You are on page 1of 18

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino10
0 1010MO…
KABUTIHAN
ILABAS NATIN!10
UNANG MARKAHAN
IKASIYAM NA LINGGO
MODYUL 9

Kasanayang Pampagkatuto:

1. Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang


akdang pampanitikan sa pananaw humanismo o alinmang
angkop na pananaw sa pamamagitan ng mga pahayag o
kilos/gawi,
2. Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-
sunod ng mga pangyayari

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-
aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba
para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na
ito.

2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong


kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri at magwasto sa iyong mga
kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang lawak ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
pamumuhaya at pakikpagtalastasan.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto
sa bagong aralin

2
Aralin
PAGSUSURI NG NOBELA
1 SA PANANAW HUMANISMO

INAASAHAN
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• naibibigay ang katangian ng tauhan batay sa napakinggan/nabasang diyalogo
• nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang pampanitikan sa
pananaw humanismo o alinmang angkop na pananaw.

UNANG PAGSUBOK
Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa kwaderno.
1. Ang nobela ay isang uri ng akdang nasa anyong ___________.
A. tuluyan B. patula C. pasalita D. pasulat
2. Naiiba ang nobela sa iba pang akdang tuluyan dahil sa ____________.
A. may kakintalang naiiwan sa isip ng mga mambabasa
B. naglalahad ito ng isang kawil ng kawili- wiling pangyayari na hinabi sa
isang mahusay na pagkakabalangkas
C. ito ay bungang- isip o katha na nasa anyong prosa
D. layunin nitong magbigay ng impormasyon at aral
3. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mabubuhay naman ako kahit wala
ka. Alam kong mas magiging maligaya ka sa kaniya.” Ang pahayag ay
nagpapahiwatig na ang nagsasalita ay may katangiang _____________.
A. mapagparaya B.mapagmahal C. masunurin D. malambing
4. Sa pananaw ________ ng panunuring pampanitikan, binibigyang- tuon ang
kagandahan at kabutihang taglay ng isang tao sa kahit ano pa mang mga
nangyayari sa kaniyang paligid.
A. Eksistensyalismo B. Humanismo C. Realismo D. Naturalismo
5. Sa pananaw humanismo ng panunuring pampanitikan, pinaniniwalaan na ang
tao ay _____________.
A. sukatan ng lahat ng bagay
B. di- makatao
C. ibinabandila ang sariling kalayaan
D. pinahahalagahan ang paglikha ng kagandahan

BALIK-TANAW
SALITA KO… SALAMIN KO
A. Panuto: Ibigay ang katangian ng tauhan sa larangan ng pag- ibig batay sa
babasahing diyalogo na hango sa mga pelikula. Piliin ang titik tamang
sagot sa kahon. Gawin ito sa kwaderno.

A. Matiyaga sa pag- ibig D. Wagas magmahal


1. “Oh B. Ipinaglalaban ang pag- ibig E. Matatag sa pag- ibig
yes, C. Tapat magmahal

3
kaibigan mo ko. Kaibigan mo lang ako. And I’m so stupid to take the biggest
mistake of falling in love with my bestfriend.”
-Bujoy - Labs Kita…Okay Ka Lang? (1998)
2. “Kahit ilang beses tayo magpaalam sa isa’t isa ng tandaan mo palagi na wala
akong minahal at wala rin siguro akong mamahalin tulad ng pagmamahal na
ibinigay ko sa’yo.”

-Jerry Morales- Sana Maulit Muli (1993)


3. “Ang totoong nagmamahal, marunong maghintay.”
-Georgina Lorenzana -You’re My Boss (2015)
4. “Wala namang magbibilang kung ilang beses kang nagmamahal di ba?”
-Tere Madlansacay - English Only Please (2015)
5. “Dapat ipaglaban mo. ‘Wag mong hintayin na may magtulak sa kaniya pabalik
sa’yo. Hatakin mo hangga’t kaya mo, ‘wag kang susuko.”
-Mace Castillo – That Thing Called Tadhana (2013)
Sa pagsusuring gagawin natin ngayon, mahalagang mabigyan ng pansin ang
tauhan na isa sa mahahalagang elemento ng nobela. Halika, alamin mo.

