You are on page 1of 2

REAKSYON

Ang pelikulang ito ay maituturing na isang parada ng mga magagaling


namga aktor at aktres. Ang mga actor at aktres nagsipagganap dito ay talagang
piling-pili at mahuhusay. Panalo ang mga artistang ito sa pagganap ng kanilang mga
papel sa pelikula na ipakita ang katauhan at bigyan ng buhay ang mga karakter na
kanilang ginampanan. Makikita moa ng kanilang husay sa bawat diyalogo at ang
emosyon ng kanilang karakter ay maayos nilang ipinakita. Napakahusay ng
kanilang interpretasyon. Kahanga-hanga si Cesar Montano dahil sa mabuti niyang
pagganap at sa pagsasalita ng wikang Espanyol, Aleman at iba pa, na alam naman
natin na si Rizal ay isang dalubwika at doon ay mahusay din niyang nagampanan.
Napakahirap na trabaho ang epektibong pagdurugtong-dugtong ng lahat ng
mabibigat na detalye sa buhay ni Rizal pero napakahusay ng pagkakagawa ng
iskrip. Isa sa may pinakamalaking naimbag ay ang director ng pelikula sa kanyang
pagbabahagi ng kanyang talent para gabayan ang mga actor at aktres ng pelikula.
Ang Pelikulang Jose Rizal ay talagang isa sa mga pinakamaganda at
kamangha-mangha at maituturing na isang obra maestra. Isang sining na
makakatulong para sa mga mag-aaral para lalo pa nilang maintindihan ang buhay
ng ating Pambansang Bayani. Ipinakita dito ang kanyang pagiging isang
manggagamot, nobelista, makata, dalubwika, pintor, iskultor, magbubukid,
naturalista, at kagawad sa mga tanyag na mga institusyon.
Ito rin ay makakatulong hindi lamang para sa mga mag-aaral na bahagi ng
kanilang aralin sa Filipino at History, kundi para rin ito sa mga bata, kabataan at
maging sa mga matatanda at mga dayuhan. Ang ilan sa kanila ay kilala lang si Dr.
Jose Rizal sa piso, isang monumento sa Luneta, kalsada, probinsya, eskwelahan o
unibersidad, at kurso sa kolehiya. Kaya nga ang pelikulang ito ay para mas lumawak
ang kanilang kaalaman at kung sino nga ba talaga si Rizal. At imulat tayo sa
kalgayan ng ating bansang Pilipinas noong panahon ng Kashima.
Kahit na sa umpisa ay nalilito ako kung alin ang sa nobela ni Rizal at sa tunay
na buhay niya at paulit-ulit ang pagbabalik tanaw sa buhay niya at kahanga-hanga
sa kakaibang pagsasalaysay, binigyan ko pa rin ito ng 5 bituin dahil bukod sa
magagaling na mga ngasipagganap at sa teknikal na aspeto, ay talagang
pinagkagastusan ito. Ang isa sa mga pinakamahusay na eksena sa Pelikula ay ang
paghaharap ni Rizal at Simoun sa bisperas ng kanyang kamatayan, na kakaiba at
nagbibigay ng mahusay na koneksyon sa nobela at buhay ni Rizal. Humigit
kumulang na Php 80 milyon ang inilaan para dito. Pero bawing-bawi naman sila
dahil mahigit Php 136,7 milyon lang naman ang kanilang kinita. Bukod diyan,
kahanga-hanga ang pelikulang ito dahil sa mga karangalan na nakamit at kasama
na rin diyan ang Best Picture; (70 Local and International Awards): 16 mula sa 1998
Metro Manila Film Festival, 11 sa 199 FAMAS Awards, 6 sa 1999 Gawad Urian, 8
naman sa Star Awards for Movies at pasok din ito sa Berlin International Film
Festival noong 1998 at sa Toronto Film Festivals na nanalong 2nd runner-up sa
Audienmce awards.
Ipinapakita rin dito na kahit hindi mo ibuwis ang iyong buhay para sa bayan, ay
maaari pa rin tayo na maging isang simpleng Jose Rizal na makakatulong sa ating

bansa mula sa pagtulong sa kapwa, pagpupulot at paglilinis ng basura sa kalsada,


pagsunod sa batas at kahit sa simpleng pagsusulat tungkol sa mga magagandang
balita sa Pilipinas at ipinagmamalaki ang pagiging isang Pilipino.

You might also like