You are on page 1of 4

SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN

GE11

PANUNURING PAMPELIKULA
GAMIT ANG IBA’T IBANG TEORYANG PAMPANITIKAN

PAGSUSURI SA PELIKULANG

“Oda sa Wala”

Nina

Cuarto, Allona Claire


Ramos, Romargelyn
Martinez, Earl John
Quimpo, Allysa Faye

(Pangkat 8)

Abelardo Miranda
GURO

GAWAING PANGKLASE
Unang Semestre 2021-2022

NILALAMAN NG PAGSUSURI
I. PANIMULA
Tukuyin ang kaligiran ng pelikula. Alamin ang motibasyon ng director/sumulat
ng pelikula kung bakit niya ito isinulat. Ilalagay rin sa bahaging ito ang lokasyon ng
pelikula, banghay, makabuluhang kaugnayan sa pangyayari sa kasaysayan(kung
mayroon man). Magsaliksik pa ng karagdagang detalye hinggil pelikula. Ilagay sa
bahaging ito ang mga tauhan at ginampanan sa sa pelikula.

•Ang pelikulang ito ay inilikha ni Dwein Baltazar na kung saan ay naglalayong


maipabatid sa mga manonood ang tunay na karanasan ng mga taong nabubuhay
ngunit nakararamdam na ang buhay nila ay tila ba walang saysay na dahil sila ay
nilalamon ng kalungkutan na kanilang kinakaharap. Ito ay pumapatungkol sa
isang matandang dalaga nagtatago sa isang maliit na bayan na nagngangalang
Sonya. Walang nakakakilala sa kanya kung hindi ang mga bangkay na dinadala
sa kanyang punerarya. Isang umaga, nagbago ang takbo ng kanyang buhay
matapos dahil sa kaniyang punerarya ang isang misteryosong bangkay na naging
susi sa panibagong kabanata hindi lamang ng kanyang buhay, kung hindi ang
buhay din ng kaniyang ama. Tunany ngang hindi pang habang buhay ang
swerteng kaniyang natamo, dahilan upang magbalik siya sa dati niyang buhay.
Hinarap niya ang katotohanang ang bangkay na kanyang naging kaibigan at ang
kanyang sarili ay walang pinagkaiba. Ang naging dahilan ng direktor kung bakit
nya ito sinulat ay upang ipakita ang iba pang mga tradisyon at kultura na makikita
sa ating bansa. Ito ay ginaganapan nina Pokwang ang gumanap bilang si Sonya,
Joonee Gamboa gumanap bilang si Rudy, Anthony Falcon gumanap bilang si
Elmer, Dido De la Paz gumanap bilang Theodor at Angelita Loresco gumanap
bilang babaeng bangkay.

II. Buod ng Pelikula


Isang makabuluhang buod. (Gamitin ang gabay na ibinigay sa elemento ng
pelikula)

•Mabagal ang takbo ng lahat, mula sa kanyang paggising, pagbabantay sa lumang


punerarya, pag-aalaga sa kanyang amang hindi na niya halos makausap, hanggang
sa muling pagtulog. Ipinakita ng pelikula ang kaniyang nakasanayan at ang kaniyang
buhay – ang pagiging mag-isa hanggang sa makahanap siya ng kakampi at
katuwang – isang yumaong walang pangalan at walang pamilya tulad niya. Tinuruan
siya nitong mamuhay na parang isang normal na tao. Tinuruan siya kung paano
muling umibig, muling ngumiti, muling mabuhay. Nahanap niya ang sarili sa isang
taong wala nang buhay. Kalaunan ay nagbago ang ihip ng hangin nawawalan na sya
ng mga bangkay, at tila bang minamalas ang kaniyang buhay ng dahil sa bangkay
na naging kaibigan nya. Isinisi ni Sonya lahat ng kamalasan sa bangkay hanggang
sa unti unti nang nawawala sa sarili si Sonya. Inilibing ng kaniyang Ama ang
bangkay at nag pasya na umalis sa puninarya/bahay nila sa kadahilanang wala
silang pangbayad sa titulo. Sila ay lumayo at naglakbay at sa kanilang pag lalakbay
ang kanilang sasakyan ay nasiraan. Pinipilit ayusin ng kanyang ama ang sasakyan
ng malingat siya na nakita niya ang kanyang bangkay na kaibigan na naglalakad sa
isang madilim at mapunona lugar. Ito ay kaniyang sinundan hanggang siya ay
mawala na nang tuluyan sa sarili.