MAIKLING PAGKILALA NG ARALIN

Ang panunuring pampanitikan ang salalayan ng hatid na kaalaman at kasiyahan


ng akdang pampanitikan na siyang mga pangunahing layunin kung bakit mayroong mga
literari. Ito ay ang pagsusuri at pagbibigay- kahulugan sa mga nagaganap sa daigdig at
sa kabuuan ng tao- ang kanyang anyo, ugali, kilos, paraan ng pagsasalita, at maging ng
kaniyang pakikipag- ugnayan sa kaniyang kapwa at sa lipunang kinabibilangan niya.
Maaaring silipin ng isang manunuri ang akda batay sa iba’t ibang pananaw o
teorya at isa na rito ang pananaw o teoryang humanismo. Sa ganitong paraan,
ipinakikita na ang tao ay ang sukatan ng lahat ng bagay na tinitingnan. Binibigyang tuon
ang kalakasan at mabubuting katangian ng isang tao. Naniniwala ang mga humanista
na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa
kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng
ipinahahayag ni Protagoras, "Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng
bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran.
Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may bakas siyang
maiiwan upang ang kanyang buhay ay magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala
sa isang di maikukubling kasaysayan. Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas
sa pananaw na ito. Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang
paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o
realidad.
Sa pagsusuri ng akdang pampanitikan sa pananaw o teoryang humanismo,
mahalagang kilalanin ang kabuuang pagkatao o katangian ng tauhan. Makatutulong ang
pagtukoy sa paraan ng kaniyang pananalita, nararamdaman, kilos o pakikitungo sa
ibang tauhan sa akda, reaksyon, paniniwala at pananaw sa buhay. Dagdag pa rito,
makatutulong din ang kaniyang mga pinagdaanang suliranin sa buhay o mga balakid na
nagtulak sa kaniya upang higit na mahubog ang kaniyang katangian… ang kaniyang
kabutihang dapat ilabas.
Halika, lalo pa nating liwanagin ang ating aralin sa pamamagitan ng mga
gawaing inihanda ko para sa iyo.

4
GAWAIN
GAWAIN 1 – Basahin at Unawain
Panuto: Basahin at unawain ang buod ng nobelang isinulat ni Liwayway A. Arceo na
Titser. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa tulong ng H- Q&A. .
Mula sa kinatatayuan ni Aling Rosa sa tabi ng bintana ay nakita niyang
papasok na sa tarangkahan si Amelita. Hindi naikubli ng nag-aagaw na dilim at liwanag
ang hapung-hapong anyo ni Amelita at ang hapis na mukhang pinalamlam ng pagod.
Nguni’t hindi rin nakubli sa paningin ng matanda na wari ay walang nadaramang pagod o
hirap ang anak. Magaan din ang pag-angat at pagbasak ng mga paa nito. Tila may
kasiyahang walang kahulilip ang imbay ng kanang braso, at ang kaliwa ay may kipkip na
aklat at makapal na kuwaderno. Hindi man lamang kumibo si Aling Rosa nang humalik
ng kamay si Amelita, bagama’t hindi niya nailihim ang nagpupuyos niyang damdamin.
Natitiyak niyang napansin iyon ni Amelita; ilang saglit napatitig sa kaniya ang anak bago
unti-unting ibinaba ang tingin. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa
kolehiyo ng may "titulo", tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng
kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser",
bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak.
“Talagang pinakagaga sa lahat ng anak ko ang isang ‘to, oo! Himutok ni Aling
Rosa. “Maaari naman kumuha kahit anong mabuti-buting karera. . . nagpilit na maging
titser lang! Ngayon . . ano? Alila ng buong nayon!”
“Naku, Ambo …ma’nong huwag ka nang magmaang-maangan! Hindi ba ikaw
itong laging nakapupunang nangangayat na sa pagtuturo ang anak mong ‘yan? Pa’no
laging pagod na pagod!”
Napatango si Mang Ambo. “Sa tingin ko’y nasisiyahan naman sa pagtuturo ang
batang ‘yan, a … baya’n mo na lang ! Pumayag ka na rin lang na ‘yan ang pag-aaralan
niya..”
“Bakit nga hindi pa ‘ko papayag, e sa nakita kong kahit patayin ko’y ang gusto rin
niya ang susundin!” Gigil na gigil si Aling Rosa sa pagsasalita at lumilitaw ang mga ugat
sa leeg.
“Baya’n mo na …talagang gayan ang bunso!”
Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo,
isang binata mula sa pamilya ng mga haciendero na sumusuyo kay Amelita.
“Matagal nang nakikiusap sa ‘kin si Osmundo,” patuloy ni Aling Rosa,”at palagay
ko naman, napapanahon na para sumagot ka!” Nag-uutos ang tinig niya.
“Pero, Inang…” Nangangatal na tinig ni Amelita nang magsalita. “hindi ko naman
maaaring sundin ang…”
“Alin ang hindi maaari?” agaw ni Aling Rosa. “Lahat ng gusto ko’y nasuway mo
na Amelita..pero ang isang ito’y hindi mo maaaring baliin!”
“Inang,” higit nang matatag ang tinig ni Amelita, “kailangang malaman ni
Osmundo na ngayon na…na hindi maaari.
Nagdilim ang mukha ni Aling Rosa. “Bakit hindi maaari? Bakit? At niyugyog niya
ang dalawang balikat ni Amelita hanggang mabitiwan nito ang hawak na fountain pen.
Maging si Mang Ambo ay hindi nagkaroon ng lakas ng loob na damputin ang nabitiwan
ni Amelita.
Subalit, nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at
ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isa rin guro sa pampublikong paaralan. Nang
malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na nakipag-
isang dibdib si Amelita kay Mauro.

