You are on page 1of 4

ARELLANO UNIVERSITY

Andres Bonifacio Campus


Pag-asa St., Caniogan, Pasig City

Pangalan: Julielyn R. Tadlas Petsa: 03/05/22


Baitang/Seksiyon: 10- Einstein Guro: Bb. Mica Abigail Tanyag
DLP #1
I. A. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga talasalitaan ayon sa pinanggalingang salita nito.
Gamitin ang sariling pananalita sa pagbibigay-kahulugan. (10 puntos)

1. Inang Diyosa (mula sa ina, diyos)


- Ang Inang Diyosa ay siyang nagsisilbing panginoon ng lahat, ang pinagmulan ng
lahat. Siya rin ang ang pinaniniwalaang nagluluwal sa bawat henerasyon ng mga
mamamayan kailan man nito naisin. Si Inang Diyosa rin ang pinanggagalingan ng
lahat ng bagay sa mundo, tulad na lamang ng halaman, na siyang sumisibol kapag
pumapatak ang kaniyang mga luha mula sa kalangitan, kapag walang pumapatak na
luha, walang nagaganap na ulan at ito’y nangangahulugang walang sisibol na mga
halaman. Kapag nagsisimula na ang ulan, nagsisimula na rin ang buhay. Si Inang
Diyosa ang taga-pangalaga ng mundo at may kontrol ng buhay sa ibabaw ng
daigdig. Naniniwala rin siya na bilang Inang Diyosa ang mundo ay may buhay na
walang hanggan.

2. maimpluwensiya (mula sa impluwensiya)


- Isang lakas, puwersa, o kapangyarihan na nakapagpapabago na nagmumula sa labas
ng isang tao o isang bagay na naimpluwensiyahan nito. Ang salitang ito ay kadalasang
ginagamit upang ilarawan ang tanyag na mga tao. Ito ang kadalasan na higit nating
pinaniniwalaan sapagkat sila ay sikat o di kaya’y maimpluwensiyang tao. Sila rin ang
dalubhasa sa sining ng pagsasalita o pagbibigay impormasyon kaya hindi mahirap na
sila’y ating paniwalaan.

3. mitolohiya (mula sa mito)


- Ang mito/mitolohiya ay kumpol ng mga tradisyunal na kwento, mga kwento na binubuo
ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Ang mitolohiya ay isang koleksyon ng mga alamat
o kuwento tungkol sa isang partikular na tao, kultura, relihiyon, o anumang grupo na may mga
ibinahaging paniniwala.  Ang isang mitolohiya ay isang kuwento tungkol sa mga lumang
panahon, madalas na nagtatampok ng mga sobrenatural na mga character, at mga alamat na
may kaugnayan sa bawat isa.
4. heograpiya (mula sa geo, grapo)
- Ang salitang “heograpiya” ay nag mula sa wikang Griyego. Sa salitang Griyego, ang
“geo” ay nangangahulugang mundo o daigdig, at ang “-graphia” ay nangangahulugan na
“sumulat o gumuhit”. Ang ang heograpiya ay ang pag-aaral sa mga pisikal na katangian ng
daigdig, ang iba’t ibang lugar sa mundo at ang relasyon ng tao sa kanyang kapaligiran. Sinusuri
din ng isang geographer kung paano nakaaapekto ang kultura ng tao sa kapaligiran, at kung
paano nakaaapekto ang lokasyon at lugar sa pamumuhay ng mga tao.

5. etnisidad (mula sa etno)


- Ang etnisidad ay ang paraan ng pagsasabi ng pinanggalingan ng isang tao, ito ay
naging pagkilanlan ng kanyang uri bilang tao. Ang etnisidad ay may kinalaman sa karaniwan na
ginagawa ng isang grupo ng mga tao, may sariling paraan sa pag gunita ng mga okasyun. Ito
ay tumutukoy sa pag-grupo ng mga mga tao base sa kanilang pagkakareho gaya ng parehong
wika, pinagmulan, kasaysayan, kultura, bansa o maging relihiyon.

