-Ang tesktong nanghihikayat ay isang uri ng teskto na nagpapahayag na nakakaakit at nanghihikayat sa damdamin o mararamdaman at isipan ng kanyang mambabasa. Ang tekstong ito rin ay nakakapukaw ng damdamin upang makuha ang simpatya o makumbinsi ng isang manunulat ang kanyang mambabasa. Sa tekstong ito rin ay nais nilang nila ipadama ang teskto o ang isang paksa sa mga mambabasa para mas lalong mapukaw ang kanilang damdamin. 2. Ano- ano ang katangiang dapat taglayin ng isang tekstong nanghihikayat? -Ang katangiang dapat taglayin ng tekstong nanghihikayat ay dapat marunong itong manghikayat ng mga tagapakinig tulad ng dapat nilang mapukaw ang damdamin ng mga mambabasa. Dapat pag gagawa sila ng isang paksa o teskto ay dapat madaling maiintindihan upang sa gayon ay hindi ma guluhan ang mga tagapa kinig nito. dapat din malinaw at naka organisado ang mga tesktong nakalagay dito upang mas madaling malaman at agad na matukoy ng mga mabababasa ang gusto nilang iparating. 3. Bakit kailangang sundin ang elemento ng pagsulat ng isang tesktong nanghihikayat? - kailangan sundin ang elemento ng pagsulat sa isang tekstong nanghihikayat para masunod ang panuntunan ng pagsulat, tama ,maayos at mas madaling maintindihan ang pag kakagawa nila nito. Dahil kung hindi ito naka ayon sa pagkakasunod sa elemento nito ay hindi magiging maayos, magiging magulo at hindi mas madaling matukoy ang mga nakalagay sa isang teksto. 4. Magbigay ng mga impormasyong nakapanghikayat mula sa tekstong DEPRESYON: huwag balewalain. - ang mga impormasyong nakapanghihikayat saakin sa tekstong aking binasa ay ang mga palatandaan na ang isang tao ay may depresyon. Base sa aking nabasa sa tesktong ito merong pitong palatandaan. Kung ikaw ay nakakaranas ng mga sumusunod ay ikaw ay maaring nakakaranas ng depresyon tulad ng (1) pag ikaw ay nakakaranas ng kalungkutan o takot at hindi na interesado sa mga bagay bagay. (2) hindi na tama ang iyong bigat o timbang maaring ikaw ay nangangayayat na o bumibigat dahil sa pagbabago ng iyong apetayt.(3) hindi na tama ang oras o bilang ng iyong pagtulog maaring ito ay sobra o kulang. (4) hindi mo na kokontrol ang iyong imosyon o ang iyong damdamin tulad ng pag ikaw ay galit at umiiksi na ang iyong pasensya sa lahat ng bagay. (5) naguguilty ka agad sa lahat ng iyong gagawin o sasabihin. (6) nahihirapan ka nang mag desisyon sa mga gagawin moat ang panghuli ay ang (7) kapag ikaw ay nagiisip na gusto mo nang mamatay o ayaw mo nang mabuhay pa. Isa pa sa mga impromasyong talagang nakahikayat din saakin ay ang 4 na dapat mong gawin kapag may kaibigan, pamilya o kakilala kang may sakit na depresyon upang ikaw ay makatulong sakanila. 5. paano magagamit ang isang tekstong nanghihikayat sa sarili, pamilya at sa pamayanan at sa bayan? Sarili: magagamit ko ang tekstong ito dahil nagkakaroon ako ng ideya kapag ako ay gagawa ng isang kwento o pahayagan na maari kong gamitin o gawin sa mga susunod. Tulad ng kung anoano ang mga elemento ng pagsulat ng isang tekstong nanghihikayat upang makagawa ako ng maayos at wastong teksto o paksa. Pamilya: kapag alam mona kung paano magamit ang tekstong ito ay maari moding maibahagi ang ganitong uri kung paano ito magamit. Para din marunong silang gumawa ng ganitong uri ng teskto. Pamayanan: magagamit ito at lubhang makakatulong ito sa mga mamamayanan upang magkaroon sila ng kaalaman at para marunong din silang mangumbinsi o manghikayat sa mga makakasalamuha nila. Bayan: magagamit itos sa isang bayan o bansa sa pamamagitan ng marunong silang magpahayag ng nais nilang gawin. Para manghikayat ng mga tao upang lubusang maging maayos o umunlad ang isang bansa. Halimbawa may problemang kinakaharap tulad ng nagkaroon ng bagyo sa isang bansa , ay marunong silang gumawa ng wastong solsuyon sa problemang kanilang kinahaharap. 6. Paano magagamit ang isip, damdamin at kilos sa pagbuo ng tekstong nanghihikayat? Isip- sa pagbuo ng tekstong nanghihikayat nagagamit ang isip sa papamagitan ng damat alam mong tama at ayon ang iyong ginagawa, dapat ginagamitan mo ito ng isip para mas maging malawak ang iyong pag gawa ng paksa. Damdamin- dito naman magagamit mo ito sa pamamagitan ng mas madali mong maramdaman o matukoy ang nais na iparating sa isang tekstong iyong binabasa. Para din mas maunawaan mo ng maayos ang iyong binabasa. Kilos- magagamit mo ito sa kung paano mo mapaparamdam o mapapakita sa iyong mambabasa ang nais mong iparating o ipadama sakanila, para mas maunawan at mas makumbinsi mo ang iyong mga taga pakinig o mambabasa.