You are on page 1of 10

MODYUL 5 PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 11

MGA URI NG TEKSTO


TEKSTONG NARATIBO

ALAMIN?

Ito’y ginagamit upang bigyan ng leksyon ang mga mambabasa sapagkat ang isang
“moral lesson” o “araling moral” ang makikita sa huling bahagi ng isang naratibo. Ang
mga halimbawa nito ay palaging nakikita sa mailing kwento, alamat, nobela at iba pa.
Sa modyul na ito, mailalarawan ang tekstong naratibo at malalaman kung ano ang
kahalagahan nito.
Pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang matatamo ng mga
mag-aaral ang mga sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
-Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa
https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-naratibo/

Paalaala: Ang lahat ng sagot ay isusulat sa sagutang papel na


SUBUKIN? nasa huling pahina.

Halina’t alamin natin ang iyong mga kaalaman sa mga tatalakaying aralin sa modyul na ito.
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon at pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na kata

May apat na diskurso: paglalarawan o deskripsyon, pagsasalaysay o narasyon, paglalahad o pagbibigay-impormasyon,


at pangangatwiran o argumentasyon. Suriin ang pagkakaiba-iba ng apat na ito. Ano sa tingin mo ang pinaka-nagagamit mong uri
ng diskurso sa araw-araw na pakikipag-usap o pakikipagtalakayan, pasalita man o pasulat? Ibigay ang pagkakasunud-sunod
mula sa pinaka-ginagamit hanggang sa hindi masyadong ginagamit. Isulat ang sagot sa pabaligtad na pyramid.

Binabati kita sa iyong matagumpay na pagsasagot sa panimulang pagtataya, kumusta nasagutan mo bang lahat? Kung
hindi, huwag malungkot sapagkat para sa iyo ang modyul na ito. Handa ka na bang tuklasin ang bagong kaalaman upang matuto.

BALIKAN?
Magandang araw natatandaan mo pa ba ang pinag-aralan sa naakaraang modyul? Halina’t balikan ang mga natutuhan
mo.

Ang tekstong persweysib ay isang uri ng di-piksyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-
ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu. Ang manunulat ay naglalahad ng iba’t ibang impormasyon at katotohanan
upang suportahan ang isang opinyon gamit ang argumentatibong estilo ng pagsulat. Sa pagsulat ng ng tekstong ito,
hindi dapat magpahayag ng mga personal at walang batayang opinyon ang isang manunulat. Sa halip ay gumamit ang
manunulat ng mga pagpapatunay mula sa mga siyentipong pag-aaral at pagsusuri. Mas matibay na batayan ito upang
maniwala ang mga mambabasa sa talas at katumpakan ng panghihikayat ng manunulat.
IBA’T IBANG URI NG PROPAGANDA DEVICE: Name Calling, Gliterring Generalities, Testimonial, Plain Folks, Card
Stacking at Bandwagon.
TATLONG PARAAN NG PANGHIHIKAYAT AYON KAY ARISTOTLE: Ethos, Pathos at Logos
ELEMENTO NG TEKSTONG PERSWEYSIB: Malalim na Pag-iisip, Kaalaman sa posibleng paniniwala ng mga
mambabasa at malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu.

LBMHS | Inihanda ni: Gng. Sheeryl R. Reveche 1


TUKLASIN?

Panuto: Isalaysay ang mga nakikita sa larawan sa pamamagitan ng tekstong naratibo sa dalawang magkabilang kahon.

https://table3wisdom.blogspot.com/2018/12/nababaon-na-nga-ba-sa-limot.html

SURIIN?

