You are on page 1of 9

Pagadian Diocesan Schools

SELF-PACED LEARNING MODULE SA PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T


IBANG TEKSTO TUNGKO SA PANANALIKSIK
San Jose, Pagadian City, Zamboanga del Sur
SELF-PACED LEARNING MODULE IN FILIPINO 11

Name: Grade & Section:


Name of Teacher:
Student’s Contact #: Teacher’s Contact #:

QUARTER 3-MODULE 2: TEKSTONG NARATIBO AT TEKSTONG PROSIDYURAL

Module Overview:
Ang modyul na ito ay ginawa at inihanda para sa iyo, sinasanay ka na maging lohikal at kritikal sa
pagsusuri ng iba’t ibang anyo ng tekstong naratibo at tekstong prosidyural,sa pamamagitan ng mga simpleng aralin at
gawain na maghahanda sa iyo sa pagbuo ng makabuluhang pananaliksik. Bigyan mo lamang ng sapat na panahon ang
modyul na ito upang unawain ang bawat bahagi ng modyul na uukol sa tekstong naratibo at tiyak na maraming kang
matututunan.
Learning Competencies: Pagkatapos ng aralin na ito, kayo ay inaasahang:
Makapagbabahagi sa katangian at kalikasan ng tekstong naratibo (FIIPS-lllb-91)
Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang tekstong naratibo sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at
daigdig. (F11PB – IIId – 99)
Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa (F11PB – IIIa – 98)

Instructional Materials:
Pinagyamang Pluma- Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
(Alma M. Dayag et. al. -Phoenix Publishing House)
Values: Paggawa ng maayos na hakbang o desisyon sa buhay.

Pre–assessment
Alin sa sumusunod ang kaya mong gawin? Lagyan ito ng tsek (√)
Gumawa ng no-bake cake
Mag-assemble ng isang simpleng cabinet
Makuha ng passport
Makapagluto ng Kaldereta
Makapagbuo ng isang bisikleta
Nalagyan mob a ng tsek ang lahat ng aytem? _____
Kung oo ang iyong sagot, binabati kita.
Kung hindi ang iyong sagot, sa tingin mob a ay hindi mob a talaga ito kayang gawin? Bakit?
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

INTRODUCTION

Pagganyak: Mahilig ka ba magbasa? Sagutin ang ilang katanungan sa ibaba kaugnay ng mga akdang nabasa mo

 Ano ang paborito mong maikling kwento?


Isulat ang maikling buod nito.

 Ano ang paborito mong nobela?


Isulat ang maikling buod nito.

1|Page
Siguro!sa unang gawain natin sa ibabaw ay may kaunti na kayong impormasyon sa paksang ating tatalakayin ngayon.
Ngayon basahin at unawain.
INTERACTION
Concept Notes:
Sa bawat araw sa buhay ng isang tao ay laging may mga pangyayaring naibabahagi o naikukuwento niya sa iba. Maaaring
mga simpleng pangyayaring nasaksihan sa kanyang pagpasok o kaya nama’y ang mga ipinagpapalagay niyang pinakamahahalaga
o pinakamalalaking pangyayari sa kanyang maghapon. Ang pagsasalaysay o pagkukuwento ay karaniwang nangyayari kapag
nagkita-kita o nagsalo na ang mag-anak o maging ang magkakaibigan subalit minsan, ang salaysay ay hindi lang basta
naibabahagi nang pasalita. Sa halip, naitatala rin sa mga pahina ng isang talaarawan. Hindi halos nararamdarnan ng nagsusulat na
siya’y bumubuo na pala ng isang kuwento, ang sariling kuwentong bahagi ng isang uri ng teksto, ang tekstong naratibo.

Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa
isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.
Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-
aliw o say. Gayundin naman, ang naratibo ay nakapagtuturo ng kabutihang-asal, mahahalagang aral, at mga pagpapahalagang
pangkatauhan tulad ng kahalagahan ng pagiging mabuti at tapat, na ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang
kasipagan at pagtitiyaga ay nagdudulot ng tagumpay, at iba pa.
Ang mga mambabasa ay direktang isinasama ng manunulat ng isang tekstong naratibo at nagiging saksi sa mga pangyayaring
kanyang isinasalaysay. May iba’t ibang uri ng naratibo tulad ng maikling kuwento, nobela, kuwentong-bayan, mitolohiya, alamat,
tulang pasalaysay tulad ng epiko, dula, mga kuwento ng kababalaghan, anekdota, parabula, science fiction, at iba pa. Iba’t ibang
uri subalit may iisang pagkakapareho: ang bawat isa’y nagkukuwento.