5
Bigo at napopoot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at
nagbakasyon sa mga anak na nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng
mga anak, labis pa rin ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga
ito, at ikinakatwiran na lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang
buhay.
Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na sa
nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng
maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na
patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang
inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng gurong si Mauro.
Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak
ang kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong
manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng
hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa
pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya
ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro.
Lumipas ang ilang taon at lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong
bata. Isang araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking
pagdiriwang para sa kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at
Osmundo, subalit kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang
nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na manliligaw.
Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang pamilya.
Samantala, hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na
may asawa't anak pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at
naging magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si
Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita. Labis na
nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni
Osmundo, ngunit, di naglaon ay nagbalik rin ang bata. Ipinagmamalaki pa ang kabaitang
ginawa ni Osmundo. Napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa
at kalimutan ang minamahal na si Amelita.
Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang
kanyang mga anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na
matiyagang nag-asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang
ipinaabot ng apat na anak. At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali
Nagustuhan mo ba ang binasang akda? Naikonekta mo ba ang iyong sarili sa
mga pangyayari at paksa ng kuwento? Upang mas lalo mo pang maunawaan ang
binasang akda, gawin mo na ang H- Q&A.

Handa ka na ba? Tara na!


1. Sino ang pangunahing tauhan sa binasang akda? Ilarawan siya.
_______________________________________________________________
2. Ano ang naging suliranin sa akda? Patunayan mo.
________________________________________________________________
3. Paano nakatulong si Aling Rosa sa pagpapalutang ng mga katangian ni Amelita?
Pangatwiranan.
________________________________________________________________
4. Anong kakaibang katangian ni Amelita ang nakatulong upang mapalutang ang
mensahe ng akda?
________________________________________________________________

5. Batay sa binasang akda, ibigay ang mensahe ng may-akda sa kaniyang isinulat


na nobela? Patunayan.
________________________________________________________________

6
GAWAIN 2- PATUNAYAN MO
Ang husay mo naman! Ngayon ay susuriin naman natin ang mga tauhang
gumalaw sa nobelang ating binasa. Patunayan natin na ang bawat tao ay may
kabutihang taglay sa kanilang sarili. Mas mapadadali ang pagsusuri mo kung
magpapatulong ka sa iyong guro o kahit sinomang maaaring gumabay sa’yo..
Huwag kang matakot, madali lang ang gawaing ito.
Panuto: Suriin ang katangian ng pangunahing tauhan sa binasang akda. Ibigay
ang kaniyang katangian sa pamamagitan ng kilos o gawi at pahayag gamit ang
tsart. Gawin ito sa isang buong papel.
CHARACTER- ATTRIBUTE ANALYSIS CHART
Sariling Pahayag ng
Tauhan

Kilos o Gawi ng Kilos o Gawi ng


Ibang Tauhan sa Tauhan
Kaniya

Pahayag ng Ibang Paraan ng Pag- iisip


Tauhan Tungkol sa ng Tauhan
Kaniya

O, ‘di ba madali lang ang gawain mo? Marahil naging malinaw sa iyo na batay
sa isinagawang aktibiti, masasalamin nating sa pananaw humanismo, ang karakter ng
pangunahing tauhan ay nagbibigay- diin sa dignidad at kahalagahan ng tao sapagkat
pinaniniwalaang ang tao ay nilikhang rasyunal, may sariling pag- iisip kaya alam ang
makabubuti para sa kaniya at sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Nabasa natin na sa
kabila ng mga pagtutol at hindi magagandang ipinakita ng ina ni Amelita, na si Aling
Rosa, sa kaniyang pagpili ng karera at sa asawang si Mauro, ang pagiging mabuting
anak pa rin ang kaniyang isinukli sa ina lalo na nang nagkasakit ang huli.

GAWAIN 3- DESISYUNAN MO
Panuto: Unawain ang bawat sitwasyon. Lagyan ng (nakangiting emoticon) kung
ito’y makabubuting gawin at
kuwaderno.
X (ekis) kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong

SITWASYON
X
1. Pabalik- balik si Mang Gener sa bilihan ng bisikleta. Siya ay 83 gulang
na. Sa kabila nito, naghahanapbuhay pa rin siya upang mabili ang
bisikletang nais niya kaya lang hindi pa sapat ang pera niya. Sa
kaniyang pagbalik, nagulat siya dahil binigay na lamang ng may-ari ang
bisikleta sa kaniya.

7
2. Sa panahon ngayon ng pandemya, maraming mga frontliner ang
nagsakripisyo upang mapaglabanan ang Covid-19. Sa kabila nito,
nakararanas pa rin sila ng diskriminasyon.
3. Patuloy pa rin ang panawagan ng pamahalaan na tayo ay mag- ingat
laban sa Covid-19. Kaya naman, nagsusuot ka pa rin ng face mask at
nananatiling maingat sa sarili.
4. Pinagbubutihan mo ang iyong pag- aaral dahil sa iyong pangarap na
maiahon ang pamilya sa kahirapan.
5. Sa dami ng mga pagsubok na dumarating sa buhay, hindi nawawala sa
mga Pilipino ang paghingi ng gabay sa Lumikha.

TANDAAN

1. Ang panunuring pampanitikan ay pagbibigay- kahulugan sa mga


nagaganap sa paligid at sa kabuuan ng tao sa pamamagitan ng mga
masasalamin sa mga akdang pampanitikan tulad ng nobela.

