You are on page 1of 5

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)

Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Taon: 11 Kwarter: Ikatlo Linggo: 4
MELC: Kowd:
- Naibabahagi ang katagian at kalikasan tekstong nanghihikayat F11PS-IIIB-91
- Nakasusulat ng isang halimbawang tekstong nanghihikayat F11PU-IIIb-89
- Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, F11PB-IIId-99
pamilya, komunidad, bansa, at daigdig

I. Paglalahad ng Aralin/ Mga Nilalaman

Tekstong Nanghihikayat
Naglalayong manghinok o mangumbinsi sa pamamgitan ng pagkuha ng damdamin o simpatya
ng mambabasa.Nakabatay ito sa opinyon at ginagamit upang maimpluwensyahan ang paniniwala,
pag-uugali, intensyon, at paninindigan ng ibang tao.
Ito ay isang uri ng di-piksyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na
sumang-ayon sa maununulat hinggil sa isang isyu. Ang manunulat ay naglalahad ng iba’t ibang
impormasyon at katotohanan upang suportahanang isang opinyon gamit ang argumentong estilo ng
pagsulat.

Layunin
Umapela o mapukaw ang damdamin ng mambabasa upang makuha ang simpatya ng nito at
mahikayat na umayon sa ideyang inilahad.

Ilang halimbawa ng mga akdang gumagamit ng tekstong nanghihikayat:


 Talumpati
 Mga patalastas

Mga Elemento ng Tekstong Nanghihikayat


Isa si Aristotle sa mga pilosopong naniniwala sa kahalagahan ng panghihikayat. Ayon sa
kaniya may tatlong elemento ang panghihikayat-ethos o karakter; logos o lohika; at pathos o
emosyon.
1. Ethos: Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/Tagapagsalita
Ang salitang ethos ay salitang Griyego na nauugnay sa salitang etika ngunit higit na
itong angkop ngayon sa salitang”imahe.” Ginamit ni Aristotle ang ethos upang tukuyin ang
karakter o kredibilidad ng nagsasalita batay sa paningin ng nakikinig. Ang elementong ethos
ang magpapasiya kung kapani-kapaniwala o dapat pagkatiwalaan ng tagapakinig ang
tagapagsalita, o ng mambabasa ang manunulat.
2. Logos: Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng Manunulat/ Tagapagsalita
Ang salitang Griyego na logos ay tumutukoy sa pangangatwiran. Nangangahulugan
din itong panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman. Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal
ng nilalman o kung may katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang
tagapakinig na ito ay totoo.
3. Pathos: Emosyon ng Mambabasa/ Tagapakinig
Pathos ang elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o damdamin ng
mambabasa o tagapakinig. May kakayahan ang tao na gumagawa ng sariling desisyon dahil
mayroon siyang pag-iisip at lahat ng ginagawa ng tao ay bunga ng kaniyang pag-iisip.
Emosyon ang pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang isang tao. Kaya naman
marami sa mga pahayag pampulitika at mga patalastas ay gumagamit ng ganitong paraan
upang makuha ang ating boto, mapaniwala tayo sa isang panig ng usapin, o mapabili ng

1
kanilang produkto.

Gabay sa Pagbasa ng Tekstong Nanghihikayat


Kredibilidad ng may-akda
 Gaano kakilala ang pinagmulan ng teksto (manunulat o tagapagsalita0 at ano ang
pagkakakilala sa kaniya?
 Masasabi bang may kredibilidad ang may-akda para magsulat tungkol sa paksa?
 Paano naapektuhan ng imahe o karakter ng manunulat ang layunin ng teksto?
 Katiwa-tiwala ba ang may-akda na sumulat tungkol sa kaniyang paksa?
Nilalaman ng Teksto
 Tungkol saan ang teksto?
 Ano-ano ang pangunahing ideya nito tungkol sa paksa?
 Anong panig, kaisipan, o ideya tungkol sa paksa ang pinanghihimok ng may-akda?
 Ano –ano ang ginamit na suportang ideya para dito?
 Saan galing ang mga batayang ito? Ito ba ay hango sa mga katotohanan o kuro0kuro
lamang?
 Ano ang hangarin ng may-akda sa kaniyang pagsulat?
 Ano ang kasalungat na panig nito na maaaring isagot sa posisyon ng teksto?
Pagtukoy sa elementong pathos sa panghihikayat
 Anong damdamin ang napukaw sa pagbasa ng teksto?
 Alin-aling bahagi ng teksto ang mapukaw ng damdaming ito?
 Balanse ba ang pag-apela sa emosyon sa mga binanggit na impormasyon sa nilalaman ng
teksto?
Bisa ng panghihikayat ng Teksto
 Ano ang ipinahiwatig na uri o katangian ng mga mambabasa na ‘kinausap” ng may-akda ng
teksto?
 Tagumpay ba ang paggamit ng mga elemento ng panghihikayat upang makumbinsi ang mga
mambabasa?
 Ikaw ba o ang target na mambabasa ay nahikayat, nahimok kumilos, o napaniwala ng
teksto? Paano?