Mga Katangian ng Tekstong Naratibo


Ang bawat uri ng tekstong ito ay may kanya-kanyang taglay na katangian subalit ang mababasa mo sa ibaba ay pangkalahatang
katangiang taglay ng bawat uri ng tekstong naratibo.

May Iba't Ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of view) sa Tekstong Naratibo
Sa pagsasalaysay o pagkukuwento ay may mga matang tumutunghay sa mga pangyayari. Ito ang ginamit ng manunulat na
paningin o pananaw sa pagsasalaysay. Ang pinakakaraniwang ginagamit para sa naratibo ay ang una at ikatlong panauhan.
Bihirang-bihirang magamit ang ikalawang panauhan. Sa mas mahahabang naratibo tulad ng nobela ay maaaring hindi lang iisa
kundi nagbabagobago ang ginagamit na pananaw.

Unang Panauhan—Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o
naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako

Ikalawang Panauhan—Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit
siya ng mga panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa kanilang
pagsasalaysay.

Ikatlong Panauhan—Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kay’a
ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siva. Ang tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at sa labas siya ng mga
pangyayari. May tatlong uri ang ganitong uri ng pananaw:
Maladiyos na panauhan—Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat
tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.
Limitadong panauhan—Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
Tagapag-obserbang panauhan—Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging
ang mga nakikita o naririnig niyang mga pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang kanyang isinasalaysay.

Kombinasyong Pananaw o Paningin—Dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang
nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas
mahabang panahon at mas maraming tauhan ang naipakikilala sa bawat kabanata. 

May Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo


May dalawang paraan kung paano inilalahad o ipinahahayag ng mga tauhan ang kanilang diyalogo, saloobin, at
damdamin:
1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag
Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo,
saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi. Sa ganitong paraan ng pagpapahayag ay nagiging natural at lalong
lumulutang ang katangiang taglay ng mga tauhan. Higit din nitong naaakit ang mga mambabasa sapagkat nagiging mas
malinaw sa kanya ang eksaktong mensahe o sinabi ng tauhan at ang paraan ng pagkakasabi’y naghuhudyat din sa uri ng
damdaming taglay kaysa kung lalagumin o hindi direktang sasabihin ng tagapagsalaysay.
Halimbawa:

2|Page
“Donato, kakain na, Anak,” tawag ni Aling Guada sa anak na noo’y abalang-abala sa ginagawa at hindi halos
napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan. “Aba’y kayganda naman nireng ginagawa mo, Anak! Ay
ano ba talaga ang baIak mo, ha?” Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti nilang kusina..
—Mula sa “Ang Kariton ni Donato” 

2. Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag


Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag.
Hindi na ito ginagamitan ng panipi.
Halimbawa:
Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain na habang ito’y abalang-abala sa ginagawa at hindi halos napansing
nakalapit na paU ang ina sa kanyang kinalalagyan. Sinabi niyang kayganda ng ginagawa ng anak at tinanong din niya
kung ano ba talaga ang balak niya. Natatawang inakbayan ni Donato ang at inakay papasok sa munti nilang kusina.

