You are on page 1of 17

TEKSTONG REPERENSIYAL,

HINANGO SA IBANG KAALAMAN


Ito ay hinango sa mga kalipunan,
TEKSTONG REPERENSIYAL O sakop, o saklaw ng kaalaman ng
SANGGUNIAN tao na umaako ng mga antas ng
Ang tekstong reperensiyal o kahulugan at pagsasakonteksto
sanggunian ay mga tala ng ng diwa. Nagkakaroon ito ng
impormasyon, kaalaman, o maraming hubog ng kaisipan,
kaisipan na nagmula sa anomang pagkaunawa, at kaugnayan
publikasyon tulad ng aklat at sa sapagkat naipaliliwanag sa iba't
iba pang babasahin. Kadalasan, ibang konteksto. Ang kahulugan
gumagamit ang mga ito ng mga ng ekspresyon ng isang tekstong
marka o footnote upang itulay reperensiyal ay kung ano ang
ang mga mambabasa sa iba pang nilalaman at sino ang tumukoy
karagdagang impormasyon na nito.
maaaring mabasa, masuri, at
makuha.
• Kung gagawa ng
pagsasaliksik, mahalaga
na mangalap ng
impormasyon mula sa
iba’t ibang
mapagkukunan.
Ang sanggunian o
“reference” ay anumang
mapagkukunan ng
impormasyon upang
matiyak ang isang bagay.
Klasipikasyon Ng Tekstong Reperensiyal o
Sanggunian

1. Ang primaryang sanggunian ay
nagbibigay ng direktang katibayan
tungkol sa paksa na iyong
sinasaliksik. Ang mga
impormasyong makukuha sa
primarying sanggunian ay galing sa
mismong taong nakasaksi ng
pangyayari.
Klasipikasyon Ng Tekstong Reperensiyal o
Sanggunian
• Kung nagsasaliksik ka tungkol sa isang tao, bagay o pangyayari
sa kasalukuyan, maaari mong makuha nang direkta ang mga
impormasyong iyong kailangan. Maaari mong kapanayamin
ang taong paksa ng iyong pagsasaliksik. Ang isang halimbawa
pa nito ay ang pagtatala ng impormasyon tungkol sa isang
pangyayari sa pamamagitan ng pag-eeksperimento.

• Sa kabilang banda, kung nagsasaliksik ka tungkol sa isang


pangyayari sa nakaraan, hindi mo ito direktang masasaksihan
kaya kakailanganin mo ng mapagkukunan ng impormasyon na
ginawa sa oras na iyon ng mga saksi o kalahok sa pangyayaring
iyon. Ilan sa halimbawa nito ay talaarawan o “diary”, rekord ng
talumpati, larawan, at mga opisyal na dokumento.
Klasipikasyon Ng Tekstong Reperensiyal o
Sanggunian

2. Ang Sekundaryang
Sanggunian ay anumang bagay na
naglalarawan, nagsasalin o
nagsusuri ng impormasyon mula sa
primaryang sanggunian. Kabilang
dito ang mga dyaryo, libro, at
dokumentaryo.
Iba pang Uri ng Tekstong Reperensiyal o
Sanggunian
 
Abstrak
• Ito ay isang pinaikling pagbubuod ng
mahälagang nilalaman ng isang aklat, artikulo,
o ibang babasahin na kinapapalooban ng
pinakapangunahing pinupunto ng paksa
Maaari itong nagpapaliwanagj nagtuturo,
nagpapahiwatig, at nagbibigay-kaalaman na
nakasutat mula sa punto de vista ng may-ari.
 
KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK

                                                       Abstrak
       Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung
ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto:
emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang
sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at
ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga
respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang
bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na
may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta.
Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba
ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-
pasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa
pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-
aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na
salik kapag igrinupo sa estadong marital.
Almanac

 
• Ito ay isang taunang pagkalap ng mga
impormasyon, pangyayari, katotohanan,
petsa, at estadistika na napapanahon.
Isinasagawa ito upang magkaroon ng mabilis
na paghahambing o pagtutulad.
Bibliyograpiya
• Ito ay sistematikong listahan ng mga gawa na isinulat ng
isang tiyak na may-akda, listahan ng mga ginamit na
babasahin tulad ng sangguniang aklat, pahayagan,
magasin, journal, at iba pa. Ito ay maaaring maging
komprehensibo o selektibo„ Layunin nitong mailahad
ang pinanggalingan ng mga nakalimbag sa libro.
Matatagpuan dito ang pangalan ng may-akda na
nauuna ang apelyido, pamagat ng aklat/magasin,
artikulo, Pangalan ng magasin/pahayagan, lugar ng
pinaglimbagan, taon ng pagkalimbag at pahina.
Directory
• Listahan ito ng mga tao, lugar, organisasyon
kompanya, institusyon, at iba pa na
naghahatid ng impormasyon at mahalagang
detaIye na nakasulat ayon sa pagkakasunod-
sunod ng mga titik ng alpabeto.
Handbook
• Naglalahad at nagbibigay ito ng mga totoong
impormasyon sa isang partikular na paksa na
madaling maunawaan. Sistematiko itong isinaayos
para sa mabilis at madaling pag-access.
• Ang haliwbawa nito ay ang mga student handbook sa
iba't-ibang paaralan kung saan nagsasaad ito ng mga
dapat gawin sa loob ng eskwelahan, at mga
kasaysayan ng nito.
Yearbook
Taunan itong pagdodokumento ng mga naipong
mga kaalaman, impormasyon, larawan, at
estadistika ng mga pangyayari o kaganapan sa
isang partikular na paksa na nauukol sa isang
bansa o isang institusyon.

You might also like