You are on page 1of 3

Miracle in cell no.

7
(REPLEKSYON)
Sa mga makakapanuod ng pelikulang ito, paniguradong hindi
mo ito matatapos ng wala kang naipatak na mga luha. Sa bawat
eksena ng mag-ama ay talagang damang dama mo. Hindi mo rin
maiiwasan na makaramdam ng inis sa panunuod nito dahil sa kahit
alam na ng lahat na inosente si Yong-guk at hindi niya magagawa
ang mga kasong inihabla sa kanya ay nagbulag-bulagan ang lahat
dahil sa ang kalaban niya ay ang pinaka pinuno ng pulisya sa lugar
nila. Ipinakita ng pelikulang ito ang reyalidad na walang magagawa
ang isang ordinaryo, lalo na’t mahirap na tao laban sa mga taong may
kapit sa pamahalaan. Pero kung malakas ang iyong loob at wala kang
takot sa sino mang makakaharap mo, syempre makakamit mo din
ang iyong hinahangad na hustisya.

Sa pagtatapos ng pelikula baon ko ang mga aral na mula dito.


Una ang kahalagahan ng hustisya at karapatang pantao. Mahalaga na
alam at kaya nating ipaglaban ang mga ito. Pangalawa ay ang
pagpaparamdam ng ating pagmamahal sa ating mga magulang. Dahil
hindi natin masasabi kung hanggang kalian sila nandyan para sa atin.
Ang pelikulang ito ay hindi lamang mag-iiwan ng mga magandang
aral, kundi ito ay magmumulat sa atin ng mga maaaring mangyari sa
hinaharap.

Ang Miracle in cell no. 7 ay isang pelikula na siguradong


mapapaiyak kayo. Pinagtuunan ng pansin sa pelikula ang
pagmamahal ng ama sa anak at ng anak sa ama. Ipinakita dito na
hindi hadlang ang kapansanan upang maipakita ang pagmamahal
nakanyang ama sa kaniyang anak at gayundin naman ang anak.
Nagsikap siya upang sa pagdating ng panahon ay mabigyan ng
hustisya ang kanyang ama.

Kim Clauwie Ancheta


8-Larry page
At lumipas man ang mahabang panahon hindi nawala ang
pagmamahal ni Yesung sa kanyang ama. Nagpursigi siyang
makatapos upang mapatunayan ang pagka-inosente ng kanyang ama.
Ipinakita sa pelikulang ito na kaya paring maging masaya ng kahit
sino basta't kasama ang mga mahal sa buhay.
Ipinalabas din ng pelikulang ito ang kahalagahan ng TIWALA. Isa
itong mabuting halimbawa para sa kasabihan na Don’t judge the
book by its cover. Hindi lahat ng mga dating bilanggo ay masasama
at wala ng pag-asang mamuhay ng mabuti

Ang pelikula ay naganap sa isang kulungan kung saan


karamihan ng mga karakter ay mga bilanggo sa ika-pitong selda na
siyang pinagkuhanan ng titulo ng pelikula. Si Yong-gu ang
pangunahing tauhan na ginampanan ni Ryu Seung-ryeong. Meron
siyang sakit sa pag-iisip at walang kakayahang makapag-salita ng
tuwid, ngunit isa siyang mapagmahal na ama kay Ye-sung. Si Yong-
gu ay nagtratrabaho sa isang paradahan ng mga sasakyan bilang
isang enforcer.Siya at si Ye-sung ay mahirap lamang, ni hindi nga
nila magawang makabili ng Sailor Moon na bag na inaasam asam ni
Yesung, pero kahit ganun, masaya sila.
Isang malamig na araw, nagyelo ang mga daan sa bayan. At nadulas
ang anak na babae ng hepe ng mga pulis sa nagyeyelong kalsada at
nabagok ang ulo. Nakita ni Yong-gu ang aksidente at sinubukang
tulungan ang bata. Sa kasamaang palad, namatay ang batang babae at
inakusahan siya ng kasong pagpatay, at dahil sa pagkakaroon ng
kapansanan hindi niya nagawang ipagtanggol ang sarili.

Hindi naglaon nakulong si Yong-gu at sinentensyahan ng


parusang kamatayan, at sa ika-pitong selda siya nailagay kung saan
minamaltrato siya ng kanyang mga kasamahan dahil nalaman nila na
ang kaso niya ay may kinalaman sa pagpatay sa isang bata. Ngunit sa
Kim Clauwie Ancheta
8-Larry page
paglipas ng panahon nalaman ng kanyang mga kasamahan na hindi
nya magagawa ang ganung krimen dahil nga siya ay may
kapansanan. Noong bumisita si Yesung sa bilangguan upang
magtanghal bilang mang-aawit, itinakas siya ng mga kasamahan ng
kanyang ama upang makapiling niyang muli ang ama.
Ang mga naging kaibigan ni Yong-gu ang tumulong sa kanya sa
nalalapit na huling paglilitis sa korte.
At nang sumapit ang araw ng paglilitis pinuntahan ng hepe si
Yong-gu at tinakot na papatayin din niya si Ye-sung kung hindi
aakuin ni Yong-gu ang kasalanan. Walang nagawa si Yong-gu kundi
akuin ang mga ibinibintang sa kanya. Kahit na may pagkukulang sa
isip, alam nyang kayang saktan ng Hepe ang kanyang mahal na anak.
Nasayang ang lahat ng paghahansa nila dahil na sentinsyahan parin si
Yong gu ng parusang kamatayan. Sa kabila nito, naging masaya
parin ang pagsasama ng mag-ama. Nuong nahatulan na siya ng
kamatayan naging kahabag-habag ang mga pangyayari. Ang
pelikulang ito ay may pinaghalong malungkot at masayang
katapusan, lumaki si Yesung at naging isang abogado na siyang
nakapaglinis ng pangalan ng kanyang ama.

Kim Clauwie Ancheta


8-Larry page

You might also like