Mga Elemento ng Tekstong Naratibo


Ang isang katangiang taglay ng lahat ng tekstong naratibo ay ang pagkukuwento kaya naman taglay ng mga ito
ang mahahalagang elementong lalong magbibigay daan sa nakalilibang, nakaaaliw, at nakapagbibigay-aral na
pagsasalaysay. Sa mga elementong ito rin makikita kung paano naihahabi o pumapasok ang mga tekstong deskriptibo.
1. Tauhan
Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami o bilang ng tauhan ay dapat umayon sa
pangangailangan. Mahirap itakda. ang bilang ng tauhang magpapagalaw sa tekstong naratibo ang pangangailangan
lknang ang maaaring magtakda nito. May dalawang paraan sa pagpapakilala ng tauhan—ang expository at ang
dramatiko. Expository kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan at
dramatiko naman kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag. Ang karaniwang
tauhan sa mga akdang naratibo ay ang sumusunod:
a. Pangunahing Tauhan
Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula simula hanggang sa katapusan.
Karaniwang iisa lamang ang pangunahing tauhan. Ang kanyang mga katangian ay ibinabatay sa tungkulin o papel na
kanyang gagampanan sa kabuoan ng akda.
b. Katunggaling
Tauhan Ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan. Mahalaga
ang papel ng tauhang ito sapagkat sa mga tunggaliang nangyayari sa pagitan nila, nabubuhay ang mga pangyayari sa
kuwento at higit na napatitingkad ang mga katangian ng pangunahing tauhan.
c. Kasamang Tauhan
Gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan, ang kasamang tauhan ay karaniwang kasftna o kasangga ng pangunahing
tauhan. Ang pangunahing papel o tungkulin niya ay sumuporta, magsilbing hingahan, o kapalagayang-loob ng
pangunahing tauhan.
d. Ang May-akda
Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi nang magkasama sa kabuoan ng akda. Bagama’t ang
namamayani lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng
makapangyarihang awtor.

Ayon kay E.M. Forster, isang Ingles na manunulat, may dalawang uri ng tauhan ang maaaring makita sa isang tekstong
naratibo tulad ng:
Tauhang Bilog (Round Character)—Isang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang
personalidad. Tulad ng isang tunay na katauhan, nagbabago ang kanyang pananaw, katangian, at damdamin
ayon sa pangangailangan. Ang isang tahimik at mapagtimping tauhan, halimbawa, ay maaaring magalit at
sumambulat kapag hinihingi ng sitwasyon o pangyayari sa kuwento at pangangailangang magbago ang taglay
niyang katangian at lumutang ang nararapat na emosyon o damdamin.
Tauhang Lapad (Flat Character)—Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling
matukoy o predictable. Madaling mahulaan at maiugnay sa kanyang katauhan ang kanyang mga ikinikilos at
maituturing na stereotype tulad ng mapang-aping madrasta, mapagmahal na ina, tin-edyer na hindi sumusunod
sa magulang, at iba pa. Karaniwang hindi nagbabago o nag-iiba ang katangian ng tauhang lapad sa kabuoan ng
kuwento.
Sinasabi rin ni Forster na kinakailangang makita ang dalawang uring ito ng tauhan sa tekstong naratibo.
Bagama’t madaling matukoy o predictable ang tauhang lapad ay hindi niya iminumungkahi ang pagtatanggal sa
ganitong uri ng tauhan sa pagsulat ng akda upang masalamin pa rinnito ang tunay na kalakaran ng mga tauhan
sa ating mundo.

2. Tagpuan at Panahon
Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa
panahon (oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari tulad ng
kasayahang daM. ng pagdiriwang sa isang kaarawan, tffl(ot na umiiral dahil sa malakas na hampas ng hangin at ulang
3|Page
61a ng bagyo, romantikong paligid sanhi ng maliwanag na buwang nakatunghay sa magkasintahang naghahapunan sa
isang hardin, matinding p4od ng magsasakang nag-aararo sa ilalim ng tirik na tirik na araw, kalungkutan ng pamilyang
nakatunghay habang ibinababa sa kanyang huling hantungan ang isang minamahal, at iba pa.

3. Banghay
Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang
mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.
Makikita sa ibaba ang karaniwang banghay o balangkas ng isang naratibo:
Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakikilala ang mga tauhan, tagpuan, at tema (orientation
or introduction)
Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan partikular ang pangunahing tauhan (problem)
Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa
paglutas sa suliranin (rising action)
Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdulan (clitnax)
Pababang pangyayaring humahantong sa isang resolusyon o kakalasan (falling action)
Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending)

Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensiyonal na simula-gitna-wakas. May mga akdang hindi sumusunod sa
ganitong kalakaran at tinatawag na anachmny o mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod.
Mauuri ito sa tatlo:
Analepsis (Flashback)—Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
Prolepsis (Flashfbrward)—Dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.
Ellipsis—May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na nagpapakitang may
bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.