B. Sagutin ang sumusunod. (15 puntos)

1. Ano ang karaniwang kaugalian sa Africa kapag nais pakasalan ng isang lalaki
ang isang babae?
- Ang karaniwang kaugalian sa Africa kapag nais pakasalan ng isang lalaki ang isang
babae ay maghaharap sa isang piging o munting salu- salo ang pamilya ng lalaki at
babaeng nagnanais na makasal. Sa pagkakataong iyon pinag-uusapan at
pinagkakasunduan ang mga detalye ng magaganap na kasalan. Mahusay na
pinagpaplanuhan ng magkabilang panig kung kalian at saan gaganapin nag kasalan
at ang mga hangganan ng mga gastusin ng bawat pamilya. Sa panahon din ng
pamamanhikan ang pagbibigay ng lalaki ng dote o bigay kaya para sa pamilya ng
babae. Ang dote ay maaring lupa, kalabaw, kabayo, mahahalagang bagay o di kaya`
naman ay salapi.

2. Ano ang kanilang paniniwala kapag namatay ang isang iniidolong lider sa
komunidad?
- Kapag ang namatay ay isang iniidolong lider sa komunidad o isang impluwensyang
tao, isang bayani, isang ina na maraming anak, o isang pinakamamahal ng lahat,
ang kanyang kaluluwa ay maaaring manatili pa rin dito sa daigdig kahit ilang taon o
henerasyon pa ang lumipas. Ayon sa kinagisnang relihiyon sa Africa, ang kamatayan
ay hindi siyang katapusan ng buhay kundi isang pagbabago lamang, isang paglipat
sa buhay sa dako ng mga espiritu. Sa kamatayan ang isang tao ay sinasabing
tumatawid mula sa nakikitang daigdig tungo sa di-nakikita. 

3. Ano naman ang kanilang pinaniniwalaan kapag ang isang tao ay namatay nang
hindi inaasahan sa malagim na paraan?
- Ayon sa kanilang paniniwala kapag ang pagkamatay ay dulot ng isang malagim na
pangyayari, ang kaluluwa ay nagtutungo mula sa isang ligtas na lugar, at hindi pa
maaaring mamatay ang kanyang katawan. Kapag nakalampas na ang panganib,
maaaring sumanib na muli ang kanyang kaluluwa ng namatay sa kanyang katawan
kapag nagkaganito siya ay mabubuhay na muli.

4. Ano ang kanilang naiisip kapag namatay ang isa sa magkasintahang


nagmamahalang tunay?
- Ang kanilang naiisip kapag namatay ang isang magkasintahang
nagmamahalang tunay ay labis nilang mahal ang isa’t-isa kung kaya’t pati sa
kamatayan ay magsasama sila. Kapag sila raw ay namatay, ang
pagmamahal pa rin nila sa isa’t-isa ang nangingibabaw.

5. Alin sa mga paniniwalang ito ang pinaniniwalaan din ng ilang grupo ng tao sa
ating sariling bansa?
- Sa mga paniniwalang ito, ang pinaniniwalaan din ng ilang grupo ng tao sa ating
sariling bansa ay patungkol sa pagpapakasal. Masasabi kong isa ito sa
pinaniniwalaan ng ating bansa sapagkat ang aking pamilya ay isa sa mga gumawa
nito. Kung may ikakasal sa aming pamilya, magkakaroon muna ng maliit na
pagtitipon ang pamilya ng babae at lalaki at dun pag-uusapan ang mangyayari sa
kasal at kung ano ang gusto ng kanilang ng mga magulang para sa kanila. Pag-
uusapan na muna nila ang mga bagay bagay bago pumayag sa kasalan at
pagkatapos ng pag-uusap na ‘yon, kailangan na nilang paghandaan ang kanilang
kasal at kailangan din na sigurado sila sa petsang kanilang napili. At naniniwala rin
ang ating bansa sa kabilang daigdig, na kung saan diyan daw ang patutunguhan ng
mga namayapang nating mga mahal sa buhay. Sinasabing hindi raw tuluyang
nawala ang mga ito, sa halip ay lumipat lang sila sa kabilang daigdig.
II. (25 puntos)
1. Pumili ng isang seleksyon mula sa mga binasang kuwento mula sa Africa
2. Isalin ito sa wikang Filipino.
3. Ilagay sa ibaba ang isinaling kuwento.

Ang seleksyong napili kong isalin ay hango sa Paglisan.


- Habang sila ay naglalakbay, biglaan sinugod ng mga kasamang lalaki si
Ikemefuna upang patayin, ngunit nagawang makatakas ng kawawang bata.
Humingi ng saklolo si Ikemefuna sa kay Okonkwo. Habang nasa harapan ng
kanyang pinamumunuan kailangan mamili ni Okonkwo at upang ipakita ang
katapangan sa harap ng mga kanayon, pinili niyang patayin ang bata sa
kabila ng paghingi nito ng saklolo.

You might also like