Basahin at Unawain:

TEKSTONG NARATIBO

Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari
sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.
Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o
nakapagbibigay-aliw o say. Gayundin naman, ang naratibo ay nakapagtuturo ng kabutihang-asal, mahahalagang aral, at
mga pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng kahalagahan ng pagiging mabuti at tapat, na ang kasamaan ay hindi
nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang kasipagan at pagtitiyaga ay nagdudulot ng tagumpay, at iba pa.
Ang mga mambabasa ay direktang isinasama ng manunulat ng isang tekstong naratibo at nagiging saksi sa mga
pangyayaring kanyang isinasalaysay. May iba’t ibang uri ng naratibo tulad ng maikling kuwento, nobela, kuwentong-bayan,
mitolohiya, alamat, tulang pasalaysay tulad ng epiko, dula, mga kuwento ng kababalaghan, anekdota, parabula, science
fiction, at iba pa. Iba’t ibang uri subalit may iisang pagkakapareho: ang bawat isa’y nagkukuwento.
LAYUNIN NG TEKSTONG NARATIBO
1. Makapagsalaysay ng pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay- aliw o saya.
2. Nakapagtuturo ng kabutihang asal o mahalagang aral.

KATANGIAN NG TEKSTONG NARATIBO


Ang bawat uri ng tekstong ito ay may kanya-kanyang taglay na katangian subalit ang mababasa mo sa ibaba ay
pangkalahatang katangiang taglay ng bawat uri ng tekstong naratibo.
1. May Iba't Ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of view) sa Tekstong Naratibo
Sa pagsasalaysay o pagkukuwento ay may mga matang tumutunghay sa mga pangyayari. Ito ang ginamit ng manunulat
na paningin o pananaw sa pagsasalaysay. Ang pinakakaraniwang ginagamit para sa naratibo ay ang una at ikatlong
panauhan. Bihirang-bihirang magamit ang ikalawang panauhan. Sa mas mahahabang naratibo tulad ng nobela ay maaaring
hindi lang iisa kundi nagbabagobago ang ginagamit na pananaw.
1.1 Unang Panauhan - Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan,
naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako.
1.2 Ikalawang Panauhan - Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t
gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga
manunulat sa kanilang pagsasalaysay.

LBMHS | Inihanda ni: Gng. Sheeryl R. Reveche 2


1.3 Ikatlong Panauhan - Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan
kay’a ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siva. Ang tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at sa labas
siya ng mga pangyayari. May tatlong uri ang ganitong uri ng pananaw:
o Maladiyos na panauhan—Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan. Napapasok niya
ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga
mambabasa.
o Limitadong panauhan - Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan subalit hindi ang sa
iba pang tauhan.
o Tagapag-obserbang panauhan -Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng
mga tauhan. Tanging ang mga nakikita o naririnig niyang mga pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang
kanyang isinasalaysay.
1.4 Kombinasyong Pananaw o Paningin - Dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o
paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay
sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang naipakikilala sa bawat kabanata.
2. May Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo
May dalawang paraan kung paano inilalahad o ipinahahayag ng mga tauhan ang kanilang diyalogo, saloobin, at damdamin:
2.1 Direkta o Tuwirang Pagpapahayag
Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo,
saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi. Sa ganitong paraan ng pagpapahayag ay nagiging natural at lalong
lumulutang ang katangiang taglay ng mga tauhan. Higit din nitong naaakit ang mga mambabasa sapagkat nagiging mas
malinaw sa kanya ang eksaktong mensahe o sinabi ng tauhan at ang paraan ng pagkakasabi’y naghuhudyat din sa uri ng
damdaming taglay kaysa kung lalagumin o hindi direktang sasabihin ng tagapagsalaysay.
Halimbawa:
“Donato, kakain na, Anak,” tawag ni Aling Guada sa anak na noo’y abalang-abala sa ginagawa at hindi halos napansing
nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan. “Aba’y kayganda naman nireng ginagawa mo, Anak! Ay ano ba talaga
ang baIak mo, ha?” Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti nilang kusina..
—Mula sa “Ang Kariton ni Donato”
2.2 Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag
Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng
pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi.
Halimbawa:
Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain na habang ito’y abalang-abala sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit
na paU ang ina sa kanyang kinalalagyan. Sinabi niyang kayganda ng ginagawa ng anak at tinanong din niya kung ano ba
talaga ang balak niya.
Natatawang inakbayan ni Donato ang at inakay papasok sa munti nilang kusina.
3. Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Ang isang katangiang taglay ng lahat ng tekstong naratibo ay ang pagkukuwento kaya naman taglay ng mga ito
ang mahahalagang elementong lalong magbibigay daan sa nakalilibang, nakaaaliw, at nakapagbibigay-aral na
pagsasalaysay. Sa mga elementong ito rin makikita kung paano naihahabi o pumapasok ang mga tekstong deskriptibo