2. Maaaring silipin ng isang manunuri ang akda batay sa pananaw o


teoryang humanismo na binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting
katangian ng isang tao.
3. Sa pagsusuring humanismo sa pangunahing tauhan ng nobelang Titser,
makikita ang kabutihang taglay ni Amelita bilang anak at asawa. Sa kabila
ng hindi nila pagkakaunawaan ng ina, naging mabuti pa rin siyang anak na
pinatutunayang ang tao ay may likas na kabutihang taglay sa kaniyang
sarili.
4. Hindi lamang si Amelita ang tauhang masusuri sa pananaw humanismo.
Nariyan ang kaniyang inang si Aling Rosa na sa kabila ng kaniyang
panghihimasok sa mga desisyon ng anak ay masasalamin naman na ang
nais lamang niya sa bunsong anak ay kabutihan para rito. Dagdag pa rito,
ang pagbabago ng katauhan ng dating manliligaw ni Amelita na si
Osmundo mula sa pagpaplano nang di maganda kay Mauro hanggang sa
pagpapakita niya ng kabutihan sa anak nina Amelita at Mauro, ay patunay
rin na ang tao ay may likas na kabutihan.

5. Sa panunuring humanismo, ang mga katangian ng tauhan ay maaaring


matukoy sa kanilang kilos o gawi at diyalogo.

6. Sa kabuuang pagsusuri ng akda, masasalamin na ang tao ay may likas na


kabutihang taglay sa kabila ng mga hindi perpektong desisyon niya sa
buhay. Tulad ng naging desisyon ni Amelita sa pagpili ng karera at pagpili
ng mapapangasawa, hindi man niya nakamit ang materyal na karangyaan
sa buhay dahil sa pagsunod sa iniibig na karera, na naging dahilan ng
madalas na paninisi ng ina sa kaniya, sa huli, siya lamang ang anak na
nakapagbigay ng sapat na panahon sa ina nang ito’y magkasakit

8
PAG- ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Pagmasdan ang caricatura mula sa pahayagan. Pagkatapos, sagutin ang


mga tanong sa ibaba nito. Ilagay ang iyong sagot sa kwaderno.

SIYASAT-LARAWAN
https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon

Tanong:
1. Ano ang ipinakikita sa larawan? Ipaliwanag ang naging reaksyon ng mga tao sa
larawan.
________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, tama ba ang naging reaksyon ng mga tao sa larawan?
Ipaliwanag.
________________________________________________________________

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba batay sa mga paksang tinalakay sa
modyul na ito. Titik lamang ng pinakawastong sagot ang isulat sa kwaderno.

1. Naiiba ang nobela sa iba pang akdang tuluyan dahil sa ______________.


A. may kakintalang naiiwan sa isip ng mga mambabasa
B. naglalahad ito ng isang kawil ng kawili- wiling pangyayari na hinabi sa isang
mahusay na pagkakabalangkas
C. ito ay bungang- isip o katha na nasa anyong prosa
D. layunin nitong magbigay ng impormasyon at aral
2. Mahalaga ang panunuring pampanitikan sapagkat ________________.
A. nakapagpapaligaya ito sa manunuri
B. nagbibigay ito ng kaalaman sa lahat
C. nakapagpapabago ito ng pananaw ng isang tao
D. nagbibigay- ligaya at kaalaman ito sa isang tao
3. Sa pananaw humanismo, malaking tulong ang pagbibigay- tuon sa
____________
A. karanasan sa buhay ng tauhan C. mga pananaw sa buhay ng tauhan
B. kilos o pahayag ng tauhan D. mga reaksyon sa pangyayari ng tauhan
4. Kung patuloy na gagamitin sa ating buhay ang pananaw humanismo,
maaaring __________
A. maging maunlad ang bayan sapagkat pag- ibig ang mangingibabaw
B. madaling masosolusyunan ang mga suliraning darating
C. maging payapa ang daigdig sapagkat kabutihan lamang ang nakikita sa tao
D. lahat ng nabanggit

9
5. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mabubuhay naman ako kahit wala ka.
Alam kong mas magiging maligaya ka sa kaniya.” Ang pahayag ay
nagpapahiwatig na ang nagsasalita ay may katangiang ______________.
A. mapagparaya B. mapagmahal C. masunurin D. malambing
6. Natamo ni Amanda ang kaganapan ng kaniyang pagkatao sa pagtulong na
kaniyang ginagawa sa mga sugatang kasamang dinadala ni Jules. Tungkuling
hindi naman iniatas sa kaniya ninuman o isang obligasyon, na kahit gaano man
kapanganib ay nagawa pa rin niyang gampanan. Ang pahayag ay mula sa
akdang Dekada ’70 na ipinakikitang si Amanda bilang ina ay ______________.
A. gagawin ang lahat para lamang sa ikaliligaya ng anak
B. nagmamahal sa kaniyang kapwa nang walang alinlangan
C. ginagampanan ang tungkulin sa kabila ng mga balakid
D. nahanap ang kaniyang halaga sa mundo dahil sa tungkuling ginampanan
7. Isang pandemya ang nagdulot sa daigdig nang di matatawarang takot. Marami
ang dinapuan ng sakit, maraming namatay, maraming nagsakripisyo at nanganib
na bumagsak ang ekonomiya ng bawat bansa. Sa kabila nito, unti- unting
bumabangon ang bawat bansa sa trahedya sa pamamagitan ng pagtutulungan
ng bawat mamamayan nito. Ang nagsasalita ay may katangiang ____________.
A. matatakutin C. maalalahanin
B. mapagmalaki D. may positibong pananaw
8. Ipinakikita ng mga pangyayari sa bilang 7 na ang mga tao ay natural na _____.
A. makatao B. maprinsipyo C. matapang D. malakas ang loob
9. Kung susuriin natin ang mga pangyayari sa bilang 7, masasabi natin na ang mga
tao ay naniniwala na ___________________________.
A. may sukatan ang lahat ng bagay C. ibinabandila ang sariling kalayaan
B. di- makatao D. pinahahalagahan ang paglikha ng
kagandahan
10. Ang pangungusap na nagpapakita ng kabutihang- loob ay _________.
A. Sa kabila ng mga panawagan ng pamahalaan na huwag palayasin ang mga
nangungupahang hindi nakababayad ng renta dahil sa pandemya, may
nababalitaan pa ring tinanggalan ng bubong upang umalis sa inuupahan.
B. Maraming mga OFW ang hindi pa rin tinatanggap ng kanilang mga LGU kahit
natapos na ang 14-day quarantine.
C. May mga sasakyang pribado na nagpapasakay kahit hindi nila kakilala ang
nadaraanang naglalakad dahil walang masakyan papasok sa trabaho,
D. Patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng kaso ng covid- 19 sa Pilipinas dahil
sa katigasan ng ulo ng ilang mga kababayan natin.

PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO


\
Sa pagdating ng suliraning dulot ng coronavirus sa ating bansa, magtala ka ng mga
kabutihang natutuhan mo sa ating aralin na magagawa mo sa pamilya, kapwa, lipunan
at daigdig. Gamitin ang tsart sa ibaba. Pagkatapos, isulat ito sa iyong kwaderno.

10
Aralin ANGKOP NA GAMIT NG MGA HUDYAT

2 SA PAGSUSUNOD- SUNOD NG MGA


PANGYAYARI

INAASAHAN
Panibagong araw, panibagong kaalaman! Oo, tama ka ng binasa. Ito ang hatid
naming pagmamahal dahil sa ipinamalas mong galing sa nakaraang aralin. Sa aralin na
ito, matututuhan mo naman ang angkop na gamitin sa pangungusap o talata ang mga
hudyat sa pagsusunod- sunod ng pangyayari.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• nagagamit ang angkop na hudyat sa pagsusunod- sunod ng mga pangyayari
• naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa nabasa/napakinggan
Handa ka na ba? Simulan na natin ang iyong paglalakbay.

UNANG PAGSUBOK
Panuto: Buuin ang salita sa puzzle sa tulong ng mga klu. Isulat ang sagot sa kwaderno.

1. Ito ang tawag sa ikalawang pangkalahatang bahagi ng panalita.

2. Ito ang nagbibigay- linaw at nag- uugnay ng mga kaisipang inilalahad sa isang
teksto o diskurso.

3. Ito ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa


pangungusap.

4. Ang tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng paghahatid ng mensahe.

5. Ito ang pagpapahayag na may layuning magkuwento ng mga pangyayari.

11
Mayroon ka bang naaalala sa mga salitang nabuo mula sa ating gawain? Tama!
Mga panandang pandiskurso nga ang ating tatalakayin sa ating aralin. Pero bago ‘yan,
balikan natin ang dating kaalamang natutuhan mo.

BALIK-TANAW

CLOZE PROCEDURE
Panuto: Buuin ang salaysay. Piliin sa loob ng panaklong ang kataga o salitang
pupuno sa mga pangungusap. Isulat ang sagot sa kwaderno.

Kagagaling ni Bandong, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superintendente


sa kabisera ng lalawigan 1. (at, nang) __________ tinagubilinan siyang manuparang
pansamantalang prinsipal sa kanilang nayon. Nakilala ni Bandong si Andres, isang
eskwater sa Tambakan 2. (sapagkat, nang) ________ ipalista nito ang anak sa grade
one sa eskwelahang pinagtuturuan ng guro. Naging magkaibigan ang dalawa 3. (at,
ngunit)_______ nagkasundong magtayo ng cottage industry sa kanilang lugar
4.
(ngunit, kaya) _________ kailangan muna nilang linisin ang lugar. 5. (Dahil dito,
saka _________ umunlad ang eskwater at pinangalanan nila ito ng Bagong Nayon.
6.
Nalaman ito ni Donya Leona (kaya, at) ________ kinamkam niya ang
lugar, ginawan ng kaso si Bandong at ipinasunog ang kamalig. Nagalit ang
magkakanayon sa ginawa ng donya at lumaban sila sa pamumuno ni Andres.
7.
(Bunga, Sakali) __________ nito, nakamtan ng Bagong Nayon ang kanilang
ipinaglalaban. Nabawi rin ni Andres ang lupaing kinamkam ni Donya Leona sa
kanilang pamilya sa mahabang panahon. 8.
(Sa huli, sa madali’t sabi)
9.
____________, naging mapayapa na ang nayon. (Sa wakas, Bunga nito) _______
natuloy na rin ang kasal ni Bandong 10. (at, nang) _____ Pina.
Mula sa Luha ng Buwaya
ni Amado V. Hernandez