4. Paksa o Tema
Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo. Mahalagang malinang ito nang
husto sa kabuoan ng akda upang mapalutang ng may-akda ang pinakamahalagang mensaheng nais niyang maiparating
sa kanyang mambabasa. Dito rin mahuhugot ang mga pagpapahalaga, mahahalagang aral, at iba pang pagpapahalagang
pangkatauhang nagagamit sa mabuting pamumuhay at pakikisalamuha sa kapwa.

Tekstong Prosidyural
Uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay.
Halimbawa:
1. Recipe sa pagluluto sa Home Economics
2. Paggawa ng eksperimento sa Agham at Medisina
3. Pagbuo ng Aparato at pagkumpuni ng mga kagamitan sa teknolohiya
4. Pagsunod sa mga patakaran sa paglalaro ng isang bagay
5. Mga paalala sa kaligtasan sa kalsada
Layunin:
Makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon at impormasyon sa mga tao upang matagumpayan na maisagawa ang mga gawain ng
ligtas, episyente at angkop sa paraan.
Bahagi ng Tekstong Prosidyural:
1. Inaasahan o target na awput-kung ano ang kakalabasan o kakahantungan ng proyekto ng prosidyur. Maaring ilarawan ang
mga tiyak na katangian ng isang bagay o kaya katangian ng isang uri ng trabaho o ugaling inaasahan sa isang mag-aaral kug
susundin ang gabay.

2. Mga kagamitan-ang mga kasangkapan at kagamitan na kainakailangan upang makumpleto ang isinagawang proyekto.
Nakalista sapamamagitan ng pagkkasunod-sunod kung kalian gagamitin. Maaring hindi Makita ang bahaging ito sa mga uri ng
tekstong prosidyural na hindi gagamit ng numang kagamitan.

3. Metodo-serye ng mga hakbang na isinagawa upang mabuo ang proyekto.

4. Ebalwasyon-naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay na prosidyur na isinagawa. Ito ay sa
pamamagitan ng mahusay na paggana ng isang bagay, kagamitan o makina o di kaya ay mga pagtataya kung nakamit ang
kaayusan na layunin ng prosidyur. Mahalaga ang paggamit ng heading, subheading, numero, dayagram at mga larawan upang
mging mas malinaw ang pagpapahayad ng instruksyon. Mahalagang alamin at unawain kung sino ang nakikinig o nagbabasa ng
teksto upang mapagdesisyunan kung anong uri at antas ng wika ang gagamitin

Mga tiyak na katangian ng wikang madalas gamitin sa tekstong prosidyural


1. Nasusulat sa kasalukuyang panahunan.
2. Nakapokus sa pangkalahatag mambabasa at hindi sa iisang tao lamang.
3. Gumamit ng tiyak na pandiwa para sa instruksyon.
4. Gumamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive device upang ipakita ang pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng
teksto tulad ng una, ikalawa, pagkatapos, at kasunod.
5. Mahalaga ng detalyado at tiyak na deskripsyon. (hugis, laki, kulay, dami atbp.).

4|Page
Halaw mula sa Pinagyamang Pluma, Dayag (2014)

Pagsasanay

Gawain 1
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang karaniwang bahagi ng tekstong naratibo. Ayusin ito ayon sa pagkasunod-sunod.

Gawain 2
Panuto: Saliksikin sa internet ang kwentong “Mabangis na Lungsod” ni Efren R. Abueg o basahin ito sa aklat na Filipino at
iuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya ,komunidad at bansa . Sumulat ka ng talata sa bawat
sitwasyong binabasa mo.