LBMHS | Inihanda ni: Gng. Sheeryl R. Reveche 3


3.1 Tauhan
Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami o bilang ng tauhan ay dapat umayon sa
pangangailangan. Mahirap itakda. ang bilang ng tauhang magpapagalaw sa tekstong naratibo ang pangangailangan lknang
ang maaaring magtakda nito. May dalawang paraan sa pagpapakilala ng tauhan—ang expository at ang dramatiko.
Expository kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan at dramatiko naman
kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag. Ang karaniwang tauhan sa mga akdang
naratibo ay ang sumusunod:
a. Pangunahing Tauhan
Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula simula hanggang sa katapusan.
Karaniwang iisa lamang ang pangunahing tauhan. Ang kanyang mga katangian ay ibinabatay sa tungkulin o papel na
kanyang gagampanan sa kabuoan ng akda.
b. Katunggaling Tauhan
Ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan. Mahalaga ang
papel ng tauhang ito sapagkat sa mga tunggaliang nangyayari sa pagitan nila, nabubuhay ang mga pangyayari sa kuwento
at higit na napatitingkad ang mga katangian ng pangunahing tauhan.
c. Kasamang Tauhan
Gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan, ang kasamang tauhan ay karaniwang kasftna o kasangga ng pangunahing
tauhan. Ang pangunahing papel o tungkulin niya ay sumuporta, magsilbing hingahan, o kapalagayang-loob ng pangunahing
tauhan.
d. Ang May-akda
Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi nang magkasama sa kabuoan ng akda. Bagama’t
ang namamayani lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng
makapangyarihang awtor.
Ayon kay E.M. Forster, isang Ingles na manunulat, may dalawang uri ng tauhan ang maaaring makita sa isang
tekstong naratibo tulad ng:
 Tauhang Bilog (Round Character)—Isang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad.
Tulad ng isang tunay na katauhan, nagbabago ang kanyang pananaw, katangian, at damdamin ayon sa
pangangailangan. Ang isang tahimik at mapagtimping tauhan, halimbawa, ay maaaring magalit at sumambulat
kapag hinihingi ng sitwasyon o pangyayari sa kuwento at pangangailangang magbago ang taglay niyang katangian
at lumutang ang nararapat na emosyon o damdamin.

 Tauhang Lapad (Flat Character)—Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy
o predictable. Madaling mahulaan at maiugnay sa kanyang katauhan ang kanyang mga ikinikilos at maituturing na
stereotype tulad ng mapang-aping madrasta, mapagmahal na ina, tin-edyer na hindi sumusunod sa magulang, at
iba pa. Karaniwang hindi nagbabago o nag-iiba ang katangian ng tauhang lapad sa kabuoan ng kuwento.
Sinasabi rin ni Forster na kinakailangang makita ang dalawang uring ito ng tauhan sa tekstong naratibo. Bagama’t
madaling matukoy o predictable ang tauhang lapad ay hindi niya iminumungkahi ang pagtatanggal sa ganitong uri ng tauhan
sa pagsulat ng akda upang masalamin pa rin ito ang tunay na kalakaran ng mga tauhan sa ating mundo.
3.2 Tagpuan at Panahon
Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin
sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari tulad
ng kasayahan, pagdiriwang sa isang kaarawan, umiiral dahil sa malakas na hampas ng hangin, ulan at bagyo,