MAIKLING PAGKILALA NG ARALIN


Ang mga panandang pandiskurso ay maaaring maghudyat ng pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari o di kaya’y maghimaton tungkol sa pagkakabuo ng diskurso.
Karaniwan nang ito’y kinakatawan ng mga pang- ugnay o pangatnig.
Kung papansinin ang salaysay na iyong binuo, ang mga salitang ipinampuno mo
sa bawat pangungusap ay walang gaanong naibibigay na kahulugan, tama ba? Subalit,
naisip mo ba kung paano mo isasalaysay ang kuwento kung wala ang mga ito? Tama!
Wala man itong kahulugan kung nag- iisa, ngunit, kailangan ang mga pang- ugnay o
pangatnig bilang panandang pandiskurso sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
dahil nabubuo nito ang diwa ng iyong isinasalaysay.
Tandaan mo, walang bagay o pangyayari sa ating mundo ang walang kabuluhan.
Lahat ng bagay ay may mabubuting naidudulot sa atin gaano man ito kaganda o hindi
kaaya- aya sa kasalukuyan. Tulad ng mga panandang pandiskurso, maaari itong
gamitin upang maging hudyat ng pagkakasunod- sunod ng pangyayari sa kabila na hindi
nito kayang makabuo ng diwa nang mag- isa.
Tingnan natin ang ilang halimbawa:
• nagsasaad ng pagpupuno o pagdaragdag - at, saka, pati
nagsasaad ng pagbubukod o paghihiwalay - maliban sa,bukod kay, huwag lang

12
• nagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan - tuloy, bunga nito, kaya naman
• nagsasaad ng kondisyon o pasubali - kapag, sakali, kung

GAWAIN
GAWAIN 1 – EVENT CHART
Panuto : Isalaysay ang mga pangyayari ng isang napanood na palabas na nagpapakita
ng kabutihang- loob ng isang tao gamit ang sumusunod na panandang
pandiskurso o hudyat ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Gawin ito
sa isang buong papel.

Pagkatapos

GAWAIN 2-
PYRAMID OF EVENTS
Sinubukan mo na bang tumingin ngayon sa iyong paligid? Nakita mo ba ang
mabubuting ginawa ng tao sa kaniyang kapwa sa kabila ng mabigat na suliraning ating
kinaharap? Ibahagi mo naman sa amin ang iyong namasid, napanood o nagawa mo rin
sa sunod na gawain. Upang matulungan ka sa gawaing ito, tawagin mo na si nanay o
tatay o kung sinomang maaring tumulong sa’yo.
Panuto: Isa- isahin ang mga pangyayaring nagpapakita ng mabubuting ginawa ng tao
Sa kaniyang kapwa sa kabila ng pagharap sa mabigat na suliranin na
Nakapagpaantig sa iyong puso. Sikaping gumamit ng mga panandang
pandiskurso. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Tanong:
Bakit mahalagang maibahagi ang ating kabutihan sa kapwa? Paano ito
nakatutulong sa pagpapanatili ng kapayapaaan at pagharap sa mga suliraning
kinakaharap?
______________________________________________________________________
GAWAIN 3- POINTS OF VIEW

Panuto: Ibahagi ang iyong sariling opinyon o pananaw tungkol sa kahalagahan ng


pagiging mabuti mo sa sarili, sa kapwa at sa lipunan na iyong nabasa/narinig.
Ibahagi mo ito sa iyong mga kakilala.

13
TANDAAN
1. Ang mga panandang pandiskurso ay maaaring maghudyat ng pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari o di kaya’y maghimaton tungkol sa pagkakabuo ng
diskurso. Karaniwan nang ito’y kinakatawan ng mga pang- ugnay o pangatnig.
2. Mahalaga ang mga pang- ugnay o pangatnig bilang panandang pandiskurso sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari dahil nabubuo nito ang diwa at
nagiging tuloy- tuloy ang paglalahad ng isinasalaysay.
3. Mahalagang maipakita natin ang kabutihan sa sarili, sa kapwa at sa lipunan lalo
na sa pagharap ng mga suliranin upang mapagaan at mapadali ang pagbibigay-
solusyon ditto.

PAG- ALAM SA MGA NATUTUHAN


GOAL DIAGRAM
Panuto: Ilahad ang iyong layunin o hangarin sa isang buong papel sa pagpapakita ng
kabutihan sa kapwa. Ibigay rin ang iyong pamamaraan kung paano mo ito
maipakikita. Maaaring magdagdag ng papel kung kinakailangan.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
A. Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba batay sa mga paksang tinalakay sa
aralin na ito. Titik lamang ng pinakawastong sagot ang isulat sa
kwaderno.

