGRUMENTATIBO
Ito ay naglalahad ng paniniwala, pagkukuro, o pagbibigay ng pananaw patungkol sa isang mahalaga o maselang isyu.
Layunin nitong mahikayat ang mga mambabasang tanggapin ang mga argumentong inilahad sa pamamagitan ng mga
pangangatuwiran. Ang ganitong uri ng teksto ay kadalasang sumasagot sa tanong na bakit. Layunin din ng ganitong uri
ng teksto na mapatunayan ang katotohanang ipinahahayag nito. Ang mga tekstong argumentatibo ay ang mga editoryal.
Mga Bahagi ng Tekstong Argumentatibo
1. Panimula – Ang panimula ay kailangang maging mapanghikayat sa paraang mahusay na mailahad ang
pangkalahatang paksang tatalakayin at ang proposisyon (ang proposisyon ay isang pahayag na naglalaman ng isang
opinyon na maaaring pagtalunan).
2. Katawan – Lahat ng argumento tungkol sa inihaing proposisyon ay kailangang organisadong maihanay sa katawan
ng tekstong argumentatibo. Mahalagang may malawak na kaalaman ang manunulat ukol sa isyung tinatalakay, nang sa
gayon ay magtaglay ng bigat ang mga pangangatuwiran.
3. Konklusyon - Sa bahaging ito, nilatag ng sumulat ang kabuuan niyang pananaw ukol sa kaniyang proposisyon.
Kinakailangang matibay ang konklusyong binuo batay sa mga patunay na nabanggit sa katawan ng teksto.
Mga Paraan ng Pangangatuwiran
1. Pagsusuri – Ang paraang ito ay iniisa-isa ang mga
bahagi ng paksa upang ang mga ito ay masuri ng husto.
2. Pagtukoy sa mga Sanhi – Inuugat ang mga naging sanhi
ng mga pangyayari.
3. Pabuod – Sinisimulan sa maliliit na patunay patungo sa
paglahat, maaaring gawin sa pamamagitan ng pagtutulad,
pagtukoy sa mga sanhi ng pangyayari, at mga patunay.
4. Pasaklaw – Sinisimulan sa pangkalahatang katuwiran o
kaalaman at iisa-isahin ang mga mahahalang punto.
Halimbawa: Editoryal
TEKSTONG PERSUWEYSIB
Naglalayon itong manghikayat ng mga mambabasa o tagapakinig na karaniwang ginagamit sa mga radyo at telebisyon,
kung kaya’t nararapat na maging maganda ang nilalaman nito upang makuha ang interes ng mga mambabasa,
manonood o tagapakinig. Naglalaman ang tekstong ito ng mga nakagaganyak na salita, tulad na lamang ng mga dahilan
kung bakit dapat iboto ang isang kandidato o kaya kung bakit dapat bilhin ang isang produkto. Ang mga tekstong
persuweysib ay madalas nga mga propaganda at patalastas.