Paghahanda para sa Pagsulat ng Tekstong Nanghihikayat


Ang pangunahing paghahandang kailangang gawin sa pagsulat ng tekstong nanghihikayat ay
pag-aralan ang target na tagapakinig o mambabasa. Dahil ang tekstong nanghihikayat ay umaapela
sa damdamin, mahalaga lang na pag-isipan ang wastong paglatag ng mga isyu sa mga mambabasa o
tagapakinig.

Linawin kung ano ang layunin ng isusulat na teksto, uri ng mambabasa o tagapakinig na
tatanggap ng isinusulat na teksto. Anong damdamin kaugnayan ng iyong layunin ang nais mong
mangibabaw o mapukaw sa kanila. Upang makamit ang damdaming iyon, ano-anong kaisipan o ideya
ang dapat sumuporta sa iyong layunin o paksa? Maaari ding alamin o saliksikin ang tungkol sa mga
salungat na posisyon o opinyon tungkol sa sariling layunin o pangunahing ideya at gamitin ito bilang
paghahambing. Maaari ding kilalanin ang panig na ito at tanggapin subalit magbigay din ng alternatibo
o ibang panig na mas mainam kaysa nauna. Magagamit ito upang lalong pagtibayin ang sariling
posisyon.

V. Sanggunian
Atanacio, Heidi C. 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon
City: C & E Publishing House.
De Laza, Crizel S. 2019. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.Manila:
Rex Book
Inihanda ni:

2
MILDRED A. CORALAT
SHS T3
Lipata National High School
Pangalan _______________________________ Seksyon: _________ Petsa _________
Paaralan _______________________________ Distrito ___________________________
II. Mga Gawain
Gawain 1
Panuto: Basahin at suriin ang teksto batay sa mga inihandang katanungan.
Para sa mahal kong kababayang kabataan sa Pilipinas. Ako si May Jane, isa akong biktima
ng ipinagbabawal na gamot, dahil sa kagustuhan kong mabago ang buhay ng aking pamilya, naniwala
ako sa isang tao na bibigyan niya ako ng trabaho sa ibang bansa bilang katulong at dahil sa kabaitan
niya sa akin hindi ako naghinala na may masama siyang balak sa akin.
Nakuhanan ng drugs ang dala-dala kong bag na binili ng kaibigan kong nagsama sa akin sa
ibang bansa at hinuli ako ng pulis at hinatulan ng kamatayan.
Salimang taon ng pananatili ko sa loob ng kulungan marami akong nalaman, araw-araw kong
kasama ang mga taong nalulong sa ipinagbabawal na gamot, karamihan sa kanila ay mga kabataan
at dahil sa maling pakikihalubilo o pakikipagbarkada sa mga taong gumagawa ng ipinagbabawal na
gawain, marami ang nagiging biktima at nalilihis ng landas.
Karamihan sa kanila ay itinatkwil ng knailang pamilya, napapariwara, at nasisira ang pag-
aaral. Meron ding nagkakasakit dahil sa ipinagbabawal na gamot at marami na rin akong nakitang
namatay dahil sa sobrang paggamit ng drugs.
Huwag ninyong sayangin ang inyong buhay, huwag na huwag kayong gagamit ng
ipinagbabawal na gamot o magbebenta, walang idudulot na mabuti sa inyo at masisira pa ang inyong
buhay.
Naniniwala ako sa hindi ninyo paggamit ng drugs o masasangkot sa ano mang klase ng
illegal na trabaho, may magandang kinabukasan na naghihintay sa inyo.
Huwag kayong makakalimot sa Panginoong Diyos, siya ang maggagabay sa inyo para hindi
malihis ng tamang landas.
Kayong mga kabataaan ang pag-asa ng ating bayan at magiging bayani ng ating
bansa.Patnubayan nawa kayo ng Poong Maykapal at palaging mapasainyo ang pagpapala ng
Panginoong Diyos magpakailanman. Amen.
Atanacio 2016
Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang teksto? Ano ang layunin nito?
2. Sino ang sumulat ng liham? Ano ang kaniyang katauhan?
3. Paano ginamit ang mga elementong pathos at logos sa kaniyang liham?
4. Masasabi bang isa itong mabisang tekstong manghihikayat?
5. Paano maiuugnay ang kabuuang mensahe ng binasang teksto sa iyong sarili,
pamilya, komunidad, bansa, at daigdig?
Gawain 2
Panuto: Punan ang kahon batay sa hinihingi tungkol sa tekstong nanghihikayat.