1. Sa panahon ng krisis, tumataas ang presyo ng mga bilihin ________ ang bayad
sa kuryente. Anong panandang pandiskurso ang dapat gamitin sa patlang?
A. ngunit B. at C. sapagkat d. samakatuwid
2. Ang ginamit na pandang pandiskurso sa bilang 2 ay naghuhudyat ng ano?
A. pagpupuno o pagdaragdag ng impormasyon
B. pagbubukod o paghihiwalay
C. kinalabasan o kinahinatnan
D. kondisyon o pasubali
3. Nahirapan si Carlo papasok ng trabaho sa unang araw ng pagbalik niya sa
trabaho matapos ang Enhanced Community Quarantine. Hindi birong tatlong

14
oras ang kaniyang nilakad mula Camarin, Caloocan City hanggang Quiapo
___________ lumiban. Alin ang panandang pandiskursong pupuno sa
pangungusap?
A. sapagkat
B. bunga nito
C. sakali
D. huwag lang
4. Ang ginamit na pandang pandiskurso sa bilang 3 ay naghuhudyat ng ano?
A. pagpupuno o pagdaragdag ng impormasyon
B. pagbubukod o paghihiwalay
C. kinalabasan o kinahinatnan
D. kondisyon o pasubali
5. Nais mong makatulong sa pagbaba ng bilang ng mga tinamaan ng Covid-19, ano
ang gagawin mo bilang kabataan?
A. Pupunta ako sa aming barangay at mag- aaplay na volunteer.
B. Araw-araw na makikinig/manonood ng balita at babalewalain ito.
C. Mananatili ako sa aming tahanan at susundin ang ipinag- uutos ng
pamahalaan.
D. Lahat ng nabanggit.

B. Panuto: Punan ng angkop na panandang pandiskurso ang bawat patlang upang


mabuo ang diwa ng salaysay. Piliin ang sagot sa loob ng kahon sa itaas.
Gawin ito sa kwaderno.

kaya naman at maliban sa


sa huli bukod pa rito

Ika-10:00 ng umaga, nagmamadali na kaming umalis ng bahay upang pumila


sa Puregold Grocery. Kailangan kong kumpletuhin ang mga pangunahing
pangangailangan namin sa bahay dahil walang katiyakan kung hanggang kailan
ang suliranin. Kagabi pa lamang, inilista ko na lahat ng mahahalagang bagay nang
sa gayon ay mabilis akong makatatapos sa pamimili. 1.__________, inihanda ko rin
ang aking quarantine pass 2._____ face mask.
Mahaba na ang pila nang kami ay dumating. Mahigpit ang guwardiyang
nagbabantay sa pintuan. Kailangang may facemask at quarantine pass. Akala ko
iyon lang ang pilang aking mararanasan. 3._______ pilang iyon, may kasunod pa
pala pagpasok ng unang pinto. Marami na ang umiinit ang ulo sa pila.
Napagbubuntunan na nila ng inis ang guwardiyang nagpapatupad. Subalit, makikita
mo pa rin sa kaniya ang mga ngiti habang mahinahong ipinaliliwanag sa mga tao
ang protocol na sinusunod. 4._________ tumahimik na lamang ang mga naghihintay.
Habang naghihintay nang nakaupo, pinayuhan kaming panoorin ang video tungkol
sa paraan kung paano maiiwasan ang virus na maaaring makapaminsala ng ating
katawan. 5.___________, maayos naman akong nakapasok sa grocery.

PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO


Panuto: Kumpletuhin ang tsart ng iyong naisip bago talakayin ang aralin sa
modyul,naiisip habang tinatalakay ang aralin at ano ang iyong napagtanto
matapos mong pag- aralan ang modyul. Isulat sa kwaderno ang sagot.

15
SYNTHESIS GRAPHIC ORGANIZER

SANGGUNIAN

Jocson, Magdalena O., et.al. (2015). Filipino sa Baitang 10- Modyul para sa mga Mag- aaral.
Department of Education- Instructional Materials.
Arceo, Liwayway A. (1995).Ang Titser. Ateneo De Manila University Press.
https://www.academia.edu/38809099/Titser_ni_Liwayway_A_Arceo
Villafuerte, Patrocinio V. (2000). Panunuring Pampanitikan (Teorya at Pagsasanay). Mutya
Publishing House, Valenzuela City.
Hugot Lines from Pinoy Movies.https://www.youtube.com/watch?v=59x_d3dO1Y4
Ang Teoryang Humanismo. https://www.slideshare.net/eijrem/teoryang-humanismo
https://pixabay.com/vectors/teacher-female-woman-girl-avatar-295387/
https://www.easyteacherworksheets.com/pages/pdf/graphicorgs/writing/characters/11.html

Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamanihala ng mga Paaralang Sangay : Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon : Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon : Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR : Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II : Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II : Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri : Museta DR Dantes, PSDS