III. Mga Teoryang Pampanitikan na Makikita sa Pelikula


Pumili ng tatlong teorya. Tukuyin ang mga karakter. Itala ang linya ng
karakter, running time kung saan makikita ang teorya. Ipaliwanag ang
kaugnayan ng karakter, linya nito sa teoryang ginamit.

Sundan ito:
a.
Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon: Pagkuha ng mga gamit sa bahay ni Sonya
bilang kabayaran sa kaniyang utang.
Running time: 14:20 - 15:20
Teoryang Ginamit: REALISMO
Pagtalakay/Paliwanag: Ipinakikita sa eksenang ito ang karaniwang ginagawa ng
mga nagpapautang o mas kilala bilang 5-6. Kung saan, sila ay kukuha ng mga gamit bilang
kabayaran sa iyong utang. Nangyayari lamang ang ganitong sitwasyon kung ikaw ay hindi
na nakakapagbayad sa kanila ng ilang buwan. Dahil sa mga nagpapautang na ito, maraming
mga Pilipino ang naghihirap at patuloy na naghihirap. Imbis na sila ay makatulong, mas lalo
nila ginigipit ang mga nagkautang sa kanila.

b.
Linya ng tauhan/eksena/sitwasyon: Sinaktan at Pinipilit ni Theodor si
Sonya na magbayad sa kanyang utang.
Running Time: 1:20:00-1:21:30
Teoryang Ginamit: MARXISM
Pagtalakay/Paliwanag: Makikita sa eksenang ito ang pag api ng mayaman
sa mahirap dahil sa hindi pagbayad ng utang. Ang pagpapakita ng kapangyarihan ni
Theodor gamit ang titulo ng lupa laban kila Sonya at kanyang ama ay nagpapakita
ng marxismo.

c.
Linya ng tauhan/eksena/sitwasyon: Inalok ni Sonya ang kanyang katawan
bilang kabayaran sa kanyang utang.
Running Time: 1:20:40-1:21:00
Teoryang Ginamit: Feminismo
Pagtalakay/Paliwanag: Sa eksenang ito pinakita ang pagalok ni Sonya sa
kanyang katawan bilang kabayaran sa utang kay Theodor. Minaliit ni Theodor ang
pagiging babae ni Sonya at mas pipiliin ang makipagtalik sa bangkay kaysa sa
kanya.

IV. Pangkalahatang Teorya


Magtala ng isang (1) teorya na maaaring ilapat sa kabuuan ng pelikula.
Magtala ng 2 patunay/eksena/sitwasyon mula sa pelikula na nagpapakita ng
kaugnayan sa teoryang napili.

Sundan ito:
Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon: Pagkausap sa bangkay at pagsama
nito sa hapag kainan.
Teoryang Ginamit: REALISMO
Pagtalakay/Paliwanag: Realismo ang ginamit na teorya sa eksena kung
saan kasama nilang kumain ang bangkay ay hindi na bago para sa iba, dahil may
isang tradisyon sa Mt. Province na sinasama nila sa harap ng hapag kainan ang
bangkay ng kanilang yumaong mahal sa buhay. At sa eksena naman na kinakausap
ni Sonya ang babaeng bangkay, ito din ay nangyayari sa realidad. Kapag malapit na
silang mawala sa kanilang katinuan, sila ay umaasa nalang sa himala o swerte sa
bangkay. At kapag hindi nasolusyonan ay maaaring maging resulta ng pagkabaliw at
pagkawala sa sarili.

Mga Petsa ng Pagpapasa: Setyembre 17, 2022

You might also like