3
Gawain 3:
Panuto: Ano-anong usapin ang laganap sa kasalukuyan? Bumuo ng posisyon tungkol sa isa sa mga
usaping ito at gumawa ng balangkas ng talumpati upang makabuo ng talumpating
nanghihkikayat. Isipin kung anong uri ang target na tagatanggap o tagapakinig ng talumpati.
Ano-ano ang kanilang katangian? Mula rito, gamitin ang tatlong elemento sa panghihkayat
upang mabuo ito. Punan ang tatlong talahanayan. Isulat ang iyong talumpati sa mga ito.
Para sa ethos, umisip ng imahe ng isang di-tunay na tao na magtataglay ng mga
katangian ng isang taong may kredibilidad at awtoridad na talakayin ang paksa ng iyong
napiling usapin. Isulat naman sa logos at pathos ang balangkas ng nilalaman ng talumpati.
Isulat sa malinis na papel ( short bondpaper) ang mabubuong talumpati.

Ethos Logos Pathos


(Imahe ng magbibigay ng (Posisyon sa usapin, layunin, at (Mga estratehiya kung paano
talumpati.) mga suportang detalye o mapupukaw ang damdamin ng
impormasyon.) tagapakinig upang mahikayat sa
iyong layunin)

III. Pagtataya/Tayahin
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag. Kung hindi wasto ang pahayag, tukuyin ang
salitang nakapagmalaki sa pangungusap at isulat ito sa iyong kuwaderno.
_________1. Ang tekstong nanghihikayat ay may layuning makapaghimok gamit ang mga
argumentong batay sa wastong pangangatwiran at mga impormasyong hango sa
katotohanan.
_________2. Nakabatay sa emosyon ang mga tekstong nanghihikayat.
_________3. Ayon kay Plato,mahalagang bigyang-diin ang panghihikayat.
_________4. Ang pathos ay tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat.
_________5. Ang logos ay tumutukoy sa lohikal na kaalaman ng manunulat.
_________6. Ang ethos, na pinaghanguan ng salitang etika ay nagbibigay-diin sa imahe ng
tagapagsalita o manunulat.
_________7. Pangunahing dapat isaalang-alang sa pagsulat ng tekstong nanghihikayat ang mga
tagatanggap nito.
_________8. Nagsimula sa Italya ang konsepto ng panghihikayat.
_________9. Ang mga tekstong nanghihikayat ay nakabatay sa lohika.
_________10. Ang mga tekstong nanghihikayat ay gumagamit ng emosyon.
IV. ISAGAWA

Panuto: Gamit ang natutuhan tungkol sa pathos, ethos at logos na elemento ng panghihikayat ay
pumili ng isang Isagawa sa mga sumusunod:
1. Bumuo ng isang patalastas na ipapaskil sa inyong komunidad upang mapaigting ang
kampanya para sa kalinisan ng paligid at pag-segregate o paghihiwalay ng mga basura.
Umisip ng mabisang islogan at samahan ng imaheng makapupukaw sa damdamin ng
komunidad upang kumilos. Ilagay ito sa short bondpaper.
2. Gumawa ng talumpati tungkol sa kahalagahan ng tamang pagtapon ng basura at waste
segragation.
Performance Task 4.2
Panuto: Iugnay ang iyong ginawang tekstong nanghihikayat o persweysib sa mga sumusunod:
Sarili
Pamilya
Komunidad
Bansa

4
Daigdig
Isulat ito sa sanayasay na pormat. Dapat may introduksiyon (1 talata), 5 talata (nilalaman) at
konklusyon (1 talata). Ang puntos na makukuha ay 50.

You might also like