Lucelma O. Carpio, HT VI

Manunulat : Shella L. Barrozo, MT I


Ilustrador : Anthony L. Barrozo
Tagalapat : Evangeline P. De Leon, HT VI

16
SUSI SA PAGWAWASTO
ARALIN 1- PAGSUSURI NG NOBELA SA PANANAW HUMANISMO

Unang Pagsubok
1. A 2.B 3.A 4.A 5.A

Balik- Tanaw
1. A 2. D 3.C 4.E 5.B

Gawain 1-Basahin at Unawain

1. Ang pangunahing tauhan sa akdang Ang Titser ni Liwayway A. Arceo ay si


Amelita na isang guro sa pampublikong paaralan. Siya ay bunsong anak sa limang
magkakapatid nina Mang Ambo at Aling Rosa. Pinili niyang kumuha ng kursong
pagiging guro sa kabila na tinututulan ito ng kaniyang ina dahil sa mababang
pagtingin niya sa propesyong ito. Napangasawa niya si Mauro na isa rin guro. Muli
itong labis na ikinasama ng loob ng ina dahil ang nais nitong mapangasawa ng
anak ay si Osmundo na isang haciendero at matagal ng nanunuyo sa dalaga.
2. Ang suliranin sa akda ay ang labis na pagtutol ni Aling Rosa, ina ni Amelita, sa
pagkuha niya ng kursong edukasyon at pagpapakasal niya rin kay Mauro na isa
ring guro na may kakarampot din na suweldo.
3. Ang karakter ni Aling Rosa ang nagsilbing tagapagpatibay sa tunay na kalagayan
ng isang guro na ninais makapaglingkod sa kapwa sa kabila ng napakahirap na
pamumuhay dahil sa kakarampot na suweldong tinatanggap. Sa kabila nito,
nakatulong si Aling Rosa na mapalutang ang katangian ni Amelita sapagkat
makikita ang kaniyang pagiging matatag at may paninindigan sa propesyong
kaniyang tatahakin at sa uri ng buhay na kaniyang nais tahakin.
4. Si Amelita ay isang babaeng may matatag na paninindigan sa kaniyang mga
desisyon sa buhay. Sa kabila ng pagtutol ng ina, ipinaglaban niya ang kaniyang
mga nais mangyari sa buhay na alam niyang tama kahit pa ikinasama ito ng
kaniyang ina. Makikita ang kaniyang kabutihan na makapaglingkod sa kapwa kahit
alam niyang mababa lamang ang suweldo ng pagiging guro.
5. Ang nobelang ito ni Arceo ay maliwanag na sumasalamin sa kalagayan ng mga
guro noon at ngayon. Sila ang nagsisilbing tagapaghubog ng magiging mga
bagong doktor, inhinyero, abogado at iba pang tinitingalang propesyon subalit sila
naman ang tumatanggap ng napakababang suweldo na hindi pa rin makasapat sa
kanilang pang- araw- araw na pamumuhay. Ngunit, ang mga guro, tulad ni Amelita
at Mauro, sa kabila ng pagiging “sampu’t sampera” o kapos sa aspetong pinansyal
ay ideyal na mag- asawang ang nais ay makapaglingkod sa kapwa sa
pamamagitan ng bokasyong pinili.

17
Gawain 2 – CHARACTER- ATTRIBUTE ANALYSIS
Sariling Pahayag ng Tauhan Pagkakaroon ni Amelita ng
“Pero, Inang…” Nangangatal na matatag na paninindigan sa
tinig ni Amelita nang magsalita. kanyang mga desisyon sa
“hindi ko naman maaaring sundin propesyong napili
ang…” kailangang malaman ni
Osmundo na ngayon na…na hindi
maaari.

Kilos o Gawi ng Ibang Tauhan Kilos o Gawi ng Tauhan


Nagkaroon ng malubhang
Samantala, hindi pa rin nawawala karamdaman si Aling Rosa. Hinanap
ang pag-ibig ni Osmundo kay niya ang kanyang mga anak ngunit
Amelita, kahit na may asawa't wala ni isa mang dumating maliban
anak pa ito. kay Amelita na matiyagang nag-
asikaso sa kanya.

Kaibig- ibig na babae


Mapagmahal na anak sa
magulang

Pahayag ng Ibang Tauhan Paraan ng Pag- iisip ng Tauhan


“Sa tingin ko’y nasisiyahan naman Isang araw ay naisipang ipasyal
sa pagtuturo ang batang ‘yan, a … ni Osmundo si Rosalida sa kanyang
baya’n mo na lang ! Pumayag ka na hasyenda. Wala ito sa kaalaman
rin lang na ‘yan ang pag-aaralan nina Mauro at Amelita. Labis na
niya..” nag-alala ang mag-asawa. Buong
akala nila'y si Rosalida ang
paghihigantihan ni Osmundo,
ngunit, di naglaon ay nagbalik rin
ang bata.
Pagiging kuntento at masaya sa paglilingkod Pagiging labis na mapagmahal na ina.
sa kapwa
Gawain 3

1. 2.
X 3. 4. 5.

Pangwakas na Pagsusulit
1. B 3. B 5. A 7. D 9. A
2. D 4. D 6.A 8.D 10.C
ARALIN 2
Unang
Pagsubok
1. pangkayarian 2. pandiskurso 3. pang-ugnay 4. diskurso 5. pagsasalaysay
Balik-Tanaw
1. at 3. at 5. dahil dito 7. bunga 9.bunga nito
2. nang 4. ngunit 6. kaya 8. sa huli 10.at

Gawain 1- EVENT CHART (Ang sagot sa gawaing ito ay depende sa mag- aaral.)
Gawain 2- PYRAMID OF EVENT (Ang sagot sa gawaing ito ay depende sa mag- aaral.)
Gawain 3- POINTS OF VIEW (Ang sagot sa gawaing ito ay depende sa mag- aaral.)

Pangwakas na Pagsusulit
A. 1. B 2. A 3. D 4. B 5. C

B. 1. bukod pa rito 2. At 3. maliban sa 4. Kaya naman 5. Sa huli

18

You might also like