LBMHS | Inihanda ni: Gng. Sheeryl R. Reveche 4


romantikong paligid sanhi ng maliwanag na buwang nakatunghay sa magkasintahang naghahapunan sa isang hardin,
matinding pagod ng magsasakang nag-aararo sa ilalim ng tirik na tirik na araw, kalungkutan ng pamilyang nakatunghay
habang ibinababa sa kanyang huling hantungan ang isang minamahal, at iba pa.
3.3 Banghay
Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang
mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.
Makikita sa ibaba ang karaniwang banghay o balangkas ng isang naratibo:
 Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakikilala ang mga tauhan, tagpuan, at tema (orientation
or introduction)
 Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan partikular ang pangunahing tauhan (problem)
 Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa paglutas
sa suliranin (rising action)
 Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdulan (clitnax)
 Pababang pangyayaring humahantong sa isang resolusyon o kakalasan (falling action)
 Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending)
Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensiyonal na simula-gitna-wakas. May mga akdang hindi
sumusunod sa ganitong kalakaran at tinatawag na anachmny o mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang
pagkakasunod-sunod. Mauuri ito sa tatlo:
 Analepsis (Flashback) - Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
 Prolepsis (Flashfbrward) - Dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.
 Ellipsis - May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na nagpapakitang may bahagi
sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.
3.4 Paksa o Tema
Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo. Mahalagang malinang ito
nang husto sa kabuoan ng akda upang mapalutang ng may-akda ang pinakamahalagang mensaheng nais niyang
maiparating sa kanyang mambabasa. Dito rin mahuhugot ang mga pagpapahalaga, mahahalagang aral, at iba pang
pagpapahalagang pangkatauhang nagagamit sa mabuting pamumuhay at pakikisalamuha sa kapwa.
3.5 Estruktura
Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estreuktura ng kuwento. Madalas na makikitang ginagamit na paraan
ng narasyon ang iba’t ibang estilo ng pagkakasunud-sunod ng pangyayari. Kung minsan ay nagsisimula sa dulo papuntang
unahan ang kuwento, kung minsan naman ay mula sa gitna. Maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagkakaayos,
tiyakin lamang na sistematiko at lohikal ang pagkakasunud-sunod ng pangyayari upang medaling maunawaan ang narasyon.
3.6 Oryentasyon
Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting, at oras o panahon kung kalian nangyari ang kuwento.
Malinaw dapat na nailatag ang mga ito sa pagsasalaysay at nasasagot ang mga batayang tanong na sino, saan at kalian.
Ang mahusay na deskripsyon sa mga detalyeng ito ang magtatakda kung gaano kahusay na nasapul ng manunulat ang
realidad sa kaniyang akda.
3.7 Paraan ng Narasyon
Kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang
setting at mood. Iwasang magbigay ng komento sa kalagitnaan ng pagsasalaysay upang hindi lumihis ang daloy. May iba’t
ibang paraan ng narasyon na maaaring gamitin ng manunulat upang maging kapana-panabik ang pagsasalaysay. Hindi
lagging epektibo ang mga pamamaraang ito. Tandaan na bumabagay ang iba’t ibang pamamaraan ng narasyon ayon sa
layunin at estilo ng pagkukuwento ng manunulat at sa kalikasan ng paksa. Narito ang ilang pamamaraan na maaari mong
gamitin:
 Diyalogo – sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng pag-uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang
nangyayari.
 Foreshadowing- nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang kahihinantnan o mangyayari sa
kuwento.
 Plot Twist – tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalalabasan ng isang kuwento.
 Ellipsis – omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kuwento kung saan hinahayaan ang mambabasa na magpuno sa
naratibong antala. Ito ay mula sa Iceberg Theory o Theory of Omission ni Ernest Hemingway.
 Comic Book Death – isang teknik kung saan pinapatay ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang
lilitaw upang magbigay-linaw sa kuwento.