1 .Nakita mo ang paghihirap ni Adong para lamang makaipon ng mga baryang inililimos upang may maipanlaman sa kumakalam
na sikmura. Tiyak na hindi mo kailanman naranasang mamalimos para lang may makain. Paano mo magagamit ang aral na ito sa
iyong sarili?
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________

2. Sadyang mahirap ang walang pamilya at ito’y napatunayan ni Adong .Walang magulang at mga kapatid na nagmalasakit sa
kanya sa panahon ng kanyang pangangailangan. Mapalad ka sa pagkakaroon ng pamilyang kahit pa sabihing hindi perpekto ang
pamilya mo. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa iyong pamilya?
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________

5|Page
3 .Mabangis na lungsod ang komunidad ni Adong. Maihahalintulad ito sa isang kagubatang ang mahihina ay nagiging lamag-tiyan
ng mga mas malalakas at makapangyarihan. Ano ang magagawa mo upang kapag nakakita ka ng ganitong pang-aaapi sa mas
mahihina sa iyong paligid ay mahadlangan mo ito?
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
4. Ang kahirapan ay talamak hindi lang sa Quiapo kundi sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Kung hihintayin lang lagi ang
pagkilos ng pamahalaan upang matugunan ang kahirapang ito ay matagal at malayo pa ang lalakbayin ng bayan upang ito ay
maibsan. Subalit kung ang bawat Pilipinong may kakayahan ay gagawa ng makakaya upang kahit paano’y maibsan ang kahirapan
ng isa o dalawang taong nasa kanyang harapan, maaaring magkaroon ng kalutasan ang suliraning ito. Ano ang magagawa mo sa
iyong munting paraan upang makatulong sa pagsugpo ng kahirapan sa bansa?
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________

Gawain 3
Panuto: Balangkasin sa tatsulok ang mga hakbang sa tamang paraan ng pagluluto ng adobo.

Paghaluin ang karne ng baboy, bawang, dahon ng laurel, paminta at toyo sa kaldero at imarinate ng 30 minuto.
Maglagay ng asin at asukal ng naaayon sa iyong panlasa
Sa kawali, iprito ang karne hanggang magkulay brown
Ilagay sa lalagyan ang Adobong Baboy at ihanda ito sa hapag kainan
Ilagay ang kawali sa kalan na may mahinang apoy sa loob ng 40 minuto o hanggang lumambot ang karne. Magdagdag ng
tubig kung kinakailangan
Ibalik ang karne sa sabaw o sauce at pakuluan ng kahit 1 minuto.
Hanguin ang karne at isantabi muna ang sabaw o sauce.
Ilagay ang suka at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto.

Gawain 4
Panuto: Tukuyin ang mga pahayag kung ito ay ang Target, Kagamitan, Metodo o Ebalwasyon na bahagi ng isang tekstong
Prosidyural. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
_________________1. Ihandanda mo ng maigi ang sarili, puso at isipan mo. Gawin mo ang lahat lahat para maging success at
maayos ang plano natin. Ayos lang masugatan ang puso mo dahil tama ang desisyon ng isip mo. Subukan
mo lang, hindi masamang subukan, wala namang mawawala sayo eh.
_________________2. Ang mga hakbang na ito ay tungo sa paglimot mo sa kanya at para sa ikakabuti mo. Sige lang, ipagpatuloy
mo tungo sa ikakaganda ng buhay mo. Hindi lang sya ang nagmamahal siyo. Madami sila. Huwag mong
ipagsiksikan yung sarili mo. Sa taong di mo deserve. Maging masaya ka, okay na yun. Susuportahan kita.
_________________3. Pangatlo, Change. Magbago ka para sa sarili mo, magbago ka hindi para sa kanila. Tandaan mo, sa huli
ang
taong mapapagkatiwalaan mo ay ang sarili mo lang, wala nang iba. b. PAGTITIYAK - kagaya ng – tulad
ng c. PAGHAHALIMBAWA - halimbawa - sa pamamagitan - isang magandang halimbawa ay d.
PAGLALAHAT - sa madaling sabi - bilang pagtatapos - bilang paglalahat e. PAGBIBIGAY POKUS –
pansinin na - tungkol sa - bigyan pansin ang f. PAGKAKASUNOD-SUNOD NG PANGYAYARI - ang

6|Page
sumunod - una - ang katapusan PANANDANG NAGHUHUDYAT NG PANANAW NG MAY-AKDA –
kung ako ang tatanungin - sa aking palagay - sa tingin ko - kaya lamang – bagaman
_________________4. Tatawagin natin itong oplan makalimutan siya. Una, ihanda mo ang puso at isip mo bilang mga sangkap.
Ang sarili mo bilang kagamitan.
_________________5. Gawin mo ang unang hakbang, Acceptance lang pala. Ibaon mo sa puso’t isipan ang pagtanggap na wala
na siya. Tanggapin mo na tapos na ang lahat. Isipin mo na dahil sa kanya di ka totoong naging masaya.