LBMHS | Inihanda ni: Gng. Sheeryl R. Reveche 5


 Reverse Chronology – nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula.
 In media res – nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kuwento. Kadalasang ipinakikilala ang mga karakter,
lunan, at tension s pamamagitan ng mga flashback.
 Deus ex machine (God from the machine) – isang plot device na ipinaliwanag ni Horace sa kaniyang “Ars Poetica”
kung saan nabibigyang resolusyon ang tunggalian sa pamamagitan ng awtomatikong interbensyon ng isang
absolutong kamay. Nababago rin ang kahihinantnan ng kuwento at nareresolba ang matitinding suliranin na tila
walang solusyon sa pamamagitan ng biglaang pagpasok ng isang tao,bagay,at pangyayari na hindi naman
naipakakilala sa unang bahagi ng kuwento.
3.8 Komplikasyon o Tunggalian
Karaniwang nakapaloob sa tunggalian ang pangunahing tauhan. Ito ang mahalagang bahagi ng kuwento na
nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago sa posisyon at disposisyon ng mga tauhan. Nagtatakda rin ang tunggalian ng
magiging resolusyon ng kuwento. Puno ng aksyon ang binasang akda sapagkat tuluy-tuloy na hinabol ang tauhan habang
mabilis niyang binabalikan ang iba’t ibang imahen.
3.9 Resolusyon
Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Maaring ang resolusyon ay masaya o hindi batay sa magiging
kapalaran ng pangunahing tauhan. Makabubuti rin ang kung hindi nangangaral ang resolisyon at hinahayaan ang
mambabasa na magbigay ng sariling interpretasyon at makatuklas ng aral at pagpapahalaga sa akda.

PAGYAMANIN?

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita:


1. Tauhang bilog

2. Tauhang lapad

3. Maladiyos na Panauhan

4. Limitadong Panauhan

5. Tagapag-obserbang panauhan

ISAISIP?

Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang.

__________________________ 1. Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo.

__________________________ 2. Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga
tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.

__________________________ 3. Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o


nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi.

__________________________ 4. May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na


nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.

__________________________ 5. Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga
tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.

LBMHS | Inihanda ni: Gng. Sheeryl R. Reveche 6


ISAGAWA

Panuto: Isulat ang T kung wasto ang pahayag at kung mali ay baguhin ang salitang nagpamali sa pahayag upangh maging
wasto.
________________ 1. Ayon kay E.M. Forster, isang Ingles na manunulat, may dalawang uri ng tauhan ang maaaring makita sa
isang tekstong naratibo
________________ 2. Sa pagsasalaysay o pagkukuwento ay may mga matang tumutunghay sa mga pangyayari.
________________ 3. Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo ay tinatawag na
paksa o tema
________________ 4. Dramatiko kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan
________________ 5. Expository kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag.

TAYAHIN
Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga termino sa Kolum A sa deskripsyon ng mga ito sa Kolum B. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang.
Kolum A Kolum B
_____ 1. Creative Non-Fiction a. kinahantungan ng tunggalian o komplikasyon
_____ 2. Diyalogo b. Naglalarawan sa tauhan at setting
_____ 3. Deus ex machine c. Kabuuang kaayusan ng pagsasalaysay
_____ 4. Foreshadowing d. Malikhaing pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari
_____ 5. Flashback e. Di-makatotohanan
_____ 6. Ellipsis f. Makatotohanan
_____ 7. In media res g. layuning magsalaysay, manlibang, at magsalaysay ng realidad
_____ 8. Resolusyon h. mula sa dulo ang pagsasalaysay
_____ 9. Oryentasyon i. paraan ng narasyon kung saan pinapatay muna pangunahing
tauhan ngunit lilitaw rin sa huli
_____10.Comic Book Death j. Pag-uusapan ng tauhan
_____11. Reverse chronology k. God from the machine
_____12. Tekstong naratibo l. Pagbalik-tanaw ng tauhan sa mga nakaraang pangyayari
_____13. Piksyon m. Pagbibigay ng pahiwatig o hint
_____14. Di-Piksyon n. Batay sa Iceberge Theory ni Hemingway
_____ 5. Estruktura

Mga Ginamit na Sanggunian:


-Sicat-De Laza,2016, Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik, Rex Book Store.
-Marquez, S.T. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teskto tungo sa Panana liksik. Sibs Publishing House

Teknolohiya:

- https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-naratibo/
- https://table3wisdom.blogspot.com/2018/12/nababaon-na-nga-ba-sa-limot.html

LBMHS | Inihanda ni: Gng. Sheeryl R. Reveche 7


Pangalan:_____________________________________________ Baitang/Pangkat:__________________________

Sagutang Papel sa PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 11


MODYUL 5 MGA URI NG TEKSTO
TEKSTONG NARATIBO

SUBUKIN?

TUKLASIN?
PAGYAMANIN?

ISAISIP?
ISAGAWA

TAYAHIN

You might also like