Processing Questions:
1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pagkakasunod-sunod na hakbang upang gawin ang isang bagay?
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
2. Paano mo maayos na naisagawa ang tekstong prosidyural sa naging gawain ng modyul?
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

INTEGRATION
Reflection Guide:
Panuto: Unawaing mabuti ang katanungan at isulat sa patlang ang iyong sagot.

Kaugnay nang iyong natutunan sa ating aralin tungkol sa tekstong naratibo at tekstong prosidyural, kung ikaw ay mahaharap sa
isang mabigat na pagdedesisyon, ano-ano ang mga hakbang ang dapat mong isaalang-alang?
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

INTERVENTION

Post – assessment:
Panuto: Ang pagwawakas ng modyul na ito ay nalalapit na. Ngayon, muling hasain ang pluma upang maghanda sa huling yugto
ng iyong paglalakbay. Maging pantas sa pagsagot sa pagsusulit. Basahin nang may kahusayan ang mga pahayag.Piliin at isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_______1. Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng serye ng gawain upang matamo ang inaasahan.
A. Tama C. Ang pahayag ay walang kabuluhan.
B. Mali D. Ang pahayag ay hindi dapat nalimbag
_______2. Hindi mahalagang maging malinaw ang pagkakalahad ng mga hakbang na ito basta’t nasusundan.
A. Tama C. Ang pahayag ay walang kabuluhan.
B. Mali D. Ang pahayag ay hindi dapat nalimbag
_______3. Layunin ng tekstong Prosidyural na maialok ang produktong itinitinda.
A. Tama C. Ang pahayag ay walang kabuluhan.
B. Mali D. Ang pahayag ay hindi dapat nalimbag
_______4. Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, kailangang malawak ang kaalaman ng sumusulat tungkol sa ipapagawa.
A. Tama C. Ang pahayag ay walang kabuluhan.
B. Mali D. Ang pahayag ay hindi dapat nalimbag
_______5. Kailangang maayos at wasto ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang nito upang sa tulong lamang ng pagbabasa
kahit
walang aktuwal na demonstrasyon ay maisasagawa ito.
A. Tama C. Ang pahayag ay walang kabuluhan.
B. Mali D. Ang pahayag ay hindi dapat nalimbag

Tunay na nakakamangha ang inyong kasanayan sa


aralin na ito. Nagpapatunay lamang ito na magaling
at mahusay ang mag-aaral na Pilipino. Ingat. 

7|Page
SUSI SA PAGSAGOT

Pre-assessment: (Guro na ang bahalang magwasto)

Pagganyak: (Guro na ang bahalang magwasto)


Activities:
1 climax

rising action

falling action

problem

ending

orientation or
introduction

Gawain 2(Guro na ang bahalang magwasto)


Gawain 3
Paghaluin ang karne ng baboy, bawang, dahon ng laurel, paminta at toyo sa kaldero at imarinate ng 30 minuto.
Ilagay ang kawali sa kalan na may mahinang apoy sa loob ng 40 minuto o hanggang lumambot ang karne. Magdagdag ng
tubig kung kinakailangan.
Ilagay ang suka at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto
Maglagay ng asin at asukal ng naaayon sa iyong panlasa
Hanguin ang karne at isantabi muna ang sabaw o sauce.
Sa kawali, iprito ang karne hanggang magkulay brown
Ibalik ang karne sa sabaw o sauce at pakuluan ng kahit 1 minuto.
Ilagay sa lalagyan ang Adobong Baboy at ihanda ito sa hapag kainan

Gawain 4.
1. Kagamitan
2. Metodo
3. Metodo
4. Target
5. Ebalwasyon

Processing Questions: (Guro na ang bahalang magwasto)

Reflection Guide: (Guro na ang bahalang magwasto)

Post-assessment:
1. A
2. B
3. B
4. A

8|Page
5. A

9|